Kabanata 2
Alas-kuwatro palang ng umaga ay kinakalabit na siya ni Levi. Hindi niya ramdam na nakatulog man lamang siya. Will it be like this for the next days? Hindi niya alam kung tatagal siya ng ganoon. Si Levi muli ang kumilos sa kusina at naghugas na lamang siya ng pinagkainan pagkatapos nilang mag-almusal.
"Hindi mo gugustuhing iyan ang isuot mo." Sambit ni Levi sa kanya pagkalabas niya ng banyo. She's wearing a knee-high floral skirt. "Liliparin iyan sa lakas ng hangin. Magpalit ka."
Dali-dali naman siyang sumunod. She wore her workout leggings instead, paired with a boyfriend polo and sneakers. Sinalubong sila ng papaliwanag na daan pero marami nang kumpol ng tao sa isang bahagi kung saan sisimulan ang pagtatanim.
Sa isang banda ay mayroong kubo kung saan naroon ang kanyang Tita Yaya. Kumaway ito sa kanya kaya dali niya itong tinungo.
"Isinama ka ni Levi?"
Tumango siya, "Sabi niya ay magtatrabaho ako rito kasama ng mga kababaihan. Tutulong sa paghihiwa ng pananghalian at meryenda."
"Marunong ka ba non?" Bakas ang pag-aalala sa matanda.
Napadako ang tingin niya kay Levi na halatang nakikinig at sa mga kababaihang nagsisimula nang maghiwa ng sangkap na halatang mga kinikilig. Nang mapatingin sa kanya ay nagsiyukuan ang mga ito.
"Wala naman akong hindi kinakaya, Tita Yaya." She muttered.
Umupo siya kumuha ng isa sa mga kutsilyo at ang kamote na nahugasan na. Nagpakitang gilas siya sa pagbabalat nito hanggang sa nabitiwan niya ang hawak at napatili.
"FCKKKKK!" She screamed. Maagap na nilapitan siya ni Levi at kinuha ang kamay niya. She was bleeding. Hindi niya alam kung saan banda ang kanyang sugat pero ang mainit na dugo ay pumapatak na sa lupa.
Dinala siya ni Levi doon sa linya ng tubig at pinadaluyan ng malinis na tubig ang mahapdi niyang sugat pagkatapos ay kumuha ito ng malinis na panyo sa bulsa. He was able to tore it into two at ipinaikot sa kanyang hintuturo kung nasaan ang sugat.
Bakas ang pag-aalala sa mukha nito na natutulala sa kanyang sugat.
"Okay ka lang?" Hinihingal na tanong nito. She nod. "Bumalik ka muna sa bahay at matulog kang muli. Huwag kang humahawak ng kutsilyo kapag kulang ka sa tulog."
Hindi pa naman sila nakakalayo sa kubo ni Levi kaya tumango na lamang siya. Ilang sandali pa ay may tumawag dito kaya nagpaalam muna ito sa kanya. Napatingin siya sa mga kababaihan na hindi maalis ang malalagkit na tingin kay Levi habang naghihiwa ng kamote. How can they even do that? Samantalang sobra ang focus niya kanina pero nahiwa pa siya.
Imbes na pumasok muli ng kubo ay bumalik siya roon sa mga kababaihan. She wants to get paid today. Ayaw niyang yabangan na naman siya ni Levi mamaya at tawaging walang silbi. If these women can do it, so she can.
"Okay ka na ba?" Isang babae na palagay niya ay kasing-edad niya ang nagtanong sa kanya. Kulot ang buhok nito at maamo ang mukha, sa likod naman niya ay isang matabang babae na makapal ang make up kahit mag-uumaga pa lang.
"'Day, mauuna pa yatang mahimatay si Amo iyo nang makitang nasugatan ka." Humagikgik ito.
"Ako si May, ito naman ang pinsan kong si Rose. Anong pangalan mo?" Pakilala ng babaeng kulot na may maamong mukha.
"Miranda." She smiled. Tingin niya ay mababait naman ang mga ito. "May maitutulong ba ako?"
Itinuro muna ni Rose sa kanya ang tagapasahod sa kanila ngayong araw at sinabing ilista siya dahil tutulong siya sa mga kababaihan. Binigyan lang naman siya ng gawain na ayusin ang mga plato ayon sa bilang ng lahat na naroon ngayon.
"Marami tayong mga sinasaka dito sa hacienda." Paliwanag ni May habang nagpapatuyo sila ng mga plato hinugasahan pagkatapos ng pananghalian. Hindi na niya nakitang muli Levi, ang sabi sa kanya ni Juan ay nagpaalam daw na may pupuntahan. "May mga mais tuwing pahinga ng bukid sa palay. Pakwan, sibuyas, bawang. Doon sa banda roon ay mga mangga, andon ang tatay namin ni Rose, at meron din mga kopra."
"Ang dami pala, ano? Pero bakit ang liit ng sahod dito?"
"Naku, malaki na ito. Sa totoo lang ay mabait naman ang mayari dahil may parte kami sa bawat ani. Minsan nga hindi na rin magkandaubos-ubos kaya kung hindi palitan ng ani 'e ibinababa namin sa bayan para ibenta sa palengke at maging dagdag pera. Si Amo, siya ang taga-pamahala rito pero hindi pa namin kilala ang mayari. Kaya lahat nang andito, takot kay Amo at inirerespeto siya. Maganda kasi ang pamamalakad niya, patas. Parang nagtatrabaho lang kami para may pang-araw araw kami, hindi na para payamanin ang may-ari." Patuloy ni May.
"Isa lang din naman ang kliyente nitong Farm. Iyong intsik na taga-Maynila, madalas nagpupunta rito para bilhin ang mga kailangan niya." Dagdag ni Rose. "Pero busog kami rito. Obvious naman." Kinurot pa ni Rose ang bilbil nito.
"Sayang naman ang kakayanan na mas marami pa kayong mabenta. Sa ganong paraan mas lalaki siguro ang bayad sa inyo kada araw at pati ang share niyo."
"Ang dami nga naming ani nitong nakaraan. Hindi namin alam paano uubusin o ititinda."
Naging mabilis ang paglipas ng oras. Si Tita Yaya niya ay naroon sa koprahan kaya hindi sila masyadong nagkita nang araw na iyon. However, Rose and May kept her company, hindi mawala sa isip niya ang ideas kung paano mamaximize ang produce ng hacienda. Sayang naman kasi kung hindi rin mauubos ng mga magsasaka kung hindi magiging pera.
Good mood siya nang makauwi, kipkip ang 200 pesos na kinita niya. She's so proud of herself earning her first pesos. Naabutan niya si Levi na walang pang-itaas. His pants was loosely hanged on his waist. Napalunok siya sa kurba ng abs nito at ang braso nito na may kung anong pinupukpok sa may kisame. Isa iyong sabitan ng puting kurtina na maghahati sa kama nito.
"Eto." Winagayway niya ang isang daan na share niya sa araw na iyon. Mayabang siyang nagtaas noo at sinipat ang ginagawa ng binata. Tipid siyang tinapunan nito ng tingin.
"Kulang pa yan, akin na ang isang daan pa. Pinambili ko ng materyales para sa divider na gusto mo."
Magrereklamo pa sana siya pero alam niyang wala siyang ikakapanalo sa pilosopong binata. Napabuntong hininga siyang ipinatong sa lamesita ang isang daan pa. Back to zero, well, at least may naibigay siya.
"Maghain ka na sa lamesa ng hapunan. Kumakain ka ba ng tinola?" Tanong nito. Pinigilan niya ang pagngisi, paborito niya iyon. She happily lead herself to the small kitchen. Dama niya ang preskong hangin sa kusina na bahagyang itinutulak pa ang mga kalderong nakasabit sa harap ng lababo. Mainit ang usok na ibinuga ng kaldero ng buksan niya ito para kumuha ng kanin.
Kumuha siya ng dalawang mangkok para paglagyan ng ulam. Sinalubong ang kanang ilong ng amoy ng luya at mabangong sabaw ng tinola. Mas lalo yata siyang nagutom.
She patiently waited for Levi at the table. Kahit naman hindi niya ito kaano-ano ay hindi pa rin maganda na pangunahan niya ito sa pagkain, ito pa naman ang nagluto.
Nang dumating ito ay may suot na itong t-shirt na puti. Brusko itong umupo sa harap niya at diretsang nilagyan siya ng kanin sa plato. She smiled and mouthed 'Thank You'. Sumimsim siya ng sabaw at kuntento pa siyang napapikit. She liked the taste! Pupurihin niya sana si Levi pero ibinalik niya ang mga salita, tiyak na yayabangan na naman siya nito.
Nang sumulyap siya sa binata ay umiwas ito ng tingin, he was staring at her the whole time! Lumabi siya at tahimik na kumain. Hindi na siya nahiyang kumuha ng ikalawang sandok ng kanin, hindi niya mapigilan ang sarili.
"N-napagod ako sa trabaho kaya nagutom ako." Palusot niya pa. Tumayo si Levi at sinalinan muli siya ng tinola, napakagat labi siya sa kahihiyan. Baka dagdagan nito ang singil sa kanya kapag napansin nitong malakas siyang kumain.
"Kumain ka lang. Tiyak na nakakapagod magbilang ng plato."
Pinanliitan niya ng mata si Levi, "Wala ka naman maghapon sa bukid ah? Kung makapanghusga 'to!" Angil niya.
"Wala nga, pero ako ang nagpapasahod sa inyong lahat kaya alam ko ang bawat kilos mo."
"Para sa dalawang daan ganyan ka makabantay." Umirap siya kasabay ng pagsubo ng pagkain.
Sumeryoso ang mukha ni Levi, "Sa karamihan ay malaking bagay na ang dalawang daan kaya huwag mong mamaliitin."
"Hindi naman kasalanan iyon ng mga magsasaka kung bakit maliit, hindi rin nila dapat ipagpasalamat iyon dahil abusado ang may ari ng bukid na yan. Magkano ba ang minimum wage ngayon?"
"Hindi lang ang panggastos araw-araw ang kinikita ng mga mag-sasaka. Sa bawat araw na tinatrabaho nila ang lupa ay nakakapagpondo rin sila ng pag-aari nilang bukid, ang tinitirikan nilang bahay at may kapiraso pang taniman. Bukod roon ay malaki ang parte nila sa produkto tuwing anihan."
"Whatever." She rolled her eyes. Maganda naman talaga ang hacienda. Organisado ang mga magsasaka, may pakain simula umaga, tanghalian at hapunan. Mayroon pang meryenda sa umaga at hapon. Ang ilan ay buong pamilya nila ang nagsasaka sa hacienda kaya nakakalibre na sila ng pagkain sa maghapon. Naitatabi ng buo ang kanilang sahod at hindi rin sila nagbabayad sa lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay.
She's interested to know who the owner is. Baka ay gusto pa nitong mag-expand. In fact, baka mainspire pa sa mayari ang ilang mga haciendero at maging mapagbigay din ang mga ito. Kaya lang ay baka wala rin kinikita ang mayari dahil sa sistema nito.
Nang matapos na siyang kumain ay tumayo na si Levi. "Lalabas muna ako at makikipag-inuman kina Mang Pacio." Paalam nito.
"T-teka, baka umuwi ka na namang lasing at maging mapagsamantala ka."
"Miranda." Lumalim ang boses nito, "Kapag lasing ako, mas gugustuhin ko pang matulog kaysa hawakan ka." Matabang na sabi nito.
"Fine! Huwag ka masyadong magpapagabi at baka mapuyat ako sa paghihintay."
"Hindi mo rin ako kailangang hintayin. May susi ako."
"M-mahirap matulog mag-isa. Baka kung sino ang pumasok diyan at murderin ako!"
"Bakit ba ganyan ka mag-isip?" Kinatok muli ni Levi ang ulo niya. "Walang gagalaw sa iyo rito kahit wala ako sa tabi mo."
Nainsulto na siya, "Kung hindi uso ang ganda dito, huwag mo nang ipagsiksikan sa mukha ko na napapangitan ka sa akin. M-maganda ako roon sa amin!"
Napabuga ng halakhak si Levi dahil sa kanyang sinabi. Imbes na sumagot ay ginulo nito ang kanyang buhok, "Maghugas ka ng plato. Ayusin mo."
Pagkasabi 'non ay tumalikod na ito at iniwanan siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top