18
Limang minuto pagkalabas ni Kian sa pinto ay kinatok na si Jodi ng sales assistant para alalayan sa paglabas. "Sir Kian already paid for all of these, ma'am."
"He paid for... these?"
Tumango-tango ang sales assistant. Isa-isa nitong ibinalot ang lingerie na binayaran ng binata.
Kanina pa nagpalinga-linga si Jodi. Hinahanap niya si Kian.
Samantala ay nasa loob ng CR ang binata. Kanina pa siya naglalakad paroon at parito habang paulit-ulit na humuhugot at buga ng paghinga.
Ang larawan ng halos wala nang saplot na katawan ni Jodi ay paulit-ulit na tumitimo sa utak niya. Ipilig man niya ang ulo ay hindi niya magawang burahin iyon.
Mabuti na lamang at napilit niya ang sariling makalabas sa fitting room dahil kung nagtagal pa siya nang ilang saglit ay baka tuluyan na siyang nawala sa sarili.
Muli ay nagpakawala si Kian ng mas malalim na paghinga. Medyo kalmante na siya. Nang sa tingin niya ay kaya na niyang harapin si Jodi ay lumabas na siya sa comfort room.
•••
Pinaandar ni Kian ang kotse patungo sa sentro ng Dublin. May pupuntahan sila. Ngunit habang nilalandas nila ang daan ay may nadaanan silang mga tao na pawang nakatingala sa kalangitan. Pawng nakasuot ng ibang klase ng shades ang mga ito.
Dahil sa pagtataka ay napatingala si Jodi. "Total solar eclipse? Oh my—" Natutop niya ang bibig. Nais man niyang tingnan nang direkta ang araw ngunit wala siyang espesiyal na tipo ng glasses para sa ganoong pambihirang pagkakataon.
"Here." Inabutan siya ni Kian ng glasses na may special solar filter.
"Wow, prepared na prepared."
"I really bought it for this event, love." I forgot that it was scheduled today."
"It's totally fine, Kian. You've done more than enough." Nakasungaw na ang ulo ng dalaga sa bintana ng sasakyan. Aliw na aliw niyang tiningnan ang pagtakip ng buwan sa araw. "What a beautiful phenomenon."
Ilang minuto pa ay unti-unti nang humihiwalay ang buwan sa araw.
Jodi went inside the car and removed the shades covering her eyes. She tilted to her side to face Kian. "Thank you."
"It's not for free."
"I know." Jodi bent towards Kian and gave him a smack on the lips. "Eclipse kiss for you, my love."
Pinagdikit nila ang kanilang noo habang nagtititigan. Mayamaya pa ay ipinagpatuloy na nila ang biyahe nang may ngiti sa kanilang mga labi.
•••
Dinala ni Kian si Jodi sa isang art studio. Alam na ng dalaga kung ano ang gagawin nila rito– ang tsekan ang kahuli-hulihang item sa kaniyang bucket list, ang gawing subject ang kaniyang hubad na katawan sa pagpipinta.
It took her four hours to pose in a sitting position while her hands cover her private parts but it is totally fine with her. Nangalay man siya pero naroon ang satisfaction dahil nagawa niya ang kaniyang kagustuhan.
Nang makapagbihis ay lumabas na siya sa silid at naabutan niya roon si Kian na nakasandal sa dingding na katabi ng pinto.
"Oh, bakit hindi ka pumasok?"
"Boring sa loob, eh." Iniwas ni Kian ang tingin sa dalaga. Halatang may itinatago.
"Eh? Bakit nga? 'Yung totoo."
Hinarap ni Kian si Jodi. Nasa mga mata niya ang pagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya sa dalaga ang tunay na rason kung bakit hindi siya pumasok.
Ayaw niyang makita ang dalaga na walang saplot. Ayaw rin niyang makita na sa ganoong postura ay ipinipinta ang dalaga ng mga lalaking art professionals. Alam niyang nakasanayan na ng mga ito ang paggawa ng obra ng mga hubad na babae pero hindi maiwasan ni Kian na magpuyos ang damdamin. Tila ba nais niyang ipagdamot ang bawat bahagi ni Jodi!
"Mangulit ka pa, talagang bibigyan kita ng malalim na halik dito mismo," pagbabanta ni Kian sa dalaga habang itinuturo ang kanilang puwesto.
Natuod si Jodi. Naumid ang kaniyang dila. Hindi na siya nangulit pa dahil ayaw niyang ma-public scandal dahil sa ganoong halik.
•••
Jodi and Kian parted their ways for few hours. Mayamaya ay magkasama silang muli. Ito na ang gabing pinakahihintay ng dalawa, ang family dinner sa mansion nina Jodi.
Kian and Jodi are both wearing suits and dress in black, base na rin sa tema ng family dinner.
Nasa dibdib ang kaba ni Kian nang sa wakas ay maiparada na niya ang kotse sa malawak na garahe ng mansion ng mga Albert.
Inalalayan niya si Jodi sa pagbaba. Inalok niya ang sariling braso para angklahan nito.
Nang makapasok ay bumungad sa kanila ang napakaengrandeng sala. Nababalot ng kulay ginto at charcoal black ang kulay ng loob, bagay na bagay sa eleganteng pangalan ng mga Albert.
Nagulat si Kian nang may mamukhaan siya sa 'di kalayuan.
Ang kabanda niyang si Mark at si Kevin McDaid!
Napansin sila ng mga ito kaya nagharap-harap silang tatlo. Kapansin-pansin din ang pagbebeso nina Jodi at Mark na tila ba matagal na silang magkakilala.
"Magkakilala kayo?"
Mark and Jodi nodded. "We're cousins."
Amused na napaawang ang bibig ni Kian. Agad din siyang nakabawi. "I see."
Mayamaya ay pumasok na sila sa dining room. Mas nakalulula iyon dahil tila ba lahat ng utensils na naroon ay gawa sa ceramic at ginto. Ang chandelier din na napakalaki ay tumatanglaw sa buong silid.
The dinner went well. Jodi's daddy and Kian easily get along with each other. Nakatulong ang pagiging pamoso ni Kian bilang miyembro ng boyband.
Nang matapos ang pagkain ay sumunod ang pagsayaw. Halos hindi na pakawalan ni Jodi at Kian ang isa't isa. Nawalay na lang sila nang sandali munang hiramin ng mommy ni Jodi ang dalaga para iharap sa tita nitong galing sa ibang bansa.
Nang mapag-isa si Kian ay nagulat siya nang higitin siya ni Mark. Kaseryosohan ang nasa mukha nito. Sa itsura niya ay para ba siyang may tinitimpi na matagal na niyang gustong isiwalat.
•••
"Tol, alam ko kung ano ang namamagitan sa inyo ni Nicky. Tol, bakla ako. Alam ko kung sino ang kauri ko."
"Tol, ano ba ang pinagsasabi mo?" Kinakabahan si Kian pero hindi niya pinahahalata.
Bahagyang itinulak ni Mark ang kabanda. "Tol, huwag mo akong gaguhin. Huling-huli ko na naghahalikan kayo ni Nicky sa dressing room sa Wembley two years ago. Oh, gulat ka ano? Akala mo hindi ko alam? Oh, hindi pa iyon. Akala mo ba hindi ko nakikita ang palihim ninyong pagho-holding hands kapag lasing na kami ni Shane? Tol, hindi mo alam na nagtutulog-tulugan lang ako. Pero kitang-kita ko ang lahat. Kitang-kita ko!"
Humingal-hingal muna si Mark bago nagpatuloy. "Wala akong pakialam kung bading ka rin o hindi. Bading din ako, di ba? Alam mo naman 'yan, tol. Pero ang hindi ko lang matanggap, bakit pinsan ko pa ang ginamit mo para sa pagtatakip sa tunay na kasarian mo? Bakit pinsan ko pa na kadugo at kalaman ko?"
"Hindi niya ako ginamit, Kuya Mark." Napalingon sila sa nagsalita. Si Jodi. Bakas sa mukha nito ang halohalong emosyon. Muli siyang nagpatuloy. "Plinano namin ang lahat ng ito, kuya. Hindi mo ba alam? Kauri nyo rin ako. I was in love with a woman. Nicky and Kian were there to help both of us. Nagkaroon ng deal. Then we agreed to switch partners for a while dahil sa kani-kaniyang rason. Pero kuya, hindi ko inaasahang mahuhulog ako kay Kian. Na ang pagpapanggap na pinasok ko ay magiging dahilan pala para mahalin ko siya nang totoo. Na dahilan kaya nakipag-break ako sa girlfriend ko kasi nahulog na rin siya kay Nicky."
Kapwa gulat sina Mark at Kian dahil sa rebelasyon ni Jodi.
Tuluyan nang napaluha si Jodi. "I'm sorry Kian. I'm sorry for falling for you. I broke our agreement." She swallowed a lump in her throat. Nagpahid siya ng luha sa mukha bago tuluyang tumalikod at tumakbo sa abot ng kaniyang makakaya.
Akmang hahabulin ni Kian si Jodi nang pigilin siya ni Mark. "Tol."
Tiningnan muna ni Kian ang palapulsuhan niyang hinahawakan ni Mark. "Tol, bitiwan mo ako. Kailangan ko siyang habulin!"
"Tol, mahal mo ba ang pinsan ko?"
"Hell, yes! I love her, okay? I love her to the point that I keep on telling myself that I don't because she's in love with someone else. But goddamnit. I didn't know that they broke up." Natampal ni Kian ang noo.
Bumuntong-hininga si Mark. "Kung seryoso ka talaga sa pinsan ko, tapusin mo muna kung ano ang mayroon sa inyo ni Nicky." Niluwagan ni Mark ang pagkakahawak sa palapulsuhan ni Kian.
"I will."
Nag-fistbump pa ang dalawa bago tuluyang tumalikod si Kian habang may tinatawagan sa cellphone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top