Chapter 16
Chapter 16
Level One Results
***
"Kumusta na raw? Wala na bang balita?" tanong sa akin ni Selin habang naka-Indian seat sa gitna ng kaniyang kama.
Umiling ako at inilapag ang aking puwet sa malambot kong kama.
Sinabi ko na rin sa kaniya kagabi 'yong nangyari. Siyempre, gulat na gulat ito. Hindi niya akalaing may nangyayaring dayaan. Pero okay na rin dahil nasesante na rin 'yong mga nag-interview sa akin at 'yong ibang sangkot sa isyu. Sana nga lang may mangyari sa imbestigasyong ginaganap ni Miss Idda.
"Kung mayro'n pala talagang gano'n, sa tingin mo kaya, makakapasok tayo?" tanong pa ni Selin kasabay nang paghiga sa kama. Narinig ko pa siyang bumuntonghinininga.
"Ako, hindi ko alam."
"Kasi ganito, the interviewers evaluated all of us na. And do you think that those people are just playing with our scores?"
"Sa tingin ko, oo. Base na rin sa nangyari kahapon, hindi nila sineryoso 'yong interview ko."
"Who do you think is that person?"
"Person?" Nangunot ang aking noo.
"'Yong trainee na napili na dapat nila."
Sinabi ko na ito kay Jens kahapon na siya ang feeling ko na napili na ng council dahil nga isa siyang Half. Isa lamang 'yong haka-haka ng aking isipan dahil hindi naman ako sigurado na siya na ba talaga ang niluluto. Pero hindi ko na ito sasabihin pa kay Selin dahil baka magtaka pa siya sa pagiging Half ni Jens.
"Wala. Wala akong idea kung sino," sagot ko sa tanong niya.
May namuo namang katahimikan ang tumawid sa tulay na namamagitan sa aming dalawa ni Selin. Nakahiga lang siya habang nakatulala sa kisame at ako naman ay nag-iisip ng kung ano-ano.
Makakapasa ba ako sa level one?
Maling tanong.
Nakapasa ba ako sa level one?
Hindi ko alam ang isasagot dahil hindi maganda ang pagtatagpo namin ng mga nag-interview sa akin kaya, malaki ang tsansang matanggal na ako.
Hindi ko rin alam kung may gagawin ba si Miss Idda sa mga evaluation ng mga interviewer dahil may katiyakan talagang nilaro-laro lang ng mga 'yon ang scoresheet ng mga trainees.
Habang malalim at payapang nag-iisip, umilaw ang flatscreen TV na nasa dingding kaya doon ko nailipat ang aking mata. Napabalikwas din ng bangon si Selin.
Binasa ko ng tahimik ang nakasulat dito.
Greetings, Trainees!
We're declaring that any phones and other devices used to communicate within and outside the training camp will be confiscated. Please remain in your rooms until the staff asks you to hand up your electronic devices.
Any trainee who disobeys this instruction will be expelled from the training camp completely and permanently.
Thank you very much.
Napatango na lang sa anunsiyong nabasa ko sa screen.
Ibinaling ko naman ang aking tingin kay Selin at bakas sa kaniyang mukha ang isang yamot na ngisi. Parang ngayon ko lang din siya nakita magpalit ng ekspresyon. Lagi na lang kasing walang emosyon.
"Dapat kinumpiska na nila ito no'ng dumating na tayo rito," walang gana niyang giit. Bumalik na muli siya sa pagkakahiga at tumagilid, nakatalikod sa akin.
Itinago ko ang cellphone ko sa maleta ko kagabi dahil mayroon ngang confidential recording doon. Umupo ako sa tabi nito at hinanap ang phone sa loob. Pagkahanap, saktong may tumunog na notification at nakita ang message galing sa papa ko.
Bumigat ang aking kalooban pati na rin ang timbang ng hangin dito sa loob ng kuwarto, lumamlam din.
Kumusta na sila?
Hindi ko pa pala sila naa-update tungkol sa lagay ko rito sa camp.
Ipinikit ko muna ang aking mata, madiin na madiin, saka humigop ng isang malalim na hangin sa paligid. Bahagya akong kinabahan at ang aking dibdib ay tila naninikip.
Tiningnan ko muli ang notification at binuksan ko na ito.
Papa:
Kumusta ka na?
Anak, kumain ka nang tama ha.
'Nak, may nakilala ka na ba d'yang bagong kaibigan?
Tingnan mo mga gamit mo ha, baka may mawala.
Focus ka lang sa goal mo. Alam kong kaya mo 'yan.
Nakagat ko ang itaas na bahagi ng aking labi at nangilid ang tubig sa aking mata. Napabuga na lang ako ng hangin galing sa king baga habang binabasa pa ang iba pa niyang mensahe. Tila nasa paligid ko lang ang aking pamilya dahil nakadama ako ng kakaibang yakap na nagpababa sa aking kabadong selyula.
Opo, 'Pa, magpo-focus ako sa goal ko rito. Okay lang naman din ako rito. May nakilala na rin akong mga kaibigan at may sikreto rin akong nalaman.
Iyan sana ang ire-reply ko nang biglang may kumatok sa pinto kaya tila naging kuwago ang aking ulo at nilingon ang pinto ng kuwarto.
"Ako na ang bubukas," bagot na wika ni Selin na bumangon sa kaniyang kama.
Tumayo na rin ako sa aking puwesto dahil baka ayan na 'yong mga mangongolekta sa mga cell phone namin.
Nag-slide ito nang makalapit si Selin doon at nagpakita sa amin ang isang babaeng staff na naka-itim uniform at naka-pony tail. May gloves din siyang kulay itim at may basket na bitbit puno ng gadget.
Nasaksihan ko na ring ini-shoot ni Selin ang kaniyang phone doon at walang ganang bumalik sa kama niya.
Nakipagtitigan naman sa akin ang babaeng staff na may ngiti sa kaniyang labi. Ibinalik ko ang tingin sa phone at dali-daling nag-type habang naglalakad papalit sa babae.
You:
Hello, 'Pa. Ayos lang ako dito. 'Wag kayong mag-alala. Kino-confiscate na rin sa amin itong phone namin kaya baka ito na ang huli kong reply sa inyo. Ingat kayo d'yan. I love you.
Saktong pagpindot ko ng send, nasa tapat na ako ng babae. Sinuklian ko rin siya ng ngiti bago inilapag sa basket ang phone ko.
***
Mabilis umandar ang orasan at dumating na ang aming hapunan. Nagtipon-tipon lahat ng trainees dito sa napakalawak na cafeteria na may pulang carpet sa sahig. Nakapila na kami ni Selin para kumuha ng pagkain namin.
Hindi ko naman siya makausap dahil simula na no'ng kinumpiska sa amin ang aming mga phones, nawalan na siya ng gana makisalamuha. Hindi nga rin talaga siya sanay at wala rin talaga siyang mga kaibigan, sabi niya noon. Kaya pagse-cellphone ang kaniyang inaatupag.
Nasa unahan siya ng pila, kasunod ako, kaya kinalabit ko ang kaniyang braso. Mabilis pa sa kidlat siyang lumingon kaya bahagyang nagtalunan ang aking dugo sa gulat. Nakalinya at patay lang ang kaniyang pagtingin sa akin.
Iniliyad niya ang kaniyang ulo sabay sabi ng, "Ano?"
Umiling ako. "Wala. Wala."
Mapait niyang kinurba ang labi saka ibinalik ang tingin sa harap.
"Ano kasi, nag-aalala lang ako sa 'yo. Tumahimik ka bigla."
"Tahimik naman talaga ako," aniya sa kaniyang pinaka-pinakawalang ganang boses.
"I mean, mas lalo kang tumahimik," pagtatama ko.
Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos kong sabihin iyon. Umaandar na rin ang pila at nakakakuha na kami ng pagkain namin ngayong dinner.
Sabay pa rin naman kaming naghanap ng round table kung saan kakain pero naging isang naglalakad na estatwa itong si Selin.
Nang makaupo na kami, sakto ring dinaluhan kami ni Jens.
"Uy, balita ko ia-announce na ngayong dinner 'yong mga nakapasa kahapon sa interview," maligayang bungad niya sabay upo saka bumuga ng isang hangin. Tinitigan niya kami na nakataas ang kilay at nanlalaki ang mga mata. Para siyang kuwago na tsonggo.
Bigla niyang itinuro si Selin na nasa tabi ko't tahimik na kumakain. Sinisenyasan naman ako ni Jens gamit ang mukha niya na parang ano-mayro'n-sa-kanya?
Inangat ko ang aking kamay at inilapit sa aking tainga ang aking palad. "Phone. Nagkakaganyan dahil sa phone."
Tumango si Jens bilang tugon. "Sa bagay, ako rin eh. Nalungkot ako. Pero kailangan din nating mag-focus sa training kaya sang-ayon ako sa desisyon ni Miss Idda."
"Si Miss Idda nag-utos?"
"Yeah. Pumunta ako sa office niya kanina dahil nagulat ako no'ng in-announce niya 'yon kanina."
"Ano'ng reason?"
"Focus sa training camp nga. Kulit naman, Binibining Gold," pataray niya itong sinabi na may pilyong ngiting nakapinta sa kaniyang laba.
Inilukot ko ang aking ilong at pinandilatan siya ng mata.
"And also, patuloy pa rin siya sa investigation about sa nangyari kahapon. Kahit na may na-fired na mga staff and evaluators na may alam doon, she still wants to know who's behind that."
Iniyuko na ni Jens ang kaniyang ulo at inilipat ang tingin sa kaniyang pagkain. Napabuntonghininga na lang ako at inangat ko na ang kubyertos para simulan ang pagkain.
Habang kumakain, may narinig na lamang kaming nagsalita sa mga speakers na nakakabit sa bawat corners ng cafeteria na ito. Natigil ko ang pagkain ko at tiningala ang mga speakers.
"Good evening trainees. How's dinner going? For some of you, this could be your last meal here in the camp," sabi roon na parang kaboses ni Miss Idda. "Please proceed to your respective rooms after you have finished your dinner and look at the televisions installed in your rooms. It will indicate whether you passed level one and will proceed to level two. Good luck, trainees."
Nagtitigan kami ni Jens na may laman pang kanin sa kaniyang bibig. Namilog ang kaniyang pisngi. Si Selin naman ay mabilis na natapos ang pagkain dahil kaunti lang naman ang kaniyang kinuha dahil wala rin naman siyang gana. Inangat na niya ang kaniyang puwetan.
"Balik na ako sa room natin," malamig niyang sabi saka umalis na rito sa round table namin.
"Parang wala namang kaluluwa 'yang best friend mo, Binibining Gold," komento ni Jens sabay inom ng tubig sa kaniyang baso.
"Kailan ko 'yon naging best friend, ha?"
"Ewan, baka kanina lang. Anyway, aakyat na rin ako sa room namin. I need to know kung pasado ba 'yong roommate ko."
"Bakit siya?"
"Gusto ko na siyang mapaalis dito. Nai-intimidate lang ako sa kaniya."
"Siguro overpowering 'yong aura niya 'no?" usisa ko at pumangalumbaba. Itinaas ko na rin ang isa kong kilay. May kahinaan din pala ang isang 'to at sa isa pang ordinaryong tao.
"Nope. Basta. Balik na rin ako. Ubusin mo na 'yang pagkain mo, Binibining Gold."
***
Nag-slide na ang pintuan ng room namin at pumasok na ako sa loob. Naabutan kong nakatayo si Selin sa harap ng TV kaya binilisan ko na rin ang paglalakad.
Pagsilip ko, nakalagay ang dalawa naming pangalan doon at may nakalagay ring congratulations.
"Congrats. Passers tayo," malamlam na pagbati ni Selin sa aming dalawa. Inalis na rin niya ang kaniyang sarili sa harapan ng TV at bumalik sa kama.
Tiningnan ko naman kung ano pa ang nakalagay rito sa TV.
Top 100 Level One Passers
Top 52 Orpeza, Selin
Top 100 Guinto, Nadine
Congratulations!
Please get ready for your Level Two: Examinations tomorrow. It will be a written exam to assess the trainees' knowledge.
Thank you and have a nice evening!
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top