CHAPTER 2: TRIPPINGS

Nebula's POV

Looks like the Earth turned upside down when we knew that the student council prepared a student's day or which is famously known as intramurals. Tatlong araw tatagal ang student's day. Mukhang naidaan nila sa santong dasalan ang management. 

"Finally! Akala ko declined na naman ang plano na 'to eh!" saad ni Jani. 

Kasali si Jani sa council. Palagi siyang nag-ra-rant sa amin tungkol sa mga declined projects ng council. 

"Grabe! Akala ko hanggang matapos ang school year mag-aaral lang tayo!" saad naman ni Zadie. 

"Akala ko masusuya na ako sa pagmumukha ng mga teachers natin," Quina answered Zadie. 

"Alam niyo minsan feeling ko sa school na ako nakatira. Like umuuwi na lang ako sa bahay every two days," saad ko. 

"Nako, pinilit talaga ng council adviser na ma-push 'yong project na 'to kasi gusto niya rin bigyan tayo ng break for a few days! Saka si Jupiter, kulang na lang mag-defense presentation sa principal payagan lang tayo!" sagot naman ni Jani.

Naglilibot kami sa school quadrangle at iba't ibang mga booths ang nandito. May mga nagtitinda ng pagkain at inumin. Buti na lang pinadalan ako ng extra allowance at may naipon rin ako. 

"I heard there's battle of the bands bukas," saad ni Zadie. 

"Really?" sagot ko. 

Hindi nabanggit sa akin ni Jupiter 'yon. Siya at si Jani ay kasali sa council. She was a grade level representative and he was the president of the council. Siguro sa sobrang galing makipag-usap ng lalaki na 'yon naidaan nila sa santong dasalan ang management. 

"Alam niyo ba na funded 'to ng school?" saad ni Jani. 

"Talaga?" bulalas naming tatlo nila Zadie. 

Lalo akong hindi makapaniwala sa naririnig ko. Hindi kasi namin napag-usapan ni Jupiter ang tungkol sa biglaang event na 'to. 

"Oo! Sila 'yong nag-solicit sa government agencies para makakuha ng budget rito tapos dinagdagan na lang ng kaunti ng council," paliwanag ni Jani. 

"Wow, how nice naman. Eh hindi 'to nasabi sa mga presidente ng bawat klase. Bakit?" sagot ko. 

"This is supposed to be a surprise to everyone kaso hindi kaya ng PTA na sila lang kaya tumulong na rin 'yong officers ng bawat room para magawa 'to. Saka each section may booths rin na ang kikitain ay mapupunta sa funds ng bawat section. Nakipag-usap si Jupiter sa PTA para sila ang mamahala sa booths na pang-pagkain at inumin. Hindi na nga kumilos 'yong ibang officers kasi lahat siya gumagawa and nakikita rin kasi niya na walang initiative 'yong iba kaya di niya na hiningi 'yong opinion," sagot niya. 

"Grabe 'yong lalaki na 'yan, Nebby! Baka kapag kasal niyo na, dalhin ka niyan sa outer space tapos sa Planet Jupiter kayo ikasal!" saad ni Zadie. 

"Ayaw niyo noon? Makakakita si Nebula ng nebulae!" sagot ni Quina. 

“Lawak naman ng mga imagination niyo! Gusto niyo yata ang abay sa kasal mga alien!” sagot ko. 

Nagsimula na kaming lumibot sa mga booths. Hindi ko pa nakikita si Jupiter na nandito. Mukhang naglilibot pa at sinisigurado na ayos ang lahat. Sobrang hands-on ng lalaki na ‘yon sa responsibilities niya. 

“Hoy!” tawag ni Silas.

“Nandito na ang sumpa!” saad ni Jani.

“Hinahanap niyo ba si VP?” tanong niya.

“Hindi. Bakit naman namin hahanapin ‘yon?” sagot ko.

“Wala lang na-feel ko lang,” sagot niya.

“Dagukan ka kaya naming tatlo tapos sabihin namin na-feel lang din naming dagukan ka,” sagot ni Zadie sa kaniya. 

"Gawa nga oh?" He mocked Zadie. 

Maloko talaga ang lalaki na 'to kahit kailan. Sa circle of friends namin siya ang pinaka-chismoso. Hanggang chismis sa kabilang section umaabot. 

“Bakit ba kasi Silas?” saad ko.

“May booth kasi ang Levi eh, nandoon siya sa booth natin.” 

“Bakit wala akong kaalam-alam sa mga ganap ngayong araw? And please Silas, wala akong pakialam sa whereabouts no'n!” sagot ko.

Alam ko naman kasi lahat ng galaw ni Jupiter kaya di niya na ako kailangan i-update. Ang wala lang talaga kong alam ay booths. The last convo we had was when he said that he's busy doing his thing. Ayos lang naman sa akin 'yon dahil pareho kaming may responsibilities. 

Sinundan namin si Silas papunta sa booth na sinasabi niya. Doon nga namin natagpuan sina Viv, Gian, at iba pang mga officers.

“Di niyo naman sinabi na 

may booths and such events,” saad ko.

“Ito kasing VP natin eh! Bawal raw sabihin sa ‘yo!” sagot ni Viv na may kakaibang ngisi.

“Ano ‘tong booth niyo?” sagot ko.

“Confession through art booth,” sagot ni Jupiter.

“Ano ‘yon?” sagot ni Zadie.

“Pwede kang magpa-drawing or magpasulat ng love letter rito anonymously for only fifty pesos. Nakaamin ka na, may art ka pa!” sagot ni Viv.

“Wow, kinabog niyo na ang mister and miss creativity awards!” sagot ni Jani.

“May booth ‘yong kabilang section, open mic. Pwede rin mag-confess doon ng boses mo lang ‘yong maririnig sa labas,” saad ni Jia, isa sa mga kaklase namin.

“Sige. Balikan ko na lang kayo kapag nakalibot na kami,” sagot ko.

Nagsimula na kaming maglibot sa mga booths. Napahinto kami sa paglalakad nang marinig ang nagsasalita sa mic.

“Hello everyone! Shout out to the one and only best president of Levi! Nebula Damaris Levine-Armani...” the speaker said.

Nagpanting ang aking tenga nang marinig iyon at kumakabog ng mabilis ang aking puso.Kinakabahan na ako kasi panigurado na kakalat agad ang chismis 'yong sinabi ng kung sinoman 'yon. 

“Put–Patigilin niyo ‘yan. Sinasabi ko sa inyo patay buong section natin mamaya!” naiinis kong saad at pumunta sa open mic.

Mabilis kaming tumakbo sa open mic booth at nakita namin si Silas doon na nakatayo sa tapat ng mic at tumatawa pa. Rinig na rinig sa labas ang tawa niya kaya hinila siya ni Zadie palabas.

“Tarantado ka talaga, Silas!” saad ni Zadie.

“Sa dinami-rami ng apelyido, Armani talaga?” saad ni Jani.

Nagulat na lang kami lahat nang batukan siya ni Quina. Hindi siya pinalad sa height pero nagawa niyang hiklatin ang balikat ni Silas at batukan ito.

“Chill, bakit kayo affected?” saad ni Silas habang hinihimas ang balikat at batok niya. 

Tunog na tunog kasi ang pagbatok ni Quina sa kaniya at mukha ring di kinaya ng balikat niya 'yong bigat.

Papingot siya na hinila ni Zadie papunta sa canteen at dumiretso kami sa lugar kung saan wala masyadong tao. Naawa na ako kay Silas sa lagay na 'to kasi halos bugbugin na siya ng mga kaibigan ko. 

“Alam mo bang magugunaw ang mundo sa ginawa mo?  Gusto mo bang ilubog na ako sa ilalim ng lupa?” saad ko.

“Hindi pero alam ko naman na may something talaga kayo ni VP so no need to deny na,” he answered.

“Paano mo nasabi?” sagot ko.

“Obvious naman eh. Halos patayin niya na sa titig ‘yong mga nambabastos sa ‘yo sa tuwing nag-a-announce ka tapos palagi siyang may kinukwentong babae sa amin at akmang-akma sa ‘yo ‘yong description. Matangkad, wolf cut ‘yong hairstyle, matalino, at nakasalamin. Ikaw lang naman ‘yong ganoon sa Levi,” sagot niya.

“Natural na sa tao na 'yon ang masama tumingin saka hindi lang ako may ganoong hairstyle! Saka paano ka nakasigurado na sa Levi 'yon?” sagot ko.

Pahamak 'tong planeta na 'to. Sinabihan ko na siya tungkol sa pagsasabi niya ng score namin. Okay lang sabihin niya sa iba 'wag lang sa chismoso na 'to! 

"Weh? Bakit affected kayo?” sagot niya.

“Natural ikaw ba naman pagsigawan 'yong pangalan mo tapos may kadikit na ibang apelyido. Silas, ang sarap mo ibaon sa lupa!” sagot ko.

Iniwanan na lang namin siya sa canteen at naglibot na sa lahat ng booths. Makakalimutan ko rin 'tong trippings na 'to.

Nang ma-enjoy na namin lahat ng booths ay tumulong na rin kami sa booth namin. Na-stress ako sa ginawa ni Silas kanina buti na lang wala nang sumunod pa sa trippings niya kundi talagang malilintikan silang lahat sa akin.

Nakikinig na lang din ako ng music nang dumating si Viv at Jupiter na may dalang shirts. 

"Nebby, suot mo raw 'yan bukas," saad ni Viv. 

Tinignan ko naman ang shirt na inabot niya.  It is a hand painted shirt with a planet Jupiter on the back and his initials written on the front. Maliit na maliit lang ang pagkakasulat at halos di mapansin. 

"Okay. Tingin noong sa 'yo!" saad ko.

Inabot naman sa akin ni Jupiter ang kaniya. His was also a hand painted shirt with an image of the galaxy at the back and my initials on the front. Nahinto ang pag-uusap namin nang may lumapit na estudyante sa booth namin. 

"Ms. Levine, may nagpapabigay po!" saad ng isang estudyante, mukhang grade 9 ito kasi wala siyang lace na katulad ng sa amin. 

Tinanggap ko ang inaabot niyang chocolate na may nakadikit na papel. Hindi ako makatanggi kasi kawawa naman saka from lower grade pa 'ata kaya bilang ate nila gusto ko makita pa rin nila 'yong respect. It would be rude if I declined it in front of everyone. Nang umalis ang estudyante ay agad na kinuha ni Jupiter ang chocolate sa kamay ko. 

"Huy! Akin na! Di ko pa nababasa!" Inaagaw ko sa kaniya ang chocolate. 

"I'll read it out loud. It says, 'Hi Nebula! I have a huge crush on you. Please accept this chocolate as my gift!' with hearts and a smiley face. Ang corny!" he said sarcastically.

"Wow! Buti nga siya namimigay ng chocolate eh! Mamumuti na mata ko rito wala ka pa rin binibigay!" sagot ko. 

"Oh sige para quits hati na lang tayo!" sagot niya. 

Nagtawanan naman sila Viv nang marinig iyon sa kaniya. He is comfortable showing this side to them because they know what's going on around us. Saka wala rin kaming ibang kaklase. Lahat naglilibot rin. 

"Alam niyo kesa mag-away kayo kung sino kakain niyan, amin na lang. Baka mamaya di pa kayo matunawan diyan eh!" Kinuha ni Jani ang chocolate sa kamay ni Jupiter. 

"Ano ba 'yan! Minsan na nga lang makapamburaot sa mga manliligaw ng Agape ko eh!" saad ni Jupiter. 

"Wala nang manliligaw. Bakod na bakod na! Saka 'wag ka kabahan, alam naman ni Nebula 'yong boundaries niya," Zadie replied to him. 

"Akala ko numbers na magiging girlfriend ng planeta na yan eh! Aba'y kulang na lang maging mathematician!" Viv said. 

"Wow, Viv. Sana paint na lang din maging boyfriend mo," Jupiter countered. 

"Sabi ng mga nababaliw sa numbers at colors," saad ko. 

Napatingin naman sila at inirapan ako. Pinigilan kong tawanan siya dahil kamukhang-kamukha siya ni Mars kapag umiirap. 

"I thought 1.30° ang orbit ng Jupiter 'yon pala 360° dinaig pa 'yong trending na bombastic side eye," saad ko. 

"Hanggang asaran ba naman pang matalino pa rin?" Viv said. 

"Ganiyan kami mag-bonding!" I answered.

"Pagpasensyahan niyo na 'yong Agape ko. Ganiyan talaga siya kapag kulang sa kape," saad ni Jupiter. 

"Syempre di mo pa ako nililibre ng kape," sagot ko. 

"Sige. Ibibili kita, wait lang…" Lumabas na siya ng booth namin at dumiretso sa booth na nagbebenta ng kape. 

After a few minutes dumating sila Silas kasama si Asher at Xavier. Bumalik na naman ang inis ko sa kaniya kaya inirapan ko siya nang makalapit sila. 

"Ito pala si Miss President eh!" saad ni Silas. 

"Bakit nandito ka?" saad ni Xavier. 

"Bakit? Bawal ba?" sagot ko. 

"Hindi ka pinagbabantay rito ni Jupiter ah," sagot ni Asher sa tanong ko. 

Huminto si Asher ng pagsasalita nang makitang papalapos sa amin si Jupiter dala ang kape at inabot ito sa akin. May kasama pang cookies. 

"Thanks!" I said. 

Sinimulan ko na ang meryenda na binigay niya. They were looking at me like a predator watching her prey. 

"Bakit?" saad ko. 

"Di ba hindi ka kumakain ng matcha?" sagot ni Zadie. 

Napatingin naman ako sa matcha cookies na bigay ni Jupiter. 

"Ah, may tao kasing favorite 'to kaya kinakain ko," sagot ko. 

Matcha is Jupiter's favourite cookie flavour kaya kinain ko. Saka ayoko rin na masayang 'yong binili niya. Matcha isn't bad to eat. Actually nagustuhan ko naman pero hindi to the point na magiging favorite ko na 'to. May aftertaste kasi siya na hindi ko gusto.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Jupiter na para bang may iisang conclusion sa isip nila. 

"Ang issue niyo! Nagmabuting loob lang 'tong VP niyo eh!" saad ko. 

"Di mo sure!" banat ni Silas. 

"Silas, what if ibaon kita sa lupa ngayon?" sagot ko. 

"What if hindi ako bumaon?" sagot niya. 

Pinigilan ko ang sarili kong upakan siya kasi quotang-quota na kila Quina kanina. 

"Magsilayas na nga kayo! Ginugulo niyo lang 'yong booth natin eh!" saad ni Zadie. 

"Baka 'yong bebetime ng dalawa diyan ang nagugulo namin!" sagot naman ni Xavier.

"Tigilan mo, Xavier!" saway ni Jupiter. 

Tatawa-tawang umalis ang tatlo sa tapat ng booth namin. Ang sarap nilang pag-umpog-umpugin! 

Nang umalis sila Silas ay kami ang nagtulong-tulong para sa booth. Nagsasalitan si Zadie at Quina sa pagsulat ng love letter at si Viv at Gian naman sa pagguhit. Kami ni Jupiter ang namamahala sa kaha. 

"Anong balak mo sa kikitain ng booth?" tanong ko. 

"Depende sa 'yo, kung anong magiging desisyon mo 'yon ang gawin. Alam ko naman na kahit anong maging decision mo mas makakabuti 'yon sa atin. Sa aming Levi," sagot niya. 

"Meron pa kasi tayong class fund kaya di ko alam kung saan pwede magamit. Marami-rami na rin kasi 'yong kinita natin rito sa booth. Malapit na mag-graduation kaya baka masayang kung nakaipon lang diyan," sagot ko. 

"What if bumili tayo ng mga kulang na school supplies sa room? Like chalks, papers and such. Para wala nang mamburaot ng papel sa mga may papel," Viv suggested. 

"Pwede rin na 'yong kinita natin dito is ibili ng food para makapag-celebrate tayo sa panalo natin last time," singit ni Jillian na kadarating lang.

"Sorry, di namin hinihingi opinion mo," bulong ni Zadie. 

Bahagya siyang tinapik ni Quina para tumahimik. Masyado pa namang over-thinker ang kahrap namin ngayon at kaunting bulong lang pakiramdam niya siya na ang center of attention. 

Natahimik kami nang marinig 'yong suggestion niya. Wala na naman sa hulog 'yong sinasabi niya. Saka 'yong celebration na sinasabi niya ay parati naman na naming ginagawa. 

"Let me think about it, I also have other ideas on how to manage the funds properly and don't worry I'll ask suggestions from the others," sagot ko. 

"I'll ask Lia and Gian about the funds," she offered. 

"No need. Ako nang bahala doon," sagot naman sa kaniya ni Jupiter. 

Tumango na lang siya at iniwan kami sa booth. 

"Hoy! 'Pag kayo sinumbong noon! Kayo rin, kayo na naman masama…" saad ni Jani. 

"Okay lang. We'll stand on what we did," sagot ni Jupiter. 

After a whole day of selling artworks natapos na rin kami. Binigay namin kay Lia lahat ng kinita namin sa booth. Sabay-sabay na kaming naglakad palabas.

"What if may ka-lowkey pala 'yong president natin tapos di natin alam?" saad ni Silas. 

"Kaya nga lowkey eh! Bobo mo naman!" sagot ni Asher sa kaniya. 

Palihim kong tinapik ang likod ni Jupiter upang sabihin na huwag siyang madudulas. Ganoon kaming dalawa kapag may nag-o-open ng topic tungkol sa lowker relationships.

"What if hindi lang si Pres? Pati si VP," segunda naman ni Xavier.

"Tigil niyo na 'yang pag-o-overthink niyo. Stress na ako sa Levi dadagdag pa kayo?" sagot ko. 

"Masyado na akong maraming responsibilidad para magdagdag pa," saad naman ni Jupiter. 

"Eh sino 'yong kinukwento mo sa amin?" sagot ni Xavier. 

Napahinto sa paglalakad ang mga kasabay namin nang marinig ang sinabi ni Xavier. Lahat ng mata ay nakatingin sa kaniya. 

"Ito? May kinukwentong babae?" Turo ni Gian kay Jupiter. 

"Syempre, babae. Alangan namang lalaki," sagot ni Silas sa kaniya. 

"You gotta be kidding me! Baliw sa numbers ang tukmol na 'yan!" sagot ni Gian.

"He's smitten and we still don't know who's the lucky girl!" sagot ni Xavier. 

"Sabihin mo na kasi! Tayo-tayo lang naman 'yong nandito!" saad ni Asher. 

"Bakit ko sasabihin?" sagot ni Jupiter.

"Syempre, that's what friends are for!" sagot ni Silas.

"Soon, malalaman niyo rin. Napaka-chismoso niyo talagang tatlo!" sagot niya. 

Nang makaalis na ang mga lalaki naming kaibigan ay sumabay na sa amin si Jupiter. Nang mahatid na namin si Quina ay hinintay muna namin makasakay sila Zadie. 

Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. He intertwined our fingers. 

"I want to hold your hand like this forever…" he whispered.

"Of course, you will! Hindi ako aalis sa tabi mo, Jupiter…" sagot ko.

As long as I can stay beside him, I will. Hindi ko siya iiwan ano man ang mangyari sa hinaharap. It won't be easy for us but we will get through it. 

Mabilis lang natapos ang three days at balik klase na naman. Halos di na ako makausap ng matino sa sobrang kulang ko sa tulog. 

"Nebula!" Jani called. 

"H-Ha?" sagot ko. 

I am currently spacing out kasi iniisip ko 'yong quiz namin sa susunod na klase. 

"Kulang ka na naman sa tulog 'no?" sagot niya. 

Tumango ako at napayuko na lang sa lamesa. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. 

"Get up, Agape. You need to eat," he said. 

"Kumain na ako," maikling sagot ko.

"Sige na. Kain ka pa para di ka mahilo," sagot niya. 

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang pagkain na binili niya. He knows what my weakness is. Binili niya ako ng ice cream. This somehow made me feel better. 

"Hay, sakit niyo sa mata! Bebe time na naman!" saad ni Zadie na kadarating lang. 

"Ay Jupiter, tinatanong ni Sir kung willing ka raw ba makipag-math battle sa akin. Para raw malaman kung sino mas qualified sa atin sa competition," Quina said. 

"Battle of the champions will begin!" saad ni Jani. 

Natawa na lang kami pare-pareho sa sinabi niya. Parehong magaling sa math si Jupiter at Quina pero may isa pang pwedeng tumapat sa kanila.

"Kasali ba si Tan sa math battle niyo?" saad ko. 

"Oo. Gusto niya raw sumali," sagot ni Quina. 

"Magpapatalo na lang ako. Tinatamad ako sumali," saad ni Jupiter.

"Kwento mo na lang sa bato, Jupiter. Hindi ka magpapatalo sa ibang tao," sagot ko. 

Kilala ko na 'to. Sinasabi niya lang na magpapatalo siya pero at the end of the day siya pa rin ang panalo. 

Di nagtagal ay dumating na rin sila Silas. May dalang bulaklak si Silas, mukhang bibigay niya roon sa nililigawan niya na ibang section.

"Silas, binabalaan kita. Kung kay Mars mo 'yan ibibigay magsapakan muna tayo," saad ni Jupiter. 

"Wow, hindi kay Marsiana 'to!" sagot ni Silas. 

"Weh? Balita ko may nililigawan ka sa section nila eh," saad ko. 

Nabanggit niya sa amin ni Jani na may natitipuhan na siyang babae. Pero hindi niya sinabi sa amin kung sino.

Tatawa-tawa niyang inabot sa akin ang bulaklak. 

"Para raw sa 'yo 'yan sabi noong taga kabilang section," he said. 

Gumawi ang tingin ko kay Jupiter. Masama niyang tinitingnan si Silas. Kung nakapapatay lang ang tingin nakabulagta na si Silas kanina pa. 

"Thank you kamo, pero sana after niya ibigay 'yong bulaklak nagpa-ready na rin siya ng funeral niya. May magagalit, Silas…" saad ko.

"Iba na lang kamo pag-trip-an niya, Silas. Hindi magandang trippings 'to. May magbabaon talaga sa 'yo sa lupa," saad ni Jani.

"What if wala magbaon sa akin sa lupa?" sagot ni Silas. 

"Malapit na kitang sapakin," sagot ko.

"Paano kapag di mo ako tinamaan?" sagot niya. 

"Ako sasapak sa 'yo siguradong tatama," singit ni Jupiter. 

"Si Planeta naman, di mabiro!" sagot niya. 

"Eh napakapilosopo mo kasi eh!" sagot ni Jupiter. 

"Ilugar mo rin minsan pagiging pilosopo ha?" saad ko. 

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Kinuha na ni Jani 'yong bulaklak para siya na ang magtabi. Ayoko kasing itapon at sayang naman. 

Habang nakikinig sa klase ay di ko maiwasan na magawi ang tingin kay Jupiter kasi noong pumasok kami ay hindi niya na ako kinakausap. Mukhang nagseselos na naman siya. 

Nang matapos ang klase ay hinintay ko muna na maiwan kaming dalawa sa classroom. 

"Love, let's talk…" I said.

"What?" He sat on the chair in front of me. 

Wala si Ma'am Jess ngayon dahil masama ang pakiramdam niya. Kami na lang talaga naiwan rito. 

"Why are you so grumpy?" I answered. 

"I just can't help but get jealous every time someone gives you things. I can do it but I am afraid to make you uncomfortable," sagot niya. 

"You are doing it and don't ever think about me being uncomfortable. Mas comfortable ako kung ikaw 'yong nagbibigay kaysa ibang tao, okay? If I made you jealous earlier, I'm sorry… I'll do better, Love... " sagot ko. 

"I'm sorry too, Agape if I am pushing you too hard to be vocal about our relationship. Alam ko, you are still adjusting with this. I'll do better too…" sagot niya. 

"If you want to tell your friends about us, it's fine. Komportable ako sa mga kaibigan pero kung hindi naman relevant sa atin hayaan mo nang hindi nila alam…" sagot ko.

Tumango siya. After we talked he stood up from his seat and hugged me. Pinikit ko ang aking mata at niyakap siya pabalik. The world feels so light when I am in his arms. This is the comfort that I will never exchange for anything. 

Nang bumitaw siya sa yakap ay kinuha niya na ang bag ko. Siya na rin ang nag-lock ng room. 

"Ang dami nating gagawin…" nanlalatang saad ko. 

"Gusto mo tulungan kita sa mga assignments? Magpapaalam ako kay Mama na ma-l-late ako ng uwi," sagot niya.

"Huwag na. Sa call na lang tayo mag-brainstorming ng assignments. Baka rin hinihintay ka ni Tita. Alam mo naman 'yon, nag-aalala kapag di mo kasama si Mars," sagot ko.

"Sige na nga. Sabihan mo na lang ako kapag mag-aaral ka na," sagot niya. 

When I arrived home I went straight to my room. After changing my clothes I went straight to our living room to watch my favourite k-drama.

Habang nanonood ay tumunog ang phone ko. 

Stats FUCKING Probability

Viv:

@everyone nagstart na ba kayo sa math? 

Quina:

Di pa. Tinatamad ako. 

Jani:

(2) gawa-gawa pa babagsak rin naman. 

Me: 

Di pa. Hinihintay ko pa yung chat ni Jupiter. 

Zadie:

Hanggang sa assignment ba naman? 

Me:

'Yon yung bebe time namin. 

Zadie:

Kakaiba na talaga kayo!

Jani:

May isa pa silang version ng bebe time. 

Quina:

Ano? 

Jani:

Nag-de-debate yang dalawa na yan. 

Viv:

Bebe time pala nila yun. Akala ko normal lang nila 'yon. 

Me:

Normal na medyo bebe time. 

Pagkatapos namin mag-usap sa gc ay umakyat na ako sa kwarto ko. Nag-chat na rin ako kay Jupiter para makapag-start na kami sa assignment. 

Agape:

Can I call? 

Me:

Sige. Mahirap rin mag-explain through chat. 

"Hello? Am I clear?" he greeted. 

"Yup. Loud and clear," sagot ko. 

"So first, sagutan muna natin 'yong venn diagram," sagot niya. 

Pagkatapos kong sagutan ang sinabi niya ay pinaliwanag niya na sa akin kung ano pa 'yong mga susunod na dapat gawin. After namin sagutan ang mga assignment namin ay nag-movie marathon na lang kami. 

This is how we spend our weekdays. Even if we're busy at school we always try to find time for each other. Amidst our tiring days we always find comfort and healing with each other. 

After the movie ended we decided to end the call. Hindi pa rin kasi ako kumakain kaya napagdesisyonan ko nang bumaba para kumain. 

"Tapos ka na ba sa assignments mo?" tanong ni Mommy. 

"Opo," sagot ko. 

"Tara't kumain na tayo," sagot niya. 

After we ate dinner I decided to go to bed. Siguradong bukas ubos na naman ang energy namin para humarap sa panibagong lesson. 

The next day was supposed to be our normal day not until this happened. 

"Jupiter at Nebula maaari ba kayong magbigay ng halimbawa ng isang debate?" saad ng teacher namin sa Filipino. 

"Sige po. Anong paksa po ba?" sagot ko. 

Pumunta na kami ni Jupiter sa harapan. 

"Ang paksa ay kung sino ang mas dapat piliin, ang taong mahal mo o taong mahal ka? Maaari na kayo magsimula," sagot niya. 

"Pinipili ko ang paksang taong mahal ako. Kung ang taong mahal ako ang pinili ko masisiguro kong hindi ako malulungkot dahil madarama ko ang pagmamahal sa kaniya," saad ni Jupiter. 

"Paano kung 'yong pinili mong mahal ka, hindi mo mahal? Paano kung pinili mo lang siya kasi naaawa ka? Kapag taong mahal mo ang pinili mo, hindi ka na mapapaisip kung pinili mo ba talaga siya dahil naaawa ka o pinili mo lang siya kasi siya 'yong nandiyan noong panahong walang nasa tabi mo. Masisiguro mong pinili mo siya kasi mahal mo siya," sagot ko. 

"Kahit di mo naman siya mahal matutuhan mo pa rin naman 'yon kung bibigyan mo ng pagkakataon."

"Hindi lahat ng taong mahal ka, tamang tao. Maaaring 'yong tamang tao ay 'yong taong mahal mo."

"Ibig sabihin ikaw 'yong tamang tao?" he asked meaningfully. 

"Ipagpalagay na natin ako 'yong tamang tao pero hindi mo ako mahal, pipiliin mo pa rin ba ako? Ako kasi kung di ako mahal di ko pipiliin." sagot ko.

"Oo, kasi kaya ko namang matutuhan na mahalin ka pabalik eh! Kahit gaano pa katagal, aaralin ko. Ganoon kita kamahal na kahit di ako 'yong tamang tao para sa 'yo pipiliin pa rin kita," sagot niya. 

Naghiyawan ang mga kaklase namin nang marinig ang sinabi niya. Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay nakatingin siya ng diretso sa aking mga mata. 

"Mukhang sa iba na napupunta ang debate na 'to ah. Bumalik na kayo sa mga upuan niyo," saad ni Ma'am. 

Naputol lang ang pagtitinginan namin nang marinig iyon. Napatikhim na lang ako at bumalik sa upuan ko.

Nang makaalis ang teacher namin ay nilapitan ako ni Jani. Absent ang katabi ko kaya pansamantala siyang umupo sa tabi ko. 

"Ibang debate ang nakita ko kanina. Parang lowkey sinabi niyang kayo na," bulong niya. 

"Nako, tigilan niyo ako. Bumalik ka na sa upuan mo. Hindi kita kaya back-up-an sa anecdotal," sagot ko. 

Natatawa siyang bumalik sa upuan niya. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang next teacher namin. 

Lumilipad ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Jupiter. 'Yong mga sinabi niya ang sagot sa mga tanong sa isip ko nitong mga nakaraan. Akala ko simpleng debate lang ang mangyayari, may realization din pala. Na kahit anong circumstance willing siyang piliin ako at mahalin. Hindi na talaga ako nagkamali sa pagkakataon na 'to. 









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top