CHAPTER 1: HINTS

Nebula's POV

Nauna akong dumaring sa room dahil kailangan kong buksan ang mga bintana at electricfan. Shifting kasi kami at 'yong huling nagkaklase ay sinasarado ang mga bintana kapag umuuwi na sila sa umaga. After a few minutes Jupiter came.

"Don't be stressed over them today, ah?" he said in a concerned manner.

"I'll try my best..." sagot ko.

Araw-araw sinusubok ng mga kaklase ko ang pasensyang inilalaan ko para sa kanila. Being a president is tiring but I love my position and I love how I develop growth through this. Hindi lang ako natutong magkaroon ng mahabang pasensya sa lahat maging makipagkapwa tao. Mas naiintindihan ko na ngayon ang paligid ko dahil sa ipinagkaloob sa akin na posisyon sa room.

After doing my duties I decided to go to my place and open my notes to review. Kailangan may maisagot ako sa recitation mamaya sa klase namin. Habang nagbabasa ay umupo siya sa tabi ko.

"Sabay na tayo mag-recess?" he said.

"Sige. Isabay na rin natin si Jani!" sagot ko.

"Okay!" he replied.

Nang dumating na ang iba naming kaklase ay bumalik na siya sa upuan niya.

"Good afternoon, Pres!" bati ni Louie.

"Good afternoon!" sagot ko.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang adviser namin.

"Good afternoon, grade 10!" She greeted us.

"Good afternoon, Ma'am Jessy!" bati namin sa kaniya.

"So for today, I am going to announce about your upcoming performance task in music and in arts. Magkasama na pong g-grade-an ang music at arts niyo sa performance na ito. So we will have a concert, there will be best performance at ang performance na iyon ay gagawin niyo sa Friday. I will stop the discussion for this week and I expect that you guys will give your best in this performance task. Pwede niyo nang pag-usapan ang gagawin niyo ngayon," she announced.

"Officers, let's have a meeting outside. Mahirap magkarinigan rito," saad ko.

Agad naman na tumalima si Jupiter at ang iba pa naming kasamahan. Kasama si Viv at Jani sa officers. Si Viv ang secretary namin at si Jani naman ang PIO.

"Pres, anong plano natin?" tanong sa akin ni Lia.

"I think we can form a band. I'll be the singer and the lead guitarist," suggestion ni Jupiter.

"Good, I think much better if we will portray a story in our performance? What do you guys think?" saad ko.

"Pwede. Magtanong na lang tayo sa mga kaklase natin kung ano prefer nilang song. I can also be a drummer of the band. I'll just bring my drum set," sagot ni Gian, ang auditor namin.

"Noted," sagot ko.

Agad kong ina-announce sa klase ang naging conclusion ng maikling meeting namin. Nakiisa naman ang lahat sa paghahanap namin ng kanta at nang mapagdesisyonan namin ang magiging kanta ay agad na kaming namili ng magiging leads sa binubuo naming scene. After we discussed about our upcoming performance ay dumating na rin ang next subject namin.

Nang mag-recess ay sabay-sabay kami nila Jani na nagpunta sa canteen. As usual nang pumasok kami ay pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Siguro ay curious sila bakit magkasama ang rivals ng Levi.

"Kulang na lang ng magpapa-autograph pwede na kayong artista dalawa," saad ni Jani.

"Naku. si Jupiter lang naman ang may fan girls. Ako nanahimik sa room natin," sagot ko.

"Weh? Last time nga may nagbigay sa 'yo ng bulaklak mula sa ibang section eh," sagot niya.

"Really?" Jupiter countered.

"Yes. but I refused kasi alam kong may magseselos," paliwanag ko.

Pumila na kami para makabili ng merienda namin. Nang makabili na ay dumiretso na kami sa kubo. Habang nag-me-merienda ay binuksan ko ang phone ko at nag-scroll sa facebook.

Umalis saglit si Jupiter dahil kinailangan ni Silas ng kasama. Hindi nakakagalaw ang tao na 'yon nang wala siya.

"Nebula, hindi naman sa pinangungunahan ko kayo pero may balak ba kayo sabihin sa iba yung relationship niyo?" saad ni Jani.

"We are not closing doors about it. We also haven't talked about that. Sinusulit pa namin ang relationship namin na walang ibang nakakaalam," sagot ko.

Tumango naman siya. We are not keeping our relationship secret rather than lowkey. We prefer that way kasi less pressure na gawin ang mga bagay na ginagawa ng couples. We are also getting deeper with our relationship as time goes by.

Balak ko rin naman sabihin kila Viv soon pero alam ko naman na may hinala na rin sila. Palagi kasi kaming magkasabay na umuuwi at hinahatid naman ni Zadie si Quina sa bahay nila.

Pagkatapos ng recess ay bumalik na kami sa klase. Nang sumapit ang last period ay uminit na naman ang ulo ko dahil sinisigawan nila ako sa anecdotal record nila. Hindi ko naman gusto na sinisigawan ako pero wala na akong oras mag-deal pa roon dahil kailangan ko nang makauwi para mag-review sa long test bukas.

"Hey, you! Halika nga rito," tawag ni Jupiter kay Kian.

"Bakit?" sagot niya.

"Bakit mo sinisigawan 'yong president natin?" he asked in a cold tone.

Pati ang iba naming kaklase ay napatahimik nang marinig 'yon kay Jupiter. Malimit kasi siyang magsungit. He was known for his fun aura. Pero nawawala iyon kapag may babae nang hindi na-rerespeto.

"Eh kasi nakalista na naman ako! Wala naman ako ginagawa!" sagot ni Kian.

"Then that doesn't give you the right to yell at her. Hindi lang siya president natin, babae rin 'yan. What would you feel if I yelled at your girlfriend? Or worse to your mom?" Jupiter countered.

Nakita kong natigilan si Kian pero tinuloy niya pa rin ang pagsagot kay Jupiter.

"Eh ano bang pakialam mo? Vice president ka lang naman!" sigaw ni Kian.

"That's the point. I am the vice president of this class! And I won't tolerate your behaviour, it is unacceptable to yell at my president. I am working side by side with her and my responsibility as the vice president is to help her. Dahil lang sa simpleng anecdotal record nagkakaganiyan ka na, eh kasalanan mo rin naman bakit ka nalista!" sagot ni Jupiter.

"You know what? Kung puro ka apela na wala ka namang ginawa, bakit guilty ka? Susulat lang naman eh. Saglit na saglit lang. Kung di mo 'yon magawa then at least respect me. Nakakabastos 'yong pinaggagawa mo," naiiritang sabat ko.

Si Jupiter na ang tumapos ng anecdotal record para maayos ko na rin ang mga gamit ko. After we finished the record, sabay na kaming lumabas. Nabigla ako nang hapitin niya ang bewang ko at hinawakan ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Zadie at Quina sa labas. Nakita ko ang kakaibang ngisi ni Quina at ang makahulugang tingin nila sa isa't isa.

"Nebula, we was about to ask you kung sasabay ka ba kaso mukhang kasabay mo na 'tong si VP eh," Quina said.

Hindi pa rin binibitawan ni Jupiter ang kamay ko.

"May dapat ba kaming malaman?" saad ni Zadie.

"W-Wala-wala!" Agad kong tinanggal ang pagkakahawak ni Jupiter sa kamay ko.

I saw how his forehead creased and his shoulders went down. I know that what I did hurt him. Kaya sasabihin ko na bukas kila Quina ang relationship status namin ni Jupiter. Ayoko nang masaktan siya.

"Mauna na kami ni Quina ah? Ihahatid ko na lang siya sa kanila, mukhang may date kayong dalawa eh!" mapanglokong sagot ni Zadie.

"I-Ingat!" sagot ko na lang.

He sighed when they left. No words said but he hugged me.

"Ayos lang. Naiintindihan ko..." saad niya.

"Love, I know it's not fine..." sagot ko.

Bumitaw siya sa yakap at hinawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko.

"Tell them whenever you're ready. Hindi mo kailangan madaliin na sabihin sa kanila kung hindi ka pa handa," he explained.

"Handa na akong malaman nila... Bukas sasabihin ko sa kanila 'yong real score natin," sagot ko.

"Halika na. Baka hinahanap ka na ni Tita," sagot niya.

Naglakad na kami palabas ng school. May ilan pa kaming nakasabay na schoolmates namin pero wala na kaming pakialam. Hindi na rin kami tawag pansin kasi gabi na at hindi na masyado kita ang mga mukha namin. Nang maihatid niya na ako sa kanto namin ay hinintay ko na lang siyang makasakay ng jeep bago ako naglakad papasok sa baranggay namin.

Alam naman ni Mommy ang relationship namin ni Jupiter at hindi naman siya tutol doon dahil pareho naman kaming may napapatunayan pagdating sa academics.

As usual after ko magbihis ay chineck ko ang phone ko. Nagulat ako nang makita ang picture namin ni Jupiter na magkayakap sa tapat ng room sa gc namin nila Zadie.

Zadie:

No need to lie na, Nebula. Alam na namin.

Jani:

Wala akong kinalaman diyan @Nebula!

Quina:

Wag kang mag-de-deny. Matatanggap namin.

Viv:

Ba yan. Late niyo na na-realize?

Me:

Sorry guys! I didn't mean to keep it a secret!

Zadie:

We understand. Alam namin gusto niyo lang din ng lowkey rs.

Quina:

Gets ka namin!

Viv:

We understand your side. We know that you have been through a rough break up with your past. Kaya nahirapan ka rin na mag-open sa amin.

Me:

Thank you for your patience guys! Mahal ko kayo!

Ganito nila ako iniintindi kaya hindi ko maiwasan na hindi sila mahalin pabalik. Katulad ni Jupiter, naiintindihan rin nila ako. They all knew what my past relationship was.

Kinabukasan ay pumasok ako nang walang sapat na tulog dahil tinapos ko pa 'yong mga sinalo kong gawain sa groupmates ko. Nakaalalay naman sa akin sila Gian at Jupiter dahil nakita rin nilang nahihilo ako.

"Pres, okay ka lang?" tanong ni Silas.

"Oo. Mag-practice na lang kayo doon, tulungan mo si Planeta," sagot ko.

Planeta kasi ang tawag ni Silas sa kaniya. Di nagtagal ay lumapit na rin sa akin si Jupiter.

"Magpahinga ka muna, umidlip ka. Pinagpaalam naman kita kay Ma'am. I'll just wake you up after our practice. Baka lalo pang sumakit 'yong ulo mo," he advised.

Tumango na lang ako at dumukdok sa armchair ko. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko dahil sa puyat at pagod. This week has been so draining for me but Jupiter's there to support me. He is the moral support I have.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-idlip ko. Dumating na ang teacher namin. While taking notes ay may kumatok sa pintuan kaya napahinto ang teacher sa pagtuturo.

"Yes?" saad ni Ma'am.

"Ma'am, may I excuse Jupiter for awhile?" sagot ni Mars, ang kambal ni Jupiter.

Nang magawi ang tingin niya sa akin ay bahagya siyang kumaway. Tinanguan ko lang siya. 3 minutes lang yata ahead si Jupiter sa kaniya kaya hindi niya 'to tinatawag na kuya.

Si Mars ang madalas kong kasundo kapag bumibisita ako sa bahay nila. Sabay rin kami nagpa-pamper day. Nang makuha na ni Mars ang kailangan niya kay Jupiter ay bumalik na siya sa upuan niya.

After class ay sumabay na ako palabas kila Zadie kasi hindi niya ako masasabayan at may band rehearsals sila. Pinaghahandaan talaga nila 'yong performance. Si Viv naman ay abala rin sa paggawa ng props namin.

"Kumusta naman kayo ni Jupiter?" tanong ni Zadie.

"Okay naman. May band rehearsal kaya hindi siya nakasabay sa akin," sagot ko.

"Na-mi-miss ka na namin," Quina answered.

"Kayo rin na-mi-miss ko na! Tagal ko nang di nakakasabay sa inyo nila Jani," sagot ko.

Palagi kasing kung di si Jupiter ang kasabay ko umuwi ay naiiwan naman ako para mag-lock ng room. Sa recess na lang kami nagkakasama ni Jani. Nauuna na sila sa akin kasi may strict parents din sila kaya kailangan nila umuwi agad.

"Labas tayo sa Saturday! Isama mo si Jupiter!" Quina suggested.

"Sure. Magpapaalam ako kay Mommy," sagot ko.

"We wanna know what Jupiter's second personality is!" saad ni Zadie.

"Nako, kung alam niyo lang," Jani hinted.

"May alam ka?" Nanlalaking matang tanong ni Zadie.

"Yup! Ako pa ba?" sagot ni Jani.

"Nagtatampo na kami ah," saad ni Quina.

"Nahuli lang din kami ni Jani sa library," sagot ko.

Noong araw na nalaman ni Jani na kami ni Jupiter ay nag-re-review kami sa library para sa long test.

"Hindi ko na kaya!" I cried.

"Agape, I'll teach you. 'Wag ka na umiyak." Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

Doon na ako tuluyang nag-breakdown. Napahinto lang ako sa pag-iyak nang tumayo sa tapat ng table namin si Jani.

"Sabi na nga ba! Kaya may kakaiba kapag nagtitinginan kayong dalawa!" she said.

"Jani, 'wag mo muna sabihin kahit kanino 'to..." Jupiter warned.

Tumango naman si Jani.

"That's how Jani knew about it," saad ko.

"Ang cute! We thought habang buhay na kayong rivals eh," sagot ni Quina.

"Ilang months na kayo?" saad ni Zadie.

"6 months nang kami pero since grade 9, MU na kami," sagot ko.

"Strong ah! Sana all!" sagot ni Jani.

Nang maihatid na namin si Quina sa bahay nila, hinintay ko munang makasakay sina Zadie at Jani kasi nasa iisang way lang naman sila.

Nang makauwi ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Wala pa si Mommy dahil nasa trabaho pa. Kaya nagsimula na lang muna ako gumawa ng assignments ko ngayong araw.

Agape:

I just got home, Pres. We already finalised everything. Wag ka na ma-stress pa sa mga mangyayari sa performance sa Friday. We all made sure na magiging maayos lahat sa performance.

Me:

Magpahinga ka na. For sure napagod ka rin. Saka maraming assignment na kailangan tapusin. Eat your dinner ha?

Baka mamaya di ka na naman kumain.

Agape:

Opo. Masusunod, mahal kong reyna.

Me:

Tigilan mo ako. I'll talk to you later after ko maggawa ng assignment.

Agape:

Chat me kapag may hindi ka maintindihan sa assignment.

Me:

Yup!

Napangiti ako nang ibaba ko ang cellphone at mahinang napatili. Hanggang ngayon kahit matagal na kaming dalawa hindi pa rin nawawala 'yong sparks. Like others thought, akala ko rin magiging rivals na lang kami kasi to be honest he was so attractive since then kaya ko siya nagustuhan. We were both achiever kaya mas nagustuhan ko pa siya kasi lahat ng pwede mo hanapin sa lalaki nasa kaniya na.

After finishing my assignments I decided to eat dinner. Hanggang ngayon wala pa rin si Mommy kaya nauna na akong kumain.

The days passed by so fast that I did not recognize that it was already the last day of the week. Ngayon 'yong araw ng performance. Halos lahat ng estudyante ay naghahanda na para sa kaniya-kaniyang performance. Kami ang unang mag-pe-perform kaya nag-aayos na sila sa stage ng instruments at props na gagamitin.

I also made sure that the lead roles are ready for their performance. Naka-stand by lang ako sa audience. May tiwala naman ako sa mga ito kasi alam kong kaya nila. Maiingay lang talaga.

"Please welcome, the grade 10-Levi Celerio!" the host introduced.

Bumukas ang kurtina na humaharang sa stage at nagsimula nang tumugtog si Jupiter. "Ligaya" by mrld ang kasalukuyan nilang tinutugtog. Nagawi ang nakakalusaw na tingin ni Jupiter sa akin.

Iniiwasan kong hindi mapangiti kaya iniwas ko ang tingin sa kaniya at nilipat sa mga sumasayaw. Naghiyawan lalo ang mga tao nang marinig ang mahinang pagtawa niya sa mic.

Tumikhim siya. "So for our last song, sabayan niyo kami ah?"

Nagsigawan ang mga estudyante nang tanungin niya iyon. Marami pang naghahampasan dahil narinig nila ang singing voice niya. Madalas kasi ay pormal siya makipag-usap.

"Jupiter, taken ka na ba?!" sigaw ng isa na nangibabaw sa auditorium.

Nakita ko ang tinginan nila Zadie, Jani, at Quina sa stage.

"Yes. Anyways, enjoy our last song everyone!" sagot ni Jupiter.

Tumugtog ang intro ng Pasilyo by Sunkissed Lola.

"Palad ay basang-basa...

Ang dagitab ay damang-dama.

Sa aking kalamnang punong-puno ng pananabik at ng kaba...

Lalim sa aking bawat paghinga...

Nakatitig lamang sa iyo...

Naglakad ka... ng dahan-dahan.

Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan."

All throughout the song he was looking at me while the people were shouting his name so loud. He was like giving me assurance through the song.

Nang matapos ay bumalik sa entablado ang host.

"Mukhang may ihaharap na sa pasilyo itong vocalist ng Levi ah!" she said.

Mahina namang nagtawanan ang mga tao. Bumaba na rin sila sa entablado. Pinahiram rin kasi nila 'yong mga instruments sa ibang section. Agad akong nilapitan nila Zadie.

"Titig na titig sa 'yo si VP kanina!" saad ni Quina.

"Kulang na lang isigaw niya na kayo na eh!" saad naman ni Jani.

"Malapit naman na kami sa stage na 'yon," sagot ko.

"I suggest mas mainam na kaunti lang nakakaalam kasi once na malaman 'yan ng buong school maraming maghahangad at makikiagaw. Ngayon pa nga lang na hindi nila alam, marami nang naghahangad eh," saad ni Zadie.

"Hindi naman namin totally i-bro-broadcast sa lahat eh. Sa circle lang natin. Saka 'yong mga 'yon hanggang hangad lang naman 'yon sa akin pa rin siya," sagot ko.

"Sino?" singit ni Silas.

"Wala!" sagot ko.

"Pres, may thing ba kayo ni Planeta?"sagot niya.

"K-Kami?" kinakabahang sagot ko.

"Ay hindi, kami!"

"Ina mo!" sagot ni Zadie.

"Wala," pagsisinungaling ko.

"Bakit parang ikaw 'yong wallpaper niya?" sagot niya.

"Baka naman si Mars 'yon. Napagkamalan mo lang na ako kasi parehas kami ng hairstyle," sagot ko.

Naka-wolf cut rin kasi siya pero alam ko ang tinutukoy na wallpaper ni Silas. 'Yong lockscreen sa phone ni Jupiter na candid photo ko noong palabas ako ng school.

Tumango siya na para bang nakumbinse sa kasinungalingan ko. Pagkatapos ng mga performances ay nag-break muna kami bago ang announcement ng mga nanalo.

Inabutan ako ni Jupiter ng tubig at snacks.

"Thanks, Love!" saad ko.

Nagtilian naman si Zadie, Quina, Viv, at Jani. Napunta tuloy sa amin ang atensyon ng mga tao. Tumitikhim akong umiwas ng tingin sa kaniya at nauna nang maglakad sa table. Lumipat naman siya sa table nila Silas para doon sumabay.

"Huy! Kalmahan niyo. 'Wag kayong maingay!" saway ko.

After we ate snacks ay bumalik na kami sa auditorium. Magkatabi kaming umupo ni Jupiter sa bandang harapan at ang buong Levi naman sa likod namin.

"Are you ready to know who's the champion in our mini-concert?!" saad ng host.

Naghiyawan naman ang mga tao. Kinakabahan rin ako kasi baka mamaya mag-expect sila ng panalo tapos hindi naman pala kami panalo. The expectations were too high and it's giving me a headache.

Jupiter touched the back of my hand to console me.

"Whatever the outcome will be, you did your best in this performance okay? May nanalo at may natatalo sa isang competition. Losing doesn't make you less of a leader and winning doesn't gain you more. It gives you confidence and drive to win but always remember that you cannot always win in everything. Okay?" He lectured.

Sa aming dalawa siya ang unang nakakabasa ng emotions ko. Kaya kahit paano ay nabawasan ang stress ko. Na-announce na ang 3rd at 2nd place. Kaya lalong nag-alab ang kaba sa sistema ko.

"Handa na ba kayong malaman kung sino ang champion?" the host asked the audience.

Naghiyawan naman ang lahat.

"Levi na 'yan!" sigaw ng mga kaklase namin.

"The winner is... " Binitin ng host ang sinasabi niya dahil inabot na sa kaniya ang envelope.

Napansin kong nagawi ang tingin niya sa pwesto namin.

"Who's your bet?" tanong niya.

Karanihan ang sinagot ay Levi at ang iba naman ay 'yong mga ibang section.

"The winner is... 10-Levi Celerio!" she announced.

Naghiyawan lahat at ako naman ay di na mapigilan na umalpas ang luha sa mga mata. Sabi ko di ako iiyak eh, kaso kusa na lang tumulo ang mga iyon. Nagbunga ang sakripisyo namin ni Jupiter na mapasunod ang lahat at ayusin ang banda.

Umakyat na kami ng stage at kinuha ang certificate. Pagkatapos ng awarding ay pinauwi na rin kami.

"Congratulations Agape!" he said.

"Thank you, Love! Our sacrifices were all worth it!" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Nakakatuwa kayo, mga anak. Nakita ko talaga 'yong efforts niyo bilang leaders ng klase. I am so thankful to have you as Levi's leaders. Napalabas niyo talaga 'yong talents ng bawat isa... Iyon ang lamang niyo sa ibang section, nakita ko 'yong pagkakaisa niyo," Ma'am Jessy said.

"Of course Ma'am gusto lang namin 'yong best para sa inyo at para sa Levi. Kasi ilang buwan na lang din po, mag-le-leave na kayo 'di ba? Kaya po habang nandito pa kayo gusto po namin na maibigay lahat ng panalo sa inyo," sagot ko.

"Alam mo ba matagal ko nang napapansin na may something sa inyo ng vice president mo?" she said.

"Lagi niyo po yata kaming nakikitang magkasabay..." sagot ko.

"Hindi, minsan kasi nakita ko 'yong bag niya na may sanitary pads and sabi niya sa 'yo raw 'yon. Saka palagi ko kayo nakikita sa kubo na nagtutulungan sa assignment. Saka every time may hindi magandang ginagawa or may sinasabi kulang na lang kainin niya ng buhay 'yong gumawa noon sa 'yo," sagot ni Ma'am.

"Nako, Ma'am, nature na po niyang tignan ng masama 'yong mga kaklase namin! Di po kasi pasensyosong tao 'yan! Palagi rin po 'yan may dalang ganoon kasi 'yong kakambal niya, laging nakakalimot," sagot ko.

Ngumisi na lang si Ma'am na parang naniniwala sa sinabi ko.

"Syempre po, Ma'am. Ayoko po na sinisigawan siya. Nakakabawas po ng respeto sa iba kapag naninigaw ng kapwa nila, especially leader pa po," paliwanag ni Jupiter.

"Nako, Jupiter! Lalo ko kayong nahahalata ah! Sige na't nandiyan na rin ang sundo ko, umuwi na kayo pagkatapos niyong i-lock ang room ah?" bilin ni Ma'am.

"Yes Ma'am!" sabay na sagot namin.

Nang matapos namin ang pag-lock ng room ay naglakad na kami palabas ng school.

"Agape, I texted Tita that we'll have an ice cream date. Pumayag naman siya basta raw ihahatid kita sa bahay niyo," he said.

"Okay then. Let's celebrate another milestone of ours!" sagot ko.

Ganito kaming dalawa kapag nanalo ang klase namin sa mga kompetisyon. Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay hinatid niya na ako sa bahay namin.

"Ijo, dito ka na kumain," Mommy invited him.

"Hindi na po, Tita. Hinihintay rin po ako ni Mama sa bahay," Jupiter answered.

"Sige. Mag-iingat ka ha?" sagot naman ni Momny.

"Text me if nakauwi ka na," saad ko.

"Salamat po, Tita! Good night!" Nagmano pa siya kay Mommy.

Nang hindi ko na matanaw si Jupiter ay pumasok na kami ni Mommy ng bahay.

"Nakakatuwa 'yong boyfriend mo. Napakagalang niya..." Mommy complimented him.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy. Iyon ang isa sa hinangaan ko sa kaniya ang pagiging magalang niya. Nagbihis lang ako ng pambahay at bumaba na ulit para sabay kaming kumain.

Ilang araw na rin kaming di nagkakasabay kumain ni Mommy kasi lagi siyang late lumabas sa trabaho. Nang matapos kaming kumain ay umakyat na rin ako para makapagpahinga na.

Every Friday lang ako nakakapagpahinga dahil sa dami ng gawain. Sinusubukan ko na ulit bumalik sa pagsusulat nang tumunog ang phone ko. Ibinaba ko ang ballpen at hinawakan ang phone ko.

Jupiter calling...

"What?" I said in monotone.

"I'm just checking on you. Baka umiiyak ka na naman diyan," he answered.

"Hindi. Nagsusulat ako ngayon," I assured him.

"Oh? I'm sorry if I disturbed you... Sulat ka na ulit. Isulat mo na 'yang on going mo at baka magtampo 'yong characters mo..."

"Characters ko ba talaga or ikaw?"

"Syempre characters mo! Ano ako? Thirteen years old na palaging kailangan ng lambing?" natatawang sagot niya.

"What if tinatablan ka pala ng ganoon?" sagot ko.

Never kasi siyang nagselos sa mga bagay na gusto kong gawin. He never deprived me of the liberty to do things my way or to do my passion. Tuwing magkagrupo kami kahit nagka-crash 'yong ideas namin kapag alam niyang mas makabubuti 'yong ideas ko 'yon ang mananaig and vice versa.

"Agape, sa tagal nating may relationship, kailan kita pinag-overthink na ayaw ko ng mga ginagawa mo?"

"Wala," maikling sagot ko.

"You don't need to test the waters, Agape. Kahit bukas na tayo mag-usap kung magsusulat ka tonight. Just remember 'wag masyado magpupuyat ha?" bilin niya.

Napakahilig ng taong 'to sa pagsasabi ng comforting words. Kaya imbis na tamarin na ako magsulat pagkatapos namin mag-usap ay itinuloy ko na ang sinusulat ko.

Jupiter is a heaven sent to me. Siya 'yong nag-iisang tao na di ako iniiwan tuwing nagkakaroon ako ng attacks. He was the one who's telling me that I have a lot to do pa. That he is always waiting for me to achieve my dreams. I still have him to continue this life. Kaya kahit mahirap, kahit lagi akong under pressure... Makita ko lang siya at mayakap sapat na para kumalma ako. Sapat na para masabi ko sa sarili ko na kaya ko pa. Na kakayanin ko kasi nandiyan pa siya.

He's not just my knight in shining armour he's also my handkerchief and blanket that wipes off my tears.

SONG USED: Pasilyo by Sunkissed Lola
Credits to the rightful owner of the song.








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top