15
"Kinakabahan ako, Seven!"
Kanina pa ako hindi mapakali habang nagbibihis ng uniform ko at kausap si Seven sa phone. Kakatapos lang ng klase ko kaya dumeretso na ako sa convenience store para sa part-time job ko. Mamaya pa kasing gabi available si Nat dahil may mga meeting pa raw at si Seven may training pa.
"Come on. It's just Nat. She won't hurt you." He laughed at the other line. I could hear him stepping out of the classroom dahil nagpaalam siya sa mga blockmates niya. Katatapos lang ng klase niya at papunta na siya sa training.
"Kahit na! Best friend mo 'yon! Kailangan ko ng good impression." Napanguso ako at binutones na ang uniform ko. "Hay, sige, mamaya na. Magtatrabaho na ako. Bye-bye!"
"Wait," sabi niya bago ko pa mababa ang tawag. Binalik ko tuloy malapit sa tainga ko ang phone. "I love you. You didn't say it."
Natawa ako bigla. "I love you po. Okay na? Bye-bye!" Naiwan sa mga labi ko ang ngiti ko kahit nababa ko na ang tawag.
Pagkalabas ko pa lang ng staff room ay may mga customers na na pumasok. Nagpalit na kami noong naka-schedule kaninang umaga. Dumarami na ang customers dahil pauwi na rin ang mga estudyante. Hapon hanggang gabi lang ang schedule ko ngayong araw dahil nga may pupuntahan.
Noong madilim na at malapit na ako mag-clock out ay pumasok si Estella, mukhang pagod na pagod. Kumuha lang siya ng candy at nagbayad na.
"Kumusta?" tanong ko sa kanya. Nagsisilaglagan na ang ibang buhok niya galing sa bun. Mukhang ang daming nangyari sa araw niya.
"Pagod! Ang daming nangyari sa araw na 'to!" reklamo niya. "Buti na lang ililibre ako ng tropa ko."
"Ito lang kakainin mo?" nagtatakang tanong ko. Dinnertime na, ah. Actually, lagpas na nga.
"Hindi! Kakain kasi kami sa labas ng tropa ko. Ipapakilala raw niya jowa niya. Okay ba hitsura ko?" Nilagay niya ang dalawang palad niya sa gilid ng mukha niya at ngumiti sa akin.
Tumawa ako at napailing. "Okay naman... Ayusin mo lang ang buhok mo."
"Patapos ka na rin ba?" tanong niya dahil naroon na rin ang papalit sa akin.
"Oo... May pupuntahan pa ako. Ime-meet ko best friend ng boyfriend ko," nahihiyang sabi ko.
"Saan?"
"Doon sa Korean restaurant diyan sa kanto," sabi ko habang nagbibilang ng pera.
"Doon din ako papunta! Sabay na tayo!"
Huh?
Natigilan ako bigla sa pagbibilang nang may ma-realize ako. Doon din siya papunta? May ipapakilala iyong tropa niya? Parang... Huh? Baka coincidence lang. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagbibilang.
Hinintay niya ako hanggang matapos ako sa report ko at makapagpalit ng damit. Kinuha ko ang phone ko sa bag para tingnan ang oras kaso biglang namatay! Hindi ko tuloy na-text si Seven! Susunduin pa naman sana niya ako pero sasabihin ko sanang may kasabay na ako.
"Estella, may pangtawag ka ba?" tanong ko nang makalabas na kami ng convenience store. Gumilid muna kami dahil tatawagan ko si Seven. "Namatay kasi phone ko..."
"Oo naman!" Kinuha niya ang phone niya at inabot sa akin. Ngumiti siya at kumuha ulit ng candy para kainin habang hinihintay ako.
Tinype ko ang number ni Seven. Napakunot ang noo ko nang biglang lumabas ang contact name niya. Naka-save siya as 'pinakanakakairitang tao sa mundo'.
Binura ko ulit ang number at sinubukang i-type ulit pero iyon ang lumalabas. Napakurap ako at pinabalik-balik ang tingin sa phone at kay Estella. Magkakilala sila? Magkaaway?
Pinindot ko na lang ang call dahil naghihintay na si Estella. Tatlong ring bago sinagot ni Seven ang tawag.
"Nat," panimula niya. "Are you on the way?"
Nanlaki ang mga mata ko at agad kong in-end ang call. Pagkalingon ni Estella sa akin, nagtaka rin siya sa reaksyon ko dahil parang nakakita ako ng multo.
"N-nat?" sinubukan kong banggitin ang pangalan para makita ang reaksyon niya.
"Hmm?" She blinked twice before smiling. "Bakit? Ikaw, ah! Nickname basis na tayo!" Inakbayan niya ako, tumatawa.
"H-huh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Saka lang bumalik sa akin lahat ng sinabi niya kanina... at iyong mga moment na nakita kong magkasama sila pero hindi ko nakita ang mukha niya. Ni hindi ko man lang napansin?!
Napahawak ako sa ulo ko! Parang nahihilo ako bigla! Ang tagal kong naba-bother sa presensya ni Nat dahil hindi ko siya kilala... tapos siya pala si Estella?! Pinagselosan ko pa siya?! Na-guilty ako bigla!
"Huy, Alia, okay ka lang? Sino bang tinawagan mo?" Tiningnan niya ang phone niya. "Huh? Si Seven 'to- Wait! Wait! Taympers!" Napaatras din siya at mukhang na-realize niya rin lahat. "Ikaw..."
Napatango-tango ako sa kanya, hindi rin alam ang sasabihin ko. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip sa bibig niya. Pagkatapos ay dramatic niya akong hinatak at niyakap. Umakto siyang umiiyak sa balikat ko kaya nagtaka ako.
"Alia... Alia, bakit?!"
Nagtaka ako lalo. Anong bakit at bakit siya ngumangawa?
"Bakit siya?! Bakit si Seven?! Hu-hu! I feel so bad for you... Hindi ka niya deserve! You deserve better! You deserve so much more!" pagdadrama niya sa akin.
"Huh?" Naguguluhan pa rin ako.
"What the fuck are you saying?"
Napahiwalay siya sa akin nang biglang dumating si Seven at hinatak niya ang collar ng shirt ni Estella palayo sa akin. Napatingin si Estella sa kanya tapos biglang sumama ang tingin niya.
"How dare you!" Hinampas ni Estella ang braso ni Seven.
"Aray ko!" reklamo ni Seven at humawak sa braso niya.
"How dare you?! Sineduce mo ang inosenteng babaeng 'to?! Hindi ka na nahiya!" Hinampas niya ulit si Seven. "Kawawa naman si Alia! Hu-hu! Alia ko... I'm so sorry..." Yumakap ulit siya sa akin.
"Get away from her." Hinatak na naman siya ni Seven sa collar at humarang sa aming dalawa. "Didikit sa kanya 'yong pawis mo."
"Wow! Mukha ba akong pawis, ha?! At ang arte-arte mo talaga! Ikaw nga 'tong galing training. Naligo ka ba?"
"Malamang."
"Hindi halata."
Natawa ako habang pinapanood silang dalawa. Unti-unti ko nang nakukuha kung paano sila sa isa't isa.
Ah... Dapat pala hindi ako nagselos! Nakakahiya!
"Babe, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Seven sa akin. "How do you know each other? I thought you wanted to meet her..."
"Babe?!" ulit ni Estella. "Pito, ikaw ba 'yan?"
"Shut up or I'm calling Yori over here." Sinamaan niya ng tingin si Estella. Napaawang ang labi ni Estella at agad umaktong sinara niya ang zipper ng bibig niya.
"Magkakilala na pala kami ni Estella... Hindi ko alam na siya si Nat," paliwanag ko. "Mamaya ko na ikekwento. Kumain na muna tayo."
Naglakad kami papunta sa restaurant habang hawak ni Estella ang kamay ko at masama ang tingin kay Seven. Pilit akong inaagaw ni Seven kaya ang tagal bago kami nakarating sa restaurant. Umupo ako sa tabi ni Seven at sa tapat namin si Estella.
"Libre mo 'to 'di ba?" paninigurado ni Estella habang umo-order. Tumango naman si Seven. "Okay... Kuya, ito order ko, tsaka ito, ito, ito, ito, ito, tsaka ito..."
"What the fuck?" Kumunot ang noo ni Seven. "You can't even finish that."
"Ite-take out ko kapag hindi ko naubos," pagsagot naman ni Estella at binalik na ang menu. Si Seven na ang nag-order kanina para sa amin. "So, Alia... Ano'ng nagustuhan mo sa lalaking 'to?" tanong niya nang makaalis na ang waiter.
"Uh..." Hindi ako makasagot dahil sa hiya. Nakatingin pa si Seven sa akin at hinihintay ang sagot ko. "Marami..."
"Wait, what the heck!" sigaw ni Estella nang may maalala siya. Kinuha niya ang phone niya at pinakita sa akin ang profile picture ni Seven. "Ikaw 'to?!" turo niya sa picture. Nakatakip kasi ang mukha ko ng cupcake at mata lang ang kita sa akin.
"Of course. Who else?" Napairap si Seven. Ang braso niya ay nakapatong sa sandalan ng upuan ko.
"Punyemas ka! Ilang beses kitang sinabihang palitan ang profile picture mo, pag-ibig lang pala makakapagpalit sa 'yo?! Sabi mo pa saksakin muna kita bago mo palitan!" Aabutin niya sana si Seven para sabunutan pero agad ding lumayo si Seven. Pinapanood ko lang silang dalawa, natatawa.
"I didn't have anything to change it with." Nagkibit-balikat si Seven.
"Huh?! Ang dami-dami kong picture na sinend sa 'yo pang-profile picture! Anong wala ka diyan?"
Lumiwanag bigla ang mga mata ko nang marinig 'yon. "Uhm... Estella, may copies ka pa ba noong picture? Baka pwede mong i-send sa akin..." Hindi kasi pala-picture si Seven tapos ang camera roll niya ay halos puro ibang tao o kaya scenery. Ang hirap maghanap ng picture niya!
"Omg, sure!" Kinuha niya ang phone niya at nagpasahan kami ng picture. Napailing na lang si Seven, wala nang nagawa. "Oh, 'di ba?! Ang ganda ng kuha ko diyan. Nagmukha siyang model! Ay... Speaking of, nakakuha ka na ng model sa project mo? Siraulo kasi 'tong boyfriend mo at tumanggi-"
"What?" Kumunot ang noo ni Seven at napatingin sa akin. "That was you?" gulat na tanong niya.
Ah! Naalala ko na! Siya rin pala 'yon?! "Oo... Pero okay na! Siya na ang model ko tsaka si Icelle!" masayang sabi ko kay Estella.
Lumapit sa akin si Seven. "I'm so sorry..." mahinang sabi niya at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
"Oh, get a room." Napailing si Estella. "Respeto naman sa single."
"Wala kang boyfriend, Estella?" nagtatakang tanong ko. "Bakit? Paano? O by choice ba?" Kasi... halos lahat nasa kanya na! Tsaka parang may nakwento siya sa akin dati tuwing nagpupunta siya sa convenience store. "Ano'ng nangyari doon sa..."
"Wala! Break na kami!" Ngumiti siya sa akin pero nakita kong nasaktan din siya sa sinabi niya. "Past is past..." Seven scoffed, so Estella glared at him.
Pinakwento ko kay Estella kung ano'ng nangyari sa kanila at kinwento niya naman. Hindi nga lang buo dahil sabi niya next time na lang 'yong ibang kwento. Still, I felt like I got to know her more. Masaya ako dahil naging magkasundo kami ng isa sa mga malalapit na kaibigan ni Seven. Wala na akong iisiping iba. Hindi na rin ako maba-bother o magseselos.
"Ito siya, oh..." Pinakita niya sa akin ang picture nila ng ex niya. Napaawang ang labi ko at napatango-tango.
"Si Yori pala ang ex mo... Iyong gamer, 'di ba?" Sikat siyang gamer at streamer. Iyon pala ang ex niya... Sayang. Bagay pa naman sila! Ang cute nila sa picture. Nakikita ko rin siyang bumibili sa convenience store, eh. Pogi tsaka matangkad.
"Mm-hm... Pero wala na, eh." Ngumiti na lang siya ulit. "Anyway... Ang sarap ng food 'no? Order pa tayo ng dessert!"
Pagkatapos namin kumain, hinatid na namin si Estella pauwi sa condo niya. Sunod naman akong hinatid ni Seven sa apartment ko.
"Thank you for tonight. Ang gaan sa pakiramdam kasama si Estella," sabi ko sa tapat ng pinto nang makaakyat na kami sa apartment ko. "Sorry kung pinagselosan ko pa ang best friend mo." Umiwas ako ng tingin, nahihiya sa inakto ko noon.
He laughed and shook his head. "There's no need to apologize. I'm glad you told me about the things that were bothering you... Good job, baby." He gave me a light pat on the head.
Ngumiti ako at tumingkayad para mahalikan siya sa labi. "I love you," mahinang sabi ko. He looked down at me and leaned to kiss me again. He held my nape to kiss me deeper, pushing his tongue inside my mouth. Pinalupot ko ang braso ko sa leeg niya habang hinahalikan siya.
Sinandal niya ako sa may pintuan. Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko habang ang isa ay napunta sa likod ng ulo ko para hindi ako mauntog.
"Wait... Nasa labas tayo," sabi ko nang humiwalay. Napaiwas ako ng tingin, nahihiya. Namumula na siguro ang pisngi ko.
"Good night." He gave me a smile and a kiss on the forehead.
Nang makaalis na siya ay pumasok na ako sa apartment ko at napahinga nang malalim. Phew... Nainitan ako roon. Pinagpawisan 'ata ako kaya naligo na ako kaagad. Pagkatapos ay umupo na ako at sinimulan na ang trabaho ko.
Nagtrabaho ako hanggang madaling-araw. Nang matapos ay humiga na ako at tiningnan ang mga pictures ni Seven na sinend sa akin ni Estella kanina. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga 'yon. Halos puro stolen dahil ayaw ni Seven nagpapa-picture.
Ginawa kong wallpaper iyong isa niyang picture sa beach. May hawak siyang cute na pusa habang nakaupo sa buhanginan. Nakangiti siya at hinahangin ang buhok niya habang nakatingin doon sa pusa. 'Sunday' ang nakalagay sa collar.
Naging abala ako the whole week sa paggawa ng damit para sa project ko. "Ma, bakit nanghihingi ka na naman ng two thousand? Kakabigay ko lang last week..." tanong ko habang katawagan si Mama sa phone.
"Para lang sa groceries dito, anak. Siyempre, nagbabayad din kami ng pagkain. Tsaka busy kasi ang Tito mo kaya ako ang namamalengke," sabi niya. Compet season kasi kaya busy si Tito.
"Naubos na 'yong binigay ko last week?" nagtatakang tanong ko. "Five thousand 'yon, Ma... Saan mo ginastos 'yon?"
"Pinambili ng gamot ng Papa mo-"
"Ma, may perang nakalaan para sa gamot ni Papa. Saan mo ginastos 'yong five thousand?" Napabuntong-hininga ako at napasapo sa noo ko. "Iyong totoo, Ma."
"Ano kasi... Natalo kasi ako, 'nak. Pero babawiin ko naman!"
"Sa sugal? Ma! May sakit si Papa, iyan pa rin ang nasa isip mo?!" Hindi ko na napigilan ang boses ko.
"Bakit mo ako sinisigawan, Alia? Natalo nga lang! Mababawi naman. Gusto mo bayaran pa kita? Ibabalik ko sa 'yo, doble pa! Okay na? Masyado ka namang madamot. Nanghiram lang naman." Huminga ako nang malalim habang pinapakinggan ko siya. Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na lang pinakinggan.
"Sige na, busy ako, Ma... Nagtatrabaho ako. Marami akong ginagawa sa school," sabi ko na lang dahil sumisikat na ang araw at hindi pa ako natutulog.
"Iyong two thousand?"
Pumikit ako at napamasahe sa sentido ko. "Basta pang-grocery 'to... Ipadala mo sa akin ang resibo ng bibilhin mo para alam ko." Binaba ko ang tawag at napadukmo na lang sa lamesa, pagod na pagod.
Nag-fitting ulit kami nina Seven at Icelle para malaman ko kung anong hitsura sa kanila ng ginawa ko. Work in progress pa naman 'yon.
"Are you okay?" tanong ni Seven sa akin habang nakaupo ako sa lamesa at nakatayo siya sa harapan ko. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang-gilid ko kaya wala akong takas.
Umiwas ako ng tingin at tumango. He tapped my nose with his pointing finger, smiling.
"Come on... What's wrong? Hmm?" Sinubukan niyang hulihin ang mga mata ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin.
Napatingin ako sa pinto nang makita kong pumasok si Icelle. Tinulak ko tuloy si Seven at agad tumalon pababa mula sa lamesa. Nakakahiya!
"Ice! Nandito ka na pala! Uh... Si Seven pala... Replacement ni Lai. Uh, magkakilala na kayo. So... Uhm... Let's start!" awkward na sabi ko.
Noong lunchtime, nag-aya si Lai. Pinilit ko si Ice na sumama kasi nahihiya ako sa kanya. Busy siya sa training pero pumayag pa rin siyang maging model. At least man lang mapakain ko siya 'no!
Nagkatinginan kami ni Seven dahil ang tahimik ni Ice at Lai sa harapan. Nagkibit-balikat lang si Seven sa akin.
"Don't mind them... Focus on us..." Nilagay niya ang kamay niya sa baywang ko at hinatak ako palapit. Hahalikan na sana niya ang pisngi ko nang bigla kong itulak ang mukha niya at tiningnan sina Ice at Lai. Mabuti na lang at hindi nila napansin! Sumimangot tuloy si Seven.
"Mamaya... Mamaya na, okay?" bulong ko sa kanya. "Nakakahiya kina Lai..."
"Why?" Hindi niya gets.
"Kasi hindi sila okay," sabi ko na lang.
Pagkarating namin sa restaurant, nagmukha pa kaming may double date. Hindi tumigil si Seven at nilaro-laro ang kamay ko habang si Lai at Ice ay tahimik lang na nag-iiwasan ng tingin. Ang awkward pero mukhang walang pakialam si Seven na parang wala kaming ibang kasama!
Sabi ko pa ililibre ko si Ice pero noong makita ko ang price, parang nalula ako! Nag-offer si Lai na ilibre kami, except si Ice dahil nag-offer siya na babayaran niya ang kanya. Nahiya ako lalo dahil inaya ko siya rito tapos siya pa magbabayad ng pagkain niya.
"Lai! You're here, pala. Hindi ka nagsasabi!" May dumating na lalaki. Mukhang siya ang chef. "Oh, Seven's here too!"
"He's a business partner of my uncle. Chef Mike. He's the owner," pagpapakilala ni Lyonelle.
Tumayo si Ice para ipakilala ang sarili niya. "Icelle De Contreras, Sir."
"De Contreras, huh... Your dad's the owner of the big pharmaceutical company?"
Hala... Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Ice. Hindi ko alam! Kaya pala mukhang hindi siya nahihirapan mag-fit in. Hindi rin siya nagulat sa presyo. Lahat ba talaga ng kakilala nina Lyonelle, may status?
"A-Alia po..." pakilala ko rin.
"The daughter of?"
Natigilan ako bigla at hindi nakasagot.
"She's my friend," sabi na lang ni Ice.
Umupo na ulit ako at natulala. Ang dami na ulit tumatakbo sa isipan ko habang nakikipag-usap si Lai doon sa chef. Napaangat ang tingin ko kay Seven nang hawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.
"I'm sorry. He just got used to it," paliwanag niya.
Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Okay lang." Naiintindihan ko naman. Ako lang talaga ang naiiba sa mga nakakasama nila.
Noong isang gabi, finollow ako ni Estella sa Instagram at in-add din niya ako sa Facebook. Nang i-accept ko, napa-scroll ako sa account niya. Akala ko anak lang siya ng abogado at architect. Hindi ko naman alam na may law firm ang Daddy niya at sa kanila rin ang Valeria Group!
Ako lang talaga ang naiiba sa mga nakapaligid kay Seven.
"I think I already met my type. Look. She's from Nursing. We click together." May pinapakita nang picture si Lyonelle kay Seven.
"She's alright," hindi interesadong sabi ni Seven.
"What do you mean she's 'alright'? She's pretty," sabi naman ni Lai.
Nagulat ako nang tumingin bigla sa akin si Seven. "Alia's pretty." Inayos niya pa ang buhok ko.
"H-huh?!" gulat na sabi ko. Saan galing 'yon?!
"The fuck," bulong ni Lai, nandidiri sa kaibigan niya.
Sumunod ako kay Ice papuntang restroom para mag-sorry sa kanya dahil mukhang hindi na siya natutuwa. Bakit kasi ganoon ang topic nila?! Mga blind dates ni Lai?!
"Do you have plans after this?" tanong bigla sa akin ni Ice.
Nagulat ako dahil first time niya akong inaya. "Uhm, Sunday ngayon kaya walang work, he-he! Saan tayo pupunta?" masayang sabi ko.
"You'll know when we get there." Wow, saan kaya kami pupunta?! Nakaka-excite naman!
Naisip ko bigla si Estella. Hindi pa 'ata sila magkakilala dahil nang nabanggit ang pangalan niya kanina ay nag-iba ang hitsura ni Ice. "Pwede mag-plus one?" request ko at nag-peace sign. Siguro nagtataka siya. "Hmm, hindi si Seven! Hindi rin si Lai, promise!"
"Alright. Just one," sabi niya.
Nag-send kaagad ako ng message kay Estella at mabuti na lang bored din daw siya sa condo. Nang matapos kumain ay nagpaalam ako kay Seven na aalis na kami ni Ice. Napakunot ang noo niya.
"Where are you going?" tanong niya habang nasa labas kami ng restaurant. "I thought we have a date today..."
"Mukhang malungkot si Ice, eh." Napanguso ako sa kanya. "Uuwi na lang ako kaagad! Kung gusto mo, doon ka muna sa apartment ko... o kaya mag-bonding kayo ni Lai!"
"I don't want to 'bond' with Lai," sabi niya, mukhang nandidiri.
"Why not, bro?!" Umakbay bigla si Lai kay Seven. "Let's go on a date! I'm bored!"
"Go with Nat." Inalis ni Seven ang akbay ni Lai.
"Hindi pwede! Isasama ko si Estella sa amin!" agad na pigil ko.
"Huh?" sabay na sabi ni Seven at Lai habang nakatingin sa akin, nagtataka.
"Fuck, now you're spending more time with Nat than me..." bulong ni Seven at napailing.
"Ito naman, ngayon nga lang, eh!" Tumawa ako at pinisil ang pisngi niya. "I'll see you later. Diyan ka muna kay Lyonelle!"
"Damn, they're going out. Should we ask Yori to go with us on our date?" Napaisip din si Lai at nilabas ang phone niya.
"Ask if he's free... and stop saying 'date.' I have a girlfriend." Tinulak ni Seven ang mukha ni Lai. Tumawa ako at nagpaalam na. Naghihintay si Ice doon sa gilid, mukhang ayaw magpaalam dahil naroon si Lai.
"Hey, take care." Napatingin ako kay Lai. Nakaiwas siya ng tingin, mukhang nahihiya. "I mean... Uh..."
"Ako bahala kay Ice!" Ngumisi ako at nag-thumbs up sa kanya bago ako tumakbo paalis. Kanina pa naghihintay si Ice. Nag-book na lang kami ng ride dahil hindi niya dala ang sasakyan niya. Sabi naman ni Estella ay magdadala siya ng sa kanya pero sabi ko roon na lang kami magkita at hindi na niya kami kailangan sunduin.
Sa rage room kami dinala ni Ice. Ang tagal ko nang gusto ma-try 'yon! Na-excite tuloy ako! Nakasuot kami ng gear at may mga baseball bat kaming hawak.
"Hindi ko pa pala nasasabi name ko! I'm Estella!" Nagpakilala na si Estella kay Ice. First time nga nilang nag-meet! "Or Nat. You can call me any nickname!"
"Icelle or Ice." Nag-shake hands sila. Perfect! Magkakilala na sila!
Tumalikod ako at hinampas na iyong mga baso. Napalingon tuloy sina Estella at Ice sa akin. Ay... Hindi pa ba simula?
"Sorry... Ang dami ko ring gustong ilabas. Hindi na ako makapaghintay," sabi ko.
Estella and Ice started to break things too. Paulit-ulit kong hinampas ang mga gamit sa harapan ko. Kumuha rin ako ng mga plato at pinagbabato iyon sa pader.
'The daughter of?'
Binato ko ang plato.
'Ang damot mo naman, Alia. Kami naman ang gumastos sa pagpapalaki sa 'yo. Ano ba naman 'yong hinihingi namin ngayon kumpara sa ginastos namin sa 'yo?'
Pinaghahampas ko ng baseball bat iyong computer.
'Ang problema sa 'yo, Alia, ang insecure mo. Lahat na lang pinagseselosan mo. Pati maliliit na bagay, ang big deal. Ayusin mo nga 'yang ugali mo.'
Kumuha pa ako ng mga baso at pinaghahampas iyon sa sahig.
'Oh my gosh, Alia... Umasa ka talagang mananalo ka sa prom? Nakikita mo ba hitsura mo or what? Ha-ha!'
'Sorry, Alia... Puno na kami sa table. Kung gusto mo, doon ka sa CR. Maraming upuan doon.'
'Mukha talaga siyang walang alam sa mundo 'no? Mukha siyang... Sorry sa words... Tatanga-tanga.'
Nilabas ko lahat ng sakit at galit ko gamit ang baseball bat. Paulit-ulit kong hinampas ang mga sira-sirang gamit sa harapan ko. Ni hindi ko sila magawang murahin... Ni hindi ako makapagsalita ng masama sa kanila. Hanggang dito na lang ang kaya kong gawin.
Huminga ako nang malalim at tumigil. Shit... I'm tired. I need Seven's comfort. Gusto ko na lang tumakbo ulit papunta sa kanya at yakapin siya para matigil lahat ng iniisip ko.
Natigilan ako nang makitang nakaupo na si Ice at hindi na hawak ang baseball bat niya. Lumapit kaagad kami sa kanya. Umiiyak na siya pero ayaw niyang ipakita sa amin. Niyakap ko na lang siya at hinayaan siyang umiyak.
Kanina... May kausap siya sa phone at mukhang hirap na hirap siya. Baka kaya siya umiiyak. Hindi ko na lang tinanong dahil baka ayaw niyang pag-usapan.
Pagkatapos namin mag-rage room ay dinala kami ni Estella sa mataas na lugar na may city view. Nag-take out kami ng food at doon kami umupo sa likod ng sasakyan niya.
"Estella, ano'ng gusto mong inumin?" tanong ko dahil bumili kami ng mga alak at soft drinks.
"Nat na lang, Alia," sabi niya at ngumiti sa akin. "'Cause you're my person now!"
Napangiti rin ako sa kanya. "Nat..."
Soft drinks lang ang ininom niya dahil magda-drive siya. Ako ay kumuha na lang ng can ng beer at si Ice naman ay vodka ang ininom. Ice only talked about her relationship with Lai and didn't open up about anything else. Medyo magulo sila. Halata namang gusto nila ang isa't isa.
I only had one can of beer at hindi ko pa naubos dahil nabusog ako. Pagkahatid sa akin ni Nat, nakita ko ang sasakyan ni Seven sa tapat. Na-excite tuloy akong umakyat sa apartment ko.
"I'm home!" masayang sabi ko nang pumasok ako.
Lumapit kaagad sa akin si Seven na nag-aayos ng mga utensils sa kusina. I spread my arms, inviting him for a hug. Yumakap naman siya sa akin at binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"How was it? Did you have fun?" tanong niya. "Wait... Did you drink?" Naamoy niya siguro ang beer.
"Kaunti lang." Ngumiti ako at kumalas sa yakap. "Magsha-shower muna ako para hindi mo na maamoy!"
I took a shower and did my nightcare routine before going to bed. Nakita ko ang gamit ni Seven sa gilid. Ibig sabihin, dito siya matutulog! Sobrang saya ko tuloy! Kinuha niya ang blower at pinatuyo ang buhok ko. Mukhang kanina pa siya nag-shower, bago pa ako dumating. Kanina pa siguro siya naghihintay.
Pagkahiga niya sa tabi ko, gumilid kaagad ako at niyakap siya. He cupped my chin and leaned to kiss me. Napapikit ako habang dinadama ang halik niya.
"I missed you," sabi niya habang hinahalikan ako.
I smiled in between our kisses. I held his face and kissed him deeper, pushing him so I could climb on top of him. Umupo ako sa taas niya at hinalikan siya. His hand went to my thigh, sliding his hand inside my shorts while we were kissing. Ang isa ay nakahawak sa mukha ko at pinipigilan ang buhok kong humarang.
"Saan kayo nagpunta ni Lai?" tanong ko, planting another kiss on his lips.
"Their house," he answered before kissing me again.
Yumakap ako sa leeg niya pagkatapos at binaon ang mukha ko roon. "Sabi nina Nat, minsan totoo daw 'yong sinasabi nilang if you love the person, let them go..." mahinang sabi ko.
"And? What do you think?" His arms encircled my waist.
Umiling ako habang nakayakap pa rin sa kanya. "Hindi ko kaya 'yon... At bakit ko naman gagawin 'yon? Nope... Hindi ako bibitaw!"
Tumawa siya at mahina akong tinulak sa balikat para makita niya ako. He caressed my cheek while staring at me. He looked at me with so much love, admiration, and gentleness.
"They're all wrong because I will never let you go," sambit niya. "So good luck trying to push me away when you don't want me anymore. I won't let go."
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top