Chapter 3: Second Chance
FritzxLoyd
It's been three months noong huling nakita ko siya.
"I'm sorry, Fritz. This isn't right, hindi ko alam kung saan patungo ang relasyon natin." Aniya at tinignan ako ng seryoso sa mukha. Hindi ko makitaan ng anumang reaksyon.
Ngumiti ako ng pilit. "Is it because of Olivia?"
Nakita ko ang gulat sa mukha niya na parang nahuli ko siya sa akto.
"How did you—"
Tumalikod ako at napapikit ng mariin sa mata. I knew it. They have a thing on my bestfriend. I don't want him to see me crying helplessly. "I knew it."
"You want to break up with me? Then fine, I'm breaking up with you."
As of today, nakita ko siya sa loob ng Primland Hotel na pinagtatrabohan ko. Kasama niya si Olivia at masaya silang pumasok sa loob nang elevator.
Naramdaman ko ang isang mainit na kamay na tumakip sa mata ko. Napasinghap ako sa gulat at agad tinanggal ang kamay.
"Bakit sila magkasama? Is he cheating on you?" Galit niyang tanong.
Napakunot ang noo ko. "Ano ang ginagawa mo dito Loyd?"
Napabuga ito nang hangin at pabirong pinitik ang noo ko. "Mangungulit sa'yo. Namiss kita."
Napairap ako sa kaniyang sinabi. "Alam mo naman na may boyfriend ako diba?"
Tss, what the hell Fritz? Wala ka bang ibang rason? Nandito yung ex mo Fritz! Baka kung ano ang gagawin ni Loyd sakaniya kapag nalaman niya na wala na kami.
"Did you call him your boyfriend? Bakit kasama niya kaibigan mo?" He sounds offended.
"Engineer sila pareho, they have a business meeting here." Pagsisinungaling ko sakaniya.
"You know, kilala kita kapag nagsisinungaling ka." Aniya ng seryoso.
Napailing ako at iniwan siya. Gusto kong mapag-isa ngayon. I'm tired of everything. Lalo na't ngayon nakita ko pa si Jerome at Olivia na magkasama.
It's just three months. Hindi parin ako makakaalis sa nakaraan ko. It's all of a sudden. The betrayals of them both still haunts me.
Jerome and I, we've been together for a long time. I thought he was the one. Until lagi na siyang walang oras sa akin, nagbago bigla ang turing niya, less communication, and even nakakaya niyang hindi magpakita sa akin nang isang linggo. I thought busy lang siya sa bagong projects but he wasn't.
One time, Olivia texted me to come over to my house. I agreed and that's the time I'm disgusted by myself.
"Can you do my makeup Fritz? Mamaya kasi may party ang company namin. I really want to look formal, you know I'm still single. Malapit na sa marriage stage." She jokingly said.
Hindi ko mapigilang tumawa. "Don't worry, I'm expert in this."
Kahit noon pa man ay lagi ko na siyang ginawan nang make-up, I'm really into cosmetics and fashion pero dahil walang cosmetology sa lugar namin ay nag HRM nalang ako.
Sabay kaming umalis and we parted ways. I texted Jerome to meet me up at mall dahil kailangan ko nang bagong sandal at make-up para sa trabaho ko bilang head manager sa isang prestigious hotel.
Bago ko pa masend sakaniya ang mensahe, nawala ang ngiti sa aking labi sa nakita. Akala ko namalik mata lang ako sa nakita kaya ko ito sinundan.
"J-jerome? Olivia?" nanginginig kong tanong habang nakatago sa isang poster sa labas. Pumasok sila sa isang restaurant at masayang naguusap.
Hindi ko alam kung anong oras akong nakatayo doon just to confirm everything dahil natapos silang kumain at lumabas. Napatago ako nang dumaan sila sa direction ko.
They exchanged I love you's.
Hindi ako umiyak, maybe nagulat lang sa nangyari.
"Ms. Fritz, okay lang po kayo?"
Napabalik ako sa reyalidad nang makita ko si Antoinette na may hawak na folder at nag-alala ang kaniyang mukha.
Ngumiti ako. "I'm fine. What's this?"
"Pinabigay ni Ms. Diane po, kailangan raw 'ho ibigay kay sir Chase ang reports." Aniya at ngumiti, she's pretty.
Sasagot na sana ako kaso nanlaki ang mata naming pareho na may humatak sakaniya. It's sir Philip, kapatid nang CEO naming si sir Chase.
"I've told you a millionth times just resign here. Magpapakasal na tayo!" Inis na sabi ni sir Philip kay Antoinette na kanina pa siya sinisita.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Totoo talaga ang balita. They are getting married.
I wonder where's Loyd? Himala yata hindi ko siya nakita ngayon at nanggugulo?
Loyd and I are more like best friends. He's my ex, pero ako ang nakipagbreak dahil bata pa naman kami noon. We've been highschool sweethearts.
"Fritz!"
Napalingon ako sa tumawag at nakita ko si Loyd na may kasamang tatlong babae. Napanguso ako sa nakita, babaero talaga.
Iniwan niyanang tatlong babae at lumapit sa akin. Nataranta ako sa seryoso niyang mukha at ang paghawak nito nang mahigpit sa braso ko.
"Bakit ka nagsinungaling sa akin Fritz?" He growled.
Nanlalaking mata tinignan ko siya. "What are you talking about?"
"Wala silang business meeting. They reserve a suite!" His face is red at mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Damn! Kung hindi ko lang nasira ang mukha nang pangit mong ex, hindi pa aamin na break na kayo."
Nanlaki ang mata ko sa narinig at napatitig sa kaniya. Nag-away sila? Kaya pala may konting sugat sa mukha nito.
"Fine, break na kami. Are you happy?" Hinila ko ang aking braso sa pagkakahawak niya at agad tumakbo papasok sa elevator.
Hinahangos man ay napabuga ako nang hangin. That freak, bakit pa siya nakipag-away. Why is he so concern so much about me?
Nanlaki ang mata ko at napapikit sa hawak kong folder nang makita siyang nagmamadaling pindutin ang emergency button para mabuksan ang elevator.
"Yeah, I'm happy." Humarap ito sa akin at ngumiti nang matamis, kahit may sugat sa mukha ay hindi mawawala ang gwapo parin nito.
"So, single kana pala? May chance na ba ako sayo? Can I be the man to make you happy now?"
Napasinghap ako at rinig na rinig ko ang bilis nang tibok nang puso ko sa ginawa niya. "Can you give me a second chance, Fritz?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top