Chapter 4

Chapter 4

Barter Exchange

***

Pagmulat ko ng aking mata, nakikita ko na ang aking mga magulang na nagliligpit ng mga gamit. Himala, walang away ngayong umaga. Nitong mga nakaraang araw, isang linggo na rin yata ang nakalipas, hindi na masyadong nagsisigawan ang aking mga magulang kaya maayos na lagi ang aking umaga. Wala nang bumubulabog sa natutulog kong luga.

"Oh, Din, gising ka na. Sumama ka sa Papa mo sa marketplace. Makikipag-barter kayo. Balita namin, may mga taga-ibang syudad ang nandoroon. Maraming puwedeng maipalit."

Walang gana akong umoo at humikab bago binangon ang aking sarili. Pumunta muna ako ng banyo para maghilamos. Matapos gawin iyon, dumungaw ako sa bintana rito para tingnan ang sumisikat na araw. Napakaganda lalo na't nandito kami sa tuktok nakatira. Panira lang 'yong usok na ulap.

"Din, tapos ka na ba?" sigaw ni Papa.

"Opo."

Nagpunas na ako ng mukha gamit itong iisang twalya namin at lumabas na.

"May mga gamit ka bang hindi na gagamitin?" tanong niya nang makalabas ako sa banyo. "Para ipam-barter din natin 'yon. Kailangan marami-rami ang dala natin para may makuha tayong bagong gamit pati mga pagkain. At sana, may taga-Alabang na bumisita at bilhin ang isa sa mga gamit natin."

Once a month nangyayari ang marketplace. Sa Manila International Airport ito ginaganap dahil wala na ring silbi ang mga eroplano dahil lumilipad na ang mga sasakyan. Ang huling gamit ng mga eroplano ay taong 2600s pa.

Sa Marketplace, nagtitipon-tipon ang lahat ng mga mamamayang gustong makipag-barter. Kaya sobrang dami ring tao roon. Minsan din, may mga taga-Alabang na bumibisita. Malalaman lang namin na taga-Alabang sila dahil maayos ang kanilang kasuotan, naka-tuxedo ang mga lalaki at magagarang gown naman ang isinusuot ng mga babae. Mukha rin silang mabango kaya alam na alam naming mga nasa labas ng Alabang Walled City kung ano at sino ang mga nanggaling doon kapag nagsama-sama na ang mga tao.

May mga masusungit at masasamang ugali talagang mayayaman na akala nila, nasa kanila na ang lahat. Well, totoo naman 'yon at tinuturing nila ang kanilang sarili bilang Diyos dahil lahat ng mga teknolohiya, kagamitan at mga pagkaing makabago ay natatamasa nila. Samantala ang mga nasa labas ng Alabang, ang huling kain lang nila ng mga masasarap na pagkain ay bago pumasok ang taong 3000s. Pagkatapos na kasi niyon, nagsimula na ang global crisis sa paglobo ng populasyon. Nadamay na ang sektor ng pagkain dahil do'n.

"Ano na, Din? Wala?"

Bigla na lang akong bumalik sa aking katauhan. Grabe namang pag-iisip kasi 'to. Ang daming pinuntahan.

"Wala po."

Wala naman na talaga akong gamit na kailangan ipam-barter. Ang mga gamit ko na nga lang dito ay ang aking mga damit, cellphone ko at ang laptop ko na uugod-ugod na.

"O siya, sa 'yo na 'tong isang backpack."

Ipinatong ni Papa sa mesa ang mataba't puputok na backpack kaya lumangitngit ang mesa naming kaunti na lang ay makikipagkita na kay kamatayan.

"Grabe naman, 'Pa! Mukhang mabigat!"

"Mas mabigat pa 'yong backpack last month, Din. Hindi ka naman nagreklamo no'n. Bilisan mo dahil maghahanap ako ng pwesto ro'n sa airport."

Wala na akong nagawa kundi isukbit ang backpack na 'yon. Parang dala-dala ko ang buong mundo! Takte na 'yan.

Napahaluyhoy ako sa bigat.

"Ingat kayo," pagpapaalala sa amin ni Mama.

Tumango na lang ako at sinundan si Papa sa labas. Mabuti na lang at may nakaabang ng flying tricycle sa labas.

Nasa loob ng tricycle si Papa at sa backride naman ako. Nakalulula nga lang dahil kitang-kita ko ang baba pero presko naman. At saka, may seatbelt naman dito para safe.

"Okay ka na r'yan, Din?" tanong ni Papa mula sa loob ng tricycle.

"Opo."

"O sige. Brad, do'n mo kami dalhin sa marketplace."

Matapos ang ilang segundo, nilisan na namin ang aming bahay. Nahuli ko pang kumaway si Mama kaya sinuklian ko na lang din siya ng kaway.

Nang umandar, tila hinampas ng himpapawid ang buo kong mukha. Ang akala ko'y humiwalay na sa akin ang balat ko. At ang tuwid kong buhok ay naging bulate sa ere.

***

Nakarating na kami rito sa marketplace. Alas siyete pa lang ng umaga pero sandamukal na tao na ang nandirito.

Binayaran na rin ni Papa ang tricycle driver saka umalis.

"O siya, maghahanap na ako ng pwesto ko. Dating gawi ulit tayo. Tatawagan na lang kita sa cellphone mo kapag okay na ako rito. Dito muli tayo magkita."

Tumango na lang ako bilang tugon at mabilis ding nakihalo si Papa sa mga tao kaya nawala na siya sa aking paningin.

Tumabi muna ako rito sa isang puno at ibinaba ang aking backpack. Hindi ko pa nakikita ang laman nito kaya hindi ko alam kung ano-ano ang puwedeng ipalit.

Jusko naman kasi. Hindi man lang ako in-inform na ngayong araw ang marketplace.

Napahilamos na lang ako ng mukha at huminga nang malalim. Umupo na rin ako sa lupa na may mga mangilan-ngilang damong tumutubo rito sa paligid ng puno. Nahihiya pang tumubo ng mga damo.

In-unzip ko na ang backpack at mga damit nina Papa ang bumati sa akin.

"Great," irap kong sabi.

Sinong taong gustong makipag-barter sa mababahong damit nina mama at papa. Naku, Jusmiyo!

Mahihirapan ako nito. Ugh!

Bakit?

Isinara ko na muli ang backpack at isinukbit na ito sa aking likuran. Nang makatayo na ako, napaupo't sinalo muli ako ng lupa dahil may nabangga akong isang matangkad na lalaki. Nakasumbrero siya, pang-baseball hat.

Hindi ko naman maaninag ang kanyang mukha dahil ang sinag ng araw ay nasa kanyang likuran. Bali silhouette lang ang tanging nakikita ko.

Sino ba 'to?

Paharang-harang naman kasi.

"Kainis ha," malalim at yamot kong sabi. Inangat ko muli ang aking puwet saka tumayo sa aking paa. "Hoy, gago ka? Hindi ka ba marunong tumingin? May nakaupo kayang tao rito."

Inangat niya ang kanyang ulo at naaninag ko na ang kanyang mga matang singkit at walang emosyon.

"Hindi. Hindi ako gago. As you can see, maraming tao sa paligid. Then, mag-e-expect ka na walang makakabunggo sa 'yo?" malamig niyang turan.

Ang kanyang boses ay nagpatayo sa aking mga balahibo.

"Ganyan talaga kayo, ano? Uneducated people. You are not using your common sense, Lady."

Inabante ko ang aking isang paa at humalukipkip. Sa palagay ko, taga-Alabang ito. Pinagmasdan ko nang mabuti ang kanyang kasuotan mula ulo hanggang talampakan.

Naka-baseball hat na itim na may simbolong bilog at pakpak sa gilid. Nakasuot ng pullover na indigo. Nakamaong. Naka-white sneakers.

Hindi ko tuloy alam kung taga-Alabang ba ang lalaking ito dahil may mga ganito ring manamit sa lugar namin. Ang mga taga-Alabang na laging nakikita't pamilyar sa aking mata ay mga naka-tuxedo.

"Hoy, 'wag mo nga akong ma-English-English. Hindi na uso 'yon ngayon, 'no."

"Because you are not given the chance to learn it kaya nasasabi mo 'yan."

"Huh? Hello. I. Can. Speak. English!"

"So, nakakapag-aral pa pala kayo rito sa labas." Isinuksok niya ang kanyang palad sa kanyang bulsa.

Sino ba 'to?

"I thought, hindi."

"Sino ka ba, ha?"

Bigla niyang tinanggal ang baseball hat na nasa ulo niya kaya nakita ko na ang buo niyang mukha. Singkit nga talaga ang kanyang mata't walang emosyon. Ang kanyang labi na nakalinya lang ay biglang ngumisi.

Bigla naman niyang ipinatong sa ulo ko ang sumbrerong suot niya kaya napitlag ako. Umangat nang bahagya ang aking balikat.

"Ayan, bagay sa 'yo. Mukha nang siga." Mahinhin pa siyang tumawa. "Hindi ako magpapakilala sa 'yo dahil baka—"

"Taga-Alabang ka?" diretso kong tanong at inilapit ko ang aking mukha sa kanya at matalim ko siyang tinitigan.

Wala man lang reaksyong umusbong sa kanyang katawan. Tuwid pa rin ang kanyang pagkakatayo at mas lalong umangat ang pagkakangisi niya.

"Hindi ko sasabihin."

"Wala namang mangyayaring masama sa 'yo kung sabihin mo man. Hello? Ilang beses na ako rito sa marketplace at marami na akong nakitang taga-Alabang. Ikaw lang ang weird."

Inatras ko na ang aking mukha. Nadama ko rin bigla ang bigat ng dala-dala kong backpack kaya dumaing ako nang bahagya.

Ibinaling niya pakanan ang kanyang ulo at pinagtaasan ako ng kanyang kilay. May topak yata ang lalaking 'to.

"Kung sasabihin ko kasing taga-Alabang ako, malaki ang chance na i-barter o i-benta mo 'yang dala-dala mo." Ang kanyang nakangising labi ay inginuso niya sa dala-dala kong backpack.

Ang taas din ng tingin ng lalaking 'to sa kanyang sarili. Pakunwari akong dumura sa lupa at siningkitan ko siya ng mata.

"Kaya ka siguro singkit kasi minamaliit mo kami, ano?"

"Ano'ng konek ng pagiging singkit ko, Lady?"

"Aba, aba." Umiiling-iling na ako sabay lagitik ng aking dila.

"Akin na 'yang backpack mo. Kukunin ko lahat."

Saglit akong natigilan sa kanyang mga tinuran. Nalukot ang aking mukha at nagpapahiwatig ako ng hindi-ako-naniniwala-sa-iyo look.

Tinanggal niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa dahil itinakip niya iyon sa kanyang bibig. Natawa si singkit at nagmukhang timang. Tama, may tama yata 'to. Nakainom or what.

"Problema mo?" bulalas ko.

"Nothing. Nothing." Parang mabibilaukan pa yata siya sa sarili niyang pagtawa. Iwinawagayway pa niya ang kanyang kamay senyales na wala lang talaga.

"Timang!"

Mapaglaro siyang bumuga ng hangin galing sa kanyang ilong at bigla niyang iprinesenta ang kanyang palad.

"Give me the bag, Lady."

"Gago? Magbigay ka muna ng kapalit, 'no? Barter exchange ito. It means kailangan may gamit ka ring maipalit dito. Okay lang kung bibilhin mo 'tong mga 'to."

"I'm going to buy those. Mukha ka kasing problemada. Pinanood kita habang binubuksan 'yang bag mo at sinadya kitang banggain para malaglag ka ulit."

Oh. My. Gosh!

Itong lalaking 'to. I have no words for him.

Nag-init ang aking ilong at tila may apoy na lumalabas sa dulo ng aking mga mata. Kumulo ang aking dugo at nagtiim ang aking bagang.

Siraulo!

"Para kang kamatis, Lady."

"Stop calling me, Lady!"

"So, ano'ng pangalan mo."

"Wala ka na ro'n at wala namang maiiambag 'yon sa buhay mo. Just give me the money."

Mapanloko lang siyang ngumiti at itinaas ang kanyang balikat. Inirolyo ko na lang aking mga mata at mapang-uyam na bumuga ng mainit-init na hangin.

Isinuksok na niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at may inilabas na itim na wallet.

"Magkano?"

"Kung ilan . . . kaya mo." Bigla akong sinapian ng kahihiyan nang itinanong niya iyon. Hindi ko naman kasi alam kung magkano 'tong mga pinaglumaan na damit nina Papa.

"Piso?" At inilabas niya muli ang kanyang nakaiiritang ngisi.

Pinorma ko ang aking kamay na tila kakalmutin na siya dahil sa mga pilyo't nakakainis na mga sagot niya. Walang naitutulong 'yon para mapakalma ang aking sarili.

"500,000," buong lakas kong sambit at pinagtaasan ko siya ng kilay. Tingnan lang natin kung mayro'n ka no'n mister singkit na moreno. Ano ba kasing pangalan nito? Nevermind, hindi niya rin alam ang akin. Patas.

"That's it?" tanong niya sa kanyang pinakahambog na tono.

Naipikit ko na lang aking mga mata, madiin na madiin. Kaunti na lang talaga, may mapapatay ako rito sa marketplace at siya iyon!

"Oh, here."

Inabot niya sa akin ang isang 500,000 bill. Dahil na rin sa pagbabago ng currency, nagbago na rin ang bill dito sa Pilipinas. Nababasa ko noon, hanggang 1,000 bills lang ang mayro'n pero ngayon, may 1 billion bill na. Kaso, bihira lang 'yon dahil mga taga-Alabang lang ang nakatatamasa ng ganoong klase ng salapi.

Walang pakundangan kong kinurot ang bill. Hihilahin ko na sana ang black and white colored bill pero hinigpitan ng lalaking 'to ang kanyang paghawak.

"Give me the bag first," utos niya.

"Paano kung hindi mo ibigay 'yang pera, ha?"

"What if naman kung ikaw ang tumakbo dala-dala ang pera ko?"

"Ang tanga mo sa totoo lang. Paano ako makakatakbo, eh, parang buhat-buhat ko ang entire universe?" bulyaw ko. Hindi gumagamit ng utak ang isang 'to. Pero para maniwala siya, inalis ko na lang sa aking likod ang bag at inabot sa kanya.

Nang makuha naman niya iyon, bigla siyang bumagsak sa lupa at dumaing-daing. Nagulat ako't humalakhak nang napakalakas. Napakahina naman nito.

"Oh, see, sa sobrang bigat niyan, makikita mo na si Lord."

Nakasalubong na ang kanyang kilay at inis na inis na inabot sa akin ang bill.

"Umalis ka na, Lady."

"Hindi ako si Lady," irap kong sabi. "And, thanks."

Tinalikuran ko na siya't ini-sway ang aking buhok para magara ang aking pag-walk out.

At may nabudol akong isang mayaman—ay teka. Hindi niya sinagot kung taga-Alabang ba talaga 'yon. Pero, mukhang tagaroon din naman siya dahil wala naman sigurong mahirap na tao ang mayro'ng 500,000. Himala na lang 'yon.

***

Nag-text na rin ako kay Papa na ubos na ang mga dala kong gamit at nagulat siya dahil ang bilis kong maubos 'yon. Masuwerte na rin ako sa lalaking bumunggo sa akin. Oo, binunggo niya talaga ako. 'Kairita.

Maya-maya na lang daw kami uuwi dahil hindi pa tapos si Papa sa pakikipag-barter exchange kaya gumala na lang daw muna ako rito sa marketplace.

Maraming tao.

Kaliwa't kanan ang paglatag ng mga stalls.

May mga banig pa sa lupa para lang i-display ang mga gamit.

And also, according na rin sa history ng Pilipinas, ganitong-ganito rin ang uri ng pakikipagkalakalan noon. Ang mga sinaunang Pilipino ay nakikipagpalitan. Ilang libong taon na rin ang nakalilipas pero parang bumabalik kami sa panahong iyon.

Habang pinapanood ko ang mga abalang tao, bigla na lang akong may nabunggo.

Naku naman Nadine! Heto ka na naman! Pangalawa na 'to! Pero baka mamimigay ng pera ang isang 'to. Suwerte naman.

"Hala, sorry po—" Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino 'yon. "Pio?" May dala-dala siyang dalawang malalaking handbags sa magkabila niyang kamay at may bitbit pa siyang bag sa likod. Makikipag-barter din ba siya?

"Uy, Nadine! Barter?"

"Ah, oo. Hinihintay ko lang papa ko. Patapos na rin."

"Ah, mabuti naman."

"Ikaw, ba't parang ang dami mong dala?"

"Makikipag-barter din," sagot niya sa kanyang nahihiyang tono. Asiwa rin siyang ngumiti.

"Ikaw lang? Bihira ka lang dito sa marketplace ah. Kaya nagtataka ako bakit ka nandito," pagdududa ko.

"Paminsan-minsan naman 'di ba. Kaya marami rin akong dala ngayon." Bahagya niyang inangat ang dalawa niyang dalang bag at tumalikod para ipakita ang backpack. Humarap muli siya. "Pero kailangan ko na mauna, ha."

"Bakit? Sa'n ba puwesto mo? Tulungan kita maghanap ng customer," alok ko. Ihahayag ko na sana ang aking kamay pero tila lumiwanag ang buo kong paligid kaya agaran kong ipinikit ang aking mga mata. Parang mabubulag na yata ako.

Hindi ko pa naiimumulat ang aking mga mata pero nagsalita na muli si Pio.

"Alis na ako, Nadine. Bye."

Narinig ko ang mga yapak niyang unti-unting nawawala sa aking pandinig at napapalitan na muli nito ang mga ingay mula sa mga nakikipag-barter sa paligid.

Pakurap-kurap kong binuksan ang mga talukap ng aking mata. Kinusot ko pa ito para luminaw ang lente ng aking balintataw. Ipinaikot ko na gaya ng kuwago ang aking ulo at wala na nga sa aking paningin si Pio.

Gusto ko pa naman siyang tulungan.

Inangat ko ang aking balikat saka huminga nang malalim. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad at panonood sa masasayang taong nakikipagpalitan dito sa marketplace.

***

"Oh, kumusta na?" bati sa 'min ni Mama nang bumaba na kami ni Papa sa flying tricycle. Ginabi na rin kami sa marketplace kaya napakagandang tingnan ang umiilaw na paligid mula rito sa tuktok ng mga barong-barong.

"May magandang balita 'tong si Din," sabik na sabi ni Papa.

Ngumiti rin ako saka binunot ang black and white 500,000 bill. Winagwag-wagwag ko pa iyon sa harap ni Mama.

"Oh, mata mo, mata mo!" dilat-mata kong tukso at itinago muli sa bulsa ang bill. Ang mata kasi ni mama ay nag-dilate ng bongga at parang naging itim na lahat 'yong eyeball niya which is kind of creepy.

May mga dala rin si Papa na bagong gamit at ilang pagkain dahil sa pakikipagpalitan. Iyon na rin ang magiging hapunan namin ngayong gabi.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko 'yong kinuha sa bulsa.

Binuksan ko kung ano 'yon at text message mula sa—nanlaki bigla ang mga mata ko—mula ito sa Taguig Council for MMSR-Camatayan Race.

Nagtibukan ang masasaya kong mga ugat at ang aking ngiti ay umabot na sa aking mga mata.

From Taguig Council for MMSR-Camatayan Race:

Hello Applicant,

We are proud to inform you that you passed the application.

Keep your line open in the coming days as one of our team will contact you.

Thank you and have a nice evening.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top