CHAPTER 7: JUPITER'S MISERY
Jupiter's POV
Sa sobrang busy namin sa finals ay halos hindi na kami nagkikita ni Nebula. Minsan nauuna siyang umuwi at ako naman ay sinusundo. Hindi ko na siya nahahatid sa kanila dahil hindi umaalis sila Mars nang wala ako.
"Mars, cover up for me please! Mawawala na ako sa katinuan. Hindi ko siya nakikita for the past few days. Palagi na lang kasi may meeting sa council," saad ko.
"Sige, I'll cover up for you. Sasabihin ko may meeting ka pa kaya hindi ka makakasabay umuwi," sagot niya.
"Thank you so much! I owe you this one!" sagot ko.
"Pumunta ka na ng office. Sasabihin ko na lang kay Nebby puntahan ka roon. In a few minutes darating na 'yong sundo natin kaya better be prepared," sagot niya.
Pumunta na ako sa office. Sakto naman rin na may paper works akong dapat tapusin dahil kailangan na sa report. Habang ginagawa ang mga ito ay hindi ko mapigilang maging excited dahil magkikita na ulit kami.
Hindi nagtagal ay nagbukas na ang pintuan at pumasok si Nebula.
"Love!" she exclaimed.
Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. I long for this touch, ang tagal na noong huli ko siyang nayakap ng ganito. Naramdaman kong tinapik niya ang likod ko. All my worries fade away when I am in her arms, this is home.
"How are you? Sumusunod naman ba ang Levi sa 'yo?" I asked.
Bumitaw na ako sa yakap niya. I helped her sit in the chair in front of me.
"Sumusunod naman. Ikaw ba? How are you? Your mental state? Sabay-sabay responsibilities mo tapos malapit na rin 'yong game niyo," sagot niya.
"Okay pa naman ako. Hindi pa naman ako na-i-inspire mag-lay down sa white rectangular shaped bed na binabaon under the soil," sagot niya.
"Hindi pa pwede. Hindi pa naman tayo humaharap sa altar eh!" sagot niya.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya upang maitago ang nararamdaman ko. Naramdaman kong namumula na ang tenga ko at nagsisimula na rin itong kumalat sa mukha ko. Her random 'pakakasalan kita' lines make my heart uneasy. Whenever I look at her I always look forward to a future with her. I don't see myself successful without her.
"Uy! VP, kinikilig ka na naman sa banat ko! Nonchalant sa iba pero kinikilig kapag ako bumabanat!" she teased.
"Agape!" sagot ko.
Tinawanan niya lang ako na para bang ako na ang pinaka-nakakatawang tao sa buong mundo. I don't care if she's looking at me like I'm a joke as long as I hear that life that's like music to my ears. I will do anything to keep that smile in her lips.
I heard my phone rang kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
Marsiana:
Jupiter, bilisan mo. Hinihintay na tayo ng sundo natin. Kahit sinabi kong may meeting ka hinintay ka pa rin namin.
Me:
Sige-sige, magpapaalam na ako.
Nag-message na ako kila Silas na sabayan umuwi si Nebula.
"Agape, I need to go na... Mauna ka na lumabas. Isasara ko pa itong office," saad ko.
"Sige, Love. I'll text you na lang pag-uwi ko. Iniintay rin ako nila Jani sa labas," sagot niya.
I hugged her for the last time bago siya lumabas. Nag-stay pa ako saglit sa office bago tuluyang lumabas. I made sure to close the lights and lock the door. Agad naman akong lumapit kay Mars para makauwi na. For sure hinahanap na kami sa bahay.
Hindi rin naman nagtagal ay nakauwi na kami. I hugged mom before going upstairs.
"Nagkita na ba kayo ni Nebula?" tanong ni Mom.
"Yes po but in a limited time only. Hindi ko na po siya nakakasama ng madalas unlike before kasi busy sa responsibilities ko sa council and as captain ng volley team," sagot ko.
"Huwag ka mag-alala kakausapin ko ang dad mo na hindi na ka na isama sa pagsundo kay Marsiana para naman may time kayo ni Nebby. Huwag ka masyado magpakalulong sa academics, anak. You need a break."
"That break is Nebula, Mom. Hindi ako makakapagpahinga knowing na hindi kami nagkikita. I am keeping myself busy para hindi ko siya ma-miss," sagot ko.
"Sige. Kakausapin ko ang magaling mong ama," sagot ni Mom.
"Thanks, Mom!" Hinalikan ko siya sa noo.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. I decided to message her to update that I got home.
Me:
Just got home, Agape. Gagawa na ako reviewer. I'll send you the file after. Love you!
Agape:
Thanks Love! Send ko rin reviewer ko sa AP after ko gumawa. Love you too!
After that short text nagsimula na rin akong gumawa ng reviewer Kapag may hindi siya maintindihan sa math ay tinatawagan niya ako to confirm kung tama ba 'yong solution niya.
"Am I right ba, Love?" She looked at the camera.
"Yeah, you're right. Gusto mo pa ba ng other sample problems para mas maintindihan mo?" sagot ko.
"Sure! Send mo lang!" sagot niya.
I sent her another set of questions. After we finished reviewing for math, nag-decide kaming science naman. Since we both excel in chemistry nagpapalitan ang kami ng tanong at mga formulas na i-re-recite. After we wrapped everything up sa science, we decided to have a question and answer sa AP.
"Legal na basehan ng pagkamamayan?" she asked.
"Saligang batas," I answered.
"Anong artikulo ng saligang batas ang nagsasaad ng pagkamamamayan ng mga Pilipino?" sagot ko.
"Article 4, Section 1-5 ng 1987 Philippine Constitution," she confidently answered.
Tumango ako sa sagot niya. After we reviewed for the subjects scheduled for tomorrow ay nag-decide siya na manood kami ng movie. Ganito na lang ang nagiging solution namin dahil hindi kami madalas magkita. Kulang na nga lang ay ikulong ko na ang sarili ko sa council room sa dami ng meetings. I'm getting tired of this routine pero hindi ako pwedeng mapagod. Kasi siya, hindi niya kahit kailan pinaramdam sa akin na pagod na siya sa set up namin.
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Natapos na namin ang exams namin at bukas na ang final game ko as captain ng volleyball team ng school. Nag-aya ng gala ang mga kaibigan namin kaya sumama na kami. Buti na lang lumuwang na ang tanikala sa akin ni Dad kaya nahahatid ko na ulit si Nebula sa bahay nila.
"Sa wakas! Nakagala rin tayo!" saad ni Zadie.
"Hindi pa tapos, hindi pa tayo nakakapag-peta sa El Filibusterismo!" reklamo ni Nebula.
"Ilang araw nang walang tulog si Nebula kakatapos ng script. Ayaw magpatulong!" saad ko.
"Tutulungan mo ako eh hindi mo naman forte 'yong words! 'Wag na baka mamaya sirain mo pa storyline!" sagot niya.
"Grabe ka na, Agape! Hindi mo na ako mahal!" sagot ko.
Naghiyawan ang mga kaibigan namin kaya pinagtitinginan kami ng mga tao sa kinakainan namin. Tinawanan lang ako ni Nebula.
"Hindi ko po sila kilala," narinig kong bulong ni Jani.
"Huy! Ang iingay niyo! Mahiya guys!" saway ni Nebula.
"O-order na ako! Ang mga pambayad?" Inilahad ko ang kamay ko.
Nilabas na nila ang kaniya-kaniya nilang wallet at binigay ang mga pambayad.
"Agape, 'wag ka na ako na bahala sa 'yo," saad ko nang mag-aabot na siya ng bayad niya.
"Kami rin, Jupiter! Libre mo kami!" saad ni Xavier.
"Oo nga, Jupiter. Wala kaming pera oh?" saad ni Silas.
"Ikaw? Silas? Mawawalan ng pera? The world is healing!" saad ni Jani.
"Bakit? Mukha ba akong atm para hindi mawalan ng pera?" sagot ni Silas.
Napailing na lang ako sa kakulitan nila at um-order na. After ko um-order ay tinulungan ako ng waiter na dalhin ang mga binili ko sa table namin.
I noticed that along with the fun aura our table has, she was silent and just eating her meal. Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng table. She sighed and leaned on my shoulder. I know there's something wrong with her.
Mahina kong tinapik ang balikat niya. After naming kumain ay dumiretso kami sa malapit na park. Inaya akong maglaro nila Xavier ng volleyball.
"Zadie, kayo na bahala kay Nebby ah? Maglalaro lang ako saglit," paalam ko.
"Yup! Kami nang bahala sa kaniya," sagot niya.
Sumunod na ako kila Xavier at nakipaglaro. In preparation ko na rin ito sa last game ko as the volleyball team captain.
Nebula's POV
Nang makalayo na siya ay isa-isa nang nagtuluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad akong niyakap nila Viv para pakalmahin. I've been struggling for days now. Hindi ko na alam paano panatilihin ang balance sa school at sa relationship namin.
"It's okay, Nebby. Nandito kami..." bulong ni Viv.
Ilang araw na rin akong binibisita ng ama niya sa bahay at hinihingi na palayain ko na ang anak niya.
"Kaunting oras na lang, Tito... Kaunting oras na lang... Kahit pagkatapos na ng last game ng anak mo..." bulong ko sa aking isip.
Ito na ang araw na kinatatakot ko. Ang bawiin na siya ng tadhana. Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak hanggang sa maubos na ang luha ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang makitang palapit na sa amin sila Xavier.
Nang makalapit sila ay agad kong inabutan ng tubig si Jupiter at pinunasan ang kaniyang pawis.
"Grabe, kaya naman pala larong-laro na itong captain namin!" saad ni Asher.
Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya.
"Sino ba naman kasing hindi gaganahan na maglaro kung ang taga-punas ng pawis mo eh president ng star section? Bruh, kung ako man 'yon gaganahan rin ako maglaro!" saad ni Silas.
"Hanap ka rin ng taga-punas mo ng pawis kapag naglalaro ka ng chess," sagot ni Jupiter.
"Pwede ba kapatid mo?" deretsahang sagot naman ni Silas.
"Pwede kaya kitang sapakin? 'Yong makakalimutan mo 'yong kapatid ko," sagot ni Jupiter.
"Nagbabarda na naman kayo! Araw-araw ba naman! Kaunti na lang malapit na akong mapaisip kung siya ba 'yong kabit mo, Love!" saad ko.
"Agape, mangilabot ka nga! Hindi ko nga kayang mag-cheat sa exam, mag-cheat pa kaya sa 'yo!" sagot ni Jupiter.
"Pre, hindi na ikaw ang Jupiter na minahal namin!" sagot ni Silas na parang iiyak na.
"Nurse, gising na po siya!" saad ni Jani.
"Nebula, may dala ka bang gamot nito? Painumin mo na nga," saad ni Viv.
"Ah teka..." Binuksan ko ang bag ko at naghanap ng biogesic. "Inom ka na!" Natatawang inabot ko ang biogesic.
"Nebby, nag-prepare ka na ba for your upcoming billiards game?" tanong ni Asher.
"Hindi ako nag-sign up this year kasi final game ni Jupiter 'yong schedule noong game. Ayoko naman ma-miss 'yong last game niya as captain," sagot ko.
Natahimik silang lahat sa naging sagot. Hindi siguro nila inaasahan na i-gi-give up ko ang billiards para kay Jupiter. Billiards is another passion of mine bukod sa writing at alam ng mga kaibigan ko kung gaano ko kagusto makarating sa district competition pero pinalampas ko iyon dahil sa kaniya.
"Paano na 'yong pangarap mong district competition before graduation?" tanong ni Jupiter.
"May next time pa naman... Ayokong ma-miss 'yong last game mo..." sagot ko.
"Baka iyon na rin kasi ang huling beses na makita at malapitan kita..." bulong ko sa aking isipan.
Nang magtakip-silim ay napagdesisyonan na naming umuwi. Hinatid muna namin sila Zadie sa sakayan at naglakad na lang kami pauwi. Habang papalapit nang papalapit ang araw ay lalong bumibigat ang nadarama ko. Sabay-sabay na nagbubuhol-buhol sa utak ko 'yong thoughts ko. Bukod sa worried ako sa grades ko ay worried rin ako sa mararamdaman ni Jupiter pagkatapos ng gagawin ko.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko nang makauwi. Hindi na kasi kaya ng mata kong makita ang mga ngiti niya nang hindi lumuluha. Alam kong isa iyon sa mawawala sa kaniya sa gagawin ko.
Kinabukasan ay game na niya kaya nag-prepare na ako. Sa school gym lang gaganapin ang laro kaya makakapanood ako. Iniwan ko muna ang responsibilities ko sa Levi kay Viv. Wala naman na masyado gagawin pero pinag-pa-practice sila ng songs. Nakapag-paalam naman ako sa teachers namin na manonood ako ng game. After pa kasi ng isang round ng songs saka sila pwede na manood, second half na iyon ng laro kaya nakiusap na ako sa mga teachers.
Dumaan muna ako sa convenience store para makabili ng favorite energy drink niya. Ang isinuot kong shirt ay ang shirt niya sa council na may nakalagay na last name niya sa likod at position niya sa isang manggas. I made sure to make my hair up para kita ng lahat ang suot ko. Masyadong malaki ang shirt sa akin pero nag-tuck in na lang ako para humapit sa katawan ko.
"You're Nebula Damaris Levine, right?" saad ni Margarette.
"Yeah, why?" sagot ko.
"I think may mali sa suot mong shirt," sagot niya.
Here we go again. Parang ito rin 'yong sinabi niya noong nakaraang laro ni Jupiter, suot ko naman that time 'yong luma niyang jersey. Kapag kasi naglalaro siya ay palagi niyang pinasusuot sa akin ang mga damit niya kasi lucky charm daw iyon.
"I think wala naman?" sagot ko.
"That shirt is for council only. Saka si Pres lang dapat may suot niyan," sagot niya.
"Well, ask your president why did he let me wear this. Excuse me, I need to go." Iniwanan ko siyang nakatulala sa akin at dumiretso na sa gym.
Nakita kong nag-wa-warm up na sila Jupiter para sa game kaya umupo na ako sa usual seat ko. Di rin nagtagal ay isa-isa nang pumasok ang mga estudyante. Mukhang instead na mag-practice ng songs ay hinayaan na silang makanood ng last game ng set ng volleyball team this year.
Tumabi na sa akin si Jani nang makapasok sila rito sa gym.
"Iba talaga kapag nasa loob ng school ang bebe eh! Hindi niyo sinasabing official kayo pero sa galawan niyo, halata na," saad ni Jani.
Mula sa kinauupuan ko ay narinig ko ang hiyawan ng mga kaklase namin.
"Nebula! Di mo naman sinabing taken ka na pala!" saad ni Louie.
"Kailangan ba informed kayo?" Natatawang sagot ko.
"Syempre para naman makatugtog kami sa kasal niyo!" sagot ni Gian.
Napailing na lang ako sa kalokohan ng mga kaklase namin. Nahinto rin ang hiyawan nang humudyat na ang announcer na magsisimula na ang game. Pinakilala na rin ang starting six ng team ng school namin. Championship game na ngayon at ang kalaban ay ang school na katapat namin. Nawala rin si Jani dahil nandito raw ang bebe niya.
Nasa bandang taas ng gym sila Quina kaya hindi na ako makakalapit. First set pa lang hindi na makatambak ang kalaban. Ahead na agad ang team ng school namin.
"Service ace by the captain with jersey number 24, Jupiter Armani!" anunsyo sa speaker kaya naghiyawan ang mga estudyante sa side namin.
Hindi lang sa side namin, pati sa lugar kung nasaan ang mga kaklase namin ang lakas rin ng hiyawan. May nagdala pa talaga ng drums para mas lalong ganahang maglaro ang mga nasa court. Half of the second set nakakahabol ang kalaban pero dahil sa combination play ni Asher at Jupiter. Malakas din ang floor defense nila. Mukhang matatapos ang laro nila ng tatlong sets lang dahil sa laki ng lamang nila sa first at second. Malabo nang mahabol ng kabilang team ang scores nila.
Sa tagal kong nanunuod ng games niya ay naiintindihan ko na ang bawat galaw nila sa court. Madalas ay siya ang nagmamando sa magiging diskarte nila sa game. Hindi nga ako nagkamali at three sets lang talaga nila tinapos ang game.
"The legendary three-set captain ball has set the records again! Congratulations Aces for winning the third district school championship!" annunsyo ng host ng laro.
Agad na lumapit sa akin si Jupiter at niyakap ako ng mahigpit.
"Congrats, Love! I'm so proud of you! Sabi ko naman sa 'yo mananalo kayo eh!" Humiwalay ako sa yakap niya at pinunasan ang pawis niya.
"Thanks, Agape! This victory is all because I have you! Thank you for believing in me..." he answered.
I smiled and nodded at him. Tinawag na siya ng mga teammates niya dahil mag-a-announce na rin ng most valuable player at best spiker. Bumalik na rin ako sa upuan namin. Nandoon na si Jani sa pwesto niya kanina, mukhang tapos na ang bebe time nila.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, Nebula?" she asked.
"I need to do it... Mahal ko siya pero dapat niya munang unahin ang sarili niya..." sagot ko.
"Sabihan mo lang kami kapag kailangan mong kasama ha? Willing kami mag-overnight ng ilang araw sa bahay niyo..." sagot niya.
"Kaya pa naman..." sagot ko.
Itinanghal na best spiker si Asher at best setter naman si Jupiter. Agad na lumapit sa akin si Jupiter at isinabit ang medal na natanggap niya.
"Oh, bakit sa akin mo 'to binibigay?" saad ko.
"Dahil sa 'yo kaya ako nanalo niyan," sagot niya.
"Anong ako? Ako ba nakipagbakbakan sa bola?" sagot ko.
"My success is your success too, Agape..." Hinalikan niya ang noo ko.
After the game pumasok na kami sa room. Napuno na naman ng asaran ang room namin.
"Umayos kayo, Levi! Mag-practice na tayo ng songs para hindi tayo paulitin na naman ng 3 times! Mahiya naman!" saway ko.
Nagsiupo silang lahat sa mga pwesto nila. Ako na ang nanguna sa pagkanta kahit di ako masyadong marunong. Alam ko kasing pagod si Jupiter kaya hindi ko na siya inabala pa. After our short practice, nag-dismiss na rin ang teachers.
Inaya ko na siya na tumambay sa paborito naming park. Bumili muna kami ng paborito naming ice cream. Kinakabahan man ay kailangan kong gawin ito. Darating rin kami sa puntong 'to, sa puntong pipiliin kong bumitaw kesa kumapit pa.
"Agape, do we have something to talk about? May problema ba na dapat i-settle?" he asked.
"Love, I'm tired na..." sagot ko.
"Tired? Why? Napapagod ka na ba sa Levi? One week na lang, Agape... Patapos na..." he answered.
"No, Love... I'm tired of us..." deretsang sagot ko.
Nakita ko ang mabilis na pagdaan ng sakit sa kaniyang mata. Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Are you tired of loving me?" His voice cracked and his hold on my hand tightened.
"Yes... This past few days na hindi tayo magkasama, na-realize ko na lang na pagod na pala ako. Pagod na pala kong intindihin 'yong situation natin. A-Ayoko rin naman maging hindrance s-sa pangarap mo... Pagod na akong hintaying maging free ka para magkausap tayo..." I answered trying my best to stop my tears from falling but I failed.
As the tears fell my heart started to break into pieces. This is not the ending I thought we would have.
"Hindi ka naman hindrance eh... I-Ikaw nga 'yong inspiration kung bakit ko gusto i-achieve 'yon..."
"A-Akala mo ba hindi ko a-alam na t-tinanggihan m-mo 'yong offer mo na scholarship sa Singapore? Y-You also declined the offer of studying in a university in Manila... L-Lahat 'yon...t-tinapon mo for me... Ayoko noon, Jupiter..." I answered.
He looked at me and sighed. "Kay dad mo nalaman 'yan 'di ba?" sagot niya, anger is evident in his voice.
Tumango ako. "Ayoko nang magkagulo pa ang pamilya mo just because of me..." sagot ko.
"Ikaw rin naman, Agape... Me letting go of those scholarships doesn't make a difference if you let go of that billiard competition for me..."
"God, Jupiter! Isang competition lang 'yon! Ikaw, future mo! Future mo 'yong binitawan mo para sa akin!" sagot ko.
"Pangarap mo rin 'yon di ba? Iyon ang hinihintay mo!" sagot niya.
"Choice ko 'yon! Choice kong piliin ka over that dream! Kasi hindi naman 'yon 'yong priority ko as of now! Please, Love... Huwag na nating pahirapan ang isa't isa..." sagot ko.
"Hindi priority? Eh ang tagal mong pinaghandaan 'yon! Paanong hindi mahihirapan? I want to stay by your side, Agape..." His cries became louder as those words slipped by his mouth.
"I want to stay but it seems like you want to go away... You want to leave me in misery..."
Tanging hikbi lang naming dalawa ang maririnig sa park dahil wala na masyadong tao. Lalong nadudurog ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang hikbi niya. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
"I'm sorry... I'm sorry, Love... I need to do this... Masasaktan lang tayo pareho kapag kumapit pa tayo. I don't want them to take your freedom away..." I whispered.
"Mukhang hindi na kita mapipigilan... Ang sakit, Nebula pero kailangan na nga rin siguro... I don't know where we went wrong... Please smile for me? I want to see those smiles on our graduation day. I want to remember you as the girl who made me the happiest. I love you for the last time, Nebula..." he answered in between his sobs.
"Thank you for making my junior high school memorable. Don't lose your smile, okay? Mas pogi ka kapag nakangiti ka. I look forward to the wonderful future ahead of you. You know why I chose agape as our call sign?" Pinahid ko ang luhang nagbabadyang tumulo na naman.
"Because agape's love is selfless..." sabay naming sagot.
"Thank you for teaching me how to love, Jupiter..." I hugged him tight.
After we had that talk hinatid niya na ako sa bahay. Hindi ako makaalis sa tapat ng gate namin kasi alam kong ito na 'yong huling beses na ihahatid niya ako sa bahay namin. Nagulat na lang ako nang bigla akong salubungin ng yakap nila Zadie.
Just one touch, tumulo na ulit ang mga luhang kanina ay tumigil na. Akala ko tapos na. Akala ko hindi na ako iiyak, akala ko pag-alis niya mawawala na ang lahat but I am wrong. Mas lalong sumakit noong na-realize kong wala na siya sa tapat ng gate namin.
Jupiter's POV
Lutang ako nang makauwi. Nararamdaman ko pa rin ang sakit na dala ng paghihiwalay namin. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Kung kailan naman natapos na ang painting ay saka naman siya umalis. I'll just give this to her sa graduation or ipapabigay ko sa mga friends namin.
Binuksan ko ang phone ko at nagpatugtog na lang. Sobrang sakit ng nararamdaman ko na parang hindi na ako makahinga ng maayos. I can't help but let my tears fall. I am at our house but it doesn't feel like home anymore.
"Paano na ako magpapahinga kung iniwan na ako ng pahinga ko?!" I screamed.
Sinigaw ko na lahat ng nararamdaman ko. Halos mawalan na ako ng boses pero wala pa rin, ang sakit pa rin. Naramdaman ko na lang na may init nang yumakap sa akin.
"Jupiter..." she whispered.
"Mars, iniwan na niya ako... Wala na 'yong pahinga ko..." Humagulgol ako lalo.
"B-Bakit? Anong nangyari?" natataranta niyang sagot.
"Because of the scholarships I declined. M-Mali ba? Am I wrong for choosing the one I love? I think she was also threatened by dad..." I answered her.
"No... But then nangyari na eh... All you can do is accept and slowly move forward. Siguradong hindi siya matutuwa na nagkakaganiyan ka..." sagot niya.
"Four years, Mars. Four years ko siyang kasama. Hindi ko alam saan ako magsisimula. I am not ready to let her go yet..." Umiiyak kong sagot.
"Then don't. Huwag mong pilitin ang sarili mo na mag-move on agad-agad. Namnamin mo 'yong sakit hanggang sa unti-unti mo nang matanggap na wala na talaga, na tapos na talaga..." she answered.
Unti-unti nang kumalma ang kalooban ko. Tinulungan niya akong makahiga sa kama ko.
"Tatawagin na lang kita kapag dinner na. Nandito lang ako palagi..." she said.
"Thank you, Mars..." sagot ko.
Dahil sa sobrang pag-iyak ay hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Mommy na may dalang pagkain. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya para hindi mahalata ang problema ako.
"I hear your screams from the outside. You usually scream when you're in pain... I heard that you and Nebula broke up..." saad niya.
"Opo... Dahil kay Dad. Sinabi niya kay Nebula 'yong mga scholarships na tinanggihan ko and it seems like he blamed her for it..." I coldly answered.
Ihinain niya na sa bed side table ko ang dinner na dala niya. Naramdaman ko na ring kumalam ang tiyan ko kaya kinain ko na ito. Kahit wala akong gana ay kailangan kong kumain. Hindi porque broken hearted ako ay tatalon na ako sa hukay.
"Anak, if she is for you babalik siya. For now, focus on yourself first and everything will follow! I wish healing on your heart, anak. Nandito lang kami ng kambal mo for you. Exclude na natin 'yang dad mo dahil siya ang puno't dulo nito!" Niyakap ako ni Mom nang mahigpit.
Days flew so fast na ito na ang araw ng graduation namin. The most awaited day for us. Ito sana 'yong araw na bibigay ko sa kaniya 'yong painting pero hindi siya lumalapit sa akin and it hurts but what can I do?
"For our valedictory speech, please welcome the class of 2023 valedictorian, Jupiter Elio Armani," anunsyo ni Ms. Lucia.
Agad akong umakyat sa stage at hinanap ng mata ko ay siya. She smiled at me, that proud smile I will always miss.
"As the school year ends, one thing that will remind me of you guys is your scream. The loud cheers whenever we perform in school events and whenever I play for our school. Four years of junior highschool, we learned a lot in all aspects. We met different people that taught us different things, we discovered our strengths and weaknesses. We spent most of our time cramming and ranting about our endless school work but here we are. Gathered here today to celebrate our hard work. Our sleepless nights have finally paid off. For sure we're gonna miss our classmates who have been with us since the first day and our teachers who worked hard for everyday lessons." I started my speech.
"First, I want to thank God for giving me this opportunity to talk in front of you. With his help, I got to where I am now. Second, to my family, my support system. Especially to my twin, she helped me a lot with my school work, we even had a time where we crammed our outputs together. Lastly, to her. The sole reason why I became this active. I wanted to impress her that we ended up as rivals with a dirty little secret. Congrats to us, Agape! We made it! Even though we're not together, still we made it!" I looked at her straight in the eyes to let her know that I am talking about her.
"To my fellow classmates, 10-Levi, thank you for the wonderful memories we've shared together. All the jamming in the middle of the class, the performance tasks, even your noise. Sobrang nagpapasalamat ako sa pakikisama ninyong lahat. I am proud to be your vice president. I am proud to be one of the jack of all trades. You all are my aces! To my bandmates, thank you so much for accompanying me throughout our journey as the band representative of our school. I will never forget our gigs we went to during the school year. To my fellow colleagues in the council, thank you for helping me lead this wonderful school for the better. I enjoyed every bit of it, even though it was full of trials.
Lastly, Aces. My pride and glory, you have given me my pride since the day you decided to let me be the captain of our team. You gave me glory when we won our championship trophy last week. Thank you so much for entrusting me to lead the team. I hope you've learned a lot from me."
"This is jersey number 24, the president of the student council, the vice president of 10-Levi, and the class of 2023 valedictorian, Jupiter Elio Armani, signing off..." Sabay-sabay naming inilipat ang toga namin.
After the program ay pinaabot ko na lang kay Zadie ang painting. That was the last time I saw her smile.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top