CHAPTER 4: TEST
Nebula's POV
Isang linggo na matapos ang insidente namin ni Travis. Nalaman 'yon ni Ma'am Jessy kaya agad niya naman iyong inaksyonan. Pagkatapos akong aluin sa bench ni Jupiter ay galit na galit siyang bumalik sa room nang araw na 'yon.
Nang kumalma na ako ay sumunod na ako kay Jupiter pabalik. Bumungad sa akin ang nag-aalab niyang mata at kwinelyohan niya si Travis. Agad na tumayo sila Xavier para pigilan siya sa gagawin niya.
"Jupiter, kalma. 'Pag ginawa mo 'yan ikaw ang madadala sa guidance instead 'yang tarantado na 'yan!" saad ni Xavier.
Bumitaw si Jupiter at inayos ang kaniyang sarili. Bumalik naman si Travis sa upuan niya.
Agad silang kinausap dalawa ni Ma'am Jessy.
"Bakit naman nagkakwelyuhan kayong dalawa?" tanong ni Ma'am kay Jupiter.
"Ma'am, sumusobra 'yong bibig. Nakakahiya sa magulang niya na ganiyang ugali pinangangalandakan niya! Kung sa iba po nagagawa niya 'yon, sa presidente ng klase namin, hindi po. Hindi lang kasi presidente 'yong binastos niya, Ma'am eh. Babae rin, maiintindihan ko po kung lalaki 'yong ginanoon niya kasi natural humor namin 'yon. But girls, they are not emotionally stable as us." he explained.
Ma'am Jessy's eyes and Travis' are glued on his face. Nasa labas lang ako ng room pero naririnig ko pa rin sila at bahagya akong nakasilip sa maliit na awang ng pinto.
I smiled as I heard those words.
"She broke down, and that's because of that word. She never treated Levi as others, she even put them before herself. Tapos ito isusukli niyo? I'm sorry to say this, Ma'am, but Levi doesn't deserve her... Sa araw-araw na pumapasok 'yon, Ma'am, inuuna niya kapakanan ng Levi... It hurts to see that she was treated badly," he continued.
That's my man. He was the one that God gave me to be my strength and my protector just like how he protects me and gives me strength everyday.
"Malapit na naman ang kalbaryo natin!" Naiiyak na saad ni Jani.
Napansin namin ang pananahimik ni Zadie. Hindi na rin lumalapit sa amin si Josiah. Madalas nang kasama ni Josiah si Mars at Jupiter.
"Zadie, anong nangyari? Okay ka lang ba?" tanong ni Quina sa kaniya.
Nagulat kaming lahat nang bigla na lang tumulo ang luha sa mata niya at niyakap si Viv.
"Pinahinto ko na si Josiah... I just realised that there are two types of love... The platonic and the romantic, I thought I felt for him was romantic love but it isn't. It was just platonic kasi I don't see myself getting in a relationship with him... I felt bad kasi pinatagal ko pa... " humihikbing saad niya.
"Zadie, there's nothing wrong with it... All we need to do is just accept what happened. Ganoon talaga ang buhay, hindi lahat ng gusto mo ibibigay sa 'yo. It might not go your way but it goes by God's way. Saka, may exams tayo! We need to review pa! Ililibre ko na lang kayo ng ice cream mamaya!" sagot ko.
I hope that simple ice cream after class will help her mood lighten up. After ng recess ay bumalik na kami sa room.
Habang nag-di-discuss ang teacher ay sumilip si Mars mula sa pinto.
"Excuse lang po kay Nebula," saad ni Mars.
"Uy si Sister in law!" kantyaw ni Silas.
"I-close na lang ang mouth," saad ni Xavier.
Natatawa akong tumayo at lumapit kay Mars.
"Nebby, pinapatanong ni Aileen kung pwede raw ba na mag-film kami diyan today para sa vlog namin," saad niya.
"Okay lang naman. Itanong niyo na lang din kay Ma'am kung pwede," sagot ko.
"Sige. Salamat!" sagot niya.
Bumalik na ako sa upuan ko. Nagpaalam naman sila na mag-fi-film. They said that act naturally so ganoon na lang din ginawa namin. After they finished filming ay nagpasalamat sila sa teacher namin at umalis na.
Nang mag-lunch ay in-order na lang kami ni Jupiter ng Jollibee. Sa ngayon sinasamahan niya muna ang pinsan niya. Hinahayaan ko na lang siya dahil kailangan din naman ni Josiah ng comfort.
"Nebby, baka naman sumusobra na sa gastos 'yong planeta mo," saad ni Quina.
"Hindi, 'yan ang kabilin-bilinan ni Tita sa kaniya. Never make your girl hungry. Para tuloy tatlo anak niya kasi binibigyan niya talaga si Jupiter ng budget for this," sagot ko.
Noong unang beses kaming nagkita ng mommy nila Jupiter akala ko ay kaayawan ako ngunit nagulat ako nang ayain niya ako mag-pamper day at ipinag-shopping niya rin ako.
"Grabe, hindi lang pala si Jupiter green flag, pati magulang niya," saad ni Jani.
"Nope, si Tita lang green flag. Si Tito ayaw sa akin," sagot ko.
Ayaw ako ni Tito para kay Jupiter kasi may nakatakdang babae raw para sa kanya. He gave us a limited time to spend together.
"Hindi ka gusto ng daddy ni Jupiter?" tanong ni Viv.
"Oo, gusto raw niya 'yong babae na nakatakdang ikasal sa kanya," sagot ko.
"Alam ni Jupiter?" tanong naman ni Zadie.
Umiling ako. "Hindi ko sinasabi kay Jupiter kasi baka magalit siya sa daddy niya at ayoko 'yon mangyari. I don't want him to get mad about it. Sa huli naman kung pipiliin niya na sundin ang gusto ng magulang niya ay ayos lang. Hindi naman makakasama sa kaniya ang decision ng mga magulang niya..."
I lied, hindi ayos sa akin ang ganoon. Alam ko na masasaktan pa rin ako kapag dumating ang araw na 'yon. Susulitin ko ang lahat ng araw na magkasama kami kasi alam kong pinahiram lang siya sa akin.
"Ako lang dapat ang broken dito! Protect Nebula and Jupiter at all costs!" saad ni Zadie.
"Oo nga, hindi kami papayag na may makasira sa green flag couple namin!" sagot naman ni Jani.
Napangiti ako sa mga narinig. At least I know that whenever things get hard they'll be here and hug me.
"Thanks guys! Mag-focus na muna tayo sa exam! Hindi tayo pwedeng bumagsak!" sagot ko.
Kapag exams week talagang magkasama kami nag-re-review ni Jupiter. Finally, tapos na ang time niya kay Josiah. Nandito kami sa library para makapag-start na mag-review.
Ang focus namin ngayon ay major subjects. Math at Science kaya iyon ang dala namin na notebooks.
"Kumusta na si Josiah?" tanong ko.
"Ayon, broken. Si Mars na pinasama ko kasi nawawalan na ako ng time sa 'yo," sagot niya.
"I understand naman, na-miss lang kita..." sagot ko.
"I can't miss our review session!" sagot niya.
"Of course you won't. This is the only time we got to spend our whole time together," sagot ko.
Nagsimula na kaming mag-review. Ang buong araw na ito ay para lang sa pag-re-review. Inilaan talaga ito ng teachers para mas makapag-focus kami sa pagbabalik-aral.
"Agape, let's have a deal, if we both got a perfect score in this periodical test, I'll take you out on a date and pay for it. Kung hindi, then we'll have an ice cream date at the playground but you will pay," he said.
"Deal!" sagot ko.
Nagsimula na kaming gumawa ng kaniya-kaniyang practice questions. Nang matapos ay nagpalitan na kami. As usual napakaraming unnecessary words ang ginamit niya para malito ako kung tungkol saan ba talaga yung tanong.
"Jusko, kapag talaga mga mathematician paikot-ikot yung thought!" naiinis na saad ko.
"Kaya mo 'yan, Love! Madali lang 'yan!" sagot niya.
"Syempre, si Jupiter ka. Talagang madali lang 'to!" sagot ko.
Bumalik na ako sa pag-so-solve. Habang nag-so-solve ay nakita ko sa peripheral vision ko si Xavier, Jillian, at si Cristine. Mukhang mag-re-review rin sila.
"Huy!" tawag ko kay Jupiter.
"What?" He lifted his head up.
"What's the thing between Xavier and Cristine?" tanong ko.
"Significant other ni Xavier si Cristine," sagot niya.
Tumango ako at tinuloy na ang pag-solve ng problem. After solving everything we exchanged our papers. No wonder he answered everything correctly. Kaya laging perfect ang tao na 'to sa exam sa Math eh.
"Wow, Agape! Perfect! May chance ka nang maka-perfect sa exam ng math. Kasi 'yong problems na 'yan ay halos katulad ng problems na pwedeng lumabas sa exam," saad niya.
"For the first time in forever!" sagot ko.
Nang matapos kami mag-review ay pumunta kami sa canteen para bumili ng pagkain. There we saw Mars hanging out with our friends. Bumili kami saglit ng meryenda at pumunta na sa table nila.
"Heto na pala sila! Saan kayo galing?" tanong ni Viv.
"Nag-date sa library," sagot ni Jupiter.
"Naniwala naman kayo diyan! Nag-review kami!" sagot ko.
"Review lang ba talaga?" saad ni Zadie.
"Oo!" sagot ko.
"Namumula si Nebula!" saad ni Jani.
Natatawa na lang akong umupo sa tabi niya. Binuksan ko ang pagkain na binili namin.
"Nebula, hinahanap ka ni Mommy. Kailan ka raw pupunta sa bahay," saad ni Mars.
"Di ko sure kung kailan ako magiging free. May lakad kasi ako sa weekend," sagot ko.
"I thought we're going on a date?" Jupiter said.
Nagkatinginan naman ang mga kasama namin sa table.
"Di pa naman natin sure kung makaka-perfect ako sa Math eh. Aasikasuhin ko kasi sa Saturday 'yong mga kailangan sa enrollment ko, " sagot ko.
Tumango naman siya. After we eat bumalik na kami sa room. Hindi na masyadong loaded ang araw ko kasi kumpleto na ako sa lahat ng subjects.
Napagdesisyonan ko na rin na ituloy 'yong hindi ko natapos na reviewer kagabi. The next day itinapat talaga na unang subject ay Math.
Tama nga si Jupiter kapag nasagutan ko ng tama 'yong questionnaire niya ay madadalian na ako sa exam. His questions and the exams are similar. Tinuro niya rin sa akin ang pinaka-basic na techniques kaya mabilis lang ako natapos.
Nagulat pa si Quina na nauna ako magpasa kasi madalas ako 'yong last sa aming magkakaibigan na nagpapasa. Kahit sila Xavier ay nagulat na mabilis kong nasagutan ang exam.
"Nebula, ang bilis mo naman makatapos ng exam sa math. May kodigo ka 'no?" saad ni Silas.
"Silas, mukha ba akong nangongodigo? Di ba pwedeng nag-review ako ng mabuti?" sagot ko.
"Grabe! Iba talaga kapag si Jupiter ang boyfriend! Bumibilis magsagot sa math!" sagot niya.
Inirapan ko na lang siya at pumunta na sa canteen. Nauna na kasi doon sila Quina. Bumili lang ako saglit ng paborito kong chocolate drink at dumiretso na sa table nila.
"Huy, bakit ang bilis mo kanina?" tanong ni Viv.
"Tinuro sa akin ni Jupiter 'yong shortcut techniques sa solving," sagot ko.
"Meron?" gulat na tanong ni Quina.
"Oo, same answers pa rin 'yong lumalabas," sagot ko.
"Hala! Hindi ko 'yon alam! Inabot ako ng siyam-siyam kaka-solve!" sagot niya.
Binuksan ko na ang chocolate drink ko at ininom ito. Napansin kong nakatingin sa table namin ang isang kaklase ni Mars, si Margaret. Iyon ang napapabalitang nagkakagusto kay Jupiter. Pinipilit niya yatang ilakad siya ni Mars sa kaniya pero hindi pumayag si Mars kaya hanggang tingin na lang siya.
"Napapansin ko halos patayin ka na sa titig noong isang kaklase ni Mars. Ano ba pangalan noon?" saad ni Jani.
"Si Margaret 'yon," sagot ko.
"Ah, nagkakagusto 'yon kay Jupiter 'no?" sagot niya.
"Sabi ni Mars nagpapalakad daw 'yon sa kaniya pero hindi siya pumayag," sagot ko.
"Kahit naman ilakad siya ni Mars hindi pa rin papayag si Jupiter," sagot ni Zadie.
"True! Mahal na mahal ka ng lalaki na 'yon at hindi ka niya pagpapalit sa iba," sagot ni Quina.
"Di niyo sure kung siya talaga yung mas lamang 'yong love," sagot ko.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room namin kasi magsisimula na naman ang exams. Pagkatapos kong ipasa ang huling test paper ay nagsimula na akong kabahan. Alam ko naman na tama ang mga naging sagot ko ngunit hindi ko maiwasang isipin kung anong score ang makukuha ko.
MATH 50/50-Jupiter/Nebula/Quina/Tan
Mahina akong napatili nang makita ang pangalan ko sa board.
"Wow, Nebula! Math!" manghang saad ni Zadie.
"Nebby, ikaw ba 'yan?!" saad ni Jani.
"Salamat sa isa diyan!" sagot ko.
Nang matapos naming i-check ang Math exam namin ay Science naman ang chineck namin. Physics ang favorite ko kaya may nasagot naman ako rito.
SCIENCE
49/50-Nebula/Jupiter/Tan
"Nebula, anong mali mo?" tanong ni Jillian.
"Number 48," sagot ko.
"48 rin sa akin!" saad naman ni Jupiter.
"Wala naman kasi sa choices 'yong tamang sagot. Nilagay ko na lang 'yong closer," sagot ko.
AP
50/50-Nebula/Jupiter
"Puro na lang si Nebula saka si Jupiter! Iba naman!" reklamo ni Louie.
"Habulin niyo muna 'yong perfect score ng dalawa na 'yan bago kayo magreklamo!" saad ni Laurence.
"May makakahabol niyan. Malay niyo si Tan na pala 'yon di niyo lang napansin," sagot ko.
"Luh, 48 lang ako!" sagot ni Tan.
TLE
50/50-Jupiter/Nebula/Quina/Tan
"Grabe, Nebula! Isang exam lang 'yong hindi mo na-perfect!" saad ni Jani.
"Parehas pa kayo ng mali ni Planeta," saad ni Viv.
"Perfect sana 'yon eh, wala sa choices 'yong sagot kaya hinayaan ko na," sagot ko.
Napahinto kami sa paglalakad nang harangin kami ni Xavier.
"Nebula, tawag ka ni Jupiter. Nandoon siya sa office ng SSG," saad niya.
"Mauna na kayo guys, sabay na lang kami ni Jupiter pauwi," paalam ko.
"Sige! Ingat kayo!" sagot ni Viv.
"Ingat rin kayo! Huy, si Quina ah?" sagot ko.
"Kami nang bahala sa anak mo," sagot ni Jani.
Kumaway muna sila bago lumakad palayo sa akin. Dumiretso na ako sa office ng SSG. I saw him sitting so tired.
"Love, why?" I asked.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ng mahigpit.
"I don't wanna go home..." he said.
"Why? Magagalit si Tita," sagot ko.
I tapped his back to calm him down.
"Uuwi kasi si Dad and for sure pag-uusapan na naman namin 'yong engagement ko," sagot niya.
I sighed when I heard that. Sgurado. Akong mas lalong magiging bilang ang mga araw na magkasama kami.
"Huwag mo muna isipin 'yon. Mag-prepare ka muna sa exam saka natin pag-usapan 'yan," I said.
"I love you..." he answered.
"I love you too..." sagot ko.
Nang kumalma na siya ay sabay na kaming lumabas ng office. Nang buksan niya ang pinto ay sinalubong siya ng yakap ni Margaret.
Mabilis niyang itinulak ang babae at nagpagpag. Dumaan ang sakit sa mata ng babae kaya umiwas na ako ng tingin. I did not feel jealous because I know he won't do such a thing.
Hinila niya ang braso ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.
"Excuse us," magalang kong saad sa babae.
Lumakad na kami palayo sa office. Nang maihatid niya ako sa bahay ay nakita ko pa ang kaniyang pag-aalinlangan.
"Love, don't worry. Everything will be fine..." I assured him.
He just sighed and hugged me.
"See you tomorrow," paalam niya.
"Ingat ka pauwi," sagot ko.
Naglakad na siya palayo sa bahay namin. Umakyat naman ako sa kwarto ko.
Kinabukasan dama ko ang bigat ng pakiramdam pagpasok pa lang ng classroom. Nakita ko siyang masama ang timpla ng mukha.
Umupo naman ako sa tabi niya. He immediately grabbed my hand and intertwined our fingers.
"Hey, don't feel bad. May exam pa tayo today! Baka mamaya mas mataas pa ako sa 'yo niyan!" saad ko.
"No. I won't let that happen," sagot niya.
Nang pumasok na ang mga kaklase namin ay lumipat na ako sa proper seat ko. Nagsimula na ako mag-number ng papel ko.
As usual after the exam we both ace the tests. Kami pa rin ang highest sa mga subjects. Napagdesisyonan kong ayain sila ni Zadie na mag-ice cream dahil pareho silang mabigat ang loob.
"Guys! Tara ice cream?" saad ko.
"Sagot mo?" saad ni Xavier.
"Oo," sagot ko.
Sabay-sabay kaming lumabas at dumiretso sa malapit na convenience store. I also bought some cups and spoons para makakain kaming lahat. We decided to go to the park nearby. Nang makarating kami ay nag-settle na kami sa isang lugar sa park. Tanaw na tanaw mula rito ang sunset at marami ring estudyante ang nagpupunta.
"Ang bilis... Malapit na rin mag-leave si Ma'am..." I said.
"May plano na ba roon?" sagot ni Jani.
"Meron naman na. We will finalise it this week," sagot ni Jupiter.
"Grabe ang hands on niyong dalawa sa Levi. Di ko keri 'yong dedication niyong dalawa," saad ni Viv.
"Ibang level ng stress din 'yong na-e-experience namin. Siguro kung stressed sa atin si Ma'am, doble 'yong sa amin," sagot ko.
Napansin ko ang pananahimik ni Jupiter habang kumakain ng ice cream. Nakaantabay rin sila Asher kung anong nararamdaman ng lalaki. He is not vocal when we're in a large group but when we're alone he talks a lot. Nang maubos na namin ang ice cream ay nagkaniya-kaniya na kaming way ng uwi. Sumabay na kami kila Zadie. Masaya kaming nagkukwentuhan habang naglalakad habang si Jupiter naman ay tahimik lang na nakahawak sa kamay ko.
He's surely thinking deeply while walking because he's not uttering any words. Nang makasakay na sila Zadie ay hinatid naman namin si Quina sa kanila.
"There's something wrong... You're not talking," saad ko.
"Iniisip ko lang 'yong sinabi ni Dad kagabi over dinner," sagot niya.
"What is it?"
"He wants me to step down from my position as SSG president. He wants me to beat you in our rivalry..." he answered.
"You already did. Why do you need to step down?" nagtatangkang tanong ko.
"Hindi ko rin alam sa kaniya. May saltik lang talaga siya," sagot niya.
Mahina naman akong tumawa sa naging reply niya.
"Huwag mo na nga siya alalahanin. Tutal lagi naman siyang nasa ibang bansa para sa mga projects niya eh," sagot ko.
Nang mahatid niya na ako sa kanto namin ay naghintay na siya ng jeep na sasakyan niya. Saka lang ako umalis nang makita ko siyang nakasakay na. Lutang akong naglakad pauwi dahil sa mga sinabi niya. Mukhang heto na ang mga pagsubok na hindi ko inaasahang darating sa amin.
"Anak, bakit ka nakatulala diyan?" saad ni Mommy.
I sighed and looked away from her. Nandito ako ako sa sala namin para sana manood ng TV kaso laging lumilipad sa utak ko ang mga sinabi ni Jupiter noong pauwi kami.
"Wala po, Mommy. Iniisip ko lang po 'yong pinag-usapan namin ni Jupiter kanina..." sagot ko.
"Ano ba 'yong pinag-usapan niyo?" sagot niya.
"Tungkol lang po sa daddy niya. Alam niyo namang basher namin siya 'di ba?" sagot ko.
"Malapit na ang taning niyo kaya nagpaparamdam na siya," sagot niya.
Malungkot akong tumango sa kaniya. Tama naman si Mommy, ilang buwan na lang tapos na ang school year. Sigurado akong isa sa mga araw na ito ay kakausapin na rin ako ng daddy niya tungkol rito.
"Alam mo, anak, huwag kang matakot na bitawan si Jupiter kung kailangan. Kasi kung kayo talaga ang para sa isa't isa pagbibigyan kayo ng Panginoon na magkasama ulit. Masyado pa kayong bata para magkaroon ng seryosong relasyon..." saad ni Mommy.
"Pero Mommy, masyado ring bata si Jupiter para magpakasal," sagot ko.
"Hindi natin sakop ang desisyon ng mga magulang ni Jupiter para sa kaniya. Kung sa tingin nila iyon ang makabubuti sa anak nila ay hayaan natin. Sigurado naman akong darating ang araw na magkakaroon ng sariling desisyon si Jupiter at kakawala rin sa mga desisyon ng magulang niya. Mabait na bata 'yon at sigurado kong matatakot 'yon na sumuway sa mga magulang niya..."
"Kaya, anak, habang maaaga sinasabi ko na sa 'yong ihanda mo na ang puso mo na bumitaw kapag dumating ang itinakdang oras. The right time will come for the both of you... Sa ngayon mag-aral muna kayong dalawa ng mabuti..."
"Hindi pa po ako handa sa ngayon pero sisikapin kong maging handa para roon kasi alam kong sa ayaw man o sa gusto naming dalawa mangyayari't mangyayari pa rin 'yon," sagot ko.
After that short talk with my mom I went to my room. Pagbukas ko ng phone ay messages niya agad ang bumungad sa akin.
Agape:
Ayoko na rito sa bahay. I just wanna leave...
Me:
Hindi matutuwa si Tita kapag nalaman niya 'yan.
Agape:
I know but I am not really fine with everything that's happening around here. Even Mars can't take the logical reasoning of our own father.
Me:
Intindihin niyo na lang muna. Sigurado naman ako kaya siya nagkakaganiyan dahil sa stress sa trabaho.
Agape:
How I wish you were here to calm me down. Si Mars at si Mom na lang talaga nakakapagpakalma sa akin. Sigurado akong pagkatapos ng araw na 'to gigising na naman kaming wala siya rito sa bahay kasi sumakabilang bahay na naman.
I sighed when I read his message. Sigurado akong hirap na rin silang i-justify ang kilos ng ama nila kasi paulit-ulit na lang na nangyayari. I just chatted with him the whole night to forget the things that bothers him. Muntik pa akong ma-late kinabukasan dahil nasobrahan ako sa tulog. Tumatakbo akong nagpunta sa tapat ng room namin. Buti na lang wala pa ang first subject namin.
Wala siya ngayon... I know that he decided to take this day off to rest. I know he was restless the whole night because of the situation last night.
"Absent si Jupiter?" tanong ni Ma'am Jessy.
"Opo, Ma'am. Sabi niya po sa amin may inaasikaso siya today," sagot ko.
Tumango naman si Ma'am at nagsimula nang ipamigay ang mga test papers. Item analysis ngayong araw at walang klase. Si Silas ang namimigay ng mga papel.
"Oh, kay Jupiter. I-check mo, tutal pareho naman kayo ng score," saad niya.
"Lagi naman kaming pareho ng score eh. Para namang may iba," sagot ko.
"Iyan ang couple goals!" komento ni Jillian.
"Hanggang sa score pareho!" saad ni Jani.
Sinundan pa ng mga pang-aasar ng iba naming kaklase.
"Magsitahimik na nga kayo para makapagsimula na tayong mag-item analysis!" saway ko.
Nagsimula na kaming mag-item analysis at kalahating oras ay nakataas lang ang kamay ko dahil perfect score kaming pareho. Hanggang sa mga susunod na subjects ay hinahanap rin siya. Nang mag-recess ay agad kong pinuntahan si Mars.
"Kumusta si Jupiter?" I asked her.
"Ayon, ayaw kumain kanina ng breakfast kung hindi pa pinilit ni Mommy hindi kakain..." sagot niya.
"Masama ba ang tabas ng katawan?"
"Hindi naman. Wala lang siya sa mood dahil kay Dad. Puro kasi problema ang dala ni Dad sa bahay wala naman naitulong."
"Papasok ba siya bukas?"
"Oo, papasok na siya bukas. He just took this day off para makalimutan 'yong thoughts niya," sagot niya.
"Thank you! Kumain ka na ah? I don't want you skipping meals," sagot ko.
"Yup! Grabe, pati ba naman sa akin standards ka pa rin! Kayo na talaga ni Jupiter ang hahanapin ko sa isang lalaki!" sagot niya.
Natatawa na lang akong bumalik sa room namin kasi nandoon si Jani. Habang naglalakad kami ni Jani papunta sa favorite spot namin ay naisip ko na naman siya. I can't function throughout the day nang wala ang existence niya. I opened my phone and decided to message him.
Me:
Love, I hope you're okay today. Don't worry too much about me, kumakain ako recess ngayon. Call me later at lunch break. I love you!
Agape:
Okay, Agape. Huwag ka magpaka-stress sa mga activities today ha? Wala pa naman ako diyan para manaway ng mga bata.
Me:
Yup!
"Nebby... Malapit na mag-graduation..." Jani said.
"I know..." sagot ko.
"Buo na ba talaga ang desisyon mo?" she answered.
Umiling ako. "Hindi ko kaya..."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Alam niya ang tungkol doon dahil na rin sa pagkukwento ko ng mga thoughts ko. Madalas kaming nagkukwentuhan tungkol sa mga partners nami at isa iyon sa nasabi ko sa kaniya. Zadie was not aware about this because I know she'll make way to let Jupiter know. Pero ayoko lalong magkalamat ang relasyon nilang mag-ama nang dahil sa akin. Saka kahit ano namang gawin kong pag-iwas mangyayari't mangyayari pa rin ang kinatatakutan naming dalawa.
Time will come that we'll talk about this together and a mutual decision will come. Whatever the outcome will be, I know that it is for the best. I will just make him feel all the love I can give. For now, I'll just enjoy everything while it lasts.
Nang mag-lunch break ay agad niya akong tinawagan. Napansin kong pilit niyang pinasisigla ang kaniyang boses pero dama ko pa rin ang kalungkutan.
"Love, hindi mo naman kailangan pumasok agad if hindi mo pa kaya..." I said on the other line.
"I can go to school tomorrow. Hindi ka pwedeng alone lang diyan kasi baka pagbalik ko mukha ka na namang pinagbagsakan ng langit at lupa," he answered.
"Bahala ka nga. Hindi ka naman sumusunod sa akin..." naiinis kong sagot.
"Sige na nga. Baka mainis ka pa kapag pumasok ako bukas," sagot niya.
"Sa isang araw na lang tayo mag-date since perfect tayo pareho sa exams," sagot ko.
Saktong pagkatapos ng tawag ay nagsipasok na rin ang mga kaklase ko para sa next class namin. They were all excited for the next class because we will watch a movie for a critique essay that we'll be writing for our final project.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top