5

Ilang araw na ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon. Mas lalong nakampante sina Nicky at Kian dahil wala namang lumabas na balita tungkol sa kanilang dalawa, dahilan kaya mas lalo nilang pinagkatiwalaan ang dalawang babae.

Katharina Walker ang pangalan ng babaeng sinugod sila sa kotse, nurse sa isang pribadong ospital sa Belfast, United Kingdom. Dalawang oras lang ang layo ng lugar na iyon mula Dublin gamit ang kotse.

Si Jodi Albert naman ay eredera ng Albertini, ang pamosong clothing line na sikat sa Ireland.

Umusbong ang pagkakaibigan sa kanilang apat dahil sa aksidenteng nangyari. Minsan ay nagkikita sila nang patago, at sa mga pagkakataong iyon ay nagkakaroon sila ng kalayaang ipakita ang tunay na sila. Maging sina Jodi at Katharina din kasi ay tago rin ang relasyon. Pastor ang ama ni Katharina samantalang ang ama naman ni Jodi ay napakaistrikto. Sigurado ang dalaga na hindi siya matatanggap ng ama dahil bata pa lamang siya ay ikinikintil na ng ama sa kaniyang isip na dapat siyang ikasal sa isang lalaking may pangalan.

Ikasal sa lalaki. Patuloy iyang umaalingawngaw sa mga tainga ni Jodi. Iyan ang huling bagay na nais niyang mangyari. Kung ikakasal man siya ay gusto niyang kay Katharine lang. Wala nang iba pa. Pero mahirap ang kalagayan niya dahil nasa ilalim pa siya ng kapangyarihan ng ama. Gusto niyang i-please ito palagi dahil ayaw niyang mapurnada ang pagmana niya sa negosyong pinaghirapang buuhin ng ama.

Jodi and Katharina met each other in the grand opening of the Albertini's Belfast branch. Buong pamilya ni Jodi ang naroon bilang pagsuporta sa panibagong milestone ng business ng kanilang pamilya. Si Katharina naman ay nayakag lang ni Dr. Sullivan. Malapit ang doktor sa mga Albert kaya imbitado ito sa pagbubukas ng bagong store sa lugar na iyon.

Ipinakilala ng doktor sina Jodi at Katharina sa isa't isa. Sa una ay may kakaibang naramdaman si Katharina nang magtama ang kamay nilang dalawa. She mistook it as insecurity in the first place but later on, she realized that it was really just amusement. Humahanga siya sa taglay na ganda ni Jodi.

Bibihira siyang magandahan sa kapwa babae. It was a sense of pride that prevents her to do that. Ayaw niyang may ibang babae na mas maganda sa kaniya. Kaya ang pag-aming maganda si Jodi, aaminin niyang it took her so much courage to do that.

Little did she know that the latter felt the same. Nagagandahan din pala sa kaniya si Jodi kaya madalas siyang palihim na sinusulyapan nito during the event.

Nang kinagabihan ay naging malapit ang dalawa isa't isa. Pagkakalapit na hindi nila akalaing mauuwi sa kakaibang uri ng atraksiyon na hindi nila plinano o inakala.

They secretly went out together for a couple of weeks as friends. Nang mapatunayan nilang click talaga sila sa isa't isa ay napag-usapan na nilang bigyan ng label ang nararamdaman nila sa isa't isa. They became official as a couple and it happened almost two years ago.

None of their friends, even colleagues know about it because they are both aware how hard it is for their situation.

Kaya ngayong ang pagkakatagpo nila kina Nicky at Kian ay masasabing malaking tulong sa kanila. Para bang nakahinga rin sila nang maluwag sa matagal na panahon dahil sa wakas ay nakakilala sila ng mga taong nakaiintindi rin sa kanilang sitwasyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top