Chapter 18

Chapter 18

Level Two Results

***

"Ugh!" tahimik kong ungol dito sa likod dahil ang dami ko pang hindi nasasagutan. Swipe lang ako nang swipe sa mga tanong dahil hindi ko alam ang mga sagot sa mga tanong. Lalo na 'yong mga math questions. Bakit kailangan namin 'yong sagutan? Hindi naman yata kailangan ng algebra sa Camatayan Race na 'yon o kaya sa MMSR. Napasabunot na lamang ako sa aking sarili habang tinititigan ang mga tanong dito sa salamin na suot ko.

"2 minutes left. Finish or not, the device will turn off," anunsyo ng proctor namin sa harapan.

Aligaga ako sa pag-swipe sa ere. Para na siguro akong timang na kumakaway-kaway sa hangin dahil sa mabilis na paglipat-lipat ng mga tanong dito sa salamin.

Nakakainis naman kasi. Bakit ba may test na ganito? Hindi naman kailangan ng mga technical thinking sa competion na ito. Kailangan skilled sa bagay.

Swipe lang ako nang swipe at pindot lang nang pindot sa ere kahit hindi ako sigurado kung tama ba ang mga pinagsasasagot ko. Mangmang na kung mangmang pero sa tingin ko mas okay pa rin na may sagot ako sa mga nilaktawan kong tanong kaysa naman wala.

Habang nagsasagot, bigla namang nawala ang mga tanong na naka-display sa salamin. Napasinghap ako ng panandalian.

"Times up. You may now rest for a while. After dinner, Miss Idda will announce the qualified trainees for the next round. Good luck trainees."

Marahan kong tinatanggal ang aking salamin na nakanganga. Ngayong araw mismo malalaman?

Naglakbay ang isang hindi kaaya-ayang kiliti sa aking balat, dahilan upang magsitayuan ang aking balahibo. Naikuyom ko ang aking palad at naiipit ko na ang handle ng eye glasses na ito. Nanginig sa kaba ang aking braso at ang aking paghinga ay tila isang kabayong tumatakbo. Malaki ang tsansang mae-eliminate ako sa level na ito.

Napatingin ako sa puwesto ni Jens sa harapan. Nakalingon siya sa akin. Ang kaniyang mukha ay puno ng pag-aalala. Ang kaniyang mga mata ay tila nagbibigay sa akin ng kakaibang haplos upang ipanatag ang aking sarili.

"Please return the examination glasses here," utos pa ng proctor.

Napalunok na lamang ako ng isang bola ng laway bago tumayo.

***

"Feeling ko matatanggal na talaga ako," pagbasag ko sa katahimikang namumuo rito sa round table namin. Kumakain na kami ng dinner namin at anytime soon, ia-announce na kung sino ang makakapasok sa top 50 at mapapasama sa next level.

Naitiklop ko ang aking labi at dama ko ang matika nito galing sa pagkaing aking kinakain. Nagtitigan kami ni Selin at inilipat ko rin ang tingin kay Jens.

After ng exams, halos lahat ay nagsipuntahan dito sa cafeteria. May poster kasing nakapaskil sa labas ng mga examination rooms namin na dumeretso na kami rito sa cafeteria.

Kaya wala na kaming time para makapag-usap at habang kumakain, wala ring nagbitaw ng kung anumang salita mula sa aming tatlo.

Alam kong mayro'n pang initan itong dalawang 'to dahil sa pag-a-assume ni Selin na si Jens ang the chosen one. Pero nang umupo rito sa round table ang lalaki, walang giriang naganap.

Nagsalita muli ako pagkatapos uminom ng tubig upang mailunok ang hindi mapakaling nararamdaman.

"Kayo, kumusta exam ninyo? Ako kasi hirap na hirap."

Inangat ni Selin ang kaniyang baso saka uminom. Pinunasan pa niya ng table napkin ang bibig. "Yep. Hindi ko in-expect na gano'n pala ang mga questions. Most of us here, hindi na nakapag-aral dahil mga may kaya na lang ang nakakakuha ng edukasyon, unlike us. Kung gano'n kahihirap ang tanong, sana pala nagdala ako ng mga libro ko."

"Ano sa tingin mo? Makakapasok ka sa next level?"

"50:50. I have a feeling na I aced the exam but there's also a feeling here—" itinuro pa niya ang kaniyang dibdib "—na nagsasabing, I might say goodbye."

"Ikaw, Jens?"

"Mahirap. Pero may times na madali lang. Napag-aralan ko naman 'yong ibang tanong do'n," wika nito habang patuloy sa pagkain.

"Napag-aralan?"

Nabaling ko nang matulin ang aking mata, at dumikit iyon kay Selin.

"Part ka ng high class o mid class?" seryosong bato niya ng tanong. Heto na naman tayo.

Natiklop ko ang aking labi at dinilaan iyon sa loob. Napalunok pa ako dahil baka madulas itong si Jens pero alam ko naman na hindi niya masasabing isa siyang Half.

"I'm the same as you guys. Low class," walang ganang sagot nito. "Kung sisimulan mo na namang magtanong at paghinalaan ako sa mga bagay-bagay, I better change na lang my table."

Narinig ko ang pag-atras ng upuan ni Jens. Aabutin ko sana ang kaniyang plato para hindi siya makaalis pero nagsalita muli si Selin.

"Sorry."

Pero 'di nagpatinag si Jens sa pagpapatawad ni Selin. Lumabas lamang ito sa kabilang butas ng kaniyang tainga at nagpatuloy sa pagtayo sa kaniyang upuan.

***

"Selin, alam kong wala ka ng kaibigan pero mali ang pagtrato mo kay Jens sa tuwing nag-uusap kayo," pagputok ko habang naglalakad kami ni Selin papuntang conference hall, kung saan ia-announce ang mga nakapasa para sa level two.

"Kaya nga ako nag-sorry 'di ba?" malamig niyang sagot.

"Pero dapat iniisip mo muna kung anong mga salita ang dapat na ilabas ng bibig mo."

Bigla siyang huminto at ipinihit niya ang kaniyang harap sa akin. Nagbago ang walang emosyon niyang mukha sa isang mataray na Selin. Nakataas ang isa niyang kilay at bakas sa mga mata niya ang panlilisik.

"Ako, sasabihan mo ng ganiyan? Nadine, you must be aware that every people on this Earth have different personalities. 'Wag mong ipagtulakan ang paniniwala mo sa paniniwala ko. I already said sorry to him. Ano pa ba? At bakit ba siya affected masyado kung hindi naman 'yon totoo? At bakit gano'n din ang nararamdaman mo?"

Tila huminto saglit ang makinang nagpapaandar sa aking katawan. Nagyelo ang buo kong balat at hindi nakapagsalita. Kakaibang kaba ang yumakap sa aking katawan. Napalunok na lamang ako habang tinititigan ang pangmamata ni Selin sa akin.

"See? Hindi ka rin makapagsalita. I smell something, Nadine. Pero hindi sa 'yo, kundi sa lalaking ipinagtatanggol mo."

Umalis na siya sa aking harapan at mabibigat ang kaniyang paglalakad. Napabuga na lamang ako ng hangin at naigalaw ko na rin ang aking katawan. Hindi ako sanay na makitang gano'n si Selin kaya hindi naging handa ang aking kalooban sa kaniyang pagbulalas. Naikuyom ko dahil sa kaba ang aking palad at napagmasdan na ang ibang mga trainees ay pinapanood ako. Nasaksihan yata nila ang nangyari kanina.

Bumuga muna ako ng isang malalim na hangin at pumostura nang maayos. Inangat ko na ang aking sapatos na kulay itim na may punit-punit pa dahil matagal na ito sa akin. Kumakapit pa naman ito.

Nakapasok na ako sa conference hall. Medyo madilim din dito at tanging mga kulay kahel na pailaw na galing sa kisame ang nagbibigay liwanag; mangilan-ngilan lang din ang nakabukas sa mga 'yon. Naka-display na rin sa unahan ng conference hall na ito ang isang malaking LED screen at may nakaimprenta roong, "Level Two Results".

Ibinaling ko naman ang tingin sa mga trainees dito sa loob. Pinahaba ko ang aking leeg upang makita kung nasaan si Selin dahil tatabi ako sa kaniya. Kahit na medyo naging hindi maganda ang maikling pag-uusap namin kanina, mas mabuti kung isipin niyang 'kaibigan' niya ako.

Pero sa paulit-ulit na pag-ikut-ikot dito sa loob ng conference hall, hindi ko siya matanaw-tanaw kaya naghanap na lang ako nang mauupuan.

Dumeretso ako sa dulong bahagi ng conference at umupo sa isang malambot na upuang may mahabang mesa sa harap. Ipinatong ko ang aking siko sa mesa at dinama lamang ang malamig na hanging nagmumula sa mga air-con.

Habang nagmumuni-muni rito sa likod, hindi ko na pala napansing may tumabi sa akin at kinalabit ako.

"Nasaan 'yong kasama mo?"

Napalingon ako sa lalaking nagtanong na si Jens lang pala. Inaayos-ayos niya ang kaniyang upo at sinusuklayan ang kaniyang blonde na buhok gamit ang kaniyang daliri.

Itinaas-baba ko na lamang ang aking balikat senyales na 'di ko alam kung nasaan siya.

Maya-maya, dumating na rin sa eksena si Miss Idda at tumayo sa aming harap. Nailipat ko na sa kaniya ang aking atensyon. Nakasuot siya ng itim na longsleeves at itim na pants. Pormal na pormal ang hitsura ni Miss Idda.

"Good evening trainees. Ito na ang huling gabi sa ilan sa inyo. Nalulungkot ako dahil mababawasan na naman ang bilang ng mga trainee na maglalagi rito sa camp na ito. Only 50 will remain. At hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras dahil bukas ay panibagong araw at panibagong level na naman para sa mga matitira."

Nanginig ang aking kalamnan sa kaba dahil hindi ko natapos ang exam kanina. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at banayad na huminga. Dama ko pa ang pagtawid ng nakayeyelong lamig ng hangin na lumulutang dito sa conference hall.

May pagtapik naman sa aking balikat ang nagpagitla sa aking pagre-relax.

"Don't worry too much, Nadine." Lumingon si Jens sa akin at sabay na ipinakita ang kaniyang perpektong labing unti-unting ngumingiti. "You'll be fine." Tila naman nagliwanag ang kaniyang mukha at ang pagkurap ng kaniyang mata ay bumagal.

Mabilis akong umiling-iling dahil sa imahinasyong umuusbong sa aking utak.

"T-Thanks," alinlangang kong sagot. Tinapos na rin niya ang pagtapik sa aking balikat at ibinalik muli ang tingin sa screen na nasa unahan.

Napalitan na ng mga pangalan ang nasa screen sa harap. Sampung trainees ang nagpakita sa unang slide ng mga qualifiers. Wala ang pangalan ni Jens, ni Selin, at ako. Alam ko namang wala akong pag-asa mapasama sa top ten dahil wriiten exam iyon. Isa sa mga kahinaan ko.

Top 11 to 20, wala pa rin kaming tatlo roon. Pero para sa 'kin, ayos lang dahil masyadong mataas mapabilang doon. Bahagya lang akong nasorpresa dahil wala pa si Jens. Iginalaw ko lang aking aking mata na hindi pinapahalatang tinititigan ko siya rito sa aking tabi. Nakatutok lang ang kaniyang mata sa screen. Para siyang estatwa at hindi gumagalaw.

Nailipat na sa top 21 to 30 ang slide. Napasinghap ako dahil pasok si Selin. Top 21 siya na may score na 78.34%. Wala pa rin si Jens at ako.

Inaasahan kong mapapabilang ako sa top 30 to 50, kung papalarin, pero mukhang lumiliit na lang ang aking pag-asa dahil naungusan pa ni Selin si Jens.

Lumabas na sa screen ang top 31 to 40. Narinig kong napabuga ng hangin si Jens at iniyuko ang kaniyang ulo. Top 34 siya na may score na 69.09%. Nakagat ko naman ang itaas na bahagi ng aking labi. Nagsasayawan naman ang aking dugo dahil sa kaba. Ang aking nakabolang kamao ay nanginginig na rin. Wala pa ako sa listahan.

Ipinikit ko na lamang ang aking mata. Dumilim ang aking mundo. Hinayaan akong yakapin ng hangin upang kalooban ko'y gumaan. Mapait akong ngumiti dahil malaki ang tsansang ito na ang huling level ko rito sa training camp.

Hindi ko naman natapos ang pagmi-meditate ko dahil inalog-alog ako ng katabi kong si Jens. Muntik pa akong matumba at saluhin ng sahig. Naidilat ko ang aking mata. Napanganga ako at unti-unti kong naitututop ang aking kamay sa aking labi.

"Congrats, Binibining Gold."

50 - Guinto, Nadine – 52.84%

Pasok.

Pasok ako sa top 50!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top