12
"Are you nervous?"
Napalingon ako kay Seven habang nasa tapat kami ng gate ng bahay nila. Inaya ako mag-lunch ng Mommy niya at balak na daw niya akong ipakilala formally kaya kabadong-kabado ako! Iyong huling narito ako sa kanila, nakita pa kami ng Daddy niya sa kama! Nakakahiya naman! Hindi pa kami noon!
"Oh, ano'ng ginagawa n'yo diyan? Ayaw n'yo pang pumasok?" Nagulat ako nang maabutan kami ng Daddy niya. Mukhang galing pa siyang trabaho at may dala-dalang hard hat tapos safety shoes. Mukhang hinatid lang siya rito noong dumaang sasakyan.
"Hello po... Engineer," pormal na bati ko. Hindi ko alam ang iaakto ko!
"Hala." Natawa siya nang malakas at napahawak pa sa tiyan niya. "Tito na lang! Ikaw naman! Para kang others!" Tinapik niya pa ako sa balikat at nauna na siyang pumasok sa gate. Sumunod naman kami ni Seven.
Binaba ng Daddy niya ang maruming safety shoes sa labas ng bahay, sa gilid ng pinto para hindi marumihan ang loob ng bahay. Nang mapadaan kami roon ay parang automatic na kinuha ni Seven ang sapatos at naglakad papunta sa may garden area. Binuksan niya ang hose at nilinis niya iyong sapatos gamit ang tubig bago binalik sa may gilid para matuyo. Parang sanay na siyang gawin 'yon at part na ng routine niya.
"Mom, we're here," paalam ni Seven nang makapasok kami sa bahay. Dumeretso siya sa may sofa at inayos iyong mga unan. "You can sit here..." Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at inalalayan ako paupo roon sa may sofa.
Pagkatapos ay inayos niya iyong coffee table at tinanggal ang mga gadget na naroon. Nilagay niya ang mga gadget sa may basket bago inurong ang rug dahil nakapaling. Pinapanood ko lang siya dahil parang hindi siya nauubusan ng gagawin.
"Kuya, nakita mo iPad mo?!" Bumaba si Kiel. "Uy, may bisita pala! Hello, 'te! 'Musta?!" bati niya.
"Basket," sabi ni Seven habang nilalagay sa lagayan iyong mga nahugasan nang plato. Nasa kusina na siya.
"Hi, Alia!" Pumasok ang Mommy ni Seven mula sa may back door. Naka-formal attire siya at mukhang papasok pa sa trabaho pagkatapos ng lunch kaya nahiya ako. "Baby, have you seen my bracelet?"
"Coffee table," sagot ulit ni Seven.
"Seven! Iyong hard hat ko? Dinala ko ba sa taas? Wala na sa may lamesa!" rinig kong tanong ng Daddy niya nang pumasok din galing sa back door.
"In your office, Dad," sabi ni Seven na nagpupunas na ngayon ng lamesa.
Wow... Pwede nang lost and found si Seven. Lahat 'ata ng gamit dito ay alam niya kung nasaan, siguro dahil siya rin ang mahilig mag-ayos. Lahat sila ay nagkakagulo habang ako ay nakaupo lang sa sofa at nanonood sa kanila.
"Yuck, Mame! Doon na nga kayo sa kwarto n'yo maglandian!" reklamo ni Kiel nang makitang nagkukulitan iyong magulang niya sa may kusina.
"Your Dad kasi, eh! Doon ka nga, Sev!" natatawang sabi naman ng Mommy ni Seven na pilit tinutulak si Tito. Napailing na lang si Seven habang naghahain siya ng mga plato. Iyong Mommy niya naman ay hinahain na iyong mga pagkain.
"Luto ni Elyse 'to, Alia! Ingat ka, ah..." Nanlaki ang mga mata ko nang manakot si Tito.
"What did you just say?!" reklamo ng Mom ni Seven at nagkulitan na naman sila roon.
"Mom! Dad! Matatapon 'yong pagkain." Pinagalitan tuloy sila ni Seven kaya natigilan sila. Nagsisihan pa sila habang malakas namang tumatawa si Kiel sa gilid. Naroon na siya at nakaupo, naghihintay ng pagkain.
"Alia, halika na! Upo ka na rito!" aya sa akin ni Tito. Tumayo na ako at naglakad na papunta sa may dining area. Pinaalis pa ni Seven si Kiel sa tabi niya para doon ako umupo.
"Mom, Dad. Alia's officially my girlfriend now," biglang sabi ni Seven pagkaupo ko. Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kaagad sa kanya. Ni hindi pa nga nauupo ang pwet ko, sinabi na niya kaagad?! Hindi pa nga kami kumakain!
"We know. Congratulations! We're happy for you!" masayang sabi ng Mommy niya at pumalakpak pa.
"Ano'ng nakita mo kay Kuya, 'te?" nagtatakang tanong ni Kiel sa akin habang kumukuha siya ng kanin.
Lumapit si Tito at may binulong kay Seven. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Seven, nagtataka at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ng Daddy niya. Tumawa naman si Tito at napatakip pa ng bibig para pigilan.
"Who knew the day would come when Seven would finally introduce a girlfriend?" Kunwari pang naiyak ang Mom niya.
"Kaya nga. Kapag tinatanong natin siya noon kung may jowa na siya, ang sagot niya palagi ay 'volleyball'," sabi ni Tito.
"Akala mo nga noon, Dade, na 'volleyball' talaga pangalan noong jowa niya. Sinearch mo pa nga sa Facebook," singit ni Kiel.
"Luh, hindi ko ginawa 'yan. Imbento ka."
Tumawa nang malakas si Kiel, nang-aasar. "Weh? Nakita ko, eh."
"Do you want more?" Napalingon ako kay Seven na naglalagay ng pagkain sa plato ko. Ang dami na pala niyang nilagay! Ang dami rin kasing handa tapos lahat 'yon ay pinapasubok niya sa akin!
"Okay na... Thank you," mahinang sabi ko sa kanya.
Being with their family made me realize how different my family was. Ang saya-saya nila... habang kami ng pamilya ko ay may mga sama ng loob sa isa't isa. We would often fight about money at madalas ay galit sila sa akin. Kung ilan ang iniyak ko sa pamilya ko, iyon ang tinawa ko rito sa pamilya ni Seven.
Natigilan kami nang may mag-doorbell. Nagkatinginan sila, mukhang hindi inaasahang may bisita sila. Tumayo si Kiel para siya na ang magbukas ng pinto.
"Oh, napadaan ka, 'te?" rinig kong sabi niya. Gumilid ako para masilip ko rin kung sino ang nasa pintuan.
"Yes, I have something to return to Seven!"
Napaawang ang labi ko nang may pumasok na magandang babae. She had an angelic face. She was tall and slim, and she was also wearing expensive clothes. Her clothes hugged her body perfectly. She looked like a model! Ganyang mga tao ang ini-imagine kong kayang dalhin kahit anong klase ng damit.
"Good noon po, Tito, Tita." Lumapit ang babae at bumeso. May dala siyang paper bag. Mukhang iyon ang iaabot niya kay Seven.
Pero... Sino siya?
"What are you doing here?" tanong ni Seven. Hindi naman siya nagsusungit. Mukha siyang nagtataka.
"Your hoodie. I'm returning it." Tinaas niya ang paper bag.
Nawala ang ngiti niya nang lumipat ang tingin niya sa akin. Familiar siya. Model 'ata talaga siya! Parang nakikita ko siya sa mga billboard, eh. Paano sila nagkakilala ni Seven? Pinsan? Friend? Uhm... Ex? Hindi... Wala siyang ex. Baka ex-almost?
"Thanks." Kinuha ni Seven iyong paper bag at nilapag sa gilid. "You didn't have to go all the way here."
"Eh, I heard you're going back to your training tomorrow. Hindi ko na mababalik sa 'yo 'yan." Saka niya lang 'ata ako napansin nang bumalik si Seven at umupo sa tabi ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya, pero pilit niyang binalik iyon. "Hi! Nice to meet you! I'm Tasia! Seven's friend." Nilahad niya ang kamay niya.
"Hello... Alia," pakilala ko rin at nakipag-shake hands.
"Well, uh... That's all... Uhm... Alis na ako. Bye po!" Muntik pa siyang mabunggo sa may pader kakamadali. Tumayo si Seven para ihatid siya sa may pintuan.
"May gusto 'yon kay Kuya," bulong sa akin ni Kiel. Talagang pumunta pa siya sa side ko para bumulong. "Simula bata pa sila," dagdag niya pa.
"Ah..." Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko roon. Ang unang tanong na pumasok sa isip ko ay... Bakit hindi naging sila? She was the perfect woman for him. Ganoong mga babae ang bagay kay Seven. Kung matagal na palang may gusto sa kanya, bakit... Bakit ako 'yong nandito?
"Pero basted siya. Ha-ha!" Tumawa si Kiel bago nagmamadaling bumalik sa upuan niya dahil dumating na rin si Seven.
"What did you say to her?" nagtatakang tanong ni Seven.
"Chismoso ka pala, 'ya. Hindi halata sa 'yo." Napailing si Kiel. Hindi na lang tuloy nagtanong ulit si Seven.
Pagkatapos namin mag-lunch ay nagpaalam na kaagad ang magulang ni Seven dahil kailangan nilang bumalik sa trabaho. Nahiya ako kasi naglaan pa talaga sila ng oras para makapag-lunch kami.
Naiwan kaming tatlo nina Kiel at Seven sa bahay. Umakyat naman kaagad si Kiel sa kwarto niya dahil naglalaro siya sa computer. Umakyat din kami sa kwarto ni Seven dahil mag-iimpake siya ng dadalhin niya pabalik sa Mahirang. Nakaupo lang ako sa kama niya habang pinapanood ko siya.
"Hmm... Sino siya?" Hindi ko na mapigilang magtanong.
"Who?" tanong ni Seven habang naghahanap ng kung ano sa cabinet niya. "Tasia?" Lumingon siya sa akin at tumango naman ako. "She's a friend."
Hindi na ako nagsalita at tumango-tango na lang. Ang dami kong gustong sabihin pero magtutunog akong demanding at malisyosa kapag nagtanong pa ako. Okay na 'to. Sasarilihin ko na lang.
"She used to like me," sabi niya nang makita ang hitsura ko. "But I never liked her... so stop picturing me and Tasia together in your head." Natawa siya saglit dahil alam niyang iyon nga ang iniisip ko.
Nanguso ako at humiga sa kama niya. "Kakaiba rin mga taste mo. Hindi mo type 'yong ganoon pero ito, type mo?" Tinuro ko ang mukha ko.
"What do you mean?" Sinara niya ang cabinet at nakakunot ang noong lumingon sa akin. "First, the physical appearance is not a big factor for me. Second, even if it was, you're the prettiest woman I've ever seen, so it doesn't matter..."
Napatakip ako ng unan sa mukha ko para itago ang pamumula ng pisngi ko. Ang O.A. naman ng sinabi ni Seven. Prettiest woman? Ano ba ang nakikita niya? May nakikita ba siyang hindi ko nakikita tuwing tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin, huh?
"And about the hoodie. I let her borrow it because she was cold, and it happened months ago... before the summer training started," pagpapaliwanag niya.
"Hindi ko naman tinatanong... Hindi mo naman kailangang magpaliwanag," nahihiyang sabi ko.
"No. I have to because you're my girlfriend, I love you, and I don't want some misunderstanding between us."
I love you?!
Na naman?! Parang nagwawala ang puso ko tuwing naririnig ko 'yon galing sa kanya! Hindi ko inalis ang unan sa mukha ko para hindi niya makita ang reaksyon ko. Ni hindi ko pa nga nasasagot iyong three words na 'yon sa sobrang hiya ko! Mukhang hindi rin naman siya naghihintay ng sagot tuwing sinasabi niya... pero kailangan kong sabihin sa kanya! Dapat nga ako ang nauna, eh! Hahanap na lang ulit ako ng timing!
"Ba't mo tinatago mukha mo?" Kinuha niya ang unan. Gumilid tuloy ako sa kama para hindi pa rin niya ako makita. Tinakpan ko pa ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.
Impit akong napasigaw nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at tinanggal ang takip ko sa mukha ko. Nasa taas ko na pala siya at ang dalawang tuhod niya ay nasa kama na. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nailang ako bigla sa posisyon namin.
"Kuya, papasok ako! Siguraduhin n'yong hindi kayo nagbo-bold diyan!" Agad kaming napaayos ng posisyon nang sumigaw si Kiel sa labas ng pinto. Umupo kaagad ako sa gilid ng kama at bumalik si Seven sa pag-aayos ng damit sa cabinet.
"Why?" tanong ni Seven nang pumasok na si Kiel.
"Bilhan mo ako nito!" Pinakita ni Kiel ang iPad. May item 'ata siyang gusto sa laro.
"You can just use Mom's card."
"Sus! Ayaw mo lang ako rito, eh! Siguro may ginagawa kayong kakaiba!" Naglakad na papuntang pinto si Kiel. Tinuro niya ang mga mata niya gamit ang dalawa niyang daliri at sunod naman niyang tinuro sa amin bago siya lumabas.
"We should lock the door next time," sabi ni Seven sa akin.
"H-huh?!" gulat na sabi ko.
Ngumiti lang siya at pinagpatuloy na ang pag-aayos ng gamit. Mayamaya, nakatulog na rin ako sa kama niya. Pagkagising ko ay mag-isa na lang ako sa kwarto niya. Kinuha ko kaagad ang phone ko at tiningnan ang oras. Tatlong oras pala akong tulog.
Dahan-dahan akong lumabas at bumaba sa kusina. Nakita ko si Seven na naghahain ng meryenda roon.
"You're awake. Kumain ka na." He smiled and got me a plate.
"Salamat, 'ya." Nagulat kaming dalawa nang sumunod si Kiel sa likod ko at nauna pa siyang bumaba sa akin. Kinuha niya ang plato at nanguha ng fries.
"Eat well." Ginulo ni Seven ang buhok ni Kiel at ngumiti.
Hinatid na rin ako ni Seven pauwi pagkatapos namin kumain ng meryenda. Hindi na siya nagtagal dahil maaga pa kami luluwas kinabukasan. Nag-ayos lang ako ng gamit noong kinagabihan, tapos maagang gumising para bumalik sa probinsya. Hinatid kami ng driver nina Seven.
Pagkarating namin ay sinalubong ako ni Tita. Nagtanong siya kung kumusta ako at kung kumusta si Papa. Si Tito kasi ay bukas pa babalik dahil nga inaasikaso pa niya sina Mama. Si Seven ay tinangay na kaagad nina King at zero-four para magtanong tungkol sa amin.
Humiga kaagad ako sa kama, pagod sa byahe. Binuksan ko ang group chat namin nina Bailey at Chae. Hindi na nagparamdam sa akin si Chae simula noong huli kaming nagkita. Hindi ako sanay dahil madalas naman kaming magkausap, o kahit man lang sa group chat ay nagme-message siya. Siguro nagulat lang talaga siya. Kakausapin niya rin ako soon. Baka kailangan niya lang i-process lahat.
"Omg!" Napaupo ulit ako nang makita ko ang notification galing sa email ko. Nag-reply na iyong Store Manager at nag-send na siya ng available interview dates. Pinili ko iyong date kung kailan nakabalik na siguro ako ng Manila. Tinawagan ko kaagad si Seven para ibalita sa kanya, pero imbis na sagutin niya ay nag-message siyang nasa labas daw siya.
Dali-dali akong tumakbo pababa at lumabas. Nakita kong naghihintay si Seven sa labas. Kumaway siya gamit ang kamay niyang may hawak ng phone.
"May interview date na ako!" masayang sabi ko at yumakap sa leeg niya.
"Wow, good luck! When is it?" Pinalupot niya ang braso niya sa baywang ko.
"August three pa! Nasa Manila na tayo noon, 'no? Tapos na training n'yo?" Tumango naman siya. "Sana matanggap ako!"
Mabilis lang natapos ulit ang training nina Seven. Noong huling araw ay nagkaroon ng handaan sa plaza para sa pagtatapos ng summer training nila. Boodle fight ulit 'yon kaya tuwang-tuwa iyong players, lalo na dahil ang daming seafood. May tugtugan pa noong gabi kaya naman ang saya-saya nilang umalis sa probinsya namin. Sumabay ako sa bus ng team pabalik sa Manila.
"Mag-iingat ka, Alia, ha. Susunod din ako roon next week." Niyakap ako ni Tita nang mahigpit. "Mag-aral ka nang mabuti."
Buhat-buhat ni Seven lahat ng gamit ko at nilagay sa may compartment ng bus. Pagkatapos ay nauna na akong umakyat at naghanap ng pwesto para sa aming dalawa. Iba ang ngisi sa akin nina King at zero-four simula noong bumalik kami rito. Dahil sa pagpalit ni Seven ng profile picture, alam na ng lahat sa team na kami na.
"Nilalagnat ka 'ata, Sean," pansin ko nang mapadaan ako sa upuan niya.
Ngumiti lang siya nang tipid sa akin. "Okay lang ako."
At simula rin noong bumalik kami rito ay iniiwasan na ako ni Sean. Nalulungkot tuloy ako... kasi parang unti-unti na akong nawawalan ng kaibigan. Si Bailey na lang ang natitira dahil hindi pa rin ako kinakausap ni Chae. Hindi ko tuloy alam kung paano aakto kapag bumalik na kami sa school. Sasama pa rin ba siyang mag-lunch? Dapat kasama siya. Hindi kami kumpleto kung wala siya.
Umupo na lang ako sa likuran niya at tumabi naman sa akin si Seven. Hinubad niya kaagad ang jacket niya at binigay sa akin. "I know you'll get cold later," sabi niya.
Tama siya kaya sinuot ko na lang 'yon at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Natulog lang ako buong byahe at gumigising lang kapag may stopover. Minsan, si Seven na lang ang bumababa para bilhan ako ng pagkain. Hapon na noong nakarating kami sa Manila. Nagpahinga na kaagad ako sa apartment ko dahil may interview pa ako kinabukasan.
From: Boyfriend ♡
Good luck today. You can do it! Kaya mo 'yan! I believe in you :)
Napangiti kaagad ako habang naghihintay sa may labas ng office kung saan gaganapin ang interview. My position would be a part-time fashion illustrator. Magiging katrabaho ko ang fashion designers under the new clothing line. Kasama ako sa gagawa ng sketches ng concepts o kaya illustrations mismo ng mga damit. Gustong-gusto ko 'yong trabaho kaya naman napapadasal na ako habang naghihintay. Kapag natanggap ako rito, hindi ko na kailangang kumuha ng maraming part-time jobs para lang makapagbayad ng bills.
"Miss Ortega?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang tawagin na ang pangalan ko. Pumasok ako sa kwarto at umupo sa gitna. May tatlo akong kaharap. Nanginginig na ang tuhod ko pero hindi ko pinahalata sa kanila.
Tinanong nila ako sa kurso ko, at hawak din nila ang physical copy ng portfolio ko. They said it was impressive, kaya pakiramdam ko tumaas ang tsansa kong makuha. The interview went well. Wala naman silang tanong na hindi ko kaagad nasagot.
"We'll see you again on the second round of interview. Please check your email within the day." Iyon ang sinabi nila. Nakahinga ako nang maluwag. Ibig sabihin ba noon ay kasama na ako sa second round?
Sobrang saya ko! They scheduled the second interview after three days. Mas kinabahan ako kasi ang venue ay sa building mismo ng Ledezma Group. Iyong last time kasi, doon kami sa two-storey building kung saan magbubukas iyong first branch ng clothing line nila. Mayroong office doon sa second floor. Hindi pa nga tapos gawin ang store pero ang ganda na sa loob. Nai-imagine ko na siyang puno ng damit at customers.
Para akong nalulula sa taas ng building ng Ledezma Group. Pagkapasok ko pa lang sa lobby ay naligaw na ako. Ang daming empleyado at mukhang lahat sila ay abala at nagmamadali. Pumunta ako sa may concierge para magtanong tungkol sa job interview.
"This way po." In-assist pa nila ako papunta sa elevator at sila na ang nagpindot ng floor.
Nang bumukas ulit ang elevator ay dahan-dahan akong naglakad, sinusundan iyong sign na 'For job interviews' hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang meeting room. May staff sa labas na tiningnan ang ID number ko. Pagkatapos ay sinabihan na niya akong pumasok. Nanginginig ang tuhod ko nang maglakad ako papasok. Mabuti na lang at wala ang Mommy ni Seven kaya nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay kasama siya sa magi-interview sa akin, eh!
The second interview went well. Mas humirap ang tanong nila, pero unti-unti na kaming napunta sa specifics ng trabaho. Tinanong nila ako tungkol sa salary na ine-expect ko, so sinabi ko 'yong tinuro sa akin ni Seven na value.
Nanlaki ang mga mata ko nang mag-offer sila ng mas mataas na salary sa sinabi ko. Talagang tinanong pa nila kung okay ako roon!
"We'll set a meeting to finalize the contract. Please check your email for the required documents. Congratulations, and we look forward to working with you." Agad akong naglakad para makipagkamay sa mga nag-interview sa akin.
Nakatulala ako nang lumabas. Hindi pa nagsi-sink in sa aking natanggap na kaagad ako! Hindi ko nga alam kung paano ako nakabalik sa lobby.
"Alia, are you okay?" Natauhan ako nang makita ang Mommy ni Seven sa harapan ko. Hinawakan niya ang balikat ko. Muntik ko pa pala siyang mabunggo noong palabas ako ng elevator!
"O-okay lang po! Hello po!" Hindi ko alam ang sasabihin ko! Nakatingin sa akin lahat ng empleyadong nakasunod sa kanya. She was wearing a two-piece formal suit at may hawak na designer bag.
"Madam, we're going to be late po," sabi ng assistant niya.
"Oh, okay, wait. What happened with the interview?" excited na tanong niya sa akin. "Did you get in?"
"Ah, yes po! Thank you po! Thank you po sa opportunity!" Pinagdikit ko pa ang dalawang palad ko at pumikit.
"Omg, yay! I'm so happy for you! Let's work together soon!" Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko bago siya nagpaalam. May meeting pa raw kasi siya. "She's Seven's girlfriend." Narinig ko pa iyong sinabi niya sa assistant niya noong papasok sila ng elevator. Parang ako tuloy ang nahiya!
Seven is so blessed to have kind parents. Naisip ko tuloy ang magulang ko. Siguro... marami ring ibang bagay na nakakaapekto sa kung paano nila ako itrato. Iniintindi ko na lang lahat. May sakit pa si Papa kaya wala akong karapatang magtanim ng sama ng loob. Gusto lang manatili silang buhay at malusog.
"Welcome back to school, everyone! Don't forget to get some free chocolates from our booth on the campus grounds!" pag-announce ng isang campus broadcaster.
Naging Club Day ang first day of school kaya wala pa kaming formal classes. Member ako ng Fashion Club as usual dahil home org namin 'yon kaya abala rin kami sa pagpo-promote ng club namin sa mga freshies. Nakita ko si Lyonelle na nagpo-promote ng swimming team. Si Seven ay wala pa pero naroon sina King sa may booth ng volleyball team para mag-recruit din ng mga bagong members.
"Chae..." bulong ko nang makita ko siyang mapadaan. "Chae!" Sinundan ko kaagad siya at hinawakan sa braso. Nagulat pa siya nang makita ako.
"Alia..." Napakurap siya at agad binawi ang braso niya.
"Uhm, lunch tayo mamaya nina Bailey!" aya ko sa kanya na parang walang nangyari.
"Ah... Okay." Umiwas siya ng tingin sa akin. Bakit ba lahat na lang ng kaibigan ko ay iniiwasan ako?!
"Hello! Baka interested kayo sa Dance Club!" May lumapit sa aming babae na namimigay ng flyers. May kasama siyang babaeng mas matangkad sa kanya na mukhang naiinis sa init. Nakasuot siya ng cap at may hawak ding mga flyers.
"Dalian mo, Kobs. Ang init," sabi noong kasama niya.
"Saglit lang, 'te! Magtrabaho ka rin kaya?! Pakitaan mo sila ng sample. Go! Sayawan mo, Zahra! Best dancer namin 'to!" Tinulak pa niya 'yong kasama niya kaya nabunggo si Chae.
"Sorry po." Umatras kaagad siya nang samaan siya ng tingin ni Chae. "Gago ka kasi! Nakakahiya ka!" Binatukan niya ang kasama niya.
Umiling lang si Chae at nauna nang umalis, hindi interesado. Napanguso ako dahil tinakasan niya na naman ako. Nanguha na lang din ako noong pinapamigay na flyers noong dalawang taga-Dance club para naman hindi sila mukhang kawawa sa init.
"Hi, can I join your club?"
Napalingon kaagad ako nang marinig ang boses ni Seven habang naglalakad ako pabalik sa booth namin. Nakasuot siya ng cap at casual outfit pero ang lakas pa rin ng dating niya, o baka biased lang ako kasi boyfriend ko siya.
"I'm interested in fashion anyway." Ngumiti siya at tinanggal ang cap niya para isuot sa akin. Naiinitan na kasi ako kaya naniningkit na ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Mukhang kakarating niya lang sa school. Ang init-init pero parang hindi siya pinagpapawisan! Ang fresh niya pa rin tingnan.
"Baka sa fashion students ka interesado," pang-aasar ko naman.
"Fashion student. Isa lang," pag-correct niya.
Second day of class. Third year na ako! Maaga akong sinundo ni Seven sa apartment ko gamit ang sasakyan niya at sabay kaming pumasok. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa building ko. Magkalayo ang building namin kaya naman ang layo rin ng lalakarin niya pabalik. Nagpumilit pa rin siya kahit sinabi ko na 'yon, eh!
"Nakakahiya..." Sinubukan kong tanggalin ang hawak niya sa kamay ko pero hinigpitan niya lang.
"Ano'ng nakakahiya?" tanong niya pabalik. "You used to hold hands with your ex before inside the campus."
"Eh?! Nakikita mo kami sa campus?!"
"Of course." Napailing siya. "Is being with me more embarrassing than being with that guy?"
"Hindi! Ano ka ba! Mas pinagtitinginan ka lang kasi kaya mas maraming atensyon!" Yumuko ako at bahagyang napatakip sa mukha ko.
Kahit naglalakad lang si Seven, para siyang tourist spot! Bakit ba ang daming tumitingin?! Okay, sikat din siya dahil nga magaling siyang volleyball player, pero parang hindi na nila inaalis ang tingin nila sa kanya! Nakita ko nga iyong isa na nabunggo pa sa poste kakatingin sa kanya!
"Dito na ako. Sige na, pumasok ka na." Huminto kami sa may Fashion Institute. "Bye-bye!" Kumaway ako at ngumiti sa kanya.
"I'll see you later." Pinisil niya ang pisngi ko bago naglakad paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Pagkatapos ay napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba 'to! Naglakad lang naman kami, para akong masisiraan sa kilig!
Noong lunch ay nagkita kami nina Chae sa may cafeteria. Kahapon ay nag-message siyang hindi pala siya makakapunta dahil may meeting sila. Ngayon na lang namin siya ulit makakasama mag-lunch. Sana okay na siya at hindi na siya galit sa akin.
"Here. I got your favorite drink." Nilapag ni Chae ang bote sa tapat ko bago umupo. Nauna kasing matapos ang klase namin ni Bailey.
Napangiti kaagad ako at kinuha ang bote. "Thank you, Chae!" Bati na kami! Ngumiti na siya sa akin bago siya umupo sa tapat ko.
"Buti naman nagparamdam ka nang gaga ka." Sasabunutan sana siya ni Bailey pero naunahan siya ng takot kaya inayos na lang niya ang kwelyo ni Chae bilang palusot. "Bakit bigla ka na lang hindi namamansin?! Nagalit ka ba kay Alia kasi sila na ni Seven?! Bakit ka naman nagalit?"
"Bailey..." Hinawakan ko ang sleeve niya. "Huwag ka nang magtanong. Ang mahalaga, okay na kami," bulong ko. Baka ma-badtrip ulit si Chae! Okay na nga, eh! Si Bailey talaga, minsan, hindi marunong makiramdam!
"I wasn't mad." Sumimsim si Chae sa inumin niya. "I will if he ever makes you cry."
I told them about my part-time job. That week, na-finalize na rin ang contract at magsisimula na ako the next week. Since iyong work ko naman ay hindi kailangan palaging onsite, most of the time ay pwede kong trabahuhin sa bahay. Kapag kailangan lang ng meeting o brainstorming kasama iyong iba sa team ay saka ako papasok sa office. Naisip ko tuloy na pwede pa pala ako mag-part time sa convenience store para lang may pandagdag. Hindi naman ako napapagod doon, eh.
Parang hindi totoong maaga akong umuuwi. Madalas, pagkatapos sa school ay papasok na ako sa iba kong part-time job. Ngayon, isa na lang... so far. Life-changing talaga 'yong opportunity na 'yon.
"Good morning," bati ni Seven pagkagising ko. Since may susi na siya ng apartment ko, minsan nadadatnan ko na lang siya rito tapos ang linis na bigla ng apartment ko. "I cooked you breakfast. I have a competition today so I have to leave early."
"Hala, today na! Manonood ako, 'di ba?!" Nagmamadali kaagad akong pumasok sa banyo para maligo.
Sumama ako sa kanya papunta sa school, tapos sumakay kami sa school bus papunta sa venue ng laro. Ito ang unang laro nila for this season kaya naman importante 'to. Nakasuot ako ng support shirt para sa team nila. Usually, wala masyadong nanonood kapag mga unang laro, pero ang daming pumunta para sa school namin.
"Kinakabahan ka ba?" tanong ko kay Seven habang nakaupo siya sa may gilid. May harang na railings sa gitna namin. Napalingon kaagad siya sa akin at napangiti.
"No," sabi niya naman.
"Ang yabang!"
Well... May karapatan naman siyang magyabang. Ako ang nagugulat sa bawat hampas niya ng bola! Mukha ngang hindi naman nahihirapan si Seven habang naglalaro. Sanay na sanay na talaga siya sa ginagawa niya.
"Let's go, Seven!" malakas na sigaw ko habang pumapalakpak noong siya na ang magse-serve. Hinagis niya ang bola bago siya tumakbo at tumalon. Pagkahampas niya, nagsigawan ang lahat dahil walang naka-receive. "Hoo! Go, baby!"
May isa pa ulit siyang serve. Na-receive ng isang player pero tumalbog palabas. Hindi na ako kinabahan dahil ang laki na ng lamang nina Seven. Nanguha na lang ako ng picture habang naglalaro siya. Seryoso lang siya the whole time. Tuwing nasa court talaga siya ay naka-focus lang talaga siya sa laro at parang bawal siyang kausapin.
"And here's Camero, flying through the air... Boom! What a powerful, precise spike! Camero, zero-seven, everyone! The crowd is standing to cheer!"
Halos mawalan na ako ng boses kakasigaw. Nang matapos ang laro, tumakbo kaagad ako papunta kay Seven para i-congratulate siya.
"Wait, I'm sweaty..." Umatras siya bigla kaya napanguso ako. May towel siyang nakasabit sa may leeg niya.
"Bahala ka..." Pinagkrus ko ang braso ko.
Nag-shower muna sila bago kami sumakay ulit sa bus. Nagtatampo ako kay Seven kaya masama ang tingin ko sa kanya habang nasa byahe kami pabalik sa campus. Natatawa naman siya sa hitsura ko.
"Hay... Bye na." Napanguso ulit ako nang ihatid na niya ako sa tapat ng apartment ko.
"Hmm, bye na agad? Are you forgetting something?" nang-aasar ang tono niya.
"Congrats," maikling sabi ko, nagtatampo pa rin. Bakit kasi hindi na lang niya tinanggap ang yakap ko?! Mapupunasan naman ang pawis, eh! Tsaka hindi naman siya amoy pawis!
"Aw, my girlfriend's sulking..." He put his hands on his knees so he could lean forward. Tinusok niya pa ang pisngi ko kaya inalis ko ang kamay niya habang masama ang tingin sa kanya.
"Umayaw ka sa hug ko," nagtatampong sabi ko.
"I'm sorry. How can I make it up to you?" he said, tucking my hair behind my ear. "Should I hug you all night?"
"Paano, huh?! Uuwi ka na!" Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib at umiwas ng tingin sa kanya.
"I won't go home, then."
"Huh?" Napalingon kaagad ako sa kanya. Ano raw?! Tama ba ang narinig ko?!
He leaned closer to whisper in my ear. "I'll sleep here... with you."
___________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top