CHAPTER 3: WHERE IT ALL BEGAN

Jupiter's POV

Just like how my other days went by, I went to school today. As usual maingay na classroom ang bumungad sa akin. Parang mga nakawala sa kulungan. Dumiretso na ako sa upuan ko. Katabi ko si Nebula, ang isa sa pillars ng klase namin. She's a transferee and yet managed to be the president of the class. 

I find her leadership skills so effective and at the same time attractive. Parang sa isang tingin niya lang susunod ka na talaga sa kaniya.

"Guys! Tahimik!" saway niya sa mga kaklase namin.

Parang isang mahika, tumahimik ang lahat nang marinig iyon. Kasabay noon ay ang pagpasok ng teacher namin.

May group activity kami ngayon at siya ang napili nilang leader.

"Anong idea niyo?" tanong niya sa amin.

I secretly smirked when I heard that. She's been considerate ever since to her group-mates. She wants everyone to be heard.

"Pres, parang mas maganda kung magkaroon tayo ng props para mas maganda 'yong kalalabasan," saad ni Sheen ang isa naming kagrupo.

"Sige. Hatiin niyo na lang sa inyo 'yong duties ng props. Jupiter, ikaw na lang mag-proofread ng magiging script natin para alam ko kung ano babaguhin," sagot niya.

"Noted, Pres!" sagot ko.

As the days pass by I noticed I find myself looking at her everyday. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako natutulala dahil sa kagandahan niya. Almond eyes, morena skin, thick eyebrows and her long hair.

"Jupiter! You're spacing out again!" Mars said that brought me back to my senses.

"What?" I answered.

"I am asking if you are already done with your assignments!" she answered.

"Yes. Kanina pa, bakit?" sagot ko.

"Patingin naman! Kukuha ko ng idea!"

"No. Sagutan mo 'yan mag-isa."

"Sige na! Pretty please??" she pleaded.

"No," I strongly declined.

Sigurado akong gagayahin niya 'yong solution ko o kaya naman i-pa-paraphrase niya 'yong essay ko. She is capable naman kaso tinatamad ngayon.

"Okay... Sasabihin ko na lang kay Mom na may crush ka sa class president niyo!" sagot niya.

"Sige na-sige na, nandoon sa bag ko!" sagot ko.

Mabilis siyang pumunta sa study table ko para kunin ang notebook ko. Siya lang ang nakakaalam ng pagiging indenial ko sa feelings ko.

"Aminin mo na kasi Jupiter, crush mo si Nebula!" saad niya.

"Well, how can you really tell that you like someone?" sagot ko.

"Number 1: If you are constantly thinking about her. Parang hindi kumpleto ang araw mo kapag di mo siya naiisip.

Number 2: If you feel your heart beats fast every time she looks at you. Para kang galing sa pagtakbo kapag nakatingin siya sa 'yo.

And lastly, number 3: if you have the urge to protect her and help her at anything. 'Yong tipong kapag may mabigat siyang dala kukuhanin mo. Ganoon!" sagot niya.

All the things she said, nararamdaman ko na. Kay Nebula ko lang naramdaman ang lahat ng 'yon. I did had a girlfriend before but this feelings are new to me. Everything is new to me, akala ko normal lang 'yon dahil siya ang class president pero hindi pala. Gusto ko na pala talaga siya.

"Ibig sabihin gusto ko talaga si Nebula..." bulong ko.

Nag-angat ng tingin ang kambal ko at mahinang tumili.

"Duh! Oo! Halata naman! Araw-araw ba naman lumalabas pangalan ni Nebula sa bibig mo. Paggising hanggang sa pagtulog, Nebula. Para na siyang oxygen mo! Finally, hindi ka na torpe sa sarili mo!" sagot niya.

"Makatorpe! Parang ikaw hindi ka rin nagbukambibig ng crush mo ah!" sagot ko.

Since Valentine's day is on the next day after this, I decided to shoot my shot. Bumili ako ng mga snacks na palagi kong nakikita sa bag niya at kinakain niya. Hindi ko inaasahan na gagawin ko ang mga ginagawa ng manliligaw ni Mars sa kaniya. The best part about it is I am doing this to Nebula, our class president.

After making a short letter and finishing the explosion box I did, I decided to put it on my study table. Pagkagising ko binubutingting na 'yon ng kambal ko.

"What's this? Kanino mo ibibigay 'to?" saad niya at inangat ang box.

"Kay Nebula 'yan! 'Wag mong galawin!" sagot ko.

"Ohhhh, manliligaw ka na?" sagot niya.

"Hindi pa. Aamin pa lang," sagot ko.

Kinabukasan pagpasok ko sa room ay puno ng love letters ang upuan ko.

"Sino na naman naglagay ng mga 'to rito?" saad ko.

"Malay namin, nagkaroon na lang ng ganiyan diyan," sagot ni Daniel.

"Lagot kayo kay Nebula. Ayaw noon nagpapasok ng taga-ibang section. Impossible naman na galing 'yan lahat rito," sagot ko.

Speaking of the angel, pumasok na siyang nakabusangot. She's wearing a mini violet dress that indicates self love. We're allowed to wear civilian clothes today because it's hearts day.

"Aga-aga may mga PDA!" reklamo niya.

"Kalma! Hindi mo naman pwede ipagbawal 'yan kasi Valentine's," sagot ni Viv sa kaniya.

"Kayo, baka may PDA rin dito, lumabas na lang ah?" she said bitterly.

"Jupiter, pakialis 'yong letters sa upuan mo. Masakit sa mata," she said.

Self love na medyo bitter sa relationship ng iba. Magandang sign 'to para sa akin kasi isa lang ibig sabihin nito, walang nanliligaw sa kanya. Hindi ko siya kailangan bakuran ng mataas.

"Pres, ang bitter mo today ah?" sagot ko at nilinis ang upuan ko.

Umirap lang siya sa akin nang sabihin ko iyon.

Baka magselos pa siya at mapurnada ang gagawin ko. Pumunta ko sa harap at nilatag sa teacher's table ang mga love letters.

"Kung sinoman may pakana nito, pakikuha 'yong mga letters niyo. I respect your feelings for me but I really can't reciprocate those. I already have a person I like. If you find this rude I'm sorry. Hindi ko gusto isa-isahin pa kayo kasi masasayang lang din oras niyo. Kung may letters na galing sa ibang section, pakibalik na at sabihin ang sinabi ko. Thanks!" I said while looking at her straight in her eyes.

That's right, Love. All eyes on me. Ikaw ang tinutukoy ko sa mga sinasabi ko. Umiwas na lang siya ng tingin nang tawagin siya ni Viv.

"Wow, Jupiter! Sino 'yan?" usisa ni Zadie.

"Someone you know..." I slightly tilt my head facing towards Nebula.

Zadie smirked and knew what I hinted.

Bumalik na ako sa upuan ko at iniwan ang letters sa teacher's table. Isa-isa nilang kinuha ang mga letters.

"Swerte ng taong gusto mo. Mapupuno ng assurance!" saad ni Nebula nang makaupo ako.

"Ang swerte mo pala," bulong ko.

"Ha?" sagot niya.

"Ah wala-wala," sagot ko.

Nahinto ang ingay nang dumating na ang teacher namin. Habang nakikinig ay pinag-iisipan ko nang maigi kung ano ang sasabihin ko kay Nebula para maaya siyang makasabay na mag-lunch at ibigay ang regalo ko sa kaniya.

After ng first period ay nabakante na ang second period.

"Nebula," tawag ko sa kaniyang abala sa pagsulat ng notes.

"Yes?" Nag-angat siya ng tingin at binalingan ako.

"Pwede bang sabay tayo mag-lunch mamaya?" sagot ko.

Nakita kong bahagyang pumula ang pisngi niya at nagpipigil ng ngiti. I don't know why but seeing her flushing cheeks and her surprised expression sent butterflies to my stomach. It sounds gay but that's how I felt. May hayop sa tiyan ko na kumawala nang makita ko 'yon sa kaniya.

The strong independent Nebula Damaris Levine blushes because of me.

"S-Sure..." she nervously answered.

Ngayon lang nanginig ang boses niya. Kahit sa reportings malinaw at diretso ang mga sinasabi niya. Ito ang unang beses na maramdaman ko siyang kinabahan.

Nang matapos ang subject bago ang lunch ay nagpaalam muna siya kila Zadie na di siya makakasabay kumain. Nauna na akong lumabas sa kaniya dala ang regalo ko.

"Where do you usually eat lunch?" I asked to start a small talk.

"Sa kubo, kapag walang tao. Pero for sure maraming nagliligawan doon kaya sa canteen na lang," sagot niya.

Pagpasok namin sa canteen ay dumiretso kami sa pila.

"Let me buy your lunch for today!" I said.

"D-Di na. Nakakahiya!" sagot niya.

"I insist," sagot ko.

Ako na ang nagdala ng pagkain namin sa table. Nataon pang halos kalapit lang ng lamesa namin ang lamesa nila Mars kaya siguradong makiki-chismis ito.

"A-Anong meron? Bakit tayo magkasabay kumain? 'Di ba usually sila Xavier kasama mo?" saad niya.

"Today is Valentine's Day," sagot ko.

"Anong kinalaman noon?" bakas ang pagtataka sa boses niya.

"Aren't people supposed to have dates?" sagot ko.

"Tayo?! Date?!" nagugulat niyang saad.

Napalingon sa amin ang mga kaibigan ni Mars.

"Yes. Para naman hindi mo na pinag-iinitan 'yong mga kaklase nating taken," sagot ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at nagsimula na kumain. Naramdaman ko na naman ang mga hayop sa tiyan ko na nagwala dahil sa ginawa niya. Maraming beses na akong sinasamaan ng tingin ng mga babae ngunit iba ang epekto kapag siya ang gumawa noon sa akin.

Imbis na sumama ang loob ko, lalo pa akong nahuhulog sa kaniya.

"By the way, I have something for you!" Inabot ko sa kaniya ang explosion box na gawa ko.

"What's with this?" she asked.

"Open it. I hope you like it..." I answered.

Unti-unti nang bumibilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba habang binubuksan niya 'yong explosion box. Her face lit up when she saw her favourite snacks.

"Hala, how did you know?" saad niya.

"I always saw you eating those and it is always in your bag so I assumed it is your favourite snack," sagot ko.

She smiled at me, the most beautiful and angelic smile I've ever seen. The smile that tells me that she is the girl I am looking for. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya nang makita ang regalo ko.

If I will be blessed to have a chance to court her I'll do it wholeheartedly.

She deserves someone who knows how to treat her right and that someone is me.

"I like you, Nebula..." I nervously said.

Nebula's POV

'Nebula,

This might sound crazy but I like you. I don't know when I felt it but I just woke up one day feeling those butterflies if that's what they call when I am with you.

I am mesmerised in your leadership skills and confidence. You have a heart for everyone that's why you had my heart.

Happy Valentine's Day!

-Jupiter'

"I like you, Nebula..." he said.

"W-What? W-Why me?" sagot ko.

Sa dinami-rami ng tao sa eskwelahan na 'to ako pa ang nagustuhan niya. Bakit? Isa lang naman akong simpleng estudyante and I am not everyone's cup of tea. I have cold eyes that look at everyone and I cannot really socialise except for my classmates.

I cannot lie to myself anymore, I also like him. Akala ko rival lang talaga siya kasi siya ang pinakamahigpit na kalaban ko sa top spot sa room. Libangan na nga yata niyang kalabanin ako. Pero minsan natatagpuan ko na lang ang sarili kong pinanonood siyang mag-solve at kakaibang pakiramdam ang dala niyon sa akin.

"I don't know. I just love our rivalry and I want to take it to the next level," sagot niya.

"And the next level you know is this?" sagot ko.

"Uh... yes?" sagot niya.

"So ang next level sa utak mong punong-puno ng mathematical equation ay umamin sa academic rival mo at gawing girlfriend? Sorry, that's just how I understand your confession. I am not the type of person who plays petty games with others. Kung umamin ka, that clearly states your intention to court me. Alam ko naman na it's just your admiration towards me but to take you on this level of effort that doesn't seem admiration."

Sino ba naman ang tao na kayang magtiyaga na idikit ang bawat design ng explosion box at mag-invest ng time gumupit ng exact sizes kung for the sake of valentine's day?

"Yeah, I have an intention to court you. Di naman ako nagbigay ng ganiyan kung hindi 'yon ang gusto ko gawin. No one deserves a man who is unsure of their feelings for someone. I will never do this kung sa tingin ko hindi pa ikaw 'yong gusto kong maging girlfriend. Remember earlier? I declined all the love letters they gave because it wasn't from you. I will only accept letters if it was written by you," he answered in all seriousness.

Tila napahinto ako sa pagsubo ng kutsara ng ice cream nang marinig ang sinabi niya. This side of him is new to him. All I know about him is he's academically smart and soft spoken to his sister. Kaya ko siya nagustuhan dahil sa side niya na 'yon but seeing him saying all these cheesy things makes me flutter. Everyone is dying to see his romantic side.

"Okay then. Prove to me that you deserve my yes..." I answered with a challenging tone.

"Oh sure but once you say yes to me, you are already a prisoner of my heart. I will never let you go," he answered and smirked.

That's how everything started. Hanggang ngayon tinutupad niya 'yong pangako niyang di ako pakakawalan once na sinagot ko siya. I am also having a hard time finding my way out at hindi ko na hahanapin pa ang daan palabas.

"What are you thinking?" Umupo siya sa swing na katabi ng sa akin at inabutan ako ng cornetto.

Nandito kami ngayon sa paborito naming playground. Dito kami palagi dumidiretso after school kapag wala masyado ginagawa. Since maaga naman kami pinauwi kanina at walang anecdotal ay nagkaroon kami ng time na makapasyal dito.

"I'm just thinking about how everything started. How that year's Valentine's Day changed my highschool life." Binuksan ko ang ice cream na binigay niya.

I smelled his Terre D'Hermés perfume and leaned his head on my shoulder.

"I also did not believe it at first pero nandito na tayo..." sagot niya.

"Hindi ko rin inaasahan na 'yong magiging outcome ng probability na magtagal tayo ay 100%," sagot ko.

"Wow, Agape. In fairness pwede mo na ako palitan sa trono ko."

"Ay hindi na. Pass kapag math, si Quina na lang o si Tan ang ipalit mo diyan."

Gumagaling lang naman ako sa math kapag tinutulungan niya ako intindihin 'yong lesson. I am a slow learner when it comes to numbers.

He held my hand tightly.

"Everything can be learned, Agape. 'Yong magagaling sa math, hindi naman 'yan basta na lang naging magaling sa math, natutuhan din namin 'yon... It's not too late for you to learn the techniques," sagot niya.

Napangiti na lang ako sa aking narinig. Mas nabubuhayan ako ng pag-asa kapag naririnig ko ang words of wisdom niya. Nang lumubog na ang araw ay napagdesisyonan na naming umuwi.

The next day I was welcomed by the curious eyes of my classmates. Maging ako ay nagtataka sa mga itsura nila.

"Ikaw, Nebula ah..." saad ni Jillian.

"Oh bakit na naman?" sagot ko.

Napatingin ako kay Jupiter nang tignan niya rin ito.

"May something kayo ni Jupiter 'no?" sagot niya.

"What if meron nga? Does it matter?" sagot ko.

Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata nang sagutin ko ang sinasabi niya.

"Hindi naman. Nakita lang kasi namin kayo sa playground kahapon," sagot niya.

"Okay." Dumiretso na ako sa upuan ko.

Hindi naman na ako na-bo-bother na malaman nila kung ano talaga kami ni Jupiter kasi kahit discrete kami mapupunta pa rin naman 'yon sa pag-discover nila ng relasyon namin.

After our first period ay nag-recess na.

"Magpa-deliver na lang kaya tayo ng lunch?" saad ni Quina.

"Gastos na naman!" reklamo ni Jani.

"We only live once kaya gumasta na tayo nang gumasta!" sagot niya.

"Bukas makalawa, lagot ka na naman kay Tita kasi ubos na naman allowance mo," saad ni Zadie.

"Hayaan niyo na ang anak natin. Pagbigyan niyo na," saad naman ni Viv.

"Ngayon pa lang mag-order na kayo para hindi na tayo gahulin sa time," sagot ko.

"Wow! For the first time, Nebula! You already gave in to their temptations!" saad ni Jani.

"Mapapayag ka talaga lalo na kung nakikita mo si Quina na paiyak na!" sagot ko.

Ang kahinaan ko talaga ay ang beautiful eyes ni Quina na parang batang hindi nabigyan ng candy. Sa huli ay um-order din kaming lahat ng lunch namin. Pare-pareho kaming nanawa na sa tinda sa canteen kasi halos lahat naman paulit-ulit.

"Nebula!" tawag ni Silas.

"Oh bakit?" sagot ko.

"Tawag ka ni Jupiter," sagot niya.

"Nasaan?" sagot ko.

"Nasa office ng SSG," sagot niya.

"Wait lang, puntahan ko lang. Baka manuyo na naman kasi ako ng planeta mamaya," paalam ko sa mga kaibigan ko.

Dumiretso na ako sa office ng SSG. Pagdating ko doon ay nandoon ang ibang mga officers at ang SSG adviser.

"Good afternoon po," magalang na bati ko.

"Have a seat, Miss President," sagot ni Prince ang protocol officer.

Umupo ako sa upuan na kaharap ni Jupiter. Katabi ko si Clea, ang secretary. Hindi naman ako madalas patawag sa mga meeting dahil hindi naman ako kasali sa committee na ito.

"So, as per the president he suggested that you can be the head of the disciplinary committee," saad ni Ma'am Annie.

"I... Don't think I can handle another position, Ma'am. Levi is just too much on my plate right now. Nahihirapan rin po ako maging pinuno nila kaya hindi ko po siguro ma-ha-handle ng maayos 'yan..." sagot ko.

"Pero... Ikaw na ang pinaka-fit sa position," sagot ni Aileen, ang vice president.

Nakita ko pa ang pasimpleng paghawi niya ng buhok habang nakatingin kay Jupiter. He was just staring at me the whole time, not minding the girl beside him.

"Hindi talaga kaya... Pasensya na po, Ma'am..." sagot ko.

"Okay... If you insist on declining..." sagot niya.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ay bumalik na rin ako sa classroom. Sakto naman na nadoon na ang next subject namin, hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin si Jupiter.

Saktong pagtapos ng subject namin ang pagdating ng pagkain sa gate ng school.

"Nag-order ba kayo?" tanong ni Jupiter.

"Yup. Mcdonald's. Sinabay ko na 'yong favorite mong meal doon para makakain ka rin ng lunch. Sigurado akong hindi ka na naman nakakain ng recess kasi nag-meeting pa kayo," sagot ko.

"Dito na lang kayo. Ako na kukuha!" Maglalakad na siya palayo nang tawagin siya ni Viv.

"Hoy! Lalaki! 'Yong pambayad mo!" saad ni Viv.

"Ako na magbabayad! Tabi niyo na 'yan!" sagot niya.

Nang makalayo siya ay nagtitili na si Zadie. Mas kinikilig pa siya kaysa sa akin. Naalala ko kapag may date kami siya lagi nagbabayad, minsan naman hati kami.

"Oh my gosh! Napalabas mo 'yong magastos side ni Jupiter! Kuripot 'yong tao na 'yan!" saad niya.

"Kapag si Nebula ba naman ang girlfriend mo, mapipilitan ka talagang gumastos kasi palagi siyang gutom!" saad ni Jani.

"Wow, Jani, isumbong kaya kita kay Caleb?" sagot ko.

Si Caleb ang boyfriend ni Jani na nasa school na katapat lang ng sa amin. Palagi siyang sinusundo nito kapag uwian. Halos katulad din ng pag-uugali ni Jupiter ang lalaki na 'yon. May araw pa nga na nagpapatulong sa akin 'yon na suyuin si Jani kapag nagtatampo siya.

"Okay. Shu-shut up na kami kasi sino ba naman kami?" saad ni Viv.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Quina.

Di rin nagtagal ay dumating na si Jupiter at ang pinsan niya na si Josiah dala ang mga pagkain namin. Dumiretso kaagad si Josiah sa tabi ni Zadie at binigay ang pagkain nito. Umupo naman sa tabi ko si Jupiter at hinanda ang mga pagkain namin.

"Pati ba naman sa pagkain by pair?" saad ni Quina.

"Kung ganito lang naman mga kasabay namin kami na mismo aalis ng table!" saad naman ni Viv.

"Josiah! Lumayas ka nga muna!" saad ni Jupiter.

"Sandali lang!" sagot ni Josiah.

Bumaling ulit siya kay Zadie at may binulong bago lumabas ng kubo. Nang makaalis si Josiah ay napansin namin na namumula na si Zadie.

"Zadie, inaatake ka na naman ba ng allergy mo?" tanong ko.

May allergy kasi si Zadie sa alikabok at namumula talaga ang mukha niya kapag inaatake siya noon.

"H-Hindi. Kain na tayo!" Binuksan niya na ang kaniya.

Sigurado akong si Josiah na naman ang salarin ng pamumula niya. Mukhang ihahatid na naman siya nito pauwi. Nagsimula na rin kaming kumain lahat. Habang kumakain ay napansin kong napapatingin sa gawi namin ang iba naming kaklase. Katabi lang kasi ng kubo ang room namin.

"Na-cu-curious siguro ang mga loko kung bakit kasabay natin ang mga artista," saad ni Jani.

"Pupusta ko may paparazzi na naman!" saad ni Viv.

"Alam niyo ba na may picture kayo talaga sa swing kahapon? Sinend lang ni Jillian sa gc na walang teacher," saad ni Quina.

Hinarap niya sa amin ang phone niya at pinakita ang message. Natawa na lang kami pareho ni Jupiter. Siya kasi sa picture ay nakasandal sa balikat ko habang nakatingin kami sa papalubog na araw. Pagatapos ng picture ay iba't ibang komento na ng mga kaklase namin ang sumunod na messages.

"Ganda ng shots ah, parang hindi paparazzi," saad ni Zadie.

"Sila rin naman ni Tan may ganiyan eh. Lagi nga raw silang nakikita sa mall sa malapit," sagot ni Viv.

"Nauna na siya mag-announce ng relationship status namin ni Jupiter," sagot ko.

"Sayang, magpapahanda pa naman ako once na malaman nila ang real score namin," saad ni Jupiter.

"Pero, marami pa rin nag-do-doubt sa relationship niyo. Some says that you are just using Jupiter for math while some says Jupiter is only using you for his grades in the essays," saad ni Viv.

"Well kung naggagamitan lang kami edi sana pagkatapos ng school year last year," sagot ko.

"Sila talaga 'yong mga manliligaw ni Nebula na ni-reject niya para sa akin or 'yong mga nagkakagusto sa akin na desperado nang magpapansin," sagot naman ni Jupiter.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room. Wala kaming teacher kaya pansamantala akong nakaupo sa harapan ng teacher's table. Pinagagawa ko sila ng activity na iniwan sa amin ng absent naming teacher. Nang may marinig akong nagkukwentuhan sa labas ay tumayo ako para i-check ang mga tao.

"Bakit kayo nasa labas? Wala ba kayong klase?" tanong ko.

"Bakit?" sagot ng taga-kabilang section.

Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik sa room. Nagpatuloy ako sa ginagawa na activity. Pagkatapos lang ng ilang minuto ay pumasok na si JP at Travis.

"Oh, bakit pumasok kayo?" saad ko.

"Eh pinapasok kami ni Ma'am Jessy eh. Anong magagawa namin?" sagot ni Travis.

"Bakit hindi na lang kayo lumipat doon? Tutal lagi naman kayo nasa labas

kapag may klase 'di ba?" sagot ko.

"T*ng*! Bakit kita susundin? Teacher ba kita?" sagot niya.

Nagkatinginan na lang kami ni Xavier nang marinig iyon. Nag-aalab ang galit sa dibdib ko pero mas pinili ko na lang hindi magsalita at kinuyom na lang ang kamao ko.

"Jupiter, maiwan ka muna rito. Lalabas lang ako saglit. Ayokong makasakit ng tao. Hindi ako minumura ng magulang ko tapos mumurahin mo ako? I did not sign up for this. You can all laugh at me but you can never curse at me. Pinakikisamahan ko kayo ng ayos, pero kahit kailan hindi ko pinangarap na murahin lang ako ng kung sino." Iniwan ko silang lahat na hinahabol ako ng tingin.

Napaupo na lang ako sa bench na malapit nang kusa na lang tumulo ang luha ko nang dahil sa galit at dismaya. All I did was to serve them, to be the best president for them. I am doing everything in my power to prove that they voted for the right one but they're making me regret my decision. Mukhang nagkamali ako sa pagpili sa kanila. Ilang beses ko nang hindi pinipili ang sarili kong kapakanan para sa ikagiginhawa nilang lahat.

Hirap na hirap na akong magsilbi sa mga taong paulit-ulit na pinararamdam sa aking wala akong silbi. Hindi ako nagsasalita ng kahit ano sa tuwing nakaririnig ako ng masasakit na salita mula sa kanila. Hinubad ko ang salamin ko at pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo sa mata ko.

I just felt a warm hug while crying my heart out and when I opened my eyes, I saw him. He just sat down beside me and hugged me to calm down. He was the rest I am really looking for.

"You are enough, my love. They are taking you for granted... You are too good for them..." he said.

His words are enough for my mind to ease and for my breathing to get stable. They say that we cannot exist on another planet but to me I am already existing. He is an embodiment of another world to me, a world where I can no longer feel pain, and all this suffering. I will never take this man for granted, for he let me experience what it feels like to be enough.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top