CHAPTER 8: PROFESSION
TW: Mention of alcoholic beverages
Nebula's POV
Dumiretso ako sa sala ng condominium namin para manood ng tv. Ilang taon na rin ang nakalipas nang nag-decide kami nila Viv na mag-share ng isang condo. Since college days magkakasama na kami sa condo na 'to and I did not expect na until now magkakasama pa rin kami.
"Himala, Nebby. Di ka nakaharap sa laptop at law books today!" saad ni Jani.
"Sem-break namin, tinatamad na ako mag-aral," sagot ko.
Binuksan ko na ang tv para pumili ng channel nang mapahinto ako sa sports channel. This sports channel broadcasts the recent game for NCAA men's volleyball at kasalukuyang naglalaro ang school namin. I decided to watch it so that I can have a grip of reality. Ilang buwan na rin kasi akong tutok sa pag-aaral. Halos hindi na nga ako makalabas ng condo kaka-review.
"Tinatamad mag-aral pero palong-palo sa revalida. Akala mo ba hindi kinukwento sa akin ni Caleb mga nangyayari sa classes niyo?" sagot niya.
Jani and Caleb are still together by now, may sarili na rin silang business pero he decided to take law para sa parents niya. Si Viv at Zadie, hopeless romantic pa rin. Viv finished architecture and Zadie is with Quina in Canada. They are both successful accountants in the country. While me? After graduating nursing school I decided to enter law school. Akala nila mag-me-med school ako but then nag-decide ako mag-law kasi naalala ko 'yong promise ko sa kaniya.
"Anong course kukuhanin mo sa college?" he asked.
"Nursing. Matagal ko nang pangarap mag-save ng lives, ikaw ba?" sagot ko.
"Political Science, I want to enter law school so I can serve justice," sagot naman niya.
"I'll enter law school too kasi gusto ko ng double degree!" masayang sagot ko.
"Mag-do-double degree ka na nga lang hindi pa malapit sa course mo," saad niya.
"Bakit ba? Eh may engineering graduate nga na pumasok ng med-school eh! Saka gusto ko kapag lawyer na ako maging rival kita sa court," sagot ko.
"Let's meet each other at court then?" sagot niya.
Tumango ako at nakipag-fist bump sa kaniya as a sign of promise.
"Nebby! Kanina pa ako nagkukwento rito, tulala ka na naman diyan!" saad ni Jani.
"H-Ha? Ano ulit 'yon?" sagot ko.
"I heard that he is the captain of that team..." Turo niya sa tv.
Napatingin ako sa tv and there I saw a familiar body built and game strategy. His game strategy became better over the years. Mas tumangkad at mas naging sharp ang features niya.
"Si Jupiter 'yon di ba?" sagot ko.
Lalo kong na-confirm na si Jupiter nga iyon nang mag-focus sa kaniya ang camera dahil siya ang mag-se-serve ng bola. Bahagya niya pang hinawi ang buhok niya. His signature move when serving the ball. Old habits never die. Pati 'yong jersey number niya same pa rin.
"Uy, kilala pa rin..." sagot niya.
"Bakit ko naman siya makakalimutan?" sagot ko.
"Sa bagay, naka-display pa rin sa room mo 'yong painting na bigay niya 'di ba?" sagot niya.
"Bakit ko naman itatapon 'yon?" Napailing na lang ako at kumuha ng tubig sa ref namin.
That was the last thing that reminds me of him at hindi ko gugustuhing mawala pa 'yon. It is one of those things that keeps me going. I won't survive law school without it. That painting, it was us wearing our future profession's uniform. Bumalik na ako sa sala pagkatapos kong kumuha ng tubig. Naabutan ko roon si Viv na naghuhubad ng heels at coat niya.
"Huy, Nebby. Sem-break niyo raw sa law school?" saad ni Viv.
"Oo, two weeks lang tapos another sabak na naman sa libro. Sawang-sawa na ako sa batas ng Pilipinas!" sagot ko.
"Baliw ka! Hindi pwede! Baka mamaya makapatay kami tapos wala kaming pambayad ng abogado, ikaw na lang," sagot naman niya.
Mahina lang akong tumawa at tumingin sa TV, bahagya pa akong nasamid kasi nasa part na kung saan interview na ng players at isa siya sa mga na-interview.
"As the captain of the team, what keeps you going?" the reporter asked.
"I have a special someone who keeps me going. I play for her," sagot niya.
Nagkatinginan na lang kaming tatlo sa sagot ni Jupiter. I sighed, seven years na ang nakalipas. Impossible naman na hindi siya nagkaroon ng girlfriend pagkatapos namin. Pero hindi ko rin naman maiwasan na umasa na sana hinihintay niya rin ako.
"Alam niyo punta na lang tayo sa favorite place ni Viv!" saad ni Jani.
"Ayoko, inuman na naman," sagot ko.
"Sige na, Nebula! Para hindi mo na maalala 'yang volleyball player na 'yan!" sagot ni Viv.
"Sige na, Nebby! Para ka namang others!" sagot ni Jani.
"Okay. Basta ngayon lang ha? After this hindi na ako uulit. Alam niyo naman kung ano nangyayari kapag nasasayaran ng alak 'yong bibig ko," sagot ko.
The last time I got drunk was at my graduation in nursing school and I noticed that I texted his old number saying all the things I wished I told him and I even called that number. Hindi naman kasi ako nagpalit ng sim. Tapos lahat ng contacts ko sa old phone ko nilipat ko. Simula noon hindi ko na sinubukan pang uminom.
Kinagabihan ay nag-prepare na kami para pumunta sa favorite place raw ni Viv. Kotse ko na lang ang dinala namin para if ever na malasing sila gamay ko pa rin ang gagamitin. Saka hindi naman malayo ang pupuntahan namin sa condo.
May VIP passes si Viv kaya agad kaming nakapag-pa-reserve ng seats. Sila na ni Jani ang um-order dahil wala naman akong alam sa mga alcoholic beverages at wala rin akong balak na uminom ng sobra kasi hindi kami makakauwi ng buo. I decided to open my social media accounts, as usual laman ng news feed ko ang interview ni Jupiter. Naglabasan na naman ang mga classmates namin noong high school. Hindi naman ako nagbago ng social media accounts dahil iyon rin ang ginagamit ko pang-catch up kila Silas.
Di rin nagtagal ay dumating na ang orders namin. Binalik ko na sa bag ko ang phone ko. Una kong ininom ang cocktail na dala ni Jani, mapait pero may hagod ng tamis. Sa paglalim ng gabi ay patuloy lang ang pagdami ng naiinom nila, hindi na ako uminom pa kasi hindi na ako makakapag-drive. Nang nakita kong tipsy na si Jani ay agad ko na siyang hinila sa table namin. Lagot na naman ako kay Caleb kapag may ginawa na naman ito. Viv is having the time of her life sa dance floor.
"Nebby!" sigaw ni Jani.
Hindi na kami magkarinigan dahil sa lakas ng music.
"What?" sagot ko.
"Nakita namin si Jupiter kanina!" sagot niya.
"Ano? Hindi kita marinig!" sagot ko.
"Nakita namin si Jupiter kanina!" mas malakas niya pang sagot.
"Lasing na nga talaga kayo! Nakakakita na kayo ng hallucinations! Nasaan si Viv?" sagot ko.
Tinuro niya ang dance floor. Nakisiksik na ako sa mga tao para lang makita si Viv at nandoon siya sa tapat ng dj. Agad ko na siyang hinila para makauwi na kami. Mabuti na lang pagbalik ko ay nandoon pa rin si Jani sa table namin. Para kong may mga anak na inaalagaan. Kanina pa tumatawag si Caleb kay Jani pero di ko na pinakialaman ang phone niya. Nag-text na rin ako kay Caleb para di na siya mag-alala pa kay Jani.
Pasakay na ako sa driver's seat nang bumaba ang driver ng katabi kong sasakyan. Tinitigan kong mabuti ang lalaki, he looks like my high school classmate. Naka-three piece suit ito at mukhang galing sa trabaho.
"Nebula?" he said.
"Xavier?" sagot ko.
"Hala ikaw nga. It's been so long! Kayo pa rin ba ni Jupiter?" sagot niya.
Gulat man ay pilit akong ngumiti sa kaniya. Di siguro nila alam ang nangyari noong naghiwalay kami.
"Hindi na... We broke up after his last game as the captain noong high school. Sige na, hahatid ko pa friends ko. Nice meeting you again!" sagot ko.
"Ingat!" sagot niya.
Pumasok na ako sa sasakyan ko at inatras na ito. Dumaan muna kami sa favorite naming lugawan dahil bumaik na sila sa ulirat.
"Kanina pa tumatawag si Caleb sa 'yo. Nag-text na lang ako sa kaniya na magkasama tayo," saad ko.
"Thanks, Nebby namin!" sagot ni Jani.
Dumating na ang order naming lugaw. Noong college kami dito talaga kami kumakain pagkatapos ng mga gimik. Sa amin ang heavy drinker ay si Viv at Quina. Kung sino pa 'yong may mga innocent face sila pa 'yong matataas alcohol tolerance.
"Sino 'yong poging kausap mo kanina bago ka sumakay? Tipsy lang ako pero di pa ako bagsak," tanong ni Viv.
Lumilinaw talaga mata nito kapag may pogi. Akala ko lasing siya pero hindi pala.
"May pumalit na ba sa planeta?!" Gulat na tanong ni Jani.
"Si Xavier 'yon! Baliw ba kayo? Saka hindi ako naghahanap ng relationship ngayon. Malapit na nga akong maging criminal dahil sa criminal law, tapos hahanap pa ako ng sakit sa ulo. No way!" sagot ko.
"Xavier? As in 'yong kaklase natin noong high school?" sagot ni Jani.
"Yup. 'Yong tropa ni Jupiter," sagot ko.
"Siya 'yon?!" gulat na saad ni Viv.
"Oo... Tinanong niya pa nga ako kung kami pa ni Jupiter eh," sagot ko.
Nagkatinginan si Jani at Viv na paramg nag-uusap ang kanilang mga mata.
"Hindi naman din kasi pala-kwento si Jupiter sa mga friends niya. Kuwento ni Zadie noong nakaraan, after daw ng break up niyo, totally nagbago 'yong ugali niya..." kuwento ni Jani.
"Bakit hindi ko alam ang chismis na 'yan?" sagot ko.
"Kasi ayaw namin makadistorbo sa moving on process mo pero mukhang di ka naman nag-move on. We are still seeing the same Nebula na mahal na mahal si Jupiter," sagot ni Viv.
Napailing na lang ako at sumubo sa lugaw ko. I cannot lie, hindi naman ako yata nag-move on. Naghihintay pa rin ako sa kaniya. Pero mukhang 'yong hinihintay ko, nakahanap na.
Before he only plays for me, he paints me, and sings for me. Ang sakit na sa ibang babae niya na 'yon ginagawa.
"Nebula, kailan ka ba magpaplano ng reunion?" tanong ni Jani.
"Oo nga, malapit ka na grumaduate ng law school. Magkaka-time ka na para asikasuhin 'yon," saad ni Viv.
"Well ilang months na lang naman graduate na ako. Gusto niyo 'yong reunion natin isabay ko na 'yong graduation party ko," sagot ko.
"Nope! Ikaw dapat ang center of attention ng grad party mo kaya hindi dapat magkasabay," sagot ni Jani.
"Fine! I'll decide soon. Baka pag-uwi nila Zadie at Quina mag-plan ako. 'Di ba sabi nila after law school ko uuwi na sila?" sagot ko.
"Aasahan namin 'yan ah..." sagot ni Viv.
Tumango ako sa kaniya. Nang maubos na namin ang lugaw ay nag-decide na rin kaming umuwi na sa condo. After I took a bath and changed my clothes, I decided to go to the balcony.
Umupo ako sa bench na pinasadya namin. I sighed as I stared at the city lights. Sobrang calming at peaceful nito. Kasabay ng pagdampi ng hangin sa katawan ko ang pagpasok ng "what ifs" sa isip ko.
Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya agad ko siyang nilingon. Jani is also staring at the bright city lights.
"Napapaisip ka kung sino 'yong bago 'no?" she asked.
"Oo... Is she treating him well? Is he doing well with her? Kasi noong ako 'yong kasama niya, he was at his best..." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko.
Akala ko tapos na akong magsisi. Akala ko nakausad na ako. Hindi pa rin pala, hanggang ngayon naalala ko pa rin kung gaano kasakit 'yong pinaranas ko sa kaniya. I still remember the look of his face when we broke up. Hangang ngayon parang pinipiraso ang puso ko.
It hurts me that I always remember him in everything. Bawat sulok ng kwarto ko, nakikita ko ang alaala namin. Niyakap na lang ako ng mahigpit ni Jani upang mapakalma.
After crying my heart out under the stars and in front of the city lights, we went back inside. Kumuha ko ng chocolate sa ref para makapagsimula na rin mag-review ng mga past lessons namin. This is my healing, studying makes my wounded heart heal.
Jupiter's POV
After we drank at the bar, me and Xavier went home. Nasa iisang condo building lang kami nakatira.
"Nice game, Jupiter! Pinanood ko 'yong laro mo kanina while I'm at work. Last game mo na rin pala 'to 'di ba? Kasi malapit na training niyo sa hospital 'di ba?" Xavier said.
"Yup, last game. Buti nga champion eh. Nasulit ko 'yong huling araw na makakahawak ako ng bola. In the next few months baka syringe at medical tools na ang hawak ko. Malapit na kasi mag-training sa hospital," sagot ko.
"I thought you'll enter law school, bakit nag-iba?" sagot niya.
"Law's not for me. I want to save lives," sagot ko.
"Political Science pero nasa med-school. Baka basahan mo ng miranda rights 'yong mga pasyente mo." Natatawang sagot niya.
"Shut up kapag bumagsak ng engineering dahil sa floor plan." Binatukan ko siya.
Bumagsak siya kasi late siyang nakapag-pasa ng floor plan niya. Kaya nag-summer classes pa siya para mahabol ang bumagsak niyang subject.
"Kung mag-se-set ka naman, huwag sa batok ko!" Hinimas niya ang parte na pinalo ko.
"I saw her earlier..." he said, looking into my eyes.
Tumango lang ako bilang sagot. I don't want to talk about the past. Hindi pa ito 'yong tamang panahon para roon.
"Hindi mo sinabi na wala na kayo," dugtong pa niya.
"Let's talk about it next time, Xavier. I better go." Bumaba na ako ng elevator at dumiretso sa unit ko.
After I took a bath, I decided to open my phone. Habang nag-s-scroll ay nakita ko ang recent post ni Viv. It is a picture of them. The girl beside her is whom I believe is Jani and the other girl... is her. She look different, hindi na siya naka-wolf cut. She has long hair now and the glasses are gone.
"Nothing changed, she's still beautiful..." I whispered.
That smile I thought I would never see again. She grew to be a nice lady. I wonder if she's single.
So to satisfy my curiosity I stalked her account. Wala akong makita kundi puro law books, law memes, at 'yong mga pictures nilang magkakaibigan. As I was scrolling, napahinto ako sa isang photo.
It was her in the park we used to go to. She's seated on the swing looking at the sunset.
Nebula Damaris Levine
It's been 7 years...
Naka-post ito sa mismong araw na naghiwalay kami. Natahimik na lang ako nang makita ito. Pagkatapos naming maghiwalay, wala na kaming koneksyon sa isa't isa. Pagkatapos kong maibigay ang painting sa kaniya ay wala na akong narinig pa. I just knew that she graduated nursing school with flying colours. Sabi rin ni Zadie ay nag-aaral siya sa law school.
I decided to open my messenger.
Zadie Aurelia Cunningham
Hi Zadie! It's been a long time!
How are you? How is she?
Tarantado ka, Jupiter!
Pagkatapos mong di magparamdam ng apat na taon ganiyan ibubungad mo sa akin?!
Sorry. Naging busy lang. Kapitan kasi ng volleyball team eh.
So how is she nga?
What do you mean she?
Your friend.
Lahat kami, she kaya maging specific ka.
Alam mo na 'yon!
Ah, nasa law school siya. She's in her final year. Malapit na siya mag-take ng bar.
That's nice. Pre-med kinuha pero nag-law.
She's doing well with everything.
Minsan iniisip ko nga paano kung di kayo naghiwalay?
May power couple pa rin sana kami.
It happened for a reason.
Anyways, sorry naabala pa kita.
Kailan ba uwi mo?
After graduation ni Nebby.
Magrereunion rin kasi yun eh.
Okay. Just let me know when.
Hindi, kasi kayong dalawa magpaplano non.
One of these days for sure may mageexpress ng reunion.
Oo na. Kapag meron na just let me know, sasagutin ko venue.
Papasok na ako sa kwarto ko nang may narinig akong kumatok. Mukhang nandito si Mars para bumisita. Agad akong lumapit sa pinto at binuksan ito.
It was Silas and he was with Mars. Mukhang nalasing na naman ang kakambal ko at dito dinala. After senior high, sinagot ni Mars si Silas. Now they are slaying college together.
"Bakit dito mo 'yan dinala?" tanong ko.
"Dito naman kasi talaga siya nagpapahatid kapag nalalasing," sagot niya.
"Sige, ako na bahala. Salamat!" sagot ko.
Kinuha ko na si Mars at dinala sa spare room ko. After taking care of her I went inside my room. I still display my paintings for her. I was into portraits but then when she left, I decided to do an abstract. Kapag kasi nagpipinta ko siya lang ang kusang ipinipinta ng kamay ko. The more I paint her, the more pain I am feeling. Lalo lang akong nangungulila sa kaniya kaya itinigil ko ang pagpinta ng portraits.
The next day I went to my favourite coffee shop to have my morning coffee. Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang pamilyar na pangalan.
"Java chip frappe for Nebula?" saad ng barista.
Agad akong napatingin sa gawi ng babaeng tumayo mula sa table na malapit sa counter. I smiled as I saw her. When I recovered from the surprise ay nag-order na ako.
I still don't have the guts to come close to her so I decided to sit at the table away from her. Baka hindi rin siya kumpotableng makita ako roon. I'm glad to see her fine and soaring high.
"Iced Americano for Elio?" the barista said.
Agad akong tumayo para kuhanin ang order ko at lumabas na ng coffee shop. When I glanced at the glass wall of the shop, I saw her looking at me. I smiled at her and walked away.
"Looks like you're happy today huh?" saad ni Asher.
"Of course, I am. Why would I be sad?" sagot ko.
"Wala, nasanay lang kasi ako na masama mukha mo tuwing papasok ka. Parang simula pa lang ng araw bad trip ka na," sagot niya.
Napailing na lang ako at nilabas ko na ang mga kailangan para sa subject na 'to. After almost two hours of lecture ay lumabas na kami para makapag-break. Napahinto ako sa paglalakad nang may humarang sa akin.
"Jupiter," the girl said. Mukhang blockmate ko 'to.
"It's Elio. Why?" sagot ko.
"They said, I should give this to you." Inilahad niya ang kamay niya na may hawak na chocolate at letter.
"I like someone else," I replied.
I left her dumbfounded at my remarks. Agad namang sumunod sa akin si Asher. That was the normal scene in my life for the past years of college. Maraming nagkakagusto sa aking mga babae pero none of them took my interest.
"Nothing changed. Di ka pa rin tumatanggap ng gifts from your admirers," Asher said.
"Bakit naman ako tatanggap? Committed na ako," sagot ko.
"Committed saan? Sa mga libro mo? Sa batas ng Pilipinas?" sagot niya.
"Sa kaniya." I smiled.
"You're hopeless! Seven years mo na siyang hinihintay! Ilang babae na dumaan sa buhay ni Xavier, hindi ka pa rin nakaka-move on!" He scratched the back of his head.
"I'm not just ready to have a relationship right now. Hindi ako magiging physically and emotionally available for my partner. Especially we are med-students. Hindi ako always free para samahan siya sa mga gusto niya puntahan or para ma-satisfy 'yong needs niya emotionally. Kasi I myself don't know how to have free time." Sinimulan ko nang kainin ang lunch na binili ko.
"Well you got a point but then you deserve to have someone who's rooting for you. Someone who'll wait for you until you graduate med-school. Matagal na rin naghihintay si Tita ng bago mo ah!" sagot niya.
"Time will come! Huwag kayo makulit!" sagot ko.
I will meet her again someday. I will win her back no matter what. Kahit gaano pa ako katagal maghintay kung siya 'yon, I know the wait will always be worth it.
Nebula's POV
Kanina pa nagsasalita ang professor namin pero wala akong maintindihan. Naalala ko na naman 'yong lakaki sa coffee shop kanina. Doon kasi ako lagi tumatambay kapag gusto ko mag-review with coffee. Hindi ko masyado naaninag 'yong mukha dahil hindi ko naisuot ang contact lense ko. 'Yong salamin naman na gamit ko ay for reading lang.
For sure he waved and smiled at me. A smile that is somewhat familiar to me. Baka blockmate ko lang 'yon. After this class ay dadaan muna ako sa cafeteria at didiretso na sa library para mag-aral sa next class naman namin. Kailangan ko kasi magdoble aral dahil baka my surprise quiz at revalida. Mabuti nang sigurado kaysa naman hindi ko alam ang isasagot.
I'm still stuck on what I want to do. Kung magbubukas ba ako ng law firm o magtatrabaho sa hospital. I got offers in New York and New Zealand to work at their prestigious hospitals but I declined since I am still studying.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay dumiretso ako sa garden ng school. While eating I decided to open my social media.
New friend request
Jupiter Elio Armani sent a friend request.
How did he find me? After we broke up sinigurado kong wala na kaming connections. Baka kasi mamaya kapag hindi ko pa pinutol ay ako naman ang maghabol sa huli. I don't want him to chase me. I don't want us to chase each other.
Napahinto ako sa pagkain nang may umupo sa harap ko.
"Why are you here? Akala ko my training kayo? Bakit ka ba kasi nagkapitan pa eh sobrang busy na nga sa med-school," saad ko.
"Wala, tapos na 'yong season kahapon kaya free na kami. Saka kaya ako nagkapitan kasi you said you want boys who play volleyball," sagot niya.
He is Luxury Harris Yap, 4th year med-student. Nakilala ko siya noong nasa nursing pa ako. Magkaklase kami hanggang fourth year at ngayon ay captain siya ng volleyball team ng school namin.
"Tigilan mo nga, Lux! You know that I am not ready to be in a relationship right now, right?" sagot ko.
Out of all the guys who tried to court and befriend me he was the last man standing. Since the first year of college, he has tried courting me but I always reject him because I know at the end of the day, magkakasakitan lang kami.
"Come on, Damaris! Porque nakalaban ko lang 'yong ex mo noong nakaraan at natalo niya ako, ni-re-reject mo na ako," he answered.
"Come on, Harris! I made it clear! Mabuti pa mag-aral ka na lang ng past lessons niyo kesa dumadakdak ka diyan! Para kang hindi med-student!" sagot ko.
"Fine! Baka mamaya mainis ka pa at isaksak mo na sa akin 'yang ballpen na hawak mo. Basta bukas mag-aral tayo sa favorite kong coffee shop ha?" sagot niya.
Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay hinatid niya na ako sa room namin. 'Yong tutok ng phone ni Caleb na 'yon for sure may i-se-send na naman siya kay Jani na picture namin ni Lux.
Buti na lang last subject na 'to for the day. Makakauwi na ako at makakapag-pahinga. Dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng ice cream.
Nang makapasok ako sa convenience store ay agad akong dumiretso sa freezer nila. Kukuha na ako ng ice cream nang may isa pang kamay na kumuha rin ng ice cream ko.
Agad kong binitawan ito at ibinigay na sa kaniya. Kumuha na lang ako ng iba at hindi na pinansin kung sino iyon.
"Nebula?" the man said.
Agad akong napataas ng tingin. This man seems familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"I'm sorry? Who are you?" sagot ko.
"Asher. Asher Mintz, your classmate," sagot niya.
Basing on what he wears mukhang nag-aaral siya ng medisina. I thought he'll take engineering. Iyon kasi ang sinabi niya sa amin noong high school.
"Oh, nice meeting you again! A-Akala ko mag-e-engineering ka? What happened?" Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniyang mata.
Nakita ko rin ang pagdaan ng galit sa mga mata niya pero agad ding nawala at ngumiti na lang siya sa akin.
"Well, change of heart. Ikaw rin, akala ko med-school... Why law?" sagot niya.
"Ah, well change of heart too... I better go. Hinihintay pa ako sa bahay eh! See you around!" Pumila na ako sa cashier.
Pagkatapos kong bumili ay kumaway na lang ako kay Asher at umalis na. Napapadalas yata ang pagpapakita ng mga tao sa nakaraan ko. Why is it so sudden? I am not yet ready to explain myself. Alam kong nasaktan ko ang kaibigan nila kaya hindi ko maiharap ang sarili ko sa kanila. This is not yet the right time to hear my reasons.
Pagdating ko ng condo ay agad kong nilagay ang ice cream sa ref at nagpalit na ng pambahay. Nilabas ko na rin ang mga gamit ko sa sala kasi may assignment kami sa isang subject.
"Inaano ka ng laptop mo at masama tingin mo diyan?" tanong ni Jani.
Mukhang kalalabas niya lang ng kwarto.
"Wala... Nahihirapan lang ako gawin 'yong assignment namin. Mababaliw na ako sa haba ng kailangan basahin," sagot ko.
Nang matapos ay tumambay muna ako sa balcony habang kinakain ang ice cream na binili ko kanina. Umupo sa tabi ko si Jani at binuksan din ang ice cream niya.
"May problema ka ba?" she asked.
"N-Nagkita kami ni Asher sa convenience s-store... Hindi ko alam paano ko ipaliliwanag ang sarili ko sa kaniya. I cannot look him straight in the eyes... Noong una si Xavier tapos ngayon siya naman..." I sighed.
"You don't need to explain yourself sa kanila kasi hindi naman sila si Jupiter. You don't need to be validated by them..." She hugged me.
Niyakap ko rin siya pabalik, kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Maybe the time will come that I can look at him and his friend's eyes without guilt. Maybe time will come that everyone will know why we needed to give up the love we once had.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top