7

Katharina chose Nicky as her fake boyfriend whilst Jodi picked Kian. After thinking about it thoroughly, they decided that they should proceed with this pretentious act.

Lahat naman sila magbe-benefit. Kian will make his dad happy, who according to the doctor, has only few months to live. Si Katharina naman e mapatutunayang mali ang akusasyon sa kaniya ng churchgoer na kaniyang sinasabi. Samantalang si Jodi naman ay may maipakikilala sa kaniyang ama sa family dinner. Sa kabilang banda naman ay naiisip ni Nicky na makabubuti ito sa career nila sa Westlife tulad nang nangyari noong ikinasal sina Shane at Gillian. Dumoble ang album sales ng banda nila noon. Sa tingin niya, ganoon din ang mangyayari sakaling isapubliko nilang apat ang kanilang relasyon.

Napag-usapan muna nilang apat na magpapalit muna sila ng partners—temporarily.

"Oy, Kian. Isauli mo si Jodi ha? Mamaya e hindi mo na ibalik sa akin 'yan," Katharina joked.

"That won't happen," giit ni Kian. "Oh, sayo'ng sa'yo na 'to." Kunwa'y itinutulak niya si Jodi pabalik kay Katharina.

"Ano ba?" annoyed na sabi ni Jodi. Hinarap niya si Katharina at hinaplos sa pisngi. "Kusa akong babalik sa iyo, babe. Just patiently wait for me."

Ngumiti nang malawig ang kaniyang kausap. "I will."

Sabay na tinanaw nina Nicky at Katharina ang kotse ni Jodi kung saan nakasakay rin si Kian. Palayo na ito sa kanila.

Pangungulila sa mga kasintahan ang naramdaman ng dalawa nang tuluyan nang mawala ang sasakyan sa kanilang paningin. Mayamaya ay nagkatinginan ang dalawa. Nakaiilang na atmospera ang namagitan sa kanila.

"Let's go inside," yaya ni Katharina kay Nicky papasok sa loob ng unit na tinutuluyan.

•••

Panaka-nakang sumusulyap ang dalaga kay Nicky na busy sa panonood ng TV.  Mayamaya ay napaismid siya. Kusa siyang tumayo at tumabi sa binata.

Gulat na napaurong nang kaunti ang huli dahil sa inakto ni Katharina pero umayos din siya.

"Kailangang ngayon palang e sanayin na natin ang isa't isa sa ating presensiya," paliwanag ng dalaga. "Akbayan mo ako."

"Ha?" Nakadama ng kaba si Nicky sa sinabi ni Katharina.

"Naku, aarte pa." Kusang kinuha ng dalaga ang isang kamay ni Nicky at isinampay iyon sa kaniyang mga balikat.

"I-relax mo ang muscle mo," saway ng dalaga sa katabi nang mapagtantong naninigas iyon.

"H-Ha? Ahh, okay." Pinahinahon ni Nicky ang sarili. Mayamaya ay nakaakbay na nga siya kay Katharina.

•••

"Tama na, Nicky. Itigil na natin ito, mamamatay na ako katatawa!" ani Katharina na humahagalpak habang nanonood ng 3 Idiots. Napapahampas pa siya sa hita ng binata. Hindi naman iyon malaking bagay kay Nicky dahil maging siya ay mamamatay na rin sa katatawa.

"No, Kath. Manood pa rin tayo. Malapit na tayo sa ending, eh."

Napatigil sa pagtawa si Katharina dahil sa sinabi ni Nicky. Ang kaninang tumatawa nitong ekspresiyon ay sumeryoso. Tinitigan niya ang binata.

"Oh? Huwag mong sabihing nai-inlove ka na sa akin, ha? Ang bilis naman." Umayos ng upo si Nicky. "Hindi puwede, ah. Hindi tayo talo."

Siniko ni Katharina si Nicky sa tagiliran. "Wag kang assuming, gago."

"Ouch! Bakit naman may pagsiko pa? Tapos may kasunod pang mura?"

Inilagay ni Katharina ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib niya at pinagkrus iyon. "Shunga ka kasi. Nagulat lang ako at may pa-nickname na pala agad ako sa iyo. Ano'ng sabi mo? Kath? Naks."

"Oh, what's wrong? Ang haba kasi ng Katharina."

"Wow. Hiyang-hiya naman ang pangalan kong Katharina sa Nicholas Bernard James Adams Byrne mo 'noh?"

Nicky shrugged his shoulders. "What should I say?"

Napalingon ang dalawa sa TV nang agawin ang atensiyon nila ng eksenang nagpahagalpak muli sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top