Liar 12: Poison
Mabilis ang naging sugod ni Cassidee sa akin at sa hindi inaasahang pagkakataon natamaan ako ng isang suntok sa may bandang tiyan. Ngunit, hindi ko na hinayaan na masundan pa iyon. Kahit medyo masakit ang ulo ko dahil sa muntik ko nang pagkakalunod, dinipensahan ko ang sarili ko.
Noong makakita ako ng oportunidad mabilis akong tumalon at saka siya sinipa sa may balikat, napa-upo agad siya dahil sa sipa ko subalit panandalian lamang iyon, dahil mabilis siyang nakatayo at muling umatake.
Mabilis ang naging kilos niya at malalakas. Paminsan minsan ay natatamaan niya ako sa katawan ko kaya't lalo akong nakaramdam ng pananakit. Shit. Ang dumi talaga makipag-laro ng babaeng ito.
Sumugod siyang muli habang sumusuntok at sumisipa, pulido ang kilos niya at nasasabayan niya ang galaw ko, kaya't naging interesado ako. Kay Lufer ko pa huling naranasan na may nakasabay sa lakas ko.
Natamaan ako ng isang suntok niya sa braso, kaya't napaatras ako ng kauntian at sinamantala niya ang pagkakataong iyon para sugudin nanaman ako, mabuti na lamang at mabilis ang kilos ng katawan ko at naiwasan ko ang mga mapapanganib na tira niya kahit papaano.
Maya maya pa sabay kaming napatigil sa pagbibigay ng atake at lumayo ng kaunti sa isa't-isa. Tiningnan niya ako ng napakatalim. Isang tingin na akala mo ay nakakamatay. Tiim bagang na din siya na tila nag-tatangis ang mga ngipin. Nakayukom na din ang mga kamao niya na handa na muling sumugod sa akin. Galit na galit talaga siya.
Imbis na siya ang unang sumugod ako ang nauna, at sa unang tira ko pa lamang ng suntok ay natamaan ko na siya sa sikmura ngunit hindi siya nagpatalo doon at muling gumamit ng mga kakaibang galaw niya. Nasasangga ko ang mabibilis na kumbinasyon ng iba't-iba niyang suntok subalit, minsan ay nakakaramdam ako ng panghihina dahil kahit parang daplis lamang ang mga tama niya, madami pa din iyon.
Dahil naiinis na ako. Mabilis kong kinilos ang mga paa ko at tinapid siya, subalit nakatalon siya, kaya't mabilis na kumilos ang mga kamay ko upang suntukin siya habang umiiwas siya sa ibang atake ko.
Hindi pa ako nakuntento sa ginawa ko at hindi ko siya tinigilan. Para akong nagsasayaw sa saliw ng musika habang inaatake siya. Haggang sa isang iglap napa-upo na lamang siya sa semento. Dahil doon, kusang puminta ang ngiti sa labi ko.
"I'll kill you, bitch!" She yelled furiously. At saka siya mabilis na tumayo habang may tila kinuha sa kaniyang bulsa. Nahagip ng mata ko ang bigla niyang paglalabas ng isang tila kumikislap na bagay. Kahit napakabilis ng galaw niya, hindi nakalampas iyon sa matatalas na mga mata ko.
Isang matalim na kutsilyong may lason. Panigurado iyon ang nilabas niya.
Walang oras na inaaksaya tumalon siya ng mataas at pinuntirya ng patalim na iyon ang puso ko. Tumakbo ako papalayo sa kaniya habang hawak hawak ang braso kong kanina pa napupuruhan sa labanan namin.
Hindi siya nagtagumpay sa tinangkang tira niya, ngunit hindi siya tumigil at hinabol din ako. Tumigil agad ako at mabilis siyang sinugod, tinadyakan ko siya sa tiyan at mabilis na hinampas ang kamay kaya't tumalsik iyong kutsilyo. Hindi ko doon tinapos ang mga atake ko dahil sinuntok ko din siya malapit sa puso niya, kaya't namilipit siya sa lapag ngayon.
"A-Ah." Pag-iinda niya sa sakit. Kahit medyo nahihirapan ako, marahan kong tinungo ang kinaroroonan ng dagger na may lason. Mabilis kong kinuha iyon at nakita ko pa ang bahid na parang tubig.
Isa ito sa signiture move niya bilang heiress ng Yobbo, siya pa mismo ang gumagawa ng nakakalasong likido sa mga ginagamit niyang sandata, kaya't marami siyang napapagtagumpayang labanan.
"Hindi tatalab sa akin ito, Cassidee. Laos na masyado." Nang-aasar na banggit ko at saka ako naglakad marahan papalapit muli sa kaniya. Rinig na rinig pa ang lapat ng takong ng high heels ko sa bawat paghakbang ko patungo kung saan siya namimilipit sa sakit.
"Pamilyar ba ang atakeng ginawa ko sa iyo?" Pangungutya ko sa kaniya. Unti unti ko ding nakikita ang pag-agos ng dugo mula sa noo niya. Kahit nahihirapan siya kagaya ko, unti unti niyang pumilit na tumayo.
Napataas naman ang kilay ko dahil doon at saka tumaas ang isang sulok ng labi ko. Nakatayo pa siya sa lagay na iyan? Magaling. Malaki laki din ang pinagbago niya sa usapang labanan dahil kapag gunamit ko ang signature move na suntok malapit sa puso, maari mo na itong ikamatay.
"I-it's the d-death shot." She muttered.
"Got it, brat." I said while smirking. Nilaro laro ko pa sa kamay ko ang balisong na may lason. Naningkit naman ang mga mata niya dahil sa pagtataka. I grab that opportunity while she was in daze, and attack her with another move.
Mabilis akong nag-tumbling ng dalawang beses habang nasa pag-itan ng ibaba at itaas kong ngipin ang hawakan ng kutsilyo, at saka ako umikot ng mabilis at tinadyakan siya. Muli akong umayos ng tayo at saka ako gumawa ng pekeng atake na susuntukin siya at kinagat naman niya iyon, kaya mabilis ko siyang tinapid at saka ko iyon sinundan ng totoo at mabilis na tatlong suntok.
Halos magulo na ang buhok niya habang nakahiga sa semento at putok na ang labi niya. Idagdag mo pa na halos duguan na siya. "The c-combination of t-three punch." Nauutal na banggit niya, habang umuubo ng dugo.
"Ngayon, Cassidee. Kilala mo na kung sinong kinakalaban mo? Ayah Lynn Rivera is dead." Walang ka-emo-emosyong banggit ko. Kitang kita ko ang paglaki ng mga mata niya dahil doon.
"Uto-uto? Isip bata? Walang ginawa kung hindi mag-sabi ng mga katangahan?" Dagdag na banggit ko pa habang mayroong mga pang-asar na ngiti sa labi. "Iyon ang kilala mong Ayah Lynn Rivera hindi ba? Well, I'm here to inform you that she already faced the claw of demise, but she came back with the devil's heart pierced by a sword." Mapanganib na bigkas ko.
"Want to know who's sword is it?" Tanong ko sa kaniya, habang iniikutan ang naka-higang katawan niya sa malamig na semento.
"It's my sword, brat." Matapang na pahayag ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat ni Cassidee dahil doon. Ipinikit niya ang mga mata niya at nakita ko ang pag-galaw ng kamay niya.
Mabilis ang naging pangyayari at nagulat na lamang ako noong tumarak ang isang syringe sa braso ko. Nagulat na lamang din ako noong tumayo ng napakabilis si Cassidee. She pressed the syringe even more, as the yellowish liquid slowly flow through.
Nanlaki ang mata ko doon at mabilis siyang sinuntok at tinggal iyong syringe sa braso ko. Sinaksak ko din iyong kutsilyo niyang may lason sa may bandang tiyan niya kaya't narinig ko ang napalakas na tinig niya na pumalahaw.
Napahawak ako sa may braso ko dahil nakaramdam ako ng matinding sakit may braso ko. Nakaramdam din ako bigla ng matinding sakit ng ulo. Unti-unti umikot din ang paningin ko.
"Shit!" Asar na banggit ko.
"Damn y-you, bitch. I'll kill you!" Narinig ko pang malakas na sigaw ni Cassidee. Hindi ko siya pinansin at patuloy na naglakad papalayo sa kaniya, dahil pakiramdam ko mawawalan ako ng malay. Parang nahihigop ang lahat ng lakas ko.
"Darn you. Gawin mo, huwag kang puro satsat!" Inis na banggit ko sa kaniya. Kanina pa niya sinasabing papatayin niya ako subalit hindi naman niya magawa. Ang sarap putulin ng dila niya.
"May araw k-ka din, Ayah! Or should I call you blue moon?" Nahihirapang banggit niya. Lumingon ako sa kaniya, ngunit hindi mo mababakas sa mukha ko ang gulat o kung ano man. Diretso ko lamang siyang tinitigan sa mata. Nakabangon na din siya ngayon.
Mabilis kong kinuha ang baril sa may side pocket ko at pinaputukan siya. "Go please yourself." I uttered. Saka ko siya tinalikuran at sinapo ang ulo ko. Naramdam din ako biglang paninikip ng dibdib kaya naman nabitawan ko ang baril na hawak ko.
Marahan din akong napa-upo sa kalsada. Damn this poison. Dahil parang uniikot at lumalabo na ang paligid ko, nahirapan akong mag-isip ng puwedeng solusyon. Kahit hindi ko na alam ang gagawin ko, kinuha ko ang cellphone ko sa may isang bulsa ng pantalon ko.
Nakita ko ang pag-ilaw noon, mabuti na lamang at waterproof iyon at nagana pa din. Dali dali kong i-unlocked iyon, at pinindot ang speed dial na number three. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa ko iyon. Napa-ubo ubo na din ako, at kahit malabo na ang paningin ko nakita ko ang pagtalsik ng dugo dahil doon.
I pressed the loudspeaker of the phone, at saktong may sumagot doon. "Hello?" I heard a low manly voice.
"K-K-Kurt..." Nahihirapang bigkas ko. Narinig ko naman ang biglang pagkataranta niya at hindi magkaintindihang mga salita. Hindi ko ito maintindihan dahil parang kinakain niya ang bawat salitang sinasabi niya.
"T-track m-my location... A-Antidote." Huling bigkas ko ng mga katagang iyon, bago ako tuluyang mawalan ng eherhiya at malay.
***
Perseus Kurt's POV
Nasa kusina ako ng unit ni Riyah. Nabuksan ko itong unit kanina gamit ang napakatalinong utak ko. Pagluluto ko siya ng pagkain dahil panigurado pagod na pagod iyon sa trabaho niya sa kumpanya noong gagong iyon.
Hindi ko naman kasi maintindihan si Riyah kung bakit kailangan pa niyang magtrabaho doon, kung tutuusin kayang kaya niyang gumawa ng sarili niyang kumpanya para mapatumba ang buong empire. Minsan talaga hindi ko makuha kung anong tumatakbo sa utak niya.
Napaka-misteryosa. Kung titingnan mo parang napaka-kalmado at napaka-ganda ng mga iniisip niya, pero sa totoo lamang nakakatakot at napakadilim ng mga plano niya.
Imbis na isipin ang mga kung ano ano. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto. At matapos iyon, naglibot ako sa napakalinis na unit niya. Malinis nga nakakapangilabot naman dahil baka mamaya may kung ano anong trap dito.
Subalit, tinuloy ko pa din ang paglilibot dahil umaapaw ang curiosity ko sa mga bagay bagay na nagbago dito. Ako ang nag-ayos nito noon, pero dahil si Riyah na ang gumagamit nito, panigurado may mababago at mababago.
Habang nagiikot ikot, napansin ko ang pintuan ng kwarto niya. Sinubukan kong buksan iyon at nagulat ako saglit noong mabuksan iyon. Napa-iling iling na lamang ako. Minsan talaga nakakalimutan pa din niyang maging maingat. Tao pa din siya kahit papaano. Biro lamang.
Lakas loob akong pumasok sa kwarto at binuksan ko ang ilaw doon. Inilibot ko ang paningin ko doon. At naagaw ng pansin ko ang mga glass wine na may lamang tubig. Unti unti akong tumungo doon, at parang kusang lumitaw sa utak ko ang imahe ni Riyah na tumutugtog doon.
It's her favorite instrument. The glass harp. Dati ko ng narinig ang pagtutog niya sa bagay na ito, at kinilabutan ako ng sobra sobra. Para akong nagtatago sa isang sulok noon at bigla biglang may susulpot na mamatay tao. Ganoon ang pakiramdam ko habang tinutugtog niya ang bagay na ito.
Kurt! Pick up your fucking phone or I'll kill you.
Muntik na akong mapatalon noong marinig ko bigla ang recording ng boses ni Riyah. Napahawak din ako agad sa dibdib ko. Mabuti na lamang talaga wala akong sakit sa puso, kung hindi... Tsk.
Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa ko at saka ito sinagot. Hindi ko alam kung bakit, bigla akong kinabahan noong pindutin ko ang answer button. Para kasing may mali, hindi naman kasi ugali ni Riyah na tumawag ng ganitong gabing gabi na.
"Hello?" I greeted. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad narinig ang boses ni Riyah. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone dahil doon. Malalalim na hininga lamang ang tangi kong naririnig na nakapag dulot sa akin ng sobra sobrang kaba.
"K-K-Kurt..." Fucking shit. Hindi ko alam pero kusang tumakbo ang katawan ko para tumungo sa computer dito sa loob ng kwarto niya. Hindi ko mapigilang mag-mura dahil parang aabutin ng isang taon bago pa ito magbukas.
"Darn it! What the hell happened?" Hindi mapigilang bulaslas ko. Boses pa lamang niya alam kong nanghihina at nahihirapan siya at parang mayroong pumihit sa puso ko dahil sa naririnig ko.
Ang lalim ng paghinga niya na nakapagpataranta sa akin nang matindi. "Riyah! Please speak. I beg you!" Hindi magkaintidihang banggit ko, at halos itapon ko na ang computer na nasa harapan ko dahil sa tagal nito mag-power up.
"Anong nangyari? Nasaan ka? Fuck! Mapapatay ko ang gumawa nyan sa'yo." Kahit ako sa sarili ko, hindi ko na alam ang sasabihin ko o mas magandang sabihin na hindi ko na din alam ang mga pinagsasabi ko dahil sa sobrang takot at kabang nararamdaman ko.
"Yes!" Hindi mapigilang bulaslas ko. Sa wakas nagbukas na ang computer. Agad akong nag-open ng kung ano ano, at kinonek ko agad ang cellphone ko. Para malaman ko kung nasaan si Riyah.
"T-track my l-location... A-Antidote." Iyon ang huling mga katagang narinig ko kay Riyah. Habang nag-loloading ang paghahanap ko sa location niya, parang nag-echo sa tainga ko ang huling salita niya.
Antidote.
Bakit? Anong meron sa antidote? Agad kong tinungo ang isang drawer at nilabas ko agad ang bag na nandoon. Lahat ng nasa bag na iyon antidote. Kung hindi ako nagkakamali, baka nalason si Riyah kaya ganoon ang nangyari. Hindi naman kasi niya ugali na matalo sa isang labanan.
Matapos kong makuha iyong antidote. Dali dali akong bumalik sa computer at para akong nakahinga ng maluwag noong successful na ang pag-loloading na iyon. Ilang saglit lang din, natukoy ko na ang lokasyon kung nasaan si Riyah. At mabilis pa sa kidlat akong tumakbo para tumungo sa elevator.
Halos tadyakan ko na iyong pinto ng elevator dahil napakatagal noon. "Fuck! Hang on, Riyah." Hindi magkaintidihang bigkas ko. Halos tumalon ako sa saya noong bumukas na iyong elevator at dali dali akong pumasok sa loob noon.
"K-Kurt?" Ngayon ko lamang napansin na may tao pala sa loob noon dahil lumiplipad na ang utak ko papunta sa kung nasaan si Riyah. Bakas na bakas ang gulat sa mukha nitong kasama ko ngayon at hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
"Naya." Mahinang banggit ko. Si Shanaya Yuri Roberts. Ang babaeng may pakana ng arson. Hindi ko akalaian na ngayon ko pa siya makakasalubong. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi siya nagpatinag at nakipagtitigan din sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" She asked firmly. I smirked at her, tinatago ko ang kabang nararamdaman ko. "None of your business." Malamig na banggit ko at saka ko sinulyapan kung nasaang floor na kami.
Natahimik kaming dalawa at walang nagtakang magsalita, subalit ramdam na ramdam ko ang napakamapanuri niyang tingin. Mukhang inaanalyze niya ang mga pangyayari. Magtatanong pa sana siya ulit, subalit bigla na lamang bumukas ang elevator door at dali dali na akong tumakbo patungo sa parking.
Halos hindi ko napansin na nakarating na pala agad ako sa kotse ko at saka ko ito mabilis na minaneobra. Napakabilis ng patakbo ko dito na para akong hinahabol ng kamatayan.
At kung sinuswerte ka nga naman. Napansin kong hinahabol pa ni Naya ang sasakyan ko. Bullshit! I have no time to deal with her, kaya't hinayaan ko na lamang siya.
Napakadaming sasakyan sa daan at hindi ko alam kung paano ako nakakasingit sa kanila. Halos nabubusinahan na ako ng mga ibang sasakyan ay hindi ko na ito pinapansin. Ang tanging nasa isip ko lamang ay kailangan kong makarating agad kung nasaan si Riyah.
Matapos ang ilang highway, lumuwag din ang daan. Kaya't full speed na ang ginamit ko. Hindi nagtagal nakarating ako sa isang port. Mabilis akong bumababa sa sasakyan ko. Madilim doon at napaka lamig. Narinig ko din ang pagdating ni Naya.
Tumakbo na lamang ako para hanapin si Riyah. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko habang hinahanap siya. Kung ano ano din ang tumatakbo sa utak ko. Napakahigpit na din ng pagkakahawak ko sa bag dahil doon.
"Riyah!" I yelled, umaasa na maririnig ko ang boses niya.
Takbo ako ng takbo at tinalasan ko na din ang paningin ko, ngunit wala talaga akong makita. Pati kotse niya wala din dito. Shit. Nasaan na siya? Hindi kaya nadukot na siya? Hindi! Hindi iyon mangyayari. Kilala ko siya, napakalakas niya.
"Kurt!" Nagulat ako noong biglang sumigaw si Naya. Napalingon ako at hinanap kung nasaan siya. "Tulong! Si Ayah." Halos pumiyok na siya dahil sa pagkaka-sigaw niya. Dahil sa narinig ko, tumakbo agad ako sa kinalalagayn niya.
Napatigil agad ako sa kinatatayuan ko noong makita ko ang nakahiga niyang katawan. Napakaputla niya, hindi lamang iyon, may dugo din mula sa bibig niya. Nabitawan ko ang bag na dala ko at hindi ako makapag-salita. Lumabo din ang mga mata ko dahil sa pagtutubig nito. Darn.
"K-Kurt... S-si Ayah, anong nangyari?" Hindi magkaintindihang imik ni Naya. Hinalungkat din niya ang dala dala kong bag, at halos mabasag na ang iba doon sa pagkataranta niya.
"Alin dito? Alin?" She asked. Imbis na sagutin siya, dali dali kong binuhat si Riyah. Hindi ko pwedeng iturok lamang sa kaniya ang mga antidote na iyon, lalong lalo na at hindi ko alam kung anong lason ba ang tumama sa katawan niya.
Parehas kaming hindi magkanda ugaga ni Naya. Patakbo din siyang sumunod sa akin sa sasakyan ko. "A-anong nangyari?" Nalilitong tanong niya, basag na ang boses niya, parang kauntin na lamang bubuhos na ang mga luha niya.
"I- I don't k-know..." Nauutal na banggit ko.
Isinakay ko si Riyah sa may back seat, pumasok din doon si Naya at inalalayan siya. Walang pasabi, mabilis kong pinaandar muli ang sasakyan. Malakas si Riyah. Alam kong kayang kaya niya iyon.
"M-may tao kang nakita sa paligid?" I asked. Nakita ko sa may salamin na umiling iling si Naya. Wala din akong napansin na tao o presensiya kanina sa lugar na iyon. Baka nakaalis na kung sino man ang may gawa noon kay Riyah.
Ang pinagtataka ko lamang, bakit niya iniwan na buhay si Riyah? If she's really poisoned, pagkakataon niya iyon dahil hindi makakalaban si Riyah gamit ang tunay na lakas niya.
Ano ba talagang nangyari kanina doon?
"Tatawag ako ng doctor." Narinig kong bigkas ni Naya. Agad ko siyang tiningnan ng masama dahil doon. "Don't you dare." Mapanganib na bigkas ko pa. Mapapatay ako ni Riyah, kapag nalaman niya na tumawag ako ng doctor. Hindi pwede, delikado, baka kaanib pa ng empire, dahil galing si Naya sa Gangster Empire.
"P-Paano si A-Ayah?" Kinakabahang banggit niya.
"Call Skyler." I uttered firmly. Kahit may halong pagtataka ang mukha niya, sinunod niya ang sinasabi ko. Narinig kong kausap niya si Sky. Alam kong baka magalit si Sky, dahil kasama ko si Naya na isang traydor. Subalit, mas mahalaga ang buhay ni Riyah.
I'll take all the consequences. Huwag lang manganib ang buhay ni Riyah.
***
Hindi nagtagal nakarating kami sa isang tagong bahay. Isa itong bahay na pagmamay-ari ni Skyler. Sinabi ko kanina kay Naya na dito niya sabihin kay Skyler ang pagkikita namin.
Inilabas namin ni Naya si Riyah, saktong dating din ni Sky. Walang imik imik, kinuha niya sa amin si Riyah. Hindi siya nag-aksaya ng pagkakataon at agad na nag-utos sa aming dalawa. Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod.
Nakapasok kami sa loob at hininga ni Skyler si Riyah sa isang kama sa may isang kwarto. Pagkatapos ay may mga kinuha siyang kung ano anong gamit na ginagamit sa ospital at kinabit iyon kay Riyah. Hindi ako nagsalita noong mga pagkakataon na iyon, dahil alam ni Sky ang ginagawa niya.
"Get one antidote. The color blue with the label of the ox." Napakalalim ng boses ni Skyler. Halatang halata na pinipigilan niya ang sarili niya na mag-burst out. Kitang kita ko din sa mata niya ang matinding galit at pag-aalala.
Kinuha ni Naya ang sinasabi ni Skyler. I paced back and forth with anxiousness. May tiwala ako sa kakayahan ni Skyler, subalit hindi ko pa din maiwasan na mag-alala para sa kalagayan ni Riyah. It's not the first time I saw her like that... but it is killing me slowly.
***
Halos lampas kalahating oras na ang lumipas at sa wakas natapos din ni Skyler ang pagtingin kay Riyah, may dextrose na din ito at stable na ang mga vitals. Mabuti na lamang may apparatus dito na pang-hospital.
"Kamusta siya?" I asked him, subalit hindi niya ako pinansin.
"Shana." Biglang tawag niya kay Naya. "Clean her up and change her clothes." Dugtong pa niya at saka lumabas ng kwarto kaya't sinundan ko siya. Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng alak sa ref, at walang sabi sabi niyang ininom iyon.
Kumuha na din ako ng isa at ininom iyon. "What happened to her?" Napaka-seryoso ng boses niya. Parang handang handa na niyang patayin kung sino man ang gumawa noon kay Riyah. Napa-higpit din ang hawak niya sa lata ng alak kaya't nayupit iyon.
"I-I don't know. Tumawag na lamang siya na nahihirapan na. Kaya't kinuha ko ang location niya. Binaggit din niya ang salitang antidote kaya dinala ko ang bag na puno ng iba't-ibang antidote." Pag-kwekwento ko sa kaniya.
Tahimik naman siyang napatango dahil doon. "Wala kaming napansin ni Naya na tao sa paligid kung saan namin siya natagpuan. Dahil sa pagkataranta, umalis na lamang kami doon at hindi na din naglibot. Mas mahalaga pa din ang kaligtasan ni Riyah, para sa akin." Pahayag ko.
Hindi nagsalita si Skyler, halatang halata mo din na napaka lalim ng iniisip niya. "Anong lason ang nakapagpahina sa kaniya?" Tanong ko. Sa mga labanan hindi umuuwi si Riyah na talunan kaya't nakakapagtaka ang nangyari ngayon.
"It's Cassidee's poison." Awtomatikong napayukom ang kamao ko dahil sa narinig ko. Siya ang lapastangan na gumawa noon kay Riyah? Tangina lang ang walang ganti.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko, habang nagtitimpi ng galit.
"Parte ako ng Improbus Ille Imperium, inaral namin noon ang mga kakaibang move ni Gab at Cassidee pati na din ang mga espesyal na sandata nila." He stated while gritting his teeth. Kinabahan din ako sa inaasal niya, dahil panigurado sa oras na ito, pinag-plaplanuhan na niya ang pag-ganti sa babaeng iyon.
"Cassidee's poison is deadly. Kamatayan agad ang kahaharapin mo sa lason na iyon, kung hindi maagapan." Malalim na boses ang ginamit niya at napaka-seryoso noon. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. "Anong oras niyo natagpuan si Princess?" He suddenly asked. Kahit nagtataka sinabi ko pa din sa kaniya ang estimated time.
"Sa tagal ng oras na iyon, siguradong kalat na sa buong katawan ni Princess ang lason... At... Darn it. Siguradong hindi na dapat siya humihinga ngayon." Kasabay ng pagbanggit niya ng katagang iyon ang pag-bato niya sa isang babasagin na bagay.
Ramdam na ramdam ko ang nanggigigil niyang galit. Napayukom na din ako ng kamao dahil doon. "Subalit..." Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko, at iniba na lamang ito. "Maayos pa din siya hindi ba?" Kinakabahang tanong ko.
"Oo. Hindi kumalat ang lason kay Princess, dahil bago pa kayo dumating ay may nagturok na ng pangontra sa katawan niya. Iyon lamang ang naiisip kong nangyari dahil kung walang nagturok sa kaniya ng paunang lunas, baka..." Hindi na maituloy ni Skyler ang sinasabi niya dahil sa galit.
"Bullshit. Ano ba talagang nangyari? Paanong nandoon si Cassidee, pero wala kaming nakita kahit anino niya kanina? At higit sa lahat sino ang tumulong kay Riyah?" Hindi mapigilang bulaslas ko nang nagpapagulo sa isip ko.
Natahimik na lamang si Skyler dahil doon. Wala din siyang sagot sa mga tanong ko.
"Sky. Kurt." Sabay kaming napalingon ni Skyler noong may tinig na tumawag sa pangalan namin. Nakita namin si Naya na nakatayo sa harapan namin. "Maayos lang si Ayah hindi ba?" Malumanay na tanong niya. Tumango naman si Skyler dahil doon.
"Sinong gumawa sa kaniya noon?" Biglang nag-iba ang tono ng boses niya, napakatapang noon at napaka-pirmi. Kakaibang aura din ang bigla kong naramdaman at nanlilisik din ang mga mata.
"You don't need to know, Shana." Skyler uttered simply. "And I'm warning you... Walang dapat maka-alam nito." Matapos sabihin iyon ni Skyler na punong puno ng awtoridad, umalis siya at pumasok kung nasaan si Riyah.
Naiwan kami ni Naya na nakatingin sa isa't-isa. "Matagal niyo nang kasama ni Skyler si Ayah?" Tanong niya. Imbis na sumagot, tiningnan ko lamang siya ng diretso sa mga mata.
"Huwag mong hayaan ang kuryosidad na patayin ka." Isang babala na banggit ko sa kaniya. Magulo ang sitwasyon ngayon sa biglaang nangyari tapos dadagdag pa si Naya. Kailangan niyang manatiling tahimik at hindi na makiusisa pa sa mga bagay bagay. Iyon lamang ang paraan para manatili siyang humihinga.
Kahit naman ako, nacucurious sa mga bagay bagay, subalit laging nadyan si Riyah para paalalahanan ako, at siguro kailangan din ni Naya ng paalala. Nasa isang lugar siya na wala ng labasan, kaya't wala na siyang magagawa.
Sumilip ako sa kwarto kung saan pumasok si Sky. Nakita ko na hawak hawak niya ang kamay ni Riyah. Hindi ko alam pero, may kakaiba nanaman akong naramdaman sa puso ko. Subalit, isinantabi ko na lamang iyon. At saka naglakad papalayo sa kwartong iyon.
Dahil sa nangyari kay Riyah... paniguradong marami ang gaganti. Humanda ka Cassidee, humada kayo Empire. The war will start.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top