Chapter 2 BACK TO WHERE THE HEARTACHE BEGAN
Dear Mr. Whoever,
Pakilala ko muna sa 'yo si Xavier ah. Bilang future ko.. hehe... ipapakilala ko sa 'yo 'yung first love ko. Sana 'wag kang masaktan sa mababasa mo ah? Nun kaseng mga panahong 'yun... tanga pa 'ko sa pag-ibig.
Tanga pa 'ko sa mga one sided love na 'yan...
***********************************************************************************************************
High school sweetheart ko si Xavier. Pero ako hindi nya high school sweetheart. One sided nga di ba? Sweetheart ko sya pero patago. Palagi na lang akong nag-iimagine na isang araw liligawan nya 'ko.
Saya siguro nun.
Pero hindi nangyare.
Balik tayo sa pinakang-umpisa.
Ganito kase 'yun...
Di ba nga si Kurt ang gusto ko? Since first year pa. Sya lagi ang hanap ng mata ko. Ganun pala talaga kapag crush mo. Malayo pa lang, kita mo na agad. Parang ang daming arrow na nakapoint sa kanya na kahit sa mataong lugar, nakikita ko sya agad.
Hindi naman sya kasikatan. Tama lang. Nakakapaglakad pa rin naman sya ng mahinahon na walang lukaret na sumisigaw. Haha...
Medyo may pagkamayabang sya nun. Ewan ko dun.... kahit ganun yun, gustong-gusto ko sya. Ipinagtatanggol ko pa nga sya sa sarili kong kontrabida eh.
Hanggang ngayong fourth year. That is... until nabago ang ihip ng hangin.
Isang araw...
Ang aga kong pumasok nun. Naglalakad ako sa corridor ng bigla akong kinabahan. At alam ko na. Andyan lang sya. At tama nga ako, narinig kong may maingay na naglalakad sa likuran ko.
Sya pala... kasama yung mga barkada nya.
Sa sobrang kaba, napadikit ako sa pader. Parang hihimatayin ako nun eh. Para ngang sinalo lang ako ng pader... kung posible man yun.
Narinig ko syang tumawa. Namula ako. Hiyang-hiya. At alam kong ako yung pinagtatawanan nya kase... nakatingin sya sa 'kin. Tapos lumampas na sya para magpunta sa classroom namin.
Kasunod nya yung mga minions nya.
Tumigil si Xavier.
Yep, kasapi din sya ng barkada nila.
Tumingin sya sa kin at... nag-smirk. Tapos naglakad na din sya.
Okay... pinagtatawanan din nya 'ko sa loob-loob nya. Haixt.
Hindi muna ako dumerecho ng classroom kase alam kong dun sila tatambay. Eh hindi ko naman sila ka-close. Kaya ayun, sa ilalim na lang ng puno ng talisay ako tumambay.
Hanggang sa nagsidatingan na yung iba naming classmates. Nun lang magsisimula na ang klase, saka ako pumasok ng room.
Pagpasok ko ng room, bigla akong kinabahan ulet. Isa lang ibig sabihin nun. At tama nga ako, mula sa siwang ng nakalugay kong buhok, nakita kong nakatingin sa 'kin si Kurt. Waaah? Seryoso?
"Oy Sunako! Tabi nga dyan!" Sabi nya. Nagtawanan sila.
Sunako kase ang tawag nila sa 'kin. Eh para nga kase akong si Sunako. Haixt. Pero hindi 'yun ang pangalan ko.
Ang pangalan ko ay Juliet Rae Castillo. Pero simula nung naipalabas yung Yamato Nadeshiko sa TV5, tinawag na nila 'kong Sunako.
Tumabi ako.
Tapos nakita kong lumampas sa 'kin si Jenny.
Kaya pala.
Hindi sya sa 'kin nakatingin... kundi kay Jenny. Nakikipaglokohan pa kase ako sa sarili ko weh. Alam ko namang imposible...
Naupo na 'ko sa upuan ko. Pinaka-sulok. Pinaka-dulo. Sa tabi ng bintana. Kaya wala na lang akong ginawa sa loob ng klase kundi tumunganga sa harap ng bintana o matulog.
Haaay... ang boring ko.
"Oy Rae."
Lumingon ako. Katabi ko na pala si Xavier.
"Bakit?"
"Wala." Sabi nya. Saka sya ngumiti. "Gandang hapon lang."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya maintindihan. Lagi syang ganun, laging bumabati sa 'kin. "Gandang hapon din." Sabi ko na lang.
First time kong sumagot sa kanya. Kase sa tuwing babatiin nya 'ko, tumatango na lang ako sa kanya. Wala lang...
Hindi ko akalain na nung araw pala na 'yun mag-uumpisa ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top