CHAPTER 11: DATE?
Jupiter's POV
It's been a few weeks since we talked about the reunion. Everything was already set. Nakapag-book na ako sa hotel sa La Union para sa venue. Hinihintay na lang talaga namin ang graduation ni Nebula para matuloy ang most awaited reunion namin. Nagpaalam na rin ako sa university namin and gladly they let me took the online class during that time. I'm really looking forward to how this reunion will turn out.
"Jupiter!" tawag sa akin ng kakambal ko.
Day-off ko today at nandito siya sa condo ko para manggulo at manood ng netflix. Ako naman ay busy sa pagbabasa ng cases kasi malapit na ang midterms namin. Lumabas na ako ng study area dahil mukhang tapos na siya magluto ng lunch namin.
"Let's eat. Nababaliw ka na naman diyan sa inaaral mo," she said.
"So far hindi pa naman. Kumusta na kayo ni Silas?" tanong ko.
"Well, noong gabi pala na nag-bar sila ng friends niya is dumaan siya sa favorite perfume shop ko to buy my perfume. I failed to recognize the smell because it is a new variant of the shop. True enough he had lots of photos in the shop and he gave me his access on his phone to make sure everything was fine. Nilagay niya sa sarili niya 'yong perfume ko para hindi siya lapitan ng girls." Pinakita niya sa akin ang photos nila ni Silas after mag-away.
"What about bakit siya hindi nag-update sa 'yo?" I strictly asked her.
"His friends are the culprit. Tinago 'yong phone niya, next time hindi ko na siya papayagan sumama doon," sagot niya.
"Good thing he wasn't the culprit kasi kung siya humanda na talaga siya sa akin," sagot ko.
Kung may ginagawa lang talaga siyang kalokohan sa likod ng kakambal ko, hindi ako magdadalawang isip makipag-boxing sa kaniya. My sister doesn't deserve to be treated like that.
"Enough to talk about me, sa 'yo naman. Kumusta na kayo ni Nebby?" sagot niya.
"Wala, acquaintances pa rin," sagot ko.
Wala naman kasi kaming pinag-uusapang ibang bagay. Puro follow up lang tungkol sa venue at madalas sa gc lang kami nag-uusap para updated rin 'yong mga dati naming classmates.
"What if ayain mo siya ng amusement park date? Sa susunod mong day-off. I'll buy you tickets to go to the Enchanted Kingdom. Kumilos ka na bago ka pa maunahan noong bestfriend niya," sagot niya.
"Okay. I'll wire you the payment," sagot ko.
Hindi ko ngayon alam paano siya aayain na magpunta roon. This is my chance to get to her again. Maybe before going to the amusement park, I'll ask her out for some coffee. Baka naman mabigla siya kapag basta-basta ko na lang ayain.
"Lumabas muna kayong dalawa before kayo magpunta ng EK. Baka naman hindi sumama sa 'yo kapag doon mo na siya aayain. Kung maghihintay ka pa ng pasko baka sila na ni Luxury," saad ni Mars.
"Hindi mangyayari 'yan. Kung gusto niya pang mamuhay ng mapayapa, 'wag niya dikitan ang nebula ko. Pero kung gusto niya naman na lumayas na ng maaga sa mundo at hindi tapusin ang medisina, isang scalpel lang katapat noon," sagot ko.
"Kung mabagal ka rin kumilos, di mo mababakuran!" Binatukan niya ako.
Napailing na lang ako at tinapos ang pagkain namin. After we eat ay umalis na rin siya dahil may date raw sila ni Silas. Mabuti 'yon nang makabawi-bawi siya sa init ng ulo na binigay niya sa akin.
Kinagabihan ay kinailangan ng hospital ng on-call resident kaya ako na ang pumunta. Short-staffed rin daw sila kaya tinawagan rin ako. Di ko inaasahan na maraming pasyente pagdating ng gabi. Hindi pa naman kasi ako na-rotate sa ER ng night shift. Madalas rin kasi na nasa neuroward ako kapag night duty.
"Thank you, Doc. Ang bilis mo mag-respond kahit malapit na 'yong midterms niyo," saad ni Dra. Sanchez.
"No worries, Doc!" sagot ko.
Pagkatapos kong mag-assist sa mga pasyente ay tinuloy ko na ang naudlot kong pag-re-review. Nang maghating-gabi ay napagdesisyonan kong magpahinga na muna dahil konti na lang naman ang admissions at may isa pang residente na dumating. Before I go to sleep I am usually scrolling on my phone when I remembered what me and Mars talked about earlier. I should make a move now kasi baka mahuli ako kung hindi pa.
Nebula Damaris
Me:
Hi Nebby! I know it's late at night but I just wanna ask you if you're free tomorrow?
Her:
I'll be at school tomorrow to process my remaining documents. Why?
Me:
I just want to ask you if you're up for a coffee date?
It will be afternoon naman so no worries sa lakad mo ng morning.
Her:
Ok. Where?
Me:
Same cafe near the hospital.
Para hindi ka na ma-hassle mag-drive.
Her:
Ok.
Heto na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko at hindi maburang ngiti sa labi. The feelings that I thought I will never feel again resurfaced. Para akong teenager na nanliligaw sa long time crush niya. Well this is the second time that I will court her. Iba talaga ang tama ng pag-ibig sa pangalawang pagkakataon. Hanggang sa pagtulog ko ay madadala ko yata ang saya ng pagpayag niya sa date namin.
Nebula's POV
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag-aya ni Jupiter sa akin. Para kong bumalik sa panahon na nagliligawan pa lang kaming dalawa. Naalala ko pa 'yong kaba ko noong first time ko siyang dinala sa bahay. He asked my mother's permission first before he courted me. Kaya maaga rin ako nagising dahil siguro excited akong magkape kasama siya. Iba pa rin kasi ang lasa ng kape kapag kasama mo 'yong taong dahilan bakit minahal mo 'yon.
"Bakit nakangiti ka today?" tanong ni Jani.
"Lagi naman akong nakangiti ah," sagot ko.
"Hindi eh, may kakaiba sa aura mo ngayon. I am only seeing that smile kapag nag-uusap kayo ni Planeta," sagot niya.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paghahain. Pinagluto ko kasi si Jani ng breakfast at baon niya. Sabi kasi ni Caleb ay parati na lang siya nag-oorder at hindi rin naman makapagluto ang bebe niya dahil abala na agad sa bar.
"Let's eat na para maaga tayo matapos today sa errands!" saad ko.
"Okay, let's eat!" sagot niya.
Pagkatapos namin mag-agahan ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan namin at binigay na sa kaniya ang baon niya. Gumawa rin ako ng sandwich na paborito ni Lux kasi nag-request siya. Pinaalala pa ng kolokoy na 'yon na gawan ko rin si Jupiter para hindi raw siya sapakin.
"Kanino 'yong isang tupperware?" tanong ni Jani.
"Kay Jupiter. Na-trauma yata si Lux sa talim ng tingin ni Jupiter eh," sagot ko.
"Lux? Jupiter? Eh di ba rivals sila?" sagot niya.
"Nope. Nag-mo-move on na sa akin si Lux. Napagod na yata sa araw-araw kong pambabara sa kaniya sa tuwing may confession siya. Saka pinag-usapan na namin na kung magkakagusto siya ay huwag nang ako..." sagot ko.
"Wow, so talaga ngang nag-give way na siya para sa inyo... Eh si Jupiter, ano nang score niyo? Kumusta ba 'yong pagkikita niyo?" Inayos niya ang kaniyang bag.
Pinunasan ko naman ang kamay ko at tumingin sa kaniya. "Coffee date raw kami mamaya..."
Nakita ko ang paghinto niya ng paglalagay ng gamit sa bag at pag-angat ng tingin sa akin.
"Bilis niya naman. Kakakita niyo lang noong isang linggo," sagot niya.
"Natakot yata maunahan kaya binilisan niya na ang pagkilos," sagot ko.
Nang matapos niyang ayusin ang bag niya ay kinuha ko na ang susi ng kotse. Ihahatid ko muna siya sa shop nila bago ako dumiretso sa hospital. Dadaan muna ako doon bago ko pumunta sa school. Siguro after ko asikasuhin ang mga kailangan sa school ay mamimili ko ng mga pasalubong kila Mommy sa mall. Inipon ko na kasi ang natira kong allowance para pag-uwi ay may dala ako. Saka nagsisimula na rin akong maghanap ng mga hospital na pwede kong pagtrabahuhan rito sa bansa.
"Ingat ka sa pagmamaneho!" paalam ni Jani nang maibaba ko siya sa shop nila.
"Enjoy the day!" Kumaway ako sa kaniya at pinaandar na palayo ang sasakyan.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na ako sa hospital. As usual natagpuan ko na naman si Lux sa lobby na nakaabang sa akin. Inabot ko na sa kaniya ang sandwich na pinahanda niya.
"Nasaan si Jupiter?" tanong ko.
"Nandoon pa yata sa doctor's lounge nag-aayos. Intayin mo na lang dito," sagot niya.
Tumango ako at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Looks like you're moving forward huh?" I said.
"Pa-graduate ka na sa law school eh. Iyon sinet kong deadline sa sarili ko, na kapag patapos ka na sa law school dapat graduate na rin ako sa 'yo. Natupad naman and I'm focused now on my goals as a future doctor. Ayoko naman masira 'yong matagal kong pinaghirapan dahil sa heartache. Saka matagal ko nang tinanggap na hanggang friends lang tayo at nakikita ko naman sa mata mong mahal na mahal mo pa rin siya," sagot niya.
"That's good to hear, Lux. We're better off as friends nga. Hayaan mo igagawa pa rin kita ng sandwich at dishes na gusto mo kapag may long duties kayo," sagot ko.
"Promise mo 'yan ah?" He offered his pinky finger to seal our deal.
Tinanggap ko naman ang kaniyang pinky finger at nag-pinky swear kami. Masaya ako na unti-unti na rin tinatanggap ni Lux na hanggang friends lang kami. Sinubukan ko naman talagang mahalin siya pero hindi pa rin talaga kaya ng puso kong magmahal ng iba. At hindi tama na mahalin ko siya dahil siya ang nandiyan. Ayoko na mangyari 'yong ganoon sa iba kaya hindi ko rin ginawa o naisip na magkaroon ng karelasyon habang hindi pa ako tapos magmahal ng iba. I will be an abuser if that happens and I don't want someone to suffer heartaches and traumas because of me. Break up will never be an excuse to use someone as a tool to move forward because people have emotions and everyone deserves to live in peace.
Hindi rin deserve ni Luxury ang magmahal ng babaeng hindi pa tapos magmahal ng iba. He deserves everything the world can offer. He's not just a good friend, he will also be a good partner. Lahat na yata ng green flag ay nasa kaniya.
Naputol lang ang pag-iisip ko nang kalabitin niya ako at itinuro ang kabubukas lang na doctor's lounge. Iniluwa nito si Jupiter na nag-aayos pa ng kaniyang buhok at hawak ang kaniyang cellphone. Ginagamit yata bilang salamin sa pag-ayos niya ng buhok.
"Ayan na siya. Nebby. Aalis na ako baka masapak pa ako. May rounds pa naman ako mamaya-maya. Thank you sa sandwich mo!" paalam ni Lux.
"Enjoy the sandwich!" sagot ko.
Lumapit sa kaniya si Lux at itinuro kung saan ako nakaupo. Agad naman siyang lumapit sa akin. Abot tenga ang ngiti niya nang makalapit sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng init sa pisngi at umiwas ng tingin sa kaniya. Para kong nalulunod sa mga mata niya. Mukha itong nangungusap katulad ng unang beses akong tumingin rito.
"Why are you here? I thought you had erands?" he said.
"I brought a sandwich for you. I thought you have duty kaya dinalhan kita ng pwede mong makain. Are you going home?" Inabot ko sa kaniya ang lunchbox.
"Wow, you thought of me talaga. Thank you! Oo sana pero sasamahan na kitang asikasuhin 'yong paperworks mo para mapabilis ka na," sagot niya.
"Nakatulog ka na ba?" sagot ko.
Baka naman kasi mamaya hindi pa siya nakakatulog. Ayoko naman na hindi siya nakapagpahinga masamahan lang ako. Dapat priority niya pa rin ang sarili niya kesa sa akin. I know how tiring medical field is kaya gusto kong makasigurong nakapagpahinga siya kahit paano.
"Yeah. I took a nap for 3 hours. Buti na lang kaunti lang ang pasyente kagabi," sagot niya.
"That's just 3 hours. Baka mamaya maging anemic ka niyan. Magpahinga ka na lang sa bahay mo. Kaya ko naman asikasuhin 'yong paperworks ko. Konti na lang din naman 'yong mga kailangan kong ipasa," sagot ko.
"Wala naman akong gagawin sa bahay. Hindi rin naman ako makakatulog agad kaya sasamahan na lang kita. Wala rin akong dalang kotse kasi coding ko today, gusto mo ipag-drive pa kita." He smiled and winked.
Umirap na lang ako sa kaniya. "Hindi ka magdadrive. Kung gusto mo sumama sa akin, doon ka sa passenger seat ng kotse ko!"
"It's so ungentleman kapag pinag-drive mo ako," he argued.
"It will be a life risk kapag pinagdrive kita. Baka makatulog ka pa habang nagmamaneho. Don't worry hindi ko ibabangga ang kotse para hindi ka na nag-o-overthink diyan," sagot ko.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagpapatalo, Attorney... Sige na nga ikaw na mag-drive." He tucked the loose hair strands behind my ear.
"H-Hanggang ngayon ang dami mo pa ring opinion, Doc..." sagot ko.
He smiled when he's satisfied with the hairstyle he made. Ako naman ay hindi makatingin ng deretso sa kaniya. Mas tumangkad na siya sa akin kesa noong huli kaming nagkita. Siguro dahil na rin sa tagal ng panahon na hindi kami magkasama kaya naninibago rin ako. Nang makabawi sa pagkagulat ay hinila ko na siya papunta sa parking lot.
Kahit ako ang magdadrive ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto. Sumakay na rin ako at siya naman ay umikot na papunta sa passenger seat. Nang makasakay na siya ay ini-start ko na ang kotse para makaalis na kami.
"I remember before that you dream of going on a road trip with me. Hindi lang tayo pinapayagan nila Tita noon dahil masyado pa tayong bata..." he said, reminiscing our past.
"Yeah... Iyon nga ang naalala ko noong binili ko 'tong first car ko," sagot ko.
Na-stuck kami sa traffic kaya liningon ko siya. I saw him looking at me intently. Totoo ang sinagot ko sa kaniya. Ang kotse na ito ay regalo ko sa sarili ko noong 20th birthday ko. Siya ang una kong naalala nang bilhin ko ito dahil sa pangarap kong road trip kasama siya.
"C-Can we do it again?" he asked.
"If may chance pwede naman..." sagot ko.
Knowing his field of work, alam kong kaunti lang parati ang time niya para sa sarili niya. Alam ko ring konti lang ang magiging oras niya sa labas ng hospital kaya I want to apply in the hospital he's on duty para hindi siya mahirapan na mag-adjust for me. Nagpasa na rin ako doon ng resume ko para hindi na mapurnada pa ang balak ko.
"Sa next day-off ko punta tayo ng Enchanted Kingdom!" saad niya.
Agad akong napalingon sa kaniya nang marinig ang sinabi niya. Matagal na naming binabalak nila Jani na pumunta ng EK pero laging hindi natutuloy dahil sa sobrang busy namin.
"Sige! Kailan ba day-off mo?" sagot ko.
"Next Friday," sagot niya.
"I'll clear my schedule for that!" sagot ko.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa school. Hinayaan ko na lang siyang umidlip na lang muna sa kotse ko para kahit paano ay makapagpahinga siya. Saglit lang rin naman akong magpapasa ng mga papeles ko dahil kaunti na lang din naman iyon.
"Congrats, Damaris!" bati sa akin ni Bryan, blockmate ko.
"Thanks!" sagot ko.
Marami pang nakipagkuwentuhan sa akin pero hindi na rin ako masyado nagtagal dahil inalala ko si Jupiter. Baka nagising na 'yon at hanapin ako kaya agad rin akong nagpaalam sa mga blockmates ko. Saktong pagdating ko sasakyan ang siyang paggising ni Jupiter.
"Are you done with your errands?" he asked in his bedroom voice.
"Yeah, I'm done!" sagot ko.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil para kong nalulunod sa mga mata niya. Saka iyong boses niya ay paulit-ulit na nag-p-play sa sa ulo ko. Parang 'yong mga voice message niya noon na pinakikinggan ko dati kapag nangungulila ako sa kaniya. Naninibago pa rin ako sa mga nangyayari pero nagugustuhan ko ito. I love the changes that are coming into my life.
"I'm sorry I didn't have the chance to go with you," sagot niya.
"No worries. Hindi rin naman ako nagtagal sa campus. Ang mahalaga nakapagpahinga ka kahit paano," sagot ko.
"Ako na magda-drive. Since this is your last errand for today, you deserve to have a treat," he said.
"Okay?" hindi siguradong sagot ko.
Lumipat na siya sa driver's seat at ako naman ay sa passenger seat. Ito na ba 'yong sinasabi nilang passenger's princess? Finally, after 8 years of driving alone naranasan ko na rin ang pagiging passenger's princess. Kahit kapag umuuwi ako at may mga lakad ako pa rin ang nagmamaneho para kila Mommy.
Instead na dumiretso sa way papunta sa coffee shop na malapit sa hospital ay nagulat akong tinatahak na namin ang daan papuntang express way.
"Saan naman tayo pupunta?" I asked.
"Tagaytay, don't worry babalik rin tayo!" sagot niya.
"Ang mahal ng gas, Jupiter. Doon mo pa napili magkape!" reklamo ko.
"Nebby, don't underestimate me. Kaya kong magpa-gas kahit nga pakasalan ka right now kaya ko eh," he countered.
Napailing na lang ako sa kaniya. "Let me remind you, mag-ex tayo duh!" Umirap pa ako sa kaniya.
"Nebula, just to be clear I won't give you false hopes. May balak akong ligawan ka ulit. Tatapusin ko lang itong hectic schedule sa med-school. I'll pursue you. Baka mamaya nag-o-overthink ka na diyan na pinaaasa lang kita eh," he assured.
I smiled when I heard his words. Kahit noon, he's a man of his words. He never failed to give me assurance in everything. Para kong bumabalik noong kabataan namin. Ganito rin niya ako binibigyan ng assurance kapag nagkakaroon kami ng misunderstanding before.
"Shoot your shot now. Baka mamaya maunahan ka na," sagot ko.
"Kahit mauna na sila. Alam ko namang sa huli ako pa rin eh. Words can lie but eyes don't..." Binalik niya ang tingin sa daan pagkatapos sabihin iyon.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Tagaytay. Sakto para mapanood namin ang sunset habang nagkakape. Siya na ang um-order at ako naman ay naghanap na ng mauupuan namin. Nang makahanap ng magandang spot ay doon na ako umupo.
Siguro kung pinagpatuloy ko ang namatay kong passion ay nandito ako at nagsusulat ng libro ko. Tagaytay is a place that has always been a setting to my stories. Isa sa mga lugar na pangarap kong mapuntahan noon. I sighed as I remembered the good old days of my youth.
"Nebby..." he called.
Agad ko namang binaling ang atensyon ko sa kaniya. I smiled to encourage him to talk. Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin na matagal niya nang tinatago.
"I can't believe we're here... Parang noon lang paulit-ulit kong pinagdadasal sa Diyos na ibalik ka niya sa akin. Ngayon, you're here with me. I remembered the days when I prayed to God to take me because of the pain but he didn't. Mukhang hinayaan niya lang tayo na maglayo muna para parehas tayong may ma-achieve sa buhay. Now that we are settled I think we're ready to re-write our love story..."
"I also prayed for this, Jupiter. Matagal ko rin pinag-isipan kung makikipagkita na ba ako sa 'yo o hindi. I know my sins, I know the pain I inflicted. To be honest, natatakot akong humarap sa 'yo. Natatakot akong kamuhian mo ako kaya ilang beses akong tumakbo. Ilang beses kitang tinakbuhan kasi nahihiya ako sa sarili ko. All you did was to love me pero nagawa pa rin kitang saktan. Natatakot akong baka ngayon masaktan na naman kita. But despite the fear, despite the pain, my heart still longs for you. It still beats for you, kahit anong layo ng paa ko sa iyo pa rin ako dinadala ng mga 'yon..." sagot ko.
Hindi ko pa masabi sa kaniya ang tunay na dahilan dahil hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Sapat nang malaman niya ang nararamdaman ko. I also want to assure him that in any circumstance, this time I will choose him. Kaya ko na siyang ipaglaban ngayon. This time hindi ko na siya susukuan.
"I will never get mad at you. No matter how long it hurts me because that's how I love, Nebby..." he answered.
Nahinto ang pag-uusap namin nang dumating ang waiter dala ang mga pagkain namin. Nagsimula na kaming kumain nang umalis ang waiter. Habang kumakain ay nag-uusap pa rin kami tungkol sa naging college life namin at dagdag na plano para sa reunion.
Nalaman kong pol-scie ang kinuha niyang course katulad ng sinabi ni Zadie sa akin. Pre-law pero nasa med-school siya. Parehong-pareho kami, may ilang units din siyang hinabol katulad ko.
After we ate we decided to go to a night market here. Bumili ako ng konting pasalubong na iuuwi ko at pasalubong para kay Jani mamaya. Sigurado akong magtatanong iyon kung bakit late ako umuwi. Eight years walang palya akong umuuwi ng alas otso ng gabi. Ano mang circumstance sa school ang ma-meet ko basta pumatak ang oras ng alas otso umuuwi na ako.
It is already 9:30 pm and we are just fixing the things we bought at the back of my car. Siya ulit ang nag-insist na mag-drive pauwi para makatulog raw ako sa biyahe. Sinabi ko na lang din sa kaniya ang condo building kung saan ako nakatira para kung sakaling makatulog ako ay maihatid niya ako.
True enough I was asleep the whole ride. Mahina lang siyang nagpatugtog sa stereo ng kotse ko para hindi siya antukin. Nagising na lang ako nang huminto na ang kotse.
"Nandito na tayo..." Marahan niyang sabi.
"Thank you for driving me home. Paano ka uuwi?" tanong ko.
Medyo malayo ang condominium na tinitirahan niya. Pinili niya kasi ay malapit sa hospital para raw mas convenient. 10 minute ride ang hospital mula rito at gabi na rin kaya mahihirapan siya mag-book ng masasakyan.
"Xavier had a business meeting at the mall nearby. Susunduin niya ako," sagot niya.
"Okay. Gusto mo umakyat muna para hindi ka naman lamigin rito?" sagot ko.
"Sige. Medyo matagal pa naman si Xavier sa meeting niya dahil madaldal ang tao na 'yon," sagot niya.
Tinulungan niya akong ibaba ang mga pinamili namin. Almost 10 pm na rin nang makarating kami sa condo. Saktong pagpasok namin ng condo ang paglabas ni Jani sa kwarto niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking kasunod ko. Kinukuwento ko naman ang status namin sa kaniya, hindi lang siya aware na magkikita kami ngayong araw.
"Nebby!" she screamed like she saw a ghost.
"Sorry, inaya ko siyang umakyat muna rito kasi wala pa 'yong sundo niya. Nagpatulong na rin akong iakyat 'yong mga pinamili ko para kila Mommy. Nandiyan rin 'yong pasalubong mo," paliwanag ko.
Agad kong inabot sa kaniya ang binili kong dress. Sigurado akong magugustuhan niya ito dahil mahilig siyang mag-style ng sarili niya.
She eyed Jupiter like a prey. Para namang asong maamo si Jupiter na nakangiti lang sa kaniya kahit para na siyang sasakmalin ng best friend ko.
"Kayo na ulit?" deretsahang tanong niya.
"No, but we're about to get there. Hindi ko pa siya nililigawan ulit..." sagot ni Jupiter.
Sa lahat ng taong nakaalam ng break-up namin, siya ang pinaka-nakaalam ng side ko. She saw how wrecked and broken I am in those times. I overcame it through her. Siya ang taong kahit na paulit-ulit ang rants ko ay hindi pa rin humintong pakinggan ako.
"Anong ginawa niyo? Bakit ngayon lang kayo?" nagtatakang tanong niya.
"He invited me over for coffee. Sa may Tagaytay ako dinala kaya natagalan. Nag-night market rin kami para makapamili ng pasalubong," sagot ko.
There's a glimpse of naughtiness in her eyes. Kahit kailan talaga ay di mawawala ang lihim na pang-aasar niya sa akin.
"Sige na, iwan mo na lang diyan sa isang sofa 'yong pinamili niyo. Umupo ka na, baka nangangawit ka na diyan. Ikaw naman, Nebby, magbihis ka na at tawagan si Tita para hindi mag-alala. Ako nang bahala sa bisita mo," saad ni Jani na parang nanay.
Ibinaba ni Jupiter ang mga plastik na pinamili namin sa night market kanina. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay. Nag-message na rin ako kay Mommy na nakauwi na ako. Hindi ko muna sasabihin na nagkikita na ulit kami ni Jupiter. Mas magandang sabihin iyon kapag personal na.
Mabilis lang ako nagbihis at nang makalabas ay nakita kong kinakalikot niya na ang tv namin. May meryenda na rin sa table at juice.
"I can't believe na nandito kayo sa harap ko, together..." Jani said.
"Akala ko reunion pa tayo magkikita," sagot niya.
"Me too. I did not expect that you'll go home with her tonight. Alam ko lang magkausap kayo," sagot ni Jani.
"Kayo pa rin ba ni Caleb?" tanong ni Jupiter.
"Yes, duh? Mas matagal na kami sa inyo ni Nebby," sagot ni Jani.
"Wow, karamay talaga kami sa love story niyo," singit ko.
Ilang sandali lang ay tumunog ang telepono ni Jupiter. Mukhang tinatawagan na siya ni Xavier.
"Excuse me, I'll take this call lang..." paalam niya na tinanguan naman namin.
Nang pumunta sa terrace si Jupiter ay agad akong hinampas ni Jani sa balikat.
"Akala ko sa picture lang siya guwapo! Pati pala sa personal!" she said.
"Shhh! Marinig ka!" saway ko.
Bumalik siya agad sa sala nang mababa ang tawag.
"I need to go now. Nasa baba na si Xavier," paalam niya.
"Sure, ihahatid na kita sa lobby," sagot ko naman.
"Thank you for letting me into your condo!" sagot niya.
"You're welcome! Balik ka ulit, Doc!" sagot ni Jani.
Nang maayos niya ang gamit niya ay pinauna ko na siyang maglakad palabas. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang makarating kami sa elevator.
"Thank you for spending the day with me, Attorney!" saad niya nang makarating kami sa lobby.
"No worries, Doc! I look forward to seeing you more often," sagot ko.
Sumakay na siya sa sasakyan ni Xavier. Kumaway lang ako hanggang sa mawala na sila sa paningin ko at bumalik na sa condo. Nang makaakyat ako ay nasa kwarto na rin niya si Jani kaya dumiretso na rin ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.
Cheers to more dates with him and rekindle the long gone love we both had for each other... Sana ngayon tama na, sana ngayon kami na talaga...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top