06


"Water! Dito, may water!" 

Kumuha kaagad ako ng baso para lagyan iyon ng tubig nang mag-time out ang team nina Seven. Naging abala ako kakaabot sa kanila ng mga baso at tumbler nila. Nagsimula na ang training camp. So far, wala pang talo sina Seven. Actually, narinig ko nga silang pinag-uusapan ng ibang team sa labas. Sila raw ang kailangan pagmasdan dahil maraming matututunan sa kanila. 

Pawis na pawis si Seven nang umupo sa sahig habang umiinom ng tubig sa tumbler niya. Napatingin ako sa towel na hawak ko pero pinigilan ko ang sarili ko at nag-refill na lang ng tubig para sa ibang players. 

"Keep up the good work lang. Maganda ang laro n'yo ngayon," sabi ni Tito. "Seven, ayaw mo magpahinga?" 

Umiling si Seven. "I don't need that." 

"Alam mo naman, Coach, malakas stamina niyan! Hindi 'yan napapagod... Kaya jowain na sana siya ng someone diyan!" sigaw ni zero-four. 

"Kasi hindi siya napapagod?" Kumunot ang noo ni Tito. 

"Hindi siya napapagod magmahal, coach!" paliwanag ni King. 

Nagkantyawan ang mga teammates nila at inasar-asar si Seven na napapailing na lang, wala nang masabi. Umiwas ako ng tingin, iniisip na ang swerte siguro ng magiging girlfriend niya.

Siyempre, hindi ako 'yon. Hindi naman niya ako gusto, eh. 

Nagpatuloy ang laro at tuloy-tuloy rin ang panalo nila sa ibang team. May isang team na ka-close nila dahil napansin kong palagi silang nag-uusap. Mukhang magaan ang pakiramdam nila sa isa't isa dahil kahit break time ay naglalaro sila. Noong lunchtime ay sa labas kami kumain. Samgyupsal. 

Naging magkatapat kami ni Seven. Tahimik lang siya at siya ang nagluluto para sa kalahating side ng table. Si Tito naman 'yong para sa kabila. 

"Matagal pa ba 'yan?" Mukhang naglalaway na si King Sabado kakahintay maluto iyong beef. 

"Ikaw ang magluto," masungit na sabi ni Seven.

"Ang suplado! Who hurt you, bro?" pang-aasar ni King. 

"Your mom." 

Malakas na tumawa si zero-four at tinapik-tapik 'yong balikat ni Seven, may binubulong na mas nakapang-inis kay Seven. Binatukan niya si zero-four at tinulak palayo sa kanya. Pinagmamasdan ko lang sila habang nagsasalin ng tubig sa baso ko. 

Nilagayan bigla ni Seven ng beef 'yong plato ko bago nilagay ang mga natira sa iisang plato na ipagpapasahan na lang. Kahit iyong sumunod na niluto niya, inuuna niyang lagyan ang plato ko bago ang teammates niya. 

"Ang dami na... Hindi naman ako malakas kumain," sabi ko sa kanya. 

"Ayaw mo na? 'Yon! Akin na lang!" Kukuha na sana si zero-four sa plato ko kaso hinatak siya pabalik ni King. 

"If I don't put some on your plate first, you won't have anything to eat because they can devour the whole plate in two seconds," paliwanag naman sa akin ni Seven. 

Tiningnan ko ang plato niya. Walang laman iyon. Hindi pa siya kumakain. 

"Ako na ang magluluto." Kinuha ko ang tongs mula sa kamay niya. Nilagyan ko ang plato niya para makakain naman siya. Inuuna niya 'yong teammates niya, eh. 

Grabe, nangawit na ako kakaluto, hindi pa rin sila tapos mag-order nang mag-order. Nagiging tower na iyong mga plato sa rami ng nauubos nila. Busog na ako kaya hindi na ako kumakain. Ganoon din si Seven na side dish na lang ang kinukuha. 

"Ako na diyan, Alia." Lumipat ng upuan si Sean para siya na ang magluto. Doon siya umupo sa tabi ko at nginitian ako. "Mukhang inaantok ka na. Gusto mo na bang bumalik sa hotel?" 

"Hatid mo na, Seven!" sigaw kaagad ni zero-four na para bang nakikipag-unahan. 

"Oo nga, tutal hindi ka na kumakain!" pagsuporta naman ni King. 

"Hindi, okay lang. Kaya ko naman bumalik mag-isa." Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. Nagpaalam muna ako kay Tito bago ako lumabas. Lalakarin lang naman iyong hotel kaya walang problema. Iyong init lang ang problema... tsaka iyong amoy ng samgyupsal na kumapit na sa damit at buhok ko.

Narinig kong bumukas ang pinto sa likod ko kaya lumingon ako. Parang tinulak lang palabas si Seven at muntik pa siyang masubsob sa sahig. Nagkatinginan kami, parehas gulat. Umiwas kaagad siya ng tingin at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng track jacket nila. 

Hindi ako nagsalita at naglakad na lang habang nakasunod naman siya sa likod ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko naman alam ang sasabihin. For some reason, parang awkward na naman kami. Nakakainis dahil ang gulo-gulo na. Minsan, okay naman kami. Minsan, nag-iiwasan. Ano ba talaga? Bakit hindi na lang kami maging normal na friends? 

Bakit pakiramdam ko parang palaging may awkwardness pagkatapos namin mag-usap? 

"Bakit ikaw naman ang lumalayo?" tanong ko nang nasa elevator na kami ng hotel. 

"That's not it..." Yumuko siya. "I just smell like meat and smoke. That's all." 

"Ah..." Na-conscious tuloy ako! Kung anu-ano na kaagad ang inisip ko! Inamoy ko rin ang sarili ko. "Okay lang. Ako rin naman." 

"Do we have a problem?" tanong niya tuloy dahil sa medyo nagtatampo kong boses kanina. 

"Wala naman." O.A. lang ako, Seven. Feeling ko lahat may meaning kahit wala naman. 

"Good. Can I... Uhm... take you out for dinner later?" 

Bumukas ang elevator. Muntik pa akong maiwan sa loob dahil naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hinawakan ni Seven ang pintuan ng elevator para pigilan iyon sa pagsara hanggang sa makalabas ako. 

Hinatid niya ako sa tapat ng hotel room ko, hinihintay ang sagot ko. Bahagya akong sumandal sa may pintuan at humarap sa kanya. Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakatingin sa akin. Ako, kailangan ko pang tumingala sa kanya. 

"Uhm... Ano'ng susuotin mamaya?" tanong ko, subtly telling him yes. 

"A dress?" He gave me a small smile. "I like seeing you wear the dresses you make." 

"Paano mo alam na gawa ko 'yon?" gulat na tanong ko. 

"I know your style." 

"Dress talaga?" Naalala ko tuloy iyong suot ko noong fiesta. Dress 'yon... na medyo sinuot ko para mapansin niya. Medyo lang. Napansin niya naman. He even complimented it. 

"I like you... in a dress," sabi niya at umiwas ng tingin, mukhang nahiya sa sinabi niya. "No. I like you in anything. I don't know. You can wear what you want." He was babbling. 

Natawa ako habang pinapanood siya. "I get it... Thank you. Pasok na ako," paalam ko bago binuksan ang pinto ng room ko. 

Pagkapasok ko, sumandal kaagad ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! 

I like you in anything. I like you... I like you... Paulit-ulit iyong nagpe-play sa utak ko.

"Suot ang tinutukoy niya, Alia. Kalma..." bulong ko sa sarili ko. "Assumera ka na naman."

But I got myself a date! Date ba talaga 'to? Baka gusto niya lang makipagkaibigan. Huwag kasing mag-assume kaagad. Hindi lahat ay may meaning. Malay ko ba kung ganito naman pala siya sa lahat.

Bumalik ako sa trabaho noong magsimula na ulit ang training. Naghatid ako ng tubig, snacks, at towels. Pagkatapos ay umupo ako sa bench at nanood na lang ng laro nila. Nagulat pa ako sa lakas ng tunog noong tumama ang bola sa sahig pagkatapos paluin ni Seven. Nagkumpulan sila sa gitna para mag-apir bago bumalik sa laro. 

"Camero!" pabirong reklamo ng kabilang team nang mag-fake ng set si Seven at tinulak lang ang bola papunta sa kabilang net. Walang naka-receive sa harapan. 

"Pay attention," sabi ni Seven sa lalaking nasa harapan. Mukhang magkaibigan sila. Tumawa ito at sinubukan siyang abutin sa kabilang net. 

Pagkatapos ng training ay pagod na ang lahat. Kinuha kaagad ni Seven ang tumbler niya at uminom ng tubig. May tumulo pa papunta sa baba niya pero mukhang wala siyang pakialam dahil pagod na. Pagkatapos, tinaas niya ang shirt niya para ipamunas sa pawis niya. 

"Towel." Inabot ko sa kanya ang towel na hawak ko para iyon ang ipangpunas niya. Nagsihubaran na nga ng shirt ang iba sa team at napahiga na lang sa sahig, hingal na hingal. Tumakbo rin kasi sila. 

"Later... Don't forget," sabi niya sa akin. 

Seven o' clock daw ay susunduin niya na ako sa hotel room ko kaya pagkabalik ay nagmadali akong maligo at mag-ayos. I chose a long summer dress hanggang sa taas ng ankle ko. May kaunting slit iyon sa gilid. Off-shoulder rin at manipis ang tela kaya hindi ako masyadong maiinitan.

Naglagay na lang ako ng clips sa isang side ng buhok ko habang nakababa iyon. Naglagay rin ako ng kaunting make-up. Okay na siguro 'to. 

Nagmadali akong mag-spray ng pabango nang marinig ang doorbell ni Seven. Halos madapa-dapa pa ako nang buksan ang pinto. Nagtama ang tingin namin pero napunta rin ang atensyon niya sa likod ko... kung saan nagkalat ang mga gamit ko. Nagmamadali kasi akong mag-ayos! Mamaya ko na plinanong linisin 'yon. 

Tumingin siya sa relo niya, mukhang may iniisip. "Nevermind... Let's go," sabi niya. 

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad kami. He was wearing a designer polo shirt tucked inside his slacks. Iyong relo niya, halatang mamahalin, sa brand pa lang. Napatingin ako sa suot ko. Ni-recycle ko lang 'to galing sa ukay. Pinaganda ko lang. Pati iyong pabango niya, amoy luxury. Inamoy ko ang sarili ko. Regalo lang sa akin ni Chae iyong pabango ko. 

Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanya? 

May sumundo sa aming sasakyan papunta roon sa pupuntahan namin. Hindi ko rin alam kung saan galing 'yon o baka binook niya. Nakatingin lang ako sa labas para tingnan iyong iba pang mga kainan around the area. 

Nang huminto ang sasakyan, inalalayan pa ako ni Seven pababa. Pagkatapos, pumasok kami sa isang restaurant. It was a restaurant beside the lake. It looked... romantic. Nag-init ang pisngi ko, kung anu-ano na naman ang ina-assume. Tama na 'yan, Alia! Pakawalan mo na 'yang mga iniisip mo. 

Umupo kami sa reserved seats. Table for two tapos magkatapat kami. Open iyong dining area kaya may hangin. Hindi naman ganoon kalakas. Sakto lang para hindi mainitan. 

"So, tell me about yourself," sabi ko para lang may mapag-usapan kami. 

"What job am I applying for?" he asked with humor in his eyes. 

"Dali na. I feel like hindi natin masyadong kilala ang isa't isa. You have to tell me things about yourself!" masayang sabi ko. 

"I will just bore you." Sinamaan ko siya ng tingin kaya napabuntong-hininga siya at tumango-tango. "Fine... Let's see. What should I talk about first?"

"Hmm, ano'ng work ng parents mo? May business ba kayo?" Siyempre, alam ko nang Ledezma siya. Alam ko nang sa kanila ang Ledezma group, pero gusto ko lang na sa kanya manggaling ang information. 

"It's nothing big," sagot niya at sumimsim ng tubig sa baso.

Nothing big?! Hello?! Five-star hotels?! Resorts?! Nothing big ba 'yon?!

"Alam ko kung saan ka nanggaling, Seven Ledezma-Camero," pagbibiro ko. "Nothing big ka diyan... Huwag mo nang itago."

"I'm not hiding it. I just rarely talk about that stuff..." Sinandal niya ang siko niya sa may lamesa at nangalumbaba habang nakatingin sa akin. "How about we order first?" 

Kinuha ko ang menu. Napakunot ang noo ko dahil walang nakalagay na price. Paano ako o-order?! Presyo kaya ang una kong tinitingnan palagi! 

"It's on me," sabi ni Seven nang makita ang hitsura ko. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at wala nang nasabi. Wala namang presyo na nakalagay! Kung ano na lang ang mukhang mura, iyon ang in-order ko. Simpleng pasta lang, pero nag-order pa ng appetizer at dessert si Seven para sa amin! 

"Hindi ko mauubos 'yan," sabi ko sa kanya. "Hindi ako sanay kumain nang marami..." 

Marami akong part-time jobs kaya madalas ay kaunting oras lang ang mayroon ako para kumain. Madalas ay instant noodles lang dahil 'instant' nga. Mabilis kainin. Mura pa at sa convenience store lang mabibili. Minsan, 'yong mga ready-made na meals lang din sa convenience store ang kinakain ko kapag may oras. 

"Sasanayin kita," simpleng sagot niya. 

"Sira! Bahala ka diyan kapag hindi natin naubos." Ngumuso ako at sinandal din ang dalawang siko sa may lamesa. "Balik tayo sa usapan. Tell me more about yourself. How about... Hmm, love life?" 

"I haven't been in a relationship before." Nagkibit-balikat siya. "I was too focused on volleyball ever since I was young, so I didn't have time for relationships." 

"Pero for sure, maraming nagkakagusto sa 'yo." Na-curious tuloy ako kung ano ang hitsura niya noong high school. "May old pictures ka ba? Patingin!" 

"I don't take pictures..." He bit his lower lip, embarrassed. "Sorry..." 

"Wala talaga? Kahit stolen photos galing sa ibang tao?" Gusto ko talagang makita! 

Nilabas niya ang phone niya at nag-scroll sa kung saan man 'yon. "Oh, I have one. It was posted by the photography club during a school fair." 

Pinakita niya sa akin ang picture. Napaawang ang labi ko nang makita ang hitsura niya noong high school. Stolen photo nga 'yon. Side view iyon at nakangiti siya habang nanonood ng performance. Nakasuot din siya ng P.E. uniform nila at I.D. Bumaba ang tingin ko sa mga likes. 

"Omg, nag-viral ka?" Kinuha ko ang phone niya para tingnan ang comments. Ang dami ring shares! Puro 'mine' o kaya 'saang school 'yan nang makapag-enroll.' Natawa ako habang tinitingnan ang comments. "Alam mo, kung mahilig kang mag-picture, ang dami-dami mo nang followers."

"It's uncomfortable... taking pictures of myself." Umiwas siya ng tingin. 

"Hmm, understandable naman." Dumating ang appetizer kaya natigilan kami saglit. "How about 'yong mga gusto mo naman?" Pinagpatuloy ko ang conversation namin habang kumakain. 

"Volleyball," unang sagot niya. "I know it's a boring answer... Uh... I like anime too. I also like going to the gym. Hmm... I like Math. I also like... fashion?" patanong pa 'yon. 

"Fashion?"

"Students." 

"Huh?" Kumunot ang noo ko. 

"I mean... The fashion students I know... I like their style." Umiwas siya ng tingin at napainom ulit ng tubig. 

Ah... Napatango-tango ako. Akala ko naman kung ano na. 

"How about you? Tell me about yourself."

Napaisip tuloy ako. May interesting ba sa buhay ko? Parang wala naman. Ayaw ko naman sabihin sa kanya mga problema ko sa buhay at tsaka mga pinagdaanan ko. Baka mag-iba ang tingin niya sa akin. 

"Bumukod na ako sa mga magulang ko kaya mag-isa na lang ako sa Manila. Nagtatrabaho ako para may allowance. Scholar ako kasi hindi ko naman afford ang tuition. Hmm, wala akong kapatid kaya ako lang bumubuhay sa magulang ko. Bukod doon, wala na akong masabi." Tumawa ako para naman hindi masyadong seryoso. 

"How about the things you like?"

"I like thrifting... I like clothes. Siyempre, fashion din. Passionate talaga ako sa program ko. In the future, gusto kong magkaroon ng sariling clothing line! That's the goal!" nakangiting sabi ko. "Ikaw ba? Ano'ng dream mo?"

"Be successful in my volleyball career internationally... Retire... and then become a Physics professor." Mas lalo akong napangiti sa gusto niyang trabaho. Akala ko sasabihin niya ay mamanahin niya ang business ng pamilya niya. Iba pala ang gusto niya. 

Dumating na ang main course kaya natigilan ulit kami sa pag-uusap. Nilabas ko ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang pagkain ko just for memories. Pagkatapos ay nagsimula na akong kumain. Paunti-unti lang ang subo ko dahil pasta iyon at baka malagyan ng sauce ang damit ko o kaya ang bibig ko. 

"So, how about your friends?" tanong ko ulit para naman hindi kami tahimik.

"I have two best friends. Nat and Lyonelle. Nat is, as you know, a broadcasting student. Lyonelle is on the swimming team and is also a culinary student. We've been friends since birth, so we're already like siblings. If there's a closer bond than being siblings, we're probably that. How about your friends?" 

Nat ulit. Parang nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niyang para na silang magkakapatid. 

"Ako, si Chae, Bailey, and Sean ang main friends ko. Si Chae, 'yong kaklase mo..." Tiningnan ko ang reaksyon niya. Marami kasing nagkakagusto kay Chae. Crush ng bayan 'yon, eh. 

"Yeah, I know Cheyenne." Tumango siya, walang reaksyon. "She's smart." 

Napayuko ako at tumingin na lang sa plato. Kapag smart na, wala na akong panlaban doon. Mataas ang grades ko sa kurso ko, pero hindi ko masasabing book smart ako. Artistic, oo... pero hindi ako katulad nila na magaling sa science, math, ganoon. Academics. 

"You know you don't have to compare yourself with other people." Napaangat kaagad ang tingin ko sa kanya, gulat. Nabasa niya ba ang iniisip ko?! 

"Hindi naman, ah..." tanggi ko pa. 

"I can see it in your facial expressions. You're amazing in your own way, Alia. You're pretty. You're smart. You're artistic. You're kind. You're hardworking... There are qualities of you that other people want."

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Ang narinig ko lang sa kanya ay iyong mga compliment niya sa akin. Pretty? He thinks I'm pretty? Okay lang ba ang mga mata niya?

"Be kind to yourself too," sabi niya ulit. 

"Thank you." Hindi ko alam ang sasabihin ko! Napahawak ako sa pisngi ko gamit ang isa kong kamay para itago ang pamumula noon. Tumingin na lang ako sa plato para hindi niya makita ang mukha ko. 

Mabilis lang akong nabusog kaya pati ang dessert ay hindi ko na maubos. Pinipilit ko na lang ang sarili kong kainin 'yon dahil sayang naman at libre niya 'yon. 

"Did you have fun today?" tanong niya nang makabalik kami sa hotel. Huminto kami sa tapat ng room ko. 

"Oo naman! Next time, ako na ang magbabayad, ha!"

"Next time..." His lips slowly formed a smile. Nahiya kaagad ako! 

"I mean, ibabalik ko lang 'yong libre mo!" pagpapaliwanag ko. "Uh, sige na! Maaga pa tayo bukas. Bumalik ka na sa room mo."

Tumalikod ako sa kanya habang kinukuha ang key card sa wallet ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang ilagay niya ang isang kamay niya sa may pintuan. Humarap ako sa kanya para tanungin kung bakit pero nahugot ko ang hininga ko sa lapit niya. Tiningala ko siya, hindi makapagsalita. 

"Can I go inside?" mahinang tanong niya.

"H-huh?" Hindi kaagad 'yon nagproseso sa utak ko. "Bakit?" Hindi pa ba tapos ang araw namin? May iba pa bang nakaplano?

"I want to do something..." he whispered. 

"Ano'ng... Ano'ng gagawin?" Bumilis ang tibok ng puso ko! Ano 'yon?! Ano'ng tinutukoy niya?

"Please? I promised myself that I will end the night doing it." 

Hindi ko na kaya ang titig niya! Tumalikod na ako sa kanya at binuksan ang pinto. Nilawakan ko pa iyong bukas para makapasok siya. Naguguluhan ako! 

Naglakad siya papasok at sinimulang hubarin ang relo niya. Nanlaki ang mga mata ko, hindi alam ang gagawin. 

"Can I?" tanong niya.

"Yes?" patanong din ang sagot ko, dahil hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy niya.

Napaawang ang labi ko nang pulutin niya iyong mga damit kong nakakalat sa may sofa. 

"Ano'ng ginagawa mo?" Napakurap ako, gulat na gulat. 

"Cleaning," sagot niya. 

"Ako na diyan! Ano ka ba!" Nagmamadali akong tumakbo at kinuha ang mga damit ko. Pinulot naman niya iyong mga make-up na nasa side table at nakakalat. Maingat niyang inayos ang mga 'yon sa make-up bag habang nagtutupi ako ng mga damit ko. 

Hiyang-hiya ako! Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan! Pagkatapos ng make-up ay kinuha niya ang towel ko at sinabit sa may banyo. Iyong bath robe naman ay sinabit niya sa hanger. Iyong maleta ko ay sinara niya at nilagay sa gilid. 

"There..." Napabuntong-hininga siya at tumingin sa paligid. "Now, I can go." 

"Hindi ako makalat! Nagmamadali lang talaga ako kanina kaya hindi ko na naayos." Napatayo ako para magpaliwanag. Nakakahiya talaga! "Sorry talaga!" Ganoon ba kagulo na hindi na niya napigilan ang sarili niya?! 

"Why are you apologizing?" Kumunot ang noo niya. "I should be the one apologizing for crossing the line."

"I mean... You didn't cross a line. Okay lang." Naglinis lang naman siya. Hindi naman underwear ko ang nakakalat. Mga dress ko lang at makeup.

"We're inside your hotel room. I crossed the line," seryosong sabi niya. 

Doon ko lang na-realize ang sinabi niya. Napatingin ako sa paligid. Kami lang dalawa ang nasa kwarto. Natahimik kami at hindi na makatingin sa isa't isa. 

"Okay lang... Wala namang... Wala namang nangyari."

Sabay nanlaki ang mga mata namin at nagkatinginan nang marinig ang door bell. Hinintay ko pa kung may kasunod dahil baka namali lang ng room.

"Alia?" Narinig ko ang boses ni Tito sa labas.

"Bilis! Bilis!" Tinulak ko kaagad si Seven papasok ng banyo. Kinuha ko rin ang sapatos niya at relo niya para itago sa ilalim ng kama bago ako tumakbo papunta sa pinto.

"Oh, saan ka galing?" tanong ni Tito nang makita ang suot ko. Nakaayos pa ako. 

"Ah, nag-dinner lang po. Bakit po?" kinakabahang tanong ko. Nakasilip lang ako sa may pinto. 

"Pwede ba akong pumasok? Pag-usapan lang natin iyong expenses. Nasa iyo ba ang mga resibo? Ipapasa ko iyon, eh, for reimbursement," sabi niya.

"Huh?! Dito na lang tayo mag-usap, Tito!" Napalakas 'ata ang sabi ko sa sobrang defensive ko. 

"Hi, Coach! Pst, Alia! Nakabalik na pala kayo?" Napatingin ako sa gilid at nakitang naglalakad si King at zero-four sa hallway papunta sa amin. "Eh, nasaan si Pito?" nagtatakang tanong ni zero-four. 

"Si Seven ang kasama mo mag-dinner?" tanong ni Tito sa akin, nakakunot ang noo.

"Oops..." Napatakip si zero-four sa bibig niya. 

"Ako nga pala si Pito... Pahiram naman ng pamangkin mo, Tito," pagbibiro ni King. 

"A-ano... May bibilhin daw siya sa labas kaya nauna na ako rito!" pagsisinungaling ko. 

"Eh? Pabili ka ng coke. Tawagan mo, dali," sabi naman ni zero-four kay King bago sila nagsimulang maglakad paalis.

Napahinto kaming lahat nang may mag-ring sa loob ng hotel room ko. Dahan-dahang umatras si zero-four para ilapit ang tainga niya sa may pintuan. 

"May tumatawag sa akin. Bukas na lang tayo mag-usap, Tito!" sabi ko at mabilis na sinara ang pinto. Tumakbo ako at hinanap ang phone ni Seven. Nasa sofa pala! Kinuha ko 'yon at binuksan ang pinto ng banyo. 

Halos mahulog ang panga ko nang makitang hinuhubad niya ang shirt niya at basang-basa siya. Ano ba ang nangyayari?!

"I accidentally turned the shower on..." nahihiyang sabi niya. "I'm sorry." 

Napasapo ako sa noo ko at sinara ulit ang pinto pagkatapos siyang abutan ng towel. "Umalis na sila," sabi ko sa kanya.

Nang lumabas siya, nakasabit pa ang towel sa may leeg niya at basa ang buhok. "I'll go back now. I'll return the towel tomorrow." 

Sumilip muna ako sa peep hole. Nang makitang wala nang tao, binigay ko na ang mga gamit niya sa kanya. "Thank you for tonight..." 

He gave me a small smile before opening the door. Sumunod ako sa kanya at sumilip pa sa pinto para panoorin siyang maglakad. Hindi pa siya nakakalayo, narinig ko na ang boses ni zero-four sa kabilang side ng hallway.

"Sinasabi ko na nga ba! Mga taksil!" sigaw niya.

Agad kong sinara ang pinto at napasandal doon, mabigat ang paghinga. Nilapit ko rin ang tainga ko para marinig ang usapan nila sa labas.

"Wala na si Coach. All clear!" sabi naman ni King. "Bakit ka nakahubad, gago?!" 

"Stop overreacting," sabi naman ni Seven. 

"Paano nangyari 'to?!" 

Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil naglakad na sila paalis. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi nakita ni Tito. 

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil maaga rin ang training. Nag-breakfast lang ako saglit at bumaba na sa may gym area. Naroon kasi sila habang naglalaro ang ibang team sa court. 

"Alia, mag-exercise ka na rin. Tutal, nandito ka na," sabi sa akin ni Tito nang makita ako. 

Napanguso naman ako. Mabuti na lang at naka-sports attire din ako para maki-belong. Nag-treadmill na lang muna ako dahil iyon ang sinabi ni Tito. Pagkatapos ko roon ay pinag-full body exercise niya ako! Habang nasa kalagitnaan ako ng squats ay nakita ko si Seven na nagla-lat pull down habang nakasuot ng compression shirt. Dahan-dahan niyang binitawan 'yon at tumayo para uminom ng tubig. 

Napadaan siya sa gilid ko para mag-refill ng tubig. Naramdaman kong pinapanood niya ako kaya huminto ako at conscious na tumingin sa kanya. Umiwas kaagad siya ng tingin at umaktong hindi niya ako pinapanood kanina.

"Tapos ka na ba mag-workout?" tanong ko para umalis na siya.

"You don't like me here?" Parang nasaktan naman ang boses niya roon.

"Ayaw ko lang na pinapanood mo ako."

"I'm sorry. I was not watching you. I was looking at your form..." 

Okay, assumera na naman si Alia! Ayaw ko na! Nakakahiya! 

"I don't want you to hurt your back," dagdag niya. 

"Okay lang ako. Doon ka na!" 

"Ano ba 'yan, aga-aga third wheel!" reklamo ni zero-four habang nakaupo roon sa bench at nagpupunas ng pawis. 

"Inggit pikit, sabi nga nila," pang-aasar ni King.

Mariing pinikit ni zero-four ang mga mata niya. "Ito na, nakapikit na." 

Pagkatapos mag-work out ay nakasalubong namin palabas ng gym iyong Bulls. Naramdaman ko ang tensyon sa dalawang team. Masama ang tingin nila sa isa't isa. 

"Hi, Alia," bati sa akin ni Jasper. "I like your outfit." Nakasuot ako ng leggings at crop-top na shirt. 

"Alia, let's go," seryosong sabi ni Seven. 

Hindi ko pinansin si Jasper at sumunod lang sa likod ni Seven. Naglakad kami papunta sa court dahil doon naman sila magte-training. Mukhang wala sa mood si Seven habang naglalaro sila. Nakaupo lang ako sa bench at naghihintay. 

"Hi!" Napatingin ako kay Jasper na umupo sa tabi ko. Mukhang kakatapos lang nila sa gym. "Why are you ignoring me? Ang sakit mo naman, Alia," pagbibiro niya. 

"Ano'ng kailangan mo?" deretsong tanong ko.

"Are you free later? Kain tayo. My treat," alok niya.

"Hindi. Busy ako." Nanatili ang mga mata ko sa harapan, nanonood kay Seven. 

"How about tomorrow?" 

Nagtama ang tingin namin ni Seven. Saglit lang 'yon dahil binalik niya na ang tingin sa bola para i-receive 'yon. 

"Hindi rin ako free," tanggi ko ulit. 

"Kailan ka free?"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may tumamang bola sa ulo niya. Napatakip ako sa bibig ko at agad napatayo para kuhanin ang bola at ibalik sa players. 

"What the fuck?!" sigaw ni Jasper.

"My bad," sabi ni Seven at kinuha ang bola mula sa akin. 

Mabuti na lang at pinakawalan na ni Jasper 'yon at hindi na gumawa ng eksena. Lumipat ako ng upuan sa kabilang bench pero sumunod ulit siya sa akin habang nakahawak sa gilid ng ulo niya kung saan tumama ang bola.

"Can you take me to the clinic? My head hurts..." sabi niya sa akin. 

"Naroon naman 'yong mga teammates mo." Tinuro ko ang teammates niya sa may kabilang side ng court. 

Narinig ko ang pito at palakpak kaya alam kong tapos na ang laro. Tatayo na sana ako nang hawakan ni Jasper ang palapulsuhan ko.

"Excuse me. May trabaho pa ako," masungit na sabi ko. Hindi naman ako sanay na nagsusungit pero sabi ni Seven ay layuan ko 'tong lalaking 'to. 

"Kailan ka free?" ulit niya ng tanong niya. 

"Alia, Coach is calling you." Lumingon ako kay Seven na lumapit sa amin. 

"I'm still talking to her, bro," sabi naman ni Jasper.

"She clearly doesn't want to talk to you," seryosong sabi ni Seven.

"Sino ka ba at nangingialam ka, ha? Boyfriend ka ba niya?" nakangising tanong ni Jasper at tumayo pa para lumapit kay Seven. "Ano? Boyfriend ka ba?"

Halatang pinipigilan ni Seven ang sarili niya, nakakuyom ang kamao. Inis akong tumayo at nilabas ang phone ko.

"Kita mo 'to, ha?!" Pinakita ko kay Jasper ang contact name ni Seven sa phone ko. Tinawagan ko iyon kaya tumunog ang phone ni Seven. "Boyfriend nakalagay, 'di ba? Okay na?" 

Kinuha ko pa ang phone ni Seven para ipakita na ako 'yong tumatawag, kasi akala ko naka-save ang contact ko as my name, kaso natigilan ako nang makita ko ang nakalagay.

"Okay na! Tara na!" Hinatak ko si Seven at mabilis na binalik sa kanya ang phone niya. Peke siyang napaubo, namumula rin ang tainga dahil hindi niya inaasahang kukuhanin ko ang phone niya. 

'Girlfriend-ish'

________________________________________________________________________________

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top