3rd

Dear Mr. Villamor,

Naalala mo po si Ray? 'Yong nabanggit ko doon sa sulat ko sa inyo noong Wednesday.

Nabanggit ko rin kasi sa kanya, tapos nabanggit niya sa tiyahin ng kapit-bahay ng kaibigan ng pinsan niya na hinahanap ko nga po 'yong anak niyo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ang daming koneksyon ng tsismosong 'yon pero dahil may pakinabang naman siya, hinahayaan ko na lang din.

Ayun nga po, nakita nila 'yong anak niyong pumasok sa isang lumang warehouse sa southern part ng Eastwood, malapit sa isang bakery.

Sir, bakit naman 'di mo sinabi sa'kin na doon pala siya nagtatago? Hay.

Suggest nga sa'kin ni Ray na puntahan ko na lang daw siya doon, pero ayoko namang mambulabog nang basta-basta, kahit na nauubos na 'yong load ko kaka-text sa anak niyo na ibalik ang puso ko.

Bilang respeto na rin sa inyo at sa kanya, I'll just patiently wait and see what's going to happen in the next few days. Pero sa totoo lang po, nahihirapan na rin akong itago 'tong "kondisyon" ko sa iba.

Minsan naiisip ko, bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Naguguluhan at nagugutom,

Hale Williams

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top