09
"Alam mo, nagtataka ako sa 'yo. Ano ba ang nagustuhan mo sa 'kin?"
Hindi ko lang kasi gets. Bakit?! May ginawa ba akong kagusto-gusto?!
Hindi naman ako 'yong tipo ng taong madaling magustuhan. It was the first time someone ever confessed to me, maliban sa ex kong siraulo. Iyong ex ko nga lang ang nagkagusto sa akin sa buong buhay ko, kung totoo ngang minahal niya ako. Maliban doon, wala nang iba.
Bago sa akin lahat ng 'to... dahil hindi ko naman kahit kailan naisip na magkakagusto si Seven sa akin. Sino ba naman ako para magustuhan ng lalaking katulad niya? He was so out of my league.
"I... can't explain."
"Sige, ito na lang. Kailan mo 'ko nagustuhan?" I tilted my head a bit to the side. "Hmm, kahit hindi muna gusto. Kailan ka pa may crush sa akin?"
Nakakapagtaka. Nagustuhan ba niya ako dahil ako lang iyong babaeng ka-edad niya na nandito sa probinsya? Dahil ba roon? O baka infatuation lang naman 'yon... or baka hindi lang siya sanay na may babaeng malapit sa kanya. Hindi... Pero mayroon naman siyang mga babaeng kaibigan.
Bakit ba ako? Hindi ko maintindihan.
"I don't want to answer." Napatakip ulit siya sa ilong at bibig niya at umiwas ng tingin para itago ang nahihiya niyang mukha sa akin. "Let's just go."
Sige na nga. Tumingin ulit ako sa motor bago tumingin pabalik kay Seven.
Matagal akong napatitig sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundong lumipas na pinagmamasdan ko siya.
Humarap ako sa kaniya at dahan-dahang lumapit. My feet moved before I could even think. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya nang niyakap ko ang baywang niya.
"Ganito..." bulong ko. "Iyong hawak sa motor, okay?"
Binitawan ko na siya at ngumiti. Nagulat siya at namula bigla. Tumalikod na ako para itago rin ang pamumula ng pisngi ko. Pareho na kami ngayon.
Sasakay na sana ako sa motor ulit nang hawakan niya ang kamay ko at marahang hinatak palapit. Napaawang ang labi ko habang nakaangat ang tingin sa kaniya. Ang lapit ng mukha naming dalawa.
"I'll say it again... I like you, Alia," mahinang sabi niya. "I don't say or write words that I don't mean."
Bigla akong sininok. Napatakip ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mga mata ko at nakatitig sa kanya. Iba pala ang pakiramdam kapag personal niyang sinasabi... Ibang-iba sa sulat na binigay niya sa akin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ayaw kong bitawan niya ang kamay ko. Ayaw ko pang bumalik sa bayan... Gusto ko pa siyang makasama. May gusto rin ba ako sa kanya?
Ano ang karapatan ko?
"Let's go back," aya niya sa akin at kinuha na ang helmet.
Hindi ako nakapagsalita habang nagda-drive pauwi dahil nakahawak siya sa baywang ko! Alam kong ako iyong nagtapang-tapangan na sabihin sa kanyang ganoon dapat ang hawak, pero hindi ko naman inasahang kakabahan ako nang sobra dahil lang sa hawak niya! Ang laki ng kamay niya kumpara sa baywang ko. Parang kaya niya akong buhatin sa isang braso niya lang. Ah, ano ba 'tong iniisip ko?!
"Thank you... Uh... sa pagsama sa akin." Nakaiwas ako ng tingin habang nakatayo kami sa may gitna ng plaza. Binalik na namin ang motor at na-deliver ko na rin iyong pinapabili sa akin. Tapos ko na rin 'yong ibang utos sa akin kaya wala na akong gagawing iba.
"Naiilang ka ba sa 'kin?" tanong niya bigla. Nagulat ako at agad napatingin sa kanya.
"Hindi sa 'yo!" Nahihiya lang ako, hindi naiilang! Hindi ko rin kasi maintindihan 'yong nararamdaman ko. Ang tagal na simula noong huli kong naramdaman 'to... at doon pa sa ex ko. Nakakahiya namang isipin 'yon. "Sorry, hindi ko lang alam kung paano ako aakto..."
"Take your time. I'll get going now." He reached out his hand, but stopped midway. Pinigilan niya ang sarili niya. Napaisip tuloy ako kung ano ba dapat iyong gagawin niya.
Pinanood ko siyang maglakad paalis. Kinuyom niya ang kamao niya at nilagay na lang sa bulsa. Tumalikod na rin ako at pumasok na sa bahay. Dali-dali akong tumakbo paakyat ng bahay at nagsulat ng kung anu-ano sa papel. Nilulukot ko lang din 'yon at nilalagay sa jar. Iyong sulat niya ay naka-display pa sa may desk ko. Naka-pin doon sa maliit na board. Matagal akong nakatitig doon, paulit-ulit na binabasa. Saulo ko na nga, eh.
"May gusto talaga siya sa 'kin? Sa akin talaga?" tanong ko ulit sa sarili ko. Kinuha ko ang salamin sa drawer ko at tiningnan ang sarili ko. Sinubukan kong ayusin ang buhok ko at maglagay ng kaunting lip tint pero... hindi ko pa rin makita kung ano ang nagustuhan niya sa akin.
Napabuntong-hininga ako at sinandal ang pisngi sa lamesa, mukhang pagod na sa buhay. May nakikita ba si Seven sa akin na hindi ko nakikita? O baka naman kakaiba ang mga type niya... O baka pinagtitripan niya lang ako.
Bago pa ako mabaliw sa mga iniisip ko, kinuha ko na ang phone ko at may tinawagan.
"What?! May gusto sa 'yo si Seven?! Umamin siya sa 'yo?! What the fuck, this is big news! What the heck! Oh my gosh ka, Alonia! Ang haba ng hair mo! Ano ang sinabi mo?!" sunod-sunod na sabi ni Bailey.
"Wala..." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Tinanong ko kung ano ba nagustuhan niya sa akin... tapos napapaisip na ako ngayon kung ano ba ang kagusto-gusto sa akin. Bailey, sa tingin mo ba pinagtitripan niya lang ako?" malungkot na tanong ko.
"Pucha naman, Alia!" galit na sabi niya sa akin. "Ang ganda-ganda mo, girl! Ano bang sinasabi mo? Nakikita mo ba sarili mo sa salamin?!"
"Oo, ang pangit," deretsong sabi ko.
"Huh?! Sobrang taas naman pala ng standards mo! Sino ba ang maganda para sa 'yo? Mga ka-level lang ba ni Angelina Jolie?" hindi-makapaniwalang sabi niya. "Try mo mag-download ng dating app, tapos tingnan natin kung gaano karami ang magsa-swipe right sa 'yo."
"Hindi ko naman kailangan 'yon..." Napailing ako. "Hindi naman ako kilala ng mga 'yon. Mas mahalaga pa sa akin 'yong opinyon ng mga taong nakakakilala sa akin, kaya tapatin mo ako, Bailey. Ano ba ang kagusto-gusto sa akin, dahil wala akong naiisip na sagot. Nakita mo ba si Seven? Nandito siya, oh..." Tinaas ko ang kamay ko para ipakita kung nasaang level si Seven. "Tapos ito lang ako." Ginamit ko naman ang isa kong kamay at nilagay 'yon sa mas mababang level.
"Ano ba ang sinagot ni Seven sa 'yo?"
"Hindi raw niya ma-explain," sabi ko. "Kaya mas lalo akong napapaisip... Baka nadala lang siya ng emosyon niya. Baka mawawala rin 'yon... Hindi ba?"
"Alia, magiging sobrang honest ako sa 'yo, okay? I would date you if I had the chance!" Ngumisi siya. "Maganda ka, mabait ka, palagi kang nakangiti, tapos nag-aaral ka pa nang mabuti. Matiyaga ka rin at masipag. Ano pa ang hahanapin nila? Package deal ka na. Hinding-hindi lugi si Seven dito 'no, excuse me!"
"Paano 'yon? Hindi naman ako mayaman. May problema ako sa pamilya ko. Wala akong maipon dahil sa magulang ko. Ano ang ipapanggastos ko kapag aalis kami? Ayaw ko namang nagpapalibre. Alam mo namang pinakaayaw ko sa lahat eh 'yong gumagastos nang malaki para sa akin tapos mararamdaman ko kung gaano kami magkaiba sa buhay. Nakakapangbaba ng sarili..."
"Come on, Alia... Let people treat you from time to time. Let people take care of you, too. Minsan, masarap ding magpaalaga sa iba."
Simula bata ako, ako na ang nag-aalaga sa sarili ko dahil hindi ko naman naramdaman 'yon sa magulang ko. Ako ang nag-aalaga sa kanila. Aaminin kong nakakapagod harapin ang buhay nang mag-isa dahil ako lahat ang gumagawa para lang maka-survive. Ano nga ba ang pakiramdam ng maalagaan ng iba? Deserve ko ba 'yon? Hindi naman nila ako responsibilidad. Ako ang may responsibilidad sa sarili ko.
Pero... napapaisip ako kung ano ang pakiramdam ng pahinga? Iyong tipong hindi ko na muna kailangang isipin ang sarili ko kasi may iba nang gagawa noon para sa akin... kahit saglit lang.
Hindi ko alam kung bakit si Seven ang pumapasok sa utak ko.
"Shit... Gusto ko rin 'ata siya." Napapikit ako at napasapo sa noo ko. "Kaya ako napapaisip nang sobra... kasi gusto ko rin siya."
"Ngayon mo lang na-realize, Alia?" Natawa si Bailey. "Basta, huwag mong hahayaang kainin ka ng mga iniisip mo at mga insecurities mo. Hindi ko man alam kung ano talaga ang nangyari sa 'yo noong high school pero... You can be happy, okay?! Huwag mong pigilan ang sarili mong maging masaya!"
"Thank you, Bailey. Miss na kita. Gusto ko na ring lumuwas. Magkita tayo kapag nasa Manila ako."
Pagkababa ko ng tawag, isa na lang ang nasa utak ko. Isinantabi ko na muna lahat ng insecurities ko. Ang nasa isip ko ay... Paano ako aamin sa kanya? Kung... gusto ko nga siya... Kailangan kong sabihin, 'di ba? Pero paano?
Nakakita ako ng papel kaya nagsulat din ako ng confession ko... pero walang pumapasa. Tinutupi ko lahat ng 'yon at nilalagy sa jar. Pipili na lang ako kapag naisulat ko na ang iba't ibang paraan kung paano umamin.
Ibibigay ko kapag sigurado na akong may gusto nga ako sa kanya. Napapaisip pa ako ngayon. Naguguluhan ako.
Noong kinagabihan, nag-dinner ulit ang players sa bahay. Sa labas sila nakaupo at nandoon pa rin si Lai. Magkatapat sila ni Seven at may pinag-uusapan. Nang lumabas ako ay sabay silang napatingin sa akin. May nakakalokong ngiti sa mukha ni Lai na para bang alam niya lahat ng nangyari sa amin ni Seven. Gaano karami kaya ang alam niya? Baka siya ang kailangan kong makausap tungkol kay Seven.
"Stop staring," rinig kong sabi ni Seven na nakaiwas ng tingin sa akin.
"Hi, Alia," bati sa akin ni Lai. Ngumiti lang ako sa kanya at kumaway bago sila nilagpasan para magligpit ng mga plato.
Natigilan ako nang maramdaman ang presensya ni Seven sa tabi ko. Tinulungan niya ako sa pagliligpit ng mga plato. Hindi ako makapagsalita at ganoon din siya. Kailangan kong mag-isip ng sasabihin ko!
Medyo nagkabungguan kami. Agad bumilis ang tibok ng puso ko at lumingon sa kanya pero abala siya sa pagliligpit ng plato. Pagkatapos ay tumalikod na siya at pumasok sa bahay para maghugas ng plato sa kusina. Hinabol ko kaagad siya.
"Ako na diyan!" sabi ko at inagaw ang mga plato sa kanya.
"It's okay. I know how to wash the dishes," sabi niya naman.
"Wala naman akong sinabing hindi. Bisita kayo rito kaya ako na! Ito ang trabaho ko rito!" pakikipagtalo ko sa kanya.
"Oo nga... Pinapagaan ko ang trabaho mo. Bawal ba 'yon?" Tumingin siya sa akin. Agad akong natahimik sa isang tingin niya lang. Pakiramdam ko naririnig na niya ang tibok ng puso ko.
"Bahala ka..." Agad akong napaalis doon dahil sa hiya. Grabe! Pumasok ako sa banyo at napahawak sa dibdib ko. "Huy, kalma..." bulong ko sa sarili ko.
Gusto ko nga 'ata siya kung ganito ang reaksyon ko sa simpleng ganoon niya lang. Matagal na rin akong napapaisip... pero hindi ko naman kasi kino-confirm sa sarili ko kasi alam kong wala naman akong karapatang magustuhan ko siya.
"Alia, are you okay?" Kumatok si Seven sa may banyo.
Binuksan ko kaagad ang pinto at muntik pa kaming magkabungguan dahil sa pagmamadali kong lumabas. Nilagpasan ko siya para sana bumalik na sa may kusina pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako.
"Don't avoid me, please."
Huh? Lumingon kaagad ako sa kanya.
"If this is about my confession... I'll try not to show that I like you, but don't avoid me." Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Pero teka... Hindi naman dahil doon! Ano ba 'to! May misunderstanding na naman!
"Hindi naman kita iniiwasan dahil sinabi mong gusto mo 'ko, eh," pagsabi ko ng totoo. "Kailangan ko lang ng time para mag-isip..."
"But I'm not hoping for you to like me back. I told you I don't need an answer. I just wanted to tell you... You don't have to mind me. You don't have to think of anything. I'm not even hoping for a relationship. I'm fine with just... seeing you."
"Huh?" Pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko. "Gusto mo ako pero ayaw mo akong maging girlfriend? Eh, bakit ka pa umamin, huh?" So, para saan 'yon kung ayaw naman pala niya ako maging ka-relasyon?
"Wait, it's not like that."
"Gusto mo ako pero ayaw mo ng relationship? Wow... Playboy ka ba?"
"Huh?" Napaawang ang labi niya sa gulat. "Me?" Mukhang hindi siya makapaniwala.
"Ah, ha-ha! Excuse us, please! I need to talk to him!" Biglang may umakbay sa kanya. Nagulat ako nang makita si Lai. Kanina pa ba siya nakikinig sa amin? "Seminar muna!" Tinangay niya bigla si Seven palabas ng bahay.
Nainis tuloy ako kay Seven! Eh, ano pala ang gusto niya? Huwag na nga ako umamin! Ayaw rin pala niya ng relationship! May commitment issues naman pala siya, umamin-amin pa siya. Wala naman palang patutunguhan 'to.
Galit akong naghugas ng plato at umakyat na sa kwarto para maligo. Hindi na ako bumaba pagkatapos noon kaya kinabukasan ko na ulit nakita si Seven. Nagpapaalam siya kay Lai nang madatnan ko siya. Mukhang babalik na ng Manila si Lai.
"Alia-" Lalapit na sana siya sa akin pero bigla siyang tinawag ni Tito para bumalik na sa training. Hindi na tuloy siya nakapagsalita at tumakbo na lang paalis.
Bumalik na lang ako sa trabaho ko. Pumunta ulit akong bayan dahil may mga nagpabili sa palengke. Bumili rin ako ng mga ukay na pwede kong ayusin para may mapagkaabalahan ako kaysa iniisip ko si Seven na ayaw naman pala sa commitment.
Pawis na pawis ako nang mailagay na sa may box lahat ng pinamili ko sa palengke. Natigilan ako nang maka-receive ng text kay Mama.
From: Mama
Nak... nsa hospital Papa m. Hnd k b uuwi? Kitain m nmn kmi ni papa m.
Agad kong tinawagan si Mama para tanungin kung ano ang nangyari at kung saang hospital. Ang sabi niya ay hinihintay pa ang results dahil umubo raw siya ng dugo. Sa public hospital daw nila unang dinala pero puno na raw at kailangan maghintay kaya napunta na silang private hospital.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang nag-iimpake ng damit. Tinapos ko muna lahat ng trabaho ko para wala na akong iisipin. Nilabas ko lahat ng ipon ko at nilagay rin 'yon sa bag ko. Luluwas akong Cavite dahil doon na nakatira sina Mama. Bata pa lang ako ay palipat-lipat na rin kami dahil hindi mabayaran ang renta kaya kung saan-saan kami napapadpad. Okay na sana ang buhay namin sa Mahirang noong bata ako kaso magkaaway si Mama at Tito kaya napilitan si Mama na lumayo.
Noong high school, nagkaayos sila at tumira kami saglit kay Tito habang nag-aaral ako, pero nag-away ulit sila dahil sa pera at bisyo nina Mama kaya lumipat sina Mama ng apartment sa Manila. Hindi rin nila mabayaran ang renta kaya napaalis ulit kami. Nag-offer si Tito na siya na ang magpapa-aral sa akin noong high school at doon na rin ako tumira sa kanya kasama si Tita dahil saglit na lang naman at ga-graduate na ako.
"Hindi ka ba naaawa sa bata, Hana?!" naalala ko ang sigaw ni Tito. Nagtatago ako sa may hagdan habang nagtatalo sila. "Kung saan-saan mo na dinadala si Alia! Mas iniisip mo pa mga bisyo mo kaysa sa anak mo! Anong klaseng ina ka?!"
"Ano'ng karapatan mong sabihin sa akin 'yan?! Hindi mo siya anak para akuin mo! Ginagawa ko lahat para mabuhay siya!"
"Ito na ba 'yon?! Ito ba 'yong ginagawa ang lahat?! Eh, bakit napalayas na naman kayo at lumalapit ka na naman sa akin? Si Alia, tutulungan ko. Ikaw, maghanap ka ng trabaho! Sabihan mo rin 'yang walang kwenta mong asawa! Nag-anak pa kayo kung hindi n'yo naman pala kayang tustusan!"
"Sino ka ba para sabihan kaming wala kaming kwenta?! Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko!"
"Wala akong pakialam sa mga pinagdaanan mo! Mas may pakialam ako sa bata! Hindi na kayo nahiya bilang magulang! Kung saan-saan n'yo dinadala 'yong bata. Pati sa mga delikadong lugar, sinasama n'yo! Baka mamaya sa sobrang adik mo sa pera, pati anak mo ay ibenta mo!"
"Tangina mo, bakit ko gagawin 'yon?!" Malakas na sigaw ni Mama. "Anak ko 'yon!"
"Kung may pakialam ka talaga sa anak mo, huwag kang mag-yosi sa harapan ng bata. Huwag kang mag-weeds sa harapan ng bata. Huwag kang magsugal sa harapan ng bata. Lahat ng kasahulan at kasamaan, nakita lahat ni Alia sa inyo. Mahiya naman kayo! Kaunti na lang, ipapakulong na kita kung hindi lang ako naaawa kay Alia!"
Umakyat ako at pumasok sa kwarto para magtakip ng unan sa ulo ko. Ayaw ko nang marinig ang sigawan nila. Malaking away ulit ang nangyari, pero in the end, tinapos ko pa rin ang pag-aaral ko sa Manila.
Senior High School, ang dami kong part-time jobs. Simula noong nagtrabaho na ako para sa sarili ko ay sinasabi na nina Mama na wala akong pakialam sa kanila at nagbago na ako. Hindi na rin kasi ako masyadong nagpapakita sa kanila. Hindi ako bumibisita ng Cavite. Ngayon na lang ulit kami magkikita.
"Ito, Alia... Mag-iingat ka. Balitaan mo kami kaagad." Inabutan ako ni Tito ng pera. Agad akong umiling at binalik sa kanya 'yon. "Sige na, para sa Mama mo 'to. Kapatid ko pa rin 'yon. Tanggapin mo na."
"Thank you, Tito. Babalik po ako kaagad kapag okay na." Pinunasan ko ang luha ko. Hinatid ako ni Tito sa may sakayan ng bus at mag-isa akong umalis. Hindi na nga ako nakapagpaalam sa iba.
Masyado akong maraming iniisip para makatulog sa byahe. Gabi na nang makarating ako sa Cavite. Agad akong nag-commute papunta sa bahay namin sa Cavite at nagbaba ng gamit. Napatingin ako sa lamesa kung saan may mga baraha, may mga gamit na yosi, at may mga bote pa ng alak na hindi pa nalilinis. Napatingin din ako sa isang naka-roll na papel. Nagamit na rin iyon. Kinuyom ko ang kamao ko pero hindi ko magawang magalit dahil mas marami pa akong dapat intindihin.
Nang maibaba ko ang gamit ko ay dumeretso na ako sa hospital. Pagkarating ko ay napatayo kaagad si Mama.
"Alia... Ang laki mo na..." gulat na sabi niya sa akin. Tiningnan ko ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ganoon ang mga mata niya dahil umiyak o kaya pagod... o baka dahil sa ibang bagay. Hindi ako nagsalita at pinatawag na lang ang doktor.
Pumunta ako sa office ng doktor at ako ang nakipag-usap tungkol sa mga ginawang test at sa resulta.
"Lung cancer, pero we're still at stage one. We can undergo treatments. We have different options..."
Matagal-tagal kaming nag-usap ng doktor sa mga pwedeng gawin. Pagkatapos ay napatulala na lang ako sa may labas ng office, iniisip kung saan ako kukuha ng pera para sa treatment niya. Naubos na ang perang binigay ni Tito sa akin kanina para bayaran iyong mga test na ginawa kay Papa.
Napabuntong-hininga ako at napamasahe sa sentido ko. Kaunti lang ang naipon ko... Hindi kasya 'yon sa mga estimated price na binigay sa akin ng doktor. Kailangan kong gumawa ng paraan. Insurance, sponsorship programs... connections... Kailangan kong gamitin lahat 'yon.
"Ma, mag-impake kayo. Sa Manila natin ililipat si Papa. Hindi kayo pwedeng manatili sa bahay sa Cavite." Hindi maganda tumira roon. Ang dumi... Masama lang 'yon sa kalusugan ni Papa. Isa pa, maliit ang apartment ko pero mas maayos naman kumpara roon sa bahay sa Cavite. Mas matututukan ko rin sila sa Manila.
Ilang araw akong naging abala sa pag-aasikaso ng mga papeles. Sa Ramirez Medical namin dinala si Papa. Mahal doon pero... marami silang program kung saan may mga sponsor na nagbabayad ng treatments for cancer. Nag-apply ako at umaasa na lang ako na matatanggap. Hindi ko naman pwedeng patagalin 'yong treatment ni Papa dahil baka lumala pa kaya nag-proceed na lang kami at saka ko na lang gagawan ng paraan.
Pagod na pagod ako nang umuwi sa apartment. Humiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. Ang dami kong messages at tawag. Hindi ko pa sinasagot lahat dahil masyado akong busy.
From: Boyfriend ♡
Is everything okay?
Iyon lang ang message na binuksan ko. Napaisip ako ng ire-reply ko. Ayaw ko naman siyang mag-alala... pero hindi ako nakapagpaalam sa kanya bago lumuwas kaya medyo na-guilty ako.
To: Boyfriend ♡
Nasa hospital si Papa. Nasa Manila ako ngayon. Sorry hindi kita nasabihan bago ako umalis :<
Nay-reply siya kaagad kahit madaling-araw na.
From: Boyfriend ♡
Can I call?
Pagka-reply ko ng 'okay' ay tumawag kaagad siya. Nilagay ko ang phone ko sa may tainga ko at napapikit na lang sa pagod.
"What did the doctor say?" bungad niya sa akin. Nakakakalma pala 'yong boses niya. Pakiramdam ko okay ang lahat kapag naririnig ko si Seven.
"Lung cancer daw. Stage one... Kaya pala palagi siyang may sakit. Akala ko noon ay hindi totoo kapag sinasabi ni Mama na bibili siya ng gamot dahil may sakit si Papa." Napabuntong-hininga ako.
"Where is he now?"
"Ramirez Medical. Wala, eh... Kailangan kong i-risk. Marami silang program doon na makakatulong sa akin. Hindi ko na rin alam kung saan ako kukuha ng pera... Hay, pasensya ka na kung sinasabi ko pa sa 'yo 'to. Wala lang akong ibang mapagsabihan."
Natahimik siya sa kabilang linya. Akala ko nga ay wala na siya pero nang tingnan ko ay screen ay ongoing pa rin naman ang tawag.
"Hello?" sabi ko para malaman kung nakikinig pa siya.
"Do you need help?" mahinang tanong niya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko naman.
"My mom sponsors in Ramirez Med."
Para akong nakakita ng liwanag, pero mabilis ding nawala iyon nang mapaisip ako kung okay lang ba talaga 'to. Bakit parang... iba ang nararamdaman ko? Hindi ako sanay humingi ng ganito kalaking tulong sa hindi ko naman kaano-ano. Pero... uunahin ko pa ba ang pride ko kaysa sa buhay ng Papa ko?
"Nakakahiya," bulong ko. Nahihiya akong tanggapin pero alam kong kailangan.
"I'll take care of it. Don't worry... Just get some sleep, Alia. Everything will be alright tomorrow. I promise."
How... assuring.
"Seven... Salamat."
'Let people take care of you, too.' Bumalik sa akin ang sinabi ni Bailey. Hindi ko naman alam na sa ganitong paraan pala... pero nakakagaan pala sa pakiramdam kapag alam mong may masasandalan ka.
It was the first time I was leaning on someone else's shoulder. Kahit kina Tito at Tita ay nahihiya pa akong humingi ng tulong. Nangako ako sa sarili kong babawi ako kay Seven at sa Mommy niya.
Kinabukasan, bumalik ako sa hospital dahil naka-schedule ang surgery ni Papa. Pagkapasok ko, nagulat ako dahil naroon ang Mommy ni Seven. Napaawang ang labi ko habang nag-uusap sila ni Papa.
She was so well-dressed. Alam mo kaagad ang estado niya sa buhay sa isang tingin mo lang. Ganoon ang aura na binibigay niya... kumpara sa amin. Hindi ako nakapagsalita kaagad nang lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Hello, Alia. We met again," sabi niya.
"Hello po..." I felt guilt in my heart. Gusto ko na sanang bawiin iyong tulong na hiningi ko... because it felt so... weird, pero isinantabi ko na muna ang pride ko. "Thank you po sa pagbisita."
"I already took care of everything. You don't have to worry anymore." She gave me a gentle pat on the head while smiling. Napatulala ako sa kanya. Para na siyang anghel sa harapan ko. "Well, I have to go now for a meeting. I wish you a fast recovery," sabi niya kay Papa.
"Maraming salamat po ulit!" sabi ni Papa. Pati si Mama ay sumunod pa sa Mom ni Seven palabas. Napaupo ako sa sofa, nakatingin lang sa sahig.
Nakakahiya.
"May-ari pala 'yon ng Ledezma Group, anak! Magkakilala ba kayo? Paano?" Mukhang tuwang-tuwa si Papa.
"Wala po... Nag-apply po ako sa program nila," sabi ko na lang.
Hindi ko na napigilang tumayo at tumakbo palabas para habulin ang Mommy ni Seven. Naabutan ko siyang pasakay na ng sasakyan. Napahinto siya nang makita ako.
"Alia... Did I forget something?" tanong niya habang nakahawak sa pinto.
"Babayaran..." Hinabol ko ang hininga ko. "Babayaran ko po... Iyong tulong n'yo..."
Nagulat siya sa sinabi ko pero napangiti rin siya at lumapit sa akin. "Will you feel better by paying me back?"
Tumango kaagad ako. "Hindi ko po kayang tanggapin 'to nang walang kapalit. Gagawin ko po lahat para mabayaran kayo."
"Hmm... I know that feeling." Tinapik niya ang balikat ko. "Then, how about you work for us? We are opening our clothing business soon. You like fashion, right? It's just a part-time job, but it can pay the bills."
"Sige po! Lahat po gagawin ko! Kahit maglinis pa po ako ng bahay n'yo araw-araw!" desididong sabi ko.
Natawa siya sa sinabi ko. "We already have Seven for the cleaning," pagbibiro niya. "I'll ask the store manager to contact you. You will still have to go through the whole hiring process, so do your best. I hope we can work together soon," iyon na lang ang sinabi niya bago pumasok ng sasakyan.
Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis siya. Nawala na iyong guilt na nararamdaman ko dahil alam kong may gagawin ako para mabayaran ko ang tulong na 'yon. Hindi na ako magi-guilty tuwing makikita ko si Seven.
"Ang bait naman noon, anak," sabi ni Mama pagkabalik ko. Tumango ako sa kanya. Sobra... Sobrang bait niya, kaya desidido akong matanggap sa part-time job na 'yon. Kahit magtrabaho pa ako sa kanya for thirty years, gagawin ko!
Umuwi ulit ako sa apartment habang ino-operahan si Papa para hindi ako masiraan sa kaba. Hindi ko alam bakit ang bigat-bigat ng katawan ko. Dahil ba sa stress sa mga nakaraang linggo? Napaupo ako sa kama at napatingin sa paligid.
Ang gulo ng apartment ko. Gusto ko sanang maglinis pero napipikit na ang mga mata ko. Patulog na sana ako nang biglang may mag-doorbell sa labas.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Sino po si-" Natigilan ako nang makita si Seven sa harapan ko. "Seven... Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I was worried," sabi niya. "Are you okay? You don't look so well..."
"Okay lang ako. Halika, pasok ka muna..." Tumalikod ako at hinayaan siyang pumasok, pero naestatwa ako bigla nang makita ko ulit lahat ng kalat sa sahig. "Wait!" sigaw ko.
Napahinto rin si Seven sa may pinto. Agad akong lumuhod para pulutin iyong mga kalat ko pero nahilo ako bigla.
Pagkadilat ko ng mga mata ko, nakita ko ang kisame. Napahawak ako sa noo ko at naramdaman ang malamig na towel doon. Ang sakit ng ulo ko at ang init ng katawan ko. Dahan-dahan akong umupo at tumingin sa paligid.
Huh? Apartment ko ba 'to? Bakit sobrang linis?! Saan napunta lahat ng kalat ko?! Nilagay ko pa ang kamay ko sa ilalim ng desk ko sa may tabi ng kama para tingnan kung may alikabok doon pero wala akong nakuha! Huh?!
"Oh, you're awake..." Napalingon ako kay Seven na kakalabas lang ng banyo at may hawak na bowl ng tubig. Umupo siya sa gilid ng kama ko at kinuha ang towel sa noo ko para ibabad doon sa tubig. "You have a fever."
"Anong oras na?" Agad kong kinuha ang phone ko. Madilim na kasi sa labas. Madaling-araw na pala!
"Your Dad's surgery went well. Don't worry. Just rest for now..." Piniga niya iyong towel at nilagay ulit sa noo ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang paper bag sa gilid at nilabas ang box ng ear thermometer. Mukhang lumabas siya saglit para bumili ng kung ano-ano sa malapit na drug store. "Your fever went down. That's good."
"Wait... Paano 'yong training mo?" nag-aalalang sabi ko.
"It's our rest week. Coach is here in Manila to visit your parents," pagbabalita niya sa akin. "So, just rest. Don't think about anything else."
Tumayo siya at may kinuha naman sa isang paper bag. May pagkain doon na ininit niya para sa akin. Kumuha rin siya ng baso ng tubig at gamot para ilapag sa may lamesa sa gilid ko. Tinulungan niya akong umupo para makakain ako noong lugaw.
"Careful. It's hot," mahinahong sabi niya.
Matagal akong napatitig sa kanya. Suddenly... Everything felt nice. Pakiramdam ko okay ang lahat. Parang wala akong problema. Parang lahat ng problema ko ay nasolusyunan na... dahil nandito si Seven.
Tinapat niya ang kutsara sa bibig ko. Matagal siyang naghihintay na kainin ko 'yon pero nakatitig lang ako sa kanya.
"You don't like it?" nag-aalalang tanong niya. Binalik niya iyong kutsara sa bowl at hinalo ulit 'yong lugaw. Tinikman niya pa. "It tastes good, I promise. You should eat. You haven't eaten-"
"Gusto kita, Seven," mahinang sabi ko.
He stopped moving for a moment, still processing what I said. Lumingon siya sa akin, nakaawang ang labi at gulat na gulat.
"What?" Hindi siya makapaniwala.
Bumangon ako saglit at may kinuha sa bag ko. The jar of my unsaid feelings. Inabot ko sa kanya 'yon. Nandoon lahat ng sinulat ko tungkol sa kanya.
Umupo ako sa tabi niya at pinaglaruan ang daliri ko. Hindi ito ang plinano ko sa utak ko... pero kailan ko pa masasabi kung hindi ngayon?
Binalik ko ang tingin ko sa kanya. Nakatitig siya sa akin, mukhang malalim ang iniisip. "Gusto-"
"Can I kiss you?"
Hinawakan niya ang baba ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatango na lang. Lumapit siya sa akin at pinatakan ako ng halik sa labi.
"Let's be together," mahinang sabi niya.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top