Liar 2: Invitation
"Kamusta na?" He asked sweetly, after we parted from the hug. Inirapan ko siya dahil sa tinanong niya, alam naman niya nag-tatanong pa, tsk. Ngumiti naman siya dahil sa inasta ko, sanay na siya kaya't natatawa na lamang siya.
"Bakit ka andito?" Walang ganang tanong ko. Lalong lumawak ang mapang-asar na ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. Nang-aasar nanaman ito. Argh.
"Skyler." I warned. Inakbayan niya ako dahil doon. "Chill, Incess. Wala bawal bang bisitahin ka? Nakakatamad umattend sa party ni Cassidee, mas maganda pang dito na lang ako." Seryosong wika niya.
"Kamusta sa Pilipinas?" Irap na tanong ko. Pupunta punta dito ng walang pasabi. Tss. Nag-kibit balikat lamang siya, at saka ibinato sa'kin ang isang bagay, mabilis ko namang nasambot iyon, kaya't noong makuha ko, ay tingnan ko. Isang usb.
"I know you'll ask so many things, like the progress of our plan, the empire, about Alyx, Lian, Shana, Thon, JJ, Tim, Annicka. Yeah, yeah whatever, I'm too tired to answer those." Pangunguna niya sa'kin. Napa-irap naman ako doon. Tatanungin ko nga sana siya sa mga bagay bagay na iyon, dahil siya ang naging mata ko sa Pilipinas.
Ang misteryosong lalaking ito, ang daming pakulo. Tss. One year ago, wala akong mahanap o makita ni isang impormasyon kay Skyler, kahit katiting o kahit birthday niya hindi namin makita. Samantalang si Kuya Thunder naman, hindi rin matandaan kung bakit pamilyar ang pangalang iyon. Hindi ko akalain na mahihirapan ako maghanap ng impormasyon sa kaniya. Masyadong tago, masyadong mautak. Akala ko noon, katapusan na ng paghahanap namin, ngunit napunta ako noon sa isang gang fight, at hindi ko akalain na siya ang makakalaban ko.
Doon nag-simula ang komunikasyon namin. Noong makita ko siya noon, hindi ko na pinakawalan pa ang oportunidad ko at binihag siya. Tandang tanda ko pa noon, kung paano siya nawalan ng malay dahil sa isang move ko, kaya't nadala ko siya sa headquarters bilang bihag.
Doon niya ipinaliwanag ang gusto niya, na gusto niyang mapabagsak ang empire. Nagtaka ako noong una. Dahil sino nga ba siya para gawin iyon? Ang mga tanong na iyan. Siya lamang ang makakasagot. Ngunit, panatag ako sa kaniya, at siya ang pinaka-kasangga ko ngayon.
Sabay at tahimik kaming naglalakad ni Skyler papunta sa kotse. "Sky! Ninakaw mo nanaman si blue, nalingat lang ako saglit kasama mo nanaman!" Napalingon kami sa sumigaw, si Kuya Thunder na tumatakbo papalapit sa'min. Noong makaabot nito, agad nitong binigyan ng suntok si Skyler sa tyan, ngunit naiwasan naman iyon ni Skyler saka sila nagtawanan.
"She's my girl. So what?" Skyler stated while smiling. Agad ko siyang sinamaan ng tingin doon, ngunit inakbayan lamang niya ako. Hinayaan ko lamang siya at saka kami sumakay sa kotse, nasa shot gun seat ako, nasa driver's seat si Sky at nasa likudan si kuya Thunder.
"Did you take care of her, huh?" Skyler inquired, mararamdaman mo sa boses na iyon, ang pag-aalala at pagka-sincere. Saka niya hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko siya sa mata. "Babo, I can take care of myself." Walang ka gana-ganang sagot ko.
Natawa naman siya ng marahan doon. "I know, demon." Pagkatapos niyang sabihin iyon, nag-start na iyong kotse at marahan siyang nag-drive. Pagod daw tas siya pa nag-drive, ibang klase din itong lalaking ito.
Habang tahimik siyang nag-dri-drive habang naka-intertwined ang kamay namin, ay palihim kong pinag-mamasdan ang muka niya. Halata ngang pagod siya. Alam ko kasing nag-punta muna siya ng Japan dahil inasikaso niya ang business niya at ibang mahahalagang gawain na inutos ko sa kaniya sa Japan. Kahit ganoon, nagawa niya pa din akong puntahan. Ibang klase talaga.
Si Annicka? She's just a friend of him. Matagal na niyang nilinaw iyon kay Annicka, they act like bestfriends, ako na rin ang nagsasabi sa kaniya na huwag niya pabayaan si Annicka, dahil si Annicka walang partner lagi, at kailangan rin ni Annicka ng mag-proprotekta sa kaniya, hindi tulad ni nina Alyx na mayroon namang three doofuses.
"How's your day?" Tanong ko sa kaniya, habang nakatigil ang kotse namin dahil sa stop light. He gave me a weak smile. "I'm so tired, still being with you gives me strength." He stated mellowly, at saka marahang hinalikan ang kamay ko. Natawa naman ako doon.
"Stop being so cheesy, it sucks." Asar na tungon ko, kaya't napa-ismid siya. Lihim naman akong napangiti sa reaction niya.
"Hoy kayong dalawa, tigilan niyo iyan! Hindi ako sanay. Langya, ang lalakas niyo sa labanan tas ganyan kayo kapag kayo lang? Kilabutan nga kayo!" Biglang sabi ni Kya Thunder sa tinig na parang nandidiri.
Mabilis ko namang nakuha ang isang dagger na nasa bulsa ko at mabilis iyong pinalipad sa likod ng kotse, at narinig ko ang mahina at malutong na mura ni Kuya Thunder. "Bullshit." Napatingin naman ako sa rearview mirror, at nakita kong nakatarak iyong dagger sa sandalan ng upuan malapit sa muka niya.
Napangisi naman ako dahil doon. "You should have targeted his face, demon." Wika ni Skyler na may mapang-asar ma ngiti sa labi. Matapos noon, wala ng nag-salita sa'min at patuloy kaming nag-byahe. Hanggang sa makarating kami sa headquarters.
Agad humiga si Skyler sa sofa at ipinikit ang mata. Tss. Samantalang ako ay inayos ang ibang gamit ko at inilagay ito sa isang mahalagang kwarto. Binuksan ko rin ang laptop ko at isinaksak ang ibinigay na USB ni Skyler. Mga files ng empire at iba pa. Sinuri ko rin ito, at kahit papaano naayon sa plano namin ang lahat.
Maya-maya pa nakaramdam ako ng gutom kaya't pumunta ako sa kitchen at kumuha ng chips at malamig na tubig. Nag-paalam din si Kuya Thunder na bibisita siya sa mga ibang underlings namin, at sa mga gang fight. Tumango na lamang ako sa kaniya.
Maya maya ay binuksan ko na lang ang tv dahil tulog pa din si Sky at natapos ko na iyong mga files. Bumungad sa'kin ang balita sa Germany na ang daming na talagang natatalo ng Apocalypse. Lihim akong napangisi ng mala demonyo doon. Ginagawa ni Tiara ng mabuti ang trabaho niya.
Habang nanunuod ako ay may naramdaman akong presensya kaya't mabilis kong nadampot ang shurikens malapit sa'kin at mabilis na ibinato iyon sa may pinto. Mabilis ang naging pangyayari at tila na-estatwa ang lalaking nasa pinto, mabuti na lamang at naiwasan niya iyong mga shurikens.
"Damn you, Riyah." He said irritatedly. I just smiled at him devilishly. Kurt's also a part of us. Magkakilala pala sila noon ni Kuya Thunder. Oo galit pa rin sa'kin si Kurt, ngunit alam ko sa sarili ko na naghihilom na iyong galit na iyon, at kung may masama man siyang balak sa'kin o sa mga plano ko, matagal na siyang nakalibing noon pa lamang.
"Why are you here?" Malamig na tanong ko sa kaniya. Napataas naman siya ng kamay doon na parang sinasabing suko na siya. "Bawal na ba ako pumunta dito?" He countered, napa-ismik naman ako doon. Saka siya tiningnan ng masama at mabilis na kinuha ang isang kutsilyo at pinalipad papunta sa kaniya. Mabilis niya iyong naiwasan ngunit nadaplisan siya sa braso.
"Argh! You demon! Sasabihin ko rin naman, hindi mo kailangang pagbabatuhin ako ng kung ano-ano. Alam mo namang walang nakakatapat sa bilis at lakas mo dito." Asar na banggit niya habang umiiling iling. I scoffed because of his act, alam naman niyang ayaw na ayaw kong pinag-iintay.
"I'm here to inform you, na gumagawa ang move ang empire at nakikipag-alyansa sa malalakas na gangs at mafia, nakasalukuyang hindi kontrolado ng Apocalypse." Agad akong napatindig dahil sa sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba, makikipag-alyansa sila sa mga iyon. Hindi ko naman akalain na ganun kabilis, masyado silang atat.
"And another one, they are hunting you." Napataas kilay ako sa sinabi niya. Napa-atras siya dahil sa naging kilos ko, nabasag ko kasi ang basong hawak hawak ko kanina at nag-durugo ang kamay ko ngayon, ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit anong sakit.
"Who?" Maikli ngunit mapanganib na tanong ko.
"Them. The empire." Sabay kaming napalingon ni Kurt sa biglang nagsalita. Si Skyler, gising na pala siya. Magulo pa ang buhok niya, ngunit napaka-seryoso na ng itsura nila.
"Remember what you did on Cassidee's birthday? Your awesome and creepy surprise? They are tracking down your little surprise, pero wala silang nakuhang kahit ano— kahit katiting. Simula noong mangyari iyon, naging magulo ang empire, lalo na noong may sumabog pang balita na ang weakling o ang apocalypse mo ay lumalakas, now they are tracking down the leader of the apocalypse, gusto ata makipag-alyansa sa'yo. Empire are also smart, demon. You shouldn't forget that. Naisip nila na mas maganda kung lihim silang makikipag-alyansa sa inyo, upang mas lumakas sila, they will be using you, that's why they are haunting for the leader of the apocalypse, and they are now in Germany." Napangiti ako ng mala-demonyo doon. Ganun din si Kurt at Skyler.
"They are really quite smart, akala ko sa iba lang sila makikipag-alyansa at hindi sa katulad natin. They are now taking a dangerous risk. Them? Makikipag-alyansa sa binansagan nilang pinaka mahina? Tss. Their pride won't allow it, we all know that. However, they are still taking the risk, at isa lamang ang ibig sabihin noon. Unti-unting nagkakagulo ang Empire." Bakas sa boses ni Kurt ang saya dahil doon, napangisi naman ako doon.
"Then, let the hunt begin." I said with a playful smile.
***
Tatlong araw na ang nakalilipas simula noong malaman ko ang balitang hatid ni Kurt, pinabalik ko si Skyler papuntang Pilipinas para bantayan ang galaw ng empire, at ngayon naman papunta na akong Germany, dahil kinabukasan rin gaganapin ang pagpapakilala ni Tiara. Sigurado sa panahong iyon gagawa ng move ang Empire.
Hawak ko ang larong nilalaro namin, ngunit hindi ko hawak ang Empire, kaya't kahit gaano kapulido ang plano ko, alam kong maaring magkagulo ang lahat ng iyon, kapag may isang mali, kaya't napag-pasyahan kong pumunta sa Germany upang, masaksihan ko ang lahat.
Nabalaan ko na rin si Tiara about sa Empire, and we will declare war. Tiara's reign will be a symbolic act of the Ruthless Age of the Mafia. Dahil mag-sisimula na ang gera laban sa'min at sa Empire, kasama na rin ang iba pang organization.
Simula noong magpakalayo ako, marami akong nalaman, katulad ng ginawa ng Gangster Empire noon kay Gab, yes, alam ko ang kwento na dahil kay Gab kaya nakidnap at namatay ang kakambal ko, and that becomes the trigger of everything I'm planning.
As for Hoodlum, I know, someone is controlling them. Hindi ko alam pero ang strange ng Hoodlum hindi mo alam kung kakampi ba sila o kaaway, hindi din ako makahanap ng contact sa lolo at parents ko. There's really something going on, in my dear empire.
Samantalang ang Yobbo, mukang nakikipagtrayduran din sila, dahil may nakuha akong tracks noon na nakikipag-alyansa sila sa Grim Monarch na pinaka-kalaban ng Empire, hindi pa ito sigurado dahil ako lamang ang nakakita ng impormasyon na iyon, dahil nadelete agad iyon sa hindi malamang dahilan.
Ang Grim Monarch naman na isa sa pinaka malakas at pinaka maimpluwensiya ay nanahimik, ngunit napakarami pa din nilang maduduming gawain. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng Grim Monarch sa ngayon, dahil sobrang maingat sila, at nararamdaman ko rin ang paghihiganti nila.
When the time comes, the center of the war will be, Empire vs Apocalypse vs Grim Monarch. And the heck, everything is getting more and more complicated. Kapag nag-simula ang war, sisiguraduhin kong babalik ako ng Pilipinas, at papatayin ang mga taong matagal ko ng dapat pinatay.
The fucking three Empires are chaos. Kahit ang mismong Empire ko pa dati. Kung pwede lamang napatay ko na silang lahat, maliban sa lolo at parents ko, ngunit hindi ko ito basta basta magagawa sa isang iglap lamang. I need to wait for a perfect timing.
Kailangan ko ding makuha ang lolo at parents ko para ma-explain nila sa'kin ang lahat lahat.
Si Skyler marami na siyang nasabi sa'kin noon na mahahalagang impormasyon, at malaki ang naging tulong sa'kin noon. Marami akong alam tungkol sa Grim Monarch at Empire at sa pinag-danan nila noon dahil sa sinabi at pinaalam sa'kin ni Skyler.
If my life is real cruel so does the life of other people who surrounds me. There's so many lies that tangled all our lives.
Hindi ko na mabilang pa ang mga kasinungalingang nalaman ko, at natutuklasan ko. It's all so much. Minsan hindi ko kinakaya iyong mga nalalaman ko dahil sa sobrang nakakalito, nakakagulo, nakakamatay. Minsan naiisip ko, kung kamatayan naming lahat ang kasagutan uoang matigil ang lahat ng kasinungalingan, because the time we are born, all lies are made up. I, them, everyone, lives in this chaotic world full of lies.
Sobrang tagal ng byhae ngunit noong makarating kami nina Kuya Thunder at Kirt, dumiretso kami sa lugar lung saan nagkalat ang iba't-ibang gang fights. Ang tinatawag na Heartless City. Bago kami bumababa sa kotse, nag-suot kami ng mga maskara. Pagkarating na pagkarating namin doon may nangyayaring labanan. Mukang mga underling ng apocalypse, at ibang gangs.
Noong una walang nakapansin sa'min, ngunit noong makita kami ng ibang mga nandito malapit sa'min natigilan sila, ganun din ang iba at unti-unti napukol ang pansin sa'min at natigilan sila. Napuno ng matinding tensyon ang buong lugar, parang may dumaang anghel dahil sa sobrang tahimik ng napaka-ingay na lugar kanina.
"Who are you?" Nanginginig na tanong ng isa. Napa-ngisi naman ako doon. At saka nag-simulang maglakad, rinig na rinig ang tunog ng talong ng heels ko dahil sa katahimikan. Hindi ko alam kung bakit sila natahimik, gayung hindi naman nila kami kilala, marahil ay sa aura na dala namin kaya ganoon.
Nakarating ako sa center stage ng mistulang arena sa kugar na ito. Tumingin ako sa paligid, ang daming tao, mapa-lalaki o babae, karamihan ay mukang may mga masamang gagawin at ang aangas ng dating ngunit ang iba naman ay tila napaatras sa takot.
Walang nagtangkang umimik, kaya ako na ang nag-salita. "Who's the leader of the strongest gang in here?" Mapanganib na tanong ko, samantalang tila halos nanigas ang lahat dahil sa kaba at takot. Lihim akong napatawa sa utak ko, bakit ba sila nakakaramdam ng takot? Para iyon lang. Tss.
"Who are you?" Mas lalong naging tensyonado ang lahat dahil sa kasunod na nangyari mayroong biglang tumalon na makisig ag malaking katawan na lalaki dito sa stage at pinaputukan ako ng baril, ngunit walang kahirap hirap ko iyong naiwasan, saka nag-bitiw ng tatlong shurikens upang tirahin siya, nakaiwas siya sa dalawa, ngunit bumaon sa balikat niya ang isa, ngunit wala man lang reaksyon ang muka niya.
Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil doon. Alam kong hindi siya tatablan noon, dahil sa sobrang laki ng katawan at muscles niya. Lumapit siya ng kauntian sa'kin at saa bumuwelo upang suntukin ako, natawa naman ako ng marahan doon. Parang hangin ko lamang siyang iniwasan, walang kahirap hirap,mparang warm up lamang. Noong medyo mapagod siya, tumigil siya at matalim akong tiningnan.
"Who the fuck are you?" He asked dangerously, I smirked evilly. As I answered. "Apocalypse member." Sa mga sagot kong iyon, napasinghap ang lahat. Natigilan din ang lalaking nasa harapan ko. Parang hindi sila makapaniwala may isang member ng apocalypse dito.
"F-forgive me, for my actions." The guy said as he bowed his head. Napataas naman ang kanang kilay niya doon. "Spare my—" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya noong lapitan ko siya at saksakin sa dibdib niya. Kitang kita ko ang sakit sa ekspresyon niya pati na rin ang pagtulo ng dugo sa bibig at dibdib niya. Nginitian ko lamang siya ng pagkatamis-tamis. "Rest in hell." Bale-walang banggit ko at saka marahang hinugot ang kutsilyo sa dibdibniya at saka siya bumagsak sa sahig kasabay noon ang pag-agos ng dugo.
Napa-ngisi ako noong makita ko ang dugo sa blade ng punyal na pinansaksak ko sa kaniya. I miss this, I miss seeing blood. "The strongest gang leader, have a battle with me." I challenge bluntly. Nakakamiss ring gamitin ang dahas, nakakamiss din makipaglaban.
Gusto ko lamang bigyan ng surpresa si Tiara upang mas ganahan siya sa pagpapakitang gilas niya.
Walang anu-anuman may bigla na lamang pumanik sa stage na limang lalaki. Napangisi ako doon, mas malalaki ang katawan nila kaysa sa kaning napatay ko. Mas nakakatakot din ang itsura niya ngayon. Mas lalong naging tensyonado ang lugar dahil doon.
"We are the one who rule here." Matikas na sabi nito. Napatawa naman ako ng marahan doon na tila nang-aasar. So, tama nga ang sinabi ni Tiara, na ayaw paawat ng ilang malalakas na gang na magpasakop sa Apocalypse? Tss. Wrong the decision. The one who tries to disobey us, dies.
Walang pasabing inatake nila ako, samantalang hinawakan ko ng mahigpit ang punyal na gagamitin ko sa kanilang lahat. Mabilis akong naka-iwas sa mga atake nila, at minsan ay sila sila rin ang nagkakasakitan dahil sa sobrang liksi ko. Noong makakuha ako ng pagkakataon ay mabilis akong kumilos at ginilitan sa leeg ang isa sa kanila. Dahil sa nangyari mas maging agresibo ang kilos nila at natataman ako ng ilang suntok nila ngunit hindi ako ganoong nasasaktan dahil sa bilis ng kilos ko.
Nakita ko ang isang miyembro nila na kukuha ng isang baril kaya't mabilis kong pinalipad ang shuriken sa dako niya at nasapol siya sa mata. Napakalakas ng sigaw niya dahil sa ginawa ko. Kitang kita ko rin ang pagtulo ng dugo mula doon, at nabitawan niya ang baril niya, agad akong kumuha ng pagkakataon upang makuha ang baril ngunit hinarangan ako ng mga natitira pa, kaya't nakilaglaban ako sa kanila. Konting suntok, pag-tapon ng punyal sa tiyan, at isang malakas na suntok sa puso ang ginawa ko kaya't natumba sila kahit natamaan ako ng mga kilos nila.
Binilisan ko ang kilos ko at kinuha ko ang baril noong isang lalaki, saka wala siyang alinlangan na pinaputukan sa ulo gayun din ang mga kasama niyang namimilipit sa sakit. Napuno ng dugo ang stage ng arena, ganun ang mga kamay ko ngunit nakaramdam lamang ako ng gaan ng loob dahil doon. Wala pa ring kupas ang bilis at lakas ko, kahit halos ilang buwan ko na rin itong hindi ginagamit, dahil naka-focus ako sa computers at iba pa.
Matapos kong gawin sa mga lalaking iyon ang pagpatay. Tumingin ako sa paligid,mbakas ang pag-kaasar sa iba at sa iba naman ay pagkatakot. Dahil sa nangyari may ilan pang sumugod sa'kin ngunit mabilis ko silang napatumba at nabaril.
Hanggang sa dumanak na ang dugo ngunit, hindi man lang ako nagkapawis. "Is that all?" Tila bored na sabi ko, habang naka-upo sa isang tiyan ng malaking lalaki na nakahiga sa sahig habang nakatarak sa noo niya ang punyal ko.
Nakarinig ako ng bulong bulungan na demonyo daw ako, at iba pa. Tss. I'm not called demon's princess for nothing. Sa lahat ng naranasan ko sa buhay, I became the monster of a demon and the queen of death, and a heartless mafia.
Pinaglaruan ko ang baril sa kamay ko at saka ko ito itinutok sa isang banda, pagkatapos ay sa isa naman, hanggang sa makita ng mga mata ko ang kanina ko pa hinahanap na espiya. Hindi ako basta basta pupunta dito at maghahamon ng walang pakay.
Mabilsi pa sa kidlat kinalabit ko ang baril, at dahil medyo malayo siya, nagawa niyang maka-iwas, nagkaroon ng sigawan at umalis ang iba sa mga pusisyon nila kanina, nagkagulo ang lahat, ngunit hindi naalis sa paningin ko ang isang lalaki na hindi ganun kalaki ang katawan at mabilis ngayong kumikilos upang iwasan ang pag-baril ko sa kaniya.
Dahil hindi ko siya mapuntirya dahil mabilis siyang nakaka-iaas, tumakbo na ako papunta sa direksyon sa kung saan siya tatakas, dahil sa bilis at talas ng mata ko, nagawa ko siyang macorner sa isang tabi. Nilapitan ko siya marahan, at ang mga nanunuod samin ay bahagyang lumayo.
Inilabas ko ang isa ko pang punyal at idinikit iyon sa pisngi niya. "Answer me, traitor. Who told you to betray the apocalypse?" Mapanganib na tanong ko sa kaniya, nanginginig ang katawan niya at ramdam na ramdam ko ang takot mula sa kaniya. Imbis na sumagot ay pumikit lamang siya mukang handa ng harapin ang kamatayan niya.
Ibinababa ko ang kutsilyong hawak ko pababa sa leeg niya ng marahan, impit siyang napa-sigaw dahil sa pagka-hiwa sa muka niya. "Answer me, or you'll experience a painful death?" Mapag-larong banggit ko sa kaniya. Nanginginig ang mga labi niya dahil sa binanggit ko.
"H-hindi ako mag-sasalita! Patayin mo na ako!" Malakas na sigaw niya sa muka ko. Agad ko siyang binigyan ng masasamang tingin dahil sa pag-sigaw niya sa muka ko.
"Alam mo bang ayaw ko sa lahat?" Nang-aasar na banggit ko at saka ko hiniwa ang marahan ang kanang parte ng leeg niya. "Sinisigawan ako." Maikling banggit ko at saka ko siya ginilitan sa leeg, at mabilis na umalis sa lugar na iyon at pinag-babaril ang nakita ko pang-espiya.
Habang nasa eroplano kami kanina, tingnan ko lahat ng gurads na nagbabantay sa apocalypse, dahil may nakita akong leakage sa mga impormasyon namin, at na-trace ko kung sino ang gumawa noon, tatlong guards na nagbabantay sa apocalypse lair.
Napatay ko na ang isa, malamang ay nagtatago pa ang dalawa. Napag-alaman ko rin na madalas dito ang tatlong iyon. Kaya't dito ko pina-diretso kayna Kuya Thunder ang sasakyan namin.
"Find the other two." Mahina at maingat na bulong ko kay Kurt noong madaanan ko siya. Mabilis naman siyang kumilos ng dahil sa inutos ko. Maya-maya pa napa-ngisi ako noong makita ko iyong isa. At napalingon ako ng kaunti kay Kurt, mukang may nakita na rin siya. Napangisi ako doon, mukang madali kaming matatapos dito.
Inilabas ko ang shurikens sa kamay ko at pinag-laruan ito habang nag-lalakad, napa-atras at napahawi naman ang mga nagkalat na gangster dito dahil sa'kin noong matantsa ko ang target ko, mabilis kong pinakawalan ang mga shuriken at mukang dahil sa gulat ng target ko ay natigilan siya at hindi makakilos at natamaan siya ng shurikens ko sa binti, braso, tyan, at muka.
Mabilis akong tumakbo matapos noon at sinakal siya. "Who bribed you to double cross the apocalypse?" Mapanganib na tanong ko.
"H-Hindi k-ko sasabihin!" Matapang na sagot nito, kahit nangangatog na. Natawa naman ako doon ng mahina ngunit mala-demonyo. Halos mahimatay ata ang mga ibang nanunuod sa'min dahil sa tawa kong iyon. Takot na takot sila.
"Talaga? Hindi mo sasabihin?" Natatawang tanong ko dito. At saka ko inilabas ang baril na nasa bulsa ng pantalon ko at itinutok sa noo niya. "Fucking. tell. me." I bellowed. Kitang kita ko ang unti-unting pagtulo ng pawis niya sa noo dahil sa kaba. Lalo naman akong nakaramdam ng kasiyahan dahil doon.
"Eins." Pag-sisimula kong mag-biglang. Samantalang hindi mo maintindihan kung sasagot ba siya o hindi. Idiniin ko sa binti niya ang shuriken na nakabaon doon, at napatili siya sa sakit.
"Zwei." Idiniin ko naman ang shuriken na nasa braso niya at saka inayos ang pagkakatutok ng baril sa kaniya. Pakiramdam ko anong mang oras maiihi sa takot ang lalaking ito.
"I'll tell you! I'll tell you!" Nanginginig at aligagang sagot nito, kaya't nagkaroon ng ngiting tagumpay sa labi ko.
"G-Grim Monarch." After he answered, I pulled the trigger of the gun causing a loud bang, at ang pag-talsik ng dugo sa muka ko. Ngunit kahit ganun ang nangyari, ay napangiti na lamang ako at pinahid ang dugo sa muka ko.
"Tss. I never let a traitor live." I whispered as I started to walk again. "You, are you defying the apocalypse?" Mapanganib na tanong ko sa isang babaeng nasa tagiliran ko nanginginig at hindi siya makapag-salita habang umiiling.
Kaya't nginitian ko siya at saka sinuntok sa tiyan at saka ako umalis doon at bumalik sa stage. Noong makabalik ako sa stage na iyon, kinuha ko ang dagger ko na nakatarak ang bungo ng isang lalaki kaninang pinatay ko.
"Don't you dare defy apocalypse, or you will die instantly." Mala-demonyong banta ko sa kanila. "Now if someone in here are against, the apocalypse, be sure you are ready to face death." Dagdag ko pa. Noong may biglana lamang sumigaw.
"You weaklings! You are just weaklings who are trying to be superior! You can't ru—" Hindi pa natatapos ng isang lalaki ang iniimik niya noong pag-babarilin ko siya.
"Die." Mahinang bulong ko, habang binaril siya, at noong makuntento ako ay itinigil ko ito saktong wala ng bala iyong baril kaya't itinapon ko na lamang iyon.
Noong matapos ang gawain ko doon at sinenyasan ko sina Kuya Thunder naalis na kami. Ganun din si Kurt na may bahid ng dugo ang kamay at may talsik pa ng dugo sa muka.
Madugo at tahimik naming iniwan ang heartless city arena, dahil sa takot nila sa ginawa ko. Noong makarating kami sa kotse, ay napa-salampak na lang ako sa likod, at pumasok si Kurt sa shot gun seat at si Kuya Thunder sa driver's seat.
"Grim Monarch, started a war with us." Halos bale-walang sabi ni Kurt, habang ako naman ay napa-mura sa isip ko. So they are starting a move, huh? Mukang kailangan ko ng makipag-negotiate sa kanila, kung hindi sila makukuha sa maayos na pakikipag-usap, makikipagpatayan na lang ako sa kanila.
"How about the information that were leaked?" Kuya Thunder queried.
"Nagawa ko na ng paraan iyon, hindi makakarating sa kahit anong mafia o gangs ang information, I blocked it all." I stated firmly. Hindi naman na nag-salita si Kuya Thunder dahil doon.
Saka siya nag-simulang mag-drive papuntang Apocalypse Lair dito sa Germany. Habang nag-dr-drive siya nag-ring ang phone ko kaya't sinagot ko iyon.
"Fuck you, demon!" Nang-gagalaiting sigaw ng isang babae sa telepono, boses pa lamang nito alam ko na, lalo na't bakas na bakas ang pagkainis doon.
"Chill, Tiara. I just cleaned up the mess, you didn't notice." Walang kagatol gatol na sagot ko. Marahil ay nakarating na kay Tiara ang balitang nangyari sa H.C.A. (Heartless City Arena) ang bilis talaga ng balita.
"How dare you! That's my job! Here in Germany! I'm the boss!" She yelled. Tss. Masyadong nag-papaapekto, para iyon lang. Bakit? Masama bang itesting ko doon ang lakas at pagkademonyo ko? Ang damot ng Wolf na ito. Tsk.
"And when I'm fucking here, Tiara, I'm the ruler." I remarked firmly, kaya't nakarinig ako ng nakakairitang sigaw niya, at saka ang tila pag-hinga ng malalim, at saka ulit nag-salita.
"Darn you. You should have demo your best in other countries, not in mine. I'll really kill you when I see you!" Galit na galit na tugon nito. Natawa naman ako ng marahan doon.
"As if you can, you'll be buried six feet under the ground, before you can even lay a finger on my hair." Kibit balikat na sagot ko sakaniya. Hindi siya nag-sakita matapos noon, ngunit mukang galit na galit pa rin siya. Tss. Childish bloody fighter.
"Argh! You'll pay! I hate you for ruining my plan! Argh! You should be thankful, because I'll be known the next day, and you'll not face my rage until then." Asar na babala niya, na ikinangiti ko, napaka ingay niya talaga ngunit hindi naman niya ginagawa ang pinag-sasabi niya. Tss. Tiara Wolf, will be Tiara Wolf.
"You're too loud, wiedersehen. (bye)" Matapos iyon, binabaan ko na siya ng telepono at tinanggal ang maskara ko at saka pumikit.
"After that awesome and bloodshed fight, what are you planning to do?" Base sa boses mukang si Kuya Thunder ang nagtanong.
"I'll just watch the reign of Tiara then, I'll go to Spain to visit Trevor Castillion." Nakapikit na sagot ko. Pagkatapos ay hindi na nagtanong si Kuya Thunder. Kaya't nagkaroon ng mahabang katahimikan habang nagbyabyahe kami.
Iyong pag-hahamon ko kanina sa malakas na gang, isa lamang iyong palabas upang makita ko ang kaya ko pang gawin, at noong makita ko na nga iyong mga lalaking traydor na ayon sa impormasyon ko ay laging namamalagi sa H.C.A. pinuntirya ko na sila. Hindi dapat sila nagtratraydor sa kagaya namin, dahil maari silang makitilan ng buhay sa isang iglap lamang.
Noong makarating kami sa Lair. Nagpahinga na lamang ako at natulog dahil nakakatamad kung may gagawin pa ako, andyan naman si Tiara, Kuya Thunder at Kurt. Hindi porket ako ang superior nila, ako na ang laging gagawa ng lahat. Para saan pa sila? Tss.
***
Days later.
"Hey, demon. Watch my amazing moves later." Tiara said with pride. Inirapan ko siya doon at saka ko isinuot ang mask kong kulay dugo na may roong disenyong tila dragon.
Ngayon na magaganap ang pag-papakilala ni Tiara na gaganapin sa Heartless City here in Germany, siguradong halos lahat ng gang at mafia members ay nandoon, lalo na ang mga hindi makapaniwala sa nagkalat na balita na sobrang lakas ng apocalypse dito sa Germany.
"Sinong kakalabanin mo, Wolf?" Sabay kaming napalingon ni Tiara noong may mag-salita, mabilis lumipad ang dagger ko papunta sa taong iyon, dahil akala ko kung sino, mabuti na lamang at nasalo na niya ito.
"Argh! Shit. Riyah." Asar nabanggit ni Kurt saka mabilis na ibinato sa'kin ang dagger ko na walang kahirap hirap kong nasambot.
"Five gangs, two mafia leader. Kapag natalo ko sila, they'll be under us. Sila iyong mayroong mga sakop na pasaway na ayaw patalo sa'tin." Tiara retorted while putting a red lipstick on her lips and a raven mascara on her eyes. Noong matapos niya iyon, inilagay niya ang half mask niya, na ang tanging kita lamang ang ibabang bahagi ng muka. Matapos niyang ilagay iyon, sinuot niya ang leather jacket niya na may nakalagay na salitang "Sei Apocalypse." Ginto pa ang pagkakaimprenta sa tatak na iyon. Napa-irap ako noong makita ko iyon dahil ang luho ng babaeng ito.
Matapos niyang gawin iyon, naglagay siya ng apat na baril sa may lalagyan niya sa may bewang. At saka siya kumuha ng dalawang katana at inilagay iyon sa likod niya na naka-ekis. Matapos niyang gawin iyon, may maliliit na bilog siyang kinuha at inilagay sa bulsa, mukang explosive ang mga iyon.
"Ready?" Kurt asked. Tiara nodded, at saka nito nilapitan si Kurt at biglaan na lamang hinalikan sa labi. Hindi ko sila pinansin dahil walang kwenta na lamang.
Inayos ko na lamang ang boots na suot ko, at saka kinuha tiningnan ang itsura ko sa paborito kong dagger. I smiled upon seeing my evil face. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kademonyo.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto, ngunit hindi pa rin tapos mag-halikan si Tiara at Kurt at mukang palalim ng palalim ang halik nila sa isa't-isa, na kinairap ko, at saka ako kumuha ng baril at pinaputukan ang pader na malapit sa kanila, kaya't napahiwalay sila sa isa't-isa at bakas sa muka nila ang gulat at pag-kaasar.
Samantalang si Tiara naman ay kumuha ng isang explosive at ibinato sa pwesto ko, ngunit agad akong nakakilos at nasalo ko iyon. Saka ako ngumisi sa kaniya, at mabilis na ibinato iyon sa kaniya pabalik, mabilis siyang nakaiwas, ngunit dahil iwas ang ginawa niya, ay sumabog ang pader malapit sa kanila, kaya't napatakbo sila papaalis doon.
"Argh! Verdammt, demon!" Tiara yelled. Natawa na lamang ako doon at saka lumabas ng kwartong iyon at saka pumunta sa isang motorsiklong nakaparada sa tila mansion na lair namin dito.
Nakita ko si Kurt na mukang may inuutusan ng dahil na rin sa pag-sabog samantalang si Tiara ay sumakay na sa isang pulang kotse. Ako naman ay nauna ng umalis dahil hindi ako para maghintay sa mga pabagal bagal na kagaya nila.
Mabilis kong minaneho ang big bike na sinasakyan ko at ramdam ko ang pagaspas ng hangin sa muka at katawan ko malamig din ang temperatura dahil gabi ngayon. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa simpleng bagay na iyon, dahil ang gaan sa pakiramdam ng hangin. Parang kahit papaano nakahinga ako sa nakakasakal na buhay ko.
Wala akong ginawa kundi mag-over take sa ibang sasakyan at mag-violate ng traffic signs na kahit stop light na ay dirediretso pa rin ako, minsan ay napapareno at nagkakaroon ng malalakas na pagbusina dahil sa ginawa ko, ngunit wala lang iyon para sa'kin. Bakit ikakamatay ba nila?
Hindi nagtagal nakarating na ulit ako sa heartless city, bungad pa lamang ang dami ng gangs at mafia, mayroon ding media ng underground society, napangiti ako ng patago dahil doon at nakaramdam ng kakaibang kasiyahan. Mukang magiging maganda ang laban ngayon.
Pumunta ako sa isang dako at doon ipinark ang big bike, at saka ako tahimik na nakisiksik sa mga andoon nag-aabang kay Tiara. Madilim na ang paligid at napa-raming mga tao ang may dalang baril, base ball bat, espada, kutsilyo at iba't-iba pang mga armas.
Matapos ang ilang sandaling pag-hihintay namin, ay dumating na ang hudyat na andito na si Tiara at ang mga tauhan niya. Pagkapasok na pagkapasok ng kotse nila nagkaroon na ng tila gera, dahil sinugod na agad sila. Hindi ko mapigilan napangiti dahil doon.
"Survive it, bitch." Mahinang usal ko sa sarili ko patukoy kay Tiara.
Umalis ako ng kaunti doon at pumunta papasok sa isang building upang makita ang nangyayari sa baba. Dali dali akong pumanik papunta sa pinaka tuktok, naparaming hagdan dahil wala namang elevator dahil abandoned building ito.
Noong makarating ako sa pinakataas kitang kita ko ang usok at pagkakahulo sa baba, mukang mayroong gera doon. Lihim na lamang akong nalangiti at saka ko kinuha ang baril na ipinatago ko dito, at ang isang espisyal na baril. Magiging sniper muna ako ngayon. Napangisi ako dahil sa iniisip ko.
Inayos ko ang baril at saka ako nag-simulang umasinta ng mga alam kong leader ng mafia. Pasensya na, Tiara, I can't control myself to kill leaders, because it's my bloodlust.
Marami rami na rin akong nabaril at natapos, kaya't naboringan ako, at nanuod na lamang ulit. Halos halat ay tumba na samantalang si Tiara ay mukang tuwang tuwa pang makipag-laro sa kanila.
Hanggang sa tumakbo siya papunta sa loob ng arena at ang ibang tauhan niya ay sa iba pang parte ng H.C. Hindi naman ganun kalaki ang H.C kaya't kakayanin na nila iyan. Sa entrance naman ay kitang kita mo ang mga paparating pang miyembro ng Apocalypse. Nice, Tiara really knows how to bring an excitement within me, dahil kita ko mula dito sa taas ang mga specialize bombs na pinagkaka-abalahan ng ibang tauhan ni Tiara noon, hindi lamang iyon mayroon ding kakaibang mga baril at mga equipments. Damn this is really war.
Maya maya pa, halos maging pula na ang ibaba kahit gabi ay makikita mo ang pagkapula nito dahil na rin ang mga ilaw sa poste, at nagkaroon ito ng mga malalakas na pag-sabog. Mukang mamaya pang madaling araw matatapos labanang ito.
Kinuha ko ang telescope upang mas makita ko ang ibaba at kita ko dooon ang ibang mga tao na nag-dadala ng ibang kasamahan nila sa sasakyan, marahil ay isusugod nila sa ospital iyong iba.
Halos puro ganoon ang eksena kaya't umupo na lamang ako at sumandal sa pader dito. Mukang dito ako magpapalipas ng mga oras ko, bago ako pumunta ulit sa arena kung saan gaganapin ang pagkapanalo ni Tiara, at pagpapakilala niya.
Umalis na lang kaya ako dito? Nakakatamad walang action. Pero, nakakatamad rin umalis. Tss. Ang gulo ko.
Kinuha ko na lamang ang inumin ko sa isang tabi, ito iyong mga sinabi kong dalhin nila dito. Hindi naman ako para mag-hintay na parang tigang dito. Kaya't kahit papaano ay lilibangin ko rin ang sarili ko.
Hindi naglaon, nakaramdam ako ng kakaibang presensya kaya't naging alerto ako at kumuha ako ng baril. Hindi ako nagsalita dahil madilim naman dito. Rinig ko ang kada hakbang nito at alam kong andoon siya sa entrada dito sa rooftop. Agad kong itinutok doon ang baril ko.
Pinatok ko ito at nakarinig ako ng malakas at malutong na mura. "Bullshit!" Noong marinig ko ang boses na iyon, natukoy kong si Kuya Thunder iyon. Kaya't napataas kilay ako. Anong ginagawa niya dito?
"I know you are there, blue. Don't you dare do that, again. I'm here to give you something." Doon tumayo ako at naglakad papunta sa kaniya.
"What is it?" Malamig na tugon ko.
"Woah! Fuck, blue. You scared the hell out of me!" Sigaw niya noong makita niya akong malapit na sakaniya. Tss.
Matapos niyang maka-get over sa pagkagulat ay may inabot siyang isang envelop sa'kin. Napataas ang kilay ko dahil doon. Tatanungin ko sana siya kung ano iyon at kung para saan iyon ngunit naunahan niya akong magsalita.
"Just open it."
Napa-irap naman ako doon at saka binuksan ang envelop, dahil medyo madilim, may kinuha si Kuya Thunder na flashlight at itinutok iyon sa envelop na hawak ko.
Noong mabuksan ko iyon, at makita ang laman noon. Natigilan at na-estatwa ako, ngunit sa hindi kalaunan ay marahang sumilay ang mala-demonyong ngisi sa labi ko.
Ang laman ng envelop, isang invitation. Isang wedding invitation to be specific at ang nakalagay doon...
Nuptial of Nathaniel Gabriel Evans and Cassidee Therese Servilla.
***
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top