3
"Buti pa sina Mark at Kevin, malaya silang nailalantad ang relasyon nila, 'noh?" Kaswal man ang tinig ni Kian ngunit halata pa rin doon ang halong parunggit.
Inalis muna ni Nicky ang isang kamay sa steering wheel at dinala niya iyon patungo sa isang kamay ni Kian. Hinaplos-haplos niya iyon. "Darating din tayo riyan, hon." Muling ibinalik ng binata ang kamay sa manibela.
"Tatlong taon na tayong nagtatago. Kahit sina Shane at Mark, walang kaide-ideya tungkol sa atin."
Nicky sighed. Itinigil muna niya ang sasakyan sa isang tabi. "Sa tingin mo, dapat na ba nating aminin sa kanila?"
Umiling-iling si Kian. "H-Huwag muna." Umayos siya ng pag-upo. It is not that I don't trust Shane but my biggest worry is Gillian."
Tumango-tango si Nicky. "I know."
Si Gillian Filan na napangasawa ni Shane ay pinsan ni Kian. Iyon ang nag-uudlot sa dalawa para aminin sa kanilang mga kabanda ang kanilang itinatagong relasyon. Iniiwasan ni Kian na malaman ng pamilya niya mula sa ibang tao ang pakikipagrelasyon niya kay Nicky, at ayaw niyang kay Gillian pa manggagaling iyon. Knowing Gillian, mabait naman ito kaso hindi lang talaga mapigil ang bibig minsan.
Hindi pa isandaang porsiyentong handa si Kian na umamin gayong ang kaniyang amang si Kevin Egan ay kasalukuyang may malubhang sakit. Ayaw niyang makadagdag pa sa pasanin nito. Alam niyang ikasasama ng loob ng ama ang ibabalita niya dahil noon pa ma’y bokal na ito sa kagustuhang magkaroon ng manugang at apo sa kaniyang paboritong anak.
Sa kabilang banda naman ay ang imahe naman ng kanilang banda ang iniisip ni Nicky. They both have witnessed how impactful was the backlash when Mark announced his relationship with Kevin. Medyo humina ang sales ng album nila sa panahong iyon dahil hindi pa gano'n katanggap ng publiko ang relasyon ng dalawang taong parehong kasarian.
"Sapat na sa akin sa ngayon ang malaman na mahal natin ang isa't isa," ani Kian. "I know that the time will come that I can scream that to the world. Let's patiently wait, hon."
Nicky smiled genuinely. He removed his seatbelt so that he can move closer to Kian.
The latter did the same. Their eyes met with so much love. Nicky caressed Kian's face and gently press it. He held his chin as he is about to kiss him.
As they are only few inches away from each other, a loud bang interrupted their almost kiss.
"Ouch!"
Muntik nang mapatama ang ulo nina Kian at Nicky sa unahan. Mabuti na lang ay mabilis ang reflexes nila kaya naitukod nila parehas ang kanilang mga kamay. Iyon nga lang ay may konti pa rin silang sakit na naramdaman dahil sa biglang impact.
"Ano ba?!" Haharang-harang kayo sa daan! Lumabas nga kayo riyan, mga bakla!"
Nanggilalas sina Kian at Nicky nang marinig ang isinigaw ng babaeng lumabas mula sa kotseng bumangga sa kanila.
Bumangon ang kaba sa kanilang dibdib. Iisa ang nasa kanilang isip.
May nakakita sa muntikan nilang paghahalikan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top