9th
Dear Mr. Villamor,
Sinugod nila ako sa school clinic.
Kanina kasi habang may reporting kami sa English, bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam na posible pa pala 'yon dahil wala naman akong puso (literally, not figuratively) pero nangyari na nga ang kinakatakot ko.
While I was discussing the different social contexts in some classic literature, I almost stumbled forward while clutching my (still empty) chest. Our teacher panicked and quickly ushered me to the clinic. Siyempre dahil isang mabuting kaibigan (at tsismoso) si Ray, agad siyang nag-volunteer na samahan ako.
Pero noong iche-checkup na sana ako ng nurse, agad akong tumanggi at nagpumilit na lumabas ng clinic. I know that lying is bad, but I had to lie in order to save my secret. Nagsinungaling akong may nurso-phobia ako—'di ko po alam kung may ganoon talaga o kung ano ang tawag, but in that moment, it didn't matter.
Sa huli naman, iniwan na rin ako ng nurse 'nong nag-volunteer si Ray na siya na lang ang magche-check up sa'kin. Hindi lang po talaga siya tsismoso, persuasive pa.
Nang naiwan kami kanina sa clinic, sinamaan niya ako ng tingin sabay sabing, "Pre, ang korni mo. Ano ba talagang nangyayari sa'yo?"
Ang ending sinabi ko na rin sa kanya ang lahat.
Alam mo po ba kung anong reaksyon niya, sir?
Siya 'yong hinimatay 'nong makitang nawawala 'yong puso ko! Hay. Hindi pa nga siya nagigising kaya sumulat na lang ako sa inyo.
Pakisabi na lang po sa anak ninyo na ang dami na niyang naidulot na perwisyo sa buhay ko.
Umaasang maibabalik pa ang kanyang puso't katinuan,
Hale Williams
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top