Liar 21: Vulnerable

Princess Light's POV

"Always take care, Light." Animo'y ayaw akong paalisin dito sa tagong hospital room ni Gab Gab noong sabihin niya ang mga katagang iyon, halatang halata mo sa boses ang panghihinayang at ganoon na din ang kasunod na pagbubuntong hininga niya. Nakita ko din ang bigla niyang pag-tungo kaya't alam kong ipinahihiwatig niya na huwag muna akong umalis.

"Gab..." Tawag ko sa kaniya, ngunit parang may malalim siyang iniisip kaya't hindi man lamang niya ako nilingon. Lihim na lamang akong huminga ng malalim dahil doon. "Evans." Pagtawag ko muli sa kaniya, at pinilit kong pasiyahin ang tinig ko.

Doon ko naman nakuha ang atensyon niya at saka niya ako kunot noong nilingon. "Rivera?" Pang-aasar pa niya, kaya't napa-ismid naman ako, agad din akong sumenyas sa kaniya na lapitan niya ako.

Malibis naman siyang tumalima at saka ako nilapitan. Akala ko lalapitan lamang niya ako, subalit agad din niyang hinapit ang baiwang ko at saka ako niyakap ng mahigpit. "Tss." Mahinang usal pa niya. Ilang sandali pa, siya na ang kusang humiwalay nang kaunti ngunit hindi pa niya ako tuluyang pinakawalan.

Aalis na sana ako nang kusa sa yakap niya, ngunit napasinghap na lamang ako noong halikan niya ako sa labi. Kakaibang pakiramdam nanaman ang naidulot ng paglalapat ng mga labi namin. Natigilan din ako at batid ko sa sarili kong pinanghinaan nanaman ako ng tuhod.

Noong una ay hindi niya iginagalaw ang mga labi niya, subalit makalipas ang ilang segundo ay siniil na niya ang ibabang labi ko. Hindi ko alam pero lagak sa loob kong sinuklian ang mga halik niya. Malalim ngunit banayad ang pamamaraan niya at sa mga sandaling iyon, tila nawala ang lahat ng problema ko.

Matapos ang ilang saglit ako na ang kusang humiwalay dahil hindi na din ako makahinga, ngunit hindi pa ata kuntento si Gab Gab dahil naramdaman ko nanaman ang labi niya sa gilid ng labi ko, at mabilis pa sa kidlat na siniil niyang muli ang mga iyon.

Hindi ko mapigilan mapangiti noong isakbit niya ang mga kamay ko sa likod ng leeg niya at saka mas pinag-dikit ang aming mga mukha. Mahahalata mo talaga ang pananabik sa mga halik niya. Hinayaan ko na lamang siya at dinama ang saya na dulot niya.

Matapos ang halik na iyon ay parehas kaming naghahabol ng hiniga. Tingnan niya ako ng masinsinan sa mga mata at saka nag-salita. "Light. Kailan mo ba ako babawiin?" Parang bata na nag-susumamo na banggit niya. Tagos din sa puso ko ang kalungkutan at pangungulila na ipinapahiwatig ng mga mata niya.

Pakiramdam ko ay agad nagkaroon ng balakid sa lalamunan ko dahil hindi agad ako makapag-salita, tila sumakit din iyon at may kung anong sakit ang biglang naramdaman ng puso ko. I hate this. I hate to see my strength being in this state of sadness. Masakit makitang nasasaktan ang taong mahal mo ng dahil sa iyo.

"Gab-Gab..." Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko dahil sa tanong niya. Kung alam niya na lang na gustong-gusto ko ng makasama siya, kung alam niya niya lang na kating kati na ang mga kamay ko na bawiin siya, kung alam niya lang na ang tanging hiling ko lang ay mabuhay ng payapa kasama siya.

"Light naman." Animo'y batang nag-susumbong na sambit niya dahil hindi ako sumagot sa tanong niya. Napabuntong hininga muli siya dahil doon, at saka hinalikan ang noo ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, mababaliw na ata ako." Hindi mapakaling sabi pa niya.

"Shh. Kapag natapos na ang lahat ng ito. Tandaan mo, ikaw ang unang-una kong babalikan at babawiin." Pahayag ko pa. Nakita ko naman ang pag-ngiti niya at ang mga ngiting iyon ay inaakit ang kaluluwa ko na halikan siya.

***

Maingat at mabilis akong umalis sa lihim na silid na iyon matapos akong iwan ni Gab noong kailangan na niyang puntahan ang mommy niya. Nagkapaalaman nanaman kami kanina kaya't siguro akong alam niyang aalis na din ako, dahil napakadami kong kailangang asikasuhin lalo na at hindi ko na alam kung sino ba talaga ang traydor at kung bakit niya ako pinagkaluno.

Matapos kong magmaneho ng sobrang bilis ay nakarating ako sa isang bar. Doon agad akong umorder ng alak upang inumin. Habang nag-iintay ako noong inorder ko ay hindi ko maiwasang mag-isip ng mga bagay bagay.

Kusa nanamang namuo ang galit at pait sa puso ko. Ilang beses ba ako kailangang maloko? Ilang beses ko bang pagdaraanan ito para matuto ako? I kept saying to myself that I would never be a fool again, but damn... Ang tanga tanga ko pa din hanggang ngayon. Hindi na ata nagtanda ang utak at damdamin ko.

Paulit ulit akong naloloko, paulit ulit akong natatalo pero patuloy pa din akong lumalaban. I had an almost perfect plan for the empire and the liars. However, in one snap of fate, everything turned back to zero. Ganito ba talaga kalupit ang tadhana sa akin? Bakit patuloy akong nahihirapan at pinapahirapan?

Ganoon ba talaga ako kasama noong nakaraang buhay ko at ganito na lamang ang patong patong na kamalasan na nararanasan ko? Walang matinong bagay ang nangyari sa buhay ko. Punong puno na nga ng kasinungalingan, punong puno din ng trayduran.

Really, my life, itself is a big lie.

Hindi ko alam kung kanino na ako nakikipaglokohan sa pagkakataong ito. Minsan parang sa sarili ko na nga ako nakikipaglokohan. Parang sa mismong sarili ko na ako nag-sisinungaling. Tss. Siguro ito ang paraan ng kapalaran para parusan ako, dahil isa din akong sinungaling.

Lies. Liars. Betrayals. Betrayers. Cliché circumstances and cliché people. Predicament at its finest.

"Ma'am here's your order." Nawala ako sa iniisip ko noong marinig ko ang tinig na iyon at saka ko napansin na may waiter na nag-lalagay sa mesa ko ng mga inorder ko. Noong makaalis din agad siya ay tinungga ko na agad ang alak ng walang pag-aalinlangan.

Hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa alak, magpakalunod sa problema at magpakalunod sa kasinungalingan ng buhay ko. Hindi ko akalain na may mararamdaman pa pala ako sa puntong ito. Akala ko kasi naging manhid na ako sa lahat ng bagay maliban na lamang kapag si Gabriel ang nasa harapan ko. Samantalang, naito ako ngayon... Isang babaeng sirang sira na ang buong buhay at pagkatao na pilit binubuo muli ito, kahit alam niya sa sarili niya na walang nang pag-asa.

You really don't need water to drown yourself because your life's circumstances are already enough, for you to feel the pain of dying slowly yet you can't do anything than reflect on everything you've been through.

Hindi ko na alam kung ilang bote na ang naiinom ko, at noong maubos ito ay tinawag kong muli ang waiter upang humingi pa. Dahil kahit napakarami ko nang nainom, hindi ko maramdaman na lasing na ako, dahil buhay na buhay pa din ang hindi maintindihang pakiramdam na patuloy na nagpapahirap sa akin ngayon.

Ilang sandali pa may biglang tumabi sa akin habang umiinom ako, awtomatikong napataas ang kaliwang kilay ko dahil doon, ngunit hindi ko na lamang pinansin ang taong tumabi sa akin. Pababayaan ko na lamang siya, ngunit...

"Tired of the bullshits?" Napatigil ako sa pag-inom noong marinig ko ang malagong na tinig na iyon. Marahan kong ibinaling ang paningin ko sa kaniya, at doon ko na kita ang maamong mukha niya na nakatingin sa kawalan.

"You always know, you can rest, demon." Malumanay na pahayag pa nito. Napa-irap na lamang ako ng palihim dahil doon. Sila lamang ang pwedeng magpahinga, subalit ako? Hindi pwede dahil, hindi matatapos ang lahat ng ito kung tutunganga lamang ako.

"You know that I can't." Mapait na pahayag ko. At saka muling tinungga ang alak. Noong maubos ito ay saktong dating noong bagong order ko na maiinom, agad kong kinuha iyon at walang alinlangang ininom muli na akala mo'y tubig lamang. Ramdam na ramdam ng lalamunan ko ang guhit na hatid noon.

"You are the only one who thinks that way, demon." Kontra naman nitong si Skyler sa sinasabi ko. At saka niya dinampot ang isang bote, nag-simula na din siyang uminom gaya ko, habang nangmamasid ang mga mata sa paligid nitong bar.

"Tss." Mahinang banggit ko na lamang.

"Maawa ka naman sa sarili mo." Biglang naging seryoso ang boses niya at mararamdaman mo doon ang matinding pag-aalala. Nagtama na din ang paningin naming dalawa at tila kumikislap ang mga mata niya dahil sa matinding nararamdaman.

"Sa buhay na ito? Walang lugar ang awa, Sky." Mahinang banggit ko na para bang nauubos na ang boses at buong lakas ko. Ininom ko ng isang diretso ang natitirang alak sa bote, napangiwi pa ako nang kauntian dahil sa matinding hagod nito sa lalamunan ko.

"Princess." Mahina at parang walang pag-asang pagbanggit niya sa pangalan ko. "You can always stop-" Hindi na naituloy ni Skyler ang sasabihin niya noong napapikit ako ng madiin at hinawakan ang kamay niya.

"Kahit ngayon lamang, Sky, huwag mo akong pag-sabihan na parang batang napariwa, kahit ngayon lamang... Karamay lamang Sky, karamay lamang, iyon na siguro ang mahihiling ko sa iyo." Nanghihinang banggit ko habang nakatungo, naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko na parang sinasabi noon na andito lamang siya para sa akin.

Kahit papaano sa ganoong inasta niya ay pakiramdam ko may kasama ako sa problema ko. Na mayroon pang dumadamay sa akin. Kahit hindi niya napakalma ang sistema ko, nagawa naman niyang iparamdam sa akin ang katiting na payapang sandali.

Matapos noon, tahimik akong dinamayan ni Sky sa pag-inom, hindi siya nagsasalita o gumagawa ng kung ano mang-ingay pero nararamdaman ko ang matinding pagkakatitig niya sa akin. Nandoon pa din ang pag-aalala pero kahit papaano ay parang nakahinga na siya ng maluwag habang pinag-mamasdan ako.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas, mukhang gabing gabi na din o maaring madaling araw na. Hindi ko alam, masyadong mabilis ang oras sa paligid ko at nahihirapan na akong sumabay.

Medyo tinamaan na din ako ng alak na kanina ko pang iniinom. Pinigilan na din ako ni Sky at saka ako hinilig sa balikat niya. Hinayaan ko naman siya, kasi wala na akong lakas upang manlaban pa. Napakaraming nangyari sa loob ng napakaikling mga araw.

Kung tutuusin parang mahigit isang taon agad ang lumipas dahil sa mga nangyayari pero ang katotohanan- araw pa lamang ang lumilipas. At bawat pagpatak ng segundo, lalong lumalabo ang daan na gusto kong tahakin. Naliligaw na ata ako.

"Princess." Narinig ko ang tawag ni Skyler sa akin. "Alam mo bang hindi ko na maintindihan ang sarili ko? I was damn worried few hours ago, I was damn mad when I discovered that there was traitor, I don't know, all the feelings inside me kept mixing up. Pero, siguro... mas matindi pa sa nararamdaman ko ang nararamdaman mo, ano?" Mahinang dugtong pa niya, hindi na lamang ako nag-salita, kahit nasa wisyo pa ako.

Oo, medyo lasing ako pero nasa katinuan pa ako. Hindi naman ako basta basta tinatablan ng alak, lalo na kapag problemado ako. Mas mataas ang tolerance ko kapag ganoon at hindi ko alam kung bakit, marahil siguro dahil mas nangingibabaw iyon.

"Hinanap kita noong maihatid namin si Takeshi Ishido sa mansyon. Inutusan ko na din si Kurt at Kuya Thunder na sila na ang bahala sa kaniya, tinawagan na din namin ang kakambal niyang nasa Japan. Hindi ko pa din mabatid kung bakit nagawa ni Tres ang bagay na iyon sa iyo." Pahayag ni Skyler ng iniisip niya. Maging ako, ganoon din ang katanungan sa sarili ko.

Ikaw Skyler? Bakit mo nga hinayaang magdusa ang inosenteng kakambal ko noon? Bakit ganoon na lamang ang galit mo sa Empire? Bakit ganoon mo na lamang pinaramdam sa akin noon kung gaano kasakit na masaksihan ng sariling mga mata mo ang pagkamatay ng kabiak ng pagkatao mo?

I wanted to ask him those things, ngunit lihim na lamang akong mapait na napa-ngiti. Alam ko na nanaman ang sagot sa mga tanong na iyan. Siguro kaya ko lamang gusto ulit tanungin ay dahil baka ganoon din ang dahilan ni Takeshi.

Takeshi Ishido is reckless but I know his strengths kaya't pinili ko siyang humawak sa titulong "Tres" pero mukhang hindi ko naibigay sa tamang tao ang titulong iyon, dahil sa nangyayari ngayon.

"Alam mo bang may kabi-kabilang laban ngayon sa Europe? Umalis nga si Tiara agad noong malaman niyang kinakalaban na ng Empire ang nakaatas na lugar sa kaniya. Ginagawa na ng Empire ang lahat. Kinakalaban na nila tayo, mukhang nasawa na sila kagustuhang makipag-alyansa sa atin kaya iyon na ang ginagawa nila. It's a chaos out there already, the war is officially on, especially when you started the first move." Mahabang pagkwekwento ni Skyler, at tahimik akong nakinig. Hindi ko alam na may nangyayari na sa Europe. Mukhang pinigilan ni Kurt at Skyler ang mga impormasyong iyon na makarating sa akin.

"Pasensya na, hindi namin pinaalam agad sa iyo. Ang dami mo na kasing problema, ayaw na naming dagdagan pa. Lalo na si Kurt. Psh. Ang tigas ng mukha ng lalaking iyon, laging namimilit na dapat ay kaming dalawa na lamang ang bahala, para naman daw makahinga ka sa sobrang sikip na hawla ng diablo." Pagpapatuloy niya. Kahit papaano ay naappreciate ko ang ginawa nilang iyon, at nalaman ko ding ginagawa nila ang mga trabaho nila ng maayos.

"May mga talo tayong laban sa Empire. Malakas pa din talaga sila. Ganoon ba talaga kahirap pabagsakin ang mga iyon? Tss. Gusto na silang durugin, pero aba't lumalaban pa din. Tsk." Inis na banggit niya at naramdaman ko ang kamay niyang hinaplos ang pisngi ko.

Nanatili lamang akong nakapikit katulad kanina. Natahimik naman muling si Skyler. Kahit papaano dahil sa mga sinabi niya bumalik sa utak ko na may nangyayari pa palang ibang labanan at hindi nagpapatalo ang Empire.

Kailangan ko na ulit gumawa ng panibagong plano. Hindi pwede na matalo nila kami. Lalong lalo na ngayon at may nakakalap na akong ebidensya at patunay ng kawalang hiyaan nila. Sana nga lang magpatuloy iyon, at matigil na ang biglaang mga gulong nangyayari, tulad ng kay Takeshi.

"Si Cassidee nga pala." Parang tumigil ng kusa ang paghinga ko noong banggitin iyon ni Skyler. Kahit nahihilo nang kaunti ay napabagon ako mula sa pagkakasandal sa balikat ni Skyler at hinarap siya ng seryoso. Nabigla naman siya doon.

"A-Akala ko tulog ka." Nauutal na banggit niya, umiling na lamang ako dahil doon.

"Anong mayroon kay Cassidee?" Kunot-noong tanong ko. Nawala din ata ang kalasingan ko dahil doon. Muntik ko na din kasing makalimutan na nakatakas nga pala si Cassidee at hindi ko na alam ang iba pang detalye tungkol doon. Kung si traydor nga si Takeshi, saan niya dinala si Cassidee? Huwag mong sabihin na nandoon ang babaeng iyon noong sumabog ang building?

"May mga tauhan sa abandonadong gusali na sumabog ngayon?" Agad na tanong ko. "Nandoon ba si Cassidee?" Sunod na tanong ko ulit. Napa-amang naman si Skyler dahil doon.

"May mga tauhan tayo doon, nilinis nila iyong nangyari, puro sunog daw ang nandoon. Madaming bangkay, mukhang mga underling daw ni Tres. Mahirap makumpirma pero iyong iba daw na hindi tuluyang naging abo o nasunog ay mayroong mga tattoo na tumutukoy sa division nila, kaya't nakumpirma nila na underling nga iyon ni Tres. Ngunit... Ayon sa mga doktor na pinadala namin doon, walang babae sa mga nasawi." Paliwanag niya na agad kong pinagtakha.

Ibig sabihin wala doon si Cassidee? Bakit parang mas lalo akong naguluhan? Takeshi Ishido is the traitor, dapat kasama niya si Cassidee kung nasaan siya lalong lalo na at ang balak ng traydor ay kunin si Cassidee hindi ba?

Kung ganoon ang nangyari? Pwede ba talagang Empire din ang may pakana nito?

"Sky." Tawag ko sa kaniya. "May iba pa bang balita kay Cassidee?" Tanong ko sa kaniya. Ngunit, agad bumagsak ang balikat ko noong umiling siya at saka magbuntong hininga.

"Wala na kaming balita tungkol sa kaniya. Huwag kang mag-alala sa ngayon. Inutusan ko si Kurt na kumalap ng impormasyon tungkol sa kaniya lalong lalo na sa galaw ng Empire. Maari kasing nakatakas si Cassidee sa pagsabog doon, (kung si Takeshi talaga ang traydor) at siguradong didiretso si Cassidee sa Empire matapos ang mga nangyari, kaya't mag-antay tayo saglit." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Si Takashi?" Mahinang tanong ko. Kailangan kong makausap ang kakambal ni Tres na si Dos kung gusto ko ng mga kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa akin. Kambal sila, at alam kong kahit papaano may alam si Takashi sa mga galaw ni Takeshi.

"Ang sabi niya sa akin kanina noong nakausap ko siya ay papunta na siya muli dito sa lalong madaling panahon. Nasa Japan kasi siya dahil nga tinatarget ng Empire ang kumpanya niya dahil iyon ang ginamit natin noon upang lokohin ang Empire." Kung ganoon, nalaman na ng Empire ang kumpanya na ginamit namin? Tss. Hindi na ako magtatakha, mautak pa din sila lalong lalo na kasapi ako noon sa hoodlum. At higit pa doon ang kaya nilang gawin.

The Empires? I never underestimated them, they are not weak, they are not an easy opponent. They are one of the most powerful. We are having a war with a traitorous and violent monster.

"Ano palang nangyayari ngayon sa Empire?" I asked.

"Ahm. Si tita Nathalie na hit and run daw. Ayon sa nakalap ko. Tayo ang pinagbibintangan nilang may kasalanan." Noong sabihin niya ang huling mga salita ay napamura agad ako sa utak ko. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na idamay ang mommy ni Gab sa bagay na ito, dahil katulad ni Ate Gloom, inosente siya at walang alam sa nangyayari.

Oo, she can fight, she can protect herself, she can be violent like any ordinary gangsters or members of the Empire, pero sa nalaman ko sa higit isang taong pagmamanman ko noon sa Empire, wala siyang alam sa katarantaduhan ng asawa niya at ng Yobbo. Kung may alam lang siya, alam kong hindi niya iyon masabi dahil naiipit siya sa sitwasyon na kinalalagyan niya.

"Hindi nila alam na Apocalypse tayo, pero dahil sa nangyari kay tita, mas tinatarget tayo ng Empire. They are attacking us simultaneously because they think we did that. Kahit hindi nila alam kung sino ba talaga ang kalaban nila, patuloy lamang sila sa pagtuklas, at Princess... hindi malayong malaman na nila kung sino ang nasa likod ng nangyari noon sa BioTech at iba pang mga legal na kumpanyang away. Hindi malayong makilala na nila tayo." Napakagat labi ko dahil sa inis.

Ayos lamang na malaman nila na ang Apocalypse ang kumakalaban sa kanila, ngunit ang iniiwasan ko ay ang makilala nila ang mga leader at pati na din sina Skyler. At lalong lalo na ako. Hindi nila pwedeng malaman na ako ang nagtatag noon. Hindi pa nila pwedeng malaman sa ngayon. Hindi pa.

"Kung may malalaman man sila, siguraduhin mong hindi nila malalaman kung sino ang mga pinuno at lalong lalo na ang katauhan ko." Tiim bagang na sambit ko na agad naman ikinatango ni Skyler.

"Ano pang nalaman mo?" Tanong kong muli.

"Iyon lamang. Kailangan natin ng dobleng pag-iingat ngayon dahil mas matinding labanan ang magaganap sa pagitan natin at ng Empire dahil sa mga nangyayari." Napatango na lamang ako doon at napabuntong hininga. Naramdaman ko din ang biglang pagsakit ng ulo ko.

"Argh." Hindi mapigilang ungol ko dahil sa pananakit nito. Mukhang medyo nahihilo na din ako. Aish. Sakit sa ulo talaga ang Empire at ang mga nangyayari ngayon.

"Sandali." Biglang banggit ko, noong pumasok nanaman si Cassidee sa isip ko, at noong maalala ko na tinawagan niya si Gab kanina. Oh shit. I also forgot that tiny important detail. How come na natawagan niya si Gab?

"Bakit?" Takhang tanong ni Skyler habang naka-kunot-noo. Pinigilan ko naman agad ang sarili ko na sabihin sa kaniya iyon. Dahil malalaman niyang magkasama kami ni Gab nitong nakaraang araw na nawawala ako. At mas lalong gugulo ang sitwasyon kapag nalaman niya iyon.

Imbis na sumagot ay umiling na lamang ako at nagpahatid sa mansyon. Agad naman siyang tumalima sa sinabi ko at inalalayan ako papunta sa sasakyan. Siya na din ang nagmaneho para sa akin dahil medyo nahihilo ako, kahit maayos na gumagana ang utak ko.

Bakit nakatawag si Cassidee kay Gab? Anong ba talagang nangyari noong mga panahong iyon? Iyong dalawang napatay ko noon sa laboratory, sigurado akong tauhan sila ni Takeshi dahil sa tattoo nilang nakita ko, at alam kong kaya sila nandoon ay para linisin ang mga kalat nila na natira, ngunit madaming kulang sa impormasyon ko upang mag-wakas ako ng mga konklusyon.

Madaming butas, madaming nakatagong mga bagay bagay, at sana kahit ilan sa mga tanong ko ay masagot ni Dos o Takashi Ishido kapag nakausap ko na siya. Siya na lamang ang pag-asa ko sa mga pangyayaring ito. Sana mabigyan niya ng kaunting kaliwanagan ang isip ko.

Sa sobrang daming tumatakbong isipin sa utak ko hindi ko napansin na unti-unti na pala akong napapikit hanggang sa... tuluyan na akong napadpad sa mundo ng panaginip.

***

Nagising ako dahil sa biglaang sakit ng ulo na naramdaman ko. May kung ano ding pumipilipit sa tiyan ko kaya't wala sa sarili akong tumakbo sa isang pinto na ang alam ko ay patungong banyo.

Noong mabuksan ko ang pintong iyon ay dali dali akong dumiretso sa sink at doon na ako inabutan ng pag-susuka. Napapikit din ako ng madiin dahil sa sakit na nararamdaman ko sa lalamunan ko. Nalasahan ko din ang maasim na bagay na napapagpangiwi sa akin.

Matapos ang ilang sandali ay napahilamos na lamang ako at napansin kong namumula kong repleksyon sa salamin. Napamumog at napatoothbrush din ako dahil sa nangyari. Medyo hiningal pa ako.

Nararamdaman ko pa din ang kaunting pananakit ng ulo ko at pakiramdam na tila ang bigat bigat. Kahit ganoon ay tiniis ko na lamang iyon.

Aish. Paniguradong hangover ito. Noong matapos ako sa banyo ay nagbihis na lamang akong muli at saka dumiretso sa baba.

Nasa hagdanan pa lamang ako noong makita ko si Kurt na may dalang tray. "Riyah." Agad na tawag din niya sa akin, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Gising ka na pala." Nakangiting bati pa niya. Saka ipinakita iyong tray na mayroong pagkain sa akin. "Pinagluto kita ng soup. Bumalik ka na doon sa kwarto mo." Pagsasabi pa nito sa akin.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa ngiti at mata ni Kurt pero sa simpleng salita niyang iyon ay napasunod niya ako. Kusang gumalaw ang mga paa ko pabalik sa kwarto ko, at naramdaman ko naman ang pag-sunod sa akin ni Kurt.

Noong makarating doon ay umupo ako sa kama at napahilot sa sintido habang nakapikit. Naramdaman ko ang presensya ni Kurt na ibinababa iyong tray sa may side table ko, ngunit hinayaan ko na lamang siya at pinagpatuloy ang paghilot sa sariling ulo ko.

Argh. Bakit ba may epekto iyong pag-inom ko kagabi? Tss.

Ilang sandali pa ay muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko noong maramdaman ko siya sa likod ko at pati na din ang paglapat ng malalamig niyang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko-malapit sa may sintido- at siya na ang nagmasahe doon. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Gusto ko siyang sawayin ngunit napakalumanay at napakabanayad ng ginagawa niya at kahit papaano ay naibsan ang sakit ng ulo ko.

"Maayos lang ba?" Tanong pa niya patukoy sa pagmamasahe niya sa ulo ko. Napapikit muli ako at saka marahang tumango. "Nag-inom ka? Tss. Dapat sinama mo ako. Gusto ko ding mag-inom, lalo na sa isang araw ay-" Hindi na naituloy ni Kurt ang sinasabi niya at iniba na lamang ang topic.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong niya. Tumango ako upang malaman niyang medyo masakit pa talaga ang ulo ko.

"Magpahinga ka kahit saglit. Pero kumain ka muna ha?" Parang nanay na sambit niya, kaya't lihim na tumaas ang gilid ng labi ko. "Sana magustuhan mo iyong niluto ko." Dugtong pa niya. Kahit naman hindi niya sabihin iyon ay alam kong magugustuhan ko iyon dahil masarap siyang magluto.

"Riyah, huwag mo pagudin nang sobra ang sarili mo, pwede ba iyon? Nangangayayat ka na." Pakiramdam ko ay iiling iling siya noong sinabi niya iyon. Unconsciously, I pouted. Tss. Lagi na lamang akong nasasabihan ng ganoon.

Para tuloy akong bata na kailangan pang alagaan. Ganoon si Gab sa akin, kahit alam niyang kaya ko, pero minsan hinahayaan pa din niya ako. Si Skyler ganoon din walang ginawa kung hindi pagsabihan ako. Pati itong si Kurt. Tss.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kamay niyang parang pinahihiga ako. Napatingin ako sa kaniya ng nakakunot noo dahil doon, ngunit nginitian lamang niya ako at pinahinga at saka kinumutan.

Tahimik akong sumunod sa ginawa niya. Pakiramdam ko talaga nitong mga nakaraang araw drained na drained ako. Umupo sa gilid ng kama ko si Kurt at patuloy na hinilot ang noo ko, kaya't napapikit ako doon.

"Riyah." Tawag niya sa akin.

"Hmm?" Maikling tugon ko, habang nakapikit.

"Wala wala, may isa lang akong hiling sa iyo. Sana alagaan mo naman iyong sarili mo." Mahinang banggit niya. Tumango naman ako ng marahan doon. Dahil sa pagmamasahe ni Kurt sa ulo ko, naging mas maayos ang pakiramdam ko.

Maraming minuto ata ang lumipas na tahimik si Kurt pero bigla din siyang nagsalita. "Pwede ba kitang ikulong dito? Pagkatapos ako na lamang ang lalaban sa Empire ng solo?" Napakaseryoso ng boses na iyon, kaya't agad akong napamulat at napabagon.

Masamang tingin agad ang pinukol ko sa kaniya. "What are you saying?" Nagtitimping saad ko, habang nakatingin sa kaniya, ngunit hindi siya natinag at seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Riyah." Banggit niya at saka napabuntong hininga. Hinawakan din niya ang kamay ko. "Gusto na kitang patigilin sa ginagawa mo, kaso wala naman akong karapatan. Hindi ko alam pero nahihirapan din ako kapag nakikita kitang nahihirapan. Minsan naiisip ko ngang ikulong o dalhin ka sa ibang lupalop ng mundo na malayong malayo sa gulong ito. Minsan naiisip ko na kahit ang duwag na desisyon ito, mas gugustuhin ko pang takasan mo na lang ang lahat ng problema mo, kaysa harapin." Parang may nagbara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Naramdam ko din ang panginginig ng mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Kurt..." Mahinang sambit ko habang umiiling iling. "Ako ang nagdesisyon nito... Huwag mong pahirapan ang sarili mo, dahil sa mga maling desisyon ko. You can always go, if you are having a hard time here." Sinserong sabi ko sa kaniya.

Hindi ko alam pero bakit ganoon? Ang lungkot lungkot ng mga mata niya? Nakita ko ang mga matang iyan noong mamatay si Dennise noon, bakit nakikita ko nanaman? Iyan na ata ang isa sa pinakamalungkot na matang nakita ko.

He may look tough, but he's also vulnerable. Like me. I'm vulnerable and fragile in every little way.

"Hindi Riyah. Ikaw ang kailangang umalis dito at hindi ako. Umalis ka na lang kaya? Pagkatapos ako na ang bahala dito, kahit kamatayan ko pa ang kapalit-" Agad kong pinutol ang sinasabi ni Kurt dahil doon.

"Stop." Inis na banggit ko. "Hindi, Kurt. Laban ko ito, ako ang tatapos nito. Sinimulan ko ito, hayaan mong ako ang mamatay. Nasali ka lamang dito, pero ako ang mamatay kung may kailangang mamatay." Madiing banggit ko. Natigilan nang sobra si Kurt dahil doon.

Mahabang katahimikan ang namayani. Nanatili kaming nakatitig sa mata ng isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit ko na sasabi ang mga bagay na ito ngayon. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko ang sarili ko na buwagin ang malaking barrier na hinarang ko sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kapag sinasabi niyang magbubuwis siya ng buhay para sa akin.

I hate the idea of it. Bakit ang daming kailangan mamatay para sa akin?! Bakit ganoon na lamang nila kadali isuko ang buhay nila dahil at para sa akin? Bakit?! Masama naman ako hindi ba? Pero bakit ganito sila sa akin? Bakit...

Nanatiling ganoon ang iniisip ko noong basagin ni Kurt ang katahimikan. Ang mga salitang binitiwan niya, tumagos sa puso ko. "Hindi ko hahayaang mamatay ka. Mauuna muna ako." Ngunit kahit ganoon ay mabilis akong umiling.

"Hindi Kurt. Mapahamak na ako, huwag lamang ikaw." Madiing banggit ko. "You've endured so much already, stop being harsh to yourself. Hindi matutuwa si Dennise sa inaasta mo." Mapait na dugtong ko pa.

"Si Dennise at Vianca ang hindi matuwa sa inaasta mo, Riyah. You are the one who is being hard to yourself. Kahit sa ganitong bagay lamang, Riyah. I want to protect you. I want to protect the woman who is like a sister to Dennise. Hindi labag sa kalooban ko ito. I want to protect you, Princess." Kinilabutan ako sa biglang sinabi ni Kurt. Lalong lalo na noong banggitin niya ang pangalan kong 'Princess'. Natigilan ako ng todo.

Mahabang katahimikan nanaman ang namayani. Ngunit pinutol din niya iyon. "Kumain ka na." Maikling sambit niya at saka kinuha iyong tray at nilapag sa kama ko.

"Kurt." Mahinang tawag ko sa kaniya.

"Kumain ka na. Dito lamang ako, babantayan muna kita." Iwas tingin na banggit niya kaya't wala na akong nagawa kung hindi kumain. Habang kumakain, napaisip din ako.

Hindi ako ganito kay Kurt. Cold at masama ang ugali ko pagdating sa kaniya, ayaw ko kasing kaawaan niya ako, ayaw kong maging pasanin niya ako, ayaw kong maguilty siya dahil kay Dennise, ayaw kong mawili siya sa ugali ko noon bilang "Ayah Lynn Rivera" kaya't pinakitunguhan ko siya ng ganoon. Ngunit... Naiba yata ang ihip ng hangin. Kasi kahit pinagtutulukan ko siya noon, nandito pa din siya, kaya naman nabuwag ko na ang tila mataas na hadlang sa pagitan namin.

Nanatiling tahimik si Kurt habang pinagmamasdan akong kumain. Noong maubos ko iyon, ay nginitian niya ako. Sinuklian ko naman siya ng tipid na ngiti, at saka ako bumababa sa kama.

"Si Takashi?" Tanong ko sa kaniya.

"Paparating na dito." Maikling sagot niya kaya't napatango ako.

Matapos noon ay nag-ayos akong muli at lumabas na si Kurt dito sa kwarto. Naligo na din ako, at naghanda. Matapos ang lahat ng gawain ko ay lumabas na din ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto kung nasaan si Takeshi.

Naabutan ko doon si Kuya Thunder na nagbabantay kay Takeshi. Napakunot din ang noo ko noong makita ko ang itsura ni Takeshi. Napakarami nitong burn sa katawan at mukhang kalunos lunos din ang sinapit nito. Nakakaawa siyang tingnan, ngunit hindi noon nabura ang galit ko.

"Kamusta siya?" Tanong ko kay Kuya Thunder.

"Maayos na ang lagay niya sabi noong doktor, subalit hindi pa daw alam kung kailan siya maaring magising lalong lalo na at nanganib nang sobra ang buhay niya." Tugon nito habang nakatitig sa kaawa awang si Takeshi, halos hindi ko na nga din makilala ang kalahati ng mukha niya dahil sa mga burns.

Ilang saglit kaming natahimik at biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang kakambal ni Takeshi Ishido. Agad kong ipinukol ang masasamang tingin ko sa kaniya at tinitigan siya sa mata. Tinitigan niya ako, ngunit makikita mo doon ang respeto sa akin.

"How is he?" Hatala mo sa boses nito ang pag-aalala para sa kakambal.

Umipod ako ng kaunti sa tagiliran at umupo sa sofa, upang makita niya ang kakambal niya. Natigilan agad siya ng makita ang kabuuan nito. Narinig ko din ang pagmumura niya sa kanilang lenggwahe, at ang pagyukom ng kamao nito.

"What the fuck happened?" Batid kong nagtitimpi siya ng galit habang binabanggit ang mga katagang iyon. Napataas naman ang kaliwang kilay ko dahil doon. Matalim ko din siyang tingnan.

"I should be the one asking you that question, Dos. What the fuck happened?" Tiim bagang na sagot ko rito. Nagpapahiwatig na kung bakit nga ba ganoon ang kinahinatnan ng kakambal niya, at kung paano ako naguguluhan at nagagalit sa mga nangyayari.

Natahimik si Takashi dahil doon at napahilamos sa mukha. Tensyonado siyang tumingin sa akin. "Damn it." Bigkas pa niya at saka napa-upo sa sofa. Samantalang ako ay naglakad papalapit sa kaniya.

Naging tahimik ang buong paligid, tanging monitor lamang na nakakabit kay Takeshi ang naging ingay. Si Kuya Thunder ay mukhang kinakabahan dahil sa namumuong matinding tensyon sa amin ni Takashi/Dos.

Kung nanginginig si Takashi sa pag-aalala sa kapatid, ako naman ay nanginginig sa galit, dahil maaring magkasabwat ang dalawang ito. Noong makalapit din ako sa kaniya ay agad ko siyang sinakal sa leeg. Nakita ko ang nanlalaki at nanlilisik niyang mga mata.

Hindi ako nagpatinag doon at diniinan ang pagkakasakal sa leeg niya, iyong tipong lulubog sa laman niya ang kuko ko. Nakita ko ang paghihirap niyang makahinga at nanlaban na din siya, kaya't nakawala siya sa pagkakahawak ko.

Maglalabas sana siya ng baril ngunit inunahan ko na siya at tinutukan ng kutsilyo sa mismong dibdib niya. Isang maling galaw lamang niya at walang pag-aalinlangan kong ibabaon iyon. Tiim bagang siyang napatitig sa akin habang naghahabol ng hininga.

"Kilala mo ako, Dos. Kaya kitang patayin ngayon at pati na rin ang kakambal mo." Madiin at mapanganib na banggit ko. Nakita ko naman ang kaba at pagkainis sa inasta niya, at ganoon na din sa mga mata niya. Wala siyang magawa ngayon kung hindi ang tingnan ako ng masama.

"Ngayon. Isang tanong, isang sagot." Nakangising banggit ko na nakapagdala ng matinding kilabot sa paligid. Pakiramdam ko bumilis ng todo todo ang tibok ng puso ni Takashi dahil doon. Naging tahimik nanaman. At ang katahimikan iyon, parang nagbabadyang kamatayan nanaman. Isa sa paborito kong tunog.

"Traydor ka ba?" Walang gatol gatol na tanong ko.

"Hindi." Mabilis din nasagot niya.

"Paano mo mapapatunayan?" Pang-hahamon ko sa kaniya.

"Sa tingin mo, Uno? Kung kasabwat ako ng kakambal ko, sana pala wala ako sa Japan upang asikasuhin ang kumpanyang gustong patumbahin ng Empire." Sagot niya na mayroong inis na tinig.

"Iyon lamang?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Kilala mo ako, Uno." Maikling pahayag niya na nakapagpatigil sa akin. Sa lahat ng leader, si Takashi ang pinakatahimik at kasundo ko, at masasabi ko ding siya ang pinakakilala ko at alam ko kung nagsisinungaling siya sa akin o hindi, ngunit sa nakikita ko ngayon ay nasisigurado kong inosente siya.

Masyadong matalino ang isang ito kumpara sa kapatid niya kaya't kung siya ang magplaplano ng pagtratraydor ay hindi papalpak. Hindi tulad ng nangyari ngayon na palpak na pagtratraydor.

Padabog ko siyang binitiwan at saka ko inalis ang kutsilyong nakatutok sa dibdib niya. Napa-ayos naman siya ng upo dahil doon. Natahimik kaming lahat. Hanggang sa magsalita si Kuya Thunder. "Lalabas muna ako, kayong dalawa na ang bahala. Mag-usap sana kayo ng matino." Wika pa nito at saka tuluyang lumabas.

Noong kami na lamang ang tao na nandito ay umupo ako sa kapatapat na sofa ni Takashi at tingnan siya ng masinsinan. "May alam ka ba sa ginawa ng kakambal mo?" Diretsong tanong ko. Ngunit sinuklian niya ako ng mapanghamon na tingin. The typical Takashi Ishido, kaya't napa-irap ako.

"Kung may alam ako, sana tinuruan ko siya ng mas maayos na plano para hindi siya palpak." Asar na sambit niya, kaya't napasinghal ako.

"Maayos kitang kinakausap." Banta ko sa kaniya.

"Maayos din ang sagot ko." Balewalang tugon niya.

"Takashi Ishido." Seryosong sambit ko, kaya't natigilan siya, pakiramdam ko ay nanlamig ang mga kamay niya dahil sa ginawa ko. Nilaro ko sa kamay ko ang dalawang maliit na kutsilyo, na maari kong ibato sa kaniya ng walang pag-aalinlangan.

"May alam ka bang bagay kung bakit nagtraydor ang kakambal mo?" I queried without any hesitation and with a firm voice. You can hear the tune of command in my voice. Kaya't sana ay nakuha niya na gusto ko ng maayos na sagot mula sa kaniya.

"Oo." Maikling sambit niya na nakinabigla ko. "Ngunit hindi porket may alam ko ay may karapatan na akong sabihin iyon. Sabihin na nating may alam ako, ngunit kakarampot lamang iyon." Dugtong pa niya.

"Anong alam mo? Sabihin mo ngayon din." Matigas na banggit ko sa kaniya.

"I can't." Sagot niya. At dahil doon ay agad ko siyang binato ng kutsilyo at hindi man lamang niya iniwasan iyon kaya't nagkaroon ng daplis sa pisngi niya, at saka bumaon ang kutsilyo sa may sandalan ng sofa.

"Uno." Seryosong banggit niya. "May ideya ako kung bakit siya nagtraydor sa iyo, ngunit hindi ako sigurado kaya't hindi ko masabi. Respetuhin mo sana ang pribadong buhay ng kakambal ko. Dahil hindi naman namin pinapasok ang pribadong buhay mo. You may call my decision selfish, but this is the one and only thing I can do for my brother." Sinserong dugtong niya.

"Maybe he's the kind of reckless and impulsive, but like you... Mayroon din siyang matinding dahilan kung bakit niya ginagawa ang mga bagay bagay. Nawalan ka ng kakambal, Uno. Alam mo kung gaano kasakit ang bagay na iyon, at biglang kakambal niya, ayaw kong mawalan ng kakambal." Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Naalala ko si Ate Gloom. Kahit naman ako ang nasa katayuan ni Takashi ngayon, mas pipiliin kong maging selfish para sa kakambal ko.

Ang labas ng ginagawa niya ay tinotolerate niya ang kakambal niya, pero hindi naman ganoon iyon, dahil minsan iyon na lamang kasi ang pabor na maari niyang magawa para sa kaniya. Alam ko ang pakiramdam na iyon, dahil may kakambal din ako, at gagawin ko din ang lahat para maprotektahan ito.

"Hindi sana ako sasali sa Apocalypse, Uno alam mo iyan. Pero dahil kay Takeshi kaya sumali ako. At kaya siya sumali ay dahil sa mas malalim na dahilan." Pagpapatuloy pa niya at saka siya napahinga ng malalim, at nawala ang tensyon sa mga mata niya noong tingnan niya ang kaawa kawaang kakambal niya.

"He's just like you, the only difference is that you're using your mind and he's using his heart." Natigilan lalo ako dahil doon.

"Matanong kita, Uno. Bakit ang laki ng galit mo sa Empire? Bakit sabik na sabik ka sa pagbagsak nila? Sagutin mo ang tanong na iyan, at kahit papaano siguro may katiting na masasagot din sa mga tanong mo kung bakit nagtraydor si Takeshi." Iyon ang binggit niya bago siya tumayo, at naglakad papuntang pinto.

"Hindi ka niya trinaydor nang sobra, Uno. Kaya lamang siya tumiwalag sa plano ay dahil sa sarili niyang dahilan, at dahil pinairal niya ang damdamin niya. Sana may matutunan ka din. Palpak iyong plano niya. Bakit kaya? Hindi dahil hindi siya nagiingat, kung hindi dahil mas pinairal niya ang galit at ganid." Iyon ang mga huling katagang winika ni Takashi/Dos at doon din ako sobrang natigilan.

Tumama lahat sa akin iyong sinabi niya. Walang sablay, lahat iyon tumatatak sa utak ko. Dahil sa sinabi niya, napatitig ako kay Takeshi. "Hindi mo ba talaga ako trinaydor? Pinairal mo lang ba talaga ang damdamin mo?" Mahinang tanong ko.

Kung ganoon nga, bakit pa niya ginawa ang bagay na iyon? Bakit pa niya itinakas si Cassidee sa laboratory at kinuha? Pwede naman siyang magsabi sa akin, pwede ko naman siyang tulungan dahil parang iisa lang din ang kagustuhan namin.

Muling bumalik sa isipan ko ang tinanong kanina ni Takashi.

"Matanong kita, Uno. Bakit ang laki ng galit mo sa Empire? Bakit sabik na sabik ka sa pagbagsak nila? Sagutin mo ang tanong na iyan, at kahit papaano siguro may katiting na masasagot din sa mga tanong mo kung bakit nagtraydor si Takeshi."

Malaki ang galit ko sa Empire dahil pinatay nila ang mga taong mahahalaga sa buhay ko. Pinatay nila si Vinaca at Dennise, pinatay nila si tita at tito. Pinatay nila ang kakambal ko. At ngayon nangnganib din ang buhay ng lolo ko. Ilang tao na ang nawala sa akin ng dahil sa kanila. At napakasakit noon, kaya ganoon na lamang kalalim ang galit ko sa Empire.

Kung ganoon... May malaking atraso din ang Empire kay Takeshi/Tres? May pinatay din ba ang Empire na mahalaga sa buhay niya? Kung ganoon man ang dahilan... naiintindihan ko siya, dahil maging ako ay ganoon din ang pinag-daanan.

Mali lamang ang mga naging desisyon at kilos niya dahil magiging malaking problema ang ginawa ng padalos-dalos na kilos niya. Lalo kapag napunta ng muli sa kamay ng Empire si Cassidee. (Na malaki ang posibilidad na nakatakas sa pagsabog.)

Gumising ka na, Tres. Parang awa mo na, kailangan ko na talaga ng kaliwanagan sa mga tanong ko ngayon, tungkol sa iyo, at kung bakit mo kinailangan itakas si Cassidee upang ikaw mismo ang pumatay sa kaniya. Bakit ganoon kalaki ang galit mo sa babaeng iyon?

Gumising ka na. Kasagutan ang kailangan ko, hindi ang mga panibagong tanong na namumuo sa utak ko.

***

Mag-gagabi na at nandito ako sa may garden nakatingin sa langit. Si Takashi o Dos ay nagbabantay daw kay Takeshi o Tres. Nakausap ko din ulit siya kanina, at ang sabi niya, intayin na lamang namin magising si Tres upang maliwanagan kaming lahat.

Sina Skyler, Kurt at Kuya Thunder naman ay patuloy na naasikaso ang mga impormasyon tungkol sa nangyayaring gulo sa Europe. Mabuti na lamang at wala sa Korea, kung hindi kinakailangan kong bumalik doon, dahil doon ang pinaka-lugar ko.

Pilit kong klinaklaro ang utak ko noong biglang tumunog ang telepono ko kaya't sinagot ko ito.

"Light? Ikaw ba ang may pakana kung bakit na hit and run ang mommy ko?" Agad akong natigilan dahil iyon ang bumungad sa akin pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag. Naiyukom ko agad ang isang kamao ko dahil doon. Napahigpit din ang hawak ko sa telepono.

Sa isang iglap nakaramdam ako ng matinding tensyon at pagkagulat. Bumilis din ang tibok ng puso ko, at bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Napakaseryoso ng boses na iyon. Hindi naman namimintang ang tono, pero nakakaba pa din na para bang may ginawa akong kasalanan kahit wala.

"Gab-Gab..." Mahinang bulong ko, at saka ako napalunok. "Wala, alam mo na iyan." Pinilit kong pinakalma ang boses ko dahil doon. Kahit nanginginig na ang mga labi ko.

"I know, Light. I believe in you." Biglang naging malumanay ang boses niya, kaya't kahit papaano ay nawala ang tensyon na nararamdam ko. "May gusto lang sana akong ipaalam sa'yo." Biglang dugtong niya.

"Nandito sa ospital si Cassidee."

Pakiramdam ko ay nabato ako sa kinauupuan ko at tumigil nanaman ang mundo ko. "Ang narinig ko kanina ay halos dead on arrival na siya, ngunit bumalik ulit ang hininga niya. Light... Manganganib ka kapag nagising si Cassidee. But... I can't do anything Light. Kaibigan ko si Cassidee, at asawa niya ako sa harap nila. Hindi kaya ng konsensya ko na patayin si Cass, Light." Napakahina ng pagkakasabi niya noon na parang nagsisi na nalulungkot.

Pakiramdam ko ay thorn siya sa dalawang bagay ngayon. At paniguradong ako at si Cassidee nanaman ang nagpapahirap sa kaniya.

"Gab... Wala kang gagawin. Just take care of her and your mom. Huwag mo akong alalahanin. Kilala mo ako, Gab-Gab, just please do me a favour." Mahinang sambit ko.

"Anything, dummie." He answered.

"Huwag mo akong susukuan, please?" Halos pumiyok ako noong banggitin ko ang mga katagang iyon. Naiiyak ako. Ang hirap hirap na noong sitwasyon naming dalawa.

Matagal ko ng kakampi si Gab-Gab noon pa laban sa Empire. At parehas kaming nahihirapan nang sobra sobra.

Ang sakit sakit ng lalamunan ko, napapatingala na lamang ako sa langit dahil naiiyak na ako, at may kung anong pumipilipit sa puso ko, parang ang hirap hirap ding huminga dahil sa nangyayari.

"Light. Hinding hindi kita susukuan kahit mahirap na, hinding hindi kita pababayaan kahit masakit na. You are my life, Light. Alam mong lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa'yo, at para sa'yo lamang." Damang dama ko ang pagmamahal niya sa akin dahil doon. Ang hirap magpanggap na wala na kaming paki-alam sa isa't-isa kahit ang totoo sabik na sabik kaming makasama ang isa't-isa.

Napa-upo ako sa sarili kong mga paa, at napa-hikbi. Ang mga salitang iyon, sapat na para huwag din akong sumuko. Sapat na para magpatuloy ako sa buhay ko. May oumipihit talaga sa puso ko kaya't ang sakit na nararamdaman ko ay doble.

Gusto ko siyang mayakap at mahagkan ngunit hindi maari. Gusto ko siyang makasama ngunit hindi pwede. Sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Napakahirap.

"Light, sag-app oh." Pakiramdam ko nakangiti siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ngumiti din ako kahit may mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko.

"Saranghae." Maikling banggit ko din at ako na mismo ang nagputol ng linya dahil ayokong marinig niya ang mga hikbi ko dahil ayaw kong panghinaan nanaman siya ng loob dahil sa akin.

Napataklob ang mga kamay ko sa mukha ko at lihim akong umiyak nang umiyak. Ang sakit sakit na bakit sa ganitong paraan ko kailangan maranasan ang matinding pagmamahal? Bakit ang hirap hirap na ng mga sitwasyon? Bakit hindi ako sumasaya? Bakit?

Napayapos ako sa mismong sarili ko kasi pakiramdam ko wala akong karamay. Ang sakit sakit na ng dibdib at lalamunan ko ngunit wala na atang mas sasakit pa sa pangungulilang nararamdaman ko. Nangungulila ako kay Gab at sa kakambal ko.

Patuloy ang pagpatak ng luha ko. Para akong batang iniwan ng magulang sa mall at hindi na alam ang gagawin. Para akong naliligaw sa mundo. Para akong nagsusumamo sa mga tao na tulungan nila ako.

Ganito pala talaga kasakit at kahirap ang lahat? Sa isang iglap, lumabas lahat ng emosyon ko. Gab-Gab? Nasasaktan ka rin ba? Pasensya na ha? Kasalanan ko ang lahat...

Patuloy ang nasasaktan at umiiyak noong bigla na lamang akong may marinig na tinig.

"Umiiyak ka nanaman dahil kay Nathaniel Gabriel Evans? Umiiyak ka nanaman dahil sa hirap na nararamdaman mo? Mahal niyo ang isa't-isa, hindi ba? I've heard all of it... Narinig ko ang sinabi mo... Hindi ikaw ang tipo na basta basta magsasabi ng "saranghae" kung hindi mo talaga ito nararamdaman. But you said it to him without any doubts and with full of emotions. So, please stop crying and please stop hurting yourself." Hindi ko alam pero noong mapatingin ako sa kaniya ay nakita ko ang pagpatak ng mga luha galing sa mga mata niya.

Agad akong nadala dahil doon. Lalo akong naiyak noong makita ko siya. Kahit gulat ako na nandoon siya at hindi ko naramdaman ang presensiya niya kanina. Lumapit siya sa akin at tinayo ako, at saka niyakap. Sa bisig niya ako nag-simulang umiyak ng mas malakas at puno ng hinanakit.

"K-Kurt..." Nauutal na banggit ko.

"Huwag ka nang umiyak, Riyah." Mahinang banggit niya. Ngunit hindi ako makapagsalita.

"Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, kapit ka sa akin, 'di kita bibitawan." Mahinang kanta pa niya kaya't lalong tumulo ang mga luha ko.

"Don't cry Riyah. It's not your fault." Dugtong pa niya.

Hindi ko alam kung bakit hinayaan kong si Kurt na malaman ang tungkol kay Gab. Na hinayaan ko siya na malaman na may koneksyon na kaming muli ni Gab. Hindi ko alam kung bakit... basta ang alam ko lamang... I have faith in him that he will keep his mouth shut about it.

Hindi ko alam kung ilang minuto niya akong inaalo. Natigil lamang siya noong may marinig putukan ng baril mula sa kung saan. At kakaibang kaba nanaman ang aking naramdaman.

***

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top