Chapter 30

Chapter 30

Preparation

***

Hindi ko akalain na ako na nga ang naging opisyal na representative ng Taguig. Inayawan ko pa iyon no'ng una dahil mas deserve ni Iman o kaya ni Jens ang maging representative.

Wala na akong nagawa dahil mula na sa council ang desisyon at kung hindi raw ako magiging representative, makakatanggap ng parusa ang aking pamilya kaya napilitan akong sumagot ng oo.

Naligo ako sa pawis, literal na naligo dahil ang suot kong pormal na damit ay naging mamasa-masa kaya lapat na lapat sa akin ang tela niyon. Parang umahon ako sa swimming pool na naka-formal suit kaya hindi kaaya-aya sa pakiramdam.

Hindi na ako nakapalag pa. Tinanggap ko na lang iyon nang bukal sa aking kalooban.

Matapos din ang anunsiyong iyon, hindi ko na nakita pa sina Jens at Iman. Wala na ako naging contact sa kanila. Ibinalik din sa akin ang cellphone pero useless din ito dahil hindi ko sila mahanap. Wala ang kani-kanilang pangalan sa mga social media. Nagtanong-tanong pa ako kay Miss Idda tungkol sa kanila pero once they are eliminated, hindi na niya puwedeng ma-access ang information ng mga trainees at bawal na bawal niyang sabihin kung saan sila nakatira. Hindi ko na lang siya kinulit pa at tinanggap na lang ito nang lubusan kahit masakit at malungkot para sa akin.

Nakalipat din ang buo kong pamilya sa isang maayos na apartment dito sa BGC. Walang mga kahoy de gusali ang nakapaligid. May ilan ding nakatira sa apartment na ito at mukhang nagta-trabaho ang mga iyon sa mga opisina at parte ng gobyerno. Inaasikaso rin kami ng ilang staff at binibigay lahat ng hiling ng aking pamilya.

Namuhay kami na tila isang kasapi ng royal family kaya tuwang-tuwa ang aking mga kapatid. Pero hindi ko rin na-enjoy ang pamumuhay na ito dahil wala nga ang mga taong kinilala ko nang kaibigan habang nasa camp.

Buong linggo rin ako nag-practice sa pinili kong sandata—ang tirador. May kasama akong isang trainor para matutukan ako.

May maganda namang progress ito dahil sa bawat araw na pag-eensayo ko, mas dumarami na ang mga mannequin na aking natatamaan. Dahil na rin dito, gumagaan ang aking kalooban dahil sini-celebrate ko ang mga small wins ko upang mabigyan pa ako ng karagdagang inspirasyon at lakas sa darating na MMSR.

Hindi ko masabing handang-handa na ako dahil syempre, may kaba pa rin akong nadarama. Ang aking kalooban ay puno ng kabigatan dahil buhat-buhat ko ang buong Taguig. Kung ako'y matalo, tiyak mawawala na ang aking pangarap na maiangat pa lalo ang aking pamilya at 'di na mailigtas sila sa extinction.

Natapos na ang halos dalawang linggo kong pag-eensayo kaya pahinga muna ang inatupag ko rito sa loob ng apartment. Sabi rin ni Miss Idda, abangan ko raw ang letter na ibibigay sa akin at ii-email ito kaya lagi kong tingnan ang aking phone at ang computer kung mayro'n bang ipinadala ang mga staff mula sa MMSR. Nalalapit na rin kasi ang ang mismong event na iyon ngunit wala pa raw nalalamang balita si Miss Idda kung anong araw ito gaganapin.

"Din, 'nak," pagtawag sa akin ni Papa rito sa balcony ng apartment. Nakatunganga lamang ako't nagmumuni-muni habang tinatanaw ang walang buhay at kulay na mga gusali. Nakapatong ang aking kamay sa railing ng balcony'ng ito.

Nilingon ko siya't naglalakad papalapit sa akin habang suot-suot ang isang putting shirt at pajama na may bitbit pang tasa ng kape sa kamay.

"Bakit po 'Pa?"

Bumuntonghininga siya nang makatabi na siya sa akin sabay higop sa umuusok na kape.

"Nag-aalala lang ako sa MMSR na 'yan, Din. Noong una, masaya kami ni Mama mo dahil ikaw ang naging representative dahil makakatikim nang maayos na buhay ang kapatid mo. Kaso, habang tumatagal, kinakabahan na kami, Din. Baka kasi—"

"'Pa, buong linggo, araw-araw akong nagpa-practice. Lumiliksi na ako at lumalakas na ang confidence ko para sa race na iyon. Ang goal ko lang ngayon ay mapasama sa top three ng MMSR para mailigtas ang Taguig."

"Magri-risk kang pumatay ng kapwa mo tao kapag nasa loob ka na ng race, Din?"

Naitiklop ko ang aking labi at pinagdikit ang aking mga ngipin. Nakailang paghinga ako nang malalim saka tumingala sa langit na abo na lamang ang kulay dahil sa polusyon.

"Opo, 'Pa," pagsagot ko kasabay nang pagbuntonghininga. "Iyon din ang gagawin ng iba kapag nasa loob na rin sila ng race. They will do anything just to survive. Survival ito, Papa."

"Pero anak, hindi ka ba nakokonsensya?"

"Papa, kung nasa loob ka na rin siguro ng race, hindi mo na 'yan maiisip. Pero, as much as possible, dapat kong iwasan ang ilang racers sa loob dahil kung makasalubong ko sila, patayan ang magaganap."

Bigla na lang naputol ang pag-uusap namin ni Papa nang sumigaw si Mama sa loob ng apartment at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Namilog ang mga mata namin ni Papa at dali-dali kaming pumunta sa sala ng apartment na ito kung nasaan si Mama.

Nakatayo siya sa tabi ng sofa at nanginginig ang kaniyang mga kamay habang hawak-hawak ang kaniyang phone.

"N-Nag-email na ang staff mula sa MMSR. Maghanda ka na raw."

***

"Yes, Ms. Guinto, gaganapin na ang MMSR two days from now," nagmamadaling sabi ni Miss Idda habang naglalakad kami papunta sa kaniyang opisina. Naka-pajama pa lang ako dahil ngayong umaga lang namin nalaman na magaganap na pala ang MMSR.

"Pero bakit sobrang late naman po? Hindi po kasi nakalagay sa e-mail kung bakit sobrang aga."

"Take note, Ms. Guinto. Ilang araw na ring natapos ang Taguig training camp. Hindi ito maaga. We just didn't know when will the race happen."

"Pero dapat 'di ba may palugit?"

"They're maybe testing our readiness. I don't know much about MMSR councils dahil itinalaga lang ako dito sa Taguig. I just receive commands from them."

Nakarating na kami rito sa opisina ni Miss Idda. Pagpasok namin, agad niya akong pinaupo sa upuan katapat ng kaniyang mesa.

"Ms. Guinto, this is really important," aniya habang umuupo. Dama ko ang pagkaseryoso ng kaniyang boses. "You already know about the situation, right?"

Bahagyang nanliit ang aking mga mata at naguluhan nang bahagya sa kaniyang tanong. Naikiling ko pa ang aking ulo pakanan.

"Situation?"

"About Half and Full. . ." timplang sagot ni Miss Idda.

Napabuka ako ng bibig saka tumango. "Opo. Opo. Alam ko po ang bagay na iyon."

Malalim ang hugot ng hininga ni Miss Idda. Tumitig siya nang taimtim sa akin at ang kaniyang mga mata ay tila takot.

Ang aking mga daliri naman sa paa ay hindi mapakali kaya pataas-baba ang ikinikilos nila.

"We don't know if other cities here in Metro Manila chose a representative that is a Half. Malaki rin ang posibilidad na mapili ang isang Full sa Muntinlupa dahil nando'n ang Alabang."

"Opo," sagot ko na lamang. Parang may nararamdaman kasi akong kakaiba.

"Malaki ang tsansang makalaban mo sila sa loob ng race. Malaki ang tsansang mamatay ka habang nasa race. Kaya, once we get there, observe your surroundings. Know other participants. Just like what you did with Jens."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top