16

Nagising sa sunod-sunod na text at missed calls si Katharina. Galing iyon kay Jodi.

can we talk babe

pls :(

pls

Sa totoo lang ay hindi alam ni Katharina ang gagawin o ire-react sa text na iyon ni Jodi. Ang tangi niyang alam ay kailangan nilang mag-usap na dalawa.

sige. san? dito si Nicky sa bahay e

ah ok. kita tayo sa starbucks

oks

Sa loob na lang siya ng kuwarto naligo kasi may sarili naman siyang shower doon. After thirty minutes, nakapag-prep na siya. Nagsuot lang siya ng plain black croptop and old rose trousers. Nagsuot din siya ng blazer na old rose din ang kulay.

Kaswal lang sana siyang lalabas nang mapatigil ang pagbukas niya sa pinto in midway. Natanaw niya mula sa kinatatayuan niya si Nicky.

Suot pa rin nito ang denim pants kahapon but he's shirtless!

Tila ba may namuong bara sa lalamunan ni Katharina na ilang ulit man niyang lunukin ay hindi maalis.

Napahigpit ang paghawak niya sa seradura ng pinto ng kaniyang kuwarto.

"Gising ka na pala, Kath," saad ni Nicky na sa wakas ay napansin siya. "Come here."

Dahan-dahang lumapit si Katharina sa lamesa. Gaano man niya pilit iwasang tingnan ang abs ng lalaki ay pilit bumabalik doon ang mga mata niya!

Mabibigat na paghinga ang ginawa niya nang makaupo siya nang tuluyan sa mesa.

"Pasensiya ka na kung nakialam ako sa fridge mo, ha?" Inilagay ni Nicky ang bagong ahon na bacon sa isang pinggan at pagkatapos ay dinala niya iyon sa mesa.

"That's okay." Tahimik na kumuha ng bread slicer at fork si Katharina.

Umupo na rin si Nicky sa mismong harap ng dalaga. Wala pa rin itong kadamit-damit.

Katharina bit a piece of ham.

"Masarap?" Nicky asked her.

Sa pagkakataong iyon ay napasulyap si Katharina sa abs ng lalaki. Wala pang isang segundo ay inalis din naman niya agad iyon doon. Muli niyang naalala ang tanong ng lalaki.

"Ah, oo. Masarap!" she tried to sound delighted as possible.

Masarap naman talaga. Nadi-distract lang siya sa katawan ng lalaki.

Aywan ba sa kaniya. Madalas naman siyang nakakakita ng lalaking hubad ang pang-itaas sa ospital pero kakaiba ang dulot sa kaniya ni Nicky ngayon. Para bang sinisilaban ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya maunawaan ang sarili.

Mapayapa namang natapos ang pagkain nila. Nicky volunteered to bring her to the cafe lalo pa at naiwan niya ang sariling sasakyan sa parking lot ng ospital.

Sa labas palang ay kita na ni Katharina ang hindi mapakaling si Jodi. Nagliwanag ang mukha ng huli nang mapansin na siya nito.

"I'll wait for you, Kath." Nginitian ni Katharina nang tipid si Nicky bago ito iwan sa kotse.

•••

"I kissed Kian," bungad ni Jodi nang makaupo si Katharina sa tabi niya.

Gulat ang rumehistro sa mukha ng huli. Kinakapa niya ang sarili kung dapat ba siyang magalit pero wala siyang maramdaman. Bagkus, para pa siyang nakararamdam ng tuwa. "Did... you like it?" Dahan-dahan niyang nilingon si Jodi.

Umawang nang bahagya ang labi ni Jodi habang pinagsasalitan ang pagtingin sa magkabilang mata ni Katharina. Nais niyang magsalita pero hindi nakikiayon ang kaniyang dila.

Hindi pa man nakasasagot ay nagtanong pang muli si Katharina. "Do you love him?"

Kakaibang ningning ang umalpas mula sa mga mata ni Jodi, sapat na upang mabigyan ng kasagutan ang kaharap.

Katharina let out a sigh of relief which was followed with a sly smile. "We're even. I love him too."

Nag-iba agad ang ekspresiyon ni Jodi. Para bang may galit na namuo roon. "With whom? Kian?"

"Heck no, bitch!" Lumingon si Katharina at napatingin sa kotseng nasa parking lot. Sa pagkakataong iyon ay nasa labas na noon si Nicky habang nakasandal sa bumper ng sasakyan. "With him."

"Oh my..." Nanlaki ang bibig ni Jodi sa napagtanto.

Their hearts are beating for somebody else!

Naghampasan sa braso ang dalawa dahil sa kilig na animo'y parang hindi naging magkasintahan. Akma silang titili nang magsalita si Katharina.

"But are we even sure that they feel the same towards us?"

Nanlata ang mga balikat ni Jodi. Hinayaan niyang bumagsak iyon. "Ewan... Di ko alam, eh. Pero parang oo." Binuksan niya ang cellphone at bumungad sa kaniya ang larawan ni Kian na asul na asul ang mga mata.

"Ayyy, tinamaan na nga ang lintik. Naka-homescreen wallpaper na!"

Jodi giggled upon hearing Katharina's remark. Muli niyang tiningnan ang wallpaper. "I miss your lips, Kian." Walang ano-ano'y hinalikan niya ang labi ng lalaki sa cellphone.

Natatawang napasapo na lang sa noo si Katharina sa inaksyon ni Jodi.

•••

"So paano ba 'yan? Eh, kung hindi mutual 'yong feelings nila sa atin, magbalikan na lang tayo," biro ni Katharina kay Jodi. Kani-kanina lang ay nag-usap na sila na opisyal na silang maghihiwalay para isugal ang puso kina Kian at Nicky.

"Parang ganoon na nga ang mangyayari. But I doubt it. Look." Inginuso ni Jodi si Nicky na nagbibilad sa araw. "Masusunog na ang bebe mo kaaantay sa iyo. If that is not love, I don’t know what it is."

Sumikdo ang puso ni Katharina sa nakita. Sa parehong pagkakataon ay naaawa rin siya kay Nicky dahil nga mainit ang sikat ng araw.

"Mauuna na ako." Binigyan niya ng girly hug at beso si Jodi. May katagalan iyon.

"Bye, bestie!" They giggled when Jodi said that new endearment.

Hindi mapawi ang ngiti sa mga labi ni Katharina habang naglalakad palapit sa sasakyan. Nang makalapit ay sumalubong sa kaniya si Nicky na walang ekspresiyon sa mukha.

"Sakay."

Nagulat si Katharina sa inakto ng binata. Nahihiwagaan man ay sumunod na lang siya.

Nang makaupo sila parehas ay pinaharurot agad ni Nicky ang sasakyan palayo sa lugar.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top