Chapter 20

Chapter 20

Level Three: The Weapon Test

Part 1

***

Nasa isang malaki kaming elevator na puro makintab na pilak ang bumalot sa apat na sulok sa bagay na ito. Nakikita ko na nga ang repleksiyon ng aking sarili sa tuwing humaharap ako sa dingding ng elevator na ito. 25 na katao ang nagkasya rito sa elevator na ito at pababa na kami sa Underground na tinutukoy ni Miss Idda.

Bigla naman akong siniko ni Jens na nasa aking tabi kaya lukot-tingin kong ibinaling sa kaniya ang aking mukha.

"Excited ka ba, Binibining Gold?"

"Hindi ako sigurado." Ang tibok ng aking puso ay sumasabay sa smooth metallic sound ng elevator habang bumababa ito.

"May experience ka na ba sa mga weapons?"

"Wala. Hindi ko kayang humawak ng baril. Hindi ko kayang humawak ng kutsilyo para pumatay ng tao," tugon ko sa aking malumanay na boses.

"Well, you should be prepared kasi people around here, once na they master a weapon, they will use that para pumatay at maka-survive sa race."

"I can survive without killing people."

"We don't know, Binibining Gold. In times of survival, there's a chance na makapatay ka nga ng kapwa mo tao in order to live. That's human instinct."

Napabuga na lang ako ng mainit na hangin galing sa aking ilong at bahagyang itinungo ang aking ulo. Mas lalong kumabog ang aking puso na nakakulong sa aking dibdib. Nais nitong lumabas para wala nang kabang maramdaman. Sinapo ko ito gamit ang aking palad at huminga nang malalim.

"We must always be ready, Binibining Gold. We entered this training camp kaya we must forgot our morals for some time. We need to focus here to save ourselves, our family, friends, and our city."

Huminto na ang elevator matapos magsalita ni Jens sa akin. Bahagya na lamang akong tumango saka itinaas muli ang tingin.

Nahahati na sa gitna ang pinto ng elavator at ang liwanag mula sa labas ay sinasakop ang loob nito. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa aking tiyan at bahagyang nasabik.

Ano kaya ang hitsura ng Underground?

Nang tuluyan na iyong bumukas, bumati sa aking mata ang mga kakaibang kagamitang hindi ko maipaliwanag. Mabagal ang paglabas namin mula rito sa elevator. Nakanganga rin ang aking bibig habang pinagmamasdan ang tanawin.

Kulay silver lahat ng dingding at ang tingkad. Napakataas din ng kisame kaya sa hinuha ko, napakalalim talaga nito. May mga iba't ibang gamit akong natatanaw na tila mga obstacle course. May mga hagdan pa akong nakikita.

May mga kwarto namang nakadikit sa dingding ng Underground at lahat iyon ay may salamin na pader kaya kitang-kita ko ang nasa loob niyon. Malalaki ang bawat kuwarto na may lamang kung ano-anong abubot na sa palagay ko ay mga weapon. May pana pa akong nakita sa isa sa mga kuwartong nandirito.

Bumukas na rin ang isa pang elevator at nagsilabasan na rin ang ilang mga trainees doon. Sa wakas, nasulyapan ko na rin si Selin. Akala ko nawala na siya. Kasabay ng batch na iyon si Miss Idda na naglakad na papunta sa amin para tipunin kaming lahat.

Nang makarating na siya rito, nagsama-sama na ang buong trainees.

"Welcome to Underground. This is the place where you are going to master your chosen weapon. This morning, you need to familiarize your chosen weapon. Kung may experience na kayo sa mga weapon na nakahanda rito sa Underground, I advice na manatili kayo roon. Each glass rooms here have weapons. Mananatili kayo sa mga glass rooms na ito habang tini-train ang inyong napiling weapon. Mayro'n lamang kayong 30 minutes para pumili ng glass room. After lunch, we will have an evaluation. And, only 25 trainees will remain." Ipinagdaop ni Miss Idda ang kaniyang mga palad. "Level three starts now. Good luck trainees."

***

"Trainees, you only have one minute to choose to your glass room. Each glass rooms have unique weapons you can train with," anunsyo ni Miss Idda na nasa itaas na bahagi ng Underground. Parang balcony tapos nakamasid lamang siya sa amin mula roon sa itaas.

Napakamot pa ako ng ulo dahil wala akong mahanap na weapon. Wala akong alam sa mga ito.

Si Jens nakita kong pumasok na sa isang glass room kanina pa at ang kaniyang napiling sandata ay baril. Susundan ko na sana siya pero nang makita kong may tangan-tangan na siyang baril, umatras ang buo kong kaluluwa.

Libot ako nang libot sa bawat glass rooms. Nakita ko rin si Selin na nasa isang glass room. Papasok na rin ako sa glass room na napili niya pero biglang umilaw ang pintuan ng glass room na kulay pula at hindi ako makapasok.

"Trainees, once the glass room reaches its maximum capacity, it will automatically lock so that no one can enter unless someone decides to go out and find another one," anunsyo muli ni Miss Idda.

Wala na akong oras dahil halos lahat na ng glass rooms ay nagiging pula. Hindi na maayos ang aking paghinga at ang bulak mula sa aking tiyan ay unti-unting umaangat na tila bumabara sa aking lalamunan. Nanlambot ang aking tuhod na tila naging isang tubig ito at natunaw ako sa sahig ng Underground. Suko na ako. Wala akong alam na weapon.

"30 second trainees."

Nakaluhod na ako sa sahig at nangilid na ang aking luha. Nakipagtitigan ako sa lupa nang biglang may humawak sa aking braso para mapatayo ako. Mahigpit niya akong hinawakan at hindi na ako nakagalaw pa. Nagitla ang buo kong katauhan. Ang aking mata ay walang pikit na bumuka nang lubusan.

Mabilis niya akong dinala at nagpatangay na lang ako sa pagtakbo niya.

"Mayro'n pang free glass room, Miss," sambit niya. Ang kaniyang boses ay nagpagalaw sa aking puso, puno iyon ng sesiridad at malalim.

Patuloy niya lang akong hinihila nang madiin. Ang aking mga paa naman ay nagpadaloy sa agos ng aming pagtakbo at ang aking mga mata ay nakatutok lamang sa kaniyang ulong nakatalikod sa akin.

Ang kaniyang buhok na itim ay tumatalbog na tila mga damong nagsasayawan sa parke. Sino ito?

"5 . . . 4 . . . 3 . . ." pagbilang ni Miss Idda at saktong two seconds, nakapasok na kami sa glass room na kaming dalawa lang ang laman. Namula na rin ang pinto at may tumunog na senyales na lahat ng glass room ay sarado na.

Binitawan na ako ng lalaki at hapong-hapo na siya. Iniyuko pa niya ang kaniyang katawan at ipinatong ang palad sa kaniyang tuhod.

Ako, kahit pagod sa pagtakbo, hindi ko na iyon naisip dahil mas bumabagabag sa aking isipan ang lalaking bigla-bigla na lang akong hinila sa gitna ng Underground.

Nakatayo lang ako malapit sa glass wall ng kuwarto na ito at pinagmamasdan lang siyang humihingal.

Marahan niyang tinuwid ang kaniyang katawan, at ang kaniyang ulo ay lumingon sa akin. May kahabaan ang kaniyang bangs pero nakikita ko pa rin naman ang kaniyang mata at ang mukha niyang maamo. Para siyang batang-binata. Napakakinis na tila wala na itong mga butas o kung ano-ano pang anek na makikita sa mukha.

Ang kaniyang matangos na ilong ay ginawang padulasan ng kaniyang dumadausdos na pawis. Sa kaniyang mga labi naman na mala-strawberry ang kulay ay tila isang jelly.

Namamangha ako sa pisikal niyang anyo dahil parang ngayon lang ako nakakita ng Diyos na bumaba sa lupa.

"Ayos ka lang, Miss. Sorry I grabbed you immediately. Nakita kasi kitang nakaluhod na sa lupa kaya lumabas ako sa glass room ko at dinala kita rito."

Nalaglag sa lupa ang aking panga. Ibig ba niyang sabihin, nasa isa na siyang glass room at sinagip ako para makahanap ng isa pang libreng glass room?

"We should start training."

***

Kanina pa nag-eensayo ang lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan. Pagkatapos kasi niyang magpahinga saglit, lumapit na siya sa table na nakalapat sa dingding ng glass room na ito. Ang mga weapon na nandirito ay ang tirador. Nakagamit na ako ng tirador noon kaso laging palpak ang pag-aasinta ko. Naaalala ko, naglalaro kami ni Pio noon tapos binigyan niya ako ng tirador para tirahin ang mga ibong lumilipad sa itaas. Halos lahat natatamaan ni Pio, samantalang ako, sa ere lamang tumatama.

Kakaiba rin ang tirador na nandirito sa glass room, 'di tulad sa mga tipikal na tirador na gawa lamang sa kahoy at may goma kung saan ilalagay ang pamato o bala. Dito, ang tirador ay gawa sa stainless steel, makintab din ito. Simbigat lang din ito ng mga ordinaryong tirador na gawa sa kahoy. Pero ang kakaiba pa, wala itong goma. Sa bunganga ng tirador, ilalagay roon ang isang bolang pamato na kulay itim. Iyon yata ang angkop na bala para sa bagay na iyon.

Habang pinapanood ko ang lalaki, may pinipindot lang siya sa gilid at ang bolang pamato ay tila isang planetang mabilis na umiikot. Sa oras na bumitaw siya sa pagpindot, kakawala ang bolang pamato at tatama na ito sa target. Malaki-laki rin ang glass room na ito, parang isang basketball court kaya laking gulat ko na naasinta pa rin ng lalaki ang target sa malayo.

Natumba ang estatwang tao.

Sumunod ang isa pa.

Tapos natumba ulit ang dalawa.

Naging apat.

Hanggang sa lahat na ng estatwang target ay natumba.

Namilog ang aking mga mata sa galing niyang umasinta. Napakadali lang para sa kaniya. Napaka-effortless. Para bang hangin lang 'yon. Para bang parte na ng katawan niya 'yon.

Naglakad naman siya palapit sa aking puwesto rito sa tabi ng table. Ang kaniyang tindig ay tila isang kurtinang sumasayaw sa hangin. Marahan pero malihim.

Ang aking dibdib naman ay tumibok nang tumibok na tila sinaksakan ito ng baterya.

"Your turn . . . Miss?" bigla niyang tanong pagkalapag ng tirador sa table.

Napalunok muna ako at pilit na tinatanggal ang bulak sa aking lalamunan. Parang 'di yata ako makapagsalita.

"Ako na ang mauuna. I'm Iman Isidro, nineteen," pagpapakilala niya saka binigay ang kaniyang palad sa akin.

"Uh-uh, I'm N-Nadine Guinto." Atubili kong ibinigay ang aking palad saka nakipagkamay sa kaniya.

Ngumiti si Iman kaya ang kaniyang maamong mukha ay tila umabot na sa rurok ng kalangitan. Natunaw ang buo kong katawan na tila gustong magpahulog lamang sa kaniya. Bakit ba kasi parang nahi-hypnotize ako ng lalaking ito, batay lang sa kaniyang physical features at talent sa pagtirador?

"Familiar ka ba sa weapon na 'to?"

Napakurap ako sabay iling. "Hindi."

Napansin kong natiklop ang kaniyang labi. "Is it okay kung turuan kita?"

Bahagyang namilog ang aking mata at ang aking pisngi ay nag-init. Nadama ko ang pag-agos ng aking dugo sa aking balat at lahat ng aking selyula ay aligaga.

"Pero kung hindi naman, ayos la—"

"Hindi," pagputol ko sa kaniya. "Actually, hindi ako familiar sa ganitong klase ng tirador. Gawa kasi 'to sa bakal," paliwanag ko habang hawak-hawak ang tirador at pinapaikot-ikot ito.

"Good." May naipintang ngiti sa labi ni Iman kaya mas lalong umaliwalas ang kaniyang postura. Para talaga siyang anghel. At ako nama'y, namamangha lamang sa kaniya.

Nang ilang saglit, dinakma niya ang palapulsuhan ko kaya napitlag ako at nakagawa ng tunog mula sa aking bibig. Nakikiliti ang buo kong katawan na tila kinakabahan din.

"Oh, dadalhin lang naman kita do'n sa pwesto kung saan natin pa-practice-in ang weapon natin," mainit niyang banggit, nakangiti pa rin ang labi.

Ako naman, parang estatwa lang na hinihila dahil 'di ko alam kung ano'ng puwersang damdamin ang namumuo sa aking dibdib. Para akong masaya na hindi.

Basta isa lang ang masasabi ko, napaka-charismatic nitong si Iman.

Pagdating namin sa puwesto kung saan namin gaganapin ang pag-eensayo, nagsitayuan muli ang mga natumbang mga estatwa sa may malayo. Nasa likod ko naman si Iman habang tangan-tangan ang aking braso.

Nakikiliti ako pero gusto ko ang presensya ng kaniyang palad sa aking braso. Pakiramdam ko, protektado ako.

"Nagre-ready na ang mga target, Nadine," bulong niya sa aking tainga na nagpatayo sa aking balahibo. Ang pawis sa likod ng aking ulo ay unti-unti na ring nagsisilabasan. Kumabog naman ang puso ko dahil sa ginawa niya.

Tumango ako bilang tugon.

Hinawakan niya ang kamay ko, nakapatong ang kaniyang palad sa ibabaw ng akin. Napalunok na lamang ako at nakagat ang aking labi. Dinahan-dahan ko ang aking paghinga upang makalma ang 'di maipaliwanag na nararamdaman.

"Hawakan mo lang nang mahigpit itong handle ng tirador." Siya ang nagkontrol sa aking daliri. Sabay naming sinakop at kinubkob ang handle gamit ang aming mga daliri. "May nakakakapa ka bang pindutan sa may gilid?"

Kabado akong bumuga ng salita. "O-Oo."

"Pipindutin mo lang 'yan tapos itong bola—" may inilagay si Iman na isang itim na maliit na bola sa bukana ng tirador at lumutang ito "—once na mapindot mo 'yong buton, iikot ang bolang ito. Kung matagal ang pagpindot mo, bibilis at bibilis din ang pag-ikot nito. At kung bibitawan mo na ang buton, tatamaan ng bolang ito ang target mo. Gano'n lang kadali, Nadine."

Bumitaw na ang kaniyang mga daliri sa aking kamay saka niya tinapik-tapik ang aking balikat.

"Kaya mo 'yan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top