07
"Sorry, I forgot to change the contact name."
Umupo si Seven sa may bench kung saan ako nag-aayos ng gamit. Nauna na ang lahat pabalik sa shower room dahil tapos na ang training. Kami na lang dalawa ang naiwan sa may court. Napapunas siya ng pawis gamit ang towel na nakasabit sa leeg niya.
Nililigpit ko iyong mga baso na ginamit kanina para sa tubig. Hindi ako lumingon sa kanya dahil pakiramdam ko namumula ang pisngi ko.
"Ano ka ba... Okay lang 'yon. Ganoon din naman pangalan mo sa contacts ko. I'm sure ginawa mo lang 'yon dahil nga ginawa kitang excuse sa ex ko. Ganap na ganap lang talaga tayo..." Peke akong tumawa. Alam ko namang 'yon lang 'yon.
"Paano kung hindi?" tanong niya.
Natigilan ako saglit at muntik pang mabitawan iyong baso. Umiling na lang ulit ako at nilagay na ang mga baso sa may maliit na basket. Sinubukan ko ring buhatin iyong malaking jar ng tubig pero kinuha 'yon ni Seven at walang kahirap-hirap na dinala. Nauna akong maglakad at sumunod naman siya sa akin.
"Anong paano kung hindi? Ano pa ba ang ibig sabihin noon?" tanong ko naman.
Hindi siya nakasagot. Nilapag ko ang basket sa may tabi ng lababo para mahugasan ko ang mga baso. Pati ang mga tumblers ay huhugasan ko dahil nagprisinta talaga ako. Ang trabaho ko ay alagaan sila rito.
Sumandal lang si Seven sa may counter sa tabi ko habang naghuhugas ako. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin siya.
"Maligo ka na. Magkakasakit ka niyan kapag natuyuan ka ng pawis," sabi ko at lumingon pa sa kanya para ngumiti.
"Don't smile," sabi niya bigla. Unti-unting nawala ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.
"Sorry..." bulong ko at yumuko na lang.
'Pwede pang tigilan mo kakangiti mo? Naiirita lang ako.'
Baka nairita din siya.
"You look too pretty."
"Eh?" Lumingon ako sa kanya, nakaawang ang labi at nanlalaki ang mga mata. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Seven, ha..." Tumawa na lang ako habang naghuhugas. "Nagpa-practice ka ba sa akin kung paano makakuha ng girls?"
"I'm not interested in that, actually..." Natawa rin siya saglit at pinagkrus ang mga braso. Nakalingon siya sa akin sa gilid niya.
"Englishero ka 'no? Hindi ka ba fluent sa Tagalog?" tanong ko para lang may mapag-usapan kami. Naririnig ko naman siya mag-Tagalog minsan. Curious lang ako.
"Fluent naman." Alam kong hindi dapat ako magulat pero ibang-iba 'yong vibe niya kapag hindi siya nage-English. Para akong tanga na napangiti dahil lang doon. "I just... Oh, sorry. I will speak Tagalog. Mas madalas ko lang kasama si Mommy," pag-correct niya sa sarili niya.
"In fairness, wala kang accent." Lumawak ang ngiti ko. "Ganyan ka na lang buong araw para may bago naman," pagbibiro ko.
Isa-isa ko nang pinuno ng tubig iyong tumblers ng mga ka-team niya. Dalawa iyong dispenser kaya tumulong na siya sa akin.
"Kiel has a personality closer to Dad. Ako, kay Mommy. That's why I'm... like this," pagpapaliwanag niya pa. "But I can be like my Dad..."
"In terms of?" tanong ko.
"Flirting."
Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. Natigilan din ako sa pagkuha ng tubig kakatawa. Joke ba 'yong sinabi niya? Nakakatawa kasi! Flirting?! Paglandi?! Parang hindi naman siya marunong noon, eh. Tinitingnan ko pa lang siya... parang ang awkward.
"Since you laughed too hard... I'm taking it back," nahihiyang sabi na niya tuloy.
"Sorry na! Hindi ko lang kasi inaasahan na lalabas 'yong ganitong topic sa bibig mo. Mukha kasing hindi ka marunong lumandi..."
"Ouch," bulong niya.
"I mean... Hala, sorry! Iba kasi tingin ko sa 'yo. Ano... Parang super focused ka sa volleyball or sa goals mo in life. Iyon lang naman," pagpapaliwanag ko pa. "Sige, paano ba 'yong flirting na 'yan?"
"You know... I'm good at imitating people. I've seen how others flirt. I can imitate Lyonelle, Nat, my Dad... Which one do you want to see first?"
Mukhang gumagaan na ang loob niya sa akin dahil nakakapagbiro na siya... o biro ba 'yon? Bahala na. Sakyan ko na lang. Mabuti nang ganito kaysa naiilang kami sa isa't isa.
"Sige, 'yong tinuro muna sa 'yo ng Dad mo," pagsakay ko sa pinagsasasabi niya.
Niligpit ko na rin ang mga tumbler at nilagay sa may basket. Pinagkrus ko ang braso ko habang hinihintay ang performance niya. Tingnan natin kung may talent talaga siya sa panggagaya. Mukha naman siyang observant na tao.
"Ano na? Ang tagal naman," sabi ko, pinipigilan ang tawa ko.
"Wait lang," sabi niya naman, nag-iisip. Mukhang kailangan pa niya ng oras mag-get into character. "Bukas..."
"Ano'ng mayroon bukas?"
"Breakfast tayo."
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang tawa ko, pero hindi ko na kinaya. Natawa na naman ako at napahawak pa sa may lababo dahil malapit na akong magwala sa sahig kakatawa.
"Iyon na ba 'yon?" tanong ko. "Breakfast? Anong klaseng paglandi 'yon?"
Lumapit siya sa akin kaya natigilan ako sa pagtawa. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang punasan niya ang pawis ko gamit ang likod ng kamay niya.
"You're sweating. Am I too hot?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Huh?
"That's Lyonelle."
"Ah..." Napatango-tango ako. "Tama na nga 'yan. Umakyat na tayo!" Tumawa ako at mahina siyang tinapik sa balikat.
"Are you sure you don't want to hear how Nat flirts? She's good at it," sabi niya nang sabayan ako maglakad. Dala-dala niya iyong jar.
"Ayaw," sabi ko naman habang naglalakad kami papuntang elevator.
"Crush mo 'ko 'no?"
Muntik pa akong mabunggo sa pader sa bilis ng lingon ko sa kanya. Hinarang kaagad niya ang kamay niya sa noo ko para hindi ako mauntog.
"Ano'ng sabi mo?"
"That was Nat..." paliwanag niya at umiwas ng tingin. Humawak pa siya sa batok niya. Mukhang siya ang nahiya sa sinabi niya.
"Nevermind those. Ikaw? Paano ka lumandi? Siguro hindi ka marunong kaya ginagaya mo na lang mga nakikita mo," pagbibiro ko sa kanya.
Bumukas na ang elevator kaya pumasok na kaming dalawa. "You're right. I don't know how. If I knew, we won't probably be like this."
"Huh?" Lumingon ako sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"I'm just saying..." Umiwas siya ng tingin sa akin habang nakapamulsa. "If I were my dad, Lyonelle, or Nat... I probably wouldn't be in this situation. I'd probably be holding someone's hand already... But I'm not them. I'm not good at this at all..."
"Uhm..." Napalunok ako. "May... gusto ka na bang tao?" Parang iyon ang pinaparating niya sa sinabi niya.
Sinandal niya ang ulo niya sa may pader ng elevator. I could see his Adam's apple. Napatingin siya sa taas, nag-iisip, tapos lumingon sa akin na nasa gilid niya.
He gave me a small smile. "Secret," sabi niya.
Bumukas na ang elevator kaya nauna na akong lumabas. Sumunod naman siya sa akin at kinuha na ang basket sa kamay ko. Ang sabi niya ay siya na raw ang maghahatid sa players kaya pumasok na ako sa hotel room ko.
Binagsak ko ang sarili ko sa sofa at tumingin sa kisame. Napanguso ako, nag-iisip.
"Swerte naman niya," sabi ko at napangiti na lang sa sarili. I wondered... Sino kaya 'yong mga potential na magugustuhan niya? Hindi ko naman kasi alam ang social media niya kaya hindi ko ma-stalk.
"Hmm... Siguro artista 'yon... Hindi... Siguro sporty rin. Baka player ng ibang university tapos nagkikita sila tuwing may game. Baka naman model... Wait, gusto 'ata niya sa matalino. Siguro top one ng batch..." bulong ko.
Sa lahat ng sinabi ko, wala akong na-describe na katulad ko. Imposible.
Tinulog ko na lang 'yon. Kinabukasan, ang aga-aga pa ay may nagdo-doorbell na sa hotel room ko. Bagong gising ako at naka-pajama pa nang silipin kung sino ang nasa labas. Nang makita ko si Seven sa peep hole, napatakbo kaagad ako sa CR at naghilamos. Nagsuklay pa ako at nagpabango bago binuksan ang pinto.
"Y-yes?" tanong ko, nakatago ang katawan sa likod ng pintuan. Barbie pa ang pajama ko.
"Sorry... Did I wake you up?"
"Huh? Hindi! Kanina pa ako gising..." Ngumiti ako sa kanya. "Bakit?"
Tumingin siya sa relo niya. "Breakfast... Right?"
Huh? Seryoso siya roon? Napakurap ako. "Ah... Oo nga. Wait lang!" Pagkasara ko ng pinto, tumakbo kaagad ako para maghanap ng susuotin. Kung ano-ano na ang binabato ko sa sahig dahil may hinahanap akong damit.
Nagpalit ako ng shorts at sando. Breakfast lang naman! Nag-ipit na lang din ako dahil hindi na ako nakapag-shower. Lalabas na sana ako nang mapansin ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Naisip ko si Seven. Dali-dali kong pinulot lahat 'yon at hinagis sa loob ng cabinet para hindi niya makita.
"Okay, tara na!" aya ko pagkabukas ko ng pinto.
Putek... Pagkalabas namin, wala pang araw. Kaya pala antok na antok ako! Napatakip ako sa bibig ko nang mahikab ako. Anong oras na ba? Bakit ang aga niyang mag-breakfast?
Nakarating kami sa isang fast food restaurant na bukas na dahil twenty-four hours 'yon. Iyon lang ang bukas, eh. Nag-order siya at naghanap naman ako ng upuan. Grabe, antok na antok pa ako. Dumukmo ako sa lamesa, sinusubukang huwag makatulog.
Nang maramdaman kong umupo na sa tapat ko si Seven, agad akong napaayos ng upo at ngumiti sa kanya, umaaktong hindi ako nakatulog sa lamesa kanina lang. Sanay naman akong magpuyat... kaso ang lamig kasi sa hotel. Hinahatak ako ng kama matulog.
"Ang aga mo naman gumising..." sabi ko.
"I usually wake up at this time for a morning jog," sabi niya. "I'm sorry... You look sleepy. Ipapa-take out ko na lang."
Tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang palapulsuhan niya para hatakin siya paupo. "Okay lang, ano ka ba! Hindi ako inaantok. Hmm... Oo nga pala, may social media ka ba?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Uhm..." Kinuha niya ang phone niya. "I have... but I don't use it that much."
"Follow kita! Hindi rin ako pala-social media. Busy kasi ako, alam mo na... Pero follow pa rin kita." Pinakita niya sa akin ang account niya sa Instagram. Finollow ko siya at finollow back din niya ako.
Wala siyang post, as expected. Sabi niya ay hindi siya mahilig mag-picture. Wala rin siyang profile picture, tapos kaunti lang ang followers at following.
"Ano'ng ibig sabihin ng sevenalc na username mo?" tanong ko.
"My full name. Seven Alistaire Ledezma-Camero."
My lips formed an 'o' while nodding. "Ang ganda ng name mo. Iyon din ba name mo sa Facebook? Search ko, ah-"
"Don't!" Nagulat ako nang pigilan niya ako. "I mean... Wait... I'll just remove my profile picture."
"Bakit naman kailangan mong burahin? Ayos lang 'yon! Ano bang profile picture mo at nahihiya ka?" tumatawang sabi ko habang nagse-search.
"It's... my favorite anime character." Umiwas siya ng tingin.
Ngumiti ako sa kanya. "Cute naman... Sige na, okay lang 'yon. Type mo na Facebook mo." Nang ibalik niya sa akin ang phone ko, nakita ko na iyong tinutukoy niya. Siya pala 'to... Na-search ko na 'to dati, eh. Malay ko bang siya 'to.
"Alonia Ortega," pagbasa niya sa pangalan ko sa Facebook. "Why don't you have a profile picture?"
"Ah! Kasi nagko-comment 'yong mga classmates ko noong high school!" Ngumiti ako sa kanya.
"What do you mean?"
"Hmm... Mga haha react ganoon... tapos ginagawa akong meme." Tumawa ako at tumayo na dahil tinawag iyong table number namin. "Ako na kukuha ng pagkain!"
Pagkabalik ko, tahimik na siya at seryoso na ang mukha. Nilapag ko ang tray sa table at inabot sa kanya iyong pagkain niya. Kinuha ko rin ang akin. Burger iyon.
"Are you still friends with them?" tanong niya.
"Sa Facebook? Hindi na 'ata..." Hindi ko alam kung sino ang nag-unfriend. Ako ba o sila... pero hindi ko na sila nakikita sa timeline ko kaya okay na rin. "Bakit naman ganyan hitsura mo?"
"Are you okay?" Mukhang na-bother siya sa sinabi ko. Hindi ko naman sinabi 'yon para ma-bother siya! Sinagot ko lang 'yong tanong niya!
"Bakit naman hindi? Ano ka ba..." Tumawa ako at kumagat na sa burger. "Nakakatawa lang din siguro 'yong picture. Na-delete ko na, eh... Hmm, wait... sa class GC, meron. Sinend nila dati sa GC-"
"Alia," he firmly said. Natigilan ako at napayuko habang nakatitig sa burger na hawak ko. "Let's change the topic."
"Sorry," mahinang sabi ko.
"Don't say sorry."
"Okay, sor- I mean... Hmm... Ikaw naman. Kumusta iyong high school life mo?" curious na tanong ko. Ibahin daw ang topic kaya siya na lang ang topic.
"It was okay... I just played volleyball." Iyon lang talaga ang sagot niya? Mukhang napansin niyang naghihintay ako ng kasunod kaya nag-isip pa siya ng sasabihin. "Well... Fun fact... I also used to play basketball, badminton, and tennis."
"Sporty." Ngumisi ako. "I like sporty men!" masayang sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon. Nagkatinginan kaming dalawa, mukhang natigilan. Umiwas din kaagad siya ng tingin at napahampas sa dibdib niya dahil medyo nabulunan siya sa sinabi ko.
"In general lang... Nanonood kasi ako dati sa TV ng mga laban ng school..." pagpapaliwanag ko. "Pero hindi ako marunong sa sports! Naa-amaze lang ako kapag napapanood ko. Fashion talaga hilig ko."
"I like fashionable women," sabi niya rin.
Ako na ang muntik masamid sa sinabi niya. Napaubo ako saglit at hindi nakapagsalita. Pinilit kong isaksak sa bibig ko yung natitirang burger para makaalis na kami. Nahihiya ako for some reason!
"Tara na. Baka hinahanap na tayo," sabi ko habang nginunguya pa iyong burger.
Mukhang tapos na rin naman siya kaya niligpit na niya ang pinagkainan at siya na ang nagtapon. Pagkatapos, naglakad na kaming dalawa pabalik. Sumisikat na ang araw habang naglalakad kami.
Dumeretso na siya sa gym habang ako ay umakyat pa para maligo at magbihis. Sumunod na lang ako sa gym para tingnan kung may kailangan sila. Pagkapasok ko, kinausap ako ni Tito tungkol sa mga resibo. Pinakita ko naman sa kanya ang listahan ko.
Habang nag-uusap kami, hindi ko mapigilang marinig ang usapan din nina zero-four sa tabi. Busy si Seven mag-biceps curl habang nag-uusap sila.
"Inaaya kita kagabi mag-breakfast, sabi mo masakit katawan mo! Eh, saan ka galing kanina?!" reklamo ni zero-four.
"Diyan lang," maikling sabi ni Seven.
"Mag-isa ka lang? Bakit hindi ka nag-aya? Ang damot mo naman, Pito!" sabi rin ni King.
"Tulog pa kayo," walang interes na sagot ulit ni Seven. "Why do you guys care so much about my whereabouts?"
"Siyempre, nanglalamang ka, eh! Paano kapag kumain ka pala sa eat-all-you-can tapos hindi mo sinasabi? Gatekeeper ka pa naman!" Nilapag ni zero-four iyong dumbbell sa sahig. "Ayaw mo nang kumain kasama kami!"
"Why? Girlfriend ba kita?" Tumaas ang isang kilay ni Seven.
Napalingon bigla si King at zero-four sa akin. Nagulat ako dahil sabay pa sila. Pinabalik-balik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bakit sila napatingin sa akin? Pati tuloy si Tito ay napalingon sa kanila.
"Balik sa workout!" sigaw ni Tito. "Angeles! Sabado!"
"Yes, sir!" Sumaludo pa 'yong dalawa at nag-work out ulit.
Pagkatapos noon ay pumunta na sila sa court. Kumuha lang ako ng tubig. Pagkabalik ko ay tapos na ang warm-up nila at magsisimula na ng practice game kalaban iyong Bulls. Ang bigat ng atmosphere. Halatang may galit sila sa isa't isa.
Umupo ako sa bench at nanood lang. Unang serve pa si Seven. Pinatalbog niya ang bola nang dalawang beses bago hinagis sa ere at tumakbo. Tumalon siya at malakas na hinampas ang bola. Pumalakpak ako nang walang naka-receive. May isa pa siyang serve. Ganoon ulit ang ginawa niya, pero na-receive ni Jasper. Pagka-set, nag-spike kaagad sila pero na-block ni Emmanuel, iyong middle blocker nila.
Na-receive ulit ng kabilang team 'yong bola. Ang tagal din bago naka-point sina Seven. Simula pa lang, ang init na ng laban nila.
Napakagat ako sa daliri ko nang mag-dive si Seven para i-receive 'yong bola. Successful naman at nasa ere pa rin ang bola. Mabuti na lang at nakasuot siya ng knee pads. Ang lala ng laro. Wala talagang gusto magpatalo. Talagang hinahabol nila 'yong bola.
"Out?! In 'yon, eh!" reklamo ni Jasper. "Hindi n'yo ba nakita?"
"Referee ka ba?" tanong naman ni Axel.
"Pwesto!" sigaw ni Seven sa mga ka-team niya na lalapit sana para makipag-away. Bumalik na lang sila sa pwesto nila. Mukhang badtrip na rin siya. Si Sean ang nakipag-usap sa referee. In the end, napagkasunduan na out nga talaga 'yon. Mas uminit tuloy ang ulo ng kabilang team.
Tumagal din iyong laro. Nanalo pa rin sina Seven pero two points lang ang lamang overall. Nag-refill ako ng tubig sa tumbler ko saglit bago ako naglakad pabalik. Napahinto rin ako nang humarang si Jasper sa daanan ko.
"Free ka mamaya?" tanong niya ulit, pawisan pa at hinihingal. "Sama ka sa amin. Lalabas kami ng team ko."
"Ayaw ko," sabi ko. Lalagpasan ko na sana siya nang humakbang pa siya palapit kaya napaatras ako. Naroon kami sa gilid ng bleachers. "Ano ba! May boyfriend ako."
"Ano naman?" Tumaas ang isang kilay niya. "Hindi naman niya malalaman. Ano'ng hotel room mo?"
Binuksan ko ng tumbler ko at tinapon sa kanya 'yong tubig. "Bastos," sabi ko at nilagpasan siya. Nasa gilid na ako ng court at naglalakad na papuntang bench nang hatakin ako bigla ni Jasper. Sinubukan ko kaagad bawiin ang palapulsuhan ko.
"Ano ba!" sigaw ko. Napalingon kaagad 'yong players at nagtakbuhan papunta sa amin. Nagulat ako nang malakas na itulak ni Sean si Jasper kaya napahiga siya sa sahig. Tumakbo din ang players ng kabilang team para itulak sa dibdib si Sean.
Hindi ko na alam ang nangyari. Bigla na lang nagkagulo! Sinuntok ni Sean si Jasper, tapos sinuntok siya pabalik. Sinubukang pagtulungan ng kabilang team si Sean kaya sumugod din sina zero-four para subukang harangin. Pumito nang malakas si Tito pero ayaw nilang pakawalan ang isa't isa!
Mukhang kakabalik lang din ni Seven mula sa pagpapalit ng damit nang makita iyong kaguluhan. "What the fuck is happening?" tanong niya. Bigla na lang siyang hinatak sa kwelyo ni Jasper at sinuntok. Naguguluhan siyang humawak sa pisngi niya.
Hindi ko na napigilan ang galit ko. Tumakbo ako papunta sa kanila at hinatak sa buhok si Jasper. Sumigaw kaagad siya at sinubukang alisin ang hawak ko pero kinaladkad ko siya sa may court.
Agad kinalas ng dalawang coach iyong away ng mga players. "Alia! Isa!" sigaw rin ni Tito sa akin.
"'Pag ikaw lumapit pa sa akin, bubugbugin kita," bulong ko kay Jasper bago siya binitawan.
Ang ending, mahabang sermon sa meeting room. Nakaupo ako sa tabi ni Sean at ginagamot iyong sugat niya. Nasugat kasi siya sa labi.
"Bakit kasi sumugod ka pa..." sabi ko sa kanya. "Ayan tuloy. Mukhang mapapauwi tayo kaagad."
"Mula noon naman, 'di ba? Sabi ko sa 'yo nandito lang ako. Aawayin natin lahat ng nang-aaway sa 'yo." Ngumisi siya pero nasaktan din.
"Tulong! Mahihimatay na raw si Seven! Kailangan na ng first aid! Ang sakit-sakit na raw ng pisngi niya!" sigaw bigla ni zero-four nang lumabas saglit si Tito.
Lumingon ako kung nasaan sila. Nakaupo si Seven sa swiveling chair at nakakrus lang ang braso. Agad niyang inabot si zero-four at binatukan.
"Grabe, lumubog 'ata skull ng tropa namin sa lakas ng suntok sa kanya! Need ng medical assistance!" sabi rin ni King.
Nilagyan ko na ng ointment iyong gilid ng labi ni Sean bago ako lumipat sa kinaroroonan nina Seven. Kumuha ako ng ice pack at inabot sa kanya. Wala naman siyang sugat.
"Okay ka lang ba?" tanong ko nang umupo sa tapat niya. Agad pinagulong ni zero-four at King ang upuan nila palayo sa amin.
"Yes... I think it will just bruise," sabi niya. "I don't know what happened... Are you okay?"
"Oo naman. Sabi ko sa 'yo kaya kong ipaglaban sarili ko, eh!" Ngumisi ako. "Ikaw hindi! Tingnan mo nga, hindi ka nakailag."
"Violence isn't the answer." Ngumisi siya sa akin.
Napatingin kami sa phone niya nang makitang may tumatawag sa Facetime. Lyonelle iyong nakalagay. Sinagot naman niya kaagad 'yon habang ang isang kamay ay nasa ice pack sa pisngi.
"Yo, are you still in- What the fuck happened to your face?" Kumunot ang noo noong lalaki.
"I got punched," sabi ni Seven. "What is it? Tell me quickly. I'm busy."
"Damn... Who won?"
"I didn't fight back."
"What? Then I'll fight back for you. Who did it? Tell me the name." Mukhang seryoso iyong lalaki.
"It's not worth it, Lai. What do you need?" Umiling si Seven at sumulyap sa akin saglit. "I said I'm busy."
"I might visit you soon. You're busy doing what, asshole?"
"Fuck off." Pinatay kaagad ni Seven 'yong tawag at tumingin sa akin. "Sorry about that. Where were we?"
"Best friend mo?" tanong ko. "Pogi siya, ha..." Iyon ang una kong napansin.
Agad kumunot ang noo niya at tumingin sa akin na para bang hinuhusgahan ako. Inosente ko siyang tiningnan. Bakit? Iyon ang kapansin-pansin noong nakita ko ang mukha sa video call!
"Is he your type in men?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Hindi, ah!" Umiling kaagad ako. "Iyong type ko 'di ba ano... Iyong... Hmm... Ikaw na lang!" Tinuro ko siya.
Napalitan ang ekspresyon sa mukha niya. Tinuro niya ang sarili niya at inosente akong tiningnan. Tumayo kaagad ako at kinuha ang first aid kit para lumipat. May iba pang nasugatan, eh!
Pagkabalik ni Tito, sermon time na naman. May punishment sila. Pinaglinis sila ng court noong gabi at pinagligpit ng mga equipment sa gym. Iyong kabilang team ay maglilinis din sa susunod na araw.
Kinabukasan, pinag-sorry ng mga coach sa isa't isa 'yong team. Halata namang hindi sila sincere pero okay na 'yon. Kapag naulit daw ay papauwiin na. Nagtuloy ang training nang walang problema hanggang sa last day.
May inuman noong last day na sa isang open area na may mga tables. Gabi na rin noon. For some reason, magkatabi kami ni Seven. Sa kabila ko naman ay si Sean. May hawak lang akong bote ng beer. Ayaw kong uminom masyado.
"Hindi ka iinom?" tanong ko kay Seven.
Umiling siya sa akin. "I don't want to drink tonight," sabi niya.
Nag-hard drinks na sila pagkatapos kaya iyon na rin ang ininom ko. Naka-sando lang ako kaya noong lumalakas na ang hangin, napapayakap na lang ako sa sarili ko.
"Suotin mo na 'to." Inabot sa akin ni Sean iyong varsity jacket nila. Ngumiti naman ako sa kanya at sinuot 'yon. Nakita kong tahimik lang si Seven na kumakain ng pulutan.
"Anak ng! Huwag namang gawing kanin ang pulutan namin!" reklamo ni zero-four sa kanya.
"Namumulutan pero hindi umiinom?! Ano kaya 'yon?" sabi rin ni King.
"Oh, bigyan ng shot 'yan!"
Wala nang nagawa si Seven kung hindi uminom na lang bilang "bayad" daw sa mga pulutang nakain niya. Tumayo ako saglit para pumuntang CR. Pagkalabas ko, naghihintay na si Sean sa akin.
"Lasing ka na ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Sira, hindi. Tipsy lang," natatawang sabi ko.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket at naglakad na pabalik sa table. Nakasunod naman si Sean sa likod ko. Mayamaya, hinawakan niya rin ang balikat ko para alalayan ako. Hindi naman ako lasing.
"Sean! Dito ka nga! Mag-shot ka rito! Ang layo mo masyado! Madaya ka!" sabi ni zero-four.
Tumawa si Sean at pumunta sa side nina King para mag-shot. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Seven. Nagii-scroll lang siya sa phone niya kaya hindi ko siya makausap.
Nag-shot ulit ako at sumandal na lang sa upuan, walang makausap. Inabutan pa ako nina King kaya nag-shot ulit ako. Pagkatapos noon, sabi ko ayaw ko na dahil malalasing na ako.
"Tito, balik na ako," paalam ko dahil inaantok na ako.
"Teka, ipapahatid kita!"
Tumayo si Sean. "Coach, ako-"
"Hindi! Dito ka lang! Magsho-shot tayo rito! Whoo!" Hinatak siya paupo ni King.
"I'll take her." Tumayo si Seven at nilagay ang dalawang kamay sa loob ng hoodie. Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya.
Binagalan niya ang lakad niya para makasabay ako. Nakatingin lang ako sa sahig habang naglalakad kami.
Huminto ako nang huminto siya sa paglalakad. "Bakit?" Lumingon ako sa kanya.
"Give me your jacket," sabi niya.
"Huh? Bakit?" Hindi siya sumagot. Hinubad ko iyong jacket at inabot sa kanya. Hindi niya kinuha iyon.
Hinubad niya iyong hoodie niya bago kinuha ang jacket sa kamay ko. Pagkatapos ay sinuot niya sa akin iyong hoodie niya.
"There," sabi niya. Tinupi na lang niya iyong jacket ni Sean at binalik sa akin. "You look better in mine."
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti ko. Naiwan na lang siya sa suot niyang shirt. Mayamaya, naramdaman ko na ang kaunting hilo kaya umupo muna kami sa bench sa tapat ng convenience store. Bumili siya ng ice cream para sa amin.
Nang umupo siya sa tabi ko, lumapit ako para tingnan iyong pasa sa pisngi niya. "Nagpasa nga siya..." bulong ko at marahang hinawakan iyon. Hinuli niya ang kamay ko at napalingon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa lapit ng mukha niya sa akin.
"Are you drunk?" tanong niya sa akin.
"Tipsy..." Tumawa ako at tumingin na lang ulit sa harapan habang hawak ang ice cream sa isa kong kamay. Binaba niya ang isang kamay ko... pero hindi niya binitawan. Nakalapag lang ang kamay namin sa may gitna ng bench.
Natahimik ako. Naririnig ko ang tibok ng puso ko habang hawak niya ang kamay ko. Umaakto na lang akong hindi ako apektado. Pinagmasdan ko siya. Naka-side view siya sa akin. No wonder ang daming nagkakagusto sa kanya sa university.
Binitawan niya rin ang kamay ko nang tumayo siya para itapon ang ice cream cup. Ubos na niya kaagad. Pagkatapos noon ay niluhod niya ang isang tuhod sa harapan ko habang nakaupo ako sa bench.
"Can you still walk?" tanong niya sa akin.
Inabot ko ang pisngi niya. Parang wala ako sa sarili ko. May maliit siyang pasa roon. Hinaplos ko 'yon kaya medyo napangiwi siya.
Lumapit ako at hinalikan iyong pisngi niya, kung saan siya may pasa. Pagkatapos, umayos ako ng upo at binitawan siya. Gulat siyang nakatingin sa akin, hindi na makagalaw.
"Thank you... sa ice cream," sabi ko.
"If this is how you thank people, I hope no one ever does you a favor." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Grabe ka naman!" Tumawa ako, medyo lasing na nga.
Tumayo siya at marahang hinatak ang kamay ko para alalayan din ako patayo. Nang makatayo, nahulog pa ako sa dibdib niya. Hinawakan niya ang baywang ko para alalayan ako.
"Don't ask anyone else for a favor. I'll do everything for you. Anything you need. Just tell me..." bulong niya.
________________________________________________________________________________
:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top