Epilogue




Epilogue Part II: Making You Smile
Nathaniel Gabriel Evans's POV

Naalimpungatan ako noong maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina at tumatama sa may bandang mukha ko. Dahil sa pagkasilaw ay wala akong nagawa kung hindi ang bumangon para ayusin iyon. Inaantok pa ako, at saka hindi pa naman gising si Light, wala pang gumigising sa akin.

Bangag kong tinungo iyong bintana para ayusin ang kurtina doon at noong tuluyan kong maayos iyon ay tumingin ako sa hinihigaan ko at doon ko nakita ang mga anak ko na mahimbing pa ang tulog. Inilibot ko ang buong paningin sa kwarto pero walang anino ni Light.

Where is she? Napakunot noo ako doon at saka tuluyang naliwanagan noong mapagtanto na wala nga pa ito dahil nagbabakasyon kasama ang mga babae. Napalunok ako ng wala sa oras sa napagtanto.

Damn. I am really alone with my children.

Marahan akong naglakad iniiwasang magising sila, gustuhin ko mang halikan isa isa habang tulog pa ay hindi ko na lamang ginawa dahil sa takot na baka magising sila. Hindi magandang ideya na magising ang mga ito, paniguradong hindi ako makakapaghanda ng pagkain.

Marahan at maingat akong lumabas ng kwarto at siniguradong tulog pa ang mga ito. Dumiretso ako kaagad sa kusina para ayusin ang mga kailangang rekado para makapagluto na.

Mabilis ang kilos ko at siyempre iniiwasan ang sobrang ingay. Knowing Miracle. Mabilis magising ang isang iyon sa ingay, kahit napakalayo sa kaniya noong tunog. Malakas ang pandinig. May kapangyarihan yata ang isang iyon e, tsk, bukod sa pagiging invisible.

Nagsimula akong magluto ng pagkain nila. Iyong natitira akin na lamang siguro. Hindi naman ako nahirapan o natagalan dahil sanay na ako na ako ang nagluluto. Noong naglilihi kasi si Light sa triplets ay gusto niyang kinakain ay iyong luto ko lamang kaya naman sanay na sanay na ako.

Noong halos matatapos na ako ay bigla na lamang nag-ring ang cellphone ko. "Pards Gab!" Boses ni Tim Tim kaagad ang narinig ko. Mukhang gising na din ang isang iyon at magsisimula na ang umaga namin.

"Bakit?" Tanong ko, at saka ko binuksan iyong takip ng kaldero para tikman iyong niluto ko. Inipit ko sa balikat at tainga iyong telepono.

"May pagkain dyan?" Tanong niya sa akin. Napasinghal kaagad ako sa bungad niya. Huwag mong sabihing dadayo sila dito ng umagahan? Mamaya pa dapat kaming tanghalian magsasama sama para alagaan ang mga bata ah? Ang aga naman nitong isang ito.

"Magluto ka nang sa iyo." Sagot ko sa kaniya.

"Pards naman alam mo namang hindi kinakain noong mga prinsesa ko ang luto ko." Paniguradong problemadong problemado na ang isang ito. Lihim akong natawa. Magdusa ka. Malay ko ba kasi sa kapatid ko at hindi tinuruan magluto nang ayos ang isang ito.

"Paano kakainin noong mga iyon ay puro sunog, maalat, matabang ang luto mo." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Sige manlait ka pa. Didiretso kaming tatlo dyan, gising na sila." Hindi pa man ako nakakasagot ay binababa na niya ang tawag para hindi ako makaalma, ibang klase talaga, alam ang gagawin.

Napailing iling na lamang ako at saka tinapos ang niluluto ko. Naglabas ako ng mga mangkok para sa mga bata at inilagay ko na doon ang kakainin nila para medyo lumamig na.

Ilang saglit pa ay nadinig ko na ang doorbell at siguradong nandito na ang mag-aama noong kapatid ko. Patakbo akong dumiretso sa salas para pagbuksan sila. Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang dalawa.

"Tito Nate!" I heard Amythee. Kaagad ko siyang nginitian at saka binigyan ng yakap. Humalik ito sa akin sa pisngi.

"Hi, I am Biblee!" Masiglang masiglang pahayag ng pamangkin ko at saka masayang tumakbo papalapit sa akin. Nakakatuwa dahil parang manika ang dalawang batang ito.

"Titi!" Napasampal ako sa sarili noong tawagin ako noon ni Biblee.

"Ti-to." Pagtatama ko sa kaniya.

"Ti-ti." Maligalig na tugon naman niya.

"Hahaha!" Tawa naman ng magaling nilang ama. Kaagad kong sinikmuraan sa tyan si Tim Tim dahil doon.

"Pakain na din ako." Sambit pa niya sa nang-aasar na tono. Hindi ko siya sinagot dahil nakayakap si Biblee sa binti ko. Tuwang tuwa itong tumatawa sa akin. Ang aga aga ay napakahyper na.

"Titi Nate." Tawag nitong muli. Napakamot ako sa batok dahil doon. Minsan pakiramdam ko sinasadya ng makulit na ito iyong pagtawag sa akin noon e. Masyado kasing mautak kagaya ng magulang.

"Where's the triplets and Silhoue, tito?" Tanong naman ni Amythee, napangiti naman ako sa kanya at saka ko itinuro iyong kwarto namin sa taas.

"Still sleeping po?" She asked curiously. Tumango ako sa kaniya. Naintindihan kaagad iyon ni Amythee kaya naman imbis na pumanik pataas ay tumungo siya sa kusina kasama si Tim Tim.

Binuhat ko naman si Biblee para dalhin na din sa kusina. "Are we goin' to eat?" Tanong nito sa akin. Her accent is so cute. I nodded in response, she clapped her hands happily.

"What are we goin' to have for breakfast?" Sunod na tanong naman niya. Natawa ako dahil mukhang mamaya pa matatapos iyong usapan namin ni Biblee. When she starts a conversation, it will be a thousand long.

"Rice and soup. Gusto mo noon?" Nakangiting pagkukuwestiyon ko.

"Yes! Is it tasty? Who cooked?" Natawa ako dahil doon. Ang bilis din talaga magproseso ng mga impormasyon sa kaniya. Tapos ang daldal pa. Nakakatuwa. Iyong triplets kasi madaldal din at makulit pero hindi kagaya ng karisma ni Biblee.

"Of course, it is tasty. Tito cooked it for you and your ates and kuyas." I told her.

"Really? Bait bait, Titi Nate. Aren't you hurt? Because... cause... the pot is hot, it might burn you." Nag-aalalang wika nito. Hindi ganoong nauutal pero iyong pagkakasabi niya pambatang pambata. Natawa din ako doon sa sinabi niyang 'bait bait'. Heck, a just got complimented by kid, and I was so happy. But the heck with 'Titi Nate'. This kid really.

"No, I was careful." Paninigurado ko pa sa pag-aalala niya.

"That's good. Nanay told me, you should always be careful. Cause... accidents everywhere po." Pangangaral pa nito sa akin, kaya napahagalpak na ako ng tawa. This cute little baby.

"Biblee. Come here, let's sit. Tito Nate will prepare." Tawag ni Amythee sa kapatid.

"Oh! Oh, baba na po ako Titi Nate." Magiliw na sambit nito sa akin at noong ibaba ko na ay nagtatakbo ito patungo kayna Amythee.

"Buti hindi ka kinausap pa?" Natatawang sabi ni Tim Tim. Wala kasi talaga akong kawala kay Biblee kapag nagpatuloy ang pag-uusap namin. Ganoon kasi talaga si Biblee, laging may sinasabi kahit wala sa paksa, talagang may itutugon siya sa iyo.

Umupo nang ayos iyong dalawa at sinenyasan ko si Timothy na kunin na lamang iyong pagkain sa kusina at ilagay dito sa dinning area. Sumunod naman ito kaya pumanhik na ako sa itaas para pumunta sa mga anak ko.

Hindi pa man ako nakakapasok ng tuluyan sa kwarto ay nakita ko na si Miracle na nakaupo habang nagkukusot ng mga mata. Inililibot ang paningin sa kwarto at hinahahanap kami.

"Momo..." Mahinang wika nito hinahanap ang ina. Napangiti ako dahil doon. Una talagang hinahanap ni Miracle si Light kapag bagong gising. Kaagad akong pumasok dahil mukhang lumungkot ang mukha niya noong hindi makita si Light.

"Dada." Tawag nito sa akin, ngumiti ako sa kaniya at lumapit. Yumakap ito sa akin at saka ako hinalikan sa pisngi. "Morning, dada." Mahinahong imik pa niya, sobrang nakakagaan sa pakiramdam. Nanatili itong nakayakap sa akin. Ganito si Miracle kapag umaga. Kahit sino sa amin ni Light, yayakapin niya muna hanggang sa magising na talaga siya noong totoo.

Miracle grow up sweet and kind. Sobrang bait at sobrang mahinhin na bata. Kaya nga hirap na hirap siyang hanapin nina Light dahil sobrang hina ng awra niya at hindi pa gumagawa ng kalokohan kaya naman minsan nahihirapan talaga sila.

Habang yakap yakap ko si Miracle ay biglang bumalikwas si Justice at saka umupo. Napangiti ako noong makita ko itong papikit pikit marahil ay naninibago ang mga mata sa liwanag. "Momo..." Mahinang usal pa nito, at saka humibi noong makitang wala si Light sa buong kwarto.

Napalingon si Miracle sa kapatid at saka niya ito sinenyasan na lumapit sa amin. Napangiti si Justice noong makita ang kapatid na nakayakap sa akin. "Dada." Bati nito sa akin at saka magiliw na dumamba.

"Shh. Rebel and Law might wake up." I told my two children. They both giggled. Umupo si Justice sa lap ko at saka hinawakan ang kamay ni Miracle. This little kid is always afraid that Miracle might disappear, similar with Light. Kami lamang naman ni Law ang normal kay Miracle.

Hinalikan ko sa pisngi si Justice at tatawa tawa ito sa ginawa ko, gamit ang maliit nitong kamay ay itinulak pa ako. "Now you are pushing dada away?" I teased, he chuckled lovingly.

Kiniliti ko ito ng marahan at tuwang tuwa ito. Si Miracle naman ay tumatawa habang nasa likod ko na nakayakap sa akin. "I love you, Justice." I whispered. And he kissed my cheek. Parang natunaw ang puso ko dahil doon.

"I love you, dada." Bulong naman ni Miracle. Napalingon ako sa kaniya at saka siya hinalikan sa may pisngi. "I love you, baby." I told her. Ngumiti ito sa akin. Hindi nag-aalma si Miracle kapag tinatawag ko siyang 'baby'. Malapit na malapit kasi kami ni Light sa mga anak namin. Ayaw namin noong parang may nakarahang sa pag-itan namin at nila kaya hindi sila nahihiya sa amin.

Ilang saglit pa ay huminga muna ako dahil tulog pa sina Rebel at Law. Si Miracle naman ay pumuwesto sa may dibdib ko. Ihiniga niya doon ang ulo na para bang unan niya iyon. Napangiti ako. Gustong gusto niyang ginagawa iyon. Si Justice naman ay umupo sa may tiyan ko. Nakangiti ito sa akin nang-aasar.

Tahimik lamang iyong dalawa dahil ayaw nilang magising si Law. Takot kay Law parehas. Haha.

Ilang saglit ay napansin namin si Rebel na biglang umupo habang pikit. Agad natawa si Miracle sa nakita. She loves looking after the triplets when they wake up, because they look so innocent and cute.

"Morning Rebel." Miracle said mellowly.

Mukhang nagulat si Rebel dahil nakapikit pa ito ay may narinig ng bati halos mapahiga ulit ito noong mawalan ng balanse sa katawan. "You scared him, Mira." I told her quietly, she chuckled heartily.

"I didn't, dada, my brother's so adorable." She replied while looking at Rebel. Nakatayo na si Rebel at mulat na noong makita ako nito at bigla itong ngumiti at tatawa tawang biglang tumalon sa tiyan ko.

"Ack!" Reaksyon ko sa kaniya pero lokong bata tinatawanan lamang ako, hindi man lamang naawa. Alam siguro naman hindi naman ako nasasaktan sa ganoong bagay. The triplets, they are hard to fool.

Tinulak ni Rebel si Justice kaya naman nalaglag si Justice sa mula sa pagkakaupo sa tiyan ko. Napatayo si Miracle sa nangyari at dali daling dinaluhan si Justice na nakangiti pa din.

Lumapit naman sa may mukha ko si Rebel at saka hinawakan ang mukha ko. He's giggling while saying, "Dada." Tuwang tuwa ito sa ginagawa. "Don't push your brother like that, okay?" Nakangiting wika ko. Tumango tango naman ito.

"Yes po." Magalang na sagot nito.

Humiga si Rebel sa ibabaw ko at si Justice naman ay nakayakap kay Miracle. Iniintay na lamang namin na magising si Law. Kahit batas iyang si Law, huli palagi ang gising nan. Mabuti na lamang at hindi hinahahanap ni Justice at Rebel si Light.

Tahimik lamang na naglalaro si Justice at Miracle at paminsan minsan ay tatawa si Justice at sasawayin siya ni Miracle na tumahimik. Nakakatuwa silang pagmasdan nakakataba ng puso. Si Rebel naman ay nakahiga lamang sa may bandang dibdib ko at tahimik.

Matapos ang ilang minuto ay bumalikwas na si Law mula sa pagkakahiga. Napa-upo ito at saka nagkamot ng ulo. "Dada, Law's awake." Mahinang sambit sa akin ni Rebel.

"Momo." Napangiti ako noong hanapin ni Law si Light. At noong walang makitang Light ay mabilis na tumayo at saka tumakbo papalapit sa akin. "Dada." Maiksing sambit nito at saka umupo sa may harapan ko.

Umupo ako at hinayaan si Rebel na nakayakap sa akin. Ginulo ko ang buhok ni Law na mukhang nainis kaya itinulak ang kamay ko. Natawa naman ako dahil doon. Nagkusot ito ng mga mata at saka ngumiti sa mga kapatid at sa akin.

"Good morning, Law." Bati ko sa kaniya. Lumapit ito sa akin at saka humalik sa pisngi ko pati na din sa may ulunan ni Rebel pagkatapos ay pumunta kayna Justice na hinalikan nito sa noo at saka kay Miracle na niyakap nito at hinalikan sa may ulo. Napangiti ako dahil doon.

Isa kasi iyon sa mga nakasanayan ng magkakapatid. They care for each other and they show that they love each other, though sometimes fight between them is inevitable, at the end of the day, you'll see how they get along so well.

"Mornin' Law." Miracle told him while giggling. At saka nito niyakap ang kapatid.

"Let's go and brush your teeth." I stated softly. They all nodded. Nag-unahan pa iyong triplets papunta sa may banyo at natatawa silang pinanuod ni Miracle at huli siyang sumunod sa mga kapatid.

Tumungo din ako doon para ibigay sa kanila ang mga kailangan nila. Ang kukulit noong tatlo at nagtatawanan habang nagtotooth brush. Mabuti na lamang at walang topak, dahil minsan, kapag ayaw nila ay nauuwi kami sa iyakan.

Noong matapos sila ay lumabas na sila sa may banyo at saka ako inintay sa kwarto. Kinarga ko si Justice at Rebel na tuwang tuwa, at si Law naman ay humawak sa kamay ni Miracle.

Magkakasabay kaming bumababa habang nagkwekwentuhan iyong magkakapatid.

"I dreamt about a dragon! It's sooo sooo big!" Masayang kwento ni Rebel sa mga kapatid habang minumuwestra kung gaano kalaki iyong dragon. "I—I put up my sword and defeated it!" Tuwang tuwang sambit pa nito.

"Woah, so cool Rebel! I saw a giant teddy bear in my sleep, dada gave me a big one! It's so fluffy!" Masayang sagot naman ni Justice sa kapatid.

"How about you, Law, did someone visit you in sleep?" Tanong ni Justice sa kapatid.

"I saw a giant apple wanting to eat me, and I told him, I was the one who's gonna eat him at breakfast!" Magiliw na sagot nito sa kapatid. Napangiti ako dahil doon.

"Dada, where's Momo?" Natigil ako sa paghakbang pababa ng hagdan noong tanungin iyon ni Miracle. Sinundan pa iyon ng mga reaksyon ng triplets na hinahanap si Light.

"She's on vacation kids, so you are alone with Dada, don't worry, Momo promised she'll be back soon, with your treats." Nakangiting paliwanag ko sa kanila. Tuwang tuwa naman sila dahil doon at napapalakpak pa.

Hindi din nagtagal at nakarating din kami doon sa kusina.

"Biblee!" Masayang wika ni Justice at Rebel.

"Amythee!" Bati naman ni Law at Miracle.

"Tito! Good morning, Law, Justice, Rebel, Ate Silhoue!" Magiliw at masayang wika ni Amythee habang tumatawa at saka dali daling bumababa sa kinauupuan at tumakbo patungo sa amin.

"Wee! Wee! Wee! Hi I am Biblee! Sunshine is up up up! Saying a wonderful morning Kuya Law, Kuya Justice, kuya Rebel!" Masayang wika ni Biblee habang tumatawa sa kinauupuan.

Sumunod ito sa kapatid para salubungin ang mga pinsan.

Binati ng triplets si Ate Amythee nila at hinalikan ni Amythee sa pisngi isa isa ang triplets at saka nito niyakap si Miracle. Tuwang tuwa ang dalawang magpinsan at nagkiss parehas sa cheeks.

Ginulo naman ng triplets ang buhok ni Biblee dahilan kung bakit ito tumatawa at saka magiliw na nagkwekwento sa tatlo. Hanggang sa... "But? But... where's ate Silhoue?" She asked innocently to the triplets.

Nagkatawanan kami ni Tim Tim dahil doon. Nasa harapan na ni Biblee si Miracle pero hindi pa din nito nahahalata. Itinuro ni Law sa pinsan ang kapatid at nagtatalon si Biblee noong mapagtantong nasa harapan lamang nito. Niyakap nito si Miracle. "Good morning ate!" Tuwang tuwang sambit nito.

Hinila noong magkapatid na mga pinsan para pumunta na sa lamesa. Binuhat ko sina Law, Justice at Rebel para makaupo at si Miracle naman ay umupo ng kaniya sa tabi ni Amythee.

May hawig sa isa't-isa dahil sa pagiging magpinsan. Parehas mukhang manika at maamo. Parehas ding mabait, medyo mas madaldal lamang si Amythee kaysa kay Miracle. Hindi pala imik si Miracle kapag hindi kailangan.

Ibinigay ni Tim Tim iyong mga pinggan at mangkok sa mga anak ko. Masaya naman nilang tinaggap iyon. Pakanta kanta pa si Justice habang naghihintay na magsimula kaming kumain.

"Let's pray, let's pray!" Magiliw na wika ni Amythee. Siya na din mismong nagsimula ng dasal at nakapikit pa ang mga bata habang ginagawa ito. Napangiti ako dahil nakakatuwa silang pagmasdan.

Matapos noon ay nagsimula kaming kumain.

"Hey, hey, hey, blow it first, kuya Rebel, it will hurt your tongue if you didn't." Saway ni Biblee kay Rebel.

"And don't talk when your mouth is full." Sagot naman ni Rebel sa kaniya. Masaya namang tumango si Biblee at nagsimula nang kumain. Ang amos tuloy niya. Masyaodng maligalig ang aga aga pa.

"Ol' McDonald had a farm, i-yah, i-yah, yo!" Napatingin kami kay Justice na nagsimulang kumanta. Ugali iyon ni Justice kapag umaga, kakanta nang kakanta. Kaso hindi ito makakanta ng ayos ngayon dahil sa ingay ni Biblee at Rebel, at isama mo pa si Amythee na nagkwekwento kay Miracle, at si Miracle naman ay tatawa tawa dito.

"Hahahaha, you should get a mic, kuya Justice." Biblee told Justice.

"Biblee, don't disturb Just when he's singing." Saway naman ni Rebel.

Nagsimula ang bangayan. At si Miracle at Amythee naman ay natatawa sa nangyayari. Sumali din iyong dalawa sa lokohan nina Rebel, at Biblee. Pakiramdam ko kailangan ko ng pantakip sa tainga dahil wala na akong maintindihan sa pag-iingay nila. Ang kalat pa dahil kain nang kain tapos magsasalita.

Bakit kapag sina Light at Lian ang kasama ng magpipinsan na ito ay hindi sila ganito? Tsk. Sasawayin ko na sana sila dahil wala yatang balak si Tim Tim dahil tawa lamang ito nang tawa sa nasasaksihang ingay at gyera nila.

Iimik na sana ako pero may nauna sa akin.

"Stop." Maging ako ay tumigil pati na din si Tim Tim. Parang biglang may dumaang anghel dahil tumigil sa pagtatalo at sa pag-iingay sina Biblee, Rebel, Justice, Amythee at Miracle.

It was just one word from him, it was not even a shout, it was just a calm voice. But just like what he stated, everybody stopped. Ewan ko ba, ang sabi ni Light si Miracle ang nakakatakot dahil sa kawalan nito ng presensya at awra, pero para sa akin si Law ang nakakatakot.

He's like Light, but with a combination of Evans's authority. No one, even the gang (his ninangs, ninongs, titos, titas) can defy him. Oh well, Light could, I could do it too sometimes, when it is needed, but when the situation is like this, I am also speechless by his aura.

Ngumiti si Law matapos niyang patahimikin ang mga pinsan. Parang nakahinga ang mga bata dahil doon. Natawa ako lalo na kay Biblee kasi halos pigil hininga na ito noong mahinahong iyong sabihin ni Law. Kahit siya pa ang pinakamadaldal basta si Law ang magsabing tumahimik siya, kahit ayaw niya kusang sasara ang bibig niya.

Humina na ang ingay hindi katulad kanina. Napatingin sa akin si Tim Tim. "Talo talaga ako sa batang iyan." Natatawa at napapailing na wika nito at saka sumulyap kay Law. He mouthed, "Iba. Ibang klase."

Kumain na sila at makalat talaga lalo na si Justice at Rebel at saka si Biblee. Pinunasan ni Miracle ang kapatid dahil sa amos nito. Ganoon din si Amythee sa katabing si Biblee.

"Biblee, eat first, stop talking so much." Saway ni Amythee kay Biblee.

"But... but..." Aalma pa sana ito kung hindi lamang sumali si Law sa usapan.

"Biblee, ate Amythee's right, you should finish eating first." Napatulala si Biblee kay Law at sumimangot pero wala itong nagawa kung hindi sumunod. Natawa naman kami ni Tim Tim dahil doon.

"Sabi ko sa iyo Pards e, aampunin ko na si Law, para tumahimik naman sa bahay. Hahaha!" Natatawang wika ni Tim Tim.

"Loko loko." Sambit ko sa kaniya. Muntik ko nang sahihing 'gago' kaso hindi ko nagawa dahil nandito ang mga bata at siguradong kapag sinabi ko iyon ay sasabat si Amythee na nakatingin sa amin. Lagi pa namang kuryoso ang mga anak ni Tim Tim.

Nagpatuloy kaming kumain. "Linis kumain ni Law." Puna ni Tim Tim.

Makalat iyong mga bata si Miracle nga ay may tapon na sabaw sa may lamesa, at ganoon din si Amythee, na nililinis niya ngayon. Si Law talagang sobrang linis. Well, Law has issues in cleanliness.

"Ganan iyan, iiyak iyan kapag madumi." Natatawang tugon ko naman.

Law hates getting dirty. Naalala ko dati noong matapunan siya ni Rebel ng tsokolate sa may damit, umiiyak itong nagsumbong kay Light. If you want Law to cry, get him dirty, that's the only way.

"Ol' McDonald had a farm, E-I-E-I-O." Napatingin kami kay Law noong magsimula itong kumanta. Napangiti ako dahil doon, akala ko kasi si Justice ang kakanta. Mukhang si Law ang mag-sisimula sa kanila. He's starting to lead them.

"And on his farm he had a cow, E-I-E-I-O." Tuloy pa ni Law habang ginagalaw galaw ang ulo, at nakangiti. He's still a kid. I love it when he's like that. Minsan kasi parang nawawala ang pagkabata nila dahil sa natural na kakayahan nila.

"With a moo moo here." Justice sang happily while humming.

"And a moo moo there." Sabay na kumanta si Justice at Rebel matapos noon. Nakakatuwa silang dalawa. Talagang sinusunod iyong ginagawa ni Law.

"Here a moo, there a moo. Everywhere a moo moo." Biblee joined in and you can really tell that they are having fun in their own way.

"Old MacDonald had a farm, E-I-E-I-O." Law continued brightly. Mukhang natutuwa din sina Amythee at Miracle sa kanila kaya nakangiti sila habang pumapalakpak kasabay sa kanta.

"Old MACDONALD had a farm, E-I-E-I-O." Law's leading them. "And on his farm he had a pig, E-I-E-I-O." Matapos noon ay hinayaan niyang sila ang kumanta.

"With a oink oink here. And a oink oink there. Here a oink, there a oink. Everywhere a oink oink. Old MacDonald had a farm, E-I-E-I-O." Kahit wala sila sa tono ay matutuwa ka na lamang dahil nagkakasundo sundo sila.

Tinapos nila iyong kanta at syempre tuwang tuwa sila. We complimented them that made them even happier. At matapos noon ay pinagpagan namin sila at pinapunta sa may salas para maimis na namin ang kalat nila sa pagkain.

Miracle and Amythee helped in bringing the plates on the sink. Napangiti kami ni Tim Tim dahil sa pagiging responsable ng dalawang panganay.

"Watch out for the little ones, okay? Don't fight." Paalala ko kay Amythee at Miracle.

"Opo, dada." Sagot ni Miracle.

"Yes, tito Nate." Amythee replied.

Magkahawak ng kamay iyong dalawa na pumunta sa salas kung saan iyong makukulit. Inayos ko na iyong mga plato at mga kailangang hugsan para hindi magtambak mamaya, kapag kasi tumambak ito ay baka magalit si Light sa akin.

Maglilinis kami ni Tim Tim sa kusina noong magtanong ito. "Anong gagawin natin mamaya?" He asked.

"I don't know, maybe we can go to a water park." I suggested. Mas maganda nang nalilibang iyong mga bata kaysa nandito lamang sa mga bahay, baka kasi mag-away away sila. Normal na iyon hindi maiiwasan.

"Game, how about Zoo? I think they'll love it, Amythee, Akira, Cleon, Theon, Pierce love animals." Sabi nito. Tumango ako dahil doon. Mukhang marami kaming pwedeng puntahan.

Habang nagplaplano sa maaring gawin habang naglilinis ay biglang tumunog ang doorbell namin sinenyasan ko si Tim Tim na buksan iyong nasa labas. Sumunod naman ito kaagad sa akin.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang ingay mula sa salas. "Hello Pierce! Hi Thorn!" Boses kaagad ni Biblee, Amythee, Justice at Rebel ang nangibabaw. Samantalang hindi ko narinig si Law at Miracle. Nadinig ko din ang tawa at pagbati ni Pierce sa mga kaibigan.

Pagkatapos ay natanaw ko si Thon Thon at Tim Tim na papunta dito. "Huwag mong sabihing makikikain ka din?" Bungad ko sa kaniya. Bigla naman itong tumawa.

"Asa ka pards, alam mo bang ang mga gwapong katulad ko ay kayang-kayang magluto, hindi tulad ng iba dyan nakikikain na lang." Parinig pa nito kay Tim Tim, kaya naman nabatukan siya noong isa.

"Alam mo pasalamat na lamang talaga kami at hindi nagmana sa inyo sina Pierce at Thorn, buti na lamang din at kastilyo ang istilo ng bahay ninyo, kasi kung nagkataon araw araw may bagyo doon." Natawa ako sa sinabi ni Tim tim kay Thon Thon.

"Pero ako marunong magluto hindi katulad mo." Sagot naman ni Thon.

"Bago pa kayo magpatuloy sa payabangan ninyo, ikaw Anthony bumalik ka doon sa mga bata at bantayan mo, baka gumawa ng kalokohan, ikaw Timothy tulungan mo na ulit dito na mag-ayos ng kalat." Pahayag ko wala namang nagawa iyong dalawa kung hindi sumunod.

"Hay, basta gwapo utusan." Iiling iling na sabi ni Thon Thon.

"Wala may pinagmahan talaga si Law." Tatawa tawang tugon naman ni Tim Tim.

Nag-ayos na kami sa kusina, mabuti na lamang at mabilis at maasahan si Tim Tim sa paglilinis kaya hindi na kami natagalan pa. Dumiretso ako sa salas dahil mukhang nagkakatuwaan sila doon dahil panay ang tawanan doon simula kanina.

Nandoon si Anthony nakahiga sa carpet habang naupo sa kaniya sina Law, Justice, Rebel, Thorn at Biblee. Sina Akira, Amythee at Miracle naman ay mukhang may ginagawa sa mukha at buhok ni Anthony.

"Vroom! Vroom!" Tuwang tuwa si Rebel habang kunwaring nagmamaneho. Gustong gusto kasi noon ng kotse.

Si Justice naman ay pakanta kanta habang nakasakay din sa kunwaring kotse nila. Nagkukulitan silang lahat, hanggang sa biglang bumalikwas si Thorn mula sa pagkakaupo dahilan para malaglag ito, mabuti na lamang at carpeted ang sahig sa salas kaya hindi ito ganoong napuruhan pero biglang umiyak. Nauna kasi ang ulo.

"Hahaha!" Tawa naman ni Tim Tim sa nangyari maging ako ay napatawa nang kaunti. Nakakatawa kasi si Thorn, nakikipagkulitan kay Law tapos biglang nalaglag at umiyak. Kawawang bata.

"Thorn, stop crying, shh." Pagpapatahan naman ni Biblee.

Si Law naman ay kaagad hinimas ang likod nito pati ang ulo. Si Anthony ay hindi matingnan ang nangyari sa anak dahil ayaw pakawalan nina Amythee. Tumungo na kami ni Tim Tim doon at pinatahan si Thorn.

"It hurts..." Naiiyak na wika pa nito. Kawawang bata.

"Bwisit ka Timothy, tatawa tawa ka pa dyan, naiyak na nga. Patay ako kay Alyx kapag nagkabangas ang gwapo naming anak." Asik ni Thon Thon kay Tim Tim.

"Ninong Thon, don't be mad to Tatay po." Biglang imik ni Biblee. Natawa naman ng peke si Thon Thon dahil doon. Wala e, laging ganan ang magkapatid na Yoon, mahal na mahal ang ama nila, syempre pati si Lian, ayaw na ayaw na may aaway sa kanila kahit kami pa.

"Ninong isn't mad... Ahm... Agh, bakit ba ingles nang ingles ang dalawang anak mo ha Tim? Turuan mo nga ng tagalog." Nakasimangot na sabi pa nito. Natawa tuloy kami.

"Marunong po kami Ninong." Sagot ni Amythee.

"Opo! 'Wag ka na po sumigaw kay tatay. Buhat na po n'ya si Thorn." Sabi naman ni Biblee. Suko si Thon Thon sa dalawa.

"Hay, Daddy, hingi ka po ng sorry sa kanila." Imik naman ni Pierce. Natawa na ako dahil pinagkaisahan nila si Thon Thon. Pati anak niya hindi kampi sa kaniya. Knowing his sons, they are so angelic. Laging nasa tama ang katwiran.

Humingi ng sorry si Thon Thon dahil sinabi ng anak. Matapos noon ay nagkulitan na ulit at nakisali na sina Tim Tim sa kanila. Samantalang ako ay tinawag na si Miracle. Mas maganda nang mag-ayos na ito, para aalis na lamang kami mamaya. Sina Pierce at Thorn kasi ay mukhang handa na. May dala na kasing bag si Thon Thon para doon sa dalawa.

Pumanik si Miracle sa itaas kasama ko. Ihinada ko iyong damit niya habang siya ay naglilinis ng katawan. Kaya na naman niya ang solo pero kapag si Light, gusto niya tingnan pa din ng mabuti. Inayos ko na din ang mga kailangan nila at iginayak. Kumuha na din ako ng damit para sa triplets. Pare-parehas ng mga damit ang tatlong iyon.

Matapos kong gawin iyon ay inilagay ko na ang mga gamit nila sa bag. May mga pang-swimming doon at syempre mga life vests. Alam na naman nina Skyler, Kurt at JJ na pupunta kaming water park, sinabihan yata ni Timothy noong nagdidiskusyon kami kanina.

Bumababa ako para kunin si Law at wala na sina Biblee pati si Amythee. "Bumalik sa bahay nila, maghahanda para umalis. Water park ba tayo?" Paninigurado ni Anthony. Tumango ako sa kaniya.

"Pupunta po tayong water park?" Pierce popped in.

"Yes, kaya magpakabait, okay?" Nakangiting sabi ko naman pumalakpak ito at halatang excited sa pagpunta namin sa water park.

"Really, dada?" Biglang lumapit sa akin si Law at tumango naman ako at saka ko ito binuhat. Tuwang tuwa ito sa nalaman. Law loves water. Gustong gusto nito ang tubig at hindi ito takot dito hindi katulad ng kapatid na si Rebel na mas gusto ang sasakyan. Si Justice? Hmm, he loves food.

"Pabantayan muna iyang dalawa, bibihisan ko lamang muna si Law." Tumango si Thon Thon sa bilin ko. Mas maganda kasing bihisan sila ng hiwa-hiwalay dahil minsan ay nagkakagulo lamang kapag sabay sabay. Paano iba-iba ng and ugali at hilig, minsan nag-aaway away din sa maliit na bagay.

Pumasok kami sa kwarto at syempre tuwang tuwa na si Law at siya na mismong ang kumilos ng kusa. Tumungo naman ako sa may walk in closet at nakita ko si Miracle na nagbibihis na. Nilapitan ko siya at saka tinulungan sa pagsusuklay ng buhok, matapos noon ay sumama siya sa akin para asikasuhin ang kapatid.

Tinulungan ako ni Miracle na bihisan si Law at pagkatapos noon ay masayang masaya na si Law. "Ate you're so pretty." Papuri ni Law sa kapatid.

"Thanks, handsome." Nakangiting sagot naman ni Miracle.

Ibinababa ko na si Law kayna Thon Thon at ayos na ayos na ito. "Ayos porma natin pareng Law ah." Tatawa tawang sambit ni Thon kay Law, tinawanan lamang siya ni Law at tumungo kay Pierce pagkatapos ay kumuha iyong dalawa ng libro na maari nilang tingnan.

Kinuha ko naman si Justice, dinala ko ito sa itaas. "Dada, saan po tayo pupunta?" Tanong nito sa akin. "Magswiswimming tayo." Sagot ko dito.

"'Di ba po may mga slides 'dun?!" Halos tumaas ang boses nito sa akin habang nagtatanong natawa naman ako doon at saka ko ito hinalikan sa pisngi.

"Oo maraming slides doon, mayroon ding mga iba't-ibang lugar kung saan pwede kayong maglaro, pero huwag lalayo masyado." Nakangting sambit ko dito, pinapaintindi ang mga salita. Tuwang tuwa itong pumalakpak at mahahalata mo ang pagkasabik nito sa pupuntahan namin. Sana ay hindi matakot ang isang ito mamaya, may pagka takot kasi ito sa tubig.

"Opo, dada!" Masayang tugon nito sa akin. The sweetest of the triplets.

Kaagad kong itinuro kay Justice ang kapatid nito, kung hindi ko ituturo ay baka hindi nito makita ang kapatid, tumakbo ito patungo kay Miracle at saka sinunggaban ng yakap. Sinuklian naman iyon ni Miracle ng halik sa pisngi.

Miracle helped me in dressing up Justice. Nagkwekwentuhan iyong dalawa habang binibihisan namin si Justice. Justice adores Miracle so much. Kaya nga minsan umiiyak na lamang ito kasi akala nito wala ang kapatid sa paligid. Miracle is gentle when it comes to Justice because she knew that this kid is a gentle lamb among the triplets, kaya nga laging napapagtripan ni Rebel kasi masyadong mabait.

Matapos namin itong mabihisan ay kaagad itong yumakap sa akin. Mahilig mang-yakap ang isang ito. Kiniliti ko siya ng bahagya dahilan para tumakbo ito palayo sa akin at magtago sa likod ni Miracle, syempre nakipaglaro ako dito at saka ko hinuli sa likod ng ate niya. Tuwang tuwa ito noong buhatin ko at saka ko siya inilagay sa balikat ko, humawak naman siya sa ulo ko at saka kami bumababa.

"Justice!" Masiglang bati naman ni Thorn na tumataaas ang boses. Napatalon pa ito na parang gustong abutin si Justice sa may balikat ko. Natawa ako dahil doon at saka ko ibinababa ang anak ko. Kaagad niyakap ni Justice si Thorn at naglaro ang dalawa.

"Rebel." Tawag ko sa bunso. Nilapitan ko siya para kuhanin ngunit ang pagiging pilyo nito ay umiral. Imbis na sumama sa akin ay nagtatakbo ito.

"Yah! Rebel-yah!" Tawag ko sa kaniya pero tumakbo pa ito lalo. Pwedeng pwede kong isali ang batang ito sa marathon dahil napakabilis kumilos, alam na alam din nito kung saan ako pupunta kaya naman ayun, walang ginawa kung hindi iwasan ako kaya hindi ko pa din nahuhuli. His natural reflex and wittiness in moves is evident in his every action.

"Hahaha! Talo ka pards Gab!" Asar ni Thon Thon sa akin dahil hindi ko mahuli si Rebel. Paano tumatakbo sa may mga upuan at saka sa may lamesa kaya naman imbis na mahuli ko ay matitilapid pa ako sa dadaanan ko, para bang alam na niya ang bagay na iyon kaya doon niya ako dinadala. Tss. Katalinuhang taglay.

"Rebel, let's go." Imik ko dito, pero tinawanan ako nang pang-asar.

"Hahaha! Dada, tanda!" Pangloloko pa nito.

Natawa na ako dahil doon. "Hahaha!" Maging si Anthony ay natawa sa sinabi ng pilyong anak ko.

"Wala! Talo ka pala! Matanda ka na daw." Alaska pa ni Thon Thon kaya nabato ko siya ng unan sa ulo. Napalakas yata pero hindi naman ito nasaktan mas natawa pa nga ito at sinabihan ako na ang pikon ko. Baliw.

"Tito Nate, baka po masaktan si Daddy." Napatigil ako sa pagbato ng unan kay Thon Thon dahil kay Pierce. Agh. Bakit nga ba ang bait ni Pierce? Sana man lamang namana ni Thon kahit katiting na ugaling iyon sa anak. Tsk.

"Bad po 'yun nagsasakitan." Pangaral nito sa akin. "Opo, gagalit si Papa God." Segundo ni Thorn. Banal na mabait pa.

"Okay Tito's sorry about it." I told them softy at napabalik ang dalawa sa pakikipaglaro kay Justice at Law.

"Mahiya ka naman pards sa mga anak ko." Loko-loko talaga itong si Anthony. Tuktukan ko ito mamaya kapag hindi nakatingin ang mga bata. Baka ako na naman ang mapagsabihan. Teka, nga bakit ba kami ang napapagsabihan ng mga batang ito? Kanina pa ah.

Muli ay hinabol ko na si Rebel at... "Rebel, go with dada. Maiiwan ka sige ka." Napatingin kami noong magsalita si Law. Lihim akong napangisi dahil doon. Game over, Rebel.

Rebel suddenly stopped running. Napansin ko na gusto pa nitong tumakbo pero pinipigilan siya ng mga salitang narinig sa kapatid. Bago pa man makatakbo ulit ang nagdadalawang isip na bunso ko ay hinuli ko na ito ay ayun, tatawa tawa na ulit.

"Bagal mo na tumakbo dada." Komento pa nito. Tss. Yabang din ng isang ito. Hindi ako mabagal, sadyang mautak lamang siya sa sinusuotan at tinatakbuhan kaya hindi ko siya maabutan at mahuli. This kid surely got Light's moves and tactics.

Dinala ko siya sa taas kung nasaan si Miracle. Noong ibaba ko ito ay mukhang hinanap pa nito ang kapatid. "Rebel, here." Miracle stated and Rebel suddenly smiled upon seeing his sister. Kaagad itong tumakbo papunta kay Miracle at saka nagpatulong magbihis.

"Ate, dada's getting weak." He told Miracle.

Napatingin sa akin si Miracle. "Momo will get mad if you're gonna make things hard for dada." Sagot naman ng kapatid. Ginulo ko ang buhok ni Miracle dahil doon. I smiled at her too, to assure that everything's alright.

"It's okay." Mahinanong sabi ko sa kanila. "Just don't do bad things, in that way Momo and Dada will be happy." Paliwanag ko pa sa kanila. Tumango nang magiliw ang mga anak ko kaya niyakap ko silang dalawa at pinugpog ng halik sa mukha.

"Dada is there a car at Water Park?" Tanong ni Rebel sa akin.

"Yeah, a car float." Nakangiting sagot ko mukha namang mas lalong nasabik si Rebel dahil doon.

Matapos kong bihisan si Rebel ay bumababa na kaming tatlo. Dala-dala ko na din iyong bag na para sa mga bata. Nagkaroon na silang muli nang kaniya-kaniya ang ingay nila, pero mas maganda na iyon kaysa tahimik, mahirap kasing alamin ang kalokohan nila kapag tahimik sila.

Maya-maya pa ay biglang may nag-door bell ako na ang dumiretso para pagbuksan kung sino man iyon dahil nakikipaglaro si Thon Thon sa mga bata. Dumating sina Skyler at mga anak nito pati si Kurt at Harper. Harper's sleeping in Kurt's shoulder.

"Pards." Bati noong dalawa sa akin, tinanguan ko naman sila.

Tahimik ang kambal, nakipag-fist bump sila sa akin. "Where's Silhoue, tito?" Tanong sa akin ni Theon. I smiled at him and pointed the direction of the living room. Ngumiti ito sa akin at nagpasalamat.

"Tito! Kamusta po? Nasaan na po ang tatlong abo at ang ate nilang hindi ko makita kaagad?" Biro naman ni Cleon. Marahan akong natawa dahil doon at ginulo naman ni Skyler ang buhok nito. "Dad, punta na ako doon ah? Nandito na po si Pierce? Si Akira po?" Tanong pa nito. Napakarami kaagad na sinabi hindi katulad ng kakambal na tatatlong salita lamang ang lumabas sa bibig.

"Pierce's here, but Akira's not yet here." Sabi ko naman sa kaniya at nagtatakbo na siya papunta sa salas. Nakakatuwa ang mga batang ito, kahit sabihin mo pang-bibo at magulo, hinding hindi nila kakalimutan ang pagiging magalang. Sana magpauloy hanggang paglaki, hindi katulad namin.

"Hi Art!" Bati ko sa bunso nina Skyler na si Artemis.

"Hello po, tito." Nakangiting bati nito sa akin. "Harper's sleeping." Pansin nito sa kaibigang natutulog.

"Umiiyak kanina wala si Tiara, hinahanap, buti na lamang tumahan na." Paliwanag ni Kurt. Napakunot-noo ako. Harper's a daddy's girl. "Sanay si Harper na nagpapakarga kay Tiara pagkagising kaya ayun." Tuloy pa nito kaya tumango ako.

"Doon ka muna sa guest room, baka magising si Harper ang ingay noong mga bata, lalo na nandyan si Cleon." Sambit ko sa kanila. Tumango naman ito.

"Do you wanna go with Harper, Art?" Tanong ni Skyler sa anak.

"I'll go with kuya Theon first." Mahinang imik ni Art, napakahinhin at napakagaan sa pakiramdam ng pagsasalita nito. Mga tipong hindi makabasag pinggan iyon bang mahihiyang kontrahin ang sinasabi nito kasi napakalumanay.

Ibinababa ni Skyler si Art at nagtatakbo ito patungo kayna Theon.

Sinamahan ko naman si Kurt para hindi magising si Harper sa ingay. Mukhang handa na din silang umalis at gayak na gayak na. Ako na lamang yata ang hindi. Nang maihatid ko sa guest room si Kurt at Harper ay dumiretso na ako sa itaas para makapag-ayos ng sarili. Pinabantayan ko din ang mga anak ko kay Skyler at Kurt.

HINDI ako nagtagal dahil baka mamaya ay ako na lamang ang hinihintay nila. Nang maiayos ko ang sariling gamit ay bumababa na din ako, at doon ko naabutan ang kadarating lamang na si JJ pati na sina Akira at Honoka, maging sina Biblee at Amythee ay nandito na din.

Naglalaro ang mga bata, at kapag sinabi kong maingay, ay parang isang barangay ang hindi nagkitakita ng limang buwan kaya naman halos kabi-kabila ang pag-uusap at kung ano ano pa, at ganoon ang nangyayari ngayon sa mga bata.

Miracle is with Theon and Law, they are fixing the mess that the little kids made. Cleon and Biblee are talking non-stop with Justice, Justice seems like enjoying the conversation of Cleon and Biblee. Niyayakap nito ang dalawa. Si Amythee ay kasama si Pierce at Akira at tutok ang tatlo sa storybooks habang ginugulo sila ni Rebel, ibang klase din talaga si Rebel doon pa sa mas matanda sa kaniya nagloloko. Si Thorn, Honoka, at Art naman ang nagkakatuwaan kasama sina Skyler at JJ. Ang gulo nila. Para silang nasa isang sirko at hindi magkaintindihan may sariling mundo.

"Hindi pa man lubusang nagsisimula ang araw ay pagod na ako." Napalingon ako kay Thon Thon na umiinom ng tubig sa gilid ko mukhang napagod sa pakikipaglaro sa kanila. "Pards, baka pwedeng pabalikin na natin sina Alyx?" Nanlulumong saad pa nito.

Sinikmuraan ko siya. "Baliw, makipaglaro ka na." Sabi ko sa kaniya at ayun biglang tinawag ni Cleon at Biblee kaya naman nakipaglaro na sila ulit. Mukhang kumpleto na at pwede na kaming umalis. Tatawagin ko na sana sina Kurt sa guest room pero saktong lumabas na ito.

Nakikipaglokohan ito kay Harper at tumatawa si Harper dito. Prinsesang prinsesa talaga si Harper ang gandang bata at kuhang kuha ang mukha kay Tiara, mukhang Aleman ito. Ibinababa ni Kurt si Harper at imbis na tumakbo ay naglakad ito na parang royal patungo kayna Honoka at Art. Natawa ako dahil doon.

Hinayaan muna namin na maglaro sila hanggang sa napagpasyahan namin na aalis na kami. Mas lalong nagkagulo dahil doon at tuwang tuwa ang mga bata. Hindi man lamang naubusan ng enerhiya. Nakakaloko. Mas nakakapagod palang magbantay sa mga bata kaysa ang makipagbakbakan.

"Kurt isama mo sa iyo si Akira at Honoka, bibili ako ng mga pagkain para sa kanila." Sabi ni JJ noong makalapit siya kay Kurt. Tumango naman si Kurt at sumang-ayon.

"Thon! Sama mo din si Amythee at Biblee, sasamahan ko si JJ." Sabat naman ni Tim Tim. Sumaludo lamang si Thon Thon kay Tim Tim habang inaayos nito ang mga bata.

Tumulong na din ako sa kanila para ayusin ang makukulit na chikiting. Mabuti na lamang at nagsaway si Theon at Law kaya tumigil sila. Hindi pa sana titigil kung hindi lamang sinabihan ni Law na sumunod sa akin. Natawa nga ako kasi kinonchaba ko muna si Law na patigilin silang lahat.

Ramdam na ramdam ko tuloy na si Law ang "hari" ng mga ito. Parang sobrang tanda ko na kapag nakikita ko sila at lalo na kapag ipinapamalas nila ang mga angking abilidad at galing.

Our legacies are already starting their own path.

***

Nasa byahe na kami at syempre iba ibang sasakyan ang gamit namin. Iyong apat kong anak ang sakay ko. Nasa likod iyong tatlo at si Miracle naman ay katabi ko. Tahimik lamang si Miracle na nagmamasid sa paligid niya.

"Ate!" Napalingon siya noong tawagin siya ni Justice.

"Yes?" Malambing na tugon nito sa kapatid.

"Are you there?" Tanong pa nitong muli.

"Yes." Maikling sagot ng kapatid.

Maya-maya ay imbis na usisain ang ate niya ay nagsimula itong kumanta.

"Twinkle, twinkle, little star, how I wonder what you are~ Up above the world so high like a diamond in the sky~ twinkle twinkle, little star~" Napangiti ako sa pagkanta ni Justice. Ang paraan niya ng pagkakabigkas sa bawat salita ay sadyang nakakatuwa at nakakalambot ng puso.

He's humming the melody when suddenly Rebel popped in. "Waaaa! Yaaah! Nyyyaaaa!" Bigla na lamang itong nag-ingay para asarin ang kapatid. Imbis na mainis ay natawa ako sa ginagawa nito. Lokong bata. Matapos ang ilang sandali ay pinagsabihan ko siya.

"Rebel... huwag aasarin si Justice masama iyon, mag-sorry ka sa kaniya." Mahinahong imik ko.

"Okay dada..." Narinig ko ang maamong boses nito. "Just! Just! Just!" Kulit talaga. "Sowy~!" Natawa kami ni Miracle noong magpacute ito sa kapatid.

Nagsimulang mag-usap usap ng kanila iyong apat. Natatawa ako kapag may binabanggit silang mga kung ano-ano at kalokohan. Mabuti na lamang at hindi nila ganoong hinahanap si Light. Lalo na ni Law. Law's really close to Light, like I am with Miracle.

Ano kayang ginagawa nila? I wonder what my Light is doing.

Tatawagan ko na lamang mamaya pagkarating namin sa patutunguhan.

"Look dada! There's an ambulance!" Biglang imik ni Law na tahimik lamang kanina.

"It goes weee-woooo weee-wooo, with its red-light blinking!" Masayang dugtong naman ni Justice. Natigilan ako sandali dahil sa pagkakalarawan nito dito. Smart kid.

"It goes to sick people and those who are hurt! It's a fast car! Weee-wooo weee-wooo!" Maligalig na paliwanag pa ni Law. Natawa at pakiramdam ko ay naging proud ako sa mga pinagsasabi noong mga anak ko. Alam na nila ang bagay na iyon? Hindi ko naman itinuro sakanila, baka si Light o baka napanuod nila. Ang bilis talagang makakuha ng mga bagay bagay.

"And it will race! And it will be the first place compared to the ones that are carrying the dead people's coffin!" Rebel added joyfully. I laughed at his answer. Aba'y nagkumpara pa. Pero karera kaagad ang nasa isip. Goodness, I think Rebel will grow up loving drag racing. Huwag naman sana ayaw kong mamulat ang mga anak ko sa mga bagay na kinagisnan ko noon. I want them to have an innocent and happy life. Ayokong maranasan nila ang mga kasinungalingan na naranasan namin. Masakit at mahirap iyon.

Matapos noon ay nagkwentuhan silang muli at hindi nagtagal ay nakarating kami sa water park na para sa mga bata. Hindi ganoon karami ang mga tao ngayon dahil weekdays at hindi basta basta nakakapasok sa lugar na ito ang kung sino lamang. Kahit tahimik na ang buhay namin ngayon hindi maiiwasan na maging maingat pa din kami dahil maaring may mangyaring masama. We are still the Improbus Ille Imperium and the Apocalypse.

Ibinababa ko ang triplets at si Miracle sa sasakyan at saka ko sila dinala doon sa bahay na tutuluyan namin dito sa resort. Mabuti na lamang at may playroom doon kaya doon kaagad dumiretso ang triplets at si Miracle naman ay tinulungan akong ayusin ang mga damit namin.

"Thank you Miracle." I told her sincerely and kissed her head.

"Welcome, dada, I love you." Malambing na sabi nito. She kissed my cheek and I replied, "I love you too."

                   

Matapos noon ay dumiretso kaming dalawa sa playroom at doon ko naabutan si Rebel na inaapakan ang kapatid na si Justice sa likod. Umiiyak na si Justice habang nagmamakaawang tigilan na siya ni Rebel. Si Law naman ay may sariling mundo na nagbubuo ng puzzle sa isang tabi.

Kaagad kong dinaluhan sina Justice at Rebel kasunod si Miracle. Binuhat ko kaagad si Rebel at noong makita ang seryoso kong mukha ay mukhang napagtanto na niya ang kamaliang nagawa dahil sa biglang paglungkot ng mukha nito. Naawa ako saglit pero hindi pwede na ganito na lamang kasi masasanay siya na hindi pinaghihigpitan.

"Miracle please take care of Justice." Sumunod kaagad si Miracle at niyakap ang kapatid at pinatahan.

"Law." I called Law's attention. "Stop what you are doing for a while, go to Justice and comfort him." Mahinahong saad ko, tumalima ito sa sinabi ko at kaagad na dinaluhan ang kapatid.

Dinala ko si Rebel sa kwarto kung saan kami lamang dalawa. "D-Dada..." Mangiyak ngiyak nitong sabi.

"Crying won't fix anything, Rebel." Ang paraan ng pagkakasaad ko ay sadyang malumanay para hindi matakot si Rebel, gusto ko lamang na maintindihan niya ang kamaliang nagawa niya.

"Stand straight." Kahit umiiyak ay bigla itong napatayo ng matuwid at saka pinigilan ang pag-iyak. Hindi ko gustong makita na umiiyak siya o kahit sino sa mga kapatid niya pero kailangan matuto din siya.

"What did you do wrong?" I asked him softly.

Halos napaiwas siya ng tingin sa akin at nasamid. Hindi pa siya nagsalita kaya naman inulit ko ang sinabi ko. "I—I stepped on my older brother." Mahinang wika nito. Lihim akong napangiti.

"Is it bad or good?" Tanong ko pa.

"Bad." Nakahibing tugon niya.

"Dapat ba ginagawa iyon sa kapatid?"

Umiling siya sa akin bilang sagot. "Bakit?" I questioned.

"Kasi masasaktan sila..." Kahit papaano ay hindi na siya ganoong umiiyak.

"Stay here for three minutes, and after go to Justice and ask for apology, are we clear?" Huling tanong ko sa kaniya na kaagad niyang ikinatango.

"Opo, dada." Sagot pa nito sa akin. I opened my arms for an embrace kaya naman lumapit siya sa akin at saka ako niyakap, at bumulong ng, "Sorry po." Napangiti na ako doon at sak ko ito hinalikan sa noo.

Hinayaan ko siyang solo sa kinatatayuan niya sa gilid ng kama at saka ako nag-ayos noong natitirang gamit nila. Dito kasi kami matutulog at bukas kami uuwi o baka bago umuwi ay mamasyal muna sa Zoo kagaya ng nasabi ni Timothy.

Sinusulyapan ko si Rebel at tahimik ito na parang nagmumuni muni sa nagawang mali. Pagkatapos ay tinawag ko na siya at kaagad itong tumakbo papalait sa akin at saka kami tumungo sa mga kapatid niya.

Nilapitan kaagad nito si Justice ng hindi ko inuutusan at saka siya kusang humingi ng paumanhin sa kapatid. Napangiti ako sa nangyari. Nagyakapan iyong dalawa tapos ay sumunod din sina Miracle at Law para yakapin sila.

Ganoon lagi, kapag may nagkakamali sa kanila, sinisigurado namin na walang ibang nakaaligid kapag pinagagalitan o dinidisiplina namin sila dahil baka mawalan sila ng tiwala sa sarili. Mas maganda na iyong alam nila ang pagkakamaling nagawa at nagkaroon sila ng sariling oras para pag-isipan ang bagay na iyon at sa huli hihingi ng tawad at magiging maayos na muli ang lahat.

Binihisan ko sila ng pang-swimming at nilagyan ng life-vest. Ganoon din si Miracle.

Nagtatakh ako kasi wala pa iyong mga ibang bata at mga ama nila, baka na-traffic o may dinaanan.

Dumapa muna ako sa may malawak na sofa para makapahinga kahit papaano dahil simula kaninang umaga ay puro pag-aasikaso sa kanila ang ginagawa ko. Akala ko ayos na pero bigla na lamang tumakbo si Law papunta sa akin at saka sumakay sa likod ko.

Sumunod sina Justice at Rebel. Tatawa tawa ang mga ito. Ano ba iyan, akala ko pahina ko na tapos bigla umupo sa likod ko iyong triplets. Si Miracle naman ay umupo sa tabi ko at saka biglang minasahe ang balikat ko. Napangiti ako dahil doon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi at saka ko tinawagan si Light. Hinayaan kong mag-ingay ang triplets at mag-usap usap ang magkakapatid habang hinihintay na sagutin ni Light ang tawag hanggang sa sinagot na niya iyon.

"Gab Gab!" She exclaimed while smiling at the screen seeing the triplets on my back and Miracle beside me.

"Silhoue." Tawag nito sa anak.

"Momo!" Masayang wika ni Miracle habang kumakaway sa kamera ng cellphone. Nakuha noon ang atensyon ng triplets at... "MOMO! Momo! Momo!" Sabay sabay na wika nila halos sabunutan na ako para lamang ilapit ang mukha sa kamera.

I heard Light chuckled heartily because of the scene. "Careful babies, dada might get hurt." Malumanay na paalala nito sa mga bata. Kaagad namang umayos ang mga ito at tumabi sa akin na nakadapa din. Inayos ko ang cellphone ko para kita kaming lahat.

"I miss you already." Nakangiting wika ni Light habang pinagmamasdan kami. Mukhang nasa kwarto na sila ngayon ng tutuluyan nila. Dapat pala hinayaan ko muna siyang magpahinga bago tumawag, baka pagod pa siya sa byahe.

"How are you doing?" Tanong nito sa akin bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Doing great, Miracle's helping me in taking care of the triplets." Nakangiting sagot ko para naman hindi na siya mag-alala. "Yes, momo, and the triplets are listening po though sometimes they argue." Masayang sabi ni Miracle kay Light.

"Good girl, Silhoue." Light complimented. Pagkatapos ay inagawa na kaagad ng triplets ang atensyon niya lalong lalo na ni Law. Tatawa tawa at masayang kinakausap ni Light ang mga anak. Habang ako ay nakangiti silang pinagmamasdan.

Ang saya nilang makita at talaga palagay ang pakiramdam ng puso ko sa nangyayari. Hinding hindi ko ipagpapalit sa kahit anong bagay ang ganito kasayang nararamdaman ko. Wala na akong mahihiling pa.

Maligalig at sabik ang pagkwekwento ng triplets kay Light sa mga ginagawa nila ngayong araw at sa mga gagawin pa nila. Masaganang reaksyon naman ang ibinibigay ni Light sa mga anak kaya hindi sila matigil sa kwentuhan.

Habang nag-uusap usap ang mag-iina ay biglang may ingay kaming nadinig sa sala nitong parang bahay na tinutuluyan namin. "Light, labas muna ako nandito na yata iyong iba." Paalam ko sa asawa ko.

"Okay," maikling sagot nito kaya bumababa na ako sa kama at saka tumungo sa labas. Kaagad kong nakita si Kurt na kasama si Harper, Akira at Honoka.

"Hello Tito Nate." Nakangting bati sa akin ni Akira habang naakay kay Honoka.

"Toto Nate." Nakangiting imik naman ni Honoka. Napahawak ako sa noo dahil doon. Kapag hindi 'titi' ang tawag naman sa akin 'toto' itong mga batang ito pakiramdam ko sinasadya na. Hindi naman kasi sila ganoon kautal-utal dahil halos tuwid na mga dila nila, kahit dalawa o tatlong taon pa lamang, kung makapag-ingles nga akala mo propesyonal na. Tss.

Akira giggled mischievously because of Honoka's remark. Napatitig ako kay Akira, may awra talaga ang isang ito na hindi mo malalaman ang tunay na nasa isip. Pala isipan tuloy sa akin kung natatawa siya dahil sinasadya ni Honoka o natatawa siya dahil sa reaksyon ko.

"Miracle and the triplets are inside the room you can go there of you want." Malumanay na sabi ko sa kanila. Tumango si Akira sa akin habang nakangiti at saka tumugon. "May playroom po? Doon po gusto ni Honoka." Magalang na sabi nito.

"Yes, just that room." Sabi ko sa kaniya at saka itinuro ang direksyon.

"You, Harper? Are you going to come?" Tanong ni Akira kay Harper. Tumango naman si Harper.

"Father, put me down." Napangisi ako noong sambitin iyon ni Harper. The way she says 'father' is so dramatic and cute. Halata mong sosyal at may ibang lahi dahil napaka-elegante ng dating. Kung tutuusin parang hindi malapit ang isang bata sa ama kapag ganoon ang tawag at saka parang sinauna, pero kapag si Harper ang nagsasalita ay napakanormal lamang noon at higit sa lahat napakaganda ng dating.

Ibinababa ni Kurt si Harper at sumama ito kay Honoka at Akira papunta sa playroom.

"Hindi ba gumagawa ng kalokohan ang triplets?" Kurt queried. I shook my head. "They are talking to Light." I continued. Napatango naman ito sa akin.

"Kamusta pagbabantay sa maraming bata? Nakadalawang ire lamang si Riyah may apat na kayo." Natatawang sabi nito. Binatukan ko siya ng pabiro dahil doon.

"Nakakapagod pero mas masaya. Wala ka bang balak sundan si Harper?" Tanong ko naman sa kaniya. He sighed. Mukhang gusto niya pero ayaw ni Tiara. Wala, halos lahat yata kami under sa mga asawa. Paano alam namin ang kakayahan at kayang gawin kaya naman wala din kaming nagagawa.

"Tiara don't want to have another baby yet." Maikling sabi nito.

"Kamusta si Akira at Honoka?" Pag-iiba ko ng paksa dahil mukhang ayaw nitong pag-usapan ang bagay na iyon.

"Behave and well-mannered. Magkasundong-magkasundo si Harper at Honoka." Nakangiting saad nito. "Bantayan ko muna iyong mga bata bago ko ayusin ang mga gamit, baka mamaya may kalokohang ganap na." Dagdag pa nito. Tumango naman ako.

Babalik na sana ako sa loob pero biglang dumating si Skyler kasama ang mga anak niya. Tuwang tuwa na kaagad si Cleon. "Geez! I saw slides and also rides! This water park is going to be fun!" Bakas na bakas ang pagkasabik nito sa mangyayari at parang hindi na mapakali.

"Hey, kid, careful, help me with your things first." Imik naman ni Skyler sa anak. "Opo dad." Magalang na sambit naman nito at saka tinulungan ang ama sa mga gamit nila.

Walang imik-imik din na tumulong si Theon sa kakambal. Si Art naman ay ngumiti sa akin. "Is Honoka and Harper already here?" She asked softly. I nodded my head and pointed the door to the playroom. Masaya silang ngumiti at saka tumungo papunta doon.

Samantalang ang kambal ay tinulungan si Skyler sa gamit nila. Tumulong na din ako sa kanila at saka inayos iyon gamit nina Kurt.

"Sa taas iyong ibang kwarto. Iisang kwartong tulugan lamang ang nandito sa ibaba, doon kami nina Miracle. Ayos lamang kayo sa taas?" I queried.

"Yeah, we're fine upstairs. Akyat muna ako. Aayusin ko muna gamit namin." Nakangiting sambit ni Skyler at saka ako tinapik sa balikat. Nang makaakyat si Skyler kasama sina Theon at Cleon na tumutulong sa kanila ay dumating sina Thon Thon.

"Yoohoo! Gwapo in the house!" Masayang wika nito. Napa-iling-iling naman ako dahil doon.

"Gwapo number two here!" Natatawang sambit ni Pierce. "Pero dapat po lagi tayong mag-dadasal." Dugtong pa nito. Napatawa tuloy ako nang marahan dahil doon. This kid has an aura of a boy next door, but when he says something good and holy, you'll be afraid to do something bad.

"'Wapo twee!" Gusto ko tuloy pisilin ang pisngi ni Thorn noong bigla itong sumulpot sa likod ng kapatid at sinabi iyon sa maliit na tinig. Dahil nang-gigil ako sa kaniya ay binuhat ko ito. Tuwang-tuwa naman ito sa nangyari.

"Hi, I am Biblee!" Sigaw naman ng sumulpot na si Biblee.

"Hello po tito Nate. Nandyan na po sila?" Tanong ni Amythee.

I nodded my head. "Playroom." Sagot ko. Magiliw na pumunta si Biblee kasama sina Amythee, Pierce at Thorn sa playroom. Samantalang si Thon ay nagseryoso at inayos ang gamit nila. Tinulungan ko na din si Thon sa ginagawa. Hanggang sa lumabas sa playroom si Amythee at Pierce at tinulungan kaming dalahin ang mga gamit sa itaas.

Binalikan ko naman ang mga anak kong iniwan ko at nandoon pa din sila na masayang nakikipag-usap sa ina. Hindi nauubusan ng mga kwento. "Momo, here, flying kiss!" Maligalig na wika ni Justice at saka nagbigay ng flying kiss kay Light. Tawa tawa naman na tinggap ni Light iyon.

"My fluffy, Justice I wanna pinch you!" Biro ni Light.

"No momo, it's gonna hurt Just." Dahilan naman ni Miracle sa ina.

Tapos ay nagtawanan silang lima. Marahan akong naglakad papunta sa kanila. Napalingon kaagad si Miracle, marahil ay naramdaman ako. Sinenyasan ko na huwag siyang maingay kaya naman nakangiti itong nag-iwas ng tingin.

Ilang saglit pa ay marahan akong umakyat sa kama at saka niyakap ang mga anak ko. The sound of their playful laughter echoed in the whole room and I was so happy hearing it. Sumali ako sa kwentuhan nila hanggang sa nag-paalam na kami kay Light dahil tinatawag na kami noong mga iba dahil gusto nang maglangoy ng mga ibang bata.

Ayaw pa sana ni Light pero wala siyang nagawa dahil wala na siyang nagawa dahil gusto ko namang ma-enjoy niya ang bakasyon niya hindi iyong puro kami ang inaalala niya, hindi naman pwede na ganoon, at saka ipinakita ko na wala siyang dapat alalahanin dahil kayang kaya kong bantayan ang mga anak naming at hindi na niya kailangan mag-alala pa tungkol doon.

***

Tuwang tuwa ang mga bata sa lugar dahil mababaw lamang ang tubig at maraming slides na pambata. Kahit takot si Rebel at Justice sa tubig ay tuwang tuwa ang dalawa lalo na at kasama nila si Theon at Cleon. Nakakatuwa silang pagmasdan habang naglalaro.

Ang mga tili at sigawan nila ay sadyang makakapapangiti na lamang sa iyo dahil makikita mo ang tunay na kasiyahan sa kanilang mga inosenteng tawa at ngiti.

Nagbabasaan, nagkukulitan at nagtutulungan sila. Wala na akong mahihiling pa.

"Pards." Napalingon ako noong tumabi sa akin si JJ habang tinitingnan ang mga bata na nakikipaglaro kayna Skyler, Kurt, Thon, at Tim.

"Anong plano mo?" He asked while gazing at the children who were playing innocently with each other. Gustong gusto kong pinagmamasdan sila at kinukuhanan ng mga litrato.

"Mayroon na akong plano, tulong ninyo na lamang ang kailangan at sympre ng mga bata." Nakangiti kong sabi kaya naman narinig ko ang tawa ni JJ.

"Ang bilis ng panahon parang kailan lamang noon halos lamunin tayo ng kasinungalingan at kung paano nawasak ang pagkakaibigan natin. We've been through a lot and seeing the kids... it makes me feel overwhelming emotion of bliss." Mahinahong sambit nito habang nakangiti na pinagmamasdan ang mga anak na nakasakay sa timbulan na marahang iniingatan nina Kurt.

"Mabuti na lamang at maayos na ang lahat, sana wala nang masamang mangyari." Turan ko naman sa sinabi niya. Napangiti siya dahil doon at saka naglakad papunta sa mga bata at nagsimulang makipagkulitan.

Tumungo na din ako papunta doon at niyakap si Miracle na nakikipaglaro kay Amythee, Theon at Law.

Binuhat ko ito at saka isinama sa may slide, hindi man lamang napansin ng mga kalaro na nawala na ito dahil nagpatuloy sila sa ginagawa. Natawa na lamang ako ng mahina. Sa totoo lamang maging si Miracle ay nahihirapan sa sitwasyon niya pero hindi niya ipinapakita sa akin o kahit kay Light ang bagay na iyon.

Nag-aalala ako sa kaniya at minsan kinakausap namin siya ni Light tungkol dito kaya naman kahit papaano ay nawawala na iyong hirap at lungkot niya.

Nagpadulas kaming dalawa doon sa slide at tuwang tuwa siya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil masya na ako basta masaya ang mga anak ko.

Nagpatuloy kaming maglaro kasama ang mga bata. Tinamaan na kami ng pagod pero parang hindi pa din nauubusan ng baterya ang mga bata, ang kukulit pa din ng mga ito. Nag-aya silang sumakay sa mga rides na pambata at sinamahan namin sila. Walang tigil katatawa ang mga ito.

Noong medyo natagalan na ay kumain na kami sa isang buffet dito, at gutom na gutom silang lahat. Halos wala nang nagsalita dahil kain lamang sila nang kain. Mukhang napagod din sa paglalaro. Ang mga panganay at nakakatanda sa kanila ay tinutulungan ang mga kapatid at kaibigan.

Matapos nilang kumain ay nagpahinga muna kami sa may isang banda. At matapos noon ay sumugod na naman sila sa pool pero hindi na sila nagtagal doon hindi katulad kanina dahil tinamaan na ng pagod. Kaya naman bumalik na kami sa tinutuluyan naming villa at doon inayos, tinuyo at pinatulog na namin ang mga anak naming. Hapon pa lamang naman at syempre dahil pagod kalalaro ay pagoda ng mga iyon kaya bagsak silang lahat. Lahat sila.

"Hay salamat! Pahinga!" Masayang sabi ni Thon Thon habang nakahinga sa carpet sa salas.

"Nakakapagod aba!" Sang-ayon naman ni Tim Tim.

"Daig pa mga pagsasanay natin noon." Komento ni JJ.

"Sinabi ninyo pa. Salamat naman at tuog na sila, hindi ko akalain na ganito kahirap alagaan ang mga iyon." Kurt told us.

"Biruin ninyo, halos laging ganito sina Hera. Admirable." Wika naman ni Skyler.

"Tough but worth it." Nakangiting pahayag ko naman.

Nagpahinga na kami at sinulit ang pagtulog ng mga bata dahil paniguradong panibagong bakbakan na naman ang haharapin namin kasama sila pagkagising nila. Sinabi ko na din sa kanila ang planong gusto kong gawin.

****

Ngayon na ang uwi nina Light at ngayon na din ang huling mga oras namin na kami-kami lamang noong mga bata. The last two days were hard, tough and fun. Naging mas malapit kami sa mga bata sa mga araw na iyon.

Noong ikalawang araw ay nagpunta kami sa zoo, at tuwang tuwa sila sa nakitang mga hayop. Nakakatuwa pa dahil napakarami nilang alam tungkol sa mga iyon. Napapatingin nga sa amin ang mga namamasyal din doon dahil ang dami namin at napakatatalino ng mga anak namin.

Seeing and hearing them talk and interact with each other... it makes us feel that they grew up well at wala na kaming mahihiling pa, kung hindi ang manatili silang mabuti hanggang sa paglaki.

Nasa may yate kami ngayon pag-aari namin. Tahimik lamang ngayon ang mga bata dahil mukhang pagod sa paglalaro kanina kaya naman ang iba ay tulog at ang iba ay hindi ganoong nagsasalita. Si Biblee at Cleon ay parehas tulog.

Iniintay na lamang namin ang tawag noong mga asawa namin dahil wala silang dadatnan sa bahay dahil nga nandito kami sa yate para sa surpresang inihanda namin.

Galing kami dito kahapon at katulong namin ang mga bata sa paghahanda ng lugar na ito para sa mga ina nila syempre.

Ilang sandali pa, halos sabay sabay na tumunog ang telepono namin senyales na nakarating na ang mga asawa namin sa bahay at hinahanap na kam.

"Nasaan kayo?" Iyon ang bungad ni Light sa akin.

"I love you too." Natatawang sabi ko naman.

"Gab Gab." Banta niya.

"Yacht." Sagot ko naman.

"Bakit kayo nandyan? Gabing-gabi na ah?" Wika pa niya sa akin. Natawa naman ako dahil doon.

"Basta, pumunta ka na lamang dito bago pa umandar ito at iwan ka namin." Loko ko pa sa kaniya. "Ingat ka, mamahalin pa kita." Dugtong ko pa at saka ko ibinababa agad ang tawag para hindi na siya makapag-alma.

Lumapit ako doon sa mga lalaki at saka ako ngumiti. "Cheers to our friendship, cheers to the years we've been together, cheers to our family and to our legacies." Nakangiting sabi ko sa kanila, kaya naman ngumiti sila at itinaas ang mga baso ng wine. We cheered and smiled at each other waiting for our wives.

Princess Light Smith Evans's POV

Lumabas na ako ng bahay noong mapansin ko na lumabas din sina Lian. Nagtagpo kaming mga babae sa gitna ng kalsada.

"Wala sila." Halos sabay sabay naming sabi at noong magtama ang mga mata namin ay alam namin na magkakasama ang mga iyon kaya wala. Kaya nama pala ang lakas ng loob ni Gabriel na babaan ako ng tawag ay dahil may mga plano sila.

"Tara, nasa yacht daw." Alyx told us. Napasang-ayon din kaming lahat dahil iyon nga din ang sinabi ng mga asawa nila sa kanila.

Hindi na kami nagtagal o nagpaligoy-liguy pa at sa iisang sasakyan na lamang kami sumakay para puntahan ang mag-aama namin. Miss na miss ko na ang mga bata. Gusto ko na silang mayakap at mahalikan.

Dahil medyo pagod pa kami sa byahe ay hindi kami nag-imikan nina Shana, Alyx, Annicka, Tiara, at Lian. Hinayaan lamang nila ako na magmaneho ng tahimik. Mabuti na lamang at hindi kalayuan iyon kaya naman nakarating kami kaagad. Gabing-gabi na saka pa sila nag-plano, baka gising pa ang mga bata at mapuyat ang mga iyon.

Naglakad kami papunta sa may yacht, at noong makarating kami doon ay hindi namin mapigilan na mapangiti. Nandooon sila kasama ang mga bata habang nagsasayaw sa mabagal na musika. Silhoue's dancing with Gabriel, while the other girls are also dancing with their fathers. The boys are watching them quietly. At noong matapos isayaw nina Gabriel ang mga bata ay iyong mga lalaking mga anak naman namin ang lumapit sa kanila.

Nanubig kaagad ang mga mata ko sa nakita ko.

"Our babies are really growing up so fast..." Mahinang wika ni Lian.

"Ang saya nilang pagmasdan." Sabi naman ni Annicka.

"Look how happy they are." Tiara added.

"Wala na talaga akong mahihiling pa kung hindi ang sana maging maayos sila." I heard Alyx said sincerely.

"Nakakataba ng puso..." Shana stated.

Hinayaan muna naming ang mga sarili na pagmasdan ang mga nangyayari. Hanggang sa napalingon si Silhoue sa gawi namin at syempre kaagad nito kaming tinatawag kaya naman malaking ngiti ang isinalubong sa amin ng mga asawa namin at mga yakap mula sa mga bata.

Halos dambahin ako ng triplets at ni Silhoue noong yakapin nila ako, at pinugpog pa ako ng halik sa mukha kaya naman halos matumba ako sa pagkakaupo.

"We miss you momo!" Masayang bati nila sa akin.

At noong lingunin ko ang mga babae ay sinalubong din sila ng mga anak. Sobrang saya sa pakiramdam. Lalong lalo na noong akayin nila kami patungo sa mga ama nila. Tapos ay ibinigay pa niya ang kamay namin sa mga asawa namin.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko noong ngumiti sa akin si Gabriel. Nag-uumapaw na emosyon ang biglang naramdaman ko. Sobrang saya ko lamang. Wala akong ibang masabi, basta ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko.

Nagsimula kaming magsayaw ng marahan, pinapahiran ni Gab Gab ang mga luha ko sa mata.

"Why are you crying?" He asked mellowly.

"I am just happy..." Mahinang tugon ko at natawa siya ng marahan.

"Sag-app-oh, Light." Buong pusong sambit niya.

"Saranghaeyo..." Sagot ko naman.

Nagsayaw lamang kaming dalawa doon at pakiramdam ko naabot ko na lahat ng pangarap ko sa buhay ko. Dahil kay Gab Gab at syempre dahil kayna Miracle Silhouette, Raphael Law, Mikael Justice, Leoniael Rebel... pati na din sa mga kaibigan namin at mga anak nila.

Habang nagsasayaw ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga bata na tahimik kaming pinapanuod at kitang kita sa mga mata nila ang saya dahil masaya kami at buo ang pamilya namin.

Ilang saglit pa ay tumayo si Law sa pagkakaupo at inagaw ako kay Gab Gab natawa tuloy si Gab Gab at tinawag si Silhoue para sila ang sumayaw. Gumaya na din iyong ibang mga bata kaya naman nagkagulo bigla pero kahit ganoon ay masaya kami sa nangyayari.

We danced and played, until the children got tired. Inihiga namin sila sa kaniya-kaniyang higaan at kwarto dahil nakatulog na ang mga ito. At kami naman ni Gabriel ay bumalik sa deck. He kissed my lips without any warning after.

"Thank you, Light." He whispered.

"Salamat din." Sagot ko naman.

Pagkatapos ay dinala niya ako sa mga kasamahan namin at umupo kami sa nakalatag na tela sa sahig ng deck at nagulat kaming mga babae noong may nabuhay na projector at biglang ipinalabas doon ang mga araw ng kasal namin.

Unang ipinakita iyong kayna Shana at JJ. Iyong mga litratong nakuha ko noong magpropose si JJ ay pinalabas sa screen, tapos ay iyong preperasyon nila sa kasal, hanggang sa mismong araw ng kasal, hanggang sa pagbubuntis ni Shana kay Akira, at syempre ang mga pagbili ng gamit sa anak nila, at ang mga litrato ni Akira at Honoka.

Napansin ko na umiiyak na si Shana habang yakap yakap siya ni JJ mula sa likod. Nag-uusap iyong dalawa ng mahina at mararamdaman mo talaga ang pagmamahal nila sa isa't isa. Hindi ko alam pero nagging emosyonal ako sa nakita ko.

Sumunod na ipinalabas iyong kayna Alyx at Thon Thon. Natawa pa kaming lahat noong ipakita iyong mga candid na asaran nila sa mga larawan, hanggang sa epic fail na proposal ni Thon Thon kung saan nadamay si Annicka, sa preparasyon ng kasal, sa mismong kasal kung saan napaka-engrande ng lahat at higit sa lahat sa pagiging mag-asawa nila hanggang sa dumating sa buhay nila si Pierce at Thorn.

Nang makita ko si Alyx na sobrang emosyonal at umiiyak habang nakayakap kay Thon Thon ay parang umabot din sa puso ko ang galak at pagpapasalamat na kaniyang nadarama.

Iyong litrato nama ni Tiara at Kurt ang ipinakita. Medyo nagulat kami sa iba dahil wala naman kami noong magpropose si Kurt at iyong mismong preparasyon ng kasal nila. Nakakatuwa silang pagmasdan sa totoo lamang dahil kitang-kita ko kay Kurt ang pagpapahalaga at maging ang pagmamahal ng lubos kay Tiara. Alam kong masayang masaya na si Dennise kung nasaan man siya dahil sa masayang buhay ngayon ni Kurt. Lalo na at may Tiara at Harper na ito.

Pinapalo palo ni Tiara si Kurt ngayon habang umiiyak. Tatawa tawa naman si Kurt habang sinasalag ang mga palo ni Tiara. Kahit ganoon ang nangyayari ay malalaman mo kaagad kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't-isa.

Kasunod na ipinakita ang litrato ni Annicka at Skyler. Napangiti ako dahil kasama doon iyong mga litrato nila noong bata pa kami at syempre nandoon ang mga inosenteng kulitan nila ni Skyler. Hanggang sa mapunta iyon sa biglaangproposal ni Skyler at syempre iyong pinaghandaan at ang proseso ng paghahanda nila ng kasal at mismong kasal. Pati na din sina Theon, Cleon at Art.

Nakayakap si Annicka kay Skyler at si Skyler naman ay hinahalikan ang ulo nito. Nagppahid si Annicka ng luha sa mga mata habang nakangiti si Skyler at nanunubig din ang mga mata. Sobrang nakakaantig sila ng puso dahil kahit halos pahiwalayin na sila ng pagkakataon sa bisig pa din ng isa't-isa ang bagsak nila. Zeus and Hera... Napangiti ako dahil doon.

Lian and Timothy's photos were displayed next. Nakakatuwa ang mga litratong iyon dahil mukhang patay na patay si Tim Tim kay Lian dahil sa mga candid shots nila ay palagi itong nakatingin kay Lian... ang tingin na iyon ay nakakatunaw at punong-puno ng pagmamahal. Ipinakita din ang litrato ng kasal nila pati na din ang pagbubuntis at palilihi ni Lian, syempre nandoon ang mga anak nila simula pagkapanganak ng mga ito hanggang sa mga edad nila ngayon.

Noong lingunin ko sila ay nakita ko na nag-uusap sila ni Tim Tim at parehas umiiyak dahil sa saya. Nakapulupot ang mga kamay ni Lian sa batok ni Tim Tim at si Tim Tim naman ay hapit ang asawa sa baiwang. Nakakatuwang pagmasdan.

Kasunod na ipinakita ay ang mga litrato namin ni Gabriel... doon ako tuluyang napahagulhol...

Ang bata pa namin sa mga litraton unang ipinakita. Iyong litrato noong hilahin niya ako noong Heirs Ball, hanggang sa noong kinukulit niya ako dahil 'gusto' nga daw niya ako, patungo sa pagpunta namin sa Palawan para sa field trip, at ang mga masasayang ala-ala namin noong kabataan namin.

Hanggang sa maging si Ayah Lynn Rivera ako pero ako pa din ang minahal niya, hanggang sa mga kasal namin sa ibang bansa at ang kasal kung saan ako ang nagpropose. Wala akong masabi noong mga pagkakataong iyon dahil mga emosyon na nadarama ko nang walang kapantay.

Seeing my Silhoue and triplets made me even happier. Iyong simula noong mga sanggol pa lamang sila hanggang sa edad nila ngayon. Walang mapagsidlan ang mga emosyon ng paggalak sa puso ko kaya naman patuloy ako sa pagluha.

Doon ko nakita kung gaano karami ang pinagdaanan namin hanggang sa tuluyan na naming makamit ang pinaka-aasam naming masaya at tahimik na buhay.

Matapos ang mga kasinungalingan... Matapos ang madilim na nakaraan...

Sa wakas... masaya na kami... sa wakas nahanap na namin ang totoong katotohanan na hinangad namin at sa wakas... malaya na kami mula sa lingkis ng kahapon.

Liars Catastrophe... they've faced their own hell. I've also faced my own, and thankfully now... I am starting a new life with my own family.

Minsan ng sinira ng kasinungalingan ang buhay namin at hindi ko na hahayaang mangyari ang mga bagay na iyon muli...

"Light..." Narinig ko ang bulong ni Gab Gab.

"Hmm?"

"Happy Birthday."

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Hinarap ko siya at binigyan ng isang matamis na ngiti at halik. Isa sa mga pinakamasayang sandali ng buhay ko ang tagpong ito, dahil kasama ko ang pinakamamahal ko at mayroon kaming bukas na kahaharapin ng magkasama, at sa ngayon ay wala na akong ibang mahihiling pa.

"Miracle." Napalingon ako sa tinitingnan ni Gabriel noong banggitin niya ang pangalan ni Silhoue. Mukhang nagising ito. Lumapit ito kaagad sa akin at saka ako niyakap. Hindi ko man lamang na pansin na nandito na kung hindi pa sasabihin ni Gab Gab.

"What's wrong baby?" Mahinang tanong ni Gabriel.

"Happy Birthday, momo." Napangiti ako ng awtomatiko noong sabihin niya iyon at saka ako hinalikan sa pisngi.

Miracle Silhouette Smith-Evans, you will be a history...





THE END.

For further questions and clarification please proceed to Facts and FAQ. THANK YOU FOR READING AND SUPPORTING LIARS CATASTROPHE UNTIL THE END!

To God be the Glory!

26.27

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top