Liar 22: Console You

Princess Light's POV

One week later...

Isang linggo na ang nakalipas subalit pakiramdam ko kahapon ko lamang naranasan ang lahat ng bigat at sakit. Patuloy pa ding magulo ang mga pangyayari at patuloy ko pa din itong hindi matantsa. Minsan hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga bagay bagay. Natutulala na lamang ako, at nawawalan ng pag-asa.

Gustong-gusto ko nang matapos ito, ngunit parang walang katapusang daan ang tinatahak ko, at hindi ako maaring umalis dahil hindi ko alam kung paano ako makakatakas o kung may paroroonan pa ba ako. Masyadong nakakatakot at walang kasiguraduhan ang mga nagaganap, pero kailangan kong magpakatatag.

Isang linggo ako nanahimik, nag-iisip at pilit na binabangon ang sarili mula sa muling pagkakalugmok. Gayunpaman, mukhang wala itong epekto dahil hanggang ngayon ay parang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa araw araw kong pagkakatulala at pagiging tuliro.

"Princess." Agad akong napalingon sa lalaking tumawag sa akin. Hindi ko man lamang siya matingnan ng diretso sa mata, kaya't mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kaniya. Natahimik siya dahil sa inasta ko, at pinakiramdaman ako.

"Ilang araw ka nang ganiyan, maayos pa ba ang lagay mo?" Malumanay at maingat na tanong niya, at saka ko naramdaman ang presensiya niya na umupo sa katabi ko. Napahalukipkip na lamang ako at hindi sinagot ang tanong niya.

"I already apologize, Princess. So does, Dos. Iyon pa rin ba ang issue mo ngayon?" Kalmado ang pagkakatanong niya sa akin, at inaantay ang sagot ko, ngunit kagaya kanina ay wala siyang natanggap kung hindi ang tunog ng paghinga ko.

"Sorry, demon. Nagbarilan kami ni Dos noong nakaraan dahil nadala ako sa iniisip kong nag-traydor ang kakambal niya at ang nasa isip ko ay nagtraydor din siya. Akala ko ayos lamang ang magiging pakisamahan namin, subalit biglang uminit ang ulo ko noong tingnan ko siya ng mataman." Muling paliwanag niya. Hindi ko alam kung ilang ulit ko na iyong narinig, at hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang marinig.

Noong nakaraan, habang pinapakalma ako ni Kurt mula sa pag-iyak ay may narinig kaming putukan ng baril sa loob ng masyon, at noong tumungo kami doon ay nadatnan ko si Skyler at Takashi na nagbabarilan.

Hindi ko alam pero sa pagkakatanda ko sumabog ang galit at hinanakit ko ng pagkakataong iyon at sinigawan sila. Inis na inis ako noon, dahil kami kami na nga lang ang kailangan magtulungan, may balak pa silang magpatayan at sa mismong loob pa ng teritoryo ko.

I got mad so I took the immediate action. Mabilis ko silang tinutukan ng baril noon at mabilis na pinatigil. Noong matigil sila ay dali dali ko silang binigwasan na dalawa at laking pasasalamat ko noong hindi sila nanlaban. Halos mag-dilim ang paningin ko sa mga oras na iyon, hindi ko na malayan na bubog sarado na silang dalawa dahil sa pinaggagawa ko.

After my sudden outburst, I did not talk to anyone, kahit si Kurt o si Kuya Thunder pa. Nagkulong ako sa kwarto at pilit na inisip kung saan nag-ugat ang lahat ng mga maling nangyayari ngayon, ngunit sa lahat ng naisip ko, tanging ang muling pagkikita at pagsasama lamang namin ni Gab Gab ang naging simula ng lahat.

Hindi matanggap ng puso ko ang iniisip ko, kaya't halos mabaliw ako sa mga sariling isipin. Hanggang ngayon pilit na prinoproseso ng utak ko ang kaisipang iyon.

Nangyari ang lahat ng mga magulo at hindi inaasahang mga bagay noong magpatangay ako kay Gab Gab papunta sa resort ni Mr. Aquiñas, dahil sa desisyon ko na pairalin ang nararamdaman ko kaya nagkanda-mali mali ang lahat. Lumiko ang daan na sana ay diretso lamang, at nagkaroon ng lamat ang pinong krystal na aking pinahahalagahan. Sa madaling salita, dahil sa isang maling galaw ko ay naapektuhan ang lahat at ang kinalabasan noon ay isang napakagulong sitwasyon.

Cassidee's condition have gone worse, at ang balita ko ay dinala ito sa America dahil kung hindi ito dadalhin doon ay maari na itong mawalan ng buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa din ito nagigising magbuha't noong tinawagan ako ni Gab noon. Pasasalamat ko na din siguro na hindi pa siya nagkakamalay dahil isa din siyang balakid sa akin.

Tres or Takeshi is still in deep slumber, hindi pa din siya nagigising hanggang ngayon. At wala pa din kaming kasiguraduhan sa pagtratraydor niya kaya't lihim kong hinihiling na sana ay magkamalay na siya.

Ang balita ko naman kay Gab Gab ay nandoon siya sa America para kay Cassidee.

At dito sa Apocalypse ay tuloy pa din ang magulong buhay namin. Nanalo naman daw kami sa Europe, kaso ay may mga pinsala pa din na nagaganap. Maayos naman daw ang takbo sa Korea gaya ng nakagisnan. Mabuti na lamang at walang ganoong problema sa ibang bansa, at dito lamang talaga dahil sa katangahan ko.

"Stop overthinking, Princess. Your thoughts will destroy you." Mahinang untag sa akin ni Skyler, kaya't kahit papaano ay nawala ako sa malalim na isipin na kanina pa ako nilulunod dahil sa pagsasalita niya.

"I'm already a chaos, so what's the use?" Pabalang na sagot ko at saka ako mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo at matamlay na dumiretso sa kusina. Naramdaman ko ang pag-sunod niya, ngunit kagaya kanina ay hindi ko siya nilingon dahil makikita ko ang mukha niyang punong puno ng pasa, at ang labi niyang putok dulot ng galit ko noong mabugbog ko sila.

"Kakain ka ba?" Biglang tanong ng isang tinig na kasusulpot lamang. Mabilis akong umiling sa tanong ni Kurt at saka tumungo sa ref at kumuha ng maiinom. Hindi tubig ang kinuha ko... kung hindi alak.

Noong ilalabas ko na sana iyon sa ref ay agad pinigilan ni Skyler ang kamay ko, kaya't mabilis kong ibinigay sa kaniya ang matatalim na titig ko. Nakita ko sa mata niya ang panlalambot dahil paraan ng pagtingin ko sa kaniya, ngunit hindi ko iyon inalintana.

"Stop drinking, Riyah." Mariing banggit naman ni Kurt habang matamang nakatitig sa amin ni Skyler. Hindi ako nag-bigay ng kahit anong emosyon ko sa kaniya at saka ko muling binalingan ko si Skyler at padabog na kinuha ang beer.

Mag-sisimula nanaman sana mag-sermon si Skyler subalit mabilis ko iyong inunahan ng pagtutok sa kaniya ng baril na nasa lamesa. Tiningnan ko siya ng malamig kaya't napa-atras siya at hinayaan ako sa gusto kong gawin.

Aalis na sana ako dala ang isang bote ng alak noong marinig kong magsalita si Skyler gamit ang malalim na boses.

"You know what Princess? It's better off that you are threatening us vocally than keeping quiet. It's a torture. It feels like... that after that silence of yours, a massive explosion will suddenly boom, without us even knowing."

Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay bahagya akong natigilan. Tama siya, masyado akong tahimik ngayon at hindi makausap ng matino. Masyado kong kikimkim ang lahat na maging sa sarili ko ay natatakot ako dahil baka sumabog ang galit ko ng hindi ko namamalayan at nakakasigurado akong isang matinding pagsiklab ang mangyayari.

Isa pa sa kinakatakot ko ay wala man lamang pumapatak na luha sa mga mata ko pagkatapos noong nakaraang linggo. Masama ito, dahil kapag nagpatuloy ito na walang naghehele sa sakit at poot na nararamdaman ko, baka mapatay ko ng basta basta ang lahat ng may sala.

Pinilig ko na lamang ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Huminga din ako ng malalim at saka sandaling ipinikit ang mga mata. Mukhang kailangan ko munang huminga kahit katiting na segundo lamang dahil baka tuluyan na akong malagutan ng hininga.

***

Nagising ako dahil sa liwanag na sumisilaw sa mga mata ko. Unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko, at panandaliang natuliro. Walang tumatakbo sa utak ko noong mga panahong iyon, tanging blanko at tila wala akong inaalala.

Kahit papaano sa segundong iyon, pakiramdam ko nabawasan ang lahat ng dinadala ko. Matapos ko ding magmuni muni nang kaunti ay mabilis akong tumungo sa paliguan at naligo. Nag-ayos din ako matapos noon. Gusto kong lumabas sa lugar na ito, kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Pababa na ako ng hagdan noong may marinig akong ingay. Habang papalapit ako ng papalapit ako sa tunog na iyon, maingat din ang bawat galaw ko. Naging alerto din ako, kaya't laking gulat ko na lamang na parang tumalon iyong puso ko dahil sa gulat noong may sumigaw na may tono.

I almost screamed: What the heck. Mabuti na lamang at parang walang lumabas na tinig sa bibig ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko at tumungo mula sa ingay na iyon. Unti-unti kong nabosesan ang taong sumisigaw...

"I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away."

...or should I say kumakanta?

Nakita ko pa siyang parang sumasayaw sayaw kaya't awtomatikong napataas ang kilay ko. Nagluluto siya ng magiliw. Kunot noo ko din siyang pinagmasdan habang damang dama niya ang kinakanta, mahahalata mong galing sa puso ang pagkakanta niya. Bawat salita, bawat bigkas at bawat paglabas ng mga liriko sa bibig niya ay may pinatutungkulan.

"And when you're weak I'll be strong
I'm gonna keep holding on
Now don't you worry, it won't be long
Darling, and when you feel like hope is gone
Just run into my arms."

Maayos sana iyong pagkakanta niya, may boses siya, ngunit dahil sa tila pagsigaw niya sa kanta ay nawawala ito sa tono. Ngunit kahit ganoon ang kinalabasan ay parang tumama lahat sa puso ko ang sinasambit niya.

May kakaiba akong naramdaman sa puso ko, parang bumilis ang tibok nito lalong lalo na noong lingunin niya ako. Napaatras din ako sa kinatatayuan ko noong magtama ang paningin namin.

"Kurt?" Napakahina noong pagkakabanggit ko sa pangalan niya na paniguradong ako lamang ang nakarinig. Imbis na mailang si Kurt ay lumapit pa siya sa akin at saka ngumiti at muling sinimulan ang pagkanta. Napahugot naman ako nang malalim na hininga dahil doon.

"I'm only one call away. I'll be there to save the day." Kinanta niya ang mga katagang iyon nang buong puso. Damang dama ko na para sa akin ang binibigkas niyang mga salita. Unti-unti din siyang lumapit sa akin, at nawala ang maling tono niya kanina, naging malumanay ang pagkakanta niya at... napaka-soothing noong pakinggan.

"Superman got nothing on me." Ngumisi pa siya noong himingin ang mga katangang iyon, na tila ipinagmamalaki na kayang kaya niyang talunin ang binggit niyang superhero.

"I'm only one, I'm only one call away
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away."

Matapos niyang kantahin iyon at malapit na siya sa akin at bumulong. "Just one call, Riyah. Just call my name, I'll be there even if there's a hindrance or barrier between us, even if death will put it claws around me, I'll save the day for you." Napalunok agad ako dahil doon at marahan siyang itinulak.

May kakaiba akong pakiramdam na naramdaman. Natatakot ako, kinakabahan ako, nahuhurementado ang puso ko, at ang mga pakiramdam na iyon ay naghalo halo sa akin ngayon. Hindi ko na ito maintindihan, ngunit sa pagkakataong iyon nangibabaw ang takot sa akin... takot na baka dumating ang araw na ipagkaluno niya ako.

Agad akong humakbang paatras at mabilis siyang tinalikuran. Nanginginig ang mga kalamnan ko, at parang rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko. Napa-porma ng tila manununtok ang mga kamay ko. Iniling-iling ko din agad ang ulo ko. At saka siya walang salitang iniwan doon.

Dumiretso agad ako sa kotse ko at saka iyon mabilis na pinaandar. Sa bilis noon ay hindi ko na alam kung saan ako napadpad at noong tumigil ako sa pagmamaneho ay pati sarili ko ay nagulat kung bakit ako napadpad sa lugar na ito.

Sa hindi malamang dahilan... namalayan ko na lamang nasa Empire School na ako. Nanginginig ang buong katawan ko noong pagmasdan ko ang visitor's parking kung nasaan ako. Walang ganoong pinagbago, ngunit mahahalata mo na pinaganda pa ito lalo.

Kabisadong-kabisado ko ang lugar na ito, at hindi ko alam kung bakit dito ako napunta. Napabuntong hininga na lamang ako. Ang lugar na ito ay minsan naging bahagi ng isa sa pinakamasasaya na ala-ala ko. Kung hihinga na din lang naman ako, dito na ako sa kung saan kahit sandali... kahit paano ay natutunan kong ngumiti ng totoo at walang bahid ng kung ano mang pagsisinungaling at pagkukunwari.

Bumababa ako ng sasakyan at naglakad papunta sa masukal na daan patungong mini forest. Doon ay may na pader na maari kong akyatin upang makapasok ako ng walang nakakahalata.

Bumalik sa ala-ala ko kung paano ko ito natuklasan.

Nadiskubre ko ito noong minsan kong sundan si Gab Gab noong bata pa kami, at nakita ko siyang tumakas palabas ng school mula dito. Simula noon ganoon ang din gawain ko. Tss. Kay Gab Gab ata ako natuto ng mga kabulastugan noon. Tsk.

Hindi nagtagal nakarating ako sa pader na medyo mababa kumpara sa ibang pader dito na sa sobrang taas ay aakalain mong maabot mo na ang mga ulap. Agad kong inakyat ang pader na iyon at hindi naman ako nahirapan, dahil mayroong mga baging doon.

Noong masa tuktok na ako ay bumugad agad sa akin ang likod na bahagi ng isang malaking building. Mabilis pa sa kidlat akong bumababa sa pinakatahimik na paraan at nagtago sa damuhan dahil maaring may makapansin sa akin.

Noong masigurado kong wala namang tao sa lugar na ito ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at mabilis na naglakad papasok ng building na iyon at tumungo sa pinakamataas na palapag.

Pagka-apak na pagka-apak ng mga paa ko sa rooftop ay agad na sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin. Lumapit pa ako sa bandang railings noon at natanaw ko ang napakalaking main field ng paaralan na mayroong fountain sa bandang unahan para sa entrance.

Natanaw ko din ang napakaraming building na malalayo ang agwat sa isa't-isa. Ang lawak lawak, ang aliwalas, ang sarap pagmasdan. Napakalinis din nito. Iyong mga estudyante na natatanaw ko mula sa mini garden ay mukhang nagtratraining. Ang liliit din nilang pagmasdan mula dito sa itaas.

Ang imahe na nakikita ko ngayon... nakita ko na dati sa panaginip ko noon—kahit na hindi ko pa alam ang buong pagkatao ko.

May kung anong bumara nanaman sa lalamunan ko dahil sa tila napakabilis na paglabas ng mga imahe ng nakaraan sa utak ko.

Sa wakas, pakiramdam ko nakakahinga na ako, dahil nararamdaman ko na ang mga pakiramdam na hindi ko maramdaman nitong mga nakaraang araw. Dinama ko ang hangin na pumapalad sa buhok ko at humahaplos sa balat ko.

Parang pelikula sa isip ko ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. Ang nakaraan na tila walang problema at puro kasiyahan lamang. Ang nakaraan ko na isang napakagandang kasinungalingan.

My past... my beautiful life... that was unfortunately full of lies.

Naalala ko noon kung paano ko ikwento kayna Dennise at Vianca ang lugar na ito na nasa panaginip ko. Ang sabi ko pa noon, kaming tatlo ang magtatayo ng ganito klase at ganito kagandang paaralan. Tuwang tuwa silang sumang-ayon noon.

May pumilipit nanaman sa puso ko dahil sa sakit. Naramdaman ko ang pangungulila at pagsisi. "I'm sorry, I couldn't protect both you." Mahinang sambit ko habang naka-tingin sa nakapaliwanag at napaka-payapang langit.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa langit at patuloy na humihingi ng tawad kayna Dennise at Vianca noong bigla na lamang ako may narinig na may pagka-matinis na tunog. Tunog na parang mula sa speaker ng school?

Akala ko ay kung ano na iyong tunog na iyon kaya't nanlamig agad ang mga kamay ko at muntikan na akong mapatalon sa gulat, ngunit nakahinga din ako ng maluwag noong iyon lamang pala ang narinig kong tunog. Hinayaan ko na lamang iyon, at muli akong nakiramdam sa sarili ko.

Humihinga ako... Iyon ang patuloy kong iniisip. Kahit paano pinaniwalaan ko iyon, at patuloy na bumaha ang isipan ko ang masasayang sandali na naranasan ko noon.

Ginagawa ko iyon noong bigla na lamang akong nakarinig ng pag-strum ng gitara mula sa speaker. Nanlaki ang mga mata ko doon, bigla akong kinalibutan. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin, ngunit wala naman. Nagpatuloy ang pag-strum ng gitara at halos mapa-upo ako dahil sa panginginig ng tuhod ko noong marinig ko ang isang napakapamilyar na tinig.

"Utseobwa seulpeohajiman malgo.
(Give me a smile, don't be sad.)"

Nahigop ko ang paghinga ko noong marinig ko ang mga kataga at boses na iyon. Naiintindihan ako ang mga liriko niya. Pakiramdam ko ay sinadya niya na kumanta sa lenggwaheng iyon, upang ako lamang ang makaintindi.

"Gwaenchanha nunmul heulliji malgo.
It's going to be alright, don't shed tears)."

Kabaligtaran ang nangyari. Imbis na huwag tumulo ang mga luha sa mata ko ay biglang nanlabo ang paningin ko hudyat ng mga likidong nangbabadyang kumawala mula doon. Napatakip ako ng bibig at napa-atras ng kauntian upang masuportahan ng isang kamay ko ang bigat ko upang hindi ako tuluyang matumba.

"Jigeum bureuneun nae noraega, jakeun wiroga doegil barae.
(The song that I am singing now, I hope that it can bring you a bit of comfort.)"

Ang tinig niya, ang mga salitang binibigkas niya... Para akong hinehele noon. Nanghihina ako, subalit pakiramdam ko ay sa wakas nakakahinga na ako nang maluwag at nang malayang malaya. Yes, your voice... And that song is bringing comfort to my mind, heart and soul.

"Utseobwa apahajiman malgo.
(Give me a smile, don't get hurt.)"

I can't. I wanted to answer. Hindi ko pa kaya ngumiti, kasi kung ngingiti ako peke iyon at mas masakit. Noong mga pagkakataong iyon, hinayaan ko na pumatak ang mga luha sa mata ko. Baliktad talaga ang nangyayari, gusto niya akong ngumiti, pero pag-iyak naman ang naging sagot ko.

"Gwaenchanha sesangi neol himdeulgehaedo i sigani da jinagamyeon.
(It's going to be alright, although you are going through a hard time now, time will pass)."

Tama, alam na alam mo talaga. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon. Mabuti na lang talaga, kahit malayo ka, pakiramdam ko nasa tabi kita dahil kahit papaano naririnig ko ang boses mo. Sana nga talaga... Sana talaga, lumipas na ang oras, para matapos na itong lahat ng sakit at hirap.

"Modu da neol ihae halgeoya.
(Everything will look up again)."

Dinama ko ang nakalambing at tagos sa pusong tinig niya. Nararamdaman ko ang emosyon doon. Kahit masakit ang pinagdadaanan ko ngayon, kahit napakadami kong maling desisyon, lumalakas ang loob ko kapag siya ang nagsasabi na matatapos din ang lahat.

"Utseobwa ne gyeote ittjanha, saranghae nae mami deullini.
(Give me a smile, I am right here by your side. I love you, can you hear my heart?)"

I can hear his heart loud and clear. I can feel that he’s right by my side, even though he's out of reach. Kuntento na ako sa ganito, kahit hindi kita nakakasama, alam ko namang nandyan ka para sa akin. Mas maganda nga ito, para kahit hindi kami nagkikita o nagkakasama (dahil iyon ang nakakasama) pakiramdam ko naman katabi ko lamang siya.

"Nuga mworaedo neol midgottneun, naega hamkke ittjanha.
(No matter what, I believe you. I am always here for you)."

Ang sarap pakinggan mula sa tinig niya  na naniniwala siya sa akin ano man ang mangyari. Iyon lamang sapat na para maklaro ang isipan ko, upang makapagsimula ako ng panibago. He's really my strength.

"Utseobwa nae nuneul barabwa, saranghae neol saranghan mameun.
(Give me a smile, look into my eyes. I love you, I have always been looking at your heart.)
Byeonhaji anha nae eokkae gidae.
(It has never changed.)"

Saranghae... Gab Gab. Hindi ko alam kung paano mo nalamang nandito ako sa school, hindi ko alam na nakauwi ka na pala mula sa America. Subalit, salamat dahil pinagaan at pinakalma mo ang nag-aalab na galit sa puso ko.

"Jamsiman swimyeon dwae,
(You can lean on my shoulders, take a rest.)"

Dahil sa simpleng pagkanta sa akin ni Gab Gab. Naging malinaw sa akin ang napakalabong daan. Ngayon, nakakasigurado ako na pagkatapos ng araw na ito, tatayo ako at muling magsisimula upang matapang na makipag-tuos sa mga kalaban namin.

"Utseobwa, neol midgoittneun naega ittjanha.
(Give me a smile. I am here for you, me who believes in you always and forever.)"

I can't give a pure and blissful smile yet, but I assure you... I'll be strong for you because I know that you believe in me, and that's all that I need.

Matapos ang kantang iyon mukhang namatay na din iyong speaker. Napatindig na din ako ng tuwid at saka ko pinunasan ang mga likidong tumutulo mula sa pisngi ko.

Aalis na sana ako noong biglang tumunog ang cellphone ko kaya't sinagot ko ang tawag doon. "Utseobwa apahajiman malgo." Pakantang sambit niya, pinaglapat ko naman ang itaas at ibabang labi ko dahil doon.

"Can't give you a smile yet." Mahina at halos mabasag nanaman ang bosss ko noong sambitin ko ang mga katagang iyon. Ngayon ko lang din talaga napatunayan na alam na alam ni Gab ang bawat galaw ko. He really have his own mysterious ways.

"Kamusta ka noong wala ako?" Pakiramdam ko pinagmamasdan niya ako ngayon mula sa malayo. Mas inayos ko ang pagkakatindig ko at saka ako sumeryoso. Ayaw ko siyang bigyan ng panibagong alalahanin.

"Maayos ako." Kalmadong banggit ko, at saka nagkaroon ng mahabang katahimikan. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang hininga niya at pati na din ang ihip ng hangin. Bago pa man siya makapag-salita ulit ay inunahan ko na siya.

"Gomowo. (Thank you)." Sinserong banggit ko.

"Ngunit may isa akong utos na gusto kong sundin mo." Mabilis din nadugtong ko. Pakiramdam ko ay napakunot noo agad siya dahil sa sinabi ko. "What is it?" Maikling tanong niya.

"Make the Improbus Ille Imperium attend on a party I'm going to prepare for them." Seryoso at buong bigkas ko. Pakiramdam ko ay natigilan si Gab Gab sa kabilang linya, ngunit wala nang nakakapagpabago sa isip ko. Salamat sa pagpapakalma ni Gab sa akin, nag-simula na muling gumana ang utak ko.

"All of the main leaders?" Narinig ko ang malalim na boses niya noong wikain niya iyon at napatango tango naman ako na animo'y kausap ko siya ng harap harapan.

"All of the main leaders." I uttered as an evil smirk formed into my lips.

***

To be continued...

A/N: Alam ko nagtatakha kayo about sa kung ano ba talagang ugnayan nina Gab at Light. Abangan nyo na lang po sa mga susunod na kabanata. Maraming salamat din sa pagbabasa nitong story at matiyagang paghihintay ng update. :) You, readers are amazing.

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top