CHAPTER 9: PAST

Nebula's POV

As I promised to Luxury, nandito kami ngayon sa favourite naming cafe para mag-aral. Inaasar pa nga ako nila Jani kanina na mag-s-study date lang naman daw kami.

"What do you want?" he asked.

"Coffee. My usual," sagot ko.

Hinanda ko na ang mga gamit ko at ang mga readings na kailangan ko. I wore my glasses today because the contact lenses I am wearing irritates my eyes. After fixing all my things ay dumating na rin si Lux dala ang mga order namin.

He ordered his usual breakfast meal. Pati ako ay dinamay niya na rin sa breakfast niya pero sino ba naman ako para tumanggi sa libre? After niya ayusin ang orders namin ay inayos niya naman ang mga libro na babasahin niya.

"Dami yata ng dala mo today? Marami ka bang na-miss?" saad ko.

"Yes. Almost every subject may kailangan akong i-take na quiz. Tapos malapit na rin clinical training namin kaya mas marami kong kailangan aralin," he answered.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, bitawan mo na ang volleyball..." Humigop ako sa kape ko.

"Well, hindi naman kasi ganoon kadali bumitaw kapag napamahal na sa 'yo 'yong ginagawa mo. Even though I told you that I played because of you, in the course of playing I learned to love the sport. Somehow naging outlet ko na rin siya kapag na-s-stress ako sa school." Binuksan niya ang kaniyang laptop.

Totoo nga ang sinabi niya. First year college kami nang makilala ko siya at tinanong niya ako kung anong tipo kong lalaki at sinabi ko sa kaniya na ang tipo ko ay mga naglalaro ng volleyball kaya nag-tryouts siya and eventually pumasa at naging varsity ng school. Kahit na pumasok na siya sa med-school ay hindi niya iniwan ang sport.

"Sige na, mag-aral na tayo. Then after this punta tayo sa park para makapag-unwind," sagot ko.

Habang nagbabasa ko ng case na pinaaral sa amin ay biglang tumunog ang wind chime ng cafe. Senyales na may bagong customer na pumasok kaya inangat ko ang aking tingin. Ang mga pumasok ay mga taong hindi ko inaasahan. It was Silas and Mars, they were both heading to the counter. I knew it was them because I didn't cut ties with Silas. We still kept in touch after graduation.

Agad akong napayuko at bumalik sa pagbabasa ng libro.

"Nebby, kilala mo ba 'yon?" Tinuro niya si Silas na nakatingin sa amin.

"Yeah, he's my high school friend," sagot ko.

Babalik na sana ko sa pagbabasa nang lumapit sila sa table namin.

"Nebula! Long time no see!" bati ni Mars.

"L-Long time, no see..." maikling sagot ko.

I can't look her straight in the eyes. Her face reminds me of him. Hindi ko alam paano ko siya pakikisamahan dahil sa kasalanang nagawa ko sa kapatid niya.

"How are you, Pres?" bati naman ni Silas.

"I'm fine. Malapit na ako maging lawyer. By the way, this is Luxury, my friend," sagot ko.

Nakipagkamay naman si Lux kay Silas at kay Mars.

"Marsiana Elie Armani," saad ni Mars.

"Silas One Sullivan, Nebula's best friend," pakilala naman ni Silas.

"Luxury Harris Yap," sagot naman ni Lux.

Nakita ko ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mata ni Mars pero agad din naman itong nawala at sinuklian ng ngiti si Lux.

"Babe, mukhang nakakaistorbo tayo sa study date nila. Tara na?" saad ni Mars kay Silas.

Mukhang sila rin ang nagkatuluyan na dalawa. Nakaiinggit na nakapili si Mars ng mamahalin niya. Kung ganito lang sana noon, magkasama pa rin kami ngayon. Kung hindi siguro ako naduwag baka sabay naming kino-conquer ang college life. But this is what fate has given to us, we were bound to grow apart.

"Let's catch up some other time!" sagot ko.

"We're waiting for the reunion," sagot naman ni Silas.

"Oo naman. Kapag nakaluwag-luwag sa schedule aayusin ko agad 'yon. Better yet ayain niyo si VP baka sakaling mas free siya," sagot ko.

Hindi ko alam bakit kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko. Siguro ay dahil hindi ko rin inaasahan ang pagkikita naming ito. O baka naman dahil kaharap ko ang kapatid niya.

"Hindi free si Planet kaya ikaw na lang ang inaabangan ng batchmates natin," sagot ni Silas.

"Let's see na lang after ng graduation ko if hindi ako busy," sagot ko.

Tumango naman silang dalawa.

"I'll try to ask my brother din about the reunion para hindi ka mag-isa na mag-plan. Anyway, we'll go ahead. Enjoy your day!" paalam ni Mars.

"Thanks! Enjoy your day too!" sagot ko.

Pag-alis ng dalawa ay agad naman din kaming bumalik sa gawain namin. Sa tuwing nakakatapos ng isang topic si Lux ay ni-re-review ko siya sa mga naalala niya.

"Makakapasa na ako sa lahat ng quizzes na sasagutan ko!" he said, laughing.

"Syempre, ikaw na 'yan eh. May kodigo ka yata sa utak mo," sagot ko.

"Hindi, kasi ikaw nag-review sa akin!" sagot niya.

Hinampas ko naman ang balikat niya. Nang humapon na ay niligpit na namin ang mga gamit namin. Katulad ng napag-usapan namin ay dumiretso kami sa park na malapit sa condominium namin. We live in the same condo building. Hindi na ako nagdala ng sasakyan kasi sabay naman kami na pumunta rito.

Most of the time kapag lumalabas kami nito ay hindi niya na ako pinag-da-drive. Kahit ilang taon na kaming magkaibigan nitong si Lux ay hindi ko pa rin nararamdaman sa kaniya ang sparks at hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may kakaiba sa mga galaw niya.

I sighed when we sat down at the bench.

"Lux, 'wag ako please... Hindi ko kayang ibalik sa 'yo 'yong nararamdaman mo," saad ko.

He held my hand. "I know... I just want to make you feel that you still deserve to love. Alam ko naman na hindi ko siya mapapantayan sa puso mo..."

"Right now is not the time for that... I am still dealing with my past heartache... I am still dealing with how to love myself and accept my mistakes... Binubuo ko pa 'yong sarili ko..." Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"I understand... I'll wait for you... Huwag ka ma-pressure. Take your time loving yourself and heal. When that time comes, I'll be here..." He smiled.

Ngumiti na lang din ako pabalik. Habang pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw ay muling sumagi sa isip ko ang hiling nila Silas na reunion. Reuniting with them means knowing his whereabouts.

Sigurado akong hindi maiiwasan ang pagbubukas ng topic ng nakaraan namin sa gathering na 'yon at iyon ang ayokong mangyari. Ayoko nang maalala ang nakaraan na parati kong pinagsisisihan. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya, pinagsisihan ko ang desisyon na ginawa ko na nakasakit sa kaniya.

"You've been thinking about your reunion with your classmates, right?" he said.

"Yes... Mukhang kailangan ko 'yon i-facilitate dahil may mga nag-me-message na rin sa akin about it," sagot ko.

"Then go. Wala namang mawawala kung mag-re-reunion kayo. Saka mukhang wala rin namang chance na um-attend 'yong ex mo doon kasi med student din 'yon. Magsisimula na clinicals nila," sagot niya.

"What? What do you mean? Anong med-student? Pre-law kinuha noon!" Nakakunot ang noong sagot ko.

Ang huling balita ko sa kaniya na galing kay Zadie ay nag-aaral si Jupiter para maging lawyer. Hindi ko inaasahan na ganito ang maririnig ko mula kay Lux.

"Pre-Law nga, pero dumiretso ng med-school. Siya 'yong pinakasikat na pol-sci student kasi lahat ng batchmates niya dumiretso ng law school tapos siya medical school. He's also known for rejecting dozens of girls everyday," sagot niya.

"Estudyante ka ba talaga rito? O taga roon ka?" sagot ko.

Napakadami niyang alam sa kabilang school. Mukhang pati talambuhay ng college life ni Jupiter, alam niya. Para bang sinasadya niyang mag-research tungkol sa kaniya.

"Nebby, we live in a small world. Saka 'yong huling laro niya ay noong natalo ang school natin. It is his last game because of the clinicals. Residente na yata siya sa hospital ng school nila," he replied.

"He took a medical degree instead of law? Bakit? He has no reasons to do so... Or maybe he does.." bulong ng isip ko.

"Med-student ka ba talaga o professional chismoso?" saad ko.

"Maybe both?" He laughed.

Binilhan niya ako ng dirty ice cream nang mapadaan kami sa food street ng park.

"I know you love that!" he said.

"Thanks!" I replied.

After spending the whole day with him ay hinatid niya na ako sa condo namin. Namili rin muna ako ng groceries bago kami umuwi. Sakto rin naman dahil ako ang nakatoka na magluto. Wala sila Jani at Viv dahil abala sa kaniya-kaniyang trabaho.

"Lux, dito ka muna. Wala pa naman sila Viv at Jani eh," I said.

"Sige. Dito ko na lang din itutuloy 'yong readings ko," sagot niya.

I prepared some orange juice for him. I know that these are his favourite. He doesn't drink other flavours of juices. Inayos ko na rin ang mga ingredients ng lulutuin ko.

Habang naghihiwa ay narinig ko nang bumukas ang pintuan ng condo.

"Ay wow, may visitor!" saad ni Jani.

"Hi, Jani!" bati ni Lux.

Di naman na lingid sa kaalaman nila Jani ang existence ni Luxury. Sabi nga nila, bagay raw kami at kung magmamahal daw ako ulit baka pwedeng siya na lang. Nilinaw ko naman sa kanila kung anong status naming dalawa at alam din nila ang status ng puso ko.

"Ngayon ka lang yata nagawi rito, Luho. Whyket?" sagot ni Jani.

"Ngayon lang ako naging free. Busy sa volley at sa acads. Marami kasi kong hinahabol eh," sagot ni Lux.

"Kaya naman pala. Parehas kayo ni Nebby, subsob sa mga books," sagot ni Jani.

Pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko. I decided to cook Viv's favourite pasta dish for our dinner. Para naman mabawasan ang stress niya sa trabaho. After cooking the pasta ay pinuntahan ko na si Lux sa sala.

"Nakarami ka naman ba?" tanong ko.

"No, I can't concentrate." He sighed.

"Bakit? Tahimik naman ah? Saka hindi ka naman inaasar ni Jani..." sagot ko.

"Ang ganda mo kasi habang nagluluto ka roon..." sagot niya.

Napailing na lang ako sa sinagot niya. Di rin nagtagal ay lumabas na si Jani sa kwarto niya.

"Kayo ah, baka nagka-develop-an na kayo diyan!" saad niya.

"Malapit na nga ako ma-develop sa books ko, di ako pinapansin ng bestfriend mo!" sagot ni Lux.

"Paano ka papansinin eh di ka naman halimaw sa volleyball?" sagot ni Jani.

"Hoy! Muntik ko na matalo ex nito!" sagot ni Lux.

"Muntik, pero sa lahat ng match niyo na napanood namin lagi kang tambak!" sagot ni Jani.

Sila lang ang nakakapanood ng mga laro ni Luxury kasi ayokong sumasama noon sa mga ganoong events. Kasi palagi ko siyang naalala at bumabalik sa akin lahat ng sakit na pinaranas ko sa kaniya. Kasabay ng pagbitaw ko sa kaniya noon ang siya ring pagkamatay ng paniniwala ko sa pagmamahal.

Kaya kahit na noong nakilala ko ang lalaki na 'yan ay hindi ko magawang ibalik ang affection niya dahil sa takot. I am afraid to commit the same mistake again. Ayokong makasakit na naman dahil sa pagmamahal.


Jupiter's POV

I am here at Mars' condo because she invited me to eat dinner. May sasabihin rin daw siya kaya naisipan niya ako ipagluto. Sakto rin dahil matagal na rin akong hindi nakakain ng homecooked foods dahil sa sobrang busy.

"Ano ba 'yong sasabihin mo?" I said.

"Nagkita kami ni Nebula kanina..." she replied shortly.

Natigilan ako sa paghahain nang sabihin niya iyon. I smiled at her and gestured with my hand to let her continue what she wanted to say.

"She's with someone... Your volleyball rival... Luxury Harris Yap," sagot niya.

Nabawi ang ngiti ko nang marinig iyon. So, that is where she's studying? Hindi naman kasi sinabi sa akin ni Zadie ang iba pang detalye tungkol sa kaniya.

"Nauunahan ka na, Jupiter! Tingnan mo kapag di ka pa kumilos baka isang araw wala ka nang chance sa kaniya," litanya niya.

"Sino ba may sabing gusto kong bumalik?" malamig kong sagot.

Siguro kaya lang ako na-curious sa whereabouts niya ay dahil hindi ko alam ang dahilan bakit niya ako hiniwalayan. Maybe there's this side of me that wants to understand why she left. Maayos naman kasi kami at masaya pero nagawa niya akong iwan.

"Lokohin mo na lahat huwag lang ang kamukha mo. Alam ko likaw ng bituka mo," maikling sagot niya.

"Kumain na nga lang tayo," sagot ko.

After we ate, I decided to go home. May mga readings pa ako na kailangan tapusin. Marami akong na-miss dahil sa final match namin kaya halos kalahati ng libro ang kailangan kong basahin. Even though I tried hard to focus on reading, my mind goes to Luxury and Nebula.

Padabog kong sinarado ang laptop ko at lumabas ng kwarto ko. My mind is full of intrusive thoughts about them. I am starting to plan his assasination in my mind. Para mawala ang mga 'yon sa isip ko ay nakapag-desisyon akong umakyat sa rooftop ng condo building namin.

Sobrang daming bituin ngayong gabi. As I was gazing at the stars, I remembered her. She loves to watch the stars every time we are talking over the phone. She wanted to go to Tagaytay to gaze at the stars but then the universe didn't let us.

Plano ko pa namang dalhin siya sa Tagaytay after our graduation kaso bago pa man mangyari natapos na ang lahat.

"Jupiter! Ano bang problema mo?! Bakit sunod-sunod ang pagbaba ng grades mo?" Dad asked, disappointed.

Simula nang mag-senior high ay hindi na ako nangunguna sa klase. Madalas absent ako at wala sa sarili. Akala ko kasi madali lang mag-move on dahil maayos naman kaming nag-usap pero hindi pala. Araw-araw kong tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkamali at kung bakit siya napagod.

"Dad, I'm tired. Let's talk some other time," sagot ko.

Akmang aakyat na ako nang hiklatin niya ang braso ko.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap. Hindi ka naman ganiyan noon! You are aiming for more! Why did you get that low?! From valedictorian to pasang awa? I am disappointed. Mabuti pa ang kambal mo." Naiinis na saad niya.

"It was before, Dad! Kalimutan niyo na ang version ko na 'yon! I was like that because she was there by my side, ngayong wala na siya, wala na rin akong dahilan pa para maging ganoon! She was the person who was proud of me even though I am not at the top, she's the one who motivates me every time I need someone to give me hope. She was my hope, Dad..." Pinunasan ko ang luha ko.

Alam kong siya ang may pakana nito kasi sinabi sa akin ni Zadie na ilang beses na siyang nakipagkita kay Nebby. Sa tuwing nagkukwento raw siya tungkol doon ay parati itong umiiyak.

"But because of you, I lost her... Lahat na lang ng kasiyahan ko, Dad... Kinuha mo." Pinalis ko ang luha ko at umakyat na sa kwarto ko.

Even my band, kinuha niya. Hindi niya na ako hinayaan na magbanda kasi mas bumababa raw 'yong grades ko kapag may gig kami. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. I lost Nebula and I lost music. How can I survive without those?

Buhat nang araw na 'yon ay unti-unti akong bumawi sa grades at lahat ng oras ko ay inilaan ko sa pag-aaral. Because every time I study, it hurts less. Mabuti pang malunod na ako sa school works kaysa malunod sa sakit na dala ng pagkawala niya.

Nang lumamig na ang hangin ay napagdesisyonan ko nang bumalik sa condo ko para muling mag-aral. As usual the next day I prepared everything I needed for the duty and for the quiz.

The next day I went to the hospital early. Ayaw ng CI namin na may late kaya inagahan ko ang dating. Madalas kapag ganito ay sa cafeteria ako tumatambay para mag-aral at i-review ang ginawa kong notes kagabi.

Nang maubos ko na ang kape ay dumiretso na ako sa floor kung saan kami naka-duty. May mga kasama pala kami na galing sa ibang school.

Agad na lumapit sa akin si Asher.

"Kasama natin si Luxury na du-duty. Kalmahan mo sarili mo, baka bigla mo na lang saksakan ng sterile water 'yan," bulong niya.

"Hindi naman ako ganoon ka-competitive. Don't worry," sagot ko.

"We meet again, Jupiter." I took his hand and shook them lightly. Para kahit paano ay may respeto pa rin kami sa isa't isa.

"Yeah. Good luck," sagot ko.

Di rin nagtagal ay binigyan na kami ng kaniya-kaniya naming assignments. Sumama ako sa rounds ng isa naming CI para makita ang kanilang ginagawa sa field.

When lunch came ay sabay-sabay kaming mga residente na kumain. Si Luxury lang ang wala dahil sa labas raw 'yon parati kumakain.

"Balita ko may girlfriend si Doc Lux," saad ni Riel, isa sa kasama naming naka-duty.

"Sino? Sobrang busy niya ah? May time pa siya lumandi," sagot naman ni Meeve.

"Law student daw... Damaris pangalan," sagot ni Riel.

I hid my smile when I heard her name.

"Familiar 'yong name..." saad ni Mike.

Ang lahat naman ng atensyon ay lumipat kay Mike dahil sa sinabi niya. Parehas lang kami ni Asher na nakikinig sa kanila.

"Ah naalala ko na! Ka-batch ko siya sa nursing school. Siya 'yong president ng college of nursing ng four straight years. Tapos siya rin 'yong famous na student nurse na sinagot 'yong isang doctor kasi sinigawan sila sa duty for no reason," kuwento ni Mike.

Napatango naman ang lahat sa narinig. Hindi na bago sa akin ang mga narinig dahil noon pa man mahilig nang mag-voice out si Nebula ng mga opinion niya. She's the fearless leader, ika nga ng mga kaklase namin noon.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na nagpa-bother sa mga kuwento nila. Habang kumakain ay tinapik ni Asher ang balikat ko.

I raised my brows to answer him. He looked at the entrance kaya napatingin na rin ako doon.

There I saw her with Luxury. She was all smiling and happy as they walked. Dala ni Luxury sa isang kamay niya ang lunch box at siya naman ay nakahawak sa braso nito.

Agad akong tumayo sa aking kinauupuan. I feel the need to get out of here as soon as possible. Ayoko nang i-torture ang sarili ko sa kanila. I feel like any time now, my tears will fall.

"Mauna na ako. May orders pa si Doc sa akin eh," paalam ko.

Tumango naman ang mga kasama namin sa lamesa. Dumiretso ako sa nurse's station ng assigned floor namin para masimulan na 'yong pinapagawa ni Doc.


Nebula's POV

He was here, I saw him. Pero noong papalapit na kami ni Lux ay bigla na lang siya nawala. So he's really working on his medical degree.

"Nebby, 'di ba pumasa ka na ng boards ng nursing?" Lux said while munching his food.

Ginawan ko siya ng lunch kasi nag-text siya sa akin na na-mi-miss niya na raw ang luto ko.

"Oo. Bakit?" sagot ko.

"Mag-nurse ka na kaya? Para sabay tayo mag-duty dito!" sagot niya.

"Well pag-iisipan ko. Baka 'pag tinamad ako mag-take ng bar exam magtrabaho ako rito. We never know..." sagot ko.

Matagal ko nang plano na after ko sa law school ay magtatrabaho muna ako. Masyado nang malaki ang nagastos nila Mommy sa pag-aaral ko kahit scholar naman ako. Gusto ko naman din na ma-practice ang unang course ko.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay hinatid niya na ako sa parking lot. He tucked my loose hair on my ear.

"Ingat sa pagmamaneho. Text me kapag nakabalik ka na sa school," bilin niya.

"Yup! Galingan mo sa duty mo!" sagot ko.

Binuksan niya ang pintuan ng driver's seat at pinapasok na ako. Agad na akong sumakay sa driver's seat, sinarado niya na ang pinto. When I got my seatbelt on ay kumaway na ako sa kaniya para magpaalam.

Pagdating ko sa school sakto naman at last class na namin, makakauwi na ako. Hindi na masyado hectic ang schedule kasi graduating na kami. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Jani na nagluluto na ng dinner namin.

"Kumusta?" tanong niya.

"Ayos naman. Marami kaming inaral ngayon," sagot ko.

"Magbihis ka na para makakain na tayo!" sagot niya.

"Si Viv? Di ba uuwi?" sagot ko.

"Hindi, umuwi siya sa Bulacan. Bibisitahin daw 'yong project niya roon at 'yong family niya," sagot niya.

Nagbihis na ako ng pambahay at bumalik na sa sala. Tinulungan kong maghain si Jani. Niluto niya ang isa sa mga ulam na favorite ko, caldereta.

"Thank you for the food, bless our food!" sabay naming sabi.

Habang kumakain ay napansin ko na ang mapanuring tingin niya sa akin.

"What?" saad ko.

"I know that look on your face, something's up..." she said.

Napangiti naman ako sa tinuran niya. Kilalang-kilala talaga ako ng babae na 'to. We're the unbiological sisters of the group.

"I saw him sa hospital kanina. Mukhang doon din siya naka-duty pero nawala agad noong papalapit kami sa kanila," sagot ko.

"Kinausap mo?" she asked.

"Nope. Kasi when we were about to go near the cafeteria, lumabas na yata siya sa ibang exit noong cafeteria," sagot ko.

Pinagpatuloy namin ang pagkain.

"Naiisip ko na magtrabaho muna bago mag-take ng bar exam. Inaalok ako ni Lux na mag-nurse doon sa hospital nila," saad ko.

"Edi try mo muna mag-hospital duty. Ang tagal mo na rin sa law school, for sure natambakan na ng batas 'yong mga medical terms," sagot niya.

Tumango ako. Pag-iisipan ko munang mabuti ang desisyon na 'to kasi isang maling galaw ko lang may mawawalang mahalaga. Matagal ko nang pangarap na maging lawyer pero hindi ko naman pwede isantabi ang unang pangarap ko.

Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan namin. After washing the dishes, I went inside my room to study.

Muling sumagi sa isipan ko si Jupiter. His eyes changed, it was not like how it used to look. His eyes were lively when we were together but now, it's emotionless. Parang galit na siya sa mundo at ayaw niya nang makasama ang mga nasa paligid niya. I sighed and closed the book that I am reading. Kahit anong focus ko sa binabasa ko hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Mukhang iiyak na naman ako mamayang gabi hanggang sa makatulog.

The next morning I woke up with puffy eyes. Hindi nga ako nagkamali na makatutulog ako kaiiyak. Nag-ayos na ako ng sarili ko at nag-prepare papasok ng school. Sabado naman at hapon lang ang class namin today pero kailangan kong pumasok ng maaga kasi tatapusin ko 'yong huling thesis namin.

"Ano nangyari sa mata mo?" tanong ni Viv.

"Nothing. I got to go, sa labas na ko kakain ng breakfast. Tatapusin ko pa 'yong thesis ko eh," paalam ko.

I don't want to bother my friends with the same issue I've been dealing with for the past seven years. Nag-drive thru na lang ako sa favorite kong fast food chain at dumiretso na sa school. Naghanap ako ng perfect spot kung saan pwedeng umupo at kumain ng matiwasay. While eating I decided to scroll through my phone, when a message appeared.

Jupiter Elio Armani

It's been awhile, Nebula. Some of our classmates are messaging me about the reunion. If you have time let's meet somewhere near your school to plan the event. I hope this message finds you well and take care!

Bakit ngayon pa? Ngayong nag-s-struggle ako na umusad. Lalo niya lang pinalala ang sitwasyon ko. I cannot take another distraction at my final year of law school. Malapit na akong matapos, ngayon pa siya nagpakita. I sighed and decided to reply.

Me:

I'm sorry. I'm busy finishing my thesis.

My free time might be after graduation, if you can plan it with our other classmates you can do so.

Thank you for your kind consideration!

Pinunasan ko ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala dahil sa pagiging pre-occupied ng utak ko. Bumabalik ang utak ko sa nakaraan naming dalawa. Pero kahit anong iyak naman ang gawin ko hindi ko naman na maibabalik pa ang nakaraan. All I need to do is move forward and accept that things will never be the same anymore. If I continue to dwell on the past, I can never continue moving forward. After recovering from crying I went to my classes and continued my day like usual.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top