CHAPTER 13: NEW BEGINNINGS
Nebula's POV
The long wait is finally over. Today is my graduation from law school. Sinamahan ako ni Jupiter na sunduin sila Mommy sa Bulacan. Nang magkita sila ay hindi kaagad siya nakilala ni Mommy dahil sa pagtanda nito. Right after they met he immediately asked for my hand in courtship.
"Nebby, hindi mo naman sinabi na may bago ka nang boyfriend," saad ni Mommy.
"Mommy, hindi mo ba siya nakikilala?" sagot ko.
Hinila ko si Jupiter upang mas makita siya ni Mommy. Mula kasi noong naghiwalay kami ay tumigil na rin ako sa pagkukwento sa kaniya tungkol kay Jupiter.
"Hi, Tita! It's been a long time," saad ni Jupiter at inabot ang bulaklak.
Bumili pa talaga kami ng paboritong bulaklak ni Mommy sa Dangwa para lang ibigay niya. Mukha talagang aakyat ng ligaw rito sa bahay.
"Jupiter? Ikaw na ba iyan?" gulat na sagot ni Mommy.
"Yes po. I want to visit you po sana kaso dahil na-busy na rin sa school kaya ang tagal kong hindi nakabisita," sagot niya.
"Naku, naalala ko noon na bago ka mag-college pinuntahan mo pa ako para magpaalam na magkokolehiyo ka na. Doktor ka na ba ijo?" sagot ni Mommy.
"Hindi pa po but we're getting there," sagot ni Jupiter.
"Mommy, may sasabihin raw siya sa 'yo," singit ko sa usapan nila.
Sinabi kasi niya sa akin na kapag nagkita sila ni Mommy ay hihingiin niya ulit ang permiso nito para ligawan ako. Kahit naman raw kasi legal age na kami ay dapat lang na alam ni Mommy ang intensyon niya sa akin.
"Tita, alam ko po na masyadong mabilis ang pagkilos ko. Gusto ko pong ligawan ulit ang unica hija niyo. This time we'll make it right po, hindi ko na po paiiyakin ang anak niyo. Iingatan ko po ang puso niya tulad ng pag-iingat niyo sa kaniya," saad ni Jupiter.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mga sasabihin niya. Naluluha ako dahil ramdam ko talaga ang katotohanan sa mga salita niya. Hindi ito ang unang beses na narinig ko iyon sa bibig niya pero this time iba ang dala ng mga salita niya. This time I feel like he can fight for me now, we can fight together now.
"Ijo, I appreciate you for letting me know your intentions. Pero wala sa akin ang huling desisyon. Kung ako lang, hahayaan kita pero kung ayaw ng anak ko eh wala na akong magagawa," sagot ni Mommy.
"Nebby, can I court you?" he asked, looking straight in my eyes.
"Nandito ka na eh, wala na akong magagawa kundi pumayag..." sagot ko.
When we arrive at my school we immediately find our que. Maglalakad kasi muna bago makapasok sa venue. Kami na lang ni Mommy ang pumila at si Jupiter ay humanap pa ng parking. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na ulit siya. He's wearing his formal outfit, tuxedo. Akala mong a-attend sa corporate meeting, pinagtitinginan na rin siya ng mga batchmates kong babae. Kalingon-lingon naman kasi talaga ang kaniyang style. He looks like a fictional character who came out of the books.
"You look stunning," I said.
"Of course, I'm your man. I'm not Jupiter Elio Armani for nothing," he answered.
I smiled at his remarks. He made everyone know that he's already mine and they should stop sulking on him.
"Mga anak, magsisimula na. Pumila na tayo," aya ni Mommy.
Sinundan na namin siya sa pila dahil nagtatawag na rin ang mga organizer ng graduation. Sinamahan ako ni Mommy at Jupiter na lumakad sa gitna hanggang sa makarating sa dulo. Nang nakaupo na ako sa pwesto ng graduates ay dumiretso naman sila sa prepared seat for the visitors.
Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na ang graduation ceremony. Nang matawag na lahat ng naka-graduate ng law school ay tinawag na ako sa backstage para sa valedictory speech ko.
"To give her valedictory message, here's the valedictorian herself; Ms. Nebula Damaris Levine," pakilala sa akin ng host.
Umakyat na ako sa podium, my eyes roamed around the auditorium and found him, smiling at me proudly. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili bago magsimula sa speech ko.
"Law school; why did I choose to go to law school instead of med-school? Why did I choose to make my life more complicated? Hindi nga naman kasi ako nag-aral ng political science or anything law related pero nandito ako. I know in the first place that choosing this path will make my life more complex because of its nature. Noong first year ko sa law school, ilang beses kong tinanong sarili ko kung tama ba 'yong choice na pinili ko. I graduated nursing with flying colours as well and I had job offers outside the country but I chose to study again. My reason? It will take us back to my highschool days.
"To give a brief context; I had this guy back then, he was my academic rival. He's always the best while I am the second best. We had that relationship in front of our classmates and teachers but behind that rivalry, we were lovers. We promised to each other that if he graduates political science, he'll enter med-school while me? Here I am standing in front of you proudly because I fulfilled my promise to him. I became a lawyer because he inspired me to become one and this is supposed to be his path. We both wanted a double degree, a degree that is far from our first choice. Kaya parehas kaming kumuha ng second degree na hindi tugma sa tinapos namin." My eyes are locked at him as I speak those words.
"After all the breakdowns and relapses, I conquered law school. If you think it was easy to stand here in front of you and give my valedictory speech then you're wrong. I sacrificed a lot to stand here, I slept late and woke up early to study. I missed the birthdays of my friends and family and other special occasions just to prepare for an exam.There is no guarantee if all you studied that day will be the scope of that exam. Ilang weekends ang ginugol ko para paghandaan ang bawat midterms at finals pati na rin oral revalida natin. Ilang churches ang dinaanan ko para ipagdasal ang pwesto ko ngayon. All thanks to the creator for answering my prayer. Hindi ko 'to magagawa ng ako lang kasi siya lahat 'to. After God, there were my friends and family who supported me throughout my journey. Especially to my best friend, Jani who makes my packed lunch and reminds me to eat dinner even though she's tired from work. Siya 'yong taong hihila sa akin palabas ng kwarto para kumain saglit at sasamahan akong kumain ng ice cream kapag sobrang stressed ko na sa mga ginagawa ko.
"Everything was worth it. All the sacrifices I made already paid off. Another dream of mine came true. I managed to speak in front of you; a dream that I always wanted to achieve since high school. I want to take this opportunity to send a message to those who want to become a lawyer. Law school is not for the weak, you should mentally and physically prepare yourself to the demands of the course. Have a deeper understanding of why you want to enter because once you enter there's no turning back. Masalimuot ang hustisya ng bansa natin, kaya bilang abogado ng hinaharap magtulungan tayong ayusin ito. Tanggalin na natin ang tatsulok na humaharang upang maging pantay ang pagtingin ng batas sa mga tao. At palagi ninyong tatandaan na hindi nababayaran ang hustisya at batas kasi ang batas at hustisya ay para sa lahat. Padayon mga abogado ng hinaharap!" I smiled as I ended the speech.
Everyone applauded as I walked down the stage and got back to my seat. Pagkatapos ng ceremony ay agad akong lumapit kina Jani nang makita ko sila. Nawawala si Mommy at si Jupiter. Pagkatapos ng speech ko ay nawala na siya sa pwesto niya, mukhang kinailangan na siya sa hospital. Si Mommy naman siguro ay nagpunta sa cr.
"Congrats, Nebby!" masayang pagbati ni Jani.
Agad ko siyang niyakap dahil akala ko ay hindi na siya makakarating.
"Thank you! Kumusta 'yong shop? Sino nagbabantay? Akala ko hindi ka na makakapunta dahil sobrang busy sa shop," saad ko.
"Special day mo 'to kaya hindi pwedeng wala ako rito. Ako kaya number one fan mo. 'Yong shop iniwan ko muna sa manager ko dahil special day niyo 'tong dalawa ni Caleb," sagot niya.
Ilang saglit lang ang nakalipas ay lumabas na rin si Mommy mula sa cr ng venue.
"Tara na anak, naghihintay na sila," aya sa akin ni Mommy.
Sumunod naman kami ni Jani sa kanya. When we got out of the venue, my eyes went wide when I saw Jupiter holding a bouquet of white and red roses. Agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Congratulations, Agape! I'm proud of you..." He kissed the top of my head.
"I fulfilled my promise to you..." I answered, doing my best not to cry.
"Yes, and I will fulfil my promise to you too." He hugged me tight.
"At nag-moment na nga po silang dalawa at nakalimutan na kaming lahat. Mamaya na kayo mag-iyakan, Nebby. Picture muna tayo!" saad ni Jani.
Parehas naman kaming natawa at humarap na kay Jani. Nag-picture lang kaming lahat sa tapat ng venue at dumiretso na sa condo. Laking gulat ko nang makitang kumpleto ang mga kaibigan namin sa condo nang makarating kami.
"Congratulations, Nebby!" sabay-sabay na bati nila Quina.
Agad akong tumakbo palapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit. Ang tagal na rin noong huli kaming nagkasama-sama ng ganito.
"We missed you! We really booked a flight earlier para mas makasama ka namin before ka agawin ng Levi sa amin," saad ni Zadie.
"Hindi naman Levi ang kaagaw niyo sa akin, hospital," sagot ko.
"What do you mean? I thought you'll take the bar exams right after graduation," Quina asked.
I just smiled at Quina mischievously. Hindi pa kasi alam ni Jani at Jupiter na natanggap na ako sa trabaho.
"Parang kulang ang tropahan. Nasaan si Luxury?" tanong ni Viv.
Agad naman kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Lux na may dalang bouquet at ice cream.
"Congratulations, Nebula Damaris! Here's my gift, sorry I'm late!" Inabot niya sa akin ang mga dala niya.
"Thanks, Lux! 'Di ba toxic sa duty?" sagot ko.
"Iniwanan ko na sila roon. Katatapos lang ng 12-hour shift ko," sagot niya.
"Mga anak, tama na muna ang kwentuhan. Kumain na tayo at lalamig ang mga pagkain!" saad ni Mommy.
Tinulungan namin siya ni Jani na maghain para sa mga bisita. Habang naglalagay ako ng mga kutsara sa hapag ay agad akong nilapitan ni Jupiter.
"Nebula, Mars was asking if she and Silas could drop by to give you your gift for graduation," he asked.
"Yeah, they can. Pati sila Xavier ayain mo na rin," sagot ko.
"Well, they can't make it. Xavier has a project in Singapore while Josiah is in New York working as well. Architect siya doon," he answered.
"Oh, I thought they were here. Sige na makipag-bond ka muna kila Zadie. For sure, they missed you as well. Tapusin lang namin 'tong table set-up," sagot ko.
After finishing the table set-up Jani called them to eat. Malaki-laki ang dining area namin dahil lima kaming nakatira dito dati.
Zadie, Quina, and Viv sat on their seats before they left. Ganito kami noong college days namin.
"I still can't believe that Nebby survived law despite studying a pre-med course. Naalala ko dati noong first year siya sa law school, gustong-gusto niya na agad mag-shift," Luxury said.
"She's not Nebula Damaris Levine if she's into fitting in. Even before, she did not want to fit in. Everything was planned ahead of time," Jupiter answered.
"I agree with Jupiter, Lux. Since our high school days experimentive na siya," sagot ni Zadie.
"What are your plans ba? Bar exams na lang kulang Atty. Nebula Damaris Levine, RN ka na..." saad ni Jani.
"Well, I'll start working at the hospital next week after the reunion. Siguro at the course of working, maisip ko rin mag-bar exams," sagot ko.
Nasamid naman sa Jupiter sa narinig niyang sagot ko. Agad ko siyang inabutan ng tubig at pinunasan ang gilid ng labi niya na may residue ng pagkain.
"Pati ba naman pagkabilaok by pair na. Mahirap pala kapag nabilaukan ako, mamamatay na lang ako," saad ni Luxury.
"Coming from someone na laging may kalandian sa nurse's station," sagot ni Jupiter at binuntutan ng mapang-asar na tawa.
"Huy, ano ba? Lowkey lang daw sila," sagot ko.
Pagkatapos ng masayang tanghalian namin ay pumunta na kami sa sala para mag-movie marathon. Tulad noong college days namin, right after we had a tiring exam; manonood lang kami ng movie at lahat ng pagod ay mawawala na. Zadie and Jani started to prepare the living room for our movie marathon.
"I'll just pick Mars up at the lobby," paalam ni Jupiter.
Tinanguan ko lang siya at pinagpatuloy ang paghahanda ng snacks. Nang maihanda ko na ay sakto namang tapos na mamili ng movie sila Jani. Si Mommy naman ay namamahinga na sa guest room namin. Ang dating kwarto nila Viv ay ginawa naming guest room.
After a few minutes Jupiter came back with Mars and Silas.
"Nebula! I missed you!" sigaw ni Mars at sinalubong ako ng yakap.
"I missed you too, Mars!" sagot ko.
"Akala ko next week pa reunion, nag-reunion na kayo rito!" saad ni Silas.
Maloko pa rin hanggang ngayon si Silas. Hindi ko na siya madalas nakakausap dahil busy sa kaniya-kaniya naming buhay.
"Kumain na ba kayo?" I answered.
"Not yet. We just got out of the office and bought something for you when we heard that today is your graduation." Inabot sa akin ni Silas ang paper bag na may tatak na apple.
"Wow, isa na namang kababayan natin ang nakaangat sa buhay!" saad ni Jani.
"Thank you! Grabe iba ka na talaga, Silas. Parang dati Dowee Donut lang regalo mo sa akin, ngayon Macbook na," sagot ko.
Laman kasi ng paper bag ay Macbook, iPad, apple pencil at iba pang accessories nito.
"I picked just for you, Nebby. I heard from Jupiter that you wanted those," saad ni Mars.
"Yeah, I was planning to buy the latest iPad after graduation kasi magagamit ko siya sa duty. Thank you so much, Mars and Silas!" sagot ko.
Tinulungan ko naman si Jupiter na ayusin ang pagkain nila Mars at Silas.
"Nebby, where will be the venue of our reunion?" tanong ni Zadie.
"La Union, Jupiter already booked the hotel," sagot ko.
"Kumausap na kayo ng events organizer?" Quina asked.
"Yeah, nakapagpa-reserve na sila ng events place sa hotel na na-book ni Jupiter," sagot ko.
"Bigatin ang reunion ng Levi, sponsored pa," saad ni Mars.
"Nauna nga kayo mag-reunion sa amin eh. Nakita ko sa stories ng mga classmates niyo, Boracay sa inyo!" saad ni Zadie.
"Sorry guys, Boracay kasi afford ng president namin," sagot ni Mars.
"Nebby, hinahamon ka!" Tinawanan ako ni Luxury.
"We considered Boracay as our venue pero kasi not everyone can afford the airfare. Ayoko rin naman na kulang kami sa reunion," sagot ko.
"Edi sana si Jupiter pinag-sponsor mo ng airfare. Mas mayaman pa sa akin 'yan," sagot ni Mars.
"Well, I also considered his profession din. Mas madali pumunta ng Manila from La Union kesa from Boracay. Baka mamaya on-call siya that day, mahirap mag-book ng flight," sagot ko.
"Sa bagay. Hilig pa naman magpakabayani ng kambal ko na 'yan," sagot niya.
Pagkatapos nilang kumain ay umalis rin sila dahil hinahanap raw si Mars ng Daddy nila.
"Tell Mom and Dad that I am here with Nebula. I'll spend the night here," bilin ni Jupiter.
Tumango si Mars at yumakap sa kambal niya.
"Ingat kayo pauwi and don't forget to message us once you get home," saad ko.
"Yes, my sis-in-law!" sagot ni Mars.
Nang mahatid namin sila sa lobby ay bumalik na rin kami sa condo. Napansin kong sila Jani na lang ang nasa living room, wala na si Lux at Viv.
"Nasaan si Lux at Viv?" tanong ko.
"Si Lux tinawagan na siya sa hospital, si Viv nagka-emergency sa project niya sa Marikina hinahanap ng engineer doon kaya pinuntahan niya na," sagot ni Zadie.
Tumabi ako kay Zadie sa couch. Si Jupiter naman ay dumiretso sa kwarto ko para umidlip. Iidlip raw muna siya dahil may duty siya mamayang gabi.
"Saan kayo mag-spend ng night niyo?" I asked.
"Nag-book kami ng hotel diyan sa tabi. Alam namin na wala na kayong time ni Jani ayusin 'yong rooms namin," sagot ni Zadie.
Tumango naman ako kay Zadie. Tunay naman ang sinabi niya, hindi rin namin inaasahan na ngayon ang dating nitong dalawa.
"So how's you and Jupiter? Babalik na ba ang power couple namin?" tanong ni Quina.
"Maybe, he already asked my hand for courtship but we're still in the process of getting to know each other," sagot ko.
"Matagal niya nang plano 'yan. Alam niyo bang dapat hindi 'yon mag-gi-girlfriend ulit?" saad ni Zadie.
Agad naman kaming napatingin lahat kay Zadie sa narinig. Hindi naman sinabi sa akin ni Jupiter ang tunay na rason kung bakit hindi siya nagkaroon ng kasintahan mula nang maghiwalay kami.
"Well, he had a deal with Xavier that he will just enter into a relationship after med-school. Then, ako and Xavier had a bet. Kapag nag-reunion tayo magkakabalikan kayo, well I won. Kasi ang bet ni Xavier ay matutupad 'yon after med-school," sagot ni Zadie.
"Sobrang bored na ba sa Canada at pati relationship status ni Jupiter pinagtripan niyo?" Natatawang sagot ni Jani.
"True, wala rin kasing mainit na chika doon. Malamig na nga temperature, malamig pa chika," sagot ni Quina.
"Dalasan niyo kasi pag-uwi para laging mainit ang chika," sagot ko.
When the clock struck 5, I decided to go inside my room to wake Jupiter up. Sabi kasi niya ay may duty siya ng 7pm.
"Jupiter?" I tapped his shoulder lightly.
"Hmmm?" he hummed, still his eyes closed.
"Gising na. May duty ka pa," sagot ko.
"Five minutes..." he answered.
Nabigla ako nang hilahin niya ang kamay ko at bumagsak sa ibabaw niya. He just snuggled around my neck and smelled me.
"Jupiter, kapag na-late ka..." bulong ko.
"Let me just stay here for awhile. Mawawala rin 'to mamaya eh," sagot niya.
I just sighed and let him cuddle me in his arms. I did not expect him to be this clingy. Dati hindi naman siya ganito ka-clingy, mas clingy pa ako dati sa kanya. When he was satisfied he got up from the bed and went to the bathroom.
Bumalik na ako kila Zadie, tapos na ang movie nang makabalik ako sa sala. Nagliligpit na rin si Jani ng mga pinagkainan nila kaya tinulungan ko na siya.
"Akala ko hindi ka na lalabas eh," saad ni Jani.
"Bakit naman?" sagot ko.
Tinignan lang nila ako ng makahulugan na para bang alam ko na ang pinatutungkulan nila.
"May duty siya ng 7pm, kayo talaga. Kung ano-ano pinag-iisip niyo. Hindi pa nga kami, ang dudumi na ng utak niyo!" saad ko.
"Okay..." Parang hindi kumbinsidong sagot ni Zadie.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na si Jupiter ng kwarto ko. He's now wearing long sleeves and slacks. Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko. Saglit na pumunta si Jani sa kusina at sumunod naman sa kanya ang dalawa.
"I'll go now, Agape. Tell Tita that I already left. I'll see you tomorrow," paalam niya.
"Yes. Drive safely," sagot ko.
Nang makalabas si Jupiter ay sabay-sabay na nagtilian ang mga kaibigan ko. Hindi naman kasi kami ganito noong high school kami, mas madalas pa nga kaming nagdedebate sa harap nilang lahat. Kapag kasi nasa eskwelahan kami noon ay talagang puro aral lang ang inaasikaso namin.
"Ano 'yon?" saad ni Zadie.
"Si Jupiter ba talaga 'yon?" saad ni Quina.
Tinawanan lang ni Jani ang reaksyon nila. Siya lang kasi nakahuli ng sweet moments naming dalawa ni Jupiter sa school.
"Ang OA niyo naman. Nagpaalam lang 'yong tao para na kayong nakakita ng multo!" sagot ko.
"Ay talaga! That's not Jupiter!" sagot ni Zadie.
"Yeah, that's not Jupiter. That's Agape, my love..." I smiled.
"Nanlalamang na naman si Nebby sa atin!" Inirapan ako ni Quina.
"Mukha kayong mag-asawa..." komento ni Jani.
"Hindi pa nga kami, asawa na agad iniisip niyo!" sagot ko.
After we had dinner, Quina and Zadie decided to go to their hotel to rest. While me and Jani continued to finalise the remaining preparations for our reunion. Si Jani na ang isa-isang humanap sa mga kaklase namin noon. Ako naman ang nakipag-usap sa events organizer namin para maayos na ang venue ahead of time. After finishing the last minute preparations for our reunion, Jani went home. Maaga pa raw kasi niya bubuksan ang coffee shop nila bukas kaya kinailangan nang umuwi.
When the clock ticked to 10 pm, I decided to go to the hospital to send some coffee to Jupiter. Sigurado naman akong wala na silang case ng ganitong oras. I messaged him that I will bring him some coffee and food para naman hindi siya gutumin. Sigurado rin kasi akong sinasabayan niya ng review ang paghihintay sa ward. Ibinili ko na rin si Lux dahil sigurado akong mang-aalaska na naman iyon kapag nakita ako roon.
When I got to the hospital I messaged him to go down. Nang makababa siya ng elevator ay agad siyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit. He looks so tired kahit ilang oras pa lang ang nakalipas. Siguradong mabibigat ang cases na napunta sa kanila ngayon.
"Nakakapagod..." He whispered.
I tapped his back to assure him. "It's okay, Agape. I'm here..." I softly answered.
When he calmed down, I gave him the cup of his favourite coffee. Hindi man ako sigurado kung iyon pa rin ang gusto niya ay binigay ko pa rin. Bumili na rin ako ng sandwich para makakain siya kahit kaunti. Sigurado akong hindi pa siya kumakain ng dinner.
"Nag-dinner ka na ba?" saad ko.
"Not yet. The cases tonight are heavy. We needed to observe an emergency operation at the neuro ward. I was not prepared," he answered.
"Ganoon talaga sa hospital setting. I remember back then when I was a student nurse, I assisted in an emergency suture procedure. Hindi rin ako handa that time at iyon ang unang beses kong humawak ng ganoong case. It was hard but it was all worth it. I learned a lot in that experience, I hope you do too in your experience," sagot ko.
Nang lumingon ako sa kanya ay nakatingin lang siya sa akin na para bang kinakabisado ang mukha ko at pinakikinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. The way he looks at me is the way he looked at me before. Noong kami pa, sa tuwing may sinasabi ako ganiyan niya ako tingnan.
"This is the first time I heard you talk about your nursing life..." he answered.
"This is also the first time you needed advice," sagot ko.
Nang maubos na niya ang pagkain niya ay hinatid niya na ako sa parking lot.
"Iabot mo na lang kay Lux 'yan para hindi ka niya alaskahin," saad ko.
"Noted, Ma'am! Mag-iingat ka pauwi and text me when you arrived at home," sagot niya.
Tumango lang ako at sinarado na ang pintuan ng kotse ko. Hindi naman tumagal ang biyahe dahil malapit lang ang hospital sa condo namin nila Jani. I texted him when I arrived. Dumiretso na ako sa kwarto ko, sigurado na rin namang tulog na si Mommy. Gumawi ang aking paningin sa frame na nakasabit sa kwarto ko. 'Yong drawing niya na nakasuot kami pareho ng uniform ng dream profession namin. Ang abogasiya ay dapat sa kanya, ang medisina ay dapat sa akin pero nagpalit kami.
Ngayon ay natupad na ang pangarap namin para sa isa't isa. Tapos na akong mag-aral ng law school, lisensya na lang at ganap na akong abogado. Siya ay malapit nang matapos ng medical school. Ngayon ay mas naintindihan ko na kung bakit kinailangan naming maghiwalay. We needed to grow apart to achieve the dreams we had for each other. Finally, I can let go of the guilt I had when I left him. As we embark to a new beginning, I pray that every step I'll make he'll be there beside me. Sana hindi na kami paghiwalayin ulit ng tadhana kasi handa na ulit akong isulat ang naudlot naming kwento. Handa na akong ituloy ang naputol naming pagmamahalan. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. I loved him unconditionally and came to a point that replacing him is like cheating.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top