Chapter 21
Chapter 21
Level Three: The Weapon Test
Part 2
***
Pagbitaw ko sa pindutan, walang estatwang natamaan. Nilingon ko si Iman na nakangiti sabay thumbs up sa akin. Inabot naman niya sa akin ang isang bola para ilagay sa bukana ng tirador.
Nagpasalamat ako saka bahagyang ngumiti. Napagaan ako nang pagngiti niya, eh.
"You can always try and practice."
Tumango ako.
Huminga ako nang malalim at itinutok muli ang tirador sa mga mannequin na nasa harap. Nakaderetso ang aking tingin sa bolang pamato at sa mga target. Hinigpitan ko na ang pagkakahawak sa handle hanggang sa madama ko na ang pagbaon ng aking daliri sa pindutan. Umikot na ang nakalutang na maliit na bola sa bukana ng tirador na aking hawak.
Habang padiin nang padiin at patagal nang patagal ang pagpindot ko sa buton, bumibilis din ang pag-ikot ng nakalutang na bola. Inihanda ko na ang aking sarili dahil anumang oras ay bibitawan ko na pindutang ito.
Inangat ko nang kaunti ang tirador. Ipinikit ko rin ang isa kong mata. Namili ako nang isang target para doon patamaan ang bolang ito.
Nang may mahanap na ako, ang daloy ng aking dugo'y naging abala na nagpadala sa akin ng kaba. Ang aking balahibo'y nagsitayuan na tila nabuhay sa kanilang mga hukay. Nag-unahan sa tibok ang aking mga pulso at ang aking paghinga ay bumibilis na. Umiinit na rin ang aking sentido na tila may makinang nag-o-overheat dito.
Ipinikit ko na ang aking mga mata saka humugot ng isang malalim na hininga.
Bitaw.
Umangat na ang daliring nakabaon sa pindutan ng handle. Nakapikit pa rin ang aking mga mata dahil ayaw kong malaman kung natamaan ba ang isang estatwang nakatayo roon sa may malayong harapan.
Tumahimik saglit.
Walang musika sa paligid na aking nadinig.
Ang mga butil ng aking pawis ay bumabagal at doon nakatuon ang aking isipan.
Ibubuka ko na sana ang aking talukap nang biglang dalawang palad ang pumatong sa aking magkabilang balikat at inalog-alog ako.
Doon ko na naimulat nang tuluyan ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang nagliliwanag na mukha ni Iman. Ang sarap niya lang titigan.
"Congrats, Nadine!"
"N-Natamaan ko?"
"Hindi."
Nangunot ang aking noo at ang ngiting unti-unti nang namumuo ay naglaho. Anong hindi tapos ganiyan siya maka-react?
"Pero dumaplis . . ." Inalis niya ang kaniyang sarili sa aking harapan at hinayag ang kaniyang braso.
Nakita ko naman ang paggalaw ng isang mannequin na aking target kanina. Nadaplisan ko nga dahil gumagalaw-galaw iyon. Masasayang hangin ang nagpasukan sa aking baga at tumingkayad ako dahil sa galak. Nabaling ko ang tingin kay Iman na may ngiti rin sa labi.
"Told you, kaya mo 'yon. Daplis is an achievement. You're doing great," aniya sabay thumbs up.
"T-Thank you," hiyang-boses na sabi ko. Nakadama na lang kasi ako ng hiya at bahagyang kilig sa aking dibdib. Naitungo ko pa ang aking ulo at itinago sa likod ang aking dalawang kamay.
"Cute mo," pagbanggit siya sabay labas ng isang maliit na tawa na nagpanigas naman sa akin.
***
Biglang may nag-ring at umalulong ito sa buong Underground. Pinapanood ko si Iman sa pag-e-ensayo at napahinto siya dahil sa aming nadinig. Dahil salamin lang naman ang pader ng malaking kuwartong ito (actually parang training field na talaga ang tawag ko rito na nilagyan lang ng salamin na pader), nakikita ko ang ibang trainees sa ibang glass rooms na huminto sa kani-kanilang pag-training.
"Trainees, lunch is coming. Puwede kayong magpahinga, maligo kung naisin ninyo, mag-abang na ng pagkain sa cafeteria, o mag-stay muna rito upang mag-ensayo. Gaganapin mamayang hapon ang evaluation para sa level three," anunsyo ni Miss Idda at natatanaw ko siya mula rito na nakatayo roon sa parang balcony na gawa sa bakal at metal.
Naglakad na papalapit dito sa mesa si Iman at inilapag na ang kaniyang hawak na tirador.
"Going to rest?" tanong niya sa akin habang hinahawi niya ang kaniyang buhok palikod.
Ang hibla ng kaniyang mga buhok ay banayad na sumasayaw sa ere. Ang kaniyang pagpikit ay tila bumagal, gano'n din ang aking paligid. Napunta ang aking titig sa kaniyang labing tila ginuhit ng isang pinakamagaling na mangguguhit.
Nakarinig na lang ako ng isang pagpitik ng daliri. Lumabo at nawala lahat ng nangyari sa aking harapan. Napakurap-kurap na lang ako dahil nasa tapat ko na ang kaniyang daliri at ang kaniyang mukha. Namilog ang aking mata.
"Kanina ka pa nakanganga, Nadine," pagbibigay-alam niya saka niya nilayo ang sarili.
Nakanganga?
Ibig bang sabihin, nag-i-ilusyon lang ako sa kaniya kanina.
Nasampal ko ang aking pisngi at inipit ang aking mukha gamit ang aking palad. What the heck, Nadine? Pinagpapantasyan mo ba ang taong 'yon?
Naglalakad na palayo sa akin si Iman nang bigla siyang lumingon.
"Magpa-practice ka pa ngayon? Okay lang naman kasi hindi ka pa naman sanay pero remember to rest and eat."
"No-no. Magpapahinga na muna ako ngayon then babalik na lang ako agad dito sa Underground pagkatapos ng lunch.
"Sabay na tayo," aya niya saka niya sinenyas ang kaniyang kamay na lumapit ako sa kaniya.
Ang tunog ng aking puso ay tila na sa aking tainga lang dahil dinig na dinig ko ito. Naikuyom ko nang malambot ang aking palad at pinipindot-pindot ang aking palad gamit ang aking daliri.
Bakit ba ako kinakabahan pero masaya at the same time?
Sinundan ko na lamang siya at sabay na nga kaming lumabas dito sa glass room. Nagsisilabasan na rin ang ilang mga trainees sa kani-kanilang mga glass room, pero may mga nagpaiwan pa rin.
Inikot-ikot ko ang aking tingin para makita kung nasaan sina Jens at Selin. Kumusta na kaya 'yong dalawang 'yon? Mainit pa rin ba kaya ang ulo ni Selin?
"May hinahanap ka, Nadine?" tanong sa akin ni Iman habang patuloy lang ang aming paglalakad papunta sa elevator at ako naman ay tingin nang tingin sa paligid.
"'Yong mga kasabayan ko sana sa lunch."
"Ayaw mo bang sumabay sa akin?"
Natigilan ako sa aking ginagawa at mabilis kong ibinaling ang tingin sa kaniya. Huminto muna kami sa paglalakad. Parang may tumaklob sa aking semento para panigasin ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung bakit pero nakiliti ako sa mga salitang binitawan niya.
"H-Ha?" utal kong tanong.
"Ayaw mo bang sumabay sa akin kumain? Tayo—" tinuro niya ako at ang kaniyang sarili "—magkakainan"
Bahagyang nagitla ang aking laway kaya dere-deretso itong pumasok sa aking lalamunan. Kakaiba ang mga sinasabi niya. O baka ako lang ang nag-iisip ng mga kakaiba?
Napasabunot na lang ako sa aking isipan.
"A-Ah, okay lang naman. Baka makita ko rin sila sa cafeteria."
Nauna na siyang naglakad saka pumasok na sa elevator. Nagkatitigan pa kami at itinaas ang kaniyang dalawang kilay sabay ngiti. Ang buo niyang mukha ay nagliwanag na tila isang araw.
Nanghihina ako sa tuwing nakikita ko siya. At gusto ko lang siyang makita.
Naglakad na ako papalapit sa elevator nang biglang may bumatok sa akin kaya ang masaya kong paligid ay napalitan ng kadiliman.
Mabilis pa sa kidlat kung magsalubong ang aking kilay saka nilingon kung sino ang gumawa niyon.
"Kumusta, Binibining Gold?" nang-aasar niyang tanong.
Umusok ang aking ilong at nag-init ang aking mata.
"Mukhang ginalit mo yata, Jens," walang emosyong sambit ni Selin.
Saglit na nawala ang namumuong mainit na emosyon ko nang makita ko siya na kasama si Jens.
Naglakad lang si Selin at tumawid lang sa aking paningin. Sumakay na siya sa elevator at mahigpit na dinakma ni Jens ang aking pulsuhan.
"Kain na tayo lunch," masaya nitong sabi.
Nagpatangay na lamang ako kay Jens. Habang papasok sa elevator, nakita kong sumeryoso ang mukha ni Iman. Nawala na muli ang ngiti at liwanag sa kaniyang mukha. Gusto niya yatang makasabay ko siya sa cafeteria pero nandito na sina Jens.
Sasamahan ko ba siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top