Liar 18: Emergency

Princess Light's POV

Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa at bakas na bakas ang gulat at takot sa mata ni Lian at Tim. Ang mga tingin na hatid nila ay nakapagdala ng kakaibang pakiramdam ng kuryosidad sa akin. Hindi mo kasi matutukoy kung sinsero ba ang pagkakagulat nila o isa lamang iyong pagpapanggap. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya't hindi din ako makapagsalita, at binigyan lamang sila nang malalamig na titig.

"A-Ayah..." Nauutal na banggit pa ni Lian na tila hawak hawak ang braso niyang tinamaan ng balisong ko kanina. Hindi ko pinansin ang pagkakatawag niya sa akin, at ipinukol ko ang aking paningin kay Tim-Tim. Noong mga sandaling lingunin ko siya ay nagtama ang paningin namin at agad siyang nag-tatakbo papalapit sa akin.

"I-I-Incess." Nanginginig na sambit pa niya na tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Napaiwas naman agad ako ng tingin lalong lalo na noong hamplusin niya ang aking pisngi. Bagaman hindi ko kita ang mga mata niya, alam kong sinsero siya dahil sa pakiramdam na hatid niya.

"T-Totoo ba itong n-nakikita ko?" Humahangos na wika pa niya. Imbis na tumugon ay unti-unti kong inalis ang kamay niya sa mukha ko. Lumayo din akong unti-unti dahil baka hindi ko matantya ang kaya kong gawin sa kanilang dalawa ni Lian.

Punong puno ng katanungan ang isip ko. Bakit sila nandito? Sila ba ang mga pinuno noong sumusunod sa amin kagabi? Anong pakay nila? Sunod-sunod ang mga katanungang iyon sa isip ko subalit hindi magawa ng bibig ko ang umimik.

"I-Incess, miss na miss ka na namin, bakit mo ba kami iniwan?" Narinig ko ang basag na boses ni Tim-Tim ngunit hindi ko siya nilingon at tumingin ako kay Lian nakita kong nakatungo siya at iniinda ang natamo niyang sugat. Tiningnan ko si Tim at saka humugot ng malalim na hininga. "Follow me." Maawtoridad na banggit ko at saka tumalikod.

Bago pa man ako makatalikod ng tuluyan ay nahagip ng paningin ko si Gab-Gab na naka-ngisi habang umiiling-iling. Hindi ko alam, pero kakaibang kaba ang dulot noon sa akin. Parang nahigop ko bigla ang aking hininga dahil sa simpleng ginagawa niyang iyon. Nakakakilabot. Hindi ko na lamang iyon pinansin at nag-simula na din akong maglakad at saka ko naramdman ang presensya na tumabi sa akin.

Nilingon ko iyon at nakita ko si Gab na nakatingin sa akin. Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa tingin niya. Halos panlamigan ata ako sa lamig ng mga titig na iyon. Sa isang iglap, parang nawala iyong Gab-Gab na kasama ko kahapon, nawala iyong Gab na punong puno ng emosyon ang mga mata at pakiramdam ko ang kasama ko ngayon ay isa na lamang walang buhay na bato.

"Seems like this daydream is over." Mapait na banggit pa niya, at naramdaman ko na tila pumipihit na sakit sa puso ko at kasabay noon ang tila isang matinding pagkakaupog ng sarili ko sa isang pader. Isang pahiwatig na dapat na akong gumising sa isang munting panaginip na hatid niya.

Sumilay na lamang ng kusa ang mapait na ngiti sa labi ko. Seems like this daydream is really over, but... why now? Bakit ngayon pa kung kailan ayaw ko nang magising? Napapaglaruan nanaman ako ng kamay ng tadhana. Hindi pa ako nasanay.

Hindi nagtagal nakarating kami sa tinutuluyang bahay namin ni Gab-Gab. Pumasok doon sina Lian at Tim-Tim ng walang imik imik dahil marunong silang makiramdam na kapag hindi ako nag-tanong wala silang karapatang mag-salita o mag-paliwanag. Pilit ko din munang klinaro ang isip ko nang sa gayon ay maayos ang pag-uusap namin mamaya.

Papunta na sana ako sa isang kwarto upang kumuha ng first aid kit dahil madami dami ding galos ang nakuha nina Lian at Tim mula sa amin ni Gab, ngunit napansin ko na lamang na pababa na si Gab mula sa hagdan habang dala-dala ang mga iyon.

Walang tingin tingin siyang dumiretso sa dalawa at walang karespe-respetong ibinato iyon. Napaka-pabalang noong ginawa niya at halata mong nabastusan si Tim-Tim dahil doon. Unti-unti na lamang akong napa-iling at marahang sumilay ang ngiting demonyo sa labi ko.

"Pards, wala naman sanang bastusan oh, hindi ka naman namin pinapaki-alaman." Mahinahong banggit ni Tim-Tim habang inaalalayan si Lian, at saka nito dahan-dahang ginamot ang mga tama nito.

Nakita ko naman ang mabilis na pag-iling ni Gab-Gab at sarkastikong pagkakasinghal nito. "Hindi pinapakialaman? Really? Halos makipagpatayan ka na nga sa amin kanina, pagkatapos sinasabi mo iyan?" Hindi makapaniwalang bigkas ni Gab-Gab dahilan para lumapit na ako sa kanila.

Iiling-iling naman si Tim habang nakayukom ang kamao. "Laki talaga ng pinagbago mo, pards. Hindi na kita makilala." Sarkastikong sambit ni Tim-Tim at saka tingnan ng masama si Gab-Gab. Hindi naman siya pinansin ni Gab at umupo lamang sa isang bakanteng sofa sa katapatan nila.

"Tss. Kung hindi mo na ako kilala, mas hindi ko na kayo kilala. Baka nga hindi ko naman talaga kayo nakilala." Makahulugang banggit ni Gab-Gab gamit ang nakapababa at seryosong boses. Marahan akong napatingin dahil sa sinabi niya, at nakita ko ang nangungusap niyang mga mata.

I just stared at him with the same intent. I wanted to hold his ballad hand, but I could not. Iniwas ko na lamang ang paningin ko sa kaniya, at binalingan sina Tim-Tim at Lian.

Noong magtama ang paningin sa akin ni Lian, hindi ko alam kung ano ang sinsabi noon. Pinanatili ko na lamang ang blankong ekspresyon sa mukha ko at saka ko sila kinilatis. Nag-intay pa ako ng ilang minuto hanggang sa natapos ang unang panlapat nila sa mga sugat nilang dalawa. Doon ko lamang din napansin na putok ang gilid ng labi ni Tim-Tim, at may hiwa ito sa bandang noo.

Napa-'tss' na lamang ako sa isip ko dahil mukhang napuruhan siya ni Gab-Gab samantalang ni isang galos o ni kalmot ata wala iyong isa. Samantalang si Lian naman ay may mga sugat din sa binti at hiwa sa braso. Mayroon din siyang maliit na sugat malapit sa leeg dahil sa mga ginawa ko kanina. Ako naman ay meron mang galos ay hindi ko ininda dahil kahit natamaan at nasaktan niya ako kanina ay sanay na ang katawan ko doon.

"A-Ayah..." Mangiyak-ngiyak na tawag sa akin ni Lian, subalit hindi ako nagsalita at nanatiling walang ka-emo-emosyong nakatitig sa kaniya. "N-Nakabalik ka na pala. Bakit w-wala kang pasabi? K-Kamusta ka na? Sorry, Ayah. Sorry." Nauutal na dugtong pa niya habang namumuo ang mga luha sa mata. Napa-irap naman ako doon.

"Tss." Tanging usal ko, at saka nag-pandekwatro.

"I-Incess. B-Bakit ang tagal mong nawala? Bakit mo kami iniwan?" Napabaling naman kay Tim-Tim ang pansin ko noong sabihin niya iyon kaya't lihim akong napa-iling-iling. Samantalang si Gab ay tila walang interes na nanunuod sa dramahan na nagaganap sa pag-itan naming tatlo. Tsk.

Napasinghal muna ako bago mag-salita. "Bakit parang gusto niyo na ata kaming patayin kanina Lian, at Tim?" Walang kagatol-gatol at diretsong tanong ko na biglang ikinatigil nila. Naramdaman ko agad ang namuong tensyon at kaba sa paligid.

Tiningnan ko sila ng diretso sa mga mata at hindi sila makasagot agad. "Bakit tila natatakot kayo?" Biglang sabat naman ni Gab-Gab na halos nakapag-pataas ng mga balahibo sa batok ko. Simpleng tanong lamang iyon pero parang may ibang kahulugan. Mukhang may alam na siya sa nangyayari. Hindi na ako mag-tataka doon, dahil matinik si Gab sa ganitong bagay, mabilis niyang nahuhuli ang mga kakaiba at mali sa isang sitwasyon.

"P-Pards..."

"Nate."

Sabay na banggit ni Lian at Tim paukol kay Gab-Gab. Ramdam ko ang presensiya ni Gab Gab sa tabi ko dahil magkatabi lamang kami. "Hindi naman ata kayo nandito para makipagkasiyahan o makipag-dramahan hindi ba?" Sunod na tanong pa ni Gab-Gab. "Ang ganda nga ng salubong ninyong pakikipagpatayan sa amin, pagkatapos mauuwi sa dramahan. Tss." Singhal pa niya sa kanila habang iiling-iling.

Nanatili nanamang tahimik ang lahat matapos iyong sabihin ni Gab. Kaya't ako ang bumasag sa katahimikan. "Sasagot kayong dalawa o lalagutan kayo ng hininga?" Walang halong birong sambit ko, at isang takot na tingin ang ibinigay nila sa akin.

Alam nilang dalawa ang kaya kong gawin at kapag ganitong seryoso ako ay alam nilang kaya kong totohanin ang mga sinasabi ko. "I hate waiting, just so you know." Malamig na banggit ko habang iniikot-ikot ko sa kamay ko ang dagger na kaninang nasa bulsa ko.

"One." Pag-sisimulang mag-bilang ni Gab habang mayroong mapaglarong ngisi sa labi at baril sa kaliwang kamay. Blankong blanko din ang mga mata niya nakapag-padagdag tensyon sa kapaligiran. Napansin ko naman ang marahang paglunok noong dalawa.

Ito ang isa sa iniiwasan ko... Ang makita kong muli ang mga kaibigan ko noon, na halos hindi ko na kilala ngayon. Hindi ko alam kung sinong pagkakatiwalaan ko, hindi ko alam kung may itinatago pa ba silang sikreto. Ang tanging alam ko lamang, sarili ko lang dapat ang pagkatiwalaan ko at... kapag natapos ang gulong ito, si Gab... Sa kaniya ko ibibigay ang buong tiwala ko.

"B-Bakit kayo ganiyan makapagsalita—?" Agad na naputol ang sasabihing iyon ni Lian noong magsalita ako.

"Kayo, bakit ganiyan kayo mag-lihim?" Lalo silang natigilan, hindi maipinta ang takot at kaba sa mga mukha nila. Pakiramdam ko pinagpapawisan at nanginginig na ang mga kamay nila ngayon dahil sa mga katagang binitiwan ko.

"Si papa bear ay malakas..." Nang-aasar na kanta ko pa gamit ang nakakapangilabot na boses ko habang nakatungo. Pakiramdam ko pati si Gab-Gab kinabahan sa tabi ko dahil sa bigla kong inusal. "Si mama bear ay maganda." Madiing pagkakanta ko pa.

"Si Empress bear ay makulit." Dahan-dahan kong titinigala ang ulo ko, at tila biglang lumamig ang paligid. Pakiramdam ko din ay tila isang sumpa ang mga binabanggit kong kataga, dahil may pumipihit na sakit sa puso ko. Sila Lian, Alyx at Shana ang inaakala kong nanatiling totoo sa akin noon, subalit malalaman ko na lamang na sila pa mismo ang nag-lihim sa akin noong tungkol sa kakambal ko? Masakit. Sobrang sakit.

"Si Princess bear ay tahimik..." Noong kantahin ko iyon ay tiningnan ko sa mata si Lian. Tama iyan Lian, katakutan mo ang paboritong kanta namin ng kakambal ko. "Tingnan mo, tingnan mo, mapapatay kita." Natatawang bigkas ko sa mga huling kataga. Kitang kita ko kung gaano siya napalunok at nanginig sa kinauupuan niya.

Sa kanilang tatlo nina Alyx. Si Shana ang traydor, si Alyx ang may tinatago pero si Lian ang tila hindi ko kilala. Sino ka nga ba talaga Lian Analiz Valle? Mas may misteryo pa ata ang pagkatao mo kaysa sa pagkatao ko. Tsk.

"Ayah."

"Stop calling me, Ayah. Because I'm Princess Light Smith." Madiing bigkas ko at saka marahang tumayo. Tiningnan ko siya nang masinsinan at halos hindi naman mapakali ang tingin niya.

"Speak." Maikling utos ko.

Narinig ko ang nanginginig na boses niya na nagsimulang magsalita. "We are still part of the Improbus Ille Imperium." Pag-sisimula niya patungkol sa gang namin noon sa school. Hindi na ako nag-taka noong banggitin niya iyon dahil mukhang alam ko na kung paanong nandito sila.

"Runabouts." Mahinang singhal ni Gab-Gab at batid kong alam na din niya at gusto lamang niya ng kumpirmasyon kay Lian at Tim ngayon, tulad ng gusto ko. "Tss. Bakit hindi niyo na lang sabihin na inutusan kayo ng Empire?" Walang pag-aalinlangang diretso ni Gab at saka umiling-iling. Parehas kami ng nasa isip. Empire nanaman ang may pakana nito.

"H-How did you know?" Sabat naman ni Tim-Tim. Tumaas naman ang gilid ng labi ni Gab bago tuluyang sumagot.

"State the obvious. Nakalimutan mo na bang ako ang taga-pagmana ng Empire na iyan?" Mahina at matigas na banggit ni Gab habang diretsong nakatingin kay Tim. Bago pa sila magkainitan ay pumagitna na ako at nag-salita.

"Patatagalin niyo pa ba?" Naiinip na sambit ko pa, kaya't napaayos ng upo iyong dalawa at saka nag-buntong hininga. "Tama kayo, inutusan kaming dalawa ng Empire." Pag-sisimula ni Tim.

"Nitong nakaraang araw lamang may biglaang auction ang naganap. Nakapaglabas nang napaka-laking pera ang Empire sa pamumuno ng Dad mo Nate at ng Yobbo. Nasa halos mahigit tatlong kumpanya ngayon ang nanganganib mag-sara dahil sa nangyari. Pilit na pinahanap ng Gangster Empire at Yobbo Empire kung sino ang may kagagawan noon, dahil nag-simula sila ng gera. Ngunit, wala man lamang silang nakuha kahit katiting na impormasyon mula sa kalaban dahil sa tindi ng security systems nito, na kahit Hoodlum Empire ay hindi makapasok. Lalong nagkagulo at nagalit ang lahat ng mga may matataas na pwesto sa Empire, dahil unang beses nila iyong na-encouter. Unang beses na mayroong silang nakatapat na ganoon kalakas." Saglit tumigil si Tim-Tim sa pagkwekwento, kaya't bahagya akong napa-ngisi mukhang alam na ng Empire ngayon na masama akong galitin. Ang saya sa pakiramdam na nahihirapan sila dahil sa akin.

Tama lamang iyan, dahil simula ngayon, unti-unti na kayong babagsak sa mga kamay ko.

"Matapos noon ay pinatawag agad kaming dalawa ni Lian sa Empire, dahil alam nilang kami ang maasahan sa ganitong bagay. Lalo na miyembro kami ng gang na nabuo dahil sa Empire school. Noong una wala kaming mahita ni Lian, dahil kahit anong galing namin mahirap kalabanin ang kalaban." Pagpapatuloy niya, at saka bumaling kay Lian, na tila sinasabi nitong siya na ang magpatuloy.

"After a while, nakahanap ako ng isang mahinang system sa kalaban." Kinakabahang simula ni Lian.

Hindi na ako nag-taka doon dahil kay Lian nahasa ang galing ko sa ganitong bagay, subalit nakakasigurado akong mas lamang ako sa kaniya ngayon dahil nasa taglay ko nang dugo ito.

"Kahit may mahinang system nahirapan pa din akong pasukin iyon. Pasuko na sana ako, ngunit matapos ang halos ilang oras ay nakahanap ako ng butas, isang location na nag-mumula sa isang cellphone na-hinahack din noong kalaban." Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya.

Darn, Kurt.

Iyon agad ang pumasok sa isip ko. Mukhang hinanap ni Kurt ang lokasyon ko at saktong noong hinahanap niya ako dahil nga sa bigla kong pagkawala ay nakuha din ni Lian ang lokasyon ko. Tss. Mukhang hindi mapakali si Kurt kaya't ginawa niya iyon. Ang kulit talaga, kahit nag-sabi ako sa kanila noong gabi. Tss.

Kahit nakakainis iyong ginawa niya at iyon ang dahilan kung bakit nila kami natunton ay pinabayaan ko na lamang. Nandito na alangan namang magalit pa ako kay Kurt? Tss. Sa susunod sana mag-ingat na siya dahil hindi din basta basta kapag sina Lian at Tim Tim na ang kumilos para sa Empire. Dahil sa abilidad nilang higit sa pa sa myembro doon.

"Nagpakahirap kami ni Pandak—I mean Timothy na hanapin ang lokasyon, at noong magawa namin iyon, kumilos na kami. Bagamat, hindi namin pinaalam sa Empire na may alam na kami dahil maaring mali lamang iyon at umasa sila sa wala." Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin ko noong sabihin iyon ni Lian, batid ko din na nag-sasabi siya ng totoo.

"Pagkatapos ng ginawa niyong paghanap sa lokasyon ay sinama niyo ang tauhan na kabilang sa gang, tama ba?" Biglang singit ni Gab-Gab sa usapan. Sabay naman na tumago iyong dalawa. Ngayon, dahil sa sinabi ni Gab, alam ko na ang dahilan kung bakit sinabi niyang pamilyar iyong nakalaban namin noon kahapon, dahil underling sila ng Improbus.

"Noong una ang inutos namin doon sa underling ay tingnan kung may alam ba iyong kalaban o sa madaling salita, kayo, dahil na din kung iyong system nga ang pag-uusapan nahirapan kami ng todo todo, ito pa kayang sunod na gagawin namin?" Tim-Tim said casually. "Kaya naman pinasundan namin kayo noong gabi, sinadya namin na mag-mukhang walang alam sa gawaing ganito iyong sumusnod sa inyo para malaman kung mautak ba kayo o hindi. At ang naging resulta? Mas mautak pa kayo sa mautak, dahil niultimong CCTV ay nagawa niyo agad kontrahin gamit ang simpleng pang-spray niyo sa mukha, at bukod pa doon, hindi na bumalik ang mga underling na sinama namin at batid namin na patay na silang lahat." Iiling-iling na dugtong nito.

Matapos mag-salita ni Tim ay si Lian ang nagpatuloy. "Napagpasyahan namin na kami na mismong dalawa ang haharap doon sa kalaban, kaya naman noong malaman namin na may gaganapin na party dito ay kinuha na namin ang pagkakataong iyon. Ang hindi nga lang namin inaasahan... ay kayong dalawa pala iyon." Pahihiyang sabi nito at saka tumungo.

"Patawad. Kung alam naming kayong dalawa iyon, ay hindi kami susunod sa Empire o kaya naman ay magplaplano ukol dito." Paghingi ng paumahin ni Tim. "Pero, kahit ganoon, masaya ako dahil nakita na muli kita Incess." Bakas sa boses niya ang kasiyahan na may kasamang kalungkutan at saka niya ako binigyan ng tipid ngunit sinserong ngiti.

"Huwag kayong mag-alala hindi alam ito ng Empire at kung sasabihin niyong hindi dapat ito makarating sa kanila ay malugod namin itong susundin." Ani naman ni Lian habang malumanay na nakatingin sa amin ni Gab.

Napabuntong hininga naman ako. Mukhang alam nang dalawang ito na hindi ako maayos sa Empire, mabuti naman at marunong silang makiramdam. "Walang makalabas na kahit ano sa nangyari dito." Pinal na pahayag ko kaya't napa-tango naman iyong dalawa.

Nagkaroon ng matagal na katahimikan matapos ang pag-uuasap namin. Nakatitig sa akin si Lian at Tim na tila hindi pa din makapaniwala sa nakikita nila. Tila hindi pa din sila makapaniwala na nandito na ako, sa harap nila.

Kung tutuusin, gusto ko din naman maging okay sa kanila, subalit sa mga nangyayari ngayon, mukhang malabong mangyari iyon, sa mga misteryo na hindi ko pa alam ang kasagutan at sa mga sinungaling na pakiramdam ko ay nagkalat pa din sa paligid ko.

Maayos naman na rumehistro sa utak ko ang mga sinabi ni Lian at Tim, at kahit papaano kahit ayaw kong mag-tiwala sa kanila ay nagpapasalamat ako na silang dalawa ang nakaalam kung nasaan kami lalong lalo na din dahil ang kasama ko ay si Gab-Gab.

"Ahm." Napalingon ako kay Tim noong bigla siyang tumikhim. Nakataas pa ang kanang kilay ko na animo'y nag-iintay sa kaniyang iuusal.

"H-Huwag niyo sanang m-masamain." Batid ko ang kaba at takot sa pananalita niya, ngunit hindi ko iyon inalintana, kaya't pinagpatuloy niya ang sinasabi niya. "B-Bakit kayo mag-kasama ni Pards? Maayos na b-ba kayo?" Nag-aalinlangang tanong niya. Hindi na ako nagulat sa tinanong niya dahil kahit naman sino ay iyon din ang itatanong sa amin.

Bakit ko nga ba kasama si Gab-Gab, matapos ang mga nangyari? Bakit nga ba nandito siya sa tabi ko kung ang asawa niya ay si Cassidee?

Sasagot na sana ako ngunit naunahan akong sumagot ni Gab-Gab. "None of your business." Madiing sambit nito. Iyon din sana ang sasabihin ko. Napatingin naman ako sa kaniya dahil doon at blanko ang mga mata niya, wala na doon ang pangungulila at lambing.

"Talaga? Hindi ba't si Cassidee ang asawa mo?" May halong inis na sabi ni Lian at bahagya pa siyang napatungo noong parang nabigla din siya sa sinasabi niya. Halatang halata na hindi sila ayos. Akala ko hindi na sasagot si Gab Gab pero nagulat ako noong makita ko ang ngisi sa labi nito at saka umimik.

"Oo. Asawa ko nga, may sinabi ba akong hindi?" Mapangutyang pahayag nito at mas lalong kinagulat ko ang mga kasunod na katagang binitiwan nito. "Bakit ko siya kasama?" Patungkol niya sa akin. "Simple lamang ginagamit ko siya sa pansariling dahilan ko."

Natigilan din ako doon, at napapikit ng madiin. Iyon naman kasi talaga ang mapait na katotohanan, ginagamit lamang niya ako dahil sa mautak ako sa business na itatayo niya. Kahit pa may ipinaramdam siya sa akin sa mga lumipas na oras. Masakit na marinig ko iyon sa kaniya.

It's alright, Light. Everything is your fault anyway.

Nabalot nanaman ang lugar ng nakakailang na katahimikan, at saka padabog na tumindig si Gab na tila nawalan ng paki-alam sa paligid niya. Kung makikita mo ang ekspresyon niya, parang wala siyang nakikitang tao at tanging hangin lamang ang natatanaw niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka sumunod sa kaniya, at noong maabutan ko siya sa hallway sa second floor kung saan madilim at hindi na kami tanaw sa ibaba, ay napayakap ako sa likod niya. Naramdaman ko ang pagtigil ng hininga niya at ganoon din ang init ng katawan niya. Lalong napahigpit ang yakap ko sa kaniya.

Aaminin ko, matapos kong makita ang inasta niya kanina ay parang gusto kong bumalik sa usapan namin noon na huwag muna alalahanin ang ibang bagay at tao sa paligid namin. Na maging selfish muna ako kahit sandali lamang.

"I'm sorry, for making you feel this way." I uttered helplessly. Naramdaman ko naman ang malalim na paghinga niya, at saka niya hinawakan ang kamay ko at maharang dinama. "I'm sorry." Pag-uulit ko pa.

"Shh." I heard the softness of his voice, calming my system down, but making my heart beat doubled. "It's not your fault. Hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon." Matapos niyang banggitin ang mga katagang iyon ay siya na mismo ang nag-tanggal ng mga kamay ko at saka tuluyang pumasok sa isang kwarto ng hindi ako nililigon.

Napatungo naman ako dahil doon. Ginusto mo iyan, Light. Magtiis ka.

Pinag-masdan ko ang pinto ng kwartong iyon. Wala na. Wala na iyong Gab na nakasama ko. Dahil panigurado, mas malamig pa sa yelo ang magiging pakikitungo niya bukas.

***

Kinabukasan...

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog dahil sa tumatanamang sikat ng araw sa mata ko. Imbis na bumangon ay nanatili akong nakahiga. Nakapag-pasya na ako, sa ayaw at sa gusto ni Gab-Gab ay uuwi at uuwi na ako mamaya.

Madami pa akong kailangan gawin at paghandaan, lalong lalo na unti-unti nang nalalaman ng mga dati kong kaibigan na nandito na ako. Kailangan ko ding ihanda ang Apocalypse dahil mukhang may magaganap nanamang gera sa pag-itan namin at ng Empire.

Bakit ba kasi ang kumplikado ng buhay ko? Hindi ba pwedeng ipinanganak kami noon ni Ate Gloom ng walang kinalaman ang magulang namin sa kahit anong mafia at organization? Hindi ba pwedeng normal na buhay lamang ang mayroon saamin?

Napa-iling iling naman ako sa iniisip ko dahil alam kong imposible.

Makalipas ang ilang sandali bumababa na ako at nakaamoy ako ng ulam ng pang-umagahan. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Tim at si Lian ang nag-luluto at mukhang nagkakatuwaan sila. Kitang kita ko din sa mukha nila ang saya.

Hindi ko maiwasan na maka-ramdam ng inggit. Mabuti pa sila parang walang inaalala.

"Siopao, sa tingin mo magugustuhan ito ni Incess? Grabe ang takot ko sa kaniya kagabi. Ang laki ng pinagbago niya, I mean hindi naman super laki pero iyong tipo na sumombra." Nakangiting banggit ni Tim kay Lian at saka niyakap si Lian mula sa likod.

"Sumombra?" Napapaisip na tanong naman ni Lian sa kaniya.

"Oo, sumombra sa pagiging cold, sa pagiging mataray, sa pagiging nakakatakot. As in sobra. Nakakabakla mang sabihin, titig niya pa lang talaga nag-tataasan na balahibo ko sa batok, lalo na noong kantahin niya iyong tatlong bear."

"Ako nga din, pandak. Grabe takot ko sa kaniya, parang papatayin niya ako kagabi." Sabi pa ni Lian. "Ito oh, tikman mo, hindi ba maalat?" Tanong  pa nito kay Tim habang pinapatukim iyong parang soup. Umiling-iling naman si Tim.

"Masarap! Nako, mukhang talentado ang mapapang-asawa ko ah?" Pagbibiro ni Tim. Hindi ko alam pero habang nakikita ko sila, namiss ko bigla ang doofus. Bakit ba ang lambot lambot ng damdamin ko pagdating sa doofus? Hindi ito pwede, dahil maaring may itinatago din sila, maaring nag-sisinungaling din sila.

May ilang sinungaling at traydor man akong kilala, hindi pa din lahat alam ko. Iyong iba tunutuklas ko pa lamang.

"Mapapang-asawa ka dyan? Baliw ka." Natatawang pahayag ni Lian. Ngumiti naman si Tim ng pagkatamis tamis at humiwalay sa yakap niya.

"Tss. Siopao naman. Boyfriend mo na ako ngayon, syempre asawa na kasunod nyan." Natatawang bola ni Tim-Tim sa kaniya. Medyo nabigla ako sa sinabi ni Tim. Sila na pala?

"Ewan ko sa'yo. Tapusin na natin ito, at tawagin mo na doon mamaya si Ayah—I mean si Incess at si Nate." Utos ni Lian kay Tim, kaya tumango-tango si Tim at saka ginawa ang ginagawa niya kanina. Nagtagal pa ako ng kaunti sa isang sulok, at saka ako nakaramdam ng presensya sa likod ko.

Napalingon ako doon, at nakita ko si Gab. Diretso lamang ang tingin niya at saka nag-lakad papunta sa kusina. Sumunod na din ako doon at saka umupo sa upuan.

"Good morning, Incess, Pards."

"Good morning, Incess, saka Nate. Nag-luto kami ni Tim, isa sa way namin ng pag-sosorry sa nangyari kahapon." Inaiilang na banggit pa ni Lian, at hindi namin sila pinansin. Dito sila natulog kagabi dahil na din para mabantayan ko ang kilos nila, pero wala namang kakaiba.

Bagsak ang balikat noong dalawa habang nilalagay sa lamesa iyong niluto nila. Walang imik imik kaming kumain. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng pakikitungo ni Gab Gab na hindi ko na ipinagtaka. Matapos din noon ay umalis na siya ng walang pasabi.

Aalis na din sana ako noong bigla akong yakapin ni Tim Tim at Lian. "We miss you, Incess." Banggit pa nila, subalit itinulak ko sila ng bahagya.

"I have to go." Malamig na wika ko sa kanila.

***

Lumipas ang ilang oras, mag-gagabi na din at naghanda na akong magpaalam kay Gab para makaalis na ako dito. Siguro ay siya ang bahalang mag-paliwanag kay Mr. Aquiñas, tungkol sa pag-alis ko. Tutal baka hindi nanaman ako kailangan dahil halos patapos nanaman ang ibang kontrata sa usapan namin kahapon at kanina.

Nag-aayos ako nang mangilan-ngilang gamit noong bigla na lamang tumunog ang cellphone ko, kaya't sinagot ko agad iyon.

"Oh?" Walang ganang banggit ko. Walang sumagot sa kabilang linya kaya naman nag-taka ako. Nanatili akong nakikinig at tanging paghinga na tila kinakabahan lamang ang aking narirnig.

"Kurt," tawag ko sa pangalan niya.

"R-Riyah..." Nauutal na banggit nito. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba dahil doon. Iyong inaasta ni Kurt parang may masamang ibabalita.

"Wae? Malhae." (Why? Tell me.) Mahinahong utos ko.

"..."

"Kurt, malhae." Pag-uulit ko. Narinig ko ang malalim na buntong hininga bago siya sumagot.

"Si Cassidee—" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na siya at saka nag-salita.

"What about her?" Walang ganang tanong ko kahit may nararamdaman akong kakaiba.

"Nakatakas siya."

Naibaba ko agad ang telepono dahil sa narinig ko. Katatapos lamang ng isang problema may kasunod nanaman? Darn, may sa pusa ba talaga ang babaeng iyon at nakatakas siya? You've got to be kidding me. Damn it.

Dali-dali pa akong kumilos at saka hinanap si Gab-Gab. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin dahil sina Tim at Lian lamang ang nakita ko dito sa bahay. "Incess!" Tawag sa akin ni Tim-Tim.

"Aalis na din pala kami ni Lian. Salamat pa din. Kahit mukhang ayaw mo kaming makita, sana maging maayos din ang lahat. Hindi muna kita kukulitin, baka mapatay mo pa ako." Banggit pa nito, kaya tinanguan ko lamang siya, napansin kong bihis na din sila at handa na talagang umalis. Hindi na lamang sila ganoong pinansin at saka nag-dire-diretso palabas upang hanapin si Gab-Gab.

May kutob akong kanina pa nakatakas si Cassidee, at kailangan ko na talagang maka-alis. Kung hindi ko mahahanap si Gab ay bahala na siya, basta't aalis ako lalo na at ganito ang nangyayari. Tsk!

Patakbo akong naghanap hanggang sa matanaw ko si Gab sa isang garden. Mukhang may kausap siya sa phone at magkasalubong ang kilay, ngayon ko lang din napansin na balisa siya at hindi maintindihan ang ekspresyon. Ngunit, binalewala ko na lamang iyon at saka lumapit sa kaniya at tinawag siya.

"Gab-Gab." May kalakasang tawag ko dahil na din parang hindi niya na pansin ang presensya ko. Natigilan naman siya noong makita ako.

"Are you alright?" Kahit hindi naman dapat iyon ang itatanong ko ay iyon ang lumabas sa bibig ko. Napapikit din ako ng kauntian dahil sa inis sa sarili. Tsk. Bakit ba ang bilis kong mag-alala sa kaniya?

Wala sa sariling tamango-tango si Gab. "Hmm. May sasabihin ako." Iyon na lamang ang nasabi ko, dahil balisa talaga si Gab-Gab. Saka parang nangungusap ang mga mata niya, na tila may ayaw ipaalam sa akin.

"What is it?" Tanong niya sa akin, nakita kong ibaba na sana niya ang cellphone niya subalit tila nanlaki na lamang ang mga mata niya sa narinig niya. "Hold on." Halos walang boses na sabi niya.

"C-Cassidee..." Nauutal na banggit pa niya. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.  Shit. Mukhang alam na niya na nakatakas na si Cassidee. Iimik pa sana siya sa kausap niya sa phone, subalit tila namatay ito dahil nawalan ng signal.

"Bullshit!" Inis na mura ni Gab-Gab at saka dali daling tumakbo at hinawi ako. Nagulat ako sa ginawa niya, dahil bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.

Mag-sasalita na sana ako at itatanong ko sana kung bakit, subalit biglang tumunog ang phone niya. Dali dali niya iyong sinagot na parang nakahinga ng maluwag. Batid ko na kinakabahan siya para kay Cassidee... ngunit bakit? Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

"Hello?" Rinig kong tanong niya noong sagutin niya ang tawag.

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. Nagtaka naman ako doon dahil parang hindi si Cassidee ang kausap niya. "You've got to be kidding be, Dad, that's bullshit! Damn it!" Mas lalo akong nagulat sa lutong ng mura na iyon, at lalong pag-iiba ng ekspresyon ni Gab-Gab. Kitang kita ko ang galit, lungkot, pag-aalala at pagkalito doon.

Kausap niya ang Dad niya? Subalit... si Cassidee dapat ang kausap niya ah? Naguguluhan ako.

"Please... Please..." Halos basag na boses pa na banggit pa nito.

"I'll be there! Ano ba kasing nangyari?!" Galit na galit na bigkas niya at saka ko nakita ang pamumuo ng luha sa mata niya. "Dad, please t-tell Mom to ple-please... please, h-hold on. I'll b-be there. Tell h-her, I-I love her. Huwag siya bibitaw ha? Papunta na po ako." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong magtuluan ang luha niya sa mata.

"W-What happened?" Alinlangang tanong na na tila nabura lahat ng alalahanin ko kanina dahil nakikita kong ganito si Gab. Napaka-balisa niya, at hindi niya maintindihan ang gagawin niya. Para ding nawala sa isip niya si Cassidee, dahil sa dad at mom niya.

"S-si m-mom, nasa hospital... hit and run." Matapos niyang sabihin iyon ay dali-dali siyang tumakbo at halos hindi ako makahingang sumunod. What the heck?! Anong nangyari? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na animo'y nagkakarera.

Nagmamadali naman si Gab na bakas na bakas ang pag-aalala at takot. Na parang gusto na niyang liparin ang daan para lamang makapunta na sa mommy niya. Nakaramdam ako ng matinding kaba at sakit sa puso dahil sa nakikita ko. Parang hinihigop ako noong emosyon niya.

Kanina lamang si Cassidee ang pinag-aalala niya, ngayon naman ang mommy niya, anong nangyayari?

Sumakay sa kotse si Gab at sumunod ako sa kaniya at saka niya ito pinaharurot. Kitang kita ko sa mata niya ang galit at takot. Nanggagalaiti ang itsura niya at nakatiim bagang siya. Natatakot ako dahil sa nakikita ko. Hindi makontrol ni Gab ang emosyon niya.

"Kung sino man ang gumawa noon kay Mom, mapapatay ko siya." Kinabahan ako ng sobra-sobra sa sinabi niya, dahil panigurado ako... kung sino man ang gumawa noon magtago na siya sa kasuluksulukan ng impiyerno dahil hindi siya makakatakas sa pangil ng kamatayan.

***

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top