CHAPTER 5: SWEETEST GOODBYE
This chapter is dedicated to the real life adviser of 10-Levi. Sana nakuha ko talagang maisalibro ang pakiramdam noong araw na 'yon.
DISCLAIMER: EVERYTHING THAT IS SAID ON THIS CHAPTER IS PURELY FICTIONAL.
Nebula's POV
The day we've all been afraid to come. Sa Friday na ang last day ni Ma'am at hindi pa ako prepared doon. Hinayaan ko nang ang officers ang magplano ng mga pwedeng gawin. Ako na lang ang nag-asikaso ng magiging program namin. Nang matapos ko ang program ay pina-check ko na sa officers.
"Ayos na 'to, Nebula. Kailangan lang natin na mag-collect ng funds," saad ni Lia.
"Meron pa ba tayong remaining funds from last teachers day?" sagot ko.
"Meron pa naman yata. Siguro nasa one thousand pa," sagot niya.
"Sige. Dagdagan na lang siguro natin ng kahit seven-hundred pesos and I'll just add some more," sagot ko.
Tumango naman siya nang marinig ang sagot ko. Nagsimula na rin siyang maningil sa mga kaklase namin. Mabigat man sa loob na i-organize ang programang ito ay kailangan kong ihanda ang mga ito. I want her last day to be memorable. Matagal-tagal rin kaming hindi magkikita dahil sa pagdating ng kaniyang baby.
"Agape, did you miss me?" he said.
Nandito kami ngayon sa kubo at hinihintay sila Jani. Recess namin kaya pwedeng pwede na tumambay.
"Three days wasn't long. So I don't. Lagi naman tayo magkausap eh," sagot ko.
"Three days was so long for me. I felt like I was suffocating," sagot niya.
Natahimik ako sa naging sagot niya. Nito pa nga lang na hindi niya alam na may taning ang relasyon namin, may separation anxiety na agad siya.
"Jupiter, what if this will end one day?" saad ko.
Umiwas siya ng tingin sa akin. "You think I'll let this end?"
"I know you won't but there are things that were inevitable," sagot ko.
"Huwag ka na nga nakikinig sa what ifs ni Silas nahahawa ka na tuloy!" sagot niya.
"Hoy! Hindi naman si Silas may kasalanan nito!" sagot ko.
Dumating na sila Jani ay inabot niya na sa akin ang pinakisuyo ko sa kaniya.
"Sabi nila extended daw 'yong recess," saad ni Zadie.
"Wow! Finally aabot na sa tiyan ko 'yong burger!" sagot ko.
Madalas kasi na nakakatatlong kagat pa lang ako sa burger tapos na kaagad 'yong recess.
"Natapos niyo na ba 'yong para kay Ma'am?" tanong ni Jani.
Tumango ako. "All is set, everyone knows their parts."
Di rin nagtagal ay nakita na naming papalapit na sila Silas. Missing in action si Xavier, siguro kasama niya 'yong significant other niya.
"Nebula, pinapatanong noong taga kabilang section kung meron ka raw bang spare na libro para sa critique nila," saad ni Silas.
"Wala. Hindi ako nagdala ng book ngayong araw," sagot ko.
Umupo si Silas sa tabi ni Jani at binuksan ang chips niya.
"Jupiter, what if ligawan ko si Mars, payag ka ba?" saad ni Silas.
"Silas, what if itulak kita sa tulay? Payag ka rin ba?" sagot ni Jupiter.
Nagpapasalamat ako kay Silas sa mga oras na ito kasi natulungan niyang ilayo ang topic sa pinag-uusapan namin kanina ni Jupiter.
"Silas, kayo tutugtog nila Jupiter sa last day ni Ma'am," saad ko.
"Sige lang. Dalhin ko na lang gitara ko," sagot niya.
Kinausap ko na rin ang iba pang mag-pe-perform para sa surprise namin bukas. Pati ang mga teachers ay kinuha ko na rin ang time para hindi kami magahol. Inubos namin ang araw na ito para sa pagplano ng magiging surpresa namin kay Ma'am. Buti na lang madali kausap ang iba naming kaklase at nagsibayad naman agad.
Bago umuwi ay nagpatawag ako ng meeting sa mga officers. Sa canteen namin napagdesisyonan na mag-meeting para hindi kami mahalata ni Ma'am.
"Tapos na ako magbumbay! Six-hundred fifty lang nakolekta ko!" saad ni Lia.
"Mukhang dinaanan ka ng sampung delubyo," sagot ni Jupiter sa kaniya.
True to what Jupiter said, mukha ngang dinaanan ng delubyo si Lia dahil sa gulo ng buhok niya at sa kunot ng noo habang pinapakita sa amin ang mga nakolekta niyang pera. May mga makukulit rin kasing pwersahan ang pagbabayad.
"Hey, Jupiter, fifty-fifty tayo sa kulang. One-fifty sa akin!" saad ko.
"Sige, two-fifty sa akin," sagot niya.
"Hindi talaga papatalo si VP! Kailangan laging mas mataas," saad ni Gian.
"Hanggang dito ba naman dinadala mo 'yong rivalry natin!" kantyaw ko.
"Excuse me, this is not a rivalry. This is shared expenses with my wife!" sagot niya.
Nagpabalik-balik ang tingin nila sa aming dalawa dahil sa sinagot ni Jupiter. Hindi ko maiwasan na magbaba ng tingin at pamulahan ng pisngi dahil sa sinabi niya. Him and his unexpected words of affirmation. Nagwawala na naman ang mga halimaw sa tiyan ko.
"May thing nga talaga kayo," Tan said.
"'Di pa ba halata?" sagot naman ni Lia.
"Akala ko eme-eme lang nila 'yon," saad ni Tan.
"Well, mali kayo ng nasagap na balita!" sagot ni Jani.
"Enough with us. Sino raw ba sasagot noong decorations and such?" saad ko.
"Sila Jillian na raw bahala pati sa mga pictures na ilalagay," sagot ni Lia.
"Sige. Make sure lang na hindi niya makakalimutan 'yon. Baka kasi makalimutan na naman niya katulad noong nakaraan," sagot ko.
"Sabi ni Quina siya na raw gagawa noong cake ni Ma'am," saad ni Viv.
"Sige. Sulat mo na lang diyan sa roles ng bawat student," sagot ko.
Pagkatapos ng meeting naming officers ay sabay-sabay na kaming umuwi.
"Agape, can I stay here for the night?" Jupiter asked.
"I'll ask Mom first." Ilalabas ko na ang phone ko nang hawakan niya ang braso ko at itinulak pabalik sa bulsa ko ang phone.
"Nagpaalam na ako kay Tita," sagot niya.
"Eh sa Mom mo? Nagpaalam ka na ba?" sagot ko.
"Y-Yeah, Mars will stay with her for the night..." sagot niya.
Nakita ko ang alinlangan sa kaniyang mata kaya alam kong hindi siya nagpaalam kay Tita. This is the first time he did this and I know there's something going on. Hindi niya ito gagawin nang trip niya lang and usually kapag gusto niya matulog sa bahay ay matagal naming pinaplano.
"Tatawagan ko na lang si Tita para ipagpaalam ka," saad ko.
"N-No. For sure hindi siya papayag kasi darating si Dad tonight and he wants me to join them over dinner. A-Ayoko umuwi, Agape..." sagot niya.
"I won't force you to go home. I'll just call Tita to inform her that you won't be going home tonight," sagot ko.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang number ng mommy niya.
"Hello, Tita! Good evening po!" bati ko nang sagutin niya ang tawag.
"Hello, Nebula! Napatawag ka, may problema ba kayo ni Jupiter?" sagot niya.
"Wala naman po. Sabi niya po hindi raw po muna siya makakauwi tonight. Gusto niya raw po mag-overnight sa bahay," sagot ko.
"Ah sige. No problem. Tapos naman na ang exams niyo. Basta magpaalam kayo ng maayos sa Mommy mo ha?" sagot niya.
"Opo, Tita. Thank you po!" sagot ko.
"Sige, bye!" sagot niya.
Matapos kong magpaalam ay ibinaba ko na ang tawag.
"Ano sabi?" he asked.
"Pinayagan ka na. Bago tayo umuwi, daan muna tayo sa convenience store para bumili ng donut. Kailangan natin ng pasalubong kay Mommy," sagot ko.
"Okay," sagot niya.
After naming makabili ng pasalubong ay umuwi na kami. When we arrived at our house he was welcomed by the embrace of my mom.
May kapalit na naman ako sa pagiging anak ni Mommy. Tuwing nandito si Jupiter ay lagi na lang ako nawawala sa galaxy niya.
"Mommy! Ako 'yong anak mo dito oh!" reklamo ko.
Natatawa naman niya akong niyakap. "Pasensya na anak, ang gwapo kasi nitong nobyo mo kaya natutuwa ako!" sagot niya.
"Gutom na kami, Mommy..." Ngumuso pa ako para ipaghanda niya kami agad.
Pinagbihis niya muna kami ng pambahay bago nag-dinner.
"Bakit dito ka magpapalipas ng gabi?" tanong ni Mommy kay Jupiter.
"Ah, may gagawin po kaming project ni Agape. Tatapusin po namin tonight," sagot niya.
Pagkatapos namin kumain ay pinadala na ni Mommy ang hihigaan niya.
"Make sure sa floor ka, Jupiter. Ayoko pa ng apo," saad ni Mommy.
"Mommy naman! Project nga po gagawin namin!" sagot ko.
When we were all settled down binuksan ko na ang laptop ko. Pinagtulungan namin ni Jupiter na gumawa ng video presentation at photo collage na ibibigay namin kay Ma'am.
Jupiter's POV
As we continue to do our work my phone starts ringing. My father's name flashed on it.
"Agape," I called her.
Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at tinaas ang kilay.
"I'll just take this call," paalam ko.
Tumango naman siya at bumalik sa ginagawa. Lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba.
"Hello?" I greeted.
"Jupiter, nasaan ka?" he asked.
"I'm at my girlfriend's house," I answered.
"Go home now. Your wife is waiting for you," he answered.
Nagpanting ang tenga ko at kinuyom ang kamay upang mapakalma ang aking sarili. Ilang beses ko na siyang kinausap tungkol sa arranged marriage na 'yan but he never listened. The only thing that matters to him is how he can take over my life.
"We're on it again. I'm sorry but I'm not interested. Kung gusto niyo, kayo na lang magpakasal dalawa." Ibinaba ko na ang tawag at pinatay ang phone ko.
Hindi nga ako umuwi para di siya makita at makasama pero hanggang sa telepono ba naman hahabulin niya ako. His logics doesn't make sense, hindi naman kami sobrang yaman para pilitin niya akong magpakasal sa babaeng di ko mahal. Kahit pa mayaman kami, I will never let him decide who I will spend my whole life with. Kasi isang tao lang ang aalayan ko ng buhay ko at papangakuan sa altar.
I went back upstairs and I saw her dozing off while doing the video presentation. Papikit-pikit na ang kaniyang mata at kinukurot niya na ang sarili niya upang magising.
"Agape, you want coffee?" I asked.
"Love, pwede patimpla? Nasa may pantry 'yong coffee ko," she answered, trying to keep her eyes open.
Tumango naman ako at lumabas muli ng kwarto para ipagtimpla siya ng kape. When I came back, nag-e-edit pa rin siya pero mahahalata mo na sa kaniyang mata ang pungay nito.
"Here's your coffee, Agape..." I said to get her attention.
Dahan-dahan kong inabot sa kaniya ang kape.
"Thank you, Love," she replied.
Bumalik na rin ako sa pagdidikit ng mga photos.
"Love, can you check this?" she said.
She showed me her laptop and played the video. Ang boses niya na nagbabasa ng liham niya kay Ma'am ang nagsilbing background music ng video. Her voice sounds calming and angelic, bagay na bagay sa ginawa niyang video.
"Everything's fine. I love it!" sagot ko.
Lalo akong na-i-in love sa kaniya kapag nakikita ko ang diligent side niya. She thought that I fell for her looks but no, I fell for her talents and her as a person. Mas minamahal ko siya ngayong nakikita ko kung gaano niya kamahal ang mga taong nasa paligid niya.
Before she can even lay her head on the table, agad ko nang sinalo ang kaniyang ulo gamit ang kamay ko. Nakatulog na siya habang ginagawa ang presentation so I decided to fix the things on her bed table. Tinanggal ko na ito sa kama niya at pinatay na rin ang laptop niya.
Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama upang mas maging komportable siya.
"Love... Di pa ako tapos..." she said.
"It's fine. Ituloy mo na lang bukas. Matulog ka na..." sagot ko.
I kissed her forehead and tucked her to bed. "Sleepwell, my love..."
As long as I am beside her, my heart and my mind is at peace.
After finishing the photo collage I also decided to go to sleep. The next day, sabay kaming pumasok sa school. Dala ko ang shoulder bag niya at ang laptop bag. Wala naman kami masyado klase dahil completion na ng grades. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin nang magkahawak kamay kaming pumasok ng room.
"Pati ba naman pagpasok sa school by pair na?" saad ni Zadie.
"Papapuntahin ko na nga rito si Caleb para hindi na ako naiinggit sa inyo!" kantyaw ni Jani.
"Paano naman kaming walang ka-holding hands?" saad ni Viv.
"Ang hilig mo naman kasi sa internet love!" saad ni Nebula.
After putting her bag on her chair ay dumiretso na ako sa upuan ko. Silas tapped my back as I settled down on my seat.
"Pumaparaan ka na ah?" saad niya.
"Syempre, ako pa ba?" sagot ko.
"Payagan mo na kasi ako manligaw kay Mars!" sagot niya.
"Mag-move on ka muna sa katangahan mo!" sagot ko.
Nahinto lang ang pag-uusap namin nang dumating na ang adviser namin. Nakinig na kami sa announcements niya. As usual paglabas ng adviser namin ay kaniya-kaniya nang labas ng phones ang mga kaklase ko. To kill the time I decided to learn the chords of the song that we'll play on the last day of our adviser.
"Jupiter!" tawag ni Zadie.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Tawag ka ni Mars!" saad niya.
Tumayo na ako sa upuan ko at nilapitan ang kambal ko.
"Have you slept well?" I asked.
"Yes but dad is fuming mad. Nandoon kasi kahapon 'yong future in laws mo," sagot niya.
"I don't care. Saka tigilan mo 'yang joke na 'yan. It's not nice," pikon kong sagot.
Inabot niya naman sa akin ang bento box na dala niya. I smiled when I saw my mother's note stuck on the lid of the box.
'For my Jupiter,
I hope you enjoy spending the night with my future daughter in law.
I miss you so much!
-Mom'
"Mom prepared that for you. Uuwi ka na ba later?" tanong niya.
"Yup. I just hope that he's done with the engagement thing," sagot ko.
"Tapos na siya. Nag-away sila ni Mom tungkol doon," sagot niya.
"I better go home. Sigurado akong malungkot na naman si Mom. Anyway, bumalik ka na sa room niyo. Baka hinahanap ka na doon," sagot ko.
"Okay. Sasabay ka ba sa akin mamaya or ihahatid mo ulit si Nebby?"
"Ihahatid ko na lang. Gusto mo ba sumama?"
"Sure! See you later!" Kumaway siya bago naglakad palayo sa akin.
Bumalik na ulit ako sa upuan ko nang makaalis siya. Itinuro ko na sa iba kong kasama ang chords. After learning the chords ay sinubukan naman namin na kumanta.
Nebula's POV
Looking at him passionately teaching his bandmates makes my heart flutter. Music really suits him well, hindi na ako magtataka if one day piliin niyang i-pursue ito ng full time. Sana by that time ako pa rin ang kasama niya.
I wore my headset and continued the video presentation I am making. Malapit naman na ako matapos sa ginagawa kong ito.
"Jani!" tawag ko sa kaibigan na busy sa phone niya.
Nag-angat naman siya ng tingin at lumapit sa akin.
"Check mo," I said.
Hinarap ko sa kaniya ang laptop ko at pina-check kung maganda ba ang gawa ko.
"Ang ganda! Bagay na bagay 'yong boses mo sa background!" saad niya.
"Wala nang kulang?" sagot ko.
Baka kasi mamaya may kulang pa na hindi ko naman alam. I feel like something's missing.
"Meron, picture niyo ni Jupiter kasama si Ma'am," sagot niya.
"Ah, sige-sige. I-a-add ko na lang!" sagot ko.
After finishing the video presentation ay pinakita ko na ito sa mga kaklase ko.
"Ilang araw mo 'yan ginawa?" tanong ni Xavier.
"A week," sagot ko.
"Kaya pala. Halata sa mata mo. Buti hindi nagalit si Jupiter," sagot niya.
"Kahit naman sawayin ko 'yan hindi susunod. Masyado niya kayong mahal para pagpaliban 'yan," sagot ni Jupiter.
Pagkatapos kong papanood sa kanila ang video ay tinanggal ko na rin ang laptop ko. Binuksan ko ang sinusulat kong chapter para makapag-post na rin ako ng update sa wattpad account ko. Wala na rin kasi akong masyadong time sa bahay para magsulat kasi mas madalas na nag-a-advance study ako.
"Pres, ano 'yan?" tanong ni Rian.
"Wala. Reviewer ko," sagot ko.
"Wala pa naman tayong exam eh," nagtatakang sagot niya.
"Advance review," sagot ko.
Tumango naman siya habang nagtataka na nakatingin sa screen ng laptop ko. Umupo naman siya sa tabi ko para maki-usyoso naman sa outline notebook ko. Hinayaan ko na lang siya dahil wala naman akong tinatagong sikreto tungkol sa talento ko.
"Pres! Nagsusulat ka pala!" bulalas niya.
"Oo," sagot ko.
"Ano genre mo? Saan ka nagsusulat? Ano username mo?" sagot niya.
"Teen Fiction-Romance. Sa wattpad ako nagsusulat. Nebulae username ko hanapin mo na lang," sagot ko.
PInagpatuloy ko na ang pagta-type ko. After a few hours hindi ko namalayan na recess na. Na-realize ko na lang 'yon nang may naglapag ng hotdog sandwich at iced milo sa lamesa ko.
"Pinabibigay ni VP. Ayaw niya raw na nagugutom ka kasi nasa meeting siya saka sabi niya 'wag ka raw istorbohin kasi nagsusulat ka," Asher said.
"Thanks!" sagot ko.
Kinain ko na ang binigay niyang pagkain. Nang mag-uwian naman na ay hinatid ako ni Jupiter at Mars sa kanto namin. Pagdating ko sa bahay ay kumain na lang ako saglit ng meryenda at umakyat na sa kwarto. Napabuntong hininga ako nang masilayan ko ang cork board ko na punong-puno ng pictures namin ng mga kaklase ko kasama si Ma'am. Pati ang mga pina-frame kong certificates ng section namin. Tomorrow will be her last day with us. I know it will be a bittersweet goodbye because as she said goodbye to her sons and daughters in school, she will welcome her very own child.
The next day after her class with us ay tulong-tulong kaming nag-design ng room. Si Jupiter ang nag-set up ng laptop ko at ako naman ay dinikit na sa board ang mga collage na ginawa niya. Saktong natapos namin ang set-up nang matapos ang huling performance ng section na klase niya.
Pinuntahan na namin siya ni Jupiter sa klase niya. Mars is looking at us with a glint of malice.
"Ma'am!" tawag ko.
"Yes 'nak?" sagot niya at lumapit sa akin.
"May magulang po na naghahanap sa inyo," seryosong saad ko.
Pilit kong pinipigil ang ngisi kaya napahawak na ako kay Jani para humingi ng tulong. Mabuti na lang at naka-facemask kasi fail agad ang acting skills ko.
"Kailangan raw po nila ng card para sa application ng school sa grade eleven," saad naman ni Jani.
Pagkatapos niyang magpaalam sa section nila Mars ay dinala na namin siya sa room. I filmed her reaction as she enter the room, nagsimula na ring tumugtog sila Jupiter.
HIs voice somehow makes my emotions calm. Alam ko kasing anytime now babagsak na ang luha ko. After nilang kumanta ay sumunod naman ang pag-play ng video presentation na ginawa ko. Doon na tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Agad na kinuha ni Jani ang phone ko para ituloy ang filming ng mga pangyayari. This will truly be the last time she will be physically present with us. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng magulang sa mga oras na 'to.
"Ma'am, thank you for making this classroom our second home..." After that last phrase I heard my classmate's shouts.
Nagulat na lang ako nang makaramdam ako ng mainit na katawan na bumabalot sa akin. I felt comfort through his embrace, mas nabawasan ang bigat na nadarama ko. Kumawala muna ako sa yakap niya at tinanggap ang panyo na kaniyang inaabot. After cleaning my face, I faced my classmates. Nagsigawan sila nang sabay kaming humarap sa kanila.
"Levi! Makinig na kayo kay Ma'am!" saway ko.
Nahinto rin ang sigawan nila nang tumikhim si Ma'am.
"First of all, I want to thank you all for your efforts. Especially to Nebula and Jupiter na sigurado akong mga punong abala," Ma'am said.
"Ma'am, before that I have something for you po," saad naman ni Jupiter.
Kinuha niya ang picture frame na nasa upuan niya at inabot ito kay Ma'am. Agad niya namang binuksan at gulat na napatingin kay Jupiter. It is her self portrait. Si Jupiter mismo ang nag-drawing noon habang nag-uusap kami sa video call. He also used coffee as the portrait's background, it is not just a simple instant coffee. Civet Coffee ang gamit niya upuang bigyang kulay ang portrait.
"Anak... Thank you..." naiiyak na saad ni Ma'am.
Niyakap naman siya ni Jupiter. "You're welcome, Ma'am. All for you!"
"Maraming salamat sa efforts niyong lahat para rito. You are the first section who became close to my heart. Matagal ko ring prinoseso na darating ang araw na kailangan ko nang mag-leave. Kung pwede lang na hindi ako mag-leave ginawa ko na kasi sobrang ma-mi-miss ko kayo. Pero hindi naman rin kasi pwede at kailangan rin ako ng baby ko."
"I hope you learned something from me na madadala niyo hanggang sa pag-alis niyo rito sa school. Mas naging memorable ang school year na ito para sa akin kasi kayo 'yong nakasama ko. Kung papipiliin ako, Levi pa rin ang pipiliin ko. Thank you so much, mga anak!" she said.
Nang matapos ang speech ni Ma'am ay nag-distribute na rin kami ng mga pagkain. Si Mommy ang nagluto ng mga pagkain namin ngayon at nilagay niya na lang sa individual packages para hindi na magkagulo sa pagkuha ng mga pagkain at lahat ay may equal na pagkaing matatanggap.
Pagkatapos namin magkainan ay nagkantahan naman ang mga kaklase ko. Naiwan akong tulala rito at prinoproseso pa rin ang pangyayari. Iniisip ko na rin ang magiging responsibilidad ko sa mga susunod na araw.
Lalong bibigat ang responsibilidad ko bilang leader ng klase. Tulong-tulong rin kaming naglinis ng room nang matapos ang kasiyahan. Hinintay ko na ang pag-alis ng mga kaklase namin.
"Kayo na ang bahala sa makukulit niyong kaklase. Alam ko namang makakaya niyong dalawa..." bilin niya sa amin.
"Basta, Ma'am chat po kayo lagi sa gc ha?" sagot ko.
"Naku, Ma'am. Iiyak na naman 'to!" saad ni Jupiter.
Hinampas ko naman ang balikat niya. Niyakap niya kaming dalawa ni Jupiter bago kami umalis. Nang dumating na rin ang sundo niya ay umuwi na rin kami ni Jupiter. While we're walking home the reality hit me that I will never saw her again sitting on her table and chit chatting with Gian and Silas about their endless what ifs.
We will not have our Friday sermon when we do something wrong. Wala na kaming matatakbuhan kapag kailangan namin ng makakausap kapag may problema kami sa teachers o kaya naman ay personal problems. It will be a long period of adjustment but we'll get through it.
"I know it will be hard but I'll be by your side. The officers will be by your side during the transition," he assured me.
"Thank you, Love..." sagot ko.
The next week came, ang pumalit kay Ma'am ay administrator ng department namin kaya sobrang busy niya. Kami na ni Jupiter ang tumatayong leaders sa tuwing walang teacher na magtuturo sa amin. Pinagagawa na lang namin ang mga pinagagawa nilang activities.
"Nebula, may pasok ba sa isang araw?" tanong ng isa naming kaklase.
"Naghihintay rin ako ng announcement," sagot ko.
Dumating na ang next teacher namin kaya bumalik na kami sa mga upuan namin. I finally had a break, sobrang sakit na ng ulo ko sa ingay nilang lahat. I was about to lose my sanity earlier. Pagkatapos ng klase na 'to ay vacant na naman kaya nagkakaingay na naman sila. Maaga ko na lang sila pinag-recess para makabili rin sila agad.
Sabay kaming naglakad ni Jani palabas ng room.
"Kaya pa ba? Napapansin ko na parang ang sama na ng pakiramdam mo," she said.
"Hindi na. Malapit na ako mabaliw," sagot ko.
"Papadala ka na lang namin sa mental if ever," sagot niya.
Natawa naman ako sa sagot niya, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Pagbalik namin ng room ay umupo na ako sa upuan ko at dumukdok. Sobrang sakit kasi talaga ng ulo ko dahil sa stress. Mabuti na lang at may teacher na kami sa next subject dahil kung wala, baka mahimatay na lang ako rito.
After our last subject ay ako na rin ang nagbantay sa mga cleaners dahil wala ulit ang acting adviser namin. Tumulong na rin ako sa paglilinis para mapabilis ang trabaho nila. Nang matapos na maglinis ng room ay ni-lock ko na rin ito.
This sudden change might be hard for now but for sure time will come that I will be able to adapt. Mas kailangan ako ng Levi ngayon dahil ulila kami pansamantala. Kailangang mas tatagan ko pa para sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top