CHAPTER 6: COUPLE GOALS
Nebula's POV
Ngayon ang card giving day namin. Pinapunta ko si Mommy para makuha since may pasok rin ako ngayon. Hindi afternoon class ang schedule namin kasi mag-gi-give way kami sa events ng elementary mamaya at gagamitin nila ang room namin for preparation. Isinabay na rin 'yong bigayan para hindi na ma-istorbo ng teachers ang magulang sa weekends.
"Nandiyan na 'yong manugang mo, Nebula!" saad ni Zadie.
Napalingon naman ako sa mga naglalakad sa hallway. He's with his parents, walking beside his mom. Makikita mo talaga ang resemblance niya sa Daddy nila ni Mars.
Nang pumasok sila ay agad akong nilapitan ni Tita at niyakap ng mahigpit. I found another mom with her.
"Nebby! How are you?" She greeted me.
"I'm fine, Tita!" Sinuklian ko siya ng malaking ngiti.
"That's good! Is my son treating you well?" sagot niya.
"Yes, Tita. He's also doing well in his responsibilities! Siya po ang lagi kong katuwang sa mga responsibilidad dito sa room," sagot ko.
"Sana one day maging magkatuwang na rin kayo sa buhay..." she replied.
"I hope so, Tita..." Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Hindi na humaba pa ang usapan dahil tinawag na ni Tito si Tita para maupo sa kabilang dulo ng room. Sinundo ko na rin si Mommy sa labas dahil hindi makapasok ang kotse sa sobrang daming naka-park.
"I'm sorry, 'nak. Late ako," she said.
"Okay lang po, Mommy. Attendance pa lang naman," sagot ko.
Pumasok na kami sa room at dumiretso sa side kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nagmano naman sila sa kaniya. Di rin nagtagal ay dumating na ang teacher namin na magbibigay ng card.
"Good day to our dear parents and students, I am Ms. Lucia and I am the acting adviser of 10-Levi. Habang wala po ang kanilang adviser ay ako muna pansamantala ang magiging adviser nila," saad ni Ma'am Lucia.
She's in her fifties and wears cat-eye shaped glasses and brown shoulder length hair. Matanda na siya kaya madalas ay di siya masyado napapakinggan ng mga kaklase ko. Sa huli ako rin ang sinusunod nila dahil mas hands on ako sa teacher namin. Palagi kasi siyang nasa meeting ng mga teacher kaya madalas ako rin ang sumasalo sa mga concerns ng kaklase ko sa room. Mahirap at nakaka-stress pero ayos lang kasi iyon ang responsibilidad ko bilang leader ng klase. Hindi naman na nagiging mabigat kasi minsan ay sinasalo na ako ni Jupiter.
"So now, we will start awarding the students who had an outstanding performance in academics and perfect attendance," she announced.
Nagsimula nang mag-announce ng mga perfect attendance. Syempre kasali kaming magkakaibigan. Hindi kami pahuhuli pagdating sa mga special awards. Pagkatapos ng awarding ng mga perfect attendance ay nag-award na rin ng mga with honors.
"There are five with high honours and two with highest honour," the teacher said.
Palihim na akong nagdadasal na makasali sa with high honour dahil 'yon ang goal ko this quarter. Hindi talaga kami nagkaroon masyado ng time na magkakaibigan dahil sobrang nag-focus namin sa mga school works.
"Janilla Verlixe Huxley, with an average of 94.85%, with high honours!" anunsiyo ni Ma'am.
Agad kong nilingon si Jani na gulat na gulat at naiiyak dahil sa tuwa na makakuha ng honour. I smiled as I watched her get the certificate, halos umiiyak na siya sa amin noong mga nakaraang linggo tuwing bumabagsak siya sa mga quizzes.
"Congratulations, Jani!" saad ni Ma'am Lucia.
"Thank you po!" sagot niya.
Bumalik na si Jani sa pwesto niya at nag-anunsiyo na muli ang teacher.
"Viviana Riella Elsher, with an average of 95%, with high honours!" anunsiyo ulit niya.
Tumayo rin si Viv para kuhanin ang certificate niya. Sumunod na tinawag si Zadie at Quina kasi parehas silang nakakuha ng average na 95.85%. Lahat ay natawag na maliban na lang sa amin ni Jupiter.
"The two who got the award of highest honours also hold the highest position in the class and coincidentally they both have the same average of 98.5%. Congratulations to Jupiter Elio Armani and Nebula Damaris Levine!" Ms. Lucia announced.
Nauna na akong kuhanin ang certificate ko. Pagkatapos namin mag-pa-picture sa teacher ko ay sumunod na si Jupiter na kumuha ng kaniya. His father looked cold when they took a picture. Mukhang hindi na naman siya masaya dahil kahit nakakuha ng highest spot si Jupiter.
"Mauna na ako sa kotse, anak. Kausapin mo muna si Jupiter," saad ni Mommy.
Tumango naman ako at yumakap sa kaniya.
Nang makarating na si Mommy sa kotse at nakita kong naiwan na mag-isa si Jupiter ay agad akong lumapit sa kaniya. I know he was upset because of his father's reaction.
"Congratulations, Love! I'm so proud of you!" I hugged him so tight.
I heard him sighed and hugged me back tightly and kissed my forehead.
"Thank you, Agape. Hindi ko na talaga alam kung paano ko pasasayahin ang daddy ko," he answered.
"Siguro naman masaya siya, hindi nga lang siya vocal katulad ni Tita..." sagot ko.
He sighed and looked at the direction of Mars' classroom. Nandoon ang parents nila para naman kuhanin ang card ni Mars.
"Sometimes I feel envy towards my twin but I know she deserves more than I do. Okay na akong makita ang ngiti nila kapag may achievement ang kakambal ko. Parehas naman kaming mukha kaya kahit paano nakikita ko rin ang sarili ko," he said.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit para gumaan kahit paano ang pakiramdam niya.
"Gusto mo mag-date na lang tayo mamayang hapon? Lunch lang naman yung lakad ko today," saad ko.
"Sige, Love. I'll fetch you!" he answered.
"So, I'll go now? Ayos ka na dito?"
"Yup! Ingat kayo ni Tita! I love you!" he answered.
I kissed his cheek and bid goodbye. After saying goodbye ay dumiretso na ako sa kotse namin. Siya naman ay nakita kong pumunta sa room ng kakambal niya.
"Kumusta naman si Jupiter?" saad ni Mommy.
"Okay na po, Mi. May date po kami mamayang hapon," sagot ko.
"Sige. Samahan mo muna't mukha siyang malungkot kanina. Hindi ko na kayo nilapitan kasi mukhang seryoso 'yong pinag-uusapan niyo," sagot niya.
Nag-lunch lang kami ni Mommy sa favorite niyang restaurant. Umuwi rin agad kami pagkatapos. Hindi nagtagal ay nakatulog ako dahil sa sobrang pagod sa klase.
Nagising na lang akong hinihintay na ako ni Jupiter sa sala namin. Dala niya ang cue stick niya. Mukhang magkakaroon kami ng billiards date.
"Good afternoon, Agape. Did you sleep well?" he asked.
"Yeah, I did. Sorry di ako nakapag-text sa 'yo," sagot ko.
"Okay lang, you don't need to update every minute," sagot niya.
"Magbibihis lang ako saglit tapos alis na agad tayo," sagot ko.
"Wear comfortable clothes, mag-bi-billiards tayo," sagot niya.
Agad akong bumalik sa kwarto ko at nagbihis ng pang-alis. Naglagay lang ako ng kaunting make-up at bumaba na rin. I wore an oversized shirt and straight-cut pants and white shoes. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at inipit ito ng half bun. This is my go to style every time we are going on dates,. Inayos ko rin ang aking salamin upang mas malinaw ang tingin ko. Pagkatapos kong maglagay ng kaunting polbo at liptint ay kinuha ko na ang cue stick ko at bumaba na.
Nang makababa ay napansin kong halos matunaw na ako sa titig ni Jupiter.
"Ang ganda mo naman, Agape. Mukhang ready na akong magpatalo makita ka lang na ganiyan," he said.
"Wow, hindi mo pa nga ako natatalo sa billiards eh!" sagot ko.
"Umalis na kayo mga anak at baka gabihin kayo ng uwi," saad ni Mommy.
"Tita, okay lang po ba na mga 7 pm ko na po siya ihatid? Kakain pa po kasi kami sa labas pagkatapos po," paalam ni Jupiter.
"Oo naman. Gusto mo dito ka na lang din muna mag-stay mamayang gabi para mas safe ka sa pag-uwi bukas. Masyado na kasing madilim 'yon kung uuwi ka pa," sagot ni Mommy.
"Hindi na po, Tita. Okay lang po," sagot ni Jupiter.
"Oh siya, sige na! Enjoy kayo!" sagot ni Mommy.
Humalik na ako sa kaniya at si Jupiter naman ay nagmano saka kami lumabas ng bahay. As usual pinagtitinginan na naman kami ng mga chismoso at chismosa. May nakasalubong pa kaming schoolmates namin na palihim kaming kinukuhanan ng picture. Magkahawak kamay pa kami kaya todo zoom in rin 'yong nag-picture.
"May paparazzi ka hanggang rito, Love!" saad ko.
"Agape, hindi lang ikaw may paparazzi rito, dalawa tayo. For sure ibebenta na nila sa schoolmates natin 'yong picture na 'yon!" sagot niya.
"Kapag nakarating sa Levi 'yong picture, send mo sa akin. I-po-post ko!" sagot ko.
Nang makarating kami sa kanto namin ay agad na kaming sumakay sa tricycle. Nagpahatid kami sa lagi naming pinupuntahang billiard cafe. Billiards is one of the interests we both enjoy. Noong unang beses kaming maglaro ng billiards ay tryouts ng school para sa athlete na magrerepresenta sa isang billiards competition at natalo ko siya roon. Simula noon ay parati na kaming naglalaro ng billiards sa cafe na iyon.
"It's been a while since the last time we played pool. Na-miss ko 'to!" saad ko.
"Yeah, it really is. Marami na ring nagbago rito," sagot niya.
Agad kaming lumapit sa counter at humingi ng isang table. Um-order na rin kami ng drinks bago dumiretso sa pwesto namin. Pagkatapos naming um-order ay dumiretso na kami sa pwesto na assigned sa amin.
"Love, do you have plans to pursue billiards?" he asked.
Ako na ang nag-set ng table. "Yeah, I've been pursuing it naman since then di ba? Pero wala nang chance ngayon kasi last year na natin sa school."
Siya ang nag-umpisang basagin ang set. Tatlong bola kaagad ang pumasok, siya ang stripes at ako ang solids.
"Let's have a deal. Whoever loses will pay for the dinner? Three rounds lang," he said.
"Call," sagot ko.
Dumaplis ang isa niyang tira at hindi pumasok ang bola kaya naging turn ko na. Sunod-sunod kong naipasok 'yon at hindi na siya muling nakatira.
"Paano ba 'yan, Love? 1-0 tayo," mapang-asar kong saad.
Nagpatuloy kami sa paglalaro. Hanggang sa siya naman ang nakapuntos.
"1 all. Are you conceding defeat?" he asked.
"Why would I concede if we still have two more rounds?" sagot ko.
After that two rounds, siya ang nanalo. Akala ko matatalo na naman siya this match.
"Akala ko talo ka na naman!" saad ko.
"Even though I won, hindi kita pagbabayarin ng date natin. Less pogi points 'yon!" sagot niya.
"Lagi naman eh!" sagot ko.
Isa sa mga green flags ng lalaki na 'to ay never niya akong pinagbayad sa mga dates namin. Minsan halves kami pero madalas siya talaga. Lumabas na kami sa billiard café. Agad naman kaming nagulat nang makita ang mga kaklase namin na papasok sa loob ng café. Mukhang mag-bi-billiards din.
"Pres!" bati ni Rian.
"Hi! Lalaro rin kayo?" sagot ko.
"Oo... Mukhang may date kayo ah..." sagot niya.
"Di mo sure! Una na kami!" sagot ko.
"Ingat kayo!" sagot niya.
Hinawakan ni Jupiter ang kamay ko at naglakad na kami palayo sa mga kaklase namin. Dumiretso kami sa malapit na mall.
"Where do you want to eat?" he asked.
"I've been craving for some peach mango pie," sagot ko.
"Let's go!" sagot niya.
Kapag nga naman pinaglalaruan kami ng tadhana, naroon rin sila Xavier kasama ang mga kaibigan namin. Mukhang nag-decide rin sila mag-hangout. Kumpleto rin kasi kami sa honour roll kaya siguro nandito rin sila.
"Si Nebula at Jupiter oh!" Tinuro ni Xavier ang gawi kung saan kami nakatayo.
Sa lakas ba naman ng boses ni Xavier rinig talaga sa loob ng restaurant ang boses niya.
"Tara na. Huwag muna tayo makisabay sa kanila. Time natin 'to for us alone!" sagot ko.
Kumaway lang ako kay Xavier at hinila na si Jupiter paalis. Nag-message na lang ako kila Jani na hindi na kami sumama sa kanila dahil may sarili rin kaming lakad.
"But you're craving their menu!" He pouted.
"Ayos lang 'yon, mag-milk tea na lang tayo!" sagot ko.
Pumunta na kami sa fourth floor ng mall para bumili ng milk tea. Napansin kong kanina pa nakatitig sa akin si Jupiter.
"Baka matunaw ako niyan ah!" saad ko.
"Graduation's coming..." he answered.
Naglaho ang ngiti ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi pa ako handang bumitaw. Hindi pa ako handang maging alaala na lang ang lahat ng pinagsamahan naming magkakaklase.
"Yeah... It is... Pati 'yong final game mo as a volleyball captain malapit na rin..." sagot ko.
Sa susunod na linggo ang laro nila para sa championship. School namin ang current champion ng men's volleyball at dahil 'yon sa kaniya.
"Malapit ka na rin mag-deliver ng final sermon mo sa Levi... For sure they will miss their best president..." sagot niya.
"I will also miss those chaotic and stressful moments with them... Sobrang napamahal ako sa kanila kasi sa kanila ko naramdaman 'yong peace after chaos..." sagot ko.
Pagkatapos naming ubusin ang order namin na milk tea ay dumiretso kami sa arcade. Ang una naming pinuntahan ay ang karaoke. Syempre kapag may boyfriend kang singer karaoke bar ang tambayan niyo.
"Ano gusto mo kantahin ko?" tanong niya.
"Dear by Ben & Ben," sagot ko.
Hinanap niya na sa songbook ang sinabi kong kanta at nang mahanap niya na ito ay narinig na sa buong karaoke booth ang mababa ngunit malamig na tono ng kaniyang boses. Nakikisabay na rin ako dahil mukhang nagkaroon na siya ng mini concert sa booth na ito.
Pagkatapos naming manawa sa mga kanta ng karaoke booth ay lumabas na kami. Naglaro kami sa iba't ibang arcade games nandito. May mga ilang bumabati kay Jupiter na schoolmates namin kaya medyo occupied ang atensyon niya sa iba.
"Sorry, Agape. Ang dami nilang tinanong about sa mga upcoming events ng school," he said.
"It's fine, Love. Tara? Let's eat dinner na! After uwi na rin tayo, baka hinahanap ka na ni Tita," sagot ko.
"Let's go!" sagot niya.
Kumain na lang kami sa isang fast food for dinner at hinatid niya na rin ako pauwi ng bahay.
"Text me kapag nakauwi ka na ha?" bilin niya bago ako bumaba ng jeep.
Tumango ako bilang sagot at bumaba na. Kumaway ako sa kanya bago tuluyang naglakad papasok sa kanto namin.
Pgakarating ko sa bahay ay sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ni Mommy.
"Mommy, bakit mukhang nakakita ka ng delubyo?" tanong ko.
"Pumunta kasi rito 'yong kakambal ni Jupiter at sinabing hinahanap siya ng Daddy nila. Nag-aalala ako sa batang iyon kasi mukha siyang natatakot na ituro 'yong kakambal niya..." sagot ni Mommy.
"B-Bakit? Ano kayang nangyari?" sagot ko.
"Hindi ko rin alam pero anak, obserbahan mo ang boyfriend mo. Mukhang may kinalaman ito sa inyong dalawa..." sagot niya.
Tumango ako at umakyat na sa kwarto ko. Agad akong nag-text kay Jupiter at kinamusta siya.
Jupiter's POV
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ng malamig na tingin ni Daddy. Mukhang disappointed na naman siya sa nakuha kong grades.
"Nakipag-date ka na naman!" Aambaan ako ng suntok ni Dad nang harangin siya ni Mom.
"Alam mo kaya hindi ka makakuha ng highest spot sa klase niyo? Kasi puro date inuuna mo! Mas inuna mo pang samahan ang babae mo kaysa umuwi rito!" sumbat niya sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya sa itinawag niya kay Nebula. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"You can insult me all you want but never! Never disrespect my girl in my watch! Ako 'yong problema mo, Dad! Hindi siya!" sagot ko.
"Sumasagot ka na ngayon!" Naramdaman kong dumapo ang kaniyang kamao sa mukha ko at nalasahan ang dugo mula sa labi ko.
Tinulungan akong tumayo ni Mommy. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinahid ang dugo sa aking labi.
"Usap tayo mamaya ha? Akyat ka na sa kwarto mo at magpahinga." She gently tapped my back.
She looked at my father. "Let's talk."
Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Bago pa man ako makapasok ay hinawakan na ni Mars ang braso ko.
"Did he hurt you again?" she asked.
"I don't want to talk about it muna, Mars. I want to rest," sagot ko at pumasok sa loob ng kwarto.
Dumiretso ako sa bathroom para maligp at nang matapos ay kinuha ko na ang phone ko na nasa kama.
Agape:
Nakauwi ka na? Kumusta ka? Galing raw rito si Mars kanina, nag-aalala. Is it about your dad again?
Me:
Yeah but everything's fine now that I talked to you. Mamaya na lang tayo mag-usap sa call. Kakausapin ko muna si Mars.
Agape:
Sige lang! Take your time! Magsusulat muna ko.
Me:
Okay. I love you!
Agape:
Love you too!
Lumabas ako ng kwarto ko at kinatok ang kwarto ni Mars.
"Come in!" saad niya mula sa loob.
Agad kong binuksan ang pintuan at pumasok.
"Are you ready to talk na ba?" saad niya.
Tumango ako. Hindi ako makapaglilihim sa kambal ko dahil isang tingin niya lang ay alam niya na kung may problema ba ako o wala.
"Talk now. Ayokong tinatago mo sa sarili mo 'yong mga hinaing mo rito sa bahay. I don't want her to be your emotional dump," saad niya.
"It's about my grades again. With highest honor na ako kanina hindi pa rin sapat. This has always been an issue to him. Tapos idadamay niya si Nebula. Hindi naman kasalanan ni Nebula na hindi ko na-satisfy 'yong gusto niya," sagot ko.
I always have a hard time pleasing my father. Palagi na lang si Mars ang napapansin at ako ang walang kwentang anak sa point of view niya.
"You know that's not true, right? There's nothing wrong with you. Sadyang siya lang 'yong mataas ang expectations sa atin. Alam mo, I developed anxiety because of him. Tuwing nag-q-quiz nag-o-overthink ako kung ako ba magiging highest or hindi."
Even her... Sigurado akong nahihirapan na rin siya.
"Kung pwede lang talagang umalis gagawin ko. I'm honestly tired. Kung hindi nag-e-exist si Nebula baka bumigay na ako..." sagot ko.
"Nakakainis naman kasi si Dad eh! We may have the same face but we don't have the same brain. May kaniya-kaniya tayong strengths and weaknesses."
"Always remember that I am not mad at you. I will never be mad at you. Alam ko sa sarili ko kung anong kulang sa akin." I tucked the loose hairs in her ear and kissed her forehead.
Niyakap ko siya ng mahigpit to assure her that I am fine. Gumaan kahit paano ang nararamdaman ko.
"You are enough, Jupiter..." she answered.
Mas humigpit pa ang yakap ko sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.
"Balik na ako sa room ko. May tinatapos pa akong painting," paalam ko.
Kumalas na ako sa yakap at lumabas na ng kwarto niya. I decided to call Nebula before I finish my painting. Ito 'yong ibibigay ko sa kaniya sa graduation namin.
"Hello, Love?" Her calming voice echoed in my ear.
Smile automatically painted on my face when I heard that endearment. My heart started to beat faster. Hanggang ngayon ganoon pa rin 'yong pakiramdam. Katulad ng unang beses niya akong tawagin ng endearment na 'yon.
"Hi, Agape... Nag-call lang ako to say that I'm fine. I also want to say I love you..." sagot ko.
"Alam na alam mo talaga kung paano mo gigisingin diwa ko. I love you too, Love! Kapag ready ka nang pag-usapan, just call me ha?" sagot niya.
"Let's have an ice cream date tomorrow?" sagot ko.
"Okay! Ice cream then!" I heard a slight giggle in the background.
"Hoy, Jupiter! Mamaya ka na magtatawag sa Nebula namin! Di na namin siya nakasama kanina kaya ibigay mo na siya sa amin!" I heard Zadie's nagging.
Mukhang may overnight sila sa bahay ni Agape. That has been their ritual every after exams.
"Okay-okay, enjoy kayo diyan! Agape, huwag masyado magpuyat ha?" I answered.
"Yes, Love. Good night! Text me kapag matutulog ka na," sagot niya.
"Yes po. Good night! I love you!" sagot ko.
"I love you too!" Ibinaba niya na ang tawag.
After the call I decided to prepare the things that I'll be needing to finish the painting. I know she will love this and I can't wait to see her reaction.
Nebula's POV
Pagbaba ko ng tawag ay agad akong tinignan ni Viv na may pang-aasar. I know what's next after that look.
"Tamis naman, Nebula! Sana all!" saad ni Viv.
"Bakit lahat na kayo may nag-go-good night? Baka pati sa 'yo, Quina, meron na rin ah?" saad ni Zadie.
"What if meron?" sagot ni Quina.
"Meron 'yan. Tinginan pa lang nila ni Tan iba na eh!" sagot ni Jani.
Quina just flashed a shy smile. I know that smile! Ganiyan din ako ngumiti noon sa tuwing napapag-usapan 'yong mga kilos ni Jupiter.
"Hayaan niyo na si Quina! Abangan na lang nating i-soft launch siya!" saad ko.
"Sinoft launch ka na ba ni Jupiter?" sagot ni Jani.
"Hard launch na yata kanina?" sagot ko.
Nag-story kasi si Jupiter ng picture namin kanina noong kumain kami ng dinner. Nagulat na lang ako na may mention ako sa instagram.
They all excitedly got their phones and went to every social media account I have.
"Gagi! Oo nga! My gosh! Nebula and Jupiter lowkey era no more! Deretso hard launch kaagad!" saad ni Zadie.
"Matagal na akong pino-post ni Jupiter naka-hide lang sa mga classmates natin!" sagot ko.
"Tama na nga 'yan! Kuwentohan mo naman kami ng naging date niyo kanina!" saad ni Viv.
"Edi ayon, nag-concert siya sa timezone tapos kumain kami and nag-billiards. The typical date of a teenager," sagot ko.
"Kilig na kilig 'yong mga kaklase natin kanina noong nag-picture kayo! Dama kasi ng lahat 'yong sparks!" saad ni Jani.
"Buong Levi naka-spy sa inyo!" sagot ni Zadie.
"Kaya pala nakita namin sila Louie sa bilyaran kanina!" biro ko.
Pagkatapos ng maikli naming kwentuhan ay inayos ko na ang gagamitin naming projector. Kapag nag-o-overnight kami pinapatanggal ko talaga 'yong kama ko para lahat kami nasa sahig matulog.
Si Zadie, Viv, at Quina ang nakatokang magluto ng snacks namin. Kami naman ni Jani ang nakatokang ayusin ang kwarto. Namili na kami ni Jani ng movie na papanoorin.
We decided to watch the movie, The Notebook. Nang matapos ay sunod na dumating sila Viv dala ang chicken, popcorn, drinks, at pasta.
"Nebula, bakit ang hilig mo sa tragic endings?" saad ni Viv.
"Sige, horror panoorin natin tapos kapag may iihi lahat din tayo bababa?" sagot ko.
"Ang saya-saya ng buhay mo tapos 'yong movie taste mo pang sadista!" saad ni Zadie.
"Thriller na lang! Ako pipili!" Kinuha ni Quina ang remote ng projector.
Nang makapili na ng movie si Quina ay nagsimula na rin kming kumain ng mga hinanda nila.
"I'm gonna miss this... 'Yong susunod na sleepover natin, senior highschool na tayo..." saad ni Jani.
"Panibagong breakdowns na naman ang haharapin natin after graduation," sagot ko.
"I'm so proud of you guys! We survived this school year!" saad ni Zadie.
Hanggang madaling araw ay nanood kami at nagkuwentohan. Nahinto lang ang kwentuhan namin nang tumunog ang phone ko.
Love calling...
Agad kong sinagot ang tawag. I know him, he's breaking down right now. Hindi siya tatawag nang ganitong oras nang wala lang. This hour is his vulnerable time. Naghahanda na rin namang matulog sila Jani kaya napagdesisyonan kong pumunta muna sa balcony ng kwarto ko at sagutin ang tawag niya.
"Hello, Love?" I greeted.
"Agape, I don't know what to do... Sobrang na-p-pressure ako right now sa mga nangyayari. Kanina kinausap ako ni Mom at sinabi niya na kailangan nating less na magkita para mas makapag-focus ako sa school," he answered.
"Ayos lang 'yon! Hindi naman natin kailangan na parating mag-date. Mag-focus ka sa goal mong maging valedictorian this graduation. I'll be focusing on my own too. Let's achieve our dreams together!" sagot ko.
"I don't think I can do it without you..." sagot niya.
"You need to, Love... Hindi habang panahon magkasama tayo... Time will come that we need to accept what fate has to offer for us..." Pinunasan ko ang luhang nangingilid sa mata ko.
"What are you saying?" nalilito niyang saad.
"I'm saying that you need to focus on your own goal. Huwag puro ako, Jupiter. Hindi sa akin umiikot ang mundo mo. We all have our own individual goals. Hindi dahil magkasama tayo ako na dapat ang sentro ng mundo. May sarili ka ring mundo at pangarap..." sagot ko.
"Thank you, Agape... You helped me understand my situation... I love you... Magpahinga ka na. Mukhang patulog na rin kayo diyan," he answered with his bedroom voice.
"I love you too... Good night. Don't overthink things na. Everything will fall into places..." Ibinaba ko na ang tawag.
After the call ay bumalik na ako sa loob ng kwarto ko. There I saw my sleeping friends. Ang kalmado ng mga mukha nila habang natutulog. Mukhang mga walang problemang dinadala pero deep inside them I know they have their own silent battles. I'm so happy to meet people like them this lifetime. Sila na 'yong friends na nakikita kong makakasama ko hanggang sa pagtanda. Sana kahit na magbago pa ang landas namin ay magkakasama pa rin kami. Nahiga na ako sa tabi ni Jani at nakatulog na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top