9
Maaga palang ay umalis na sa Dublin si Nicky. Nakarating siya sa unit ni Katharina tatlumpung minuto bago ang napag-usapan nilang oras.
"Ang conservative natin ngayon, ah," biro ni Nicky sa dalaga na naglalakad palapit sa sasakyan niya.
Pinamaywangan siya ni Katharina. "Siyempre, church ang pupuntahan natin. Alangang mag-halter top at denim shorts ako roon."
"In fairness, bagay sa iyo." Binuksan ni Nicky ang pinto malapit sa shotgun seat para makapasok ang dalaga. Pumasok din naman siya agad sa pinto malapit sa driver's seat dahil siya ang magmamaneho ng sasakyan.
•••
Papunta sila ngayon sa church kung saan nagpa-pastoral service ang papa ni Katharina. This is their first mission as a fake couple.
Expected na rin nila na posibleng kumalat din ang balitang ito lalo pa at miyembro ng sikat na boyband si Nicky. They already planned about this kaya kahit papaano ay handa na sila sa magiging reaksiyon ng mga tao.
Ipinarke ni Nicky ang sasakyan sa may tapat ng hindi kalakihang simbahan. Mangilan-ngilang tao na ang pumapasok doon. Malapit na kasing magsimula ang Sunday service.
Kumawit si Katharina sa braso ni Nicky katulad ng kanilang napag-usapan. It is indeed effective. May ilang napapatigil at napapa-second look sa dalawa. May ilan pang kumuha ng kanilang larawan.
Nicky and Katharina approached Pastor Levi Walker, na noo'y nasa likod pa habang naghahanda sa pagsisimula ng service.
"Papa, si Nicky, boyfriend ko."
"H-Hi, Pastor Levi." Nakipagkamay ang binata sa ama ni Katharina.
Matamang tiningnan ng lalaki si Nicky. "Ikaw 'yong sa Westlife?" paninigurado nito.
Nicky nodded.
"O sige. Umupo kayo sa front pew. Magsisimula na tayo sa ilang saglit."
Niyakag ni Katharina ang boyfriend niya papunta sa unahang upuan. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay hindi nakawala ang gigil na ekspresiyon ni Matilda, ang churchgoer na ikinukuwento niya kay Nicky.
Katharina pretended she didn't see the woman but deep inside, she's rejoicing. Kung puwede lang humalakhak nang napakalakas sa loob ng simbahan ay ginawa na niya.
•••
"Nicky, sigurado ka na ba rito sa anak ko? E kako marami pa naman diyang iba, eh."
Magkakaharap na sa dining table ang buong pamilya ng Walker kabilang si Nicky. Katatapos lang ng Sunday Service.
"Papa naman," angil ni Katharina na naghihiwa ng manggang panghimagas.
Napatawa nang marahan si Nicky. "Opo, Pastor. Sigurado po ako sa anak ninyo." Sinulyapan niya si Katharina at nginitian niya ito nang pagkatamis-tamis. Ganoon din ang isinukli ni Katharina sa binata.
Napabungisngis sa kilig ang mga dalagitang kapatid ni Katharina. Sina Lisa Mae at Bernadette.
"Bagay na bagay kayo, ate!" tudyo ni Lisa sa kapatid.
"Napaka-supportive naman pala nitong sister-in-laws ko," ani Nicky na lalong nagpabungisngis sa dalawa.
"OMG. Sister-in-law daw!" saad ni Bernadette.
"Bernadette!" Pinangmulagatan ni Katharina ang kapatid. Tila ba may ipinahihiwatig.
"Ay sorry po. Hindi na po ako mag-o-OMG." Nag-peace sign ang dalagita.
Bilang pamilya ng isang pastor ay pinatitigil sa kanila ang pagsasabi ng OMG. Diumano ay labag ito sa first commandment na Thou shalt not take the name of the Lord Thy God in vain.
"Very good," ani Katharina. Napangiti rin naman si Pastor Levi sa daloy ng pag-uusap ng magkapatid.
•••
"Salamat sa pag-invite dito sa church n'yo. I felt like a change person," ani Nicky. Naglalakad na sila ngayon pabalik sa kotse.
"Naks. Baka magtuloy-tuloy na 'yan ha? Baka matulad ka sa ibang churchmates ko na nagbalik-loob daw sa pagiging straight nang matagpuan ang daan."
Hinarap ni Nicky si Katharina. "That will not happen, Kath. Eh, ikaw nga e anak na ng pastor pero..." Lumapit si Nicky para bulungan si Katharina. "...may girlfriend."
"May point." Napatawa nang marahan ang dalawa.
Wala na silang pinalipas na sandali. Isang sulyap muna ang ipinukol nila sa simbahan bago tuluyang paandarin ang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top