Chapter 10 MOVING ON
Dear Mr. WHO,
Napanaginipan ko na naman si Xavier. Bakit kaya ganun? Sabi ko nakamove on na 'ko...pero naalala ko na naman sya. Praning ba 'ko o sinungaling?
***********************************************************************************************************
Hanep... three years ago na yun. May kanya-kanya na kaming buhay. Ako? Eto... dati pa rin. Loner. After graduation, umalis na ng bansa si Clarion. Hindi ko alam kung sila pa rin ni Chad hanggang ngayon. Si Cana? Ayun... na-accelerate.
Naipasok sya as third year sa isang school sa San Gabriel, kung saan lumipat silang buong pamilya. Papa nya ata yung tumulong pagre-renovate ng school dun eh. Sa ELM Academy. Tapos mama nya naman, engineer din na stock holder sa school na yun. Ang rinig ko eh pinag-exam daw si Cana tapos nung naperfect daw nya yung entrance exam eh pumayag na yung president na ipasok sya sa school as a third year student.
Sya pinakabata dun sa buong batch nila as third year. Galing eh.
Buong pamilya nila engineer. Ewan ko lang dun sa kapatid nya. Si Gian. Si Gian nga pala ang pinakasikat nun sa school namin. Yung as in sa sobrang sikat eh hindi sya makalakad sa corridor ng walang kasabay na babae.
As in! Nagkakagulo ang mga babae sa 'min kapag nakikita si Gian. And to think na first year pa lang sya nun. Hanep...
Parang ang immune nga lang sa kanya eh ako, ang ate nya, si Clarion, si Mary Alice at mangilan-ngilan ding naka-move on na sa puppy crush sa kanya.
So ngayon nga, mabalik tayo kay Cana, 5th year na sya bale. Engineering din ang kinukuha nya eh. ECE ata?
Si Ivan, sa San Gabriel din pumapasok. Pero hindi sa ELM kase hindi ata sya nakapasa dun. Hindi ko alam kung nakapagtapat na sya kay Cana. Ang lalake kaseng yun, ayaw pang aminin sa sarili nya na matagal na syang may gusto kay Cana.
Si Chad ata eh nagpatuloy sa buhay nya. Sa ELM din sya nakapasa kagaya ni Cana. Sila kaseng magbabarkada eh dun nagsipag-exam. Kinikwento kase ako ng mga yun dati nung bago grumaduate tungkol sa mga plano nila.
Syempre, hindi ko pa alam nun na may balak umalis ng bansa si Clarion.
Sabi pa nila, sa ELM sila lahat mag-aaral. Engineering pa nga daw lahat para sama-sama sila sa isang department and hopefully, sa isang klase lang sila mapupunta. Tapos magbo-board sila at kina Cana sila tuwing weekend. Kaso.... nasira lahat ng plano.
Si Mary Alice... hindi ko alam kung nasan. Wala atang balak mag-college yun eh.
Sina Jenny at Kurt, nag-break na din agad. Natawa nga ako sa sarili ko nun eh. Nanibago ako sa reaction ko. Dati-rati, hintay hintay ko silang mag-break para lang makatawa ako at masabi kong BUTI NGA. Pero nung nag-break sila, wala lang sa 'kin.
Ang talaga namang nasaktan lang ako eh kay Xavier. Ewan ko ba sa sarili ko... akala ko nung una kay Kurt ako in love tapos dahil lang sa isang diversion... naligaw na 'ko ng tuluyan kay Xavier.
Narinig ko sa usap-usapan nila nun na after daw nung prom nya sinimulang ligawan yung girl na taga-ibang school. February 15 kase yung prom namin nun. Haha.. tanda ko pa nuh? Kase nakasulat yun lahat sa green book ko. Lahat ng kalandian ko nandun. Masunog na nga yun pag-uwi ko ng bahay. Haha...
Wag... nandun mga sulat ko kay Mr. Who eh.
Si Mr. Whoever eh yung imaginary guy na sinusulatan ko. Nagustuhan ko kase yung concept na WHOEVER. Hindi mo kilala, pwedeng maging kahit sino, pero basta pinaniniwalaan mong para sa 'yo.
Initroduce sya sa 'kin ni Xavier through the song Remembering Sunday by All Time Low. Gustong gusto ko kase yung linyang..
Oh I can see now
That all of these clouds are
Following me in my desperate endeavor
To find my whoever
Wherever she may be
Parang ang sarap isiping merong taong nakalaan para sa 'kin. We were under the same sky, wishing on the same stars...
Noong una, kapag iniisip kong may taong para sa 'kin na habang-buhay, naiisip ko lagi si Xavier. Basta sa lahat ng pangarap ko, sya ang kasama. Pero nung nawala na sya ng tuluyan sa 'kin, parang naging isang malaking blur ang future ko.
Hanggang sa... maisipan kong mag-move on.
Kase naisip kong walang mangyayare sa buhay ko kung habang buhay akong mai-stuck sa kanya. Masaya na sya sa buhay nya. Sana ako rin sumaya na...
So ayun, todo pakinig ng mga songs about moving on. Mapatagalog o English. Corny o hindi. Kahit yung mga lumang kanta na, basta maringgan ko ng linyang moving on o letting go... iniiyakan ko. Para nga akong tanga eh.
Pero lo and behold! Nagawa ko! Haha... kelangan ko lang palang lumayo at hindi sya makita ng tatlong taon. Salamat sa umimbento ng college.
Ngayon, ang problema ko lang, kung pano mapapagana ulet 'tong puso ko. Nag-malfunction eh. Hindi na 'ko nagkagusto kahit kanino. Mapa-gwapo, mabait, matalino... wala ng epekto sa 'kin. Hindi ko alam... abnormal talaga ako.
"Hoy Hulyeta! Papasok ka ba?"
"Ha? Oo. Teka."
Sumunod ako sa pinsan ko palabas ng bahay. Nasa mga tita ko ako. Umalis kase ako sa bayan namin eh. Ayoko dun. Masyadong maraming memories. Tsaka wala namang college dun. Haha... Kaya natural lang sa 'min na aalis ng bayan pagka-graduate.
Naglakad kami papuntang kanto para makasakay ng jeep papasok. Highway yun tapos parang junction pa kaya palaging nagta-traffic.
Kagaya ngayon...
May papasok kaseng kotse sa barangay namin. Tabing highway kase yung bukana ng barangay namin eh. Galing sa kabilang kalsada, pagtawid yung kotse na papasok. May bus pa na nakatigil.
Dugdug.
Hala ano yun?
Hindi sinasadyang napatingin ako sa bus na nakapara.
At napatanga na lang ako sa nakita ko.
Imposible. Hindi talaga pwedeng mangyare na nandito sya. Bakit? Bakit nakita ko na naman sya? Teka... Masyado ka atang affected. Tama. Bakit ba? Ano naman kung sya yan? As if naman may feelings pa rin ako sa kanya...
Meron pa ba?
"Juliet! Tara na!"
Whaha! Takteng yan! Nakalimutan kong papunta nga pala ako ng school! Amp. Tsk. Napatingin lang ako sa pinsan ko na kanina pa inis sa 'kin kase nakatanga lang ako. Pagtingin ko ulet sa bus, wala na. Imagination ko nga lang...
Umalis na yung bus.
Sumakay na rin kami ng jeep.
Imposible nga.
e='texthSg:@ p Kahit anong pigil ang gawin ko, hindi ako tumitigil kaiiyak. Naiwan na nga ako dun sa gitna. Sa pagitan nung dalawang grupo ng mga upuan. Habang ang lahat nag-iipon na ng mga alaala gamit yung mga camera nila.
Habang yung iba nagpapaalamanan na...
Ayun ako... nastuck na lang sa kinatatayuan ko.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Para kaseng gustong umalpas ng puso ko para makiiyak sa 'kin.
Ang sakit...
Ang sakit-sakit...
Para akong namatayan.
Malala pa.
Napatingin ako sa kanya.
At nakatingin din sya.
Dugdug.
Nasa mukha nya ang pagtataka. At parang gusto nya akong lapitan pero hindi nya magawa dahil nandun ang girlfriend nya.
Kaya ibinulong ko na lang sa hangin ang gusto kong sabihin sa kanya. Sana marinig nya...
Mahal kita pero di mo lang alam...
At hindi mo na malalaman pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top