Chapter 26
Chapter 26
Level Four: Mini Race
Part 3
***
Matapos ang matinding drama kanina, umalis lahat ng mga eliminated kasama si Selin. Sinamahan sila ng ilang mga tauhan ni Miss Idda na naka-black suit at black glasses. Akong nasa likod, hindi pa rin mawala ang pagnganga ng aking labi.
Blangko na rin ang aking isipan. Walang pumapasok na kung ano dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.
Paanong nangyaring si Selin iyon?
Paano?
Nagsinungaling ba siya na wala na siyang pamilya? Na wala na siyang kaibigan? Ano ang totoo niyang pangalan? May posibilidad bang isa siyang Half kaya binayaran ng magulang niya ang halos lahat ng mga evaluator dito para sure spot na siya?
Napasabunot na lamang ako sa aking sarili dahil 'di ko na alam. Hindi ko na alam! Gusto kong sumigaw dahil gulung-gulo na ako.
Totoo nga pala talaga 'yong sinabi niya sa akin. Huwag akong magtiwala kahit kanino, kahit sa kaniya.
This training camp is full of crap! Nawiwindang na ako sa kaganapan.
Nang matapos ang short meeting, may mga kalalakihan na namang naka-black suit ang nagsidatingan at may mga dala-dalang sampayan na de-gulong. May mga damit doon na nakapaloob sa mga putting plastic kaya 'di ko masyadong makita kung ano ang itsura ng mga 'yon.
Iyan na yata ang mga uniforms na gagamitin namin mamaya sa maze. Pero 'di na ako nasabik kung ano pa ang magiging itsura ng magiging kasuotan namin dahil binobomba pa ng aking isipan kung ano ba talaga ang dahilan ni Selin.
Napapakamot na lamang ako ng ulo at napapahilamos ng mukha. Tahimik akong umiimpit dito sa puwesto ko. Buti na lang talaga at nasa likuran ako at 'di kapansin-pansin itong pinaggagagawa ko.
Tinakpan ko na lang ang aking mukha gamit ang aking palad. Parang gusto ko munang mapag-isa at dahil dito, parang sinasakop muna ako ng panandaliang kadiliman.
Pinapakiramdaman ko lang ang malamig na simoy rito sa conference hall na nagdudulot sa akin ng kapayapaan—kahit saglit lang. Kailangan kong mag-focus muli rito sa training at mamaya ko na isipin kung ano ang nangyari kay Selin.
Tatanggalin ko sana ang palad ko sa aking mukha nang marinig ko ang paggalaw ng upuan sa aking tabi, senyales na may umupo rito.
"She's Half," malamig at malalim na sabi mula sa boses na kilalang-kilala ko—si Jens. "Binalita sa akin ni Miss Idda kanina. We talked in her office regarding Selin's issue."
Marahan ko nang ibinaba ang palad ko at ipinatong sa kaharap na mahabang mesa.
"P-Paano?"
"She changed her name. Her dad came from Alabang, and obviously mayamang tao. According na rin sa investigation ni Miss Idda, mayroon daw betting na nangyayari sa loob ng Alabang. At ang itinaya ng Papa ni Selin ay ang sarili niyang anak para malaki ang tsansang mananalo siya. Once Selin becomes the representative, her dad will win lots of money. Basta, may nangyayaring kakaiba raw sa loob ng pader na iyon at hindi na niya sinabi pa kung ano 'yon."
"N-Nagsinungaling siya sa akin, sa atin," nangangatal kong sabi.
"People lies."
Maikli lang ang itinugon niya sa akin pero tila may isandaang malalaking bato ang dala-dala ng mensaheng iyon.
People lies. Pati ako, nagsisinungaling. Nagsisinungaling ako sa mga kapwa ko trainees dito na may kilala akong isang Half, ay mali, dalawa na pala sila. Gusto ko man ipagpaalam sa lahat na mayroong ganitong nabubuhay sa mundo, hindi puwede dahil mas lalong magkakagulo sa magulong mundong kinalalagyan ko ngayon.
"Huwag mo nang isipin pa 'yon, Binibining Gold. This level is the crucial part. Focus."
I can't. Hindi ko kayang mag-focus nang ganito. 'Yong room mate ko ay isang Half? Eh, ano naman kaya ang kapangyarihan niya. Hindi man lang niya naipakita sa akin.
Napalapit na rin ako kay Selin kahit gano'n siya makitungo kaya ang hirap lang tanggapin.
"In this camp naman, pagkatapos nating ma-eliminate, wala rin namang kasiguraduhang magkikita muli tayo. Kaya wala ring kasiguraduhang magkikita kayo ni Selin. It's better to just move forward. Nandito ka pa sa camp para ipagpatuloy ang sinimulan mo," pagbibigay linaw pa ni Jens sa akin.
Naputol lang ang usapan namin nang nagsalita muli si Miss Idda patungkol sa mga uniforms namin. Doon ko na muna ibinaling ang aking mata at tainga.
"Ito ang isusuot ninyo mamaya habang nasa loob kayo ng maze. Actually, puwede n'yo na rin siyang isuot ngayon, anytime," masiglang wika niya habang kumukha ng isang nakasampay na damit. Tinatanggal naman ng mga naka-black suit ang putting plastic cover ng damit na iyon.
Tila lumiwanag sa aking paningin ang tumambad na kasuotan nang matanggal na ang mga cover nito. Kulay itim ang uniform na iyon. Ang akala ko ay parang school uniform pero hindi pala. Base na rin sa aking paningin, para siyang isang kasuotang isinusuot pang-swimming pero may kakapalan.
"This is the Racer's Suit. The material used in this clothing is infused with technology. Kusa itong magpi-fit sa mga katawan ninyo oras na masuot ninyo ito. Parang magic 'di ba? Oras na ma-detect kasi ng tela ng damit na ito ang balat ninyo, ihuhulma na niya ang kaniyang sarili para maging kumportable para sa iyo. One piece clothing lang ito na may zipper sa harap. It looks invisible ano? This kind of clothing will be also used in the Metro Manila Survival race and in the Camatayan Race. Kaya ginawa namin ito para mapa-feel sa inyo kung ano ang magiging pakiramdam oras na kayo nga ang maging representative ng siyudad natin. Handa na ba kayo?"
Wala na nga ring sinayang na oras Miss Idda at ibinagay na sa amin ang aming mga uniforms o racer's suit. Mas bagay kung racer's suit ang tawag dito kasi kapag uniform, pormal na kasuotan ang unang pumapasok sa aking isipan.
Yakap-yakap ko ang nakatuping racer's suit ko na nakabalot sa puting plastic cover. Dederetso na kami sa susunod naming agenda para sa ngayong araw. Ito ang Underground Level 0.
Hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin ng Level 0 kaya habang nandito kami sa elevator na sinakyan din namin noong pababa kami ng Underground, tinanong ko na si Jens.
"Ano 'yong Level 0?"
"I don't know." Itinaas-baba niya ang kaniyang balikat habang iniling ang kaniyang ulo.
Hindi ko na siya tinanong pa at inabangan ko na lang kung ano nga ba ang Level 0 na 'yan. Pinakinggan ko na lang ang smooth metallic sound habang pumapaibaba ang malaking elevator na ito. Halos lahat din trainees ay nandito lang sa iisang elevator.
Matapos lamang ang ilang saglit, nahati na sa gitna ang pinto. Ang liwanag mula sa kabilang parte ay sinakop ang loob ng elevator. Sobrang tingkad ng ilaw mula roon sa labas kaya tila nasa labas talaga kami.
Naglakad na ang ilang trainees sa harap namin papalabas. Bigla namang may tumabi sa aking isang lalaki kaya napalingon ako sa kaniya.
"Hello, Nadz," aniya sabay kaway ng isang beses.
"O-Oh, hi," pagsagot ko kay Iman.
Ibinalik ko muli ang atensyon ko sa labas at nang tuluyan ko nang makita kung ano ito, napasinghap ako sa aking nakikita.
Parang hindi ito totoo, pero para din siyang totoo!
Nakakahanga! Napakagandang gawa!
Tumutongtong kami sa isang mala-balcony na set-up na puro metal ang paligid. Pero ang nasa ibaba namin ay isang napakalawak na maze. Ang maze din na ito ay gawa sa semento at may mga nakikita akong mga umaapoy-apoy, mayro'n pang parang malalaking kutsilyo na nagduduyan-duyan sa daanan ng maze, at mayro'n pa akong naririnig na kakaibang ingay na mistulang isang bagay na puputol at rorolyo sa katawan ng isang tao.
This is the maze.
"Welcome to Underground Level 0," sabi ni Miss Idda. "Dito gaganapin ang Level Four mamayang hapon. Ang maze na ito ay sinalaki ng apat na soccer field kaya i-familiarize n'yo na ang daanan. Good luck trainees and after this, you may now take your lunch break."
***
Natapos na rin ang lunch break at tahimik lang kaming tatlo nina Jens at Iman sa round table namin kanina. Hindi namin kasama ng kambal dahil nasa ibang round table sila kasama ang ilang trainees.
Nakapagbihis na rin ako ng racer's suit ko. Totoo ngang nag-fit ito sa aking katawan. Kitang-kita rin talaga ang hulma ng aking katawan na hindi ganoon ka-bote ang itsura. Kahit na fit itong tingnan at lapat na lapat sa balat, wala akong maramdamang sagabal sa pagkilos ko. Kahit tumakbo-takbo pa yata ako, hindi mapupunit ang damit na ito. At saka, kumportable rin ito suotin. Parang may malambot akong nadadama sa aking balat.
Wala na rin talaga si Selin sa kuwarto namin pati ang mga gamit niya ay naglaho na tila bula. Walang mensaheng iniwan. Walang bakas na iniwan.
Nalungkot ako nang malalaman kong ako na lang ang matutulog dito mamayang gabi (kung makakapasa ako sa level na ito). Kahit malamig ang buong pakikisama niya sa akin, iyon ang bumuhay sa katauhang mayro'n si Selin.
Mami-miss kita at sana magkita pa tayo para maipaliwanag mo ang sarili mo sa akin. Kahit ano man 'yan, iintindihin ko. Napamahal ka na rin sa akin, Selin, kung alam mo lang.
Habang inaabangan ang pagpatak ng 12:30 ng tanghali para sa weapon test, naglagi muna ako sa fountain kung saan kami nagkikita ni Jens noon. Medyo may kainitan dito pero gusto ko lang sulyapan muli ang fountain na ito.
Umupo ako sa gilid nito at nadama ng puwet ko ang mainit na semento kaya napatayo ako bigla. Hindi rin naman ako magtatagal dito.
Pinagmasdan ko ang payapang pagdausdos ng tubig mula sa estatwa ng fairy sa tuktok hanggang sa maliit na pond sa ibaba. Ang tubig na ito ay nagsisimbolo ng buhay. Ang buhay natin ay parang isang tubig mula sa fountain. Ipapanganak tayo sa tuktok, at marahang baba hanggang sa maging isa muli ng tubig sa pond. Pero kung ilalagay ko ang daliri ko sa padulasan ng tubig paibaba, medyo magigimbal ang daloy nito. At ito naman ang sumisimbolo sa mga hamon natin sa buhay.
Natigil lamang ang tren ng aking pag-iisip nang maramdamang kong medyo nabasa ang sapatos na kasama sa racer's suit na ito.
"Ginagawa mo rito?" tanong ni Jens nang makarating siya sa king tabi.
Pinagsalubong ko ang aking kilay at tumitig sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang kamay at ngumingiti-ngiti pa.
"Waterproof itong suot natin."
Tinarayan ko lamang siya sabay panood muli sa fountain.
"Good luck sa atin."
"Good luck mismo sa akin. Ikaw puwede mong gamitin 'yang powers mo, eh."
"If no one is there. Kaso, makikita tayo ng mga evaluators sa taas habang nanonood at nahihirapan tayo sa pagsagot at paglusot sa maze. Maybe, I'm going to use my powers para makalamang but limited lang."
"Pero you are still using it kaya malaki ang tsansa mong makapasok, unlike me."
"Eh 'di good bye kung gano'n."
Bigla ko naman siyang hinampas sa kaniyang braso na ikinaaray naman niya. Napangiwi pa siya at hinipo-hipo iyon.
"Para mo na ring sinabi sa akin na mamamatay ako."
"Kasi gano'n naman talaga, Binibining Gold," nakangiwi niyang sagot. "Hindi natin alam sino mabubuhay, makakaligtas, at makakapasok sa last level. Kaya good luck."
Napalagitik pa siya ng dila. "Ang sakit ng hampas mo!"
May punto naman siya. Pero sana man lang binigyan niya ako ng encouraging words. Kung si Iman ang kausap ko baka nag-uumapaw na papuri na ang natanggap ko, tapos tatapik na naman siya sa balikat ko.
Nasaan ba 'yong lalaking 'yon? Siya ang kailangan ko para gumaan ang loob ko, at hindi sa lalaking 'to na parang walis tambo ang buhok dahil sa kulay nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top