19th

Dear Mr. Villamor,

Ito na po siguro ang huling letter na maisusulat ko para sa'yo. Tutal naman, nili-"liham zone" mo rin naman ako hahaha joke lang, sir. Tropa na po tayo, 'di ba?

Naibalik na po ng anak mo ang puso ko. To my relief, she kept it preserved inside a black jar with strange liquid. Nang inamoy ko ang likido, nawalan ulit ako ng malay, at hindi ko alam kung paano niya eksaktong ginawa, pero pagkagising ko, wala na 'yong butas sa dibdib ko.

I woke up to the steady beating of my own heart.

Mabilis na bumalik ang sigla sa katawan ko at kahit na parang naninibago akong nasa akin na ulit ang puso ko, I found myself sighing in relief.

But when my eyes drifted to your daughter, I felt my heart weighed heavier than the black book I kept in my bedroom.

"I'm sorry for stealing your heart... H-Hindi ko ginustong mangyari 'to," mahina niyang sabi at nag-iwas ng tingin.

Understanding why she did this, instead of leaving her alone like what she did to me last night at the cemetery, I wrapped my arms around her and kissed her forehead.

I waited until her regrets and pain morphed into tears.

I waited until she surrendered to exhaustion and fell into deep slumber.

I waited until the only sound I heard in the silence of your house was the synchronous beating of our hearts.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sino bang mag-aakalang magiging biktima ako ng anak mo, sir? At dahil tropa na tayo, aamihin ko, Mr. Villamor... pakiramdam ko hindi niya pa rin yata naibabalik nang buo ang puso ko hehe :)

That's why you'll have to excuse me if I want to stick around your daughter until I recover all the pieces of my heart from her.

Alagaan ko po siya, 'wag po kayong mag-alala...

But, just in case you want to hunt me down, you know my address.

Ang gwapong medyo buo na ang puso,

Hale Williams

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top