7th

Dear Mr. Villamor,

Dalawang linggo.

Dalawang linggo na po mula noong nawalan ako ng puso at pakiramdam ko lagi na akong nanghihina.

Napansin na rin kanina ng nanay ko 'nong nag-video call kami na namumutla na ako. They asked me if I was okay, and I just said that I was stressed out with school. Hindi ko alam kung nanahimik siya dahil naniniwala siya sa dahilan ko o dahil ayaw na niyang halungkatin ang katotohanan.

At ngayong nabanggit ko na po ang "halungkatin ang katotohanan", napagdesiyunan ko na rin pong sundin ang payo ni Ray. Madalas loko-loko ang isang 'yon at umiiral ang pagiging tsismoso (hindi na po ako magtataka dahil 'yong nanay naman niya 'yong kinoronahang "Best in Tsismis" sa probinsya namin dati), pero sa kabila ng lahat ng 'to, may sense naman 'yong sinabi niya sa'kin kaninang umaga habang naglalaro kami ng Rubik's cube.

"Alam mo, 'tol...kung sana pinuntahan mo na lang siya doon sa warehouse, edi natahimik pa ang kaluluwa mo diyan."

He's right.

I just realized that a few hours ago while staring at the gaping hole in my chest at the full-length mirror. Hindi pa naman 'to nalalaman ni Ray, pero sa lakas ng radar ng siraulong 'yon, 'di na ako magtataka kung matunugan na rin niya ang katotohanan.

Wala na pong atrasan 'to, sir.

Pupuntahan namin ang anak niyo mamaya.

Namumutla at nanghihina,

Hale Williams

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top