CHAPTER 10: REUNION

Nebula's POV

After I replied to the message he sent, he decided to not do it this season.

Jupiter Elio Armani

It's okay. Let me know when are you free para magawan ko rin ng paraan sa schedule ko.

Me:

Next month. That's my graduation.

Him:

Next month it is.

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang messages na 'yon pero hanggang ngayon, naalala ko pa rin iyon. Madalas na rin ako inaaya ni Lux na sa hospital mag-lunch dahil wala raw siyang kasama. Pabor rin naman sa akin dahil halos five hours ang pagitan ng susunod ko na klase.

"I heard masarap raw ang canteen food rito, bakit pinagluluto mo pa ako?" tanong ko.

"Hindi ako nabubusog sa canteen foods, mas prefer ko luto mo," sagot ni Lux.

"Paano na kapag hindi na ako sinipag na magluto? Matitigok ka na lang?" sagot ko.

Tinawanan niya lang ako at binuksan ang tupperware ng pagkain. I prepared his comfort food today because he needs to study for a quiz tomorrow.

"Sana hindi ka magsawa sa pagluluto for me!" he said.

"Malapit na ako magsawa, hindi ko lang sinasabi sa 'yo!" sagot ko.

While we were peacefully eating lunch the crowd went wild when someone entered the cafeteria. Nilingon ko ang dahilan ng ingay at napabuntong hininga na lang. Ilang araw na rin siyang nagpapakita sa cafeteria na 'to sa tuwing kumakain kami ni Lux ng sabay.

"Lux, una na ako. Naalala ko may class pala kami today!" paalam ko.

"Sige! Hatid na kita sa parking lot," he answered.

"Hindi na, okay na ako. Baka may ipagawa na sa inyo si Doc," sagot ko.

"Sige, ingat ka pabalik sa school," sagot niya.

Niligpit ko na ang pinagkainan ko at dinala na ang mga gamit ko. Umiwas na lang ako ng tingin nang magawi ang kaniyang paningin sa akin.

"Not now, Jupiter..." bulong ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa tapat ng elevator.

"Nebula!" tawag ng pamilyar na boses.

The voice that was once calling me "love". Pinipigilan ko ang sarili kong maluha dahil kusang nagbabalik sa ala-ala ko ang nakaraan namin. Nagbibingi-bingihan na lang ako upang huminto na ang mga ala-ala sa pagdaan sa paningin ko. Saktong bumukas ang elevator at agad akong pumasok doon at nagmamadaling isara. Hindi na siya nakahabol dahil tuluyan nang sumarado ang elevator.

Pagdating ko sa sasakyan ko ay kusa nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. This is not how I anticipate myself on meeting him, lalo lang akong sinampal ng plinano naming future para sa isa't isa. This is how our future looks but destiny's isn't with us. Natupad nga namin ang pangarap ng isa't isa ngunit hindi naman kami magkasama. At lahat ng 'yon ay dahil sa akin. After calming myself down I decided to go to a nearby convenience store to get ice cream. When I am alone and breaking down, ice cream's my go to food.

Kahit lutang ay tumuloy pa rin ako sa last class ko. Pina-drive ko na lang kay Caleb ang kotse ko para masundo namin si Jani sa shop nila. Nang makarating kami sa shop nila ay agad akong bumaba at humingi ng kape sa barista nila. Hindi pa naman closing kaya meron pa silang hinahandang kape.

"You look so stressed," Jani said.

"Nagkita kami sa hospital kanina..." Humigop ako sa kape na hinanda niya.

"Nino?" sagot niya.

"Jupiter..." Halos maiyak ako nang banggitin ko ang pangalan niya.

"Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo kung hindi ka pa prepared, Nebby..." she answered.

When I finished my coffee we all decided to go home. Kami na lang ni Jani ang natira sa condo dahil nag-move out na rin si Viv, she decided to stay at an apartment near her office. Masyadong malayo kasi itong condo namin sa pinagtatrabahuhan niya. Pagkarating namin sa condo ay dumiretso ako sa kwarto ko.

My eyes immediately went to the painting he gave me. Ito na nga ba talaga ang tamang panahon para magkita na ulit kami? Am I really ready to face him? Handa na ba akong ipaliwanag ang lahat kapag nagkita na ulit kami? I sighed and got my phone in my bag.

Hindi ko alam pero kusa na lang gumalaw ang kamay ko at nag-message sa kaniya.

Jupiter Elio Armani

Me:

Let's meet tomorrow. At the hospital's cafeteria.

Jupiter Elio Armani

Sure, I'll clear my schedule for you.

See you!

Me:

See you.

I sighed after sending the last message. Lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan kong nag-pre-prepare si Jani ng dinner namin. Ako naman na ang naghain ng lamesa upang pagkatapos niya ay makakain na.

"Let's eat!" masayang saad niya.

Nandito rin si Caleb kasi kapit-bahay lang namin siya. Papahuli pa ba iyon sa luto ng best friend ko?

"Nandito ka na naman, Caleb. Makikichika ka na naman!" asar ko.

"Si Anteh naman para namang may mainit kang chika diyan. For all we know, down bad ka pa rin sa vice president mo!" sagot niya.

"Babe, 'pag si Nebby nag-relapse sagot mo soju namin ha," banta sa kaniya ni Jani.

"Sure! Gusto ko nga nag-iiyak 'yan eh. Kasi naman sa school kapag nakikipag-debate parang iiyak na," sagot ni Caleb.

"Para namang hindi ka natahimik noong ikaw na sumalang!" sagot ko.

Natapos ang dinner namin na inaasar ako ni Caleb kay Jupiter. Somehow kapag sila kasama ko nakakalimutan ko 'yong bigat kahit inaasar ako ni Caleb. As the night became old, we decided to sit on the balcony. Inabutan ako ni Jani ng ice cream.

"Here, sana makagaan 'yan ng loob mo," saad niya.

"Thank you..." I smiled.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa city lights. I sighed while reflecting on my actions lately.

"Have you thought about our highschool reunion?" she asked.

"Yeah, I'll meet him tomorrow," sagot ko.

"Tomorrow?! Bukas kaagad?!" Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Yeah, I don't think I can still run away from this. For sure hindi naman iyon kaagad magtatanong ng tungkol sa nakaraan namin. No funny business ang mangyayari. Pag-uusapan at plaplanuhin lang namin ang reunion," sagot ko.

"Gusto mo samahan kita?" sagot niya.

"Huwag na, busy ka sa shop niyo. Iyon na lang muna ang pagkaabalahan mo," sagot ko.

"Pwede ko naman ipaasikaso muna kay Kuya 'yong shop. I know that even if it seems fine, inside your head it isn't. Baka mamaya bigla ka na lang mag-breakdown habang magkaharap kayo doon," sagot niya.

"I'm okay, Jani. Don't worry..." sagot ko.

"Just call me after you two talked. Don't drive when your mind is hazy. I'll pick you up right away," bilin niya.

Tumango lang ako bilang sagot. Nang maubos na namin ang ice cream ay pumasok na kami sa loob. Hinugasan ko lang ang pinagkainan namin at dumiretso na sa kanya-kaniyang kwarto. Tomorrow will be the day that I will conquer my fears. I hope everything will fall into places. Sana ay hindi niya muna ungkatin ang nakaraan, kasi hindi pa ako handang sagutin ang mga katanungan niya 'pag nagkataon.

The next morning I did my morning rituals and cooked us breakfast. Ngayon ang huling class ko sa law school dahil tapos na ang hell week. Lumabas na rin si Jani ng kaniyang kwarto. Ready na rin siyang pumasok sa kaniyang trabaho.

"Good morning!" bati ko.

"Good morning, Nebby! How's your sleep?" sagot niya.

"Okay naman. Last class na namin sa law school at tapos na!" masayang sagot ko.

"Oo nga, makakatulog ka na. Baka naman mamaya niyan maisipan mo mag-med school ha," sagot niya.

"Hindi malabo!" biro ko.

"Kumain na nga tayo!" sagot niya.

After we eat breakfast, hinatid ko na siya sa shop nila. Hindi siya naihatid ni Caleb kasi nagpaalam itong may aasikasuhin sa school. Buti na lang ako ay tapos na sa mga kailangan na paper works for graduation. Nominated pa nga ang thesis namin for best thesis this year.

"Ingat ka!" paalam ni Jani.

"Thank you!" Kumaway ako bago paandarin ang sasakyan.

Dumaan na rin ako sa coffee shop na favorite ni Lux para sa morning coffee niya. Katatapos lang ng 12-hour shift niya kaya dadaanan ko siya at dadalhan ng kape para makapag-drive pa rin siya pauwi. Malapit lang naman ang hospital sa school kaya hindi pa ako ma-le-late. Saktong paghinto ko sa tapat ng hospital ay tumunog ang cellphone ko.

Lux:

Saan ka na?

Me:

Dito sa parking lot. Bumaba ka na riyan.

Lux:

I'll be there in five.

Wala pang five minutes ay nakita ko na siyang lumabas mula sa hospital. He's wearing his doctor's coat with messy hair and his eyeglasses on. Nang makalapit ito sa akin ay agad niya akong sinalubong ng yakap. He always does this after our long shifts in nursing school.

"Kapagod, Nebby..." he whispered.

Tinapik ko ang kaniyang likod. "Kaya 'yan!"

Nang humiwalay na siya sa akin ay inabot ko sa kaniya ang coffee niyaa at ang favorite niyang tinapay. Bahagya kong inayos ang buhok niya upang kahit paano ay mabawasan ang pagka-haggard niya.

"Doc, pagod rin naman kami pero bakit may tagahawi ka na ng buhok diyan?" asar ng isang doktora na pasakay sa kotseng nakaparada sa malapit.

Napailing na lang ako at mahinang tumawa.

"Makaalis na nga. May pasok pa ako, Lux! Text-text na lang!" paalam ko.

"Drive safely!" sagot niya.

"You too. Mag-text ka kapag nakauwi ka na," bilin ko.

Nang makasakay sa kotse ay kumaway na lang ako sa kaniya bago paandarin ito palayo. Parang bumagal ang takbo ko nang makita ko si Jupiter na nakatayo sa exit ng hospital at nakatingin lang sa gawi namin. He looks so worn out, parang hindi siya nakatulog kagabi kahit saglit.

Parang gusto ko tuloy ihinto ang sasakyan at lapitan siya pero hindi ko na magagawa dahil baka ma-late pa ako sa klase. Huling class na nga lang, na-late pa. Hanggang sa makarating ako sa school ay naiisip ko pa rin ang pagod niyang mukha. Napailing na lang ako at inabala ang sarili sa pakikinig sa klase. This will be the last class in law school that I will attend. The announcement of the class valedictorian will also be conducted today. I have been hoping for that spot since first year. That's why I studied all day and night to achieve that spot.

Lunch came and I decided to eat in our school's cafeteria. They said that the announcement will be spontaneous and through the speakers of the school.

"The class valedictorian for this year is... Levine, Nebula Damaris!" the dean announced through the speakers.

When I heard my name I almost cried. Agad-agad kong minessage si Mommy tungkol sa magandang balita. Ang tagal kong pinaghirapan ang title na 'yon. After four years of sleepless nights, nagawa ko. This has been my goal since I entered law school.

"Love... I made it..." I whispered, hoping that the air would send it to him.

Bawat estudyanteng nakasalubong ko ay binabati ako pati na rin ang mga blockmates ko. Tinawagan ko si Lux pero hindi niya nasagot, siguro ay nag-ro-rounds pa siya. Hindi bale, pupunta naman ako sa hospital ngayong uwian. Dumaan muna ako sa cashier para bayaran ang remaining balance ko at mga kailangan sa graduation. After settling everything I went to the parking lot.

Nagmaneho na ako papunta sa hospital para kitain si Jupiter at pag-usapan ang tungkol sa reunion namin. Hindi naman mahirap i-locate ang cafeteria ng hospital dahil malapit lang ito sa entrance. Nang makahanap ako ng upuan ay nag-message na ako sa kaniya.

Jupiter Elio Armani

Me:

Nandito na ako. 5th table, in the aisle.

Him:

Tapusin lang namin 'tong rounds then I'll go.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-scroll sa social media. After an hour ay may naglapag ng kape at umupo sa upuan sa tapat ko kaya agad akong nag-angat ng tingin. He looks good in his messy fringe hairstyle and eyeglasses on. Mukhang lumabo na rin ang mata niya sa pagtagal ng panahon.

"How are you?" The first words came from my mouth.

Bahagyang umawang ang kaniyang bibig nang marinig ang tanong ko.

"I-I'm fine... You? How's law school? I heard from Zadie that you entered law school," he answered.

"I'm the batch's valedictorian..." sagot ko.

"I hope you're somehow proud of what I have become..." my mind says.

Nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata at ngumiti ng bahagya nang marinig ang sinabi ko. I badly want to smile when I saw that, kinubli ko na lang ang ngiti ko sa pag-inom ng kape.

"Congratulations! I remembered back then that you almost got my spot but there's one point difference in our final average..." he smirked.

"Old habits never die nga, mayabang ka pa rin pagdating sa grades!" sagot ko.

"Enough with the chit chat na nga, let's plan the reunion na," sagot niya.

"I thought of having a beach as our venue. Like Boracay or La Union," sagot ko.

Naisip ko kasi na mas ma-e-enjoy ng lahat ang beach dahil sa relaxing aura nito.

"Pwede sa Boracay but not everyone can afford the airfare. Baka hindi lahat makasama kapag Boracay ang venue natin. Mas okay na 'yong La Union, malapit lang and kaya i-travel by land. Mag-rent na lang tayo ng minibus para sa mga classmates nating walang kotse," sagot niya.

"Let's go with La Union na lang. Hati tayo sa bayad doon sa rent ng minibus. Sabihan ko na lang 'yong former officers natin para makapag-prepare ng games," sagot ko.

"Maghanap na lang ako ng hotel mamaya pag-uwi ko para makapag-book na ahead of time. After next month na lang natin i-schedule para tapos na ang graduation mo at nakauwi na sila Zadie," he replied.

"Sige. I'll inform them about the upcoming reunion para ma-determine ilang rooms kailangan natin," sagot ko.

After settling everything we need for the party I invited him for a coffee. Nakakahiya naman kasi kung basta-basta na lang ako aalis doon at iwan siya sa hospital. Mukhang walang duty si Lux dahil walang nang-aabala sa akin sa pagdalaw ko sa hospital. As we walked to the nearby cafeteria my phone rang. Huminto ako sa paglalakad at sinagot ang tawag.

"Hello?" saad ko nang hindi tinitingnan ang caller.

"You look good together..." Lux answered.

Muntik na akong mapamura sa narinig kong sinabi ni Lux. Hindi bakas ang sakit sa kaniyang boses kundi pang-iinis.

"Dadalhan na lang kita ng kape para matahimik 'yang kumakalam mong bibig sa chismis," sagot ko.

"Thank you! Alam na alam mo talaga ako paano kunin, isang kape lang; wala na, sa 'yo na ulit umiikot ang mundo ko," sagot niya.

"Manahimik ka na, Lux. Di bagay sa 'yo!" sagot ko.

"Bye! Enjoy your date!" sagot niya sabay patay ng tawag.

Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik sa bulsa ko ang cellphone. Looks like someone's moving forward na. Paano naman akong hindi pa rin makausad sa high school love ko?

"What's with the sigh, Attorney?" he said.

"N-Nothing. Let's go, I'll treat you to some coffee," sagot ko.

When we got to the coffee shop nearby the hospital ay umorder na ako ng favorite coffee ni Lux at ang palagi kong order.

"Good evening, the usual..." I said to the cashier.

"One spanish latte and one hot chocolate," pag-uulit ng cashier.

"Jupiter, ano sa 'yo?" saad ko.

"Spanish Latte rin," sagot niya.

Pagkatapos naming mag-order ay umupo na kami malapit sa glass wall ng shop. Kitang-kita mo rito ang pagdaan ng mga sasakyan at mga tao. Kadalasan sa nakikita kong dumaraan ay ang mga off-duty na nurses. I suddenly remembered the first course I took. Scrubs sana ang suot ko ngayon at hindi corporate attire.

"Have you ever thought of going back to your first love?" he asked.

"First love?" sagot ko.

Hindi ko mawari ang nais niyang iparating. Dalawa ang ibig-sabihin ng first love sa akin.

"Nursing... I heard that after you took the board exam for nurses, you entered law school. Now that you're done in law school, naiisip mo na bang balikan ang forgotten profession mo?" he answered.

"I'm planning to go back... Siguro after ng bar exams next year..." sagot ko.

Tumango siya sa narinig. "Where do you plan to work?"

"I don't know. I plan on working here first before going outside the country pero depende pa rin. Parang gusto ko rin kasi munang i-practice 'yong law degree ko," sagot ko.

Dumating na ang waiter dala ang mga order namin. Inaya ko na si Jupiter na bumalik ng hospital dahil baka hinahanap na siya ng mga kasama niya mag-duty.

"Thank you for spending the night with me, Nebula..." he said.

"For old times sake, Jupiter..." sagot ko.

Agad na ring dumating si Lux na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. Mukhang hindi toxic sa ward na na-assign sa kaniya kaya ang laki ng ngiti.

"Nasaan na ang kape ko?" he said.

"Ito na. Mag-palpitate ka sana!" Inabot ko sa kaniya ang kape.

"Thanks! Ingat ka sa pag-drive!" sagot niya.

Napalingon ako sa pwestong kinatatayuan ni Jupiter para magpaalam sana pero bigla na lang siyang nawala.

"Nagselos yata, Nebby..." bulong ni Lux.

"Ang aga naman ng delulu time mo!" sagot ko.

"Umuwi ka na nga. Baka hinihintay ka na ni Jani doon," sagot niya.

"Sige na baka hinahanap ka na ng mga ka-duty mo! Enjoy your coffee!" sagot ko.

Dumiretso na ako sa parking lot para makauwi na. Gabi na rin naman at hindi na masyadong ma-traffic. Hindi mabura ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa makauwi ako dahil kahit paano ay nabawasan ang bigat na dinadala ko. Him talking to me gives me the peace of mind that he isn't mad. Sana magtuloy-tuloy ang maayos naming pakikitungo sa isa't isa. Alam ko namang hindi pa ito ang huling pagkakataon na magkikita kami. Lalo pa't binabalak ko nang magtrabaho sa hospital. We just don't share the same field, we also share the same interests and values. Hanggang ngayon nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang Jupiter na minahal ko noon.

Jupiter's POV

Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Masasabi kong hindi pa huli ang lahat dahil kahit nakikita ko silang magkadikit ni Luxury ay hindi ko pa rin nakikita sa mata niya ang pagmamahal para sa lalaki na 'yon. I cannot see the glint in her eyes when she looks at him. Hindi pa rin siguro ako napapalitan sa puso niya.

"Doc, bakit parang ang lawak ng ngiti mo ngayon?" saad ni Clyde. Isa siya sa mga nurse na umaagapay sa amin kapag wala ang consultant namin.

"Ha? Hindi kasi masyado busy ngayong araw," sagot ko.

Agad na bumukas ang elevator at iniluwa nito si Luxury na dala ang kapeng ibinigay ni Nebula. Basta na lang ako umalis kanina dahil mukha akong third wheel ng babaeng mahal ko. Jealousy struck my system as I look at the coffee on his hand.

"Nakipag-date kasi si Doc," sabat niya sa usapan.

"You know that's none of your business, right?" sagot ko.

I met him a few times in court before. Ilang beses ko na rin siyang natalo sa mga championship game. Minsan ko na rin siyang nakita sa mga pictures sa wall ni Nebula.

"It is my business, Doc. The person you were with earlier is precious to me. Ngayon, kung wala kang balak panindigan ang mga kilos mo sa kaniya earlier sabihan mo na ako nang hindi na siya magsayang ng oras sa 'yo," sagot niya.

Mukhang totoo nga ang lumilipad na chismis, gusto niya nga ang bestfriend niya. Well, too bad for him I don't share what I own kahit naghiwalay na kami ng matagal na panahon.

"Don't worry, she's not wasting her precious time with me. Paninindigan ko rin kung anoman ang pinaramdam ko sa kaniya kanina." Iniwan ko na siya sa nurse's station at dumiretso sa doctor's lounge.

Kakain na muna ako at magpapahinga habang wala pa ang bugso ng pasyente. Saktong pagtapos kong kumain ay dumating na ang consultant namin para sa rounds niya ngayong gabi. Mabilis lang natapos ang 12-hour shift namin dahil kaunti lang ang pinagawa. Dumiretso na ako ng uwi sa condo ko, matutulog lang ako ng four hours at mag-aaral ulit.

Nagising ako sa pagtunog ng doorbell ng condo ko. Agad akong tumayo at pinagbuksan ng pinto ang nag-doorbell. Nagulat ako nang makita si Mars na nakatayo sa harapan ng pintuan ko at namumugto ang mata.

"Ano nangyari?" Agad ko siyang niyakap.

"Wala lang... Na-miss lang kita..." sagot niya at yumakap pabalik sa akin.

I know there's something wrong that she cannot talk about. Ganito ang kakambal ko kapag may hindi siya masabi. Pinapunta ko na siya sa sala ko at pinagluto ng comfort food niya. I saw her watching her comfort show when I got back to the living room.

"I heard na nakipagkita ka raw kay Nebby," saad niya.

"Yeah. We talked and drank coffee," sagot ko.

There's no point of lying to her. Iyon rin naman ang una kong sasabihin sa kaniya 'pag nagkita kami.

"How does it feel? Does it hurt?" she asked and sipped on the soup of the ramen.

"It feels like home..." sagot ko.

Napangiti siya nang marinig ang sagot ko. This is also what she's been waiting for. Matagal niya nang hinihintay ang oras na ikukwento ko na ulit sa kaniya si Nebby.

"You've been through a lot and you deserve this, okay?" she answered.

"Mukhang medyo matatagalan pa ako dahil may mga plans pa siya na gusto i-achieve individually. Kahit hindi pa ako kasali sa plans na 'yon..." sagot ko.

"Don't miss this chance, Jupiter. Kasi alam ko kung gaano katagal mo siya hinintay," sagot niya.

"Ikaw naman magkuwento, anong nangyari sa inyo ni Silas?" sagot ko.

I knew that Silas is the reason why her eyes are swollen. Kahit kailan hindi ko pinaiyak ang kakambal ko. Lagi naman si Silas at academics ang dahilan ng pagiyak niya.

"Umalis kasi siya last time tapos nalaman ko na inaya siya mag-bar ng friends niya. Hindi siya nakapag-update sa akin then umuwi siya sa condo ko na amoy perfume ng girl," sagot niya.

"What?" sagot ko.

Hindi ko inaasahan na ganitong bagay na ang maririnig ko sa kaniya. Hindi naman kasi gawain ni Silas 'yon. Madalas na iniiyak sa akin ng kakambal ko kapag sobrang busy nila sa school at hindi na nagkakaroon ng oras si Silas sa kaniya.

"Yes... I asked him about it but he said he doesn't remember a thing," sagot niya.

"Nasaan siya?" mapagtimping tanong ko.

"I think he's at his condo. I am giving him space to reflect. Ayoko naman mag-conclude agad kasi baka hindi naman sadya..." she answered.

"Fix it first. Hindi ko kayo panghihimasukan sa relationship niyo, but make sure that this will be the last time you will cry about him going out without your knowledge. Kapag hindi inayos ni Silas, humanda siya sa 'kin," sagot ko.

"Thank you, Jupiter... I don't know what I will do without you..." sagot niya.

I hugged her tightly to somehow make her feelings light. I don't want to see her struggling with love because I know how hard it is. Hindi ko kayang makita ang kakambal ko na umiiyak sa bagay na minsan ko ring naranasan. I hope this will be the last time Silas will have allegations concerning girls.

"Dapat na talagang magkabalikan kayo ni Nebby. Baka maging love guru ka na at tumandang mag-isa," saad niya.

"We'll get there, Mars. Hindi man ngayon pero hindi ko hahayaan na hindi kami magkatuluyan. I will do whatever it takes to go back home," sagot ko.

"You'll be home soon, Jupiter!" sagot niya.

Alam kong may chance pa pero hindi ko alam kung kailan ang tamang timing. The reunion with our classmates is just the first step to re-write this love story. This time I will make everything right and do anything to make her stay. Ayos na ang ilan taon naming paghihiwalay. We already gave fate a chance to remove us in each other's life. This time, kahit tadhana na ang kalaban ay gagawin ko ang lahat makabalik lang sa kaniya. I pray that the Lord will give us the chance to restore our love that once died.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top