Liar 1: Apocalypse
“Me alegro de verte, la princesa del demonio.” (Nice to see you, demon’s princess.) Napangisi ako noong batiin ako ng isang lalaking naka-sumbrero na tila pang-sinauna, ito iyong karaniwang gamit ng mga mapag-larong business man. Mayroon ding siyang sigarilyong hawak hawak na umuusok pa at nakalagay ang naka-dekwatro nitong paa sa lamesa. Trevor Castillion. Tahimik na banggit ko ng pangalan nito sa isip ko. Ang espanyol sa grupo.
“Hallo. Dämonenprinzessin.” (Hello, demon’s princess.) Tiningnan ko naman ang isa pang nag-salita, madiin ang pagkakasabi nito ng bawat katangang binanggit niya. Babae ito at napaka itim ng eyeliner at mascara sa mata, kitang kita ko din ang nanggagalaiting itim na itim na mata nito na pinong nakatingin sa’kin, nginitian ko naman siya ng mala-demonyo ng dahil sa inasta niya. Hindi na siya nagbago, kung paano ko siya nakilala ay ganun pa din siya ngayon, Tiara Wolf. Ang babaeng german.
“Oni no hime, nandeshou?” (Demon’s princess, what do you want?) Tanong ng isa sa kambal na lalaki na nakatayo sa gilid ng madilim na silid na ito, kitang kita ko din ang nilalaro niyang matalas na patalim sa kanyang kamay. Halata sa muka niya ang excitement dahil nagkaroon kami ng meeting. Kahit kailan talaga gustong gusto niya ng madugong laban. Takeshi Ishido, ang isa sa kambal na laging gusto ang panganib.
Samantalang ang kakambal nito ay nahimik na nakamasid lamang sa’kin. Lalong lumawak ang ngisi sa labi ko dahil doon. Madali mong malalaman kung sino siya dahil lagi siyang tahimik sa isang tabi hindi gaya ng kakambal niyang malakas manindak. Takashi Ishido, ang katahimikan niya ay isa lamang babala. Sila ang kambal na hapon.
“Principessa del demone.” (Demon’s princess.) Mapag-larong sabi naman ng isang matikas na lalaki saka ako nito inikutan. Nakaramdam din ako ng kaunting tensyon noong itutok niya ang isang deka-libreng baril sa sintido ko, ngunit noong makabawi ako ay agad kong kinuha ang baril na iyon, at ibinato ng walang kahirap hirap, kaya’t natawa lamang ito ng marahan sa inasta ko. “Che cosa è sbagliato?” (What’s wrong?) Malumanay na wika nito at saka umupo sa isang silya. Napaka mapag-laro talaga niya, kahit ako o ang kambal na Ishido ay lagi niyang ginaganoon. Clio Accardo. Matinik at kakatakutan mo. Isang italyano.
Umupo na din ang kambal na Ishido kanina ay nakatayo pa. Tiningnan ko sa mata ang limang dapat kinatatakutang tao sa buong mundo at sa buong mafia ngunit hindi kilala ang katauhan nila at ang akala ng karamihan ay mahihina sila. Napa-irap din ako dahil sa mga pinag-sasabi ng mga ito, kailangan ba sa mga salita pa nila ako tanungin? Hindi ba pwedeng tagalog o kahit english na lamang, tss. Marunong naman sila ang dami pang-paikot.
Ngumisi muna ako, kaya’t tiningnan nila ako ng masama, natawa naman ako dahil sa reaction nilang lima. “Fuck you, demon.” Tiara Wolf told me while looking at me intently as she smiled at me devilishly, saka niya hinablot ang katana mula sa kambal at itinutok sa leeg ko, tiningnan ko lamang siya doon ng masinsinan saka ko, inilapat ang hintuturo ko sa dulo ng katanang hawak niya at inilayo ito sa leeg ko ng marahan.
Inirapan naman ako ni Tiara Wolf, siya ang babaeng nakapa-itim ng budhi. Tss. Kaugaling-kaugali ko. Napairap na lamang ako noong itabi niya ulit ang katana na kinuha niya kay Takashi Ishido. “Tss.” Narinig ko namang reaction nila sa eksenang ginawa ni Tiara.
“Welcome, Apocalypse.” I said with an evil smile plastered on my face. Unti-unti inangat nila ang tingin nila sa’kin at sabay sabay na ngumisi, na nakapag-pa-kaba sa’kin ng kaunti. Hindi na talaga nag-bago ang limang ito.
“What do you need? Why did you call us?” Trevor Castillion asked with a deep voice. I snorted, mga atat, masyado ang limang ito, hindi maka-pag-hintay. Tahimik siya kanina pa habang nag-sisigarilyo at ngayon lamang nag-salita ulit.
“Is something wrong, demon?” One of the twins inquired, napalingon ako sa kaniya at tinitigan ko siya, para makasigurado ako kung sino ito. It’s Takashi Ishido, ang tahimik at kanina pa nag-mamasid sa’kin hindi tulad ng kakambal niyang nagsalita na kanina pa.
“Come on, demon. Don’t waste our time.” Clio Accardo suddenly spoke as he stood up. Karaniwang tawag na nila sa’kin ang demon’s princess o di kaya’y demon.
“Umupo kayo.” Utos ko sa kanila. Tinaasan naman ako ng kilay ni Tiara dahil doon, samantalang natawa na lamang ang kambal na Ishido at si Trevor. Ilang sandali lamang ay umupo din sila. Kahit naman naiinip ang mga ito, ay susunod at susunod sila sa’kin.
“Nag-tagalog na ang mahal na prinsesa, makinig na tayo.” Natatawang imik ni Clio Accardo, kaya’t sinamaan ko siya ng tingin. Tss. Ang daming pasikot ng limang ito, nakakaintindi at nakakapagsalita naman ng tagalog kailangan pang mag-salita ng lengguwahe nila. Tss.
“For the nth time, what do you need?” Trevor Castillion asked seriously, kaya’t naging seryoso at tahimik ang maliit at madilim na silid na kinalalagyan namin. I smiled at them. Silang lima ang naging katulong ko sa lahat ng bagay, oo mula sila sa iba’t-ibang bansa, ngunit sila ang tinaguriang pinakamalalakas natagong tago.
“Princess Light Smith. The demon’s princess. The real owner of the Diablos’ Territory. Anong pang kailangan ng isang kagaya mo? Tulong namin? Ikaw ang pinaka-malakas sa’min, ano pang-kailangan mo? O kung hindi mo naman kailangan ng tulong, anong sasabihin mo?” Takashi Ishido queried with full of curiosity and a playful smile on his lips.
“Kung hindi dahil sa inyo, wala ako sa pusisyong ito.” Nakangising sabi ko sabay ang pag-tayo. Napatawa naman sila ng marahan dahil sa paunang sinabi ko.
Kaming anim ang bagong Organization at pinaka-malakas ngayon sa buong mundo. Ngunit, hindi ito kalat o kung ano man, nanatiling lihim ang kapangyarihan at karangyaan namin, dahil na din sa Empire, gusto kong surpresahin sila na hindi na sila ang pinaka-malakas na organization sa buong mundo, sa tamang panahon. Oo, nga’t marami pa din silang sakop, ngunit mas higit na ang sakop ko ngayon.
With the help of Thunder Silvestre, nakipag-meet ako sa mga kung sino-sinong mafia nitong nakaraang taon, napakahirap mapa-oo at makumbinsi ng mga ito, halos ginugol ko ang buong lakas at oras ko para makapagtayo ng sarili kong mafia o organization, at ito ang kinalabasan. The Apocalypse. Lahat ng legenadaries noon ay tinatawag ng apocalypse ngayon, dahil sa’kin ibinigay ni Kuya Thunder ang pamamahala sa kanila, dati. At dahil sikat ang legendaries sa mafia world noon, nakuha ko ang atensyon ng mga makakapangyarihang mafia, at kabilang na doon ang mga hawak nina Tiara Wolf, Trevor Castillion, Clio Accardo at ang kambal na Ishido. Butas ng karayom at halos impiyerno din ang dinaanan ko sa kanila, bago ko sila napa-oo at napa-payag na isinapi nila ang lahat ng oragnization nila sa legendaries ko. Kaya’t noong nabuo kaming anim, pinaltan namin ang pangalan ng mga organization namin, at napag-disisyonan namin na apocalypse ang itawag dito. At nawala na ang legendaries na dating kilala noon at pinalabas namin na bumagsak ito, ngunit ang totoo ay mas lumakas lamang ito.
Kaming anim ang namumuno ngayon ng palihim sa buong mafia world.
Mula sa dating magkakaibang grupo ng mafia noon, na pinagsama sama namin ngayon, nabuo ang Apocalypse. At ang organisasyong ito ang magpapagbagsak sa Empire.
Pinatawag ko sila ngayon, dahil balak ko ng simulan ang plano na matagal ko ng inihanda.
“I want to start the fucking game.” I stated seriously, and I heard them say ‘yes’ matagal na nila itong gusto—ang ilantad namin sa buong mafia na kami ang pinaka-makapangyarihan, at pabagsakin ang naghahari-hariang Empire, ngunit pinipigilan ko sila dati dahil hindi pa iyon ang tamang panahon, subalit iba na ang sitwasyon ngayon, gusto ko ng mag-simula.
“And that will be the greatest news, ever.” Tiara’s voice shrieked in delight. Kitang kita ko din sa itim na mata nito ang sobrang excitement.
“Finally, demon. This is what we want, to tell the whole world that we are the superior, tama na ang isang taon at kalahati na nagtatago tayo na mahinang grupo.” Takeshi Ishido uttered, at saka ito nakipag-apir sa kakambal niya na naka-ngisi lamang.
“Now, they will see the true color of the apocalypse.” Trevor Castillion muttered under his breath. Kitang kita ko ang mga tuwa ng bawat isa sa kanila. Ang totoo nyan, ako lang naman talaga ang pumipigil sa kanila. Nagpakilala kami noon sa mafia bilang isang mahinang grupo, little did they know, that we are the strongest.
Hindi kasi nila alam na ang limang ito ang matatagal ng leader ng kinatatakutan sa mundo ng impiyerno, isa ito sa kundisyon ko noon, na ilihim nila ang pagkatao nila. Madali naman nila iyong nagawa, dahil walang nakakalam na sila pala ang mga leader noon. Subalit, noong nag-sama-sama kami, nagpakilala kaming leader ng apocalypse, at kilala kami sa tawag na Six Apocalypse—weaklings. Yes, weaklings. Tiniis namin ang pang-mamaliit ng mga mafia noon, dahil never naming ipinakita ang tunay na lakas namin, ipinapakita namin na inferior nila kami. Oo nga’t nalaban kami noon at nanalo, pero kapag iyong mga kabilang na sa pinakamalalakas, nagpapatalo kami ng kusa. At lihim naming pinalalakas ang grupo namin, ng kami lamang ang nakaka-alam.
Ang tingin ng mafia sa’min ay isang mahinang grupo, ngunit ang tingin namin sa sarili namin ay superior, dahil iyon ang katotohanan na hindi nila nakikita. Paano kaya kung mag-simula na kami? At ipakita namin ang tunay na kulay namin? Siguradong magugulat ang lahat, siguradong babaliktad ang buong mafia world.
“When? Kailan ang simula natin?” Excited na tanong ni Clio Accardo. Napangisi naman ako doon. “The earlier, the better.” I stated firmly.
“This is it! But, wait how about your—err old Empire?” Tiara queried. I smiled at her like there’s nothing to worry about.
“Huwag mo alalahanin ang Empire na kinabibilangan ko noon, matagal na akong wala sa kanila, at kahit empire pa sila ng pamilya ko, babagsak at babagsak sila sa kamay natin. Saka ko kukunin ang pinaka-pinagkakatiwalaan sa Hoodlum Empire, at isasali sa’tin.” I declared with full of authority, they all nodded silently. Ang lolo ko at magulang ko, mapatawad sana nila ako sa gagawin ko. Wala din akong contact sa kanila ngayon, matagal ng wala simula noong umalis ako. Napabuntong hininga na lamang ako.
Katunayan niyan, nandito kami ngayon sa Europe—Germany to be exact, dahil nandito ang isa sa main base ng apocalypse. Ang iba naman ay nasa Italy, Japan, Spain at Korea.
“So? Did you already started one of your plans?” Takeshi asked curiously while playing a dagger on his hand. I nodded mutely, saka ko tiningnan ang wrist watch ko.
“Yes I did.” I retorted coldly, at saka ko binuksan ang tv dito sa room kung nasaan kami, at doon nakita nila ang video ng empire na nag-ce-celebrate ngayon. Ngumisi naman silang lahat sa’kin noong makita iyon.
Pinag-planuhan na talaga namin ito dati pa. Sa tulong nila maayos at malinis kong naisagawa ang planong pananakot sa empire gamit ang nakaraan. Oo, kaming anim ang nag-plano niyan, at mga tauhan din namin ang nag-set up ng mga kailangan.
Tahimik naming pinanuod ang mga nangyayari sa party nila. At noong mag-simula ang plano naming pananakot at pag-sasabi ko ng mga tungkol sa nakaraan at sa kakamabal ko, naramdaman ko na maging silang lima ay natakot.
“Demon, you really are a demon. How could you deliver a little message through that scary children’s voice?” Trevor Castillian commented habang nag-sisigarilyo, napangisi naman ako doon. Iyan ang isang nagagawa ng galit.
“Gruselig.” Mahina at unconscious na sabi ni Tiara, sa pagkakaintindi ko, ‘scary’ ang sinabi nito.
Nanuod lamang kami ng tahimik at ramdam ko ang kilabot na nararamdaman ng bawat isa, dahil sa ginawa kong surpresa. Tagumpay. Iyan ang salitang mapaglalarawan sa unang plano ko.
“They are startled as hell.” Clio Accardo said while laughingly noong matapos ang video. Mukang nag-enjoy siya doon.
“If you already did the first plan. Shall we proceed to the second one?” Takashi Ishido questioned. Nanatili ang katahimikan sa’min bago ako sumagot.
“Of course. Now, make the Apocalypse known as the strongest.” I said with a smirk and they all agreed.
* * *
“Baby blue!” Agad akong napangiti noong may tumawag sa’kin, sasakay na sana ako ng eroplano, pabalik sa Korea. Halos tatlong araw na din ang nakakalipas simula noong mag-meeting kaming six apocalypse. At talamak na sa mga diyaryo ng mafia ang unti-unting pag-lakas ng apocalypse. Tulad na lamang ng consecutive na pagkapanalo nito sa iba’t-ibang gang fights.
Tama, unti-unting magpapakilala ang mga leader. Ang unang magpapakilala ay si Tiara Wolf bilang “Sei,” at sa susunod na linggo gaganapin ang pagpapakilala niya, at doon mag-sisimula ang lahat, sigurado akong kikilalanin sa buong Germany si Tiara bilang, “Sei Apocalypse,” at ituturing na isa sa pinaka-malakas. At siguradong kakatakutan na ang buong Apocalypse doon.
Syempre pagkatapos sa Germany, Italy naman ang isusunod namin, kung saan si Clio Accardo ang magpapakilala. Hanggang sa makarating sa’kin. Dahil ako ang huling magpapakilala.
“Kuya Thunder!” Sigaw ko dito, at saka ito dali-daling lumapit sa’kin.
“Kamusta, demonyo?” Natatawang tanong nito sa’kin, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon. Saka ako nag-martsa papanik sa eroplano. Tumatawa naman itong sumunod sa’kin. Tss. Kung hindi si Clio o Takeshi ang nangungulit ay si Kuya Thunder naman. Tsk. Naalala ko sa kanila ang three doofuses. Sa pagkakataong iyon, napa-buntong hininga na lamang ako, at saka pasalampak na umupo sa upuan ng private jet.
“Problem?” I heard kuya Thunder asked, I shook my head.
“Wala. May naiisip lang.” Walang ganang tungon ko.
“Baby blue, ikaw pa din si Blue Moon ha? Kahit magpapakilala ka na bilang “Uno Apocalypse” sa darating na panahon.” He said saka siya nag-buntong hininga. “I’m glad you found the five of them, alam ko simula ngayon unti-unti magpapakilala na kayong mga leader at makikilala na ang apocalypse na pinaka-malakas. It will turn the mafia world upside down. Imagine? The weaklings Apocalypse, becoming the strongest? Haha. That’ll be fun. I can’t wait to see the epic fail faces of the Empire.” Kwento pa ni kuya Thunder, kaya’t natawa ako ng dahil doon.
Tama iyan Empire magdurusa kayo sa kamay namin, dahil sa inyo kaya nabuo kami. You just created a monster inside of me, and the result will be us.
“I’m sure, kapag nagpakilala naang tunay na Sei Apocalypse, matataranta na ang empire, at sigurado akong may gagwin silang move, ang pa-pride pa naman nila.” Natatawang sabi ni Kuya Thunder. “And I can’t wait to see, the irrational move, they will make that will cause their downfall.” He added cooly.
Nag-kwento pa si Kuya Thunder noon, yes he knows what’s going on, dahil siya ang tinuturing kong kanang kamay. Alam din ng limang apocalypse na may kakambal ako dati, na siyang dahilan kung bakit ko gusto pabagsakin ang Empire. Wala kaming sikreto sa isa’t-isa, at gladly may tiwala ako sa kanila. Yes, I’ve been fooled once, but that is enough.
The game will start now, Empire. I will make sure you will rot in hell.
Hindi nag-tagal nakatulog din ako, dahil malayo pa ang byahe namin pabalik ng Korea. Ngunit bago ako makatulog ay bumalik sa ala-ala ko ang lahat lahat ng pag-hihirap na dinanas ko at ng kakambal ko. Sisiguraduhin kong makukuha ko ang hustisya. Sisiguraduhin ko iyan.
Habang yukom ang kamao at nanggagalaiti sa galit ay ipinikit ko ang mga mata ko.
Noong makarating kami sa Korea, pagod na pagod ako dahil sa tagal ng byahe. Halos nakapikit pa akong bumababa noon sa private jet, ngunit nawala ang antok na iyon noong may marinig akong boses.
“Long time, no see. Princess Light Smith.” Agad akong napamulat at napatitig sa lalaking nag-salita, at saka marahang sumilay ang ngisi sa labi ko. Parang tumigil ang oras noon at nanatili kaming nakatitig sa isa’t-isa.
“It’s been a long time, Skyler Zeus Anderson.” I retorted.
Naglakad ako papalapit sa kaniya, at saka niya ibinukas ang mga braso niya na para bang nag-sasabi na yakapin ko siya. Inirapan ko lamang siya dahil doon, ngunit natawa lamang siya ng marahan saka ako niyakap. Wala na akong nagawa ng pagkakataong iyon, kundi yakapin siya pabalik.
“I’ve missed you, Princess.” He said mellowly, that made me smile.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top