Chapter 14

Chapter 14

Unexpected Interview

***

"Describe yourself," saad ng lalaki.

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.

"I am Nadine Guinto. I am the eldest in our family—"

Bigla namang itinaas ng matandang babae ang kanyang kamay kaya awtomatiko akong napahinto. Napakurap pa ako't nakagat ang aking labi. Ano ang ibig sabihin niyon?

"We said na describe yourself."

Bahagyang naningkit ang aking mga mata at humilig pakanan ang aking ulo.

I am describing myself.

"P-Po?" magalang kong tanong.

"Kung 'di mo alam ang isasagot, we can now move on to the next question," sabi naman ng dalagita.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sobrang istrikto ng mga taong nandirito. Saglit na namanhid ang buo kong katawan at nanigas din ito.

"Okay Ms. Guinto." Bumalik ulit sa lalaki ang katanungan. "What are the things you know about our city? Of course, kailangan natin ng isang representative na maalam sa ating siyudad."

Napalunok ako ng laway dahil dapat ko itong masagot. Bumuga ako ng hangin upang mapakalma ang aking sarili.

"Our city, Taguig, came from the word taga-giik—"

Itinaas muli ng matandang babae ang kanyang palad kaya napahinto muli ako sa pagsagot.

"Hindi pa po ako tapos."

"Next question," masungit na sabi nito at inihayag niya ang palad sa dalagita.

Tumango naman ang dalagita at nagsimula nang magtanong.

"Bakit mo gustong maging trainee?"

Kumurap-kurap muna ako bago sumagot.

"Gusto ko po kasing maging representative ng siyudad natin sa MMSR at—"

Nalaglag na ang aking panga at napa-huh na lang ako dahil itinaas muli ng matandang babae ang kanyang palad.

Ano bang problema nito? May mga mali ba sa mga isinasagot ko?

"Pangatlong beses na po ito."

"Next question." Parang dumaang hangin lang ang reklamo kong iyon.

Bumalik muli sa lalaki ang pag-i-interview.

Huminga na lang ako nang malalim pero nadidismaya na ako sa pakikitungo nila. Nang magtagpo ang tingin namin no'ng matanda, literal na inirapan ko na siya.

"Why shouldn't we choose you?"

"Shouldn't?"

"Yes Ms. Guinto."

"You shouldn't choose me if you are looking for a representative who is not a fighter. I am eager to fight for what I believe in. I am willing to take risks. And if you are not going to choose me, I am now saying it to the three of you right now, our city will face its doomsday."

Biglang tumawa ng mahinhin pero nakauuyam ang matandang babae.

"Nakakatawa ang sagot ng batang ito." Pabalik-balik pa siya ng tingin sa kapwa niyang interviewers at sa akin. Nagtawanan na silang tatlo habang ako naman ay unti-unti nang nauubos ang linya sa aking pasensya.

Naipikit ko na lang nang mariin ang aking mata at nagtiim ang aking bagang. Parang magka-crack na yata ang mga buto ko sa aking ngipin dahil sa lakas ng puwersang ibinibigay ko.

Matandang bruha!

"Excuse me po," matigas at seryoso kong pagputol sa pagtatawanan nila. "Lalo na ho kayo, Ginang."

"Oh, ako?" Itinuro ng matandang hukluban ang kanyang sarili.

"Opo."

Itinaas niya ang ang kanyang kilay at nagpangalumbaba sa mesa.

"Kanina pa po ako sumasagot nang maayos pero pinuputol ninyo. Kung ayaw ninyong mailabas ang aking sagot, ano pang saysay ng interview na 'to? Bakit? May napili na ba kayong representative ng Taguig?"

"Hindi ko sasagutin 'yan, bata."

"So, bali mayro'n nga? Bakit pa ninyo gagawin ang bagay na ito kung mayroon na pala. Sana in-announce n'yo na lang sa buong Taguig na may napili na kayo at hindi 'yong magsasayang pa kayo ng oras para lang sa training camp na ito!"

"Hindi kami nagsasayang ng oras—"

"Hep, stop right there, matandang hukluban." Dinuro ko na siya. "Oh, naranasan mo 'yong naramdaman ko kanina?"

Ang kanyang kilay nagdidikit na at mas lalong kumukulubot ang kanyang balat. Nag-iwan naman ako ng isang mapang-asar na ngisi.

"Kung ganito lang din pala ang gagawin ninyo, I rather announce it to the whole training camp."

"Wala kaming sinasabing puwedeng mai-announce, bata."

"Weh?" Inilabas ko pa ang aking dila at lalo kong idinilat ang aking mga mata. "Kasasabi mo lang kanina na mayro'n na kayong napili para maging representative."

"Hindi ko isinagot iyon."

"Bakit? Bakit ayaw mong sagutin? So totoo nga? Totoo!"

"OO, MS. GUINTO!" bulalas ng matanda. Parang puputok na rin ang kanyang ugat sa kanyang leeg. Ang dalawa naman niyang kasama ay tahimik lang. Para silang robot at walang nakapintang emosyon sa kani-kanilang mukha.

"Oh well, thank you sa pag-amin."

Inilabas ko ang aking cellphone at ipinakita ko sa kanila ang recording ng audio.

"Thank you. 'Wag na rin kayong magsayang ng pagod dahil makakarating ito kay Miss Idda."

Hindi ko rin alam kung may kinalaman ba rito si Miss Idda pero batay na rin sa reaksyon nila, lalo na 'yong matanda, nanlalaki ang kanilang mga mata.

Baka wala ngang kinalaman si Miss Idda.

"Good bye, mga bitches! Wala kayong kuwenta!"

Dinuraan ko pa ang kanilang mesa saka marahas na tumayo rito sa aking upuan.

Mabilis akong lumabas sa cubicle. Tinatawag pa no'ng lalaki ang aking pangalan pero hindi ko na sila nilingon dahil baka may mangyari pang masama sa akin.

Paglabas ko ng room, dagli akong tumakbo sa elevators at pumindot.

May bumukas din naman agad. Natanaw ko 'yong lalaking nag-interview sa akin at papalapit na rin siya sa akin.

Agad-agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang buton para makapunta sa ground floor kung saan ang opisina ni Miss Idda.

Mabilis ang pagtibok ng aking puso at ang aking paghinga. Maya-maya, narinig ko na nagsalita ang elevator at nahati na sa gitna ang pinto nito.

Luminga-linga ako sa paligid kung makikita ko ba ang lalaking sumunod sa akin pero wala siya kaya tumakbo na muli ako.

Hingal na hingal ako habang tumatapak sa matingkad na sahig ng ground floor na ito.

"Hoy, Binibining Gold!" sigaw ni Jens na nagtatakang pinapanood ang pagtakbo ko.

Kalalabas niya lang siguro sa cafeteria at katatapos lang din mag-dinner.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso ako sa opisina ni Miss Idda.

Nang marating ko iyon, sinapo ko muli ang aking puso at ang aking sentido. Grabe ang pulso sa aking katawan na tila buong balat ko ay tumitibok. Ang pawis ko naman ay tagaktak na tila may karagatang nagtatago sa ilalim ng aking balat.

Lumunok muna ako ng laway saka ko ipinatong ang aking palad sa doorknob ng opisina ni Miss Idda.

Pero hindi ko na iyon natuloy dahil sumulpot na lang sa aking gilid si Miss Idda kasama si Jens na hapong-hapo rin. Hinabol yata ako.

"Ano'ng mayro'n, Ms. Guinto?"

"Oo nga, ano'ng nangyari sa 'yo, Binibining Gold? Bakit ka tumatakbo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top