Chapter 8
Chapter 8
Guidance Call
***
"Ms. Nadine Guinto and Mr. Jens Ermino, COME WITH ME. NOW!" bulalas nitong matandang babaeng nakaitim na gown.
"Siya po ang nauna, Miss," depensa ko sabay turo sa lalaking nakaluhod sa lupa. Nakangiwi pa rin siya habang hawak-hawak ang kanyang alaga.
"Wala nang paliwanag."
"Miss, paano ako? Tinadyakan nitong babaeng 'to ang kinabukasan ko. Hindi ako makatayo."
"Boys, paupuin siya sa wheelchair," utos ng babae at biglang may mga naka-tuxedo at mga nakaitim na salamin ang nagpakita sa amin na may dala-dala ngang wheelchair. Ang bilis, ha. Saan kaya nila nakuha 'yon agad?
Binuhat nila ang nakangiwing lalaki. Nagsalubong pa ang aming titig at pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
Buti nga sa 'yo. 'Yan ang mga nararapat sa mga hambog na gaya mo. Jusko! Nabuhay ka pa. Naiputok ka pa ng tatay mo!
Tumalikod naman na ang babae at sinundan na lang siya. Napalingon muna ako kay Selin na halatang hiyang-hiya sa nangyari dahil nakapinta sa kanyang mukha iyon.
"Ayos lang," walang tinig kong sabi sa kanya sabay thumbs up.
Nauuna sa amin ang babae at kapantay ko naman itong blonde na lalaking nakaupo ngayon sa wheelchair habang tinutulak ng isang lalaking naka-tuxedo. Tinarayan ko muli siya nang tumitig siya sa akin. Kinagat ko pa ang aking labi at nilakihan ko ang aking mga mata.
Inilabas naman niya ang kanyang dila na tila nang-aasar.
May lalabas ng apoy sa aking ilong dahil sa inis dito sa lalaking ito. Urgh!
Nilagpasan namin ang hilera ng mga elevator saka pumunta sa isang golden door sa gilid.
May nakaimprenta pa roong "Office" sa tuktok ng pintong ito. Binuksan naman na iyon ng babae at pagpasok namin, isang office style room ang bumungad sa aking mga mata. May isang table at dalawang upuan sa harap nito. May mini library rin dito at mga pekeng halaman na nakadisplay sa gilid.
"Take your seats," utos ng babae. Umupo na siya sa kanyang mesa at inilapag ang kanyang palad doon.
Medyo nakakatayo na rin ang lalaking ito kaya umupo na siya sa silya sa tapat ko.
"Unang araw mo pa lang dito Ms. Guinto, gumawa ka na ng kabastusan."
"Ha? Ako pa talaga? Miss, itong lalaking po ito ang may pakana ng lahat. Nananahimik po akong kumakain ng aking almusal tapos bigla-bigla niyang kukunin 'tong sumbrero ko. So, tino-tolerate n'yo ba 'yang ganitong ugali rito sa training camp?" Mabibigat ang aking paghinga na tila may dala-dalang bato sa tuwing inilalabas ko ang mga salitang iyon.
"Hindi sa itino-tolerate namin," mahinahon niyang sabi.
"So ano po? Hindi nga po ako ang nauna. Ito." Mariin kong itinuro ang lalaking nasa harap ko.
"Miss," nakapagpakawala na rin siya ng isang salita. "Gusto ko lang naman mahiram 'yang suot-suot niya."
"Alam ko, Mr. Ermino."
"What?" Napatayo ako sa silya ko. "Anong alam mo? Ibig sabihin nito, naniniwala kang walang kinalaman 'tong lalaking 'to ha!"
"Kilala ko ang mga magulang ni Mr. Ermino—"
"So what kung kilala mo? Kilala mo ba 'tong si Mr. Ermino Demonyo? Sumagot po kayo." Kahit na mas matanda ang babaeng ito na hindi ko pa alam ang pangalan, ipaglalaban ko ang tama. Dahil, ako naman talaga ang tama.
"Umupo ka Ms. Guinto." Sumeryoso ang kanyang mukha at ang kanyang mga mata ay tila nagdidilim kaya may yumakap sa aking kakaibang kilabot. Napaupo na lang ako habang yamot na bumuntonghininga. "Ang lalaking ito ay si Jens Ermino, isa ang kanyang mga magulang sa nag-sponsor ng event na ito rito sa Taguig kaya magpasalamat ka."
Nagsalubong ang aking kilay at umirap. Napatingin din ako kay Jens na nakangisi na ngayon. Nakuha mo pa talagang ngumisi-ngisi, bruha ka!
"Pero para patas ang parusa, pareho ko kayo bibigyan ng consequences."
"Miss Idda?" angal nitong si Jens. Idda pala ang pangalan ng matandang babaeng ito.
"Natatakot ako Mr. Ermino na lumabas pa sa training camp ang nangyari sa inyong dalawa at baka bumitaw ang iyong mga magulang sa pag-sponsor."
"Hindi rin ba kayo natatakot na kapag sinabi ko ito sa parents ko ay bumitaw sila?"
"Your parents will not believe in you, Mr. Ermino. 'Yon lang ang masasabi ko."
"They will, Miss Idda," asik nitong si Jens.
Ang tapang-tapang, eh, siya na nga 'yong mali. May saltik na 'to sa utak. Bakit pa 'to naging trainee? Kung ganyan din naman ang utak niya at pag-uugali, kung maging representative ito ng Taguig sa MMSR, wala na, patay na lahat ng tao!
"Tama na ang satsat. Dahil parehas kayong gumawa ng gulo, kayo ang naka-assign para maglinis ng mga pinggan at pinagkainan ng lahat ng trainees, today. Understand?"
Namilog ang aking mga mata at umabante ang aking ulo. Muntik pa ngang malaglag sa mesa ni Miss Idda ang aking panga.
Hugas? Pinggan?
Kaya ko naman maghugas dahil ginagawa ko na rin 'yon sa bahay, pero sa dami ba naman ng trainees? Kaya ko ba 'yon? Jusko, tapos kasama ko pa 'tong hambog na 'to. Tiyak akong walang alam 'to sa paghuhugas ng pinggan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top