Kabanata 4


"Mabuti naman at umuwi ka pa. Magbihis ka at magpafile tayo ng candidacy. Nag-aabang na ang mga press sa labas." Sinalubong si Levi ng ama. "Good timing dahil hindi ka lasing."

"Magbibihis ako pero hindi ako magpa-file. Mag-aani kami ng maraming sibuyas, kailangan kong bantayan ang mga magsasaka."

This is the first time that he's not drunk and he slept well. He was busy with Miranda and that girl, as annoying as she is, makes him smile. A breathe of fresh air. Sutil pero halatang mabait. Maldita pero iyakin. Pati sa pelikula naiyak pa, nabasa na naman pala ang istorya.

"You will file, Levi. Kung hindi ay walang aani." Malinaw ang boses na iyon ni Gobernador Mario Monasterio. "Ako pa rin ang trustee ng hacienda at hindi mo iyon makukuha until you reach 30. I can still do whatever I want with it."

"Putangina naman." Hindi na pinigilan ni Levi ang sarili, "Ang tagal niyo na akong binablackmail para mapasunod niyo. Ano bang gagawin ko bilang Vice-Mayor? Manginginom ako, babaero ako, the system will find a dirt on me whenever they want to! Gusto kong magnegosyo, bakit niyo ba ako pinipilit maging kagaya niyo?"

"You will thank us later, Leviticus. Ang ginagawa namin ni Fidela ay para sa inyong mga anak namin. Now, get dressed and act normal. Be ready in an hour."

Panay ang mura ni Levi habang nasa ilalim ng shower. Ipinapangako niyang hindi siya mangagampanya. Ipinapanalangin niya na matalo siya pero mukhang hindi iyon mangyayari. Tiyak na mamanipulahin ng kanilang pamilya ang resulta.

May bahagi ng kanyang closet ang puro barong. Wala siyang pakialam na humila na lang ng kung ano roon. It doesn't matter, magkakamukha naman iyon.

Kahapon lang yata siya nag-abalang pumili ng damit nang yayain si Miranda manood ng sine. Naaawa siya dahil mukhang pagod lagi tuwing umuuwi galing bukid. Seryoso pa ito sa pagbibigay ng 'ambag' na hinihingi niya. If Miranda only knew that he's the son of one of the wealthiest man in their province, malamang ay magagalit sa kanya dahil sa mga panggigipit niya. Napailing siya sa naiisip at napangiti rin.

Mananatili lang naman ito ng tatlong buwan sa kanyang pangangalaga, ang sabi ni Mang Pacio ay maaaring mas kaunti pa roon dahil pinaparusahan lang naman ng ina. She will go home in a few weeks and she will forget him, but that thought left a bitter taste in his mouth. 

Sabagay, will she ever like someone like him whose family is vile, at siya na lasinggero at babaero pa? Suntok sa buwan ang magustuhan ni Miranda.

"Levi." May kumatok sa kanyang kuwarto, pinagbuksan niya ang ama, "Its time."

--

Tiniyak ni Miranda na makinis ang mga plato na pinupunasan niya. Nainspire pa yata siya dahil lang sa sine! Nakakainlove naman kasi talaga ang palabas na iyon, Casper ang title at tungkol sa isang multo. Nakakaiyak lang ang ending, napapunas pa tuloy siya ng luha sa polo ni Levi. Buti na lang at ito ang nag-offer.

"Ang ganda ng ngiti! Nakakainspire ba ang mga plato, girl?" Nakapamewang sa kanya si Rose. Pabiro siyang umirap at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"Nakita namin kayo ni Amo kahapon don sa bayan ha! Kumakain kayo sa paresan. Hindi na namin kayo tinawag kasi mukhang nakakaabala kami." Makahulugan ang tingin ni May na nanunukso.

"Sana nga ay tinawag niyo kami at sumabay na. Namasyal lang kami at nanood ng sine."

"Namasyal LANG at nanood ng SINE!? 'E di nag-date kayo!" Susog ni Rose.

"Alam mo ikaw, Rose, malisyosa ka." Pagtutuwid niya sa iniisip nito, namumula na rin kasi ang pisngi niya.

Humalakhak si Rose, "'E bakit namumula ka? Eto naman, hindi ka namin masisisi kasi napakasimpatiko naman kasi ni Amo! Wala pa akong nakikita na ganon kagwapo at macho rito sa bayan! Tapos sa isang bubong pa kayo nakatira! Kayo na ba ha?"

"Hindi!" Matigas na tanggi niya. "Pinanagutan niya lang ang naging kamalian namin noong una kaming magkita."

"Pinanagutan! Nako, may gusto sa iyo yon, pusta ko! Bali-balita may karelasyon dati si Levi at nabuntis pa nga pero ba't hindi naman yon pinanagutan? Samantalang ikaw, nakatabi lang matulog..." Malisyosa siyang itinulak ni Rose.

"Nabuntis na hindi pinanagutan?" Nakuha non ang kyuryosidad niya. Kung totoo kasi iyon, bakit hindi pinanagutan ni Levi? Napakairesponsable naman pala. 

Napailing siya ng nakapikit, chismis lang siguro iyon dahil kahit magaspang ang ugali ni Levi, mukha namang mabait.

"Ang swerte mo naman! Ang ganda-ganda mo kasi! Talo na kami lahat! Magdadiet pa sana ako para magkapag-asa kay Amo. Ayoko na tuloy." Kumuha si Rose ng tinapay na nasa plastik sa dibdib niya at kinagatan iyon. "Gusto mo?"

"Hindi na, salamat." Ngumiti siya at nagpatuloy sa ginagawa.

Ilang sandali pa ay lumapit sa kanila si Nova, nagtatrabaho din ito sa bukid pero isa sa nagtatanim. Mas gusto daw nito ng aksyon dahil boring daw ang ginagawa nila.

"May hiring kami doon sa beerhouse sa bayan! Kailangan daw ng serbidora at singer, baka gusto niyo? Extra money din yon."

"Talaga ba, Nova?" Nakichismis agad si Rose, parang interesado.

"Oo! Sikat na kasi iyong tambayan!" Pagmamalaki ni Nova.

"Ano, apply tayo, Maita?" Tanong ni Rose.

"Sige ba.. Ikaw Miranda?"

"Nako, hindi papayagan ni Amo yan. Mahigpit yon!" Si Rose na ang sumagot para sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Bakit hindi naman siya papayagan? Kung tutuusin ay border lang naman siya nito at mukhang wala naman pakialam kung ano ang gawin niya sa buhay.

Isa pa, bagay kay Levi magsuot ng polo. Sa unang sahod niya, bibilhan niya ito para naman madagdagan ang mga polo nito. Kahit maglupasay pa siya kakatrabaho sa bukid ay hindi siya makakaipon ng ganon, kinukuha pa kasi ni Levi ang kalahati ng sahod niya.

"Sasama ako. Hindi magagalit yun si Levi. Madalas naman din uminom yon sa gabi."

"Ayan!" Napapalakpak si May. "Gusto ko yan na tatlo tayo para hindi ako kakabahan sa pag-aapply."

Nang matapos sila sa bukid ay nag-usap usap silang magkikita sa mismong beerhouse pagkatapos ng isang oras. Nagbihis pa kasi sila. Simpleng dress lang ang isinuot niya, kulay puti para hindi siya mapagkamalang maarte. 

May maliit na pila na sa harap ng beerhouse nang dumating siya pero naireserba na siya ni May at ni Rose.

"Naku! Mukhang maliit ang pag-asa natin dahil may mga experience na ang mga narito sa pila. Galing sila sa kabilang beerhouse." Kinakabahang bulong ni Rose. 

Huminga siya ng malalim, okay lang naman kung hindi siya makukuha at least sumubok siya. Sayang din naman yung tatlong daan kada gabi.

Goodness! She couldn't believe na ganito kahirap kumita ng pera! Part of her wants to run and go back to her mother but a part of her wanted to stay. Parang ginaganahan pa siya araw-araw tuwing nakikita niya si Levi tuwing umaga na pinaghahanda siya ng almusal. 

He's a yaya she never had!

"Ikaw na!" Itinulak siya ni Rose papasok sa loob. May tatlong tao na nakaupo sa dalawang lamesang pinagtabi. Isinenyas sa kanya ang stage kaya tumayo sya roon.

"Pangalan?" Tanong ng tomboy na matapang ang mukha. Nasa gitna iyon at mukhang iyon ang amo.

"Miranda po."

"Edad?"

"Twenty-six."

"Sigurado ka? Lagpas ka na dise-otso?" Pinanliitan siya ng mata ng kausap.

Tumango siya.

"Marunong sumayaw?"

"A-ah, hindi po ako nag-aapply na dancer, waitress po sana."

"Namimili ka?" Tumaas ang kilay ng kaharap.

"Sinasabi ko lang po. Macarena lang ang alam ko pero hindi pa perfect. Favorite ko rin ang moves ng UMD, sa International, Backstreet boys ang idol ko. Pwede ba yung mga ganong sayaw?"

"Hinde. Yung nakakalibog dapat." Matabang na sagot ng tomboy.

"Kanta? Kumakanta ka?" Subok muli nito.

"Medyo.."

"Alam mo yung bago? Yung kanta ni Selena? Ano nga yon?" Tanong ng tomboy sa dalawang katabi.

"Dream of you yata yun, Majoi.." Sagot ng isa.

"Tanga, dreams you." Sabad naman ng isa pa.

Nagtalo pa ang tatlo pero pare-parehas namang mali.

'Late at night when all the world is sleeping, I stay up and think of you, And I wish on a star that somewhere you are, thinking of me too..."

Nagkusa na lang siyang kumanta sa harap ng mga nag-iinterview. Dreaming of You ang title na pinag-uusapan. Paborito nga niya iyon! Naalala niya pang ito ang background music niya nong nabangga siya nitong nakaraan at nawalan siya ng malay.

Natigilan ang mga nag-iinterview. Si Rose at May na nakasilip ay panay tilian doon sa labas na akala mo naman ay nanonood ng patimpalak!

"Kaibigan namin yan! Go Miranda!"

Dahil doon, natanggap na nga siya bilang singer. Sa pinakamaagang set siya inilagay, ibig sabihin ay simula 7PM hanggang 10PM siya kakanta. Natuwa siya dahil P600 daw ang ibabayad sa kanya kada gabi, mas malaki nga raw sana kapag alas-diyez ang pipiliin niya kaya lang ay may trabaho pa siya sa bukid.

"Ang sama naman! Porket mataba doon sa kusina ilalagay?! Buwisit! Inumin ko mga mantika doon, makita nila!" Himutok ni Rose nang naglalakad na sila papauwi. 

Natanggap silang tatlo. Si May ay waitress, si Rose naman ay kitchen helper. Natawa si May sa pinsan nito.

"Kaysa wala! Ang dami-daming aplikante pero tinanggap tayong tatlo dahil magaling kumanta si Miranda."

"Isa pa yan! Hindi man lang ako tinanong kung marunong akong sumayaw o kumanta, sa kusina agad ang inalok! Ubusin ko ang bigas don sa loob."

"Hindi rin naman kasingganda ni Miranda ang boses mo Rose.. Pang-banyo ka lang."

"Pwede rin naman sumayaw ng nakakalibog ang mataba! Kapag lasing na ang lahat, pwede na rin ang katawang 'to!" Gumiling-giling pa si Rose, may pumito naman na mga tricycle driver sa di kaluyan. Kumaway si Rose sa mga ito.

"Tamo! Nasexyhan sa akin! Pumito 'e!"

"Sasakay kayo mga Miss?" Tanong ng pumitong tricycle driver. "Kaso baka hindi kasya yung kasama niyo, sa likod na lang siya o di kaya sa isang tricycle--"

"Gago! Pakyu!" Galit na galit si Rose na nauna nang maglakad. Natawa lang sila ni May.

Nakangiti si Miranda nang makauwi siya. Iba talaga ang joys na naibibigay ng simpleng bagay kapag simple ka na rin mamuhay. Sinong mag-aakala na mapapangiti siya ng P600 kada araw? Isang libo ang allowance niya sa parents niya, wala pa siyang ginagawa 'non ha!

"Saan ka galing? Kay bago-bago mo rito, gala ka na agad." Mapaklang wika ni Levi habang naghahanda ito ng hapunan sa mesa. Umirap siya.

"Nag-apply ako ng trabaho." Mayabang niyang pagmamalaki.

"Anong trabaho? Ano nga yon? Advertising?" Natigilan si Levi.

"Nakuha akong singer! Doon sa beer--"

"Hindi pwede!" Mabilis na sumimangot si Levi. "Anong singer? Magpapaulan ka ba sa buong probinsya? Malulunod ang mga palay at pananim ko."

"Nakapasa ako! Malaki ang sasahurin ko roon!" Pagdadahilan niya. 

"Hindi, Miranda. Hindi ka sanay sa ganoong lugar."

"Bakit hindi pwede? Sina May at Rose naman masaya na natanggap sila. Isa pa, P600 ang offer--"

"Hindi ba't mayaman ka? Barya lang iyon sa iyo. Bakit kailangan mong magpakapagod? Hindi pwede. Dito ka lang." Pinal na wika ni Levi. 

Nakaramdam siya ng habag sa sarili. Why does everybody has a say about her life except her? Kapag sinabing dumito muna siya sa probinsya, dumito naman siya. Kapag sinabing magtrabaho siya sa bukid, nagtatrabaho naman siya. Bakit hindi siya pupwedeng pumili ng iba pagkatapos niyang sumunod?

"You are just like my parents, Levi." Lumabi siya at nagtungo na roon sa silid nila ni Levi. Binalot niya ang sarili ng kumot at umiyak doon ng umiyak.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang umiiyak roon sa ilalim ng kumot dahil init na init siya. Shet, ang hirap magdrama na makapal ang kumot at hindi aircon ang silid. 

Naramdaman na lang niyang inaalog ni Levi ang kanyang braso. Akala ata nito ay madadaan siya sa ganon! 

Pero kapag sumilip siya ay mahahanginan ang kanyang mukha kahit papapaano. Think, Miranda. Bugahan mo na lang ng apoy si Levi at salubungin ng kamalditahan!

Sumilip siya sa ilalim ng kumot at naginhawahan ng kaunti sa preskong hangin. "Bakit?" Namamalat ang boses niya dahil sa pagluha pero tiniyak niyang mararamdaman nito ang kanyang irita.

"Kumain ka na."

"Ayoko." Nagtago muli siya sa kumot, pucha, ang init talaga!

"Hindi mo ako madaraan sa hunger strike, Miranda."

"Go away!" Naiinis na tili niya, aalisin niya ang kumot kapag iniwanan na siya ni Levi. 

Imbes na lisanin siya ay malakas na napabuga ng hangin si Levi. 

"Sige na, sige na. Pupwede ka nang magtrabaho sa beerhouse sa isang kundisyon.."

Pigil hininga siya roon sa ilalim ng kumot. May pakundisyon pa! Talagang may sinasabi si Levi sa buhay niya e wala pa silang 1 week magkakilala!

"Sasamahan kita, Miranda."

Napabangon siya at gusto niyang magbunyi sa malamig na hangin na tumama sa katawan niya. Dahil doon ay nakaramdam siya ng tuwa pati sa pagpayag na rin ni Levi. Not that he can change her mind, pero at least napabago niya ang desisyon nito.

"Totoo, Levi?"

"At ako ang pipili ng isusuot mo."

"Politiko ka? Bakit diktador ka?" She bantered.

"Hindi, Miranda. Concerned citizen ako. Puro lasing ang mga naroon at kapag lasing hindi na nila matantya yung pekeng ganda, makakadaya ka roon at tiyak na may mangungulit sayo kahit pangit ka."

"Hey, that's mean! I am beautiful!"

"Hindi ako lasing ngayon, Miranda kaya nagsasabi ako ng totoo."

Aba! Napakasama talaga ni Levi!

"Gusto mo lang uminom kaya gusto mong sumama sakin sa trabaho!" Bintang niya. "Siguro magte-table ka roon kaya ganadong-ganado ka. Iyang mga plano mo talaga, Levi, akala mo hindi ako makakahalata! Makikialam ka pa sa pananamit ko."

"May nakapagsabi na sayong kapag nilaban ka sa giyera, mamamatay ang mga kalaban? Parang armalite ka magsalita, ang sakit mo sa tenga."

"Basta, problema ko na kung babastusin ako!" Napaka sexist naman nito ni Levi, paladesisyon.

"Ayokong mapaaway, Miranda. Huwag matigas ang ulo mo. Masama akong magalit sa mga babastos sa iyo." Levi's eyes went a shade darker. Kahit siya ay kinabahan sa babala roon.

"Fine. I'll dress appropriately." Sumuko na siya. Ang mahalaga ay hindi na siya mahihirapang tumakas-takas pa. Makikita niya na rin si Levi na mag-inom, siguro kapag tapos na ang set niya ay uuwi na rin itong kasama niya.

"Hindi ka na nagtatampo?" Sinulyapan siya ni Levi gamit ang gilid ng mga mata nito.

Ngumiti siya at umiling, nahanginan na rin siya at nakaramdam na ng gutom, "Hindi na. Thanks, Levi."




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top