19
"May problema ba tayo, Nicky?" Naglakas-loob na si Katharina na magtanong sa binata. Kanina pa kasi ito nananahimik.
"Wala."
"Wala? Kanina ang daldal mo pero antahimik mo na. What's bothering you?"
Pinalobo ni Nicky ang bibig at pinaglipat-lipat sa pisngi ang namuong hangin doon. Katharina playfully poked that so that it would deflate.
Nagpakawala ng buntong-hininga si binata. "Ewan, hindi ko alam."
Hindi na kinulit pa ni Katharina ang binata. Kahit nang makarating sila sa unit ay ganoon pa rin ang mood nito.
Walang concert ang Westlife at day off din ni Katharina sa ospital kaya malaya nilang magagawa ang kahit ano ngayong araw.
Kinakausap naman na ni Nicky si Katharina pero kapansin-pansin pa rin ang pananamlay ng binata, na kahit nang sumapit ang gabi ay ganoon pa rin ang enerhiya.
Nang hindi na makatiis ay pinatay na ni Katharina ang TV. Seryoso niyang hinarap si Nicky.
"Bakit mo pinatay? Papunta na sa exciting part, eh," angil ng binata.
"Gusto mo ng exciting part? Eto ang exciting part."
Nanlaki ang mga mata ni Nicky nang mamalayan niyang magkadikit na ang mga labi nilang dalawa. He closed his eyes to savour the moment. Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi nagtagal dahil ilang saglit pa ay nadama na niya ang emosyong kanina ay kaniyang hinahanap. Emosyong matagal na niyang hindi binibigyang pansin.
Na mahal na niya si Katharina.
Ngunit maraming humahadlang para ipakita niya ang emosyong iyon. Ang katotohanang pareho silang nakatali sa pagkakataong iyon.
Nicky parted his lips away from Katharina.
"W-Why?"
"The kiss is not part of our agreement." Umiwas ng tingin si Nicky.
Tumayo si Katharina at naglakad paroon at parito. "For Pete's sake, lahat pa rin ba ay pagpapanggap sa iyo? Kasi Nicky, sa akin, hindi na. Totoo na ito. Totoo na ang nararamdaman ko."
"Totoo? Pero bakit nakipagkita ka kay Jodi kanina? Nagyakapan pa kayo tapos—"
"So iyan pala ang pinagsisintir mo kanina pa?" Gusto sanang kiligin ni Katharina pero mas nangingibabaw sa kaniya ang tampo. "We agreed to broke up because we realized that we are no longer in love with each other. And..."
"And?"
"Teka, paano ko ba sasabihin ito?" Nagpakawala ng paghinga si Katharina bago nagpatuloy. "He fell in love with Kian."
Binasa niya ang ekspresiyon ni Nicky pero nanatili lang itong nakikinig sa kaniya kaya nagpatuloy siya. "...and I fell in love with you."
Napayuko si Katharina nang sa wakas ay masabi na niya ang damdaming matagal nang sinisikil.
Pumagitna ang katahimikan sa kanilang dalawa. Mayamaya ay lumapit si Nicky. Gamit ang isang kamay ay inangat niya ang baba ni Katharina para magtama ang kanilang paningin.
"You don't know how much I want to answer that, Kath but.. I want to fix something first." Punong-puno ng emosyon ang mga mata ni Nicky habang tinitingnan niya ang sariling repleksiyon sa kastanyong mga mata ng dalaga.
Hinaplos niya ang pisngi nito nang dahan-dahan at mayamaya pa ay dinampian niya ng halik ang malambot na mga labi ng kaharap. Mabilis man iyon pero sapat na para maipaalam sa dalaga ang kaniyang nadarama. "Kailangan ko munang ayusin ang lahat."
Ginagap niya ang parehong kamay ni Katharina at hinalikan niya ang mga iyon. "Babalikan kita."
Sinundan ni Katharina ng tanaw ang kotse ng lalaki habang nakadampi ang isa niyang kamay sa mga labi. Isang hindi mapalis na ngiti ang pinakawalan niya. Ngiting punom-puno ng pag-asa sa magandang balita sa pagbabalik ng lalaking sinisinta.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top