Chapter 15
Chapter 15
The Recording
***
Nakaupo na ako rito sa loob ng opisina ni Miss Idda. Hapong-hapo habang hawak-hawak ang aking dibdib. Binigyan pa niya ako ng maiinom at isang bimpo para maibsan ang pagod na aking nadadama.
Nasa tapat ko naman si Jens at mababakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Hindi na niya rin maalis ang tingin sa akin.
Naiilang ako pero ipinagkibit-balikat ko muna dahil mas importante itong impormasyon na maidadala ko sa kanila.
Nasa silya na rin si Miss Idda at nakapatong ang kanyang palad sa kanyang mesa. Nakatiklop pa ang kanyang labi habang nagsasalubong ang kanyang kilay sa taka.
"Ms. Guinto, tell us why are you running na parang may humahabol sa 'yong isang nakamamatay na hayop?"
Tumango ako bilang tugon at lumunok ng tubig.
"Miss Idda, may ibabalita po ako sa inyo."
"Ano 'yon?" Ipinakita pa niya ang kanyang palad.
"I think, the interview is rigged. Nakapili na sila ng taong magiging representative ng Taguig."
"Paano mo naman nasabing rigged iyon, Ms. Guinto?"
"Habang ini-interview po ako, hindi po ako pinapatapos no'ng isang interviewer. Tumawa pa nga ho sila sa sagot ko kahit hindi naman po 'yon nakakatawa."
"Then?"
"Then, sabi po ng isang nag-i-interview sa akin, mayro'n na raw pong napili para maging representative."
"That's impossible, Ms. Guinto. Kaya nga ginawa ang training na ito at ang mga levels dahil para malaman natin kung sino ang karapat-dapat."
"Opo, Miss Idda. Imposible talaga pero—" naitigil ko ang aking sasabihin dahil dumaan na parang kidlat sa aking isipan ang recording mula sa aking cellphone "—ah, wait po."
Agad kong binunot sa bulsa ko ang aking phone at hinanap ang recording.
Ipinatong ko sa mesa iyon at sinabihang pakinggan ito nang mabuti. Pinindot ko na ang play button saka kusa na itong umandar.
Taimtim na nakikinig si Miss Idda at si Jens naman ay inilalapit ang ulo sa puwesto ng phone.
Nang matapos ang pag-play nito, agad ko rin itong kinuha at itinago muli sa aking bulsa.
"What's your interview room number, Ms. Guinto?" tanong ni Miss Idda habang tumatayo mula sa kanyang silya. May kinuha siyang patpat na nakapatong sa estante ng library na matatagpuan din dito sa kanyang opisina.
"RM 0501-A po."
"Thank you. Kumain ka na rin ng dinner mo at ako na ang bahalang mag-imbestiga rito."
"Pero Miss. . ."
"I want to know from them who's behind this. Hindi ko alam na may ganitong gawain ang council or kung sinuman. Rest assured that I will maintain this training fair for all."
Lumabas na ng opisina si Miss Idda.
"Hindi mo pa siguro alam na si Miss Idda ang head ng Taguig Training camp kaya kahit na may council at sponsors na sumusuporta rito, si Miss Idda pa rin dapat ang masunod," paliwanag ni Jens. "And, kung ano man 'yong isyu na 'yon, I am hoping na ma-solve na 'yon agad. That's really unfair."
Bigla namang hinablot nitong si Jens ang aking palapulsahan nang siya'y tumayo kaya tila nahila ang buo kong katawan.
"Aray naman!" bulyaw ko.
"Kumain ka na ng dinner. Halika na," nakalingon niyang sabi sa akin. Nakikita ko ang kalahati niyang mukha at ang kanyang mga matang tila nangungusap nang tumama iyon sa akin. Ang kanyang matangos naman na ilong ay tila hinulma ng isang propesyonal na manlililok at ang dulo ng kanyang labi ay katulad ng kung ano ang mayroon sa mga bata.
Agad kong iniling ang aking ulo dahil parang nagliwanag yata ang mukha ni Jens habang nakikita ko ang mga magandang anyo niya.
Parang masusuka yata ako sa biglang shift ng utak ko mula sa Ermino Demonyo to Ermino Gwapito.
"Oh, bakit ka tulala Binibining Gold?"
"Wala," asik ko at tinabig ko na lang ang kamay niyang tangan-tangan ang palapulsuhan ko. "Tse! Alis! Kaya kong pumunta ng cafeteria mag-isa."
***
Mag-aalas dose na at narito ako sa opisina ni Miss Idda. Nasa tapat ako ng pintuan niya at hinihintay na bumalik siya. Gusto kong malaman kung ano'ng nangyari do'n sa tatlong nag-interview sa akin lalo na ro'n sa matandang hukluban na 'yon.
Naulinigan ko namang humikab si Jens sa aking tabi. Nakaupo't nakasandal siya sa dingding habang nakatingala sa itaas.
"Bukas na lang natin alamin. Inaantok na rin ako, Binibining Gold."
"Wala naman akong sinabing samahan mo ako rito 'di ba?" irap ko.
"Wala nga pero nag-aalala ako," nakapikit niyang sabi. Bakas na rin sa boses niya ang pagkabagot.
Isininandal ko na rin ang aking likod at umupo nang maayos.
"Alam mo ba, no'ng sinabi sa akin ng isang nag-i-interview na may napili sila, ikaw agad unang pumasok sa isip ko."
"Ako?"
"Oo. Kasasabi ko lang 'di ba?"
"Bakit? Kasi Half ako?"
"Uhm. . . oo. Sabihin na nating gano'n."
"I might be Half pero may mga bagay na syempre kailangan kong pagdaanan. Sabi nga ni Miss Idda, she wants this training to be fair for all."
"Oo nga pero malay mo, since your dad is one of the sponsors, baka binayaran niya na 'yong mga evaluators."
"Kung totoo man 'yang haka-haka mo, ayaw kong maging representative dahil may backer ako."
Nakarinig naman kami ng yapak ng isang heels dito sa hallway at umalingawngaw ito. Nadatnan na rin ng aking paningin ang nakaitim na gown na si Miss Idda. May dala-dala siyang papeles at ang poise ng kaniyang hitsura.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod naman si Jens.
"Oh, matulog na kayo," bungad na banggit ni Miss Idda nang makarating siya rito sa pinto ng opisina niya.
"Kumusta na po? 'Yong nag-interview sa akin kanina?"
"I'm going to investigate it further. I also fired them as the evaluators and I included those na may alam din sa issue na ito." Naobserbahan ko namang mabilis na inilipat ni Miss Idda ang kaniyang mata kay Jens na nasa likuran ko.
"Magpahinga na kayo as I will announce thepassers tomorrow para sa next level ng training camp. Good night."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top